ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 18

JFstories

"LAI, I LIKE YOU!"


Sa pagliko sa street namin ay naroon matatanaw ang matangkad na lalaking madilim na nakatingin sa gawi namin ni Rio. Natitiyak ko na nakita niya kami. Kung narinig niya man ang malakas na sinabi ng pinsan ko, ay iyon ang hindi ko sigurado.


Mula sa gate ng bahay namin ay lumabas si Tita Judy, kasunod ang Tito Eloy ko. Napatingin ang mga ito sa akin. Doon napaatras si Rio. Katulad ng iba sa pamilyang Valmorida, hindi talaga nila feel ang mga kamaganak ni Mama.


"Lai, let's talk again some other time," ani Rio saka ito tumalikod na.


Si Asher ay naglakad na papunta sa akin. Sinalubong ko na siya bago pa sila magpang-abot ni Rio.


"Onis?"


Nag-loading pa ako. 'Sino' raw pala. "Ah, p-pinsan ko."


Salubong pa rin ang mga kilay niya. Inabot ko naman ang kanyang pisngi para pakalmahin siya. Doon ay biglang nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa kaninang madilim na mga tingin ay biglang pumungay ang kanyang mga mata. Instant.


"Bakit ngayon ka lang?" Pati ang boses niya ay para nang sa batang nagtatampo at gustong magpasuyo.


Hinimas ko naman siya sa ulo. Yumuko naman siya para mas maabot ko ang ulo niya. "Sorry. Busy talaga. Ang hirap din laging mag-uwian. Pero uuwi na ulit ako lagi. Okay ba iyon?"


Lumabi siya at kinuha ang kamay ko. Ikiniskis niya ang likod ng palad ko sa kanyang pisngi. This time, hindi na siya parang bata. Para na siyang cute na tuta.


Sino ba ang mag-aakala na mag clingy side pala ang isang maangas na Asher James Prudente? Ako lang ang nakakaranas at makakaranas nito at wala nang iba pa.


"Pagod ka?" tanong niya na malungkot ang boses pero ang cute-cute talaga. Hay, nakakawala ng pagod at stress.


Umiling ako habang pinagmamasdan siya. "Hindi na. Nakita na kasi kita."


Saka lang ngumiti nang matamis si Asher. "Tara. Hinihintay ka na sa inyo." Hindi niya na binitiwan ang kamay ko hanggang sa bahay namin.


Pauwi na rin ang mga kamaganak sa side ni Mama. Si Tito Eloy ay dumaan lang sa amin para humingi ng pera kay Mama. Kailangan daw kasi sa punerarya. Narito naman si Tita Judy upang mag-abot din ng pera—at para sermunan ang panganay nila.


"Bakit hindi niyo kasi pinaturukan ng pneumococcal vaccine iyong bata? Libre lang iyon sa ibang mga center ng barangay! Ipipila niyo na lang, hindi niyo pa nagawa!"


"E hindi namin alam," susukot-sukot naman na sagot ni Tita Eloy.


"Kuya naman! Paanong hindi niyo alam? Pag-aanak, alam niyo! Pero mga ganitong bagay ay hindi?! Iyong asawa mong bata, e mauunawaan ko pa na walang alam. Pero ikaw? Pang ilang asawa at anak mo na iyan, wala ka pa ring alam?!"


Tama naman si Tita Judy sa lahat ng sinabi. Galit na galit ito dahil mahal nito ang pamangkin. Halos ito na nga ang nagpapagatas sa bata, ni hindi na nga ito makaipon ng sarili.


Napahilamos na si Tita Judy sa mukha. "Pucha naman, kuya!" May nginig na ang boses nito. "Sana rin noong magkaubo, sipon, at lagnatin, dinala niyo na agad sa ospital! Sana inagapan niyo man lang! Hinintay niyo pang lumala! Hinintay niyo pang mawala!"


Si Asher na patingin-tingin lang ay sinalpakan ko muna ng earphones sa tainga. Wala lang, nahihiya ako na marinig nito ang kaguluhan sa pamilya ko. Hindi naman kasi ito open sa kahirapan ng buhay. Bukod sa maalwan ang buhay na kinalakihan niya, bunso pa siya.


Habang naglilitanya si Tita Judy ay nakatitig lang si Asher sa akin, wala naman kasi siyang marinig maliban sa music na nasa earphone. Kahit nangingiwi ay nginitian ko na lang siya. Inosenteng ngumiti rin naman siya.


Nang pauwi na si Tita Judy ay wala na ring nagawa si Asher kundi magpaalam na rin na uuwi. Iisa lang kasi ang way nila, dagdag pa na sinundo si Asher ng panganay niyang kuya. Sinundo siya kasi siya raw ang toka sa paghuhugas ng plato ngayong gabi. At dahil nakakotse ay sinabay na nga nila si Tita Judy.


Nang wala na ang ibang tao sa bahay ay hinanap ko si Mama. Sa kuwarto nila ni Papa ko ito natagpuan. Nakaupo sa gilid ng kama habang tahimik na lumuluha. Parang mas namatayan pa ito ng anak kaysa sa kapatid nito.


Nang makita ako nito ay malungkot itong ngumiti sa akin. "Iwan mo muna ako, Lai. Magpapahinga lang ako..."


Tumango ako at iniwan na lamang muna itong mag-isa. May mga panahon talaga na ganito si Mama...



TANZA, CAVITE.


Lamay ng bunsong anak ngayon ni Tito Eloy sa pangatlo nitong inasawa. Noong gabi ay pumunta na kami ni Mama rito upang tumulong. Naririto na rin si Tita Judy. May naghatid daw dito na guwapong lalaking de-kotse ayon sa tsismosa sa kanto.


Ang mga tent sa lamahy ay pahiram ng barangay, habang ang service ng punerarya ay pinag-ambagan nina Mama at Tita Judy, dahil wala namang trabaho ang magka-live in partner na mga magulang ng bata. Sa pagkain at pakape naman ay kinukuha sa pasugal ng mga nakikilamay.


May gigil si Tita Judy nang maupo sa tabi ko. Ngayon lang ito nagpahinga dahil ikot ang puwet nito sa pag-aasikaso sa nga nakikilamay. "Pucha talaga iyang tiyuhin mo, parang hindi namatayan ng anak. Hayun at nagsusugal!"


Iyong pangatlong inasawa lang ni Tito Eloy ang nasa katabi ng kabaong habang ngumunguyngoy. Nagsisisi ngunit huli na. Wala naman kasi talagang nagsisisi sa umpisa.


"Naku, Lai!" asik ni Tita Judy. "Patawarin ako ng nasa itaas, pero mabuti na rin yata na maagang nawala ang bata. Hindi na nito mararanasang maghirap sa mundo dahil mga iresponsable ang kanyang mga magulang!"


Hindi ko sinalungat o kinuwestiyon si Tita Judy. Alam ko naman kasi ang pinagdaanan niya sa buhay, nila nina Mama at Tito Eloy. Masigasig lang talaga sa buhay ang tiyahin ko, kaya sa kanilang tatlong magkakapatid ay siya lang na bunso ang nakapagtapos. At itinaga niya sa bato na hindi siya mag-aasawa at mag-aanak.


Tinapik niya ako sa balikat at tipid na nginitian. "Napakasuwerte mo, Lai. Napakaresponsable ng mga magulang mo."


Maliit lang ako na ngumiti sa sinabi ni Tita Judy. Nang makita naman ako ng aking tiyahin na di na umiimik ay napabuga siya ng hangin sabay hagod sa likod ko. 


Tumunog ang phone ko. Tamad na tiningnan ko iyon, at nang makita kung kanino galing ang text ay doon lang bumalik ang kislap sa mga mata ko. 


FUTURE HUBBY:

Lai.,Niloadan po kita. Pag me time ka jan.. txt2 tayo.! =)



LINGGO. Walang pasok at nasa Cavite ako. Ako lang sa bahay namin dahil hindi na halos umuuwi rito si Mama. Doon na ito nag-stay sa lamay ng anak ni Tito Eloy. Naiintindihan ko naman si Mama, kaya lang ay nag-aalala ako sa kanya. Baka di na naman siya nagkakakain. Kahapon kasi ay kaysa kumain ay tulala lang si Mama. 


Gustuhin ko mang pagsabihan ay natatakot ako na baka masamain nito. Noong isang beses kasi na nasaway ko si Mama ay tumalim ang tingin nito sa akin. Napabuga na lang ako ng hangin habang kinukumbinsi ang sarili na lilipas din ang phase na ito kay Mama. 


Tanghali pumunta si Asher dahil alam niyang puyat at pagod ako sa lamay kagabi. Kilala naman na siya ni Mama at hindi naman ngayon ang unang punta niya. Dumating siya na may bitbit na bag. Naroon ang isang libro at isang notebook niya. At ang bango-bango, bagong paligo.


"Hi, Lai!" Ang ganda ng ngiti niya sa akin. "May assignment ulit ako! Turuan mo ko!"


"Okay, ano pang hinihintay mo? Tara na sa mesa!" Masaya ako na nandito siya dahil nakalimutan ko sandali ang pag-iisip kay Mama. Tinulungan ko na siyang mag-set up sa mesa. 


May assignment sila. Kapag nagkikita kami, ugali ko na ang i-tutor siya o kaya ay tulungan kapag meron siyang project. Iyong bonding namin ay tinitiyak ko na may katuturan. Pero syempre, balance pa rin dahil hindi rin puwedeng mawawala ang harutan.


Anyway, napansin ko pala kay Asher na may utak naman siya, iyon lang ay talagang tamad at madalas na lutang. Maligalig din siya at mainipin. Nakakainis pa dahil minsan ay hindi naman nakikinig, kundi nakatitig lang sa akin.


Pagdating naman sa subject na Math ay doon si Asher bumabawi. Ituturo ko pa lang, gets niya na agad. Ganoon yata kapag ang nanay ay nagpapa-five-six. Malupit sa kuwentahan.


Pagkatapos naming magturuan ay nagmeryenda kami ng pancake. Ako ang nagluto. Kada nguya pa ay may maririnig kang papuri. Yummy raw. Akala mo naman ay nasa commercial.


Pag-inom niya ng tubig ay dumighay pa siya. Paano ay nakatatlo. "May nag-e-exist palang ganyang kasarap na pancake. Dang sarap, e!"


Kinikilig na inirapan ko naman siya. "Bolero. Instant lang naman 'yan. At iisa lang naman lasa ng lahat ng pancake, depende na lang sa brand!"


"Hindi kaya." Nangalumbaba siya sa mesa habang naglalaro din ang pilyong ngiti sa kanyang mapupulang mga labi, na bahagya pang basa dahil kaiinom lang niya ng tubig. "Kapag may nagsabi na may mas sasarap pa sa pancake mo, uupakan ko."


"Parang sira." Inirapan ko ulit pero iyong ngiti ko ay hindi na maitago. Tinampal ko siya sa noo, pero hinuli niya lang ang kamay ko.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may ganitong side din pala ang kalbong ito. Ang harot-harot, kainis!


Hanggang 6:00 p.m. siya sa amin. Gamit ang libro na dala niya ay tinuruan ko siya para sa susunod nilang lesson. Pagkatapos ay tamang tabi lang kami sa sofa na nanood ng TV hanggang hapon.


Ganoon lang. Minsan ay napapahawak sa kamay ng isa't isa. Minsan din ay pasimple niyang dinadala ang kamay ko sa mga labi niya. Pero walang lumalampas o nagtatangka na lumampas. Alam din naman kasi namin pareho kung hanggang saan lang kami.


Nang magdidilim na ay saka siya nagpaalam na uuwi. Ayaw niya ring gabihin, syempre nga naman dahil dalawa lang kami rito. "Ingat ka sa biyahe mo bukas, ha?" bilin niya.


Tumango ako habang nakatingala sa kanya. Gusto kong maiyak dahil mami-miss ko na naman siya, pero nagpigil ako. Para naman sa future namin ang lahat ng ito.


Hinawakan niya ako sa ulo. "Aalis na ako, Lai. Iti-text kita pagkauwi ko. Kahit 'wag mo na akong i-text, basta magpahinga ka. 'Wag ka nang magpuyat, ha?"


Hindi na talaga nagtagal si Asher, dahil para makapagpahinga na raw ako. Maaga pa kasi bukas ang luwas ko pa-Manila. Pero bago siya umalis ay magaan na nag-hug kami ng fifteen minutes sa may pinto.


Kalahating oras pa lang na nakakaalis si Asher noong may mag-doorbell. Nangunot ang noo ko habang papunta sa pinto. Bumalik ba siya? May nakalimutan ba? O na-miss ako agad? Sa huling naisip ay hindi ko napigilan ang pagngiti.


Nang aking buksan nga lang ang pinto ay agad na nabura ang ngiti sa mga labi ko. Hindi si Asher ang ngayong nakatayo sa harapan ko. Isang lalaking may maamong mukha pero seryoso ang mga mata.


"Anong ginagawa mo rito?" maanghang na tanong ko kay Rio. Ang lalaki ang dumating. Naka-shirt na plain white, black sweat pants, at outdoor na flip-plops.


Nasa mga mata ng lalaki ang pagkalito nang magsalita. "I didn't want this at first."


Tumiim ang mga labi ko at akmang pagsasarhan siya ng pinto nang kanyang pigilan iyon gamit ang palad niya.


"Lai, I like you. I really do!" sigaw niya sa boses na hirap at may paghingal. "I had no idea when it happened or why it happened. Basta sinubukan kong pigilan itong nararamdaman ko pero ganoon pa rin, gusto pa rin talaga kita."


Napanganga ako sa kanya. "Siraulo ka ba?!"


Napahilamos siya ng palad sa kanyang mukha. "Maybe. I don't know. I just woke up one day that I no longer see you as an ugly girl."


Wow, ha? Iyon talaga iyong pinagkomparahan? Hindi ba puwedeng nagising na lang siya isang araw na hindi na pinsana ng turing niya sa akin? Ay, oo nga pala, never niya akong itinuring na pinsan.


"I always think of you, Lai. And I can't like other girls even if I try. Kahit may mga lumalapit sa akin na mas magaganda sa 'yo, mas mababait, mas matalino, mahinhin, hindi amoy floorwax, saka walang pimple sa noo. Kahit sino sila, ikaw pa rin ang gusto ko."


Napakamot ako ng ulo. "Rio, matalino ka naman, di ba? Alam mo na magpinsan tayo."


Napaisip naman siya. "Uhm, kung hindi tayo magpinsan, tatanggapin mo ba ako? I mean, of course, you'll accept me, right? I am smart, neat, and I am not pangit."


Humalukipkip ako. "Pero di ka mabait."


Natigilan naman siya ng ilang segundo. "Oh, I can be kind to you too!"


"Hindi pa rin, e. Hindi kita gusto at may boy—"


"Lai, I know why you can't decide!" putol niya sa sasabihin ko. "I understand you! I truly do!" masigasig na sabi niya sabay huli sa aking pulso bago ko pa iyon mailayo.


Sa pagkabigla ko ay hinila niya ako. "Uy, sandali!" Kandatapilok ako. Pambahay pa nga tsinelas na suot ko.


"Lai, I'll help you decide!" Hinila niya ako palabas ng gate. Doon ko nakita na dala niya ang lumang sedan ng daddy niya. Mukhang itinakas niya pa ang kotse sa kanila.


"Ha?" Sa bilis ng pangyayari at sa di inaasahang desisyon niya, naitulak niya tuloy agad ako papasok sa loob ng passenger seat. "Uy, Rio, 'di ako puwedeng umalis dahil walang tao sa amin! Tsaka 'di naman tayo close! Ayoko sumama sa 'yo!"


"Lai, I've given it a lot of thought before I came up with this decision. So, please let me do this before I change my mind. I promise, saglit lang tayo at ibabalik din agad kita sa inyo."


Pinabalik niya ako sa loob nang tangkain kong lumabas. Hindi na ako kumibo na parang nahihipnotismong nagpatangay na lang sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang plano niya.


When Rio got into the driver's seat, he immediately started the engine. Seryoso siya at pinagpapawisan ang gilid ng noo habang nagmamaneho. Katulad ko ay tensyonado. Panay rin ang alon ng lalamunan niya. Parang mas gusto niya pang bumalik kaysa sa akin.


Nang mapansing ang tinatahak naming daan ay patungo sa Bacao doon ay napatuwid ako sa pagkakaupo. "Rio, s-saan mo ba ako dadalhin?"


Hindi siya kumibo. Patuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa isang masikip na kalsada. Ilang beses pa siyang muntik may mahagip na naglalarong mga bata sa daan dahil sa kanyang pagkatensyon.


Inihinto niya ang kotse sa gilid at nauna siya sa aking bumaba. Bago niya pa ako pagbuksan ng passenger's seat ay inunahan ko na siya. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Napakaraming tao ang paroo't parito. Ang mga nakatambay ay napapasulyap sa amin. Alam na hindi kami tagarito.


Sa isang masikip na eskinita kami pumasok. Isang looban na may mga kabahayan sa loob. I heard Rio's soft voice next to me. "The truth may be painful but it can set you free."


Sa looban ay may maliit na compound. May mga bahay. Iyong iba ay magaganda ang yari na hanggang third floor, iyong iba naman ay sakto lang, at meron ding parang pinagtagpi-tagping yero ang pader. At doon sa huli, ay nakarinig kami ng mga ingay ng nagtatalo.


"ALAM MO NA NGANG WALA TAYONG MAKAIN DITO, MAGDADAGDAG KA PA NG PALAMUNIN! HINDI KA NAG-IISIP! NAGHIHIRAP NA TAYO, NAKUHA MO PANG MANGBUNTIS!"


A skinny guy, probably in his early twenties, came out from the front door. Guwapo man ay payat na payat nga at maitim, pero maporma ang binata. May karay-karay itong babae na naka-uniform pa ng public high school ng Tanza.


The guy was also shouting, "Tangina mo, pakayabang mo porke't ikaw lang ang me trabaho rito! Wala kang paki sa akin dahil 'di naman ako humihingi sa 'yo!"


Sumigaw rin ulit iyong babae sa loob. "Talaga, hindi ka humihingi? E iyong bigas na nilalamon mo, pang-yosi na araw-araw mong kinukupit kay Nanay, at iyong tubig at kuryente na pinakikinabangan niyong lahat dito sa bahay? Sino ang nagbabayad? Tangina, 'di ba ako?!"


Iyong matandang lalaki naman na naninigarilyo habang nakatambay sa labas ay lumapit sa may pinto. "Puta naman, ano ba iyan, Linda? Ngayon niyo pa naisipang mag-away na magkapatid kung kailan may sakit ang nanay niyo at kakapanganak lang ng ate niyo?!"


Sa loob ng bahay ay may maririnig na umuubong matandang babae, iyon yata iyong nanay na sinasabi. 


"E, 'Tay, kayabang, e! 'Di na nga nagbigay ng pang-ultrasound sa GF ko, manunumbat pa!"


"Alam mo namang muntik tayong maputulan ng kuryente, kaya mainit ang ulo ng Ate Linda mo!" Inabutan ng matandang lalaki ng lumang papel na pera ang binata. "O hala, bago kayo umalis niyang gerlpren mo, e ibili mo muna ako ng gin sa kanto!"


Nilampasan na kami ng binata at ng kasama nitong dalagita na nakapang-high school uniform pa, ito iyong girlfriend na nabuntis nito. Pag-alis ng mga ito ay nagpatuloy naman sa paninigarilyo iyong lalaking matanda habang hinihintay ang pinabiling gin.


Parang bangungot lahat ang aking nakikita. "R-Rio..." Humigpit ang aking pagkakahawak sa kamay ni Rio na di ko namalayang hawak-hawak ko na pala. "Rio, umalis na tayo..."


But before I was able to pull Rio, the woman who had been screaming inside burst through the door. Ang babae ay hindi nalalayo ang edad sa akin. Parang matanda lang sa akin nang ilang taon. Pigil ang gigil at mga luha nito nang sumigaw sa may pinto. "Tanginang pamilyang ito! Puro na lang problema! Hayop!"


Nangatal ang aking mga labi dahil namumukhaan ko ito. Mula sa maputlang mukha, problemadong aura, payak na ayos, ito nga iyong babaeng nakita ko na nakatanaw sa akin noong pabalik ng abroad si Papa!


Nang mapalingon ito sa akin ay pinamilugan ito ng mga mata. Tila nakakita ito ng multo sa katauhan ko. Maging ang matanda na nakatambay sa labas ay napatingin na rin tuloy sa gawi ko.


Mula sa pagkagulat ng matandang lalaki sa pagkakatitig sa aking mukha, ay napangisi ito bigla na tila ba nakakita ng ginto na mamimina. "Lydia!" biglang sigaw nito. "Lydia, lumabas ka! Naririto ang anak natin! Bumalik na ang anak natin!"


Si Rio naman ay tila doon lang natauhan sa tabi ko. Narinig ko siyang mahinang napamura, sabay hablot niya sa braso ko. Bago ako malapitan ng matandang lalaki ay nahila na ako ni Rio palayo.


Halos kaladkarin ako ni Rio palayo sa lugar na looban kung saan kanya akong dinala kanina. Kahit ako ay mabilis ang mga hakbang. Nagmamadali kami na sumakay pabalik sa kotse. Kapwa kami humihingal na daig pa ang hinahabol ng sampung demonyo.


Pinasibad ni Rio ang sasakyan at wala siyang pakialam kahit pa ilang beses na kaming muntik-muntikang mabangga. Sa itsura niya ay tila pinagsisisihan niya nang malala ang desisyon na dalhin ako sa lugar na iyon. Ako naman ay tigagal habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.


Madilim na nang i-park ni Rio sa gilid ng kalsada ang sinasakyan namin. "L-Lai, I'm sorry..."


Isang sampal ang pinadapo ko sa mukha niya. "Fuck you!" gigil at luhaang sigaw ko sa kanya.


Napayuko siya. "I'm sorry..."


"Fuck you, Rio! Fuck you! Fuck you!" Pinaghahampas ko siya sa ulo, pinagsasabunutan, hinihila ang kwelyo ng shirt na suot niya, pero sa lahat ay wala siyang palag. Hanggang sa ako na ang napagod at nanghina.


Humahagulhol akong bumaba ng kotse. Sinubukan niya ako pigilan pero tinadyakan ko siya sa balikat niya. "I dare you to follow me, I'm gonna kill you!"


Naglakad-takbo ako sa madilim na kalsada. Nakasunod pa rin sa akin ang kotse na minamaneho ni Rio, kaya noong may dumaang jeep ay sumakay agad ako. Hindi ko na alam saan papunta. Basta bumaba na lang din ako sa isa pang madilim na kalsada.


Tila sasabog ang ulo ko. Sa tindi ng bigat ng aking dibdib ay ngayon ko lang narinig ang nagri-ring ng cell phone ko. Meron na palang twenty missed calls na lahat ay galing sa iisang tao. Nang mabasa ang pangalan na nasa screen ay mas lalo akong napaluha.


Sinagot ko iyon sa boses kong nanginginig. "Asher..."


Agad ang pagtatanong niya sa tono na mahahalatang pigil man ay madadama ang pag-aalala. [ Anong nangyari? ]


Napahikbi ako nang marinig ang boses niya. "W-wala ako sa amin... And I'm not okay..."


Walang sumbat o tanong kung bakit ngayon lang ako sumagot. [ Text mo sa akin kung nasaan ka, papunta na ako. ]


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz