ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 9

JFstories

SORRY NA.


Bakit siya humihingi ng sorry? Nakanganga pa ako nang tumalikod na sa akin si Asher. Makinis na batok na lang niya ang nakita ko nang magsimula na syang maglakad palayo.


Kumibot-kibot ang bibig ko hanggang sa huli ay wala rin naman akong nasabi. Nakalabi na umalis na lang ako. Pero sa loob ng tricycle ay may naglalarong ngiti sa aking mga labi.


Ang sabi ko, wala na muna akong pakialam. Ang sabi ko, makakatiis pa ako. Mahaba pa ang panahon para sa akin.


Kapag gradute na kami pareho, nasa ayos na ang lahat sa buhay namin, matured na rin ang isip ni Asher, kumikita na rin siya ng perang sarili, doon ay puwede na kaming dalawa. Ganoon dapat. Iyon ang dapat mangyari. Ang kaso... bigla na lang siyang nag-sorry.


Ang ending tuloy, heto at nababaliw na naman ako.



ANO NGA BA ANG KAGUSTO-GUSTO KAY LOU?


Matalino, oo. May itsura naman, oo. Magaling mag-ayos, maliban sa hindi pantay na shade ng foundation. Madalas makapal sa kabila, tapos manipis naman sa kabila. Hindi rin pantay ang kulay ng leeg sa mukha. Pero all in all, maganda naman talaga.


Sa lahat din ng naging girls ni Asher, si Lou ang iba ang atake. Hindi ito sumusunggab agad sa guwapo. Kumbaga, pasuplada ito. Pakipot at hindi nito ipinapakita na hulog na hulog ito sa lalaki. O siguro dahil na rin sa may iba pa itong lalaki na gusto.


"Lou, kayo na ba ng naghahatid sa 'yo na guwapong semi-calbo?" tanong dito ng katabi sa upuan.


"Uhm, hindi 'no!" pigil ang ngiti na sagot naman ni Lou. Magkakaumpok ang mga ito sa upuan. Naging ugali ng gawing usapin ang lovelife ng babae bago magsisimula ang klase.


Hindi na nagbabasa ng libro ang mga ito ngayon, dahil mas interesante na ngayon para sa mga ito ang lovelife ni Lou. Mga naninibago siguro, dahil mula Grade 7 ay si Jordan ang gusto ni Lou, pero ngayon ay may biglang dumating na Asher James Prudente.


Katulad ng ibang girls na dumaan sa buhay ni Asher, naniniwala ako na mawawala rin si Lou. Matutulad din ito sa mga past girlfriends niya, pinakamatagal na ang dalawang linggo. Pero bakit kabado ako?


"Laila, mukhang ikaw ang magiging Top 1," kalabit sa akin ng aking katabi na ewan ko kung ano ang pangalan.


Dahil dito ay naalis ang atensyon ko sa grupo nina Lou.


Nagpatuloy ito sa sinasabi. "Ilang beses ng di nakaka-perfect si Jordan. Kahit sa short quiz, palagi na siyang may mali. Kung hindi isang mali ay dalawa. May project din siya na hindi naipasa. 'Tapos may absent pa siya."


Tama ito. Maganda ang standing ko ngayon. Lagapak pareho sina Jordan at Lou na mga kalaban ko sa ranking. Lalo si Jordan. Kaunting-kaunti na lang, ako na ang papalit sa puwesto nito. At iyon naman talaga ang plano. Iyon ang gusto kong mangyari.


I should be ecstatic, but unfortunately, I didn't feel anything at all.

"Laila, makikidala naman nitong libro sa faculty. Pabigay kay Mrs. Versoza." Pagpasok ng next subject teacher namin ay inutusan agad ako. Nasanay na kasi na ako ang palaging nagpipresinta sa kahit anong utos dito.


Tinanggap ko naman ang libro, at lumabas na ako ng classroom. Nakakainis dahil mali-late ako ng ilang minuto sa lesson, pero idadaan ko na lang iyon sa pagbabasa mamaya pagbalik ko.


Hindi pa pasukan ang mga nasa regular section. May mga estudyante pa sa daan. Sa bench ay natanaw ko ang mga tropa ni Asher na sina Isaiah, Arkanghel at Miko, na mga busy sa kanya-kanyang cellphone. Wala si Asher. Nasaan siya?


Huminto ako at nagpalingon-lingon para hanapin siya. Nasa canteen kaya? Nasa CR? O nasa room pa? May klase na ang special section kaya hindi naman siguro doon siya pupunta? Pero nasaan siya—


Biglang may malamyos at mainit na boses na bumulong sa kaliwa kong tainga. "May hinahanap ka?"


Napaigtad ako bigla. Pagtaas ko ng paningin ay muntik pa kaming magkauntugang dalawa. Si Asher ay nakayuko sa akin!


"Ano ba?!" pasinghal na sabi ko. Gulat na gulat kasi ako. Kailan pa siya lumapit? At bakit kailangan niya pa akong bulungan diyan?!


Tatawa-tawa naman ang semi-calbo na dahilan kung bakit ako gulong-gulo.


Nakabukas ang polo niya, hindi na naka-butones kaya kitang-kita ang suot niyang white shirt sa loob. May tatak black print na check. Iyong Nike. Nakalitaw rin ang dulo ng suot niyang leather belt sa bewang. Napa-check tuloy ako sa zipper niya kung bukas, mabuti naman at hindi.


Namewang siya habang ang pilyong mga mata ay sa akin nakatingin, at ang mapupula niyang mga labi ay nakangisi pa rin. Nakalitaw ang isang niyang sungking ngipin. Pangil sa madaling sabihin.


Ang liwa-liwanag dahil pataas ang araw. Ni hindi man lang siya bothered kahit naaarawan. Moreno ang balat niya, makinis, kahit pawisan ay mukhang mabango pa rin. Sana lahat pinagpala nang ganyan, di ba?


Nabura naman ang pagkakangisi niya nang mapansin na titig na titig ako sa kanyang mukha. "Bakit ganyan ka makatingin?"


"Bakit, ano bang tingin ko?" nakangusong balik ko ng tanong.


Napakamot siya sa pisngi habang nag-iisip. Ang kapilyuhan sa mga mata ay napalitan na ng kainosentehan. "Uhm, ano nga ba? Ah, parang may gusto ka sa akin."


Bumagsak ang aking balikat kahit pa nakaramdam ako ng relief sa sinabi niya. Guwapo lang talaga siya, malakas ang dating, pero may pagka-pagong talaga ang brain.


"Pupunta ako sa faculty, ihahatid ko itong libro ng teacher namin." Nakasimangot sa inis na nilampasan ko na siya. Naiinis ako dahil sa ganoong pag-akto niya. Feeling niya close kami, e hindi nga kami friends! Ayaw ko ng friends only!


"Hoy, hindi diyan ang daan papunta sa faculty!" sigaw niya.


Napakambyo naman agad ako. "Anong pakialam mo e sa gusto kong mag-longcut? Wala kang magagawa dahil gusto kong maglakad-lakad!"


Napatigil naman siya. "Galit ka pa rin?"


Kumibot-kibot ang mga labi ko. Di ba iiwasan ko muna siya? Pero paano ko siya iiwasan kung ganito siya?!


"Nag-sorry na noong nakaraang gabi, di ba?"


I continued walking. Ayaw ko na siyang lingunin. I didn't want to listen to him because my self-control might crumble.


"Hoy, Lai!" tawag niya sa akin. "Sorry na nga kung ano man ang nagawa ko! Bakit ba ang tigas ng puso mo?!"


Wow, matigas ang puso ko? Siya nga ang matigas ang puso. Ako na nga ang nag-a-adjust dito para sa aming dalawa, pero ang ligalig niya. Mabuti sana kung masasalo niya ako kung sakali, e hindi pa naman siya handa!


Nilingon ko siya. For now, I really needed to draw a line. "Bakit ba mahalaga sa 'yo kung galit man ako? Magkaibigan ba tayo?"


At ang lala talaga ng inis ko na hindi ko naman alam kung saan nagmumula. Kung ano-ano na naman ang lumalabas sa bibig ko.


"We only know each other's names, other than that ay wala na! Magkaiba ang magkaibigan sa magkakilala lang! Sinabi ko na ito noong una, sasabihin ko ulit dahil mukhang mahina ang pag-unawa mo! We are not friends!"


Napatigil din ako nang makitang nakanganga si Asher sa akin. Pain danced in his raven-black eyes. Agad din iyong nabura at napalitan ng paglamlam. Tumango-tango siya pagkuwan.


"Okay, okay, gets." Napayuko siya at napahagod ng kamay niya sa kanyang ulo. "Hindi mo naman kailangang magalit."


Nang mag-angat siya ng paningin ay wala ng kahit anong emosyon sa mga mata niya.


"Sensiya na. Mahina kasi talaga ang pag-unawa ko. Pero hindi na." Naglakad na siya paalis, palampas sa akin.


Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gusto ko siyang habulin at bawiin ang aking mga sinabi, gusto kong sabihin na magkaibigan kami, pero hindi puwede. Alam ko naman kung saan iyon tutungo. Baka umasa lang ako sa huli.


Kaya siguro ay okay na rin muna ang ganito. Hindi pa kami parehong handa. Kaya dapat hayaan ko na lang muna siya sa buhay niya at mag-focus na lang muna ako sa buhay ko.


Hindi ko na ginawa ang pagtawag kay Asher. Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad hanggang sa madala ko na sa faculty ang ipinapadala sa akin, kahit pa napakabigat ng loob ko.



BREAKTIME nang magsanga ulit sa campus ang mga landas namin ni Asher. Kasama na siya ng tropa niya sa bench. Parang may problema si Isaiah at dinadamayan ito ng ibang kaibigan niya, pero siya ay abala lang sa pagsipsip ng hawak na lollipop.


He didn't look sad. Wala na rin kahit iyong sakit na nakita ko sa mga mata niya kanina. As in wala na kahit ano. Chill lang siya sa pagsipsip ng lollipop. Nakatingala siya sa maliwanag na kalangitan at nilalaro ang paa sa lapag ng bench.


Anyway, ano ba ang inaasahan ko? Sa mga exes niya nga ay 48 hours lang ang max ng moving on niya. Sa akin pa kaya na kakilala lang?


Nakayuko ako na dumaan sa harapan nila pero sa gilid ng aking mga mata ay nakatingin ako sa kanya. Napasulyap naman siya sa akin. He saw me, but he immediately averted his gaze. Parang wala lang. As if he didn't see me at all.


Parang isa lang ako sa mga napadaan na hindi niya kilala. At iyon naman ang gusto ko, di ba? Pero bakit ganito? Ang sakit pala...


PASIMPLE AKONG NAKAMASID KAY LOU. Uwian na. Susunduin kaya ito ni Asher sa labas? Siguro.


Wala akong kompletong balita sa kanilang dalawa, dahil hindi ko magagawa kay Lou ang mga nagawa ko na sa ibang babaeng nadikit kay Asher dati. Hindi ako makakaporma dahil kilala ako ni Lou.


Nakukuntento na lang muna ako sa simpleng pagmamasid mula sa malayo. Nagtitiwala na lang din ako na kung sakali mang maging sila, ay magbi-break din naman sila.


Hindi si Asher ang type ni Lou. Pang-display lang siya sa babae o kaya ay palipasan ng panahon. Si Asher naman ay hindi rin tumatagal sa kahit sinong babae. Ang kahahantungan nila ay siguradong hiwalayan din.


But still, I didn't want to see them together. Kaya kahit uwian na, hindi pa rin ako tumatayo. Hinintay ko na makaalis muna ang lahat bago ako tumayo. Ako ang huli na lumabas ng room namin.


Palabas na ako ng building nang mapahinto ako sa paghakbang. Umawang ang aking mga labi ko nang makita si Asher na mula building ng Grade 11. Walang pagmamadali at kaswal na naglalakad siya habang nakapamulsa sa suot na school pants. Pauwi pa lang ba siya?


Bakit ngayon lang siya uuwi? At bakit mag-isa siya? Nasaan si Lou? Bakit hindi sila magkasamang dalawa?!


Kusang bumukas ang mga labi ko. "Asher..."


Malayo ako. Mahina ang boses ko. Kaya ganoon na lang ang aking gulat nang lumingon siya sa gawi ko. Napahawak ako sa aking bibig.


Kumalabog ang aking dibdib nang magtama ang mga mata namin. Ang nakabukas kong mga labi ay akmang may sasabihin nang balewala siyang biglang magbawi ng tingin.


Parang katulad kanina. Parang hindi niya ako nakita. Parang hindi kilala. Parang kahit ang pangalan ko ay hindi niya alam.


Nagpatuloy siya sa paglalakad na parang wala lang. Ako naman ay may sariling isip ang mga paa na napahakbang pasunod sa kanya. Ako ang may gustong umiwas, pero heto at para akong tanga na nakasunod sa likuran niya.


May agwat sa pagitan naming dalawa. Hindi ako nagtatangka kahit tawagin man lang siya. Basta lang akong nakatingin sa bawat hakbang niya. At alam ko na alam niya na naririto ako.


Bakit nga ba ako nakasunod pa? Paano kung nasa gate si Lou, at hinihintay siya? Masasaktan lang ako. Dapat umalis na ako, di ba? Pero hanggang sa gate ay nakasunod pa rin ako kay Asher na parang buntot niya.


Pagdating nga lang sa gate ay nagtaka ako dahil wala pa rin kahit anino ni Lou. Ang naroon ay ang tropa ni Asher na si Miko.


Sinalubong siya nito. "Ano, magbibilyar ba tayo? Wala iyong magpinsan. Si Isaiah, sawi. Si Arkanghel naman ay bantay sa kanila, aalis daw iyong erpat at ermat!"


"Sige, tayo na lang," kaswal naman na sagot niya rito.


So wala talaga si Lou? Hindi talaga sila sabay na uuwi ngayon katulad noong mga nakaraan?


Paalis na sila nang mapalingon sa akin si Miko. Napansin nito na kanina pa ako nakatingin. Kinalabit nito si Asher. "Oy, kilala mo ba iyong 4-eyed chix sa likod?"


Nahugot ko ang paghinga nang sumulyap sa akin si Asher. Sulyap dahil sobrang saglit lang. Inaasahan ko na ang sasabihin niya, pero nang aking marinig ay masakit pa rin talaga. "Hindi. Hindi ko kilala."


Pagkuwan ay nauna na siyang maglakad patungo sa gate. Si Miko naman ay kinawayan ako. "Oy, ako ba trip mo? Aw sorry, late ka ng two hours. May GF na ako. Bye, pero try mo pa rin sa Friday o baka next week!"


Nakaalis na sila. Nakalabas na sa gate nang hindi man lang lumingon ulit si Asher kahit saglit.


Yumuko ako at napahawak sa aking dibdib. Hindi ko dapat iniinda ang ganito. Dapat wala lang ito. Hindi ako si Laila Valmorida kung mahina ako.


Pag-angat ng aking paningin ay nakangiti na ako. Para maibaling sa iba ang atensyon ay naisipan ko na lang na pumunta sa library bago umuwi. Kaysa umuwi na nanghihina, magre-recharge ako ng aking baterya. Mag-aaral na lang ako ng susunod na lesson bukas!


It really helped. Studying was really an effective way to entertain myself. Wala ang volunteer student na tagabantay sa library kaya sawa ako sa pagbabasa ng kung anu-anong libro. Padilim na sa labas pagtayo ko.


Wala ng mga estudyante, kahit ang mga CAT officers sa quadrangle. Pupunta na ako sa gate nang biglang umambon. Ang ambon ay bumibigat ang patak, mukhang meron pang ilalakas.


Hindi ako puwedeng umalis nang ganito. Ayaw ko na mag-aalala si Mama kapag umuwi ako na basa ng ulan. Sumilong muna ako at nag-longcut na lang. Sa may bagong building ako dumaan.


Madilim-dilim na sa parteng ito dahil may nakatakip pang isang building sa unahan. Nahinto ang aking mga paa nang may matanaw ako sa nadaanang room. Tatlong lalaki ang pinagkakaabalahang baklasin sa kisame ang isang bagong electric fan!


"Dahan-dahan baka bumagsak," asik ng isa dalawang kasama. "Bago pa ito, dapat di magasgasan para mas mahal nating maibenta!"


Ano? Magnanakaw sila ng electric fan para ibenta? At paano kaya nila mailalabas sa school ang ninakaw nila nang walang nakakakita? Mag-o-over the bakod sila?


Iyong pinakamalaki sa mga ito ay namukhaan ko. Hindi ko ito makakalimutan. Ito ang salarin kaya ako noon napansin ni Asher sa Grade 11 building. Si Tabachoy! Binangga ako nito kaya tandang-tanda ko pa ang amoy sibuyas nitong hininga!


Sayang ang pogi points na aking makukuha kapag hindi ko sila naisumbong. Makakaganti na ako kay Tabachoy, sisikat pa ako sa mga teachers dahil nakapagligtas ako ng electric fan mula sa mga estudyanteng kawatan!


Inilabas ko muna ang aking pepper spray sa bag bago sila pinasok sa room. "Hoy, mga salot sa lipunan!"


Nahinto sila at gulat na napatingin sa akin.


"Ano iyan, ha? Nagnanakaw kayo? Bakit, wala na ba kayong makain sa bahay niyo?!"


"Pucha!" takot na bulalas ng payat na tadtad ng hikaw sa tainga. "Paano iyan? Baka isumbong tayo niyan!"


"E di mag-deny tayo!" maangas na sabi naman ng isa pa. "Hindi pa naman uso ngayon ang CCTV kaya wala siyang ebidensiya!"


"Bakit, wala ba akong cellphone?" Inilabas ko ang aking phone. Bagong model ito ng Nokia na padala pa sa abroad ni Papa, malinaw ang camera. Ililipat ko ang photo sa PC mamaya at ipapa-print sa compshop ang ebidensiya.


Iyong mayabang na tabachoy ay napangisi nang mabistahan ang mukha ko. "Kilala kita. Ikaw iyong babaeng nambangga sa akin!"


"Hindi ba ikaw iyong nambangga sa akin?" buwiset na balik ko sa kanya. Ang kapal ng mukha magpa-victim!


Si tabachoy na 'Atong' pala ang pangalan, narinig ko lang, ay humakbang papunta sa akin. Napaatras naman ako. Humakbang pa rin siya habang nakangisi. 


Itinaas ko na ang hawak na pepper spray. Ginawa ko lang ito sa bahay, sariling ingredients, baka kasi kailanganin. Sinubukan kong i-spray, kaso sa malas ay sumablay. May bumarang namumuong pepper sa butas, wala tuloy lumabas!


Natawa si Atong. Nakitawa rin ang kanyang mga minions.


Inalog ko ang bote ng pepper spray. Hindi ako susuko hanggang hindi ko nawiwisik ito sa mga mata nila. Titiyakin ko na luluha sila ng paminta—


"Akina, tulungan na kita!" Biglang inagaw ni Atong sa akin ang pepper spray ko. Sa bilis ay hindi ko agad naagaw pabalik.


"Hoy, akin iyan!"


Itinaas niya iyon. "Ibabalik ko sa 'yo, pero say please muna."


"Please mo mukha mo!"


"Aba, ang tapang mo talaga, ah!" Napangisi lalo si Atong. "Sige, ngayon mo ako angasan! Akala mo ba di kita papatulan? Nanay ko nga inaaway ko, ikaw pa kaya?!"


Nagtawanan na naman ang mga kasama nitong itsura pa lang, alam mo na agad na hindi kaaya-aya ang mga hininga.

"Kiss mo, Atong!" pambubuyo ng isa sa mga minions nito. "Malay mo, chance mo na pala iyang magkasyota!"


Inambahan ko ng suntok si Atong. "Ew, subukan mo!"


"Subukan mo raw, Atong!" Lalong nagkantiyawan ang mga kasama nito.


Lalo namang ginanahan si Atong dahil sa pambubuyo ng mga minions nito. Ngingisi-ngisi na akala mo ay kung sinong guwapo. Samantalang kahit yata tutule ni Asher ay hindi papasa ito.


"Type mo ako, ano?" anito na pina-swabe pa ang boses, amoy ulam naman na panis.


"Excuse me? Ikaw, type ko? Bakit kasing guwapo mo ba si Asher James Prudente?"


Natigilan ito pati ang dalawang minions na magpapatuloy na sana sa pagbaklas ng ceiling fan.


"Anong sabi mo? Kilala mo si Prudente?!" Halos magtalsikan ang laway ni Atong sa mukha ko.


"Paanong hindi ko makikilala? Iyon ang type ko! Matangkad, fit, makinis, at mabango! Pakihanap nga sa sarili mo kung may mga ganoon kang katangian kahit isa! Ano, wala, di ba?!"


Bumagsik ang mukha ni Atong. "Bakit ba palagi na lang may mga nagkakagusto sa tropahan ng mga iyon? Mga may mukha lang, pero mga tarantado naman. Lalo na iyang Asher James Prudente na iyan, akala mo kung sino na saksakan ng yabang!"


"Luh, ang humble mo po naman!"


Biglang itinulak ni Atong ang balikat ko. Sa aking gulat ay napasadsad ang likod ko sa blackboard.


"Sinabi ko sa 'yo, 'wag mo akong aangasan, eh! Iyan tuloy napala mo!" Dinikdik ako nito at dinuro sa noo. "O baka naman nagpapapansin ka lang pala talaga sa akin?!"


Pinanlakihan ko ito ng mata. "Hoy, aminin mo nga, sumisinghot ka, ano?!"


Nagtawanan na naman ang mga minions na nagtagumpay na sa pagbaklas ng electric fan sa kisame. Napikon naman si Atong sa mga ito.


Nagpapasikat na bigla ako nitong dinakma sa ulo. "Nahihiya ka lang umamin na gusto mo ako! Hayaan mo, tutal cute ka naman, tutulungan kitang i-overcome iyang hiya mong iyan!"


"A-anong gagawin mo?" Sa sobrang lapit ng mukha nito, naamoy ko ang hininga nito. Muntik akong mawalan ng malay sa sangsang.


"Iki-kiss kita. Di ba iyon naman talaga ang gusto mong mangyari kanina pa? Kaya inaasar mo ako dahil gusto mong patahimikin kita ng halik ko? 'Wag kang mag-alala, di kita bibiguin! In born good kisser ako, kaya siguradong mag-e-enjoy ka sa kiss natin!"


Napatanga ako rito. Anong kagaguhan iyon?!


Ngumuso si Atong at umusod para halikan na ako. Iyong nguso nito ay naglalangis pa yata. Sinubukan ko itong itulak pero ang solid ng fats nito sa harap!


No! Ayaw ko talaga! Kahit yata one second ay hindi ko matatanggap na magdidikit ang mga labi namin! Unang-una, hindi ko ito type! Hindi lang dahil sa hindi ito guwapo, kundi dahil masama ang ugali nito! Mayabang na, magnanakaw pa ng electric fan!


Pangalawa, ang baho ng hininga! At pangatlo, nire-reserba ko ang aking first kiss sa magiging first and last boyfriend ko!


Naiiyak na ako. Kahit anong iwas ko, masigasig si Atong. Nahulaan din nito na aking tatadyakan ito, kaya hinarang na agad ang isang paa sa pagitan ng mga binti ko.


Ang mga minion naman ni Atong ay nagtsi-cheer sa likod. Back up din kung makakatakas ako. Palapit na sa akin ang nguso nito nang may magsalita mula sa pinto.


"Subukan mong ituloy iyang balak mo, nang maranasan mong mabaklasan ng nguso."


Sindak na napalingon si Atong sa pinto, pati na rin ang mga minion. Doon ay nakatayo ang isang matangkad na lalaki na madilim ang mga mata habang papasok sa room. Puting t-shirt ang suot, ang polo ay nakasukbit na lang sa balikat, kasama ang itim na bag, at ang magkabilang kamay naman ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng suot na school pants.


Nang tumingin sa akin ang mga mata niya ay napasinghot ako sa gulat. "Asher..."


Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi kita kilala... Pero ayos ka lang ba?"


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz