Chapter 71
"WALA NA SIYA, KAYA HINDI MO NA SIYA MAKIKITA PA."
Nakaawang ang mga labi niya sa akin habang nanlalaki ang mga mata niya na pinangingiliran ngayon ng luha at ramdam ko ang lakas ng pagkakahawak niya sa akin na unti-unting nawawala.
"Kambal sila pero mahina ang puso ng isa."
Tuluyan nang napaluhod si Asher sa harapan ko. Ang pagkakahawak niya sa akin ay tuluyan na ring naalis. Nakayuko siya at dinig ko ang paghingal niya, habang ang malapad na balikat niya ay nanginginig. Pero dapat niyang malaman. Dapat niyang marinig.
"I did everything the doctor advised. I didn't even go out, I just stayed at home. Kahit nagtatrabaho ako sa online job ko, hindi ko kinakalimutang magpahinga. Pero wala, kinuha pa rin ang isa. Nawala pa rin siya."
Ang paghingal niya ay malalim na, dinig ko na rin ang kanyang hirap na paghinga na sumasabay sa kanyang paghikbi, habang hawak niya na ang kanyang dibdib.
Lumuhod na rin ako upang magpantay kaming dalawa. Nakayuko siya kaya kinailangan kong itaas ang kanyang mukha gamit ang mga kamay ko. Natulala ako nang makitang basang-basa na siya ng luha.
Umiiyak si Asher, walang patid ang pag-agos ng masaganang luha mula sa mga mata niya, namumula ang dulo ng matangos na ilong, nangangatal ang mapupulang mga labi. Ilang beses ko na siyang nakita na umiyak noon, pero iba ngayon.
He continued to tremble, weep, and pant, and I knew he was blaming himself. I was used to him looking pathetic, but I had never seen him this pitiful.
Habang nakatingin kay Asher ay dalawang damdamin ang pumapaloob sa akin. I felt sorry for him, and at the same time, I was glad seeing him in pain.
He was finally going through what I went through. So sure, I wished to see him cry some, break some more, and maybe he could die too. Because when the day I heard out about it, I died too.
Ako lang ang mag-isang nasaktan noon, mag-isang nadurog, at sa kabila niyon, kailangan ko agad magdesisyon. Hindi pa ako nakakabawi ng lakas pero kailangan ko na agad sabihin kung ano ang gagawin, kung cremate ba, o ibuburol at ililibing.
Ang hirap magdesisyon mag-isa. Ang hirap mag-asikaso mag-isa habang hindi pa nga ganoon kagaling. Pero ang pinakamahirap ay ang masaktan mag-isa. Mawasak mag-isa.
Nasa tabi ko man noon si Renren pero mas naka-focus ang babae sa akin. Gayunpaman, inaamin ko na malaking tulong pa rin ang presensiya nito, lalo noong mismong oras na dinudugo na ako. Lumitaw ito at ito ang nagdala sa akin sa ospital. Kaya okay lang, okay lang na makita ko si Asher kung paano siya ngayon mawasak at madurog. Hinayaan ko siya na ilabas niya.
Ilang minuto ang impit niyang pag-iyak hanggang sa hindi niya na kinaya. Nagkatunog na ang iyak niya. Surprisingly, I didn't like it. I thought I would like hearing him cry, but I didn't. Iba na iyong tunog ng iyak niya, hindi na ako natutuwa. Niyakap ko ang ulo niya sa aking dibdib. Hinagod ko ang likod niya.
Hanggang sa nagulat na lang ako dahil naiiyak na rin pala ako. Dapat hindi na, kasi tapos na ako sa phase na ito, pero tumutulo pa rin ang mga luha ko. Tulo pa rin nang tulo.
Walang salita na patuloy ang aming mga luha sa dilim, sa ibabaw ng kama niya. And throughout the night, we mourned our lost child as we embraced each other's trembling bodies.
ASHER WAS NOT LOOKING AT ME.
Nauna siya sa aking magising. Pagmulat ko ay mag-isa na lang ako sa kama niya habang nakakumot ng kanyang kumot. Bumangon ako at pagbaba ay nasa sala na siya kasama si Bobbie.
Napakain niya na ng almusal ang bata. Lumapit ako at siya namang simpleng paglayo niya. Sinundan ko siya sa kusina nila. Nakaharap siya sa lababo pero wala namang ginagawa.
Humawak ako sa bewang niya. "Kumain ka na?"
"Kumain ka na." Iyon ang sagot niya. Hindi galit, hindi rin masaya, at lalong hindi malambing. Sakto lang. At ayaw ko ng sakto lang.
"Ayaw kong kumain."
Saka siya tumingin sa akin. May gusto siyang sabihin, siguro gusto akong usigin na hindi ako puwedeng mag-inarte ngayon dahil hindi lang ako ang dapat kumakain. May baby sa tiyan ko. Pero wala siyang sinabi.
Sa halip ay mahinay niyang inalis ang kamay ko sa kanyang bewang at naglakad siya palayo. Narinig ko ang mahinang boses niya pagkatapos. "Sige, kumain ka na lang pag gutom ka na."
Tapos iniwan niya na ako sa kusina.
Right, he hated me. Napangiti ako nang madilim. Galit siya dahil huling araw na saka ko pa sinabi? Binigla ko siya? Pero at least ay sinabi ko, di ba?!
Pero ano ngayon kung galit siya? Hindi niya na ako mapapaalis dito. Dito na ako. Wala nang bawian iyong mga pangako niya. Hindi ako papayag.
Kinukutkot ko ang aking kuko nang pumasok si Tita Judy. "Laila, Sabado, uuwi muna kami sa amin sa Lancaster. Kailangan ko rin doong maglinis, saka ang dami na naming labahin."
"Bakit hindi ka rito maglaba?"
"Naku, ayaw ko ritong maglaba." Pinahina niya ang boses niya sabay lapit sa akin. "Ayaw ko rito dahil baka makialam pa si Donya Ason. Dami kayang hanash niyan. Kesyo hindi dapat ganito kundi ganyan."
Pati sa paglalaba ay nakikialam si Aling Ason? Nilampasan ko si Tita Judy at tumungo ako sa sala. Naroon ang nanay ni Asher, nakaupo sa sofa habang nagpapalinis ng kuko sa paa sa isa sa mga kapitbahay nito.
Napatingin ito sa akin nang makitang nakatingin ako. "Ano iyon, Laila? May kailangan ka?"
Mabait ako na ngumiti rito. "Maglalaba po ako."
Doon ito napasimangot. "Maglalaba ka? Puwede ka bang maglaba? Ilang buwan pa lang ang tiyan mo, maselan pa ang ganyan kaya dapat ingatan!"
Lalo akong ngumiti pero iyong nahihiyang ngiti. "Kaunti lang naman po. Underwear lang po."
"Ay, naku! Mamaya, tutulungan kita!"
Ginawa naman nito ang sinabi. Matapos itong magpalinis ng kuko ay isinama ako sa likod nila. Si Asher naman ay nakasunod lang sa amin ng tingin. Ang sabi ni Aling Ason ay dito ko raw labhan ang mga underwear kesyo hindi iyon dapat nakikita ng iba. Bawal din daw ang detergent soap, dapat mild lang katulad ng Perla.
"Pagkalaba mo, piga at sampay agad, kasi underwear iyan. Maninipis ang tela. Masisira pag i-dryer pa. Hindi mo rin dapat pinapaabot ng ilang araw na marumi. Pag medyo marami-rami na, dapat agad na nilalabhan na." Marami pa itong sinabi. Maraming bilin.
Kesyo wag magsasampay sa tapat ng kalsada kasi maaalikabukan, o may baka may makakita. Pag underwear daw ay hindi dapat nakikita ng iba et cetera, et cetera. Kung si Tita Judy siguro ay narindi na, pero ako ay hindi. Ang mga pangaral ni Aling Ason, ang pangna-nag, maski ang lantarang pakikialam, lahat ay natutuwa akong pakinggan.
"Isa pa, Laila, dapat maaga ka maglalaba, para bago sumapit ang hapon ay tuyo na. Bawal iyan maiwan sa labas lalo pagtakip-silim na."
"Bakit po?" nakangiti naman na tanong ko habang titig na titig sa mukha nito. Ito siguro ang mga bagay na hindi nito nasabi sa mga barako nito, dahil nga mga barako.
"Naku e di mo alam ang kasabihan? Na puwedeng itlugan ng di nakikita ang underwear natin dahil mabango iyon para sa kanila. Sa probinsiya ay may nabubuntis sa ganyan. Puwede ring magkaproblema sa matris. Akala ng doktor ay cancer, pero na-demonyo na pala!"
Nangingiti pa rin ako habang nakikinig at nakatingin dito, kahit pa nakalimutan na yata ni Aling Ason na hindi 'Beware of the Class President' ang title ng story namin.
"Basta, Laila! Hindi naman sa paniniwala sa sabi-sabi, ano, pero maganda na rin na nag-iingat ka! Saka, kung may sariling banyo ka naman sa kuwarto, mas maigi na doon ka na rin magsasampay ng underwear mo! Mas safe sa alikabok at polusyon—"
Hindi na natapos ni Aling Ason ang sinasabi nang hawakan ko ang kamay nito. Nagtataka na napatingin naman ito sa akin. "Thank you po," nakangiti at taos sa puso na sabi ko. "Susundin ko po lahat ng sinabi niyo."
Hanggang sa masampay na ang limang pirasong underwear ko at iwan ko na si Aling Ason sa likod-bahay ay tulala na nakanganga pa rin ito.
Pagbalik ko sa sala ay nagulat ako nang makitang nakabihis si Asher. RL white polo shirt, baston jeans, at white Nike sneakers. Nakatali rin ang buhok niya at may dala siyang envelope. Saan siya pupunta?!
Hinalikan niya si Bobbie sa noo. "You remember everything I told you?" bulong niya rito.
Sumaludo ang bata sa kanya. "Yes, Papa!"
Saka lang siya sa akin tumingin. "Pupunta ako sa kompanya sa Manila. Baka gabi na ako makauwi."
Pumasok na ang nanay niya sa bahay. Doon na napunta ang atensyon niya dahil napakarami nitong bilin sa kanya. Hanggang sa lumabas na siya ng pinto ay hindi na siya sa akin ulit tumingin pa.
ASHER WAS IN MANILA. Umalis siya bago pa mananghalian kaya wala akong gana. Kumain pa rin naman ako nang kaunti dahil syempre ay need iyon ng baby ko. At saka, nakabantay ang mga tingin sa akin ni Aling Ason.
Nang mapaliguan ko na si Bobbie ay umakyat na kami sa kuwarto sa rooftop. Dito kami dahil mas gusto ni Bobbie rito. Pagsapit ng 2:00 p.m. ay saka ko na ito tinawag para patulugin. Tulala lang ako dahil wala na ang tiyahin ko. Wala akong makausap. Wala akong magawa. Wala namang TV rito sa kuwarto ni Asher, hindi rin naman ako nanonood ng TV, at hindi pa rin ibinabalik sa akin ang cell phone ko.
Wala rin dito ang laptop ko. Ano rin ang gagawin ko sa laptop? Malamang na wala na rin akong trabaho dahil hindi na ako nakahingi ng new files sa clients ko mula nang dalhin ako ni Asher dito. Naiinip ako. Mabuti sana kung nandito siya, e wala naman! Hindi niya pa ako masyadong pinansin kanina!
Napabuga ako ng hangin. Tapos na kaya siya sa inaasikaso niya sa Manila? Nagmeryenda man lang ba siya? Anong oras siya uuwi?
Saglit pa lang siyang nawawala ay para na akong napa-praning. Paano kaya kapag sumampa na siya? Bukas na! Napasabunot ako sa aking buhok. Ayaw ko pang isipin. Malay natin, baka mausod pa. Di ba nauusod naman iyong ganoon?
Tumabi ako sa natutulog na si Bobbie sa kama. Niyakap ko ang bata. Hinalikan sa ulo. "Baby, alam na ng papa mo. Alam niya nang dapat ay apat na tayo. At galit ang papa mo..."
Mahapdi ang mga mata na napasubsob ako sa maliit na balikat nito hanggang sa makaidlip na rin ako.
WALA PA RIN SI ASHER.
Hindi ko na nakuhang kumain. Pabalik-balik na lang ako. Para akong masisiraan ng ulo. Bakit wala pa siya? Sinabi niya ba kanina kung anong oras ang uwi niya?
Sina Aling Ason at Mang Jacobo ay nag-aalala na rin sa akin. Pinapakain ako pero hindi ko talaga maubos-ubos iyong nasa aking plato. Dapat kasi umuwi na si Asher. Ang tagal-tagal naman niyang mag-asikaso sa Manila!
Kagat-kagat ko ang aking ibabang daliri habang paroo't parito ako sa kuwarto. Panay ang tingin ko sa orasan sa pader. Kahit si Bobbie na naglalaro ng manika nito sa kama ay nagtataka na sa akin.
Kasi namanay nandito pa sina Tita Judy e. Dapat hindi pa sila umalis para may kalaro si Bobbie. Saka para kahit paano ay may kausap ako. Para hindi ko maisip si Asher lagi. Kasi paano kung kakaisip ko sa kanya ay maaksidente siya? Sukat ay nabatukan ko ang sarili.
Buwiset, Laila, ano bang iniisip mo?! Bakit ba kasi ako batong-bato rito?! I shoud think of something else! Yes, something else! Ano ba? Ano ba? Ah, si Rio! Nahanap na ba nito ang pamangkin ko?!
Nakuha na rin ba ni Rio iyong pera na pinakukuha ko? Nailagay niya na ba ang tira sa inuutos kong paglagyan niya? Kung oo ay dapat makuha ko na iyon bago makita pa ng iba! Kailangan ko ang perang iyon para sa aking plano sa mga Punzalan. Kailangan ko na iyong makuha sa inutos kong pagtaguan ni Rio. Pero paano? Hindi ako makalabas dito!
Bumukas ang pinto at mula roon ay aking nakita ang lalaking kanina pang gusto kong makita. Ang kabog ng dibdib ko ay nagdoble-doble nang masilayan ang kanyang mukha. Nakauwi na siya!
"Asher..." But he literally ignored me.
Lumapit siya kay Bobbie. "Hey, little soldier, how's everything while I'm away? Report!"
Nag-salute si Bobbie. "Mama didn't eat her food!"
Windang naman ako na napatitig sa bata na naka-salute pa rin. "Bobbie?!"
Napa-tsk si Asher.
Yumukod siya at hinalikan si Bobbie sa noo, at may binulong na kung ano rito.
Nag-alis naman na ng pagkakasaludo ang bata. "I'll play in Papa's room!" At sabay sibat na nito palabas ng kuwarto.
Ini-lock naman ni Asher ang pinto saka nilingon ako gamit ang malalamig na mga mata niya. "Ipinakita mo sa bata ang pagsasayang mo ng pagkain?"
Galit siya? Right, galit nga siya. At least ngayon ay ipinapakita niya nang galit siya.
Tinatagan ko naman ang sarili at sinagot siya. "G-gusto kong lumabas." Dahil may kailangan akong kunin, saka hindi niya naman ako pinapansin. "Batong-bato na ako rito! O kahit makita ko lang sana ang tita ko!"
"No, Lai. That's not how it works."
Napalunok ako dahil kahit seryoso siya ay gusto ko siyang lusubin ngayon ng halik. Tapos parang gusto ko rin siyang sampalin.
Asher grinned darkly as he walked toward me. "Just accept it. Your time is over and I now have the upper hand. And if you know what is best for you, susundin mo ako. At gusto ko, wag kang lalabas, kaya hindi ka lalabas. Dito ka lang at alagaan mo ang mga anak ko!"
Nakasimangot ako sa sinabi niya. Pero pagtalikod niya ay malawak ako na napangiti. Sure. Hindi naman talaga ako aalis. Wala na akong balak umalis, kahit nga siya pa mismo ang magpaalis sa akin dito!
BUT I STILL NEEDED TO AT LEAST GET TO THEIR THEIR GATE.
I had a feeling that Rio had already hidden the money where I had instructed him to hide it. Ang kaso, hindi ako papayagang umalis ni Asher kahit sabihin ko pang saglit lang ay may titingnan lang ako.
Ang gusto ni Asher ay dito lang ako. Dito lang daw ako at alagaan ko ang mga anak niya. Dito niya raw ako iiwan at dito niya rin babalikan. Iyon naman talaga ang gagawin ko, iutos niya man o hindi. Pero may kailangan pa muna akong gawin kung gusto ko na manahimik na ang mga buhay namin. Habang naliligo siya ay iniwan ko si Bobbie sa rooftop. Bumaba ako.
Tyempo naman dahil kauuwi lang ni Amos galing sa clinic, tapos may problema ito, kaya naririto ang atensyon nina Aling Ason at Mang Jacobo ngayon. Nabasag daw sa daan ang specs dahil nadapa. Nawawala rin ang mga gamit dahil noong madapa ay na-holdap naman daw ng hindi nakikilang nilalang.
Ang grabeng kamalasan ni Amos ay suwerte ko naman. Dahil nga busy sa kanya ang mga magulang ay nakapuslit ako palabas ng garahe. Mabilis ang kilos ko papunta sa gate. Mabuti at ulyanin si Amos kaya hindi pa nito naila-lock, nakalabas pa ako.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Walang tao at madilim. Hinanap ko ang pinaka-safe na paso rito. Iyong ini-spot-an ko na hindi masyadong pansinin dahil natatakpan ng ibang paso at halaman. Kinapa ko iyon at doon ay may nakapa agad ako na plastic. Kinuha ko agad at inilagay sa aking likod.
Umakyat na ulit ako sa itaas. Hindi sa rooftop o kuwarto ni Asher ang punta ko, kundi sa isa sa mga kuwarto rito sa second floor. Tinungo ko iyon at kinatok nang sunod-sunod.
Nang bumukas iyon ay lumitaw ang pupungas-pungas na isa sa mga kuya ni Asher, si Aram John Prudente. Lasinggero lang ito pero isa na ito ngayong attorney.
"Kailangan ko ng tulong," sabi ko agad. "Babayaran ko. Kailangan ko ng kasulatan na ipapa-notaryo." Sinabi ko ang mga detalye.
Tumango-tango naman si Aram kahit parang lutang pa.
"At isa pa. Puwede bang pag pumunta ulit iyong mga taga Bacao rito ay samahan mo ako?" Ang presensiya niya bilang abogado ay dagdag panakot sa mga ito.
Si Aram ay namewang. Mukhang nahimasmasan na at di na lutang. Mabuti naman.
Napabuga ako ng hangin. "Kung alam ko lang ang bagong number ni Ate Linda, mas maganda sana."
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Bakit, di mo alam?"
"Sasabihin ko ba iyon kung alam ko?" Napakamot ako ng sentido. "Hindi ko rin alam kung saang lupalop makikita iyong babaeng iyon ngayon."
Umiwas na siya ng mata. "Sige, sabihan mo na lang ako. Gagawin ko na iyon iyong pinagagawa mo."
"Babayaran kita!"
"Saka na ako maniningil." Pagkasabi'y pinagsarhan na ako nito ng pinto.
Pagkabig ko paalis ay muntik akong mapaatras ulit. Nakatayo kasi sa ibaba ng hagdan ang bagong paligong si Asher. Nakatuwalya lang sa ibaba. Tapos nakasimangot.
"Anong pinag-usapan niyo ng kuya ko?"
Was he jealous? Kahit hindi ako manalamin ay alam ko na nangislap ang aking mga mata at nangingiti ngayon ang aking mga labi.
Nagpaliwanag agad ako. "Kailangan ko lang ng kasulatan na ipapanotaryo. Para iyon sa pamilya ko sa Bacao, para hindi na nila ako guluhin."
Walang kasinungalingan ang mga sinabi ko pero hindi buo, dahil ayaw kong malaman niya pa na kinailangan ko pa ang tulong ni Rio.
"Hindi ka mapapahamak diyan?" tanong niya.
"Hindi. Pero pag pumunta ulit sila rito ay kailangan ko na silang harapin. Wag kang mag-alala, iyon na rin ang una't huling pagharap ko sa kanila."
Tumango siya. "Basta, dapat kasama mo si Nanay pag hinarap mo sila. Para anuman ang mangyari."
"Okay." Yumakap na ako sa bewang niya.
Naramdaman ko ang kanyang paninigas pero hindi niya ako itinulak. Sa halip, naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok nang marahan.
Galit man si Asher sa akin o hindi, wala siyang balak bitiwan ako. Wala siyang balak paalisin ako. Dito lang ako kung saan niya ako babalikan. Iyon ang mahalaga. Ang akala ko nga lang ay makakaya ko. Pero ngayon ay para akong pinapatay dahil ngayong araw na ang pagsampa niya sa barko.
KAGABI KAMI NAG-IMPAKE. Kasama namin ang nanay niya hanggang madaling araw. Tulala lang ako pagkatapos dahil bakit ang bilis naman? Bakit hindi na-postpone? Bakit hindi bumagyo? Lumindol? O kaya gumuho ang mundo?!
Ngayon ay nasa labas kami ngayon ng bahay nila. Ito na iyong araw ng pag-alis niya. Naluluha ang mga mata niya nang mariing halikan sa ulo si Bobbie. "Take care of your mama and baby sibling, do you understand your mission, little soldier?"
Ang batang babae ay humihikbi ang mapupulang mga labi na sumaludo sa kanya. Pero hindi rin nakatiis, yumakap ito nang mahigpit sa leeg niya.
"Babalik si Papa," bulong niya rito habang hinahagkan ito nang paulit-ulit sa ulo.
Nang ibigay na ni Asher si Bobbie kay Amos, ay sa akin siya sumunod na tumingin. I was waiting for him to tell me anything, but all he did was kiss my forehead.
"Asher..." Basag ang unang salita na binitiwan ko mula sa aking pananahimik buong araw.
"Mag-ingat ka," may luha sa mga mata na sabi niya. "Makinig ka kay Nanay. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa kanya. Hindi niya kayo pababayaan. At si Ate Judz, pabalikin mo rito kahit kailan mo gusto. Siya rin ang sasama sa 'yo sa mga check up mo."
Napahikbi na ako. Humawak ang nanginginig na mga kamay ko sa suot niyang puti na polo. "Bumalik ka agad."
Tumango siya. Pagtalikod niya ay narinig ko ang kanyang pagsinghot bago yumuko papasok sa owner. Hindi na siya ulit sa amin lumingon. Nanatili na siyang nakayuko habang mahigpit na magkasalikop ang kanyang mga kamay.
Ang tatay niya na si Mang Jacobo ay tinanguan na kami bago ito pumasok sa driver's seat. Ito ang maghahatid sa kanya. Nang umalis na ang owner at matiyak na wala na talaga siya ay doon na ako tuluyang nagising. Doon ako tuluyang nag-panic.
That was when I went into utter anxiety. It was as if everything came back to me.
"Asher!!!" basag na sigaw ko.
Iyong sigaw na hindi ko nagawa noong unang beses na iwan niya ako ay ngayon ko naibuhos. Nagdidilim ang paningin ko. Napatakbo ako sa labas ng gate nila. Wala akong pakialam kahit may nakakakita. Wala akong pakialam sa kanila! Basta gusto kong habulin si Asher!
Gusto ko pa siyang yakapin! Gusto ko pang mag-sorry kasi ang sama-sama ko! Gusto ko na mag-sorry kasi ganito iyong utak ko! Kasi pinasakit ko iyong ulo niya nang maraming beses! Kasi sinaktan ko siya! Kasi nagkasakitan kaming dalawa!
Lahat bumalik sa akin. Lahat pati ang mga pakiramdam. Windang na windang ako. Gising na gising. "Ahhh, Asherrr!!!" basag na basag at lumuluhang sigaw ko.
"Laila!" Hinabol ako ni Aling Ason at niyakap mula sa likod. "Tama na, Laila! Tama na, makakasama sa 'yo. Tama na, anak. Babalik naman si Asher! Babalikan niya kayo!"
Nanginginig at nanghihina akong napasandig kay Aling Ason habang nakatanaw na lang sa malayo nang owner. Hindi na ako narinig ni Asher. Hindi niya na ako nakita. Katulad noon, wala siyang alam.
Kung paanong nadurog ako dati nang iwan niya ako, nadudurog ulit ako ngayon nang mas matindi pa. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako aalis. Sa pagkakataong ito ay hihintayin ko na siya.
I would wait for his return. Not because he asked me to, but because that was what I wanted to do. Dahil mahal ko siya. Dahil sa kabila ng lahat... Mahal na mahal ko pa rin pala siya!
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz