Chapter 01
Chapter 01
"Sandali, ito na!"
I looked at the mirror again to check myself. Sinugurado kong pantay ang blush on ko, maayos ang pagkakalapat ng lipstick at lipgloss ko at maayos ang buhok ko sa pink na headband na suot ko.
This is the first day of school. Excited na akong pumasok kaya nga kagabi pa lang ay handa na ang isusuot ko para ngayon. Magkakakaklase kami nila Miaka at Patricia kaya hindi rin ako mahihirapan na mag-adjust at siguradong may makakasama ako.
A knock again.
I groaned and frowned.
Nagmartsa na ako papunta sa pinto para buksan iyon. I was also ready to yell at my brother because he couldn't wait like there's a fire in school that he needed to expunge! Kanina ay dumaan na siya sa kuwarto ko para sabihin sa akin na bilisan ko na, ngayon naman ay panay ang katok niya.
"Ano ba'ng—" nabitin sa ere ang sunod na mga sasabihin ko dahil hindi si Kuya Gab ang nasa labas ng kuwarto ko.
Holy fudge.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa matangkad na lalaki na naroon. He was wearing an acid gray T-shirt, jeans and white sneakers.
He looked so simple but I know that this outfit costs thousands of pesos already!
Plus he's wearing his Rolex watch.
"B-Benedict..." nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi ko inaasahan na makita ang lalaki ngayon!
Hindi ko alam na nandito na siya. Kailan siya nakauwi? Nakabalik na pala siya?
Napatitig din siya sa akin. Nakita ko ang saglit na pagkatigil niya, para siyang naestatwa habang naikatingin sa akin. Makalipas ang ilang sandali, nakabawi siya at huminga ng malalim bago tumikhim para alisin ang bara sa lalamunan niya.
"Your brother asked me to call you."
Since they've been best friends since they're kids, Benedict is like a family to us. Malaya siyang nakakapasok sa bahay namin at puwede rin itong manatili sa bahay namin at gamitin ang guest room kung gusto niya. Gano'n din naman si Kuya sa bahay nila Benedict. Nakakapunta naman ako sa bahay ng mga Torreviera kapag may okasyon at naiimbitahan kami.
Magkaibigan din kasi ang mga magulang namin, kaya natural lang na naging magkaibigan din sina Kuya at si Benedict.
"Oh..."
I couldn't think of any words to say! Nabablangko ang isipan ko habang nakatingin sa lalaki. Hindi pa rin ako makapaniwala na narito na ang lalaki.
"Are you ready?" he asked.
I nodded before I looked at myself. "Is my... outfit okay?"
Gusto kong sabunutan ang sarili dahil sa tanong kong iyon pero sayang naman ang pag-aayos ko sa buhok ko kung gagawin ko iyon. Wala kasi akong maisip na tamang itanong sa lalaki kaya iyon ang lumabas sa mga labi ko.
Wala naman din kasi kaming uniform at dahil first day, pinaghandaan ko iyon at sinigurado ko na maganda ako. Second year na si Kuya Gab at alam kong naging sikat siya sa school dahil na rin sa part siya ng varsity team.
Marami ang may gusto kay Kuya at sigurado ako na makukumpara ako sa kaniya sa ayaw at sa gusto ko kaya naman ayaw kong may magsasabi sa akin na hindi ako maganda kahit na alam kong maliit lang ang tsansa sa bagay na iyon.
Both me and my brother inherit our parents' good looks. Our ancestors are from Spain, and that explains our Spanish features.
I was wearing a pink fitted top, white skirt and a white and pink rubber shoes. I'm also wearing the pearl necklace and earrings my mom got me for my birthday before. Ayaw ko namang magsuot ng diamonds kaya iyon na lang ang ginamit ko bilang iyon naman din ang pang-araw-araw na ginagamit ko.
Instead of a shoulder bag, I used my pastel pink mini backpack for my things.
Pinasadahan niya ako ng tingin.
Seryoso ang ekspresiyon niya, hindi ko alam kung ayos lang ba ang suot ko o hindi.
Nakita ko naman ang ibang mga taga-St. Guillermo Academy kapag may game sila na napapanood ko at nakikita ko na may mga naka-skirt din na mga pumapasok kaya iniisip ko na ayos lang naman na gano'n ang suot ko.
Bumalik sa mukha ko ang tingin niya.
"Yes, it's okay. You look pretty."
Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. His compliment was enough to send my heart into overdrive that I had to breath heavily to calm myself.
"Thank you," mahinang sabi ko, pilit na hindi ipinapahalata ang mabilis na pagtibok ng puso.
"Let's go, your brother is waiting for us," sabi niya at nauna siyang magbawi ng tingin sa akin pero hindi naman siya naunang maglakad, hinintay pa niya ako.
Sabay na kaming naglakad pababa para magpunta sa komedor.
Matapos ang championship game nila, hindi ko nakita ulit si Benedict dahil nagbakasyon ito sa Europe kasama ang ina. Narinig ko lang kay Kuya Gab iyon noong natanong ni Mommy dahil may isang linggo ng hindi pumupunta sa amin ang lalaki.
Iniisip ko na okay naman din na hindi ko siya nakikita sa mga nakalipas na linggo dahil na rin sa nalaman ko mula kay Kuya na may girlfriend na si Benedict. Iniyakan ko pa ang kaalaman na iyon nang araw na iyon.
It's not the first time, actually. Hindi naman iyon ang unang girlfriend ni Benedict dahil naririnig ko na sila noon nila Kuya na nag-uusap tungkol sa mga karelasyon nila noong may girlfriend din ang kapatid ko, at hindi rin naman iyon ang unang beses na naisip ko na kakalimutan ko na siya dahil doon.
Pero hanggang ngayon naman ay hindi ko pa rin naman nagagawa iyon.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para sa kaniya.
I still like him.
Hindi na nga like lang ito, e. It's been years already, so I guess it's safe to say that I'm in love with him.
"I didn't know you're back," sabi ko habang naglalakad kami.
"I just got back yesterday," he glanced at me. "I came here last night but Tita Isalina said you're already asleep since you're excited for today."
Napahinto ako sa paglalakad.
"What?" kunot ang noo na tanong ko sa kaniya. "Pumunta ka kagabi? Ano'ng oras?" usisa ko.
"Around nine thirty."
Nine thirty... fudge.
Napanguso ako. Umakyat ako ng kuwarto ng alas-nueve para makapagpahinga na. Inaaya pa ako ni Kuya kagabi na manood pero tumanggi na ako at pinili na matulog na dahil may pasok at kahit na unang araw pa lang ay ayaw kong ma-late.
Dapat pala ay hindi na muna ako umakyat!
"Maaga akong natulog kagabi..."
"Yeah, they told me," sabi niya.
Mas napasimangot ako. Ilang linggo ko rin siyang hindi nakita, naisip ko na baka nga sa school ko na siya makikita dahil hindi ko naman alam kung kailan ba siya uuwi.
And I can't really message him and ask him when he is going home because that would be awkward.
Magtataka pa siya kung bakit ako nagtatanong.
Nang sulyapan ko siya ay may maliit na ngiti sa mga labi niya.
"Miss na miss mo ba ang kuya ko kaya dito ka agad nagpunta pagbalik mo?" tanong ko sa kaniya, hindi ko maitago ang inis ko.
Hindi ko alam kung kanino ba ako mas naiinis: sa akin, dahil maaga akong natulog o sa kaniya dahil hindi siya nagpasabi na darating siya?
He let out a soft chuckle.
"Tara na," aya niya ulit dahil huminto kami sa paglalakad kanina.
Magkasunod kaming pumasok sa komedor. Naroon na si Kuya na nag-angat ng tingin sa amin.
"Let's eat, your class is at eight, right?"
Tumango ako at naupo na rin para kumain. Hinila naman ni Benedict ang upuan sa tabi ng kuya ko at naupo na rin para kumain.
Seven fifteen pa lang naman kaya may oras pa kaming mag-almusal kahit na fifteen minutes lang.
Nag-uusap silang dalawa at panaka-naka ang pagsulyap ko kay Benedict habang nakikinig sa mga pinag-uusapan nila.
"You look extra pretty today. Don't tell me may crush ka sa SGA at gusto mong mapansin ka niya sa first day mo?" tanong ni Kuya sa akin nang napabaling siya sa gawi ko.
Nag-init ang mga pisngi ko, humigpit din ang hawak ko sa kubyertos at bumilis ang tibok ng puso ko.
Halata na ba ang pagkakaroon ko ng crush kay Benedict? Ang alam ko ay hindi! Kahit sa mga best friend ko ay hindi ko sinasabi ang nararamdaman ko dahil ayaw kong may makaalam sa bagay na iyon.
Nahalata na ba ni Kuya?
I swallowed hard, pursed my lips.
"Wala," sagot ko. Praktisado ko iyon pero kinakabahan ako nang sabihin ko iyon lalo at nakatingin sa akin si Benedict na parang naghihintay rin sa sagot ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Pero... ano naman kung mayroon? I'm old enough to have a crush!"
I'll be eighteen in a few months. Marami nga sa kaedaran ko ang nakailang boyfriend na kung tutuusin. Normal lang naman na magkagusto ako kung tututusin.
Umarko ang kilay ni Kuya sa akin. "May crush ka na?"
Ramdam ko rin ang tingin sa akin ni Benedict.
"Wala nga," nagbaba ako ng tingin sa plato ko para hindi na nila makita ang mga mata ko. Pilit kong ipinagpatuloy ang pagkain.
"Make sure to tell me if you like someone, okay? Or if someone is courting you. Kailangan kong kilatisin kung ayos ba 'yon. Ayaw kong sasaktan ka ng kung sino," narinig kong sabi ni Kuya kaya nag-angat akong muli ng tingin sa kaniya.
"Pakilala mo sa amin ni Benedict. Kami kikilatis," dagdag pa niyang sabi at tumingin sa katabi. Kahit ako ay napatingin din dito.
"Yeah," Benedict nodded. "It's better if you'll introduce him to us so we can make sure if he's good for you," he added and looked at his plate and continued eating, too.
That was like a low-key confirmation from him that there's really no chance for us. Gusto niyang makilala ang nanliligaw sa akin samantalang ayaw ko namang makilala ang girlfriend niya.
"Sure. Ipapakilala ko sa inyo kapag may nanligaw sa akin," sabi ko na lang sa kanila at nakita kong napatingin si Benedict sa akin.
Matapos kaming kumain, sasakyan na ni Benedict ang ginamit namin papasok sa school. Magpapasundo na lang ako mamayang hapon sa driver namin dahil may training daw sila Kuya mamayang hapon. Kay Benedict naman din siya sasabay pauwi kaya hindi na siya nagdala ng sasakyan.
And I'm still not allowed to have my own car. I own a pink bike, though. Iyon ang madalas na gamitin ko kapag umiikot ako sa subdivision o kaya naman ay nagkikita kami nila Miaka. Kung minsan naman ay nagpapahatid ako sa driver namin at magpapasundo rin pagkatapos.
"Just call Manong Ben later, okay?" paalala ni Kuya sa akin nang bumaba na kami ng sasakyan nang makarating na kami sa school.
Tumango ako sa kaniya. "Yes, see you later," paalam ko sa kaniya.
Tumingin ako kay Benedict na nakasandal na sa sasakyan niya, nakasukbit sa balikat ang strap ng backpack niya.
"Thank you sa pagsabay," sabi ko na lang din sa kaniya at nagmamadali na akong naglakad papunta sa mga kaibigan ko na naghihintay sa akin.
Kumaway pa sila sa dalawang lalaki na halatang kinikilig nang makita ang dalawa.
"Parang mas guwapo si Benedict ngayon, 'no?" sabi ni Patricia sa akin. "Nakita ko nagbakasyon siya, e. Mukhang nahiyang sa pahinga."
"Oo nga! Parang ang fresh niya," si Miaka naman iyon.
"Tara na nga, baka ma-late pa tayo sa unang class natin," sabi ko sa kanila at niyaya na silang maglakad papunta sa classroom.
Gaya ng inaasahan, nagkaroon ng introduction sa classroom namin nang puntahan kami ng adviser namin. Nagpakilala kaming lahat sa isa't isa at may mga kaklase akong nakakilala sa akin dahil na rin sa mga games namin noon sa dating school namin.
Ang ilan naman ay nakilala ako dahil kay Kuya Gab.
"Mukhang ang daming may crush sa kuya mo sa block natin," sabi ni Patricia nang matapos ang klase namin.
Paano ay may mga ilan na lumapit sa akin at nakipagkaibigan, marami nga sa kanila ang nag-send na agad sa akin ng friend request at sinabi na napanood din daw nila ang games ko noon at maging ng sa kuya ko at pareho raw kaming magaling.
Wala namang kaso sa akin kung crush nila ang kuya ko, basta hindi nila ako guguluhin at pipilitin na ipakilala sila sa kapatid ko dahil hindi ko talaga gagawin ang bagay na iyon.
Sabay-sabay na rin kaming nag-lunch nila Patricia at Miaka bago kami pumasok ulit sa iba pa naming klase. Hanggang alas-dos lang ang klase namin at nauna na ring umuwi sa akin ang dalawa dahil may sundo na kaagad sila.
Gaya ko ay hindi rin naman pa sila puwedeng magmaneho kaya hatid-sundo pa sila sa ngayon.
Sa may sunken garden na ako naghintay kay Manong Ben para makauwi na ako. Wala pa rin naman kaming training sa volleyball kaya makakauwi kami agad ngayon.
I was scrolling on my phone when someone sat beside me.
Handa na akong magsabi rito na lumipat na lang ito sa ibang upuan na naroon dahil marami naman ang bakante nang makita kong si Benedict iyon.
Inilapag niya sa may damo ang dalang duffle bag.
"B-Benedict..."
I hated myself for stuttering.
"Wala pa si Manong Ben?" tanong niya.
Umiling ako. "Wala pa, pero papunta na raw," sagot ko.
Tumango-tango siya.
"May training na kayo?" ako naman ang nagtanong na sinagot niya ng tango.
Tumingin na lang din ako sa mga tao na naroon sa may damuhan, mga nakaupo, may mga may kasamang kaibigan, may mga may gitara at tumutugtog doon.
"Here." May kinuha siyang paper bag mula sa gilid niya at iniabot sa akin iyon.
"Huh?" sinulyapan ko iyon, kunot ang noo. "What's that?"
"Pasalubong," he shrugged.
"Oh..." I smiled and checked the paper bag. Marahan kong binuksan iyon, iniiwasan na masira ang pagkakadikit ng tape roon.
Nagsalubong ang mga kilay ko dahil parang ang dami ng mga naroon.
"Bakit ang dami?" tanong ko nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Hindi ko pa lubusang natignan ang lahat pero maliban sa mga chocolates, may mga gamit na naroon at puro pink ang mga iyon!
He shrugged slightly. "I get them whenever they remind me of you—because I know you like them. Hindi ko alam na naparami na pala ang nabili ko para sa'yo."
My heart fluttered, my heart beating wildly.
"Thank you..." I breathed, a smile curving on my lips.
Sinamahan na niya ako roon habang hinihintay si Manong Ben at sumama na rin siya sa akin papunta sa may gate para ihatid ako.
"Take care, okay?" bilin niya sa akin.
Tumango ako at naglakad na papunta sa sasakyan namin. Nilingon ko siya na nakatingin pa rin sa akin at hinihintay akong makasakay sa sasakyan.
I waved and gave him a small smile.
He smiled and waved back.
Pumasok na ako sa loob at muling tumingin sa kaniya hanggang sa umandar na ang sasakyan paalis.
Nanatili si Benedict doon at umalis lang siya nang umandar na ang sasakyan.
Muli akong napatingin sa paper bag na ibinigay niya sa akin.
How can I move on when he's being like this? Being so sweet...?
But then again, maybe he's being this sweet because I'm just like a sister to him.
And I hate it.
Ayaw ko siyang maging parang kapatid, e.
***
This story is complete on Patreon and VIP Group/Spaces. Send a message to my Facebook page, Vampiremims to join.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz