ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 10

JFstories

"HINDI KITA KILALA PERO OKAY KA LANG BA?"


Hindi niya ako kilala pero concerned siya, kurutin ko kaya siya sa ngala-ngala?


At bakit nandito pa rin si Asher? Anong oras na, ano ang ginagawa niya rito? Di ba paalis na sila ni Miko kanina? Magbibilyar sila, di ba? Bakit bumalik siya? Ayaw kong mag-assume pero nag-a-assume na ako ngayon.


Pumasok na lang siya basta sa room. Nakapamulsa, nakataas noo, at nakasimangot. Ang angas pa kahit mag-isa lang siya, habang tatlo rito sina Atong.


"Prudente, ang wrong timing mo naman!" Nakasimangot na sabi ng isa sa may hawak ng electric fan. Iyong pinakapayat pero ang mukha ay matapang.


"Boi, may diskarte kami rito, 'wag ka nang sumawsaw," anang naman ng isa pa. "Walang pakialamanan, di naman kami nakikialam sa tropahan mo, eh. O kung gusto mo, ambunan ka namin sa pagbebentahan namin neto."


Nagtutule ng tainga si Asher gamit ang hinliliit sa kaliwa bago tamad na sumagot. "'Sensya pero di ko kailangan ng limos. At wala akong pakialam diyan sa electric fan na balak niyong dekwatin, naka-aircon ako sa amin."


Bumalasik naman ang mukha ni Atong. "Yabang talaga nento ni kalbo! Hoy, wala ang tropa mo rito kaya 'wag kang maangas! Wala kang backup dito!"


Iyong matapang ang hilatsa ng mukha na may hawak ng electric fan ay maaskad ulit na nagsalita. "Prudente, kahit tuliin ka pa namin dito, walang tutulong sa 'yo!"


Natawa si Asher sa mga ito. "Excuse me, mga pangit, matagal na akong natuli. Kaya thanks, but no thanks!"


Hindi na ako nakatiis na di sumabat. "Excuse me rin? Anong tingin nyo sa akin dito, display?!" Itinuro ko si Asher. "At sa tingin niyo, papayag akong tuliin niyo ito?!"


Dinuro naman ako ni Atong. "Hoy, syota kita! Sa akin ka dapat kumampi at di riyan kay kalbo!"


Nagrindi ang tainga ko sa sinabi nito. "Syota? Mga ilang araw kang nalipasan ng gutom, ha?!"


Talaga ngang nalipasan ng gutom si Atong, dahil pinangatawanan talaga ang sinabi. "Prudente, umalis ka na habang mabait pa ako. At lumayo ka riyan sa syota ko!"


Nagusot ang matangos na ilong ni Asher. "Ow? Paano mo magiging syota ito eh, ampangit mo!"


Nanggalaiti lalo si Atong. "Ano kamo?! Tangina, saksakan ka talaga ng hambog!"


Siniko ako ni Asher. "Oy, syota mo nga ba iyan? Kung oo, ang walang taste mo naman."


Tinampal ko siya sa nguso. "Ni sa bangungot di ko papatulan iyan! Ayoko sa magnanakaw ng electric fan!"


Muli siyang bumalik ng tingin kay Atong. "O, narinig mo? Hindi raw."


Nakarinig kami ng yabag na may paparating. Nagpulasan ang tatlong kawatan. Nagmamadali na isinako ang electric fan. Hindi talaga mga susuko, mukhang hindi magpapahuli ng buhay!


Napatingin ako sa itsura ni Asher. Hindi siya naka-complete uniform. Naka-shirt lang, sneakers sa paahan, at ang bag ay halatang kakaunti lang ang laman. Dagdag pa na may hikaw sa kaliwang tainga, may ahit ang isang kilay, at ngumunguya ng chewing gum. Kayang-kaya siyang idamay nina Atong kapag nagkahulihan.


Hindi ako papayag na mapahamak si Asher kasama ang tatlong tukmol na ito. Hindi na ako nagtagal sa pag-iisip, bigla kong dinaklot ang kanyang pulso. Namilog na lang ang mga mata niya nang hilahihin ko na siya palabas ng room.


"Hoy!" sigaw ni Atong and friends. "Prudente, ibalik mo ang syota ko!"


Si Asher ay namimilog pa rin ang mga mata habang tumatakbo kami. Nakasunod siya sa akin habang hila-hila ko siya sa pulso. Nginitian ko lang siya habang patuloy kami sa pagtakbo.


Nakita pa kami ng parating na dalawang guwardiya, pinituhan kami pero hindi kami huminto. Hanggang sa makalabas kami sa gate na saktong walang bantay. Hindi kami dumeretso sa sakayan dahil puwedeng may makakita sa amin, o doon kami maabutan. Sa may kanto ng Prinza kami humihingal na huminto.


Nakahawak pa siya sa magkabilang tuhod niya habang humihingal. "Shuta, di ako na-inform na may balak kang mag-fun run."


Ako naman ay nakasandig sa nakaparadang tricycle. "Eh, kaysa masama ka sa mahuhuli. Walang maniniwala na di ka kasali sa kanila. Guwapo ka lang pero mukha ka pa ring walang patutunguhan."


Napangiwi ang mapupula niyang mga labi. "Thanks ah, pinuri mo muna ako bago laitin."


"You're welcome."


Kandahingal pa rin kami pareho. Iyong hingal ko ay mas malala, walang paglagyan. Kailan pa ba kasi ako huling tumakbo nang ganoon? Hindi ko na matandaan. Bata pa yata ako. Ito pa ang isang drawback sa special section, bihira ang physical activities.


Tumingala si Asher sa akin. "Oy, bakit nga pala andoon ka pa? Nakita mo na, naging syota ka tuloy bigla ni Atong! Yari ka, matagal pa naman iyong maka-move on!"


"Hindi ko nga BF iyon! At saka ikaw, bakit nandito ka pa rin? Di ba umalis na kayo ng kaibigan mo kanina?!" balik ko naman sa kanya.


Umayos siya sa pagkakatayo. Humihingal pa rin. Pawisan ang makinis na leeg, pero mukha namang puwede pa rin.


"Ano? Bakit nga bumalik ka? Bakit ikaw lang mag-isa? Umaasa ka pa bang makikita mo si Lou rito?!" Hindi ko napigilan ang paglakip ng inis sa aking tono.


Imbes naman na sagutin ang tanong ko ay ibang tanong ang ibinato ni Asher sa akin. Kay lumanay pa ng boses niya nang tanungin ako. "Galit ka pa ba?"


Nalunok ko naman ang aking paghingal dahil sa klase ngayon ng pagkakatingin niya. Sinikap kong magtaray pa rin. "Ano namang pakialam mo kung galit man ako o hindi? Di ba dapat ang iniintindi mo ay ang girlfriend mo?"


"Wala kong girlfriend."


Lumabi ako at humalukipkip. "Sa ngayon?"


"Hindi muna."


"Anong hindi muna?" tanong ko naman. Kainis kasi, paputol-putol pa ng sinasabi!


"Ayoko muna."


"Moving on ka ba?"


Tumaas ang isang kilay niya sa akin. "Bakit, kung moving on ba ako, ano ang gagawin mo?"


Hindi ako nakapagsalita. Ano nga ba ang gagawin ko?


Humakbang siya palapit pa sa akin at yumuko para mas silipin ang aking mukha. "Ano, iko-comfort mo ba ako?"


Napahawi naman ako ng buhok sa aking tainga bago siya tiningala. Iyong bibig ko ay kusang nagsalita. "Uhm, g-gusto mo ba?"


"Sira." Bigla niyang ginulo ang buhok ko. "Tara na, hatid kita sa may sakayan sa kanto."


Napatanga na lang ako nang agawin niya sa akin ang bag ko. Iyon na iyon? Ni di niya man lang sinunggaban iyong sinabi ko? Bitbit ang bag ko na nauna na siyang maglakad sa akin patungo sa hiway.


Hindi lang ako basta inihinatid ni Asher sa sakayan, hinintay niya talaga na makasakay muna ako. Umaandar na ang jeep na aking kinalulunan ay nakatingin pa rin ako sa kanya. Ganoon din siya sa akin. Bahagya pa siyang kumaway. 


At nang may dumaan ng jeep patungo sa Buenavista ay basta na lang siya roong sumabit. Wala na siya, pero ganoon pa man, umuwi ako sa amin nang may ngiti na hindi mabura-bura sa labi...



"BF MO NA BA IYONG SEMI-CALBO!"


Nahinto ako sa pagbabasa ng next lesson nang marinig na naman ang usapan sa likod ko. Araw-araw na lang talaga kapag wala pa ang teacher namin, ay walang ibang usapan ang mga nasa likod ko kundi si Asher!


Parang silaw na silaw ang mga kaklase ko, na animo ay kakaibang species ng lahi ni Adan si Asher sa paningin ng mga ito. 


"Hindi, ano," mahinhin na sagot naman ni Lou. Ang laki ng ipinagbago nito. Mula nang ligawan ni Asher ay mas gusto na lang nitong makipagkuwentuhan kaysa mag-review ng mga pinag-aralan.


"Akala ko pa naman ay kayo na. Kailan ba niya ulit pupuntahan dito sa room?" Puno ng excitement ang boses ng secretary namin sa pagtatanong.


"Uhm, ewan ko ba roon. Pero hindi ko naman iyon sasagutin, e!" Nilakasan ni Lou ang boses nang dumating ang Top 1 namin na si Jordan.


Hindi malaman ang trip ni Lou. Gusto pa rin si Jordan pero halata namang gusto na rin si Asher. Mukhang balak nitong pagsabayin ang dalawa. Pero sorry na lang ito, dahil kahit isa ay walang mapupunta rito!


Tumayo ako at nilapitan si Jordan sa upuan nito. "Hi, Jordan! Pahiram naman ng libro mo sa—" Syempre kunwari lang iyon. May ibang plano ako.


Tinabihan ko si Jordan. Sa pananaliksik ko ay aking natuklasan na may problema sila ng GF niyang si Carlyn, iyong babaeng tropa ni Asher. Hindi sila makapag-bonding dahil tutol ang daddy ni Carlyn na mag-boyfriend ang babae. In short, 'Romeo and Juliet' ang drama ng relasyon nila ngayon.


Nagtataka naman ang kulay tansong mga mata ni Jordan sa akin, higit lalo nang matamis ko siyang ngitian. Today, I was going to hit two birds with one stone.


Pasimple ko na binulungan si Jordan. At pagkatapos niyon, ang lungkot sa mga mata ng Top 1 namin ay napalitan na ng sigla maghapon.



I BECAME JORDAN'S MESSENGER. Ako ang inuutusan ng lalaki na maghatid ng sulat o kahit anong gusto nitong ibigay para sa girlfriend na si Carlyn. Dahil doon, naisalba ang pagmamahalan nila at nalunod naman si Lou sa karma.


No Jordan na nga, no Asher pa. Tama ang sagap ko, hindi na tumuloy sa pagliligaw si Asher kay Lou. Mabuti nga, ang gahaman kasi ng bruha.


"Carlyn, ipinabibigay ni Jordan." Inabot ko kay Carlyn ang panibagong sulat.


Nagniningning naman ang mga mata ng babae na tinanggap iyon. Hatid-sundo ito ng daddy nito, 'tapos bihira pa magtama ang mga section namin sa sched, kaya ang kawawang couple ay hirap makapuslit. Fortunately, I was existing, their love messenger!


Kahit sa harapan pa ng daddy ni Carlyn ay nakakalapit ako sa babae. Naibibigay ko rito lahat ng pinabibigay ni Jordan. Ang kapalit, may lovelife ang gusto kong tibagin sa top, plus ay may dahilan na ako sa pagsilay kay Asher parati!



NAG-BELL NA, pero wala pa kaming teacher. Nakaupo ako sa bench. Nagbabaka-sakali lang naman. Nagbabasa na rin pampalipas ng pagkainip. Apart from academic books, I occasionally read graphic novels, or comic books.


Iba-ibang genre ang binabasa ko, kasing lawak ng aking noo ang pag-unawa ko. Walang masamang tinapay sa akin. O baka depende lang sa mood. 


Hulog ako sa pagbabasa nang may naupo sa tabi ko. Sa gulat ay muntik na akong atakihin sa puso. Agad kong naibaba ang maliit na libro na aking binabasa.


Si Asher ang tumabi sa akin. Nakataas ang isang kilay niya habang sinisilip ang mukha ko mula sa pagkakayuko. "Ano bang ginagawa mo, ba't di ka namamansin?"


Ha? Kanina pa ba siya? Lumabi muna ako bago sumagot. "Nagbabasa."


Inginuso niya ang hawak kong libro. "Ano 'yan? Comics?"


"Manga 'to."


Bigla niyang inagaw bago ko pa maitago. Namilog ang mga mata niya matapos iyong buklat-buklatin. "Pota, ano ito?! Ba't may nag-eespadahan dito?!!!"


Napahagikhik naman ako sa pamumula niya. "Yaoi."


Isinalaksak niya sa akin pabalik ang libro. "Bakit ka nagbabasa niyan?! Bad iyan!"


"Anong bad ka riyan?" Inirapan ko siya. "Saka okay na iyong nagbabasa lang, kaysa naman nanonood." Sa sinabi ko ay bigla siyang pinamulahan.


"Ehem." Tumikhim siya. "May tanong pala ako."


Nag-beautiful eyes ako sa kanya. "Ano? Kahit ano pa iyan, masasagot ko. Hindi man ako sobrang ganda, pero matalino ako!"


Muli siyang tumikhim. Namumula pa rin at hindi na makatingin sa akin. "Uhm, itatanong ko lang. Gusto mo ba ako?"


Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ako nagpahalata. Kaswal akong nagsalita. "Crush lang."


Nalukot ang matanos na ilong niya. "Crush mo lang ako? Wala bang mas malaswa?"


"Syempre, step by step iyon. Mga bata pa tayo kaya wholesome muna."


"'Di ba kapag gusto mo, gusto mo ring maging kayo?" mahinang sabi niya. Napayuko siya mayamaya. "Ayaw ko..."


"Ha?" Nag-panic ako. Anong ayaw niya? "Bakit hindi puwede?!"


Nakayuko pa rin siya nang magsalita. "Kasi... Kapag naging tayo, katulad ng ibang naging GF ko ay maghihiwalay rin tayo. Ganoon palagi ang nangyayari. Sandali lang tayo. Pagkatapos ay wala na..."


Gets ko ang pinupunto niya kahit ang pangit niyang magpaliwanag. Ang akala niya ay kapag naging kami, matatapos din kami. Nanghihinayang ba siya? And because of that, he'd just keep me as a friend? 


Bigla akong napatayo. "Hindi!"


Maang na napatingala naman siya sa akin. "Ha? Anong hindi?"


Namewang ako sa harapan niya. "Kapag ginawa mo akong girlfriend, ako na dapat ang huli. Wala kang karapatang magsawa, tumingin sa iba, at higit sa lahat, bawal kang makipaghiwalay kahit pa dumating ang araw na pagod ka na at sukang-suka ka na!"


Wala man lang siyang shookt o violent reaction. Sumandal siya sa sandalan ng bench habang nakapamulsa sa suot na school pants at naka-de quatro sa pagkakaupo. "Applicable din ba sa 'yo 'yan?"


Naiilang sa malalim na titig niya na ibinato ko ang paningin sa bandang gate.


"Oy, ano?" untag niya sa akin. Ang isang paa niya ay marahang isinipa niya sa paa ko. Iyong dulo ng sneakers niya.


Napasimangot ako. Pa-paa talaga?


Naupo ulit ako sa tabi niya. May mas space kaysa kanina. Sa aking peripheral vision ay alam ko na ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. "Uhm, e ano muna ibig sabihin ng applicable?" tanong ko sa kanya sa kawalan ng sasabihin.


Napaungol siya. "Panira ka naman, eh. Basta alam mo na ang gusto kong sabihin!"


Oo, alam ko naman. Alam na alam ko, kaya nga gusto ko nang mamilipit sa kilig dito. Puwede naman sigurong pagsabayin ang pag-achieve sa goal at pagharot, basta 'wag ka lang makakalimot sa limitasyon, di ba?


Humalukipkip ako at sinikap na salubungin ang nakalulunod na mga mata ni Asher. Matapos ang ilang minuto ay ngumiti ako sa kanya. "First and foremost, know that you will not be my first priority; as my top 3 are my parents, my studies, and myself. But don't worry, I can balance everything. Kung nakakaapekto ka na sa alin man sa mga iyan, lalo na sa peace of mind ko, I will let you know. Rest assured that I will not leave you in the dark. We'll talk and sort things out."


Napanganga siya sa akin. I knew I was amazing but my speech was not finished yet. I needed to be clear with him first.


"Third party is a big no, 'OK' is not an acceptable reply, may it be on chat, text, or in person; minimum of one sentence every after the conversation. Just so you know, a sentence is a group of words that consists of one independent clause and no dependent clauses and expresses a complete thought. And last but not least, ghosting is prohibited!"


Nakangiti na inabot ko ang kamay niya habang tulala pa rin siya. 


"Asher, you can count on me to be faithful to you, to support you as long as you are doing the right thing, and I will always have your back. I'll be super good, but of course, my behavior and performance as your girl will still depend on how you treat me."


Napakurap siya sabay bawi sa kanyang kamay na hawak-hawak ko. Siya naman ang napatayo bigla. "Uhm, puwede bang pag-isipan pala muna?"


Matamis pa rin akong nakangiti. "Sure. No pressure. Meron ka hanggang mamayang gabi!"


Iniwan ko na siya bago pa siya may masabi. At mamayang gabi, sa ayaw niya man o sa gusto, makikita niya sa Buenavista ang pagmumukha ko!



AKALA KO AY PAGTATAGUAN AKO NI ASHER. Pinalayas na ako ni Tita Judy bandang 7:00 p.m. Panay na lang daw kasi ang punta ko, wala na siyang privacy. Kesyo marami pa siyang gagawin. If I know, magtitinda lang siya ng yelo sa panganay na barako ng mga Prudente!


Back to Asher. Paglabas ko pala sa apartment ni Tita Judy ay aking natanaw na agad siya sa harapan ng bahay nila. Pinapaihi niya sa kanal si Honeybunch. Palapit pa lang ako, iniirapan na ako ng malditang aso.


Ang tagal namang magpaihi ni Asher. Gusto ng pumasok ni Honeybunch pero ayaw pa niya. Pinaiihi ulit ang aso. Kung may boses lang siguro ito ay kanina pa nagreklamo.


Kunwari di ko sila nakita. Dere-deretso ako sa paglalakad habang tinitingnan ang calculator sa cell phone ko. Hmn, ano kayang magandang gawin? Mag-add, substract, o mag-divide?


Nang malapit na ako ay saka niya pinapasok si Honeybunch sa loob. Namalayan ko na lang na kasabay ko na siyang naglalakad. Nakapamulsa siya sa suot na cargo shorts.


Tumingala ako sa kanya at um-acting na nagulat. "Uy, nandiyan ka pala. Kanina ka pa?"


"Kanina pa kita hinihintay."


"Ha, bakit?" inosenteng tanong ko. Pero iyong mga lamang loob ko, nagra-ramble na sa kaba. Bakit kasi ang seryoso ng boses niya?!


Napakamot siya ng daliri sa gilid ng kaliwa niyang kilay na may ahit. "'Di ba sabi mo, ngayon ako mag-decide."


Napalunok ako. "Ah, uhm, m-may desisyon ka na ba?" kabadong tanong ko. Paano kung nagbago na ang isip niya? Paano kung na-realize niya na hindi talaga ako pasado sa taste niya? Na hindi ako ganoon kaganda, cute lang saka smart.


Huminto siya sa paglalakad. "Puwede ba..."


Napahinto rin ako. Nasa madilim na parte kami ng street, iyong di abot ng lamppost, pero abot ng liwanag ng buwan. Tiningala ko siya nang humakbang siya, hanggang sa isang hakbang na lang ang aming pagitan. "P-puwedeng ano?"


"Laila Valmorida ng Grade 12, Science Class, na taga Sunterra Place Subdivision, Pasong Camachile. Lahat ng sinabi mo, napag-isipan ko na."


"Y-you mean?"


Mula sa seryosong mga titig ay lumamlam ang kislap ng mga mata niya. "Ang ibig kong sabihin... Lai, puwede ka bang maging girlfriend?" 


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz