ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 70

JFstories

WARM AND HARMONIOUS.

Madalas magulo, maingay, pero totoo. Ganito ang pamilyang ito. Malalaman mo agad kung ayaw ka, o gusto, dahil walang pagpapanggap o pagpapakitang tao.

Si Aling Ason ay nakabungisngis pa rin habang nagre-reply sa mga comment ng post nito. Nang makitang pababa sina Aram at Amos sa hagdan ay saka napasimangot. "Hoy, kayo! Nakikita niyo ito?" Ihinarap niya sa dalawa ang hawak na ultrasound ko. "Tagdalawa na ang kuya niyo at bunso!"

Si Mang Jacobo ay sumingit. "Sweetheart, 'wag mong madaliin ang aking mga barako. Baka naman kasi hindi pa natatagpuan ang magpapatibok sa kanilang mga puso."

"Puso?" pasinghal na gagad ni Aling Ason. "Asan ang puso ng mga iyan?! Ako na nagluwal sa kanila ay hindi man lang malambing ng mga barakong iyan! Inuuwian lang ako rito dahil may mga kailangan!"

Si Amos ay napatirik na lang ng mga mata sa suot na specs nito. Sanay na pero nai-stress pa rin sa ina. Naduro tuloy siya.

"O di ba't totoo naman?! Itong si Amos ay kaya nandito pa rin kasi alam niyang gugutumin siya kapag bumukod na siya, dahil hindi siya marunong magluto! Hindi rin marunong maghugas ng pinagkainan! At hindi rin marunong maglaba ng pinaghubaran niya! Hanggang ngayon ay puro nanay pa rin, pero wala namang kalambing-lambing!"

Dinuro na sumunod ni Aling Ason si Aram na tayo-tayo pa ang buhok dahil halatang kababangon lang. "Ito namang Aram na ito, isa ring walang kuwentang anak! Nagbibigay nga ng pera pero wala ring kalambing-lambing sa katawan! Pag nauwi ay mas gusto pang mag-inom at magkulong sa kuwarto niya!"

"'Nay, puso mo." Niyakap ni Asher si Aling Ason. "Saka, dapat happy ka ngayon di ba kasi madadagdagan na ang apo mo?"

Lumabi naman si Aling Ason at gumanti ng yakap sa bunso nito. "Hay naku, mabuti na lang at naririto ang aking bunso. Ang kaso, sasampa ka na naman sa barko. Mami-miss ka ng nanay."

Si Aram na dumaan sa gilid ko ay hindi nakaligtas sa akin ang sinabi. "Sipsip gago."

Ngingisi-ngisi lang naman si Asher nang bumalik sa akin. "Gutom ka na?"

"Nagluto na ako!" ani Aling Ason. "May ulam na riyan, pero baka may ibang gusto si Laila?! Hindi ba't ganyang unang buwan ay maselan sa pagkain iyan? Bunso, tanungin mo kung ano ang gusto!"

"Okay lang po kahit ano," magalang na sagot ko. Nilapitan ko si Aling Ason at hinimas ito sa braso. "Kahit naman ano pong ulam iyan ay siguradong masarap, dahil luto niyo."

Si Tita Judy ay nasamid kahit walang laman ang bibig. Ngingiti-ngiti lang naman ako. Bakit, threatened ba siya? Aba, e di galingan din niya!

"Tulungan ko na po kayo maghanda," malambing na sabi ko kay Aling Ason. Kung meron akong dapat gawing kakampi sa pamamahay na ito ay iyong dapat pinakamalakas.

Si Aling Ason naman ay tila kinilig. Kumindat pa ito kay Asher at pasimpleng nag-thumbs up, pero kita ko naman, kunwari na lang hindi.

Magkakaharap kami sa mahabang mesa para sa tanghalian. Ang padre de familia na si Mang Jacobo na nasa kabisera ng mesa, sa kaliwa nito ay si Aling Ason, si Aram, si Asher, at ako. Sa kabilang gilid naman nito na kaharap namin ay si Amos, si Bobbie, ang kambal na sina Adam at Atlas, at si Tita Judy.

Ang ulam ay monggo at pritong galunggong, luto ni Aling Ason. May saging, pakwan, at mangga na panghimagas. A-atake na si Mang Jacobo nang tumikhim ang pangatlong barako nito na si Amos. Yumuko ito na ibig sabihin ay magdasal muna.

Proud na proud naman si Aling Ason na parang hindi nabuwiset dito kanina lang. "Dentista kasi iyan kaya madasalin!"

Gusto ko sanang itanong kung ano ang konek ng pagiging dentista sa pagdadasal, pero wag na lang dahil nagpapalakas nga pala ako.

Si Mang Jacobo ang nagsandok sa mga apo nito at pagkuwan ay deretso na itong nagkamay sa pagkain. Kami naman lahat ay naka-kutsara at tinidor.

Si Asher ang nagsandok para sa akin. Dinamihan niya ang monggo na may malunggay. "Kumain ka ng maraming gulay, Lai."

"Thank you." Matamis na nginitian ko si Asher, sabay simpleng irap kay Tita Judy. Sinandukan ko rin si Asher ng pagkain. "Kain ka rin nang kain, ha?"

Habang magkakaharap sa mesa ay panay ang kuwento ni Aling Ason. Hindi talaga ito natatahimik kahit may laman ang bibig. Ang topic nito ngayon ay tungkol sa ilang nangutang dito. Mga pinagkatiwalaan daw nito dahil mga maayos na nakiusap dito, pero noong singilan na ay hindi na makita maski anino.

Walang may komento kaya ako na. "Naku, ang sasama naman po nila. Nagmabuting loob kayo tapos ganyan sila sa inyo."

"Siya nga, Laila, sinabi mo pa!" Lalo namang nag-apoy ang ipinaglalaban ng ilaw slash speaker ng tahanang Prudente.

"Kaya nga po." Tatango-tango ako habang kumakain. "Paano po kaya iyan pag nangutang ulit sa inyo?"

"Aba e never again!" sagot nito na muntik pang tumalsik ang nasa bibig. "Hindi na talaga ako magpapautang sa mga iyan! Kagagaling at kababait pag utangan, pero kalaban na ang tingin sa 'yo sa oras ng singilan!"

"Asus, hindi ka rin naman makatiis pag nagmamakaawa na sa 'yo," bubulong-bulong na sabat ni Mang Jacobo.

Tutulis-tulis na lang ang nguso ni Aling Ason. Napagbalingan tuloy ang on a diet kong tiyahin. "Ikaw, Judy, damihan mo ang kain mo! Baka sabihin ng asawa mo ay ginugutom ka namin dito!"

Kumuha si Mang Jacobo pakamay ng isang isdang galunggong at inilagay sa plato ng anak na si Amos. Napangiwi naman ang dentista ng pamilya. "'Tay, may tong naman!" reklamo nito.

"Tong pa, e parang sinabi mong marumi ang kamay ko." Hindi naman mukhang na-offend si Mang Jacobo, nakangiti pa nga. "Noong bata ka nga riyan, e pag natitigasan ka sa karne, pinapanguya mo muna sa akin bago mo kainin!"

"'Tay, that's gross!" pulang-pulang bulalas ni Amos.

Binato ito ni Aling Ason ng buto ng pakwan. "Gross-gross ka riyan e totoo naman! Kaya wala kang maging girlfriend dahil saksakan ka ng selan!"

Si Aram sa kinauupuan naman ay walang paki. Kain lang ito nang kain habang tulala.

Si Bobbie na nasa tabi ni Mang Jacobo ay amazed na amazed naman sa pagkakamay ng lolo nito. Madiriin ito kaya ganoon na lang ang gulat ko nang ibaba na rin nito ang hawak na kutsara at tinidor at dinakot ang pagkain sa plato. Naggayahan naman pati ang kambal na pinsan nito.

Simpleng napaungol na lang ang tiyahin ko dahil 100% na magdudungis ang mga paslit. At totoo nga, nagkalat na ang kanin sa mesa, pero nakakapagtaka dahil hindi nakakairita.

Ang mga hagikhikan ng mga bata, ang maingay na boses ni Aling Ason, ang pagtawa ni Mang Jacobo, ang kalansingan ng mga kutsara at tinidor na tumatama sa plato, kakatwa na ang sasarap sa tainga ng mga ito.

Si Bobbie ay hindi na nagkamay mag-isa at nagpasubo na lang nang nagpasubo sa lolo nito. Pag bungisngis nito sa akin ay may sabit pang isang pirasong dahon ng malunggay sa maliliit na ngipin nito. And it was not gross. Funny that I found it cute. My daughter was the cutest when she was happy.

Napatingin ako sa aking plato nang may maglagay roon ng kanin. Hindi ko napansin na nakaubos na pala ako ng kanin sa plato sa kakanood sa paligid ko.

"Kain pa, Lai," malambing na boses ni Asher sa tabi ko.

Nilingon ko siya. Nakangiti pati ang magagandang mga mata. Ginanti ko ang ngiti niya. "Thank you..." Thank you for this experience and I would love to keep this. I would really keep this.

Pagkatapos ng tanghalian ay nagpresinta ako na tumulong sa pagliligpit. Nakasunod ako kay Aling Ason habang may mabait na ngiti sa aking mga labi. "Kami na po ni Tita Judy ang magliligpit. Magpahinga na lang po muna kayo."

"Naku, hindi na, Laila." Tinanggihan naman ako nito. "Magpahinga ka muna. Kami na rito ni Judy. Hala, isama mo na lang sa itaas ang mga bata."

"Sigurado po kayo?" Pinalungkot ko ang aking mga mata. "Kayo na po ang nagluto kanina, baka pagod na po kayo..."

"Sus, hindi! Buong buhay ko ay ako lahat, dahil puro barako ang mga anak ko! Kundi tinatamad ay mga palpak, kaya batak na batak na ako!"

"Ang galing niyo po, kaya deserve niyo po na lahat ng mga anak niyo ngayon ay professional na, pero umuuwi pa rin sa inyo at hindi kayo nalilimutan." Sa sinabi ko ay ang tamis ng ngiti ni Aling Ason.

Hindi na ako nagpumilit tumulong. Pag alis ko sa kusina ay hindi agad ako tumuloy sa sala. Huminto muna ako para marinig ang sasabihin ni Aling Ason sa aking tiyahin.

"Mabait na bata rin pala iyang si Laila, ano? At malambing din pala. Sana ay magtuloy-tuloy na ang pagiging okay nila ng bunso ko, lalo na at magdadalawa na ang anak nila!"

Doon pa lang ako tuluyang umalis. Nakangiti ako na bumalik kay Asher sa sala at yumakap sa bewang niya.

Hinalikan niya naman ako sa ulo. "Good job, Lai. Good job..."

I smiled even more even though he didn't know what all my actions were really for.

Inihatid niya na kami sa itaas. Sa kuwarto kami sa may rooftop dahil mas malawak dito, at mas gusto rito ng mga bata na maglaro.

"Magpahinga ka muna." Hinalikan ulit ako ni Asher sa ulo bago siya bumaba ulit. Aayusin kasi nila ni Aram ang owner sa garahe dahil nagkaproblema kanina.

Isinara ko na ang pinto at hinarap ang mga bata na naglalaro ng lego sa lapag. "Saglit lang kayo maglalaro, ha? Mamayama magna-nap na kayo."

"Yes, Mommy Lai!" sabay na sagot ng kambal.

Si Bobbie ay lumapit sa akin at yumakap sa mga hita ko. "Will my baby brother take a nap too, Mamaaa?"

Mahinang pinisil ko ang matulis na ilong nito. "Are you really happy to have a sibling, Bobbie?"

Ngumiti ang bata. "Yes and I'm so excited to see himmm!"

"We will see him soon. Soon." 'Him'. I was already claiming the baby's gender. I was hoping it would be a boy. That he would look like the boy version of Bobbie.

Pero okay lang naman kahit hindi lalaki. Pero mas better kung lalaki nga. May pananabik na pumitik sa loob ng dibdib ko. Oh, to meet a child who looks like Bobbie...

Pumasok na si Tita Judy. Tapos na tumulong sa paghuhugas ng pinagkainan. Sinita agad ang mga bata na naglalaro sa lapag. "Hoy, hoy, magsitigil na kayo. Matulog na."

Sumunod naman sa kanya ang mga ito. Nagsihiga na sa kama. Nagkukulitan pa kundi lang sinitsitan ng tiyahin ko. Nahiga na rin sa kama si Tita Judy. Saglit lang ay busy na sa hawak na phone. Maligaya nang ka-video call ang asawa.

Nakatulog na ang mga bata at ang maingay na lang ay ang tiyahin ko. Panay ang hagikhik nito na akala mo ay walang katabing mga tulog. Kesyo mantika naman daw matulog ang tatlo kaya okay lang. Ang kausap naman nya ay hindi maririnig dahil naka-earphone sya.

Ako naman ay inaayos na ang mga tinupi kong damit ni Bobbie sa lalagyan. Habang abala rin sa ginagawa ay nag-iisip-isip. Kung gusto kong i-keep ang buhay na ito, ay kailangang aking ayusin muna ang mga gusot ko. Sigurado kasi na babalik at babalik pa rito ang mga Punzalan at magkapatid na Estrada para manggulo.

Isa pang iniisip ko ay ang dalagitang si Betchay. Aside from Ate Linda, Betchay was the other member of that family I couldn't just ignore. I remember the girl as a nice kid. Masipag ding mag-aral, kaya nagulat ako nang malamang huminto na ito ngayon.

May plano na ako kung ano ang gagawin sa mga Punzalan, pero hindi ko iiwan iyong mga taong deserving na tulungan. Iyong mga naghihirap pero lumalaban.

Sa magkapatid naman na Estrada ang sa tingin ko ay mahihirapan ako. Rio and Renren were both restless, fixated on possessing me for themselves. Alam ko na iyon mula pa simula, kaya nga kasama sila sa tinaguan ko noon, iyon nga lang ay natagpuan din nila ako.

And I was not sure if I had simply grown tired of pushing them away, or if I had just become used to their presence during that time in my life. But, I realized that I should not have spoiled them.

I had tried to drive them away multiple times before, but they refused to give up, which meant that I needed a new approach. What I thought would work on Rio and Renren this time was a distraction, an outlet. They needed something that would keep them occupied, so that they could forget about my existence even for a while.

Nang matapos makipag-video call si Tita Judy kay Kuya Abel ay bumangon ang babae. "Hoy, Lai, parang may niluluto ka na naman diyan sa loob ng utak mo!"

Tamad na tiningnan ko siya. "Nangangarap lang ako rito, masama ba iyon?"

Dumapa ang babae sa kama. "Ah, astig iyan. Anyway, may chika ko!"

"Ano?"

"Alam ko na walang phone ngayon kaya chika ko na lang sa 'yo. Nakita ko sa newsfeed iyong pamangkin mong dalagita. Bettina Punzalan Hucalinas iyong pangalan niyon, di ba? Missing daw."

Napaayos ako ng upo sa lapag. Kung ganoon ay totoo ngang nawawala si Betchay, at hindi lang joke time ng mag-inang Punzalan?

"Ang nag-post ng missing ay iyong ate mo. Iyon yata iyong nagpunta rin dito. Pero nabasa ko sa comments, hindi naman daw talaga nawawala iyong dalagita. Lumayas talaga."

May kapilyahan si Betchay noon, pero kahit bata pa ay maaasahan na. Natatandaan ko kung paano ito malosyang sa kakakarga sa nakababatang kapatid, dahil madalas iasa rito ni Laura ang isa pa nitong maliit na anak.

"Kapitbahay yata nila iyong nag-comment. Binugbog daw si Betchay ng nanay niyang si Laura dahil gustong ipasok na katulong sa Maynila, kaya naglayas. May comment doon na nasa kaibigan si Betchay nagtatago ngayon."

Kumuyom ang mga palad ko. Hindi ko alam ang bagong number ni Ate Linda, at hindi ko rin sigurado kung may oras ito na mag-Facebook para malaman ang nangyayari.

An idea flashed in my mind. Hmn, why not? Nang tumayo si Tita Judy para magbanyo ay umalisto ang mga mata ko. Sinimplehan ko ng sunod kung saan niya iniwan ang kanyang cell phone.

Nang nasa banyo na ang babae ay nagmamadali kong kinuha ang phone niya. Hindi ko ugaling kumabisado ng mga numbers, pero may something dito sa utak ko na mabilis makakabisado.

Sa mga tatlo o apat na beses ko lang makita ay natatandaan ko na agad kahit 11 digits pa iyan. Kaya ngayon ay walang kahirap-hirap sa akin nakapag-text sa number na natatandaan ko. Number ni Rio.

Kinabahan pa ako dahil baka mapagkamalam niyang scammer at di sagutin, pero sa ikatatlong ring ay sinagot niya rin. [ Who's this? ] tamad na sagot sa kabilang linya.

Humigpit ang kapit ko sa phone, at mahinang nagsalita, "Rio, this is Lai—"

[ Lai?! ] Biglang nagkabuhay ang boses ng lalaki. [ Lai, I'm sorry I can't save you! But I will do my best to— ]

"Rio, sandali, kumalma ka muna!" pagpapakalma ko sa kanya. "Rio I need your help, but it has nothing to do with saving me. Hindi pa ako makakauwi pero may kailangan akong gawin, at kailangan ko ng tulong."

Siya ang nilapitan ko dahil kung kay Renren ay marami pang paliwanagan. Maligalig pati ito at hindi papayag na hindi ako makukuha rito, pero si Rio ay kahit paano'y mapapakiusapan ko. And besides, he needed this. He needed something to occupy him.

[ What help do you need? ]

"Listen carefully, may susi ang bahay ko na nakabaon sa paso ko ng oregano. Take it and go inside. Look for the money envelope I hid under Bobbie's orocan. You have to get it."

Ang perang tinutukoy ko ay iyong galing sa vlogger na si Dessy Paredes. Nasa ninety thousand pesos pa. Sinabi ko sa kanya ang instruction kung paano maibibigay sa akin ang pera. Pakinig na pakinig naman siya.

"Another thing, and the most important, may ipapahanap ako sa 'yong tao."

[ Give me the details. ]

"My niece. She's still a minor but will be eighteen this year." Ayon sa pagkakatanda ko sa edad ni Betchay. "Hanapin mo siya, please. Ang pangalan niya ay Bettina Hucalinas."

Natigilan si Rio sa kabilang linya. [ Hey, her name sounds familiar! ]

Ha? Nagkakilala na sila ni Betchay?

Pumalatak siya. [ Ah, I remember! Pinuntahan ka niyan noong unang alis mo. Naabutan niya ako sa Sunterra. Nagpakilala sa akin na pamangkin mo raw siya. Bubwit pa siya niyon at madungis kaya pinalayas ko! ]

"What?!"

[ Buhay pa pala iyang bubwit na iyan? That brat bit my hand! ]

Napasentido ako. "Rio, dalaga na ito ngayon. Patawarin mo na. Kailangan niya ng tulong. Hindi ko siya matutulungan dahil nandito ako. Please, kunin mo siya doon sa kaibigan niya na tinutuluyan niya."

[ At saan ko naman dadalhin iyang bubwit na iyan? Puwede bang ihagis ko na lang sa ilog? ]

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Bawasan mo iyong pera sa envelope. Iupa mo muna kahit two month na studio type apartment at ibili ng mga pangangailangan. Paki-enroll na rin ngayong semester. First year college iyan. Itanong mo na lang sa kanya kung anong course ang gusto niya."

Napahingal siya. [ Lai, you're practically asking me to take care of that brat? Argh! ]

"Promise, kukunin ko rin siya pag nakabuwelo ako." Bago pa siya makatanggi ay nagpasalamat na ako. "Thank you so much, Rio!" Pinatay ko na ang tawag.

Bumukas ang pinto at huli na para itago ko ang phone, kaya ibinato ko na lang pabalik sa parte ng kama na hinigaan ni Tita Judy kanina.

Humalukipkip naman si Asher at nakataas ang isang kilay na sumandal sa sinaradong pinto.

Paglabas ni Tita Judy sa banyo ay nagtaka ito. "Anong ganap dito?"

"Ate Judz, hiramin ko muna itong ubod ng bait na pamangkin mo."

"Sige, kahit 'wag mo na ibalik." Dumapa na ulit ang magaling kong tiyahin sa kama.

Si Asher ay binuksan na ang pinto. "Pst, hoy, sumunod ka!"

Sumunod naman ako. Sa kuwarto niya kami sa second floor nagpunta. Isinara niya ang pinto pagpasok namin. Ini-lock niya pa saka siya namewang habang nakataas na naman ang isang kilay sa akin.

Bago pa siya may masabi ay inunahan ko na. "Wala akong phone, kaya nakigamit ako kay Tita Judy. Nawawala iyong pamangkin ko. Wala akong mautusan na—"

"I'm really amazed by how you think."

Nagtagis ang mga ngipin ko sa pagiging sarkastiko niya. "Nag-aalala lang ako sa pamangkin ko!"

"Nag-aalala? Marunong ka?"

"Bakit, hindi ka rin ba nag-aalala?" sarkastiko ring balik ko. "Kung meron man sa ating dalawa ang hindi nakakatiis sa kanila ay ikaw iyon, di ba?"

Asher's brow creased as if he were innocent of the crime he had committed. Did he forget that we'd already stopped pretending?

"Noong panahong wala ako, tinutulungan mo sila, 'di ba?" Sinabi ni Ate Linda iyon sa akin kaya wag niyang itatanggi.

"Kanino mo naman nalaman iyan? At paano naman ako magpapadala ng pera sa pamilya mo sa Bacao, e kay Donya Ason bumabagsak lahat ng sweldo ko sa barko. Kung siya naman ang uutusan kong magpadala, e di nagwala iyon!"

May point naman siya, pero hindi magsisinungaling sa akin si Ate Linda. "Maraming paraan!" pigil na sigaw ko. "Bakit, akala mo ba hindi ko kayo narinig nina Arkanghel? Nag nag-i-invest kayo sa crypto at stocks? Nagkakapera ka bukod pa sa iniipon ng nanay mo mula sa sweldo mo sa barko!"

"Oo, pero ini-invest ko iyon ulit. Pinapaikot. At bakit ko naman gagawin ang ibinibintang mo, knowing na kapag ginawa ko ay ikagagalit mo?!"

Hindi siya umiiwas kahit gaano kalalim ang pagtitig ko. Nabura na ang gigil ko. Hindi siya nagsisinungaling. Hindi na siya magsisinungaling.

"Mahal mo ba ako?" tanong ko.

Doon siya napakurap sa biglang tanong ko. Biglang namula ang mukha niya hanggang tainga.

Pigil ko ang ngisi na lumapit sa kanya at tiningala siya. "Ang sabi mo mahal mo ako. Hindi mo iyon babawiin, di ba?"

Yumuko siya sa akin habang nakatingala sa kanya. Naglalaban ang mga mata namin at walang kumukurap.

Asher was looking at me like I was the sole purpose why he was breathing, so why should I not believe in him? This was not an exaggeration, because that was exactly what I see in his eyes. It was always in his eyes that I only now understood its true meaning.

I was defective, yet this crazy man still wanted me.

That was the truth and would always be the only truth.

"Your insurance, from government and private, I'll take all of it. Asher, make me your beneficiary. And about making me the recipient of your allotment, pag-usapan natin pagbaba mo sa barko."

Ang gulat sa nanlalaking mga mata niya ay napalitan ng paglamlam. "You got a weird way of telling me you love me too."

Ako na ang tumingkayad para abutin ang mga labi niya, na sinalubong naman niya agad. Uminit ang paligid nang malasahan namin ang isa't isa.

Napasabunot ako sa malambot na buhok niya. Ang pagkasabik ko sa kanya ay umabot sa kanyang makinis na leeg. Isang araw na lang, ang susunod ay pag-alis niya na. Aalis na naman siya...

"Asher," humihingal na sambit ko nang hilahin ang ulo niya upang magpantay ang aming mga mukha. "Bago ang lahat, meron ka pang isa pang dapat malaman..."

We already knew almost everything about each other. Wala na rin kaming intensyon na magtago pa at magpanggap. Tinanggap na namin lahat, kahit pa ang hindi katanggap-tanggap. Nilunok kahit ang hindi kalunok-lunok sa ibang tao.

Hindi na mahalaga kung ano mang ang kahihinatnan kapag narinig niya na ang ipagtatapat ko. Ano man ang maging reaksyon niya, magbago man ang kanyang isip sa lahat ng ito ay hindi niya na ako mapapaalis pa rito.

I would be right here waiting for him once he left, because I decided to keep him, his family, and his everything. Kaya walang mangyayari kahit magalit pa siya. Hindi ako papayag na hindi siya sa akin aalis at hindi siya sa akin uuwi.

"Ano iyon, Lai?" mapupungay ang mga mata niya na tanong sa akin.

Deretso at walang kurap na sinalubong ko naman ang mga tingin niya. "Asher, hindi lang si Bobbie ang naging anak natin."

Umawang ang kanyang mga labi.

"Asher, hindi lang si Bobbie dahil may isa pa. Pero wala na siya." Kasabay ng huling mga salita ko ay pagpatak ng mga luha niya. "Namatay na siya kaya hindi mo na siya makikita pa."

JFstories
#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz