ZingTruyen.Xyz

Golden Sin

Simula

vampiremims

Simula


Maingay sa loob ng court.

Malakas ang hiyawan, may nagtatambol pa sa may tuktok ng mga upuan habang lahat ay kinakabahan habang nanonood sa laban.

Mahigpit na rin ang hawak ko sa clapper na ibinigay sa amin kanina nang pumasok kami habang kagat ang labi at tinatambol ang dibdib sa kaba habang nanonood.

Championship game iyon kaya talagang mahalaga ang laro na iyon lalo na para kina Kuya Gab. Rookie sila ngayong taon at may mga gustong patunayan kaya rin ganadong-ganado silang maglaro.

"Go, Kuya Gab!" sigaw ko nang makuha ng kapatid ko ang bola.

Kahit ang mga schoolmates nila ay naghihiyawan din para i-cheer ang Black Kings. Matagal na rin na walang championship ang Black Kings at ngayon ay muli silang nakapasok sa finals kaya talagang todo suporta ang mga estudyante sa kanila.

Idagdag pa na pulos guwapo ang mga players nila ngayon kaya nga kahit mga supporters ng kalaban ay hindi mapigilan na mapasuporta sa kanila.

"Benedict!" sigaw ni Kuya Gab sabay pasa ng bola sa lalaki.

Napatingin ako sa lalaking pinasahan at mas bumilis ang tibok ng puso ko.

The pass was quick but he was able to catch it. Ngumisi rin siya nang makuha iyon at huminto muna para i-dribble ang bola at tignan kung nasaan na ang mga kakampi niya.

Lahat ay may bantay. Sinubukan ng kuya ko na kumilos para mag-screen pero mabilis din ang kalaban nilang Red Knights.

They were the former champions for a reason. Magaling sila, matatangkad at maliliksi rin na kumilos pero kilala ko ang kapatid ko at ang mga teammates nila. Babad sila sa practice para sa araw na ito kaya alam kong hindi sila basta magpapatalo sa mga kalaban nila.

Benedict took a step back and dribbled the ball.

Nahihirapan pa rin siyang ipasa iyon.

Napatingin ako sa shot clock, mas kinakabahan ako habang pababa nang pababa ang oras na naroob.

"I-shoot mo na!" malakas na sigaw ko.

Nasa may likod lang naman kami ng bench ng Black Kings nakaupo kaya rinig na rinig niya ang pagsigaw ko.

Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya bago muling nag-dribble, nag-fake at tumira ng tres!

Mas lumakas ang hiyawan nang pumasok iyon at na-foul pa siya kaya naging four-point play ang nangyari. Walang kahirap-hirap na naipasok ni Benedict ang free throw at nagpatuloy ang laro.

"Ang pogi talaga ng mga player sa team natin!" ani Patricia na katabi ko. Panay rin ang kuha niya ng pictures. Kanina ay nagvi-video pa siya.

"Wow, hindi pa nga tayo nakakapag-enroll, team na natin agad?" kontra naman ni Miaka na may hawak ding clapper para suportahan ang players ng St. Guillermo Academy.

"Enrollment na next week kaya puwede na nating i-claim na team natin sila," hindi nagpapatalo na sabi ni Patricia. "Hindi naman tayo sa ibang school papasok, e."

"Si Belly pa lang ang legit na part of the team, e. Tignan mo, naka-jersey na agad," turo ni Miaka sa akin.

I was wearing my brother's jersey to show my support. Wala namang kaso sa kuya ko iyon dahil napaka rami niyang jersey para ipagdamot pa sa akin ito. I actually sacrificed my outfit to wear his jersey to support him.

I was wearing a pink racer back top and a white skort paired it with my pink and white sneakers. I also used my pink Chanel bag and wore a pink headband for my hair.

Pero natakpan ang damit ko dahil sa jersey ni Kuya at halos ang laylayan na lang ng skort ko ang nakikita roon.

"Ano ba kayo, okay lang na i-claim natin na part of the team tayo. Besides, we will be part of Black Queens once we get in!" I said cheerfully.

Lumaki ang ngisi nilang dalawa sa akin.

"Oo nga, oo nga!"

Magkakaibigan na kaming tatlo mula pa elementary kaya hanggang high school at senior high school, magkakasama pa rin kaming tatlo. Kahit sa volleyball ay magkakasama rin kami. Nakausap na kami ng team manager ng Black Queens at inalok din kami ng scholarship ng mga ito bilang magiging atleta rin kami ng school.

Bumalik ang atensiyon ko sa laro nang mag-timeout ang kabilang team. Naglakad papunta sa may bench ang mga player at binigyan ang mga ito ng kani-kaniyang mga tuwalya at inumin.

Naupo si Benedict sa may harapan ko, nagpupunas ng pawis habang nakikinig sa coach nila na nagbibigay ng play. Hindi ko mapigilan na titigan siya lalo na at hindi siya nakatingin sa akin.

I've known him my whole life.

He's my brother's best friend. Literal na buong buhay ko na siyang kilala. Palagi siya sa bahay namin kaya palagi ko siyang nakikita.

At hindi ko na rin maalala kung gaano ko na siya katagal na gusto. Alam ko noong mga bata pa kami, crush ko na siya.

Hindi ko alam kung kailan ba naging mas malalim ang nararamdaman ko para sa kaniya.

May mga nanliligaw naman sa akin pero hindi ko sila gusto... palaging ang nasa isip ko, gusto kong magiging boyfriend ko ay katulad ni Benedict.

He's tall, fair, his eyes are expressive and I like looking at his bluish green eyes. Namana niya iyon sa ama niya at nakakadagdag iyon sa appeal niya.

Matangos ang ilong, mahaba ang pilikmata niya at tila inukit ang panga niya dahil perpekto ang hugis nito na mas nakadagdag pa sa kaguwapuhan niya.

Palagi rin siyang mabango at malinis.

He's also smart. Kahit na dahil sa basketball ay scholar sila, mataas ang grades niya. Alam ko iyon dahil pinag-uusapan nila ni Kuya iyon at nakikinig ako.

Nag-iisang anak lang siya kaya walang kapatid at parang ang kuya ko na ang naging kapatid niya.

That's why I'm just like a... little sister for him.

I held the clapper a little tighter with that thought.

Alam ko rin na noon pa naman, marami na ang nagkaka-crush kay Benedict noon pa man. Hindi naman lingid sa kaalaman ko iyon dahil schoolmate ko sila at nauna lang silang makapasok ng SGA ng isang taon.

Magka-edad sila ni Kuya, sabay na pumasok sa SGA at sabay rin na naging rookie sa Black Kings.

Pulos guwapo na ang player ng Black Kings pero nang pumasok silang dalawa ni Kuya Gab, tila ba mas naging sikat pa ang team nila hindi lang sa SGA kung hindi maging sa ibang mga eskwelahan din kaya lahat ng naging laban nila ngayon ay palaging puno at marami roon ang galing sa ibang school na wala namang laban sa araw na iyon.

"Belly, 'di ba palaging nasa bahay niyo si Benedict? Alam mo ba kung girlfriend na ba siya?" tanong ni Patricia sa akin.

Napatingin ako sa babae.

"Bakit? May plano ka?" si Miaka iyon na tumawa pa.

Napatingin din ako rito at nakaramdam ng kaba. Hindi naman nakakapagtaka kung magkakagusto rin sila kay Benedict dahil talaga namang kagusto-gusto ang lalaki.

"Hindi! Iba ang type ko, e," sagot nito. "Nakita kasi ng ate ko ang picture, e. Ang pogi raw, type niya. Single ba siya?" dagdag pa ni Patricia na tanong sa akin.

Napatitig ako sa kaniya at hindi ko napigilan na masamid. Sunod-sunod ang pag-ubo ko dahil sa pagkabigla.

Balak pa atang ireto ni Patricia si Benedict sa ate niya!

Wala namang may alam ng nararamdaman ko para kay Benedict kaya hindi nakakapagtaka na magtanong si Patricia sa akin ng gano'n. Wala akong pinagsasabihan at inililihim ko lang iyon dahil hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin iyon.

Isa pa, ayaw kong sabihin dahil nahihiya akong malaman niya ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"Uy, okay ka lang ba?" tinapik-tapik ni Miaka ang likod ko. "May tubig ka ba d'yan? Nabilaukan na 'to sa sariling laway niya," tanong niya kay Patricia na natatawa pa.

"Wala na! Naubos na kanina, e," sabi nito, hinagagod ang likod ko habang tinatapik naman ni Miaka iyon.

Itinaas ko ang kamay para awatin sila habang para namang may bara pa rin sa lalamunan ko at patuloy ako sa pag-ubo dahil sa pagkakasamid ko.

Narinig ko ang buzzer, hudyat na babalik na ang mga players sa may court.

"Here."

Napatingin ako sa nag-abot ng bote ng tubig sa akin at nakita ko si Benedict na nakatingin sa akin.

"Huh...?" tanong ko, naubo na naman ako kaya nagtakip ako ng bibig pero kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang bote na hawak niya roon.

"Drink it," sabi niya sa akin.

"Benedict!" tawag ni Kuya sa kaniya kaya agad na rin siyang sumunod sa mga ito papunta sa court para bumalik sa laro.

I was still coughing a little when I looked at the bottle he gave me. Wala pang bawas iyon pero nakabukas na ang takip para hindi ako mahirapan na buksan iyon.

Uminom na rin ako para maalis ang tila bara at kati sa lalamunan ko at itinabi ang bote na iyon sa may gilid ko.

"Okay ka na?" tanong ni Patricia sa akin.

Tumango ako.

"So, single ba siya?" tanong niya sa akin pero hindi ko nasagot dahil naghiyawan ang mga tao nang makatira muli ng tres si Benedict pagkapasa sa kaniya ni Kuya ng bola nang nagsimula ulit ang laro.

Natuon na muli sa game ang atensiyon namin. Panay ang cheer namin para sa mga player ng Black Kings. Ang ilan sa mga nanonood ay binubuska pa ang Red Knights kapag nasa possession nila ang bola.

Sa huling dalawang minuto ng laro, nakatayo na rin kami dahil naging dikit ang laban pero sa huli, nasungkit ng Black Kings ang championship at natapos ang matagal na nilang pangungulila sa kampeonato!

We all cheered for them.

Halos mapunit na ang labi ko sa pagngiti habang pinagmamasdan sina Kuya na kinukuha ang trophy nila bilang champion.

Sumulyap din si Benedict sa gawi ko at ngumiti.

"Congrats!" I told him, and his smile got bigger.

Nakasama rin si Kuya Gabriel at Benedict sa mythical five sa championship na iyon kasama ang iba pa nilang teammates.

Nang puwede na kaming lumapit, nilapitan ko si Kuya at niyakap ng mahigpit.

"Congratulations!" bati ko sa kaniya.

"Thanks, Belly."

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko na sinimangutan ko naman. Pagharap ko ay nakatingin sa akin si Benedict.

"Congrats again," bati ko sa kaniya.

"Thanks," sabi niya.

Lumapit na rin ang iba pang teammates nila para mag-celebrate kaya sinabihan na ako ni Kuya na hintayin na lang sila dahil mag-shower pa sila bago uuwi.

Mamayang gabi ang celebration nila at siguradong iinom sila kaya hindi ako makakasama sa mga ito.

Sinamahan ko si Patricia at Miaka na magpa-picture sa mga player. Kahit kay Kuya ay nagpa-picture sila, pati na rin kay Benedict.

Tumingin naman si Benedict sa akin nag makapagpa-picture ba sila sa kaniya.

Ako ang nag-iwas ng tingin sa lalaki.

"Tara na, magpapa-picture pa kayo sa Red Knights, 'di ba?" aya ko sa dalawang kaibigan ko.

"Oo! May pogi rin doon, e," sabi ni Patricia at hinila na si Miaka.

Nilingon ko pa si Benedict na nakatingin sa amin pero may lumapit sa kaniya na ka-team niya kaya sinulyapan niya iyon.

Sinamantala ko na iyon para sumama sa dalawa para magpa-picture sa kalabang team.

Matapos kaming mag-picture, naupo na kami dahil hihintayin ko pa si Kuya at sabay kaming uuwi. Ihahatid namin sila Miaka at Patricia sa mga bahay nila.

"Pasa mo sa akin 'yung pictures!" sabi ni Miaka kay Patricia.

"Ise-send ko na lang sa GC lahat!"

Kinuha ko ang telepono ko para tignan ang mga ise-send ni Patricia. Inisa-isa ko iyon hanggang sa makita ko ang mga pictures ni Benedict.

I quickly saved the photos before putting my phone back in my bag. Suot ko pa rin ang jersey ni Kuya Gab nang lumabas kami para bumili ng frappe sa labas lang ng court kung saan ginanap ang championship.

We ordered drinks and I ordered strawberry frappe.

Kukunin ko na ang order nang may tumabi sa akin.

"One iced americano, please. Thanks," tinig iyon ni Benedict.

Tinignan ko siya at tumingin din siya sa akin. My heart started skipping a beat again.

"Si... Kuya?" tanong ko.

"Nagbibihis na," sagot niya at mabilis na umiwas din ng tingin.

Tumango ako at kukunin na ang drinks nang may lumapit na isang grupo sa amin dahilan para matulak ako ng bahagya. Agad naman na hinawakan ni Benedict ang balikat ko para hilahin ako papunta sa kaniya bago ako matumba.

Tinignan niya rin ang grupo ng mga lalaki na gumitgit sa amin.

"Aren't you going to apologize?" he asked them, voice low and stern.

Napatingin naman sila kay Benedict at mukhang na-intimidate sa lalaki bago napatingin sa akin.

"Sorry, Miss," sabi nila pero mukhang hindi naman sincere.

Nagsalubong ang mga kilay ni Benedict.

"Okay lang," sabi ko na lang kaysa magkaroon pa ng issue. Nilingon ko rin ang lalaki. "I'm fine, thank you..."

His jaw tightened but he didn't utter a word anymore, but his gaze was dark. Halos magdikit ang mga kilay niya.

Si Benedict na ang kumuha ng drinks namin ng mga kaibigan ko at dinala iyon sa lamesa kung nasaan ang kasama ko.

"Hindi mo na dapat pinatulan ang mga 'yon, baka mamaya mapaaway ka pa," sabi ko habang naglalakad kami.

"You're like a little sister to me, Belly. Of course, I'll protect you if needed," he replied, holding the tray with our drinks.

Like a sister.

Gusto kong sumimangot dahil sa sinabi niyang iyon. Huminga na lang ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa lamesa kung nasaan ang mga kaibigan ko.

Malaki ang ngiti nila nang makita si Benedict. Kilala naman ni Benedict ang dalawa dahil kung minsan ay nasa bahay rin namin sila.

Nag-ring ang telepono nito at agad na sinagot iyon.

"Hello, where are you?" he asked the other person in the line. "Alright, I'll be there." Ibinaba niya na rin ang tawag at tumingin sa akin.

"I'll go ahead. Can you tell your brother that I'll just meet him at the party later?"

Tumango naman ako.

"Sige..."

"Thanks," nagtagal ang tingin niya sa akin bago huminga ng malalim. "I'll go ahead," ulit niya bago kinuha ang duffle bag at isinukbit iyon sa balikat at nagsimulang maglakad papalayo sa amin.

"Grabe, ang pogi talaga niya, 'no? Tsaka ang bango-bango. Ang suwerte talaga ng girlfriend niya kung mayroon na!" usal ni Patricia habang umiinom sa drink niya.

Sang-ayon naman ako sa sinabi niyang iyon.

Suwerte naman talaga.

Ilang sandali pa, dumating na si Kuya Gabriel at magkakasama na kaming nagpunta sa sasakyan niya para ihatid ang mga kaibigan ko.

"Kuya Gab, puwede bang magtanong?" si Patricia iyon.

He looked at her through the mirror. Ako naman ay napalingon sa babae.

"What is it?" he asked her while driving

"May... girlfriend na ba si Benedict?" tanong nito.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa panlalaki ng mga iyon dahil sa tanong ng babae!

"Patricia!" I hissed.

"Si Benedict?" tanong ni Kuya, muling tumingin sa salamin pagkatapos ay natawa.

"Opo," natawa si Patricia.

Sumulyap naman sa akin si Kuya na natatawa dahil sa tanong ng kaibigan ko.

"May girlfriend na 'yon," sagot niya at ako naman ang natigilan.

Napatingin ako sa kapatid ko. Hindi ko naitago ang gulat sa sinabi niyang iyon.

May... girlfriend na siya?

Hindi ko alam ang bagay na iyon. Hindi ko naman naririnig na may pinag-uusapan silang gano'n ni Kuya.

"Kaya nga hindi sumabay sa atin, e. Sinundo ng girlfriend."

"Ay, gano'n? Suwerte naman ng babae," si Patricia pa rin ang nagsasalita.

Umayos ako ng upo at tumingin sa labas. Ramdam ko ang tila paninikip ng dibdib ko at pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.

This is why I'm keeping my feelings to myself. Alam ko kasi na wala namang pag-asang magugustuhan ako ni Benedict.

And now... may girlfriend na siya.


***

This story is complete on Patreon and VIP Group/Spaces. Send a message to my Facebook page, Vampiremims to join. 

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz