Chapter 17
WINDANG ANG BUONG PAGKATAO KO.
This was not imagination #120,245. This was real, this was really happening. Hinahalikan talaga ako ngayon ni Asher. At dito mismo sa dilim!
Isang dampi na mabilis lang ang ginawa ko sa kanya kanina, pero ang ganti niya ay paghigop yata sa aking kaluluwa!
Asher soft lips were on mine. Gumagalaw iyon, umaatake, dinudurog ang mga labi ko sa nakakakiliti at nakakakuryenteng paraan. Sa umpisa lang ako nagulat, hanggang sa kusa na akong napapikit kalaunan.
Hinayaan ko siya kahit parang may pagkakataon na hindi niya alam ang ginagawa. Sumasablay ang mga labi niya sa mga labi ko, pero tuloy pa rin siya. I didn't have any experience in this aspect, so I couldn't tell if he was good, but I knew he wasn't a lousy kisser. Bakit? Kasi nasasarapan ako.
Parang isang panaginip ito. Ganito pala mahalikan. Iyong mga nababasa ko kasi sa libro at napapanood sa TV ay hindi ko naman nararamdaman, kaya hindi ko masabi kung ano ang pakiramdam. Lalo kapag iyong humahalik sa 'yo ay iyong taong gusto mo, nakakahibang.
Masarap kahit parang hindi na yata ako makahinga. Dumilat ako at nakitang nakapikit siya habang gumagalaw ang ulo, parang pumapapak ng kung ano. Mukhang enjoy na enjoy siya dahil napapaungol pa. May paghagod na rin ang kamay niya sa likod ko.
Mga ilang segundo pa ay nauubusan na talaga ako ng hangin, tapos palalim pa nang palalim ang paghalik ni Asher sa akin. Parang gusto niya na akong lulunin. Nang maramdaman ko ang dila niya na nagtatangka na pumasok sa aking bibig ay doon ko na siya natapik sa kanyang balikat. Ang kaso, nakatatlong tapik na ako ay hindi pa rin siya tuminag.
"Uhmp!" Lumayo ako pero sumunod ang mga labi niya. Ayaw talagang paawat.
Mukhang na-enjoy niya nang husto. Okay lang naman, kaya lang ay hindi na talaga ako makahinga. Feeling ko ay kulay ube na ako. Mabuti na lang at may narinig kaming radyo, kasabay ng liwanag mula sa isang flashlight. Parating ang bike ng guard na nagro-roving! Doon ko naitulak nang buong lakas si Asher palayo sa akin.
"Hah!" Kandasagap agad ako ng hangin. Shoot, akala ko ay matutuluyan na ako!
Si Asher naman ay pakurap-kurap habang nakatingin sa akin. Mukhang ngayon lang nahimasmasan. Napahilamos siya ng palad sa kanyang mukha. O di nahiya siya ngayon.
Sa sumunod na mga sandali ay humupa na ang tensyon, kaya lang ay hindi naman kami magkandaugaga kung paano kikilos at magsasalita. Pati ako ay bigla na lang din nahiya. Pareho tuloy kami ngayong natatanga na hindi makatingin sa isa't isa.
"Uh, gabi na." Halos sabay pa naming sabi kahit kanina pa gabi. Actually, mag-uumaga na nga. Wala lang talaga kaming masabi.
Tumayo na siya. "Ah, Lai, baka hinahanap ka na. Hatid na kita."
"Ah, oo nga, sige." Parang robot na tumayo na rin ako.
Wala kaming kibuan sa paglalakad. Parehong nangangapa. Sa harapan ng bahay namin ay doon hinawakan ni Asher ang kamay ko. "Lai..."
"Uhm, bakit?"
"Wala. Congratulations ulit."
"T-thank you. Ingat ka sa pag-uwi."
Kumaway na siya at humakbang na paatras, pero parang ayaw pa talagang mag-alis ng tingin sa akin. "Bye, Lai."
"Bye..." Kumaway na rin ako sa kanya kahit ayaw ko pa rin. Pumasok na ako sa loob dahil hindi pa siya aalis hanggang hindi ako pumapasok.
Nang isara ko ang pinto ay aking nadama na lang ng mga daliri ko ang aking mga labi. First kiss. That was the best graduation gift I received.
ANONG PROBLEMA NI RIO DEMONYITO?
May tatlong missed calls sa akin ito. Sa inis ko ay ni-reply ko pa-text ng 'bakit'. Wala namang isinagot. Parang tanga lang.
Iyong tungkol pala sa naabutan niyang kaabnoyan namin ni Asher noong nakaraan ay wala itong pinagsabihan. Nag-text din naman ako rito noong kinagabihan. Sabi ko na lang na may practice kami sa school na dula-dulaan. Bahala na ito kung maniwala ito o hindi. Wala naman akong pakialam.
"Sino iyang natawag sa 'yo?" tanong ni Asher sa akin nang tabihan ako sa pagkakaupo sa gutter ng kalsada. Iyong isang pares ng tsinelas niya ang ginawa kong upuan.
"Pinsan ko," sagot ko naman.
"Ah..." Tapos pasimple niyang sinilip ang screen ng phone ko.
Mayama ay nakadikit na siya sa akin. Napapadalas na, napapansin ko. Bumiling ako ng lima, nakasandig siya sa balikat ko. Wala na talaga iyong takot sa skinship kong baby.
Saglit pa ay para siyang kuting na naglalambing. Nakayukyok siya sa pagkakasandig sa balikat ko. Inakbayan ko naman siya habang hinahagod ng aking mga daliri ang leeg niya. Gusto niya ang ganoon, napapaungol siya.
Kuntento na kami sa ganito. Masaya na siya sa ganito sa tuwing nagkikita kami. Didikit, aamuyin ako, at magpapahagod sa akin. Iyon iyong bonding namin.
Palagi kaming nagkikita, kung hindi sa clubhouse ng subdivision namin, ay sa plaza ng Malabon, o kaya ay sa sport center dito sa Pascam. Sinusulit namin habang hindi pa pasukan.
About pala sa kiss namin ay hindi pa namin napag-uusapan. O nahihiya lang talaga kami na ungkatin. Parang pareho kaming nagkakapaan. Basta alam na namin iyon. Isa sa mga unforgettable na nangyari sa amin ngayong bakasyon...
ILANG ARAW NA LANG. Ngayon ay nasa sports center naman kami ni Asher. 3:00 p.m. niya ako sinundo sa amin, at ngayon nga ay magsi-6:00 p.m. na. Sa buong oras na dumaan ay pinagsasawa ko ang aking mga mata na pasimpleng pagmasdan siya. Pero kahit gaano ko siya katagal tingnan, hindi talaga nakakasawa. Kumbaga ay para siyang vitamins sa mata.
Nakapambahay lang siya, pero parang magmo-mall na. Ang linis-linis niya kasi talagang tingnan palagi. Parang ang bango-bango. Para bang laging bagong paligo. Plain black jersey shorts, plain baby blue t-shirt, at white na slides sa paa ang suot niya. Kahit ano ang suutin, napakaguwapo pa rin.
Katabi ko siya sa damuhan ng sports center na nakaupo. Iyong ilang nagdya-jogging na nakikita siya ay hindi talaga maiwasang hindi mapa-second look sa kanya. Nagwo-worry tuloy ako dahil paano na lang kapag nasa Maynila na ako?
"Marami raw pogi sa Maynila."
Ako iyong dapat mag-alala kaya nagulat ako sa sinabi niya. Nag-aalala rin ba siya? Lumobo yata bigla ang puso ko.
"Mas marami pa ring pogi sa Cavite," nangingiting sagot ko sa kanya.
Nahuli ko ang pagngiti rin niya, na agad din niyang itinago.
Nagpatuloy ako. "Saka, ano ngayon kung maraming pogi sa Maynila? Nandito pa rin sa Cavite ang pinakapogi."
Tumikhim siya. "Sino ba iyon? Kilala ko ba?"
Kunwari ay nag-isip ako. "Uhm, parang kilala mo nga."
"Baka may gusto ka roon, ah?"
"Meron nga."
Hindi na niya mapigil ang pagngiti. "Magtapat ka na. Malay mo gusto ka rin niyon."
Napanguso ako kasi ang cute-cute niya. "Bakit ang landi mo na?"
Napangiti na siya nang tuluyan, pero sandali lang ay lumamlam ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ako sa ulo ko. "Lai, mag-iingat ka roon sa Manila, ha?"
Tumango ako habang tila maluluha na. Nararamdaman ko na kasi talaga, malapit na talaga kami na bihirang magkasama. Ngayon pa lang, ang lungkot-lungkot na sa pakiramdam.
Pinisil niya ang ilong ko. Ang boses na baritono ay pilit pinasisigla. "Lagi mo akong iti-text, ha? 'Wag mo akong kalilimutan kapag nandoon ka na."
Tumango ako. "Ikaw rin. 'Wag mo akong kalilimutan."
"Lai, kahit wala ka na sa Gov, hindi ako titingin sa ibang girls."
"Dapat lang."
Mahina siyang natawa kahit pa malamlam ang mga mata. "Halika nga."
Niyakap niya ako nang magaan. Hindi niya ako binitiwan at hindi rin ako humiwalay sa kanya. Kumbaga ay nagpatay-malisya na lang kami na magkayakap kaming dalawa. Sinamantala ang mga oras na magkasama.
Nang dumidilim na ay doon na kami naghiwalay. Walang kibuan. Inihatid niya na rin ako sa amin. Noong nasa kanya-kanyang kuwarto na, ay doon na kami nagpalitan ng text at at chat. Sinulit namin ang pakikipagpuyatan tuwing magdamag, hanggang sa dumating na nga ang huling linggo.
NAUNA ANG PAG-ALIS NI PAPA. Bago ako pumunta ng Maynila ay pabalik na sa Dubai si Papa. Kung noong pagdating mula sa ibang bansa ay present ang buo niyang pamilya, ngayong paalis na ay wala man lang pumunta. Wala na raw kasing pasalubong kapag paalis na.
Hindi na nagpahatid si Papa sa amin sa mismong airport. Ayaw niya kasi dahil maiiyak lang daw siya kapag nandoon kami ni Mama. Ang totoo niyan, kagabi pa nga talaga sila ni Mama nag-iiyakan.
"Gil, aalis ka na naman!" iyak ni Mama. "Hindi na naman buo ang pamilya natin!"
Malambing naman na hinaplos ni Papa ang pisngi ni Mama. "Honey, para inyo ni Lai ang pag-alis ko. Para sa magandang buhay ng anak natin. Naiintindihan mo naman iyon, di ba?"
Doon lang kumalma si Mama. "Oo para sa anak natin, Gil. Kasi may anak tayo. Kaya kailangan mong magsikap kasi may anak tayo. Iyan ang purpose ng buhay natin. Kaya kailangan mong umuwi sa amin, dahil may anak ka sa akin. Si Lai. Anak mo siya sa akin!"
Sumingit naman ako agad. "Syempre, Ma, uuwi sa atin si Papa! Lalo na dahil siya ang magsasabit sa akin ng medal pag naging cum laude ako!"
Ngumiti si Papa. "O, magiging cum laude ang anak natin, Madi! Kaya talagang uuwi ako!" Hinagkan niya si Mama sa noo. "Kaunti na lang, honey ko, magkakasama-sama na tayong pamilya..."
"Hayaan niyo, Pa!" Yumakap ako rito. "Kapag nakatapos na ako at nagkatrabaho, hindi niyo na kailangang mag-abroad pa. Ako na ang bahala sa inyo ni Mama!"
Ginulo ni Papa ang buhok ko. "Magtigil ka riyan, Laila! Hindi mo kami obligasyon ng mama mo!"
Hindi ako umimik pero buo na ang plano ko bata pa lang ako. Kaya ako nag-aaral nang mabuti ay dahil gusto kong magkaroon ng magandang trabaho. I didn't just want to make them proud. I also planned to repay every cent they had spent on me. I knew it was just money, but it was hard-earned money, and I wanted to give this couple a life where they would never regret the cost of raising me.
Si Mama naman ay hilam pa rin ang luha sa mga mata. "Mag-iingat ka roon, honey. Magdarasal ka palagi. Huwag mong kalilimutang may pamilya ka rito na nag-aalala at naghihintay sa sunod na pag-uwi mo."
Dumating na ang taxi na maghahatid kay Papa sa airport. Inilagay na namin ang kanyang mga gamit sa trunk.
Lalo nang napaiyak si Mama. Niyakap naman ito ni Papa at hinagkan sa noo. "Bye, honey. Mag-ingat kayo ni Laila rito. Magkakandado kayo palagi ng pinto. Palagi akong tatawag at mangungumusta sa inyo."
Magkayakap kaming pamilya nang maagaw ang paningin ko ng isang babaeng nakatayo sa dulo ng street namin. Babalewalain ko na sana ito kung di ko lang natiyak na sa akin ito nakatingin.
Napatitig din tuloy ako rito. Ang babae ay sa tingin ko'y matanda lang sa akin ng apat o limang taon. Nakatali paitaas ang buhok, walang kahit anong kolorete, ang suot na damit ay pantalon, at flat na sandals. Patay na payat ito. Ang mukha ay napakaseryoso, tila ba pasan ang buong mundo.
IBANG SCHOOL na ang papasukan ko sa pasukan. Hindi na sa Gov. Ang aking pinagpipilian ay Lyceum of the Philippines University sa Intramuros at Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa. Alin man sa dalawa ay aalis ako ng Cavite upang mag-board sa Maynila.
Maganda sa Lyceum, afford din naman ni Papa na doon ako pag-aralin, at gusto ko rin sana roon. Sa huli nga lang ay PUP ang aking pinili. Kahit kaya namin, mas gusto ko na lang doon kami sa makakatipid hanggang maaari.
Sabi-sabi rin na may mga kompanya sa labas o loob ng ng bansa na pinapaboran kapag graduate daw sa PUP. Sigurado raw kasi na hindi lang matalino at madiskarte, makatitiyak ka pang masipag at mahaba ang pasensiya. Gets ko kung bakit. Dito kasi ay more pila, more fun pala! 4:00 nang madaling araw ako dumating, hapon na ako nakapag-enroll by 2:00 p.m.
Ang hahaba rin pala ng time per subject. May pagkakataon daw na kapag walang prof, ay bahala ka na sa buhay mo na matuto mag-isa mo. Kailangan din na maaga ka palagi, kasi minsan ay walang available na matinong upuan. Keri lang naman. Graduate ng public high school yata ito, sanay na sanay ako sa ganyan!
NEW SCHOOLYEAR NA WALA SI ASHER.
Sabado pa lang ay hinatid na ako sa boarding house ko sa Sta. Mesa. Ang kotse ng kuya ni Asher na si Kuya Abel ang service na ginamit namin. Nakakatuwa dahil mura lang ang singil sa amin. Sakto kasi rest day at may kukunin din daw si Kuya Abel sa kaibigan nito na taga Pureza. Ewan ko lang kung paano nito nalaman na naghahanap nga kami ng service.
Kasama rin pala namin ngayon si Tita Judy. Kaming tatlo nina Mama ang nasa backseat habang ang magkuyang Prudente ang nasa harapan. Sa mga gamit naman ay sumakto lang ang dalawa kong maleta sa trunk.
Humarang si Asher sa harapan ko. Nakababa na kami sa tapat ng aking boarding house. Pinapanood ko ang kuya niya sa pagbababa ng aking mga maleta. "Oy, saan ka nakatingin?" sita niya sa akin.
Ngumuso ako. "Sa tita ko!"
"Weh?" Hinawakan niya ang mukha ko. "Sa akin ka lang tumingin!"
"Hoy, ano 'yan, ha?!" sita sa amin ng panganay na kuya niya. Palapit na ito sa amin habang bitbit ang dalawa kong maleta. Kasunod nito ang aking nakasimangot na tiyahin.
Pagdaan ni Tita Judy sa gilid ko ay sinimplehan nito ng kurot ang aking tagiliran. "Magka-college ka pa lang, tigilan mo ang kaharutan!"
"Saka ka na raw humarot kapag twenty-nine ka na gaya niya," sabi naman ni Kuya Abel. Nadagukan agad ito ng tita ko.
"Luh, close sila?" amazed naman na baling ni Asher sa akin.
"Magugulat ka na lang, magkakaroon ka na ng pamangkin—"
"Laila!" sigaw ni Tita Judy na nagpatigil sa aking sinasabi. "Pumasok ka na! Wag kang tumunganga, tulungan mo ang mama mo sa pagliligpit ng gamit mo!"
Nagpaalam na ako sa magkapatid bago pa tuluyang maging dragon ang tita ko. "Bye, boys!"
Napahabol naman si Asher sa akin. "Oy, bakit nagbaba-bye ka rin sa kuya ko?! Dapat sa akin lang!"
"Oo na, e di bye, boy! O wala ng 's' iyon. Singular na. Ikaw na lang!"
"Bakit ka nagbaba-bye? Iiwan mo na ba ako? Saka bakit 'boy' lang ang tawag mo sa akin?!"
Natutulele ang tainga na nanakbo na ako papasok sa loob ng boarding house. Nanakbo rin naman pasunod si Asher sa akin. Hanggang sa loob ay ang ingay niya. Hindi pa siya natigil kung di sumunod sa amin sina Tita Judy at ang Kuya Abel. Nakaltukan lang naman siya sa noo ng kuya niya.
At noong pauwi na sila ay doon na kami nagkaiyakan. Mga seventy percent lang na mami-miss ko si Mama at mag-aalala ako rito. Iyong other thirty percent ay dahil kay Asher talaga. Hanggang holding hands nga lang kami dahil kahit gusto ko siyang i-hug, masama ang tingin sa akin ni Tita Judy.
Nang makaalis sila ay nag-register agad ako ng load. Magdamag at buong weekend kami ni Asher na magkatawagan at magka-text. And yes, we're now in an LDR relationship!
FUTURE HUBBY:
Pasok nako. Katamad, wala ka na. Haist.,
May ngiti at lungkot na hatid sa akin ang first text ni Asher noong unang araw ng pasukan. Lunes.
Me:
Good morning. Papasok na rin ako. Galingan mo, ha? Last year mo na sa high school. Dapat good boy ka riyan. I miss you. *heart emoticon*
Unang araw sa college kaya gabi na kami ulit nakapag-usap ni Asher. Na-shookt ako sa bagong atmosphere. Akala ko ay chill lang muna, 'tapos biglang may pa-surprise exam noong sumunod na araw. Ang hahaba pa nga talaga ng bawat subject. Ubos kung ubos ang lakas.
Sa buong linggo ay sandamakmak na ang ginagawa. Ikaw na ang mahihiyang magpahinga. Ang init pa dahil walang aircon, 'tapos paroo't parito ka sa palipat-lipat ng room.
Future Hubby:
Haist., Tinulugan na naman ako ng college girl ko. :(
Para akong binugbog tuwing gabi, kaya madalas ay natutulugan ko na si Asher. Nakakakonsensiya lang dahil hinihintay niya ako. Pero ang maganda lang sa kanya ay never siyang nagreklamo. Katulad ngayon.
Future Hubby:
Nxt tym na lang tayo usap. Gudnyt pahinga ka na po. Kumain ka pagising mo. Wag pasok agad ha.. Kain kain din. Miss na kta., *heart emoticon*
Ang sarap na naman ng gising ko dahil sa nabungarang text niya kinabukasan. At bago siya pumasok ay nagkausap muna kami ng ilang segundo. Papasok na rin kasi ako kaya nagmamadali na kami. Okay lang naman daw, gusto niya lang marinig ang boses ko.
Nakakatuwa na naiintindihan ni Asher na busy ang buhay ng isang college student. Kahit minsan ay hindi ko siya ma-reply-an, ayos lang. Nababasa ko na lang sa huli ang mga text niya. Mga paalala lang na kahit gaano ako ka-busy, magpahinga at kumain pa rin daw ako.
Ganoon din naman ako sa kanya. Hindi ako naiinis kahit pa may pagkakataon na libre na ako, 'tapos siya naman ang hindi mahagilap. Minsan kasi ay naglalaro sila ng tropa niya, o kaya ay nakatulog na siya. Kumbaga ay give and take kaming dalawa.
Hindi rin ako nag-o-overthink na baka nambababae siya. Kahit babae pa ang lumalapit sa kanya, naniniwala ako na kapag ayaw niya ay ayaw niya.
Napangatawanan namin ang pagiging matatag. Walang drama. Walang di pagkakaunawaan. Sa weekend naman ay bumabawi kami sa isa't isa. Tuwing Linggo ay pumupunta siya sa amin. Tinuturuan ko siya minsan sa assignment niya, o kaya ay natambay lang kami sa clubhouse ng subdivision namin.
NAKAKAUBOS LANG TALAGA ANG COLLEGE.
Pangalawang sem pa lang ay ang laki na ng ipinayat ko. Sa pagkasubsob sa pag-aaral ay hindi ko na maasikaso ang aking sariling pagkain. Tapos wala rin talagang pahinga dahil sa weekend ay uwian ako. Sa biyahe pa lang ay tagtag na tagtag na ako.
Sa pangalawang sem ay hindi ko na kinaya ang regular na pag-uuwian tuwing matatapos ang linggo. Dalawang weekend na akong hindi nakakauwi sa Cavite. Bukod sa miss na miss ko na si Asher, kailangan ko talagang umuwi dahil may patay kami. Namatayan iyong lalaking kapatid nina Mama at Tita Judy na si Tito Eloy. Nagka-pneumonia ang sanggol nito sa bagong asawa.
Pagbaba ko ng jeep sa tapat ng subdivision namin ay para akong lantang gulay na naglakad papasok. Pagabi na kaya papadilim ang langit. Sa pagod ko rin ay ang tagal bago ko na napansin na may nakasunod sa akin.
Napangiti ako sa mabangong amoy na kilala ko. CK. Ang presko-presko, amoy masarap yakapin. Dahil doon ay parang milagro na nabawasan ang pagod ko. "Kanina ka pa?" tanong ko.
Walang sagot. Pero ramdam ko na malapit na malapit na siya sa likod ko. Nagtatampo siguro.
"Sorry ngayon lang ako nakauwi. Marami kasing ginagawa, tapos kahit Sabado ay may pasok pa rin. Pero sisikapin ko na ulit na makauwi palagi."
Wala pa ring sagot. Kainis, pa-cute!
Malapit na sa paliko sa kanto ng street namin. Itinaas ko sa gilid ang aking isang kamay, pinapahawak ko sa kanya. Kaya lang, nangangawit na ako ay hindi niya pa rin kinukuha.
Napalabi ako habang naglalakad. "Bakit ayaw mong kunin ang kamay ko? Wala namang ibang tao."
Doon ko naramdaman ang pagagap ng mainit na kamay niya sa aking kamay. Mangingiti na sana ako nang mapansin na parang may mali.
Hihilain ko sana ang aking kamay nang humigpit ang pagkakahawak niya. Nang sumabay na siya sa paglalakad ko ay napatigil ako. Kahit papadilim na ay malinaw na malinaw sa akin ang braso na nakikita ko. Hindi balbong moreno—kundi mestizo!
Windang na napatingala ako, para lang lalong mawindang sa makikita ko. Makinis na mukha, malamlam na mga mata, matangos na ilong, manipis na mga labing mapupula. Guwapo sa paraang hindi maangas kundi maamo at kalmado.
Ang lalaking may ari ng kamay na nakahawak sa akin. Hindi si Asher! Siya ang pinsan kong si Rio!
Bumukas ang mga labi niya. "Yes, Lai. I was waiting for you, but how did you know?"
Buong lakas na nahigit ko pabawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. Nanginginig ang katawan ko sa gulat at kaba. Sobrang pagod ko ba para mapagkamalan siya?!
Gumuhit naman ang pagtataka sa maamong mukha ni Rio. "Lai?"
"B-bakit ka nandito?" Napaatras ako. "Wala pala akong pakialam sa dahilan mo. Pagod ako. Uuwi na ako. Kung may sadya ka man kay Mama, siya na lang ang kausapin mo!" Akma ko siyang tatalikuran nang pigilan niya ang laylayan ng bag ko.
"I know I've been an ass to you. You know, I can change."
Napailing agad ako. "No!" biglang sabi ko na ipinagtaka niya na naman. "Continue being an ass! Mas bet ko na ganoon ka! Kahit gawin mo nang for life! I mean, go! Wala akong paki! Bye! Bahala ka sa buhay mo!"
Tinalikuran ko na si Rio. Kabadong-kabado ako. No, no! Ito ang iniiwasan ko! Ang kaso, iyong ayaw at iniiwasan ko sanang marinig ay isinigaw niya kaya umabot pa rin sa pandinig ko.
"Lai, I like you!"
And dang! Sakto sa pagliko sa street namin, isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa harapan ng bahay namin. Si Asher na madilim ang mga matang nakatingin sa amin ni Rio!
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz