Chapter 15
PAKIRAMDAM KO'Y HUMIWALAY ANG KALULUWA KO SA AKING KATAWAN.
Gilalas na naestatwa ako. Hindi pa roon natapos, marahang bumaba ang mukha ni Asher sa leeg ko. Ang mainit na paghinga niya at mamasa-masang malambot na mga labi ay ngayo'y humahagod sa balat ko. Kinukuryente ako!
No! Bakit mo ito ginagawa, Asher? Baby ka pa! Hindi ito gawain ng baby! Panghalimaw na galawan ito!
Anong nangyayari sa kanya? Akala ko ba may sakit lang siya? Bakit parang may sapi yata siya? Ah... Bakit din parang sinasapian na rin ako? Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng ungol, lalo nang bumaba pa ang mukha niya hanggang nasa kwelyo na ng blouse ko. Napapikit ako nang mariin.
Hindi ito kaya ng powers ko! Kailangan ko ng mahahawakan, kaya lang ay wala akong makapa sa paligid. Wala na akong ibang option kundi ang kamay niya. Hinawakan ko siya. Doon siya biglang huminto.
Mabilis niyang hinila pabawi sa akin ang kamay niya na hinawakan ko. "Bakit mo ako hinahawakan?!" sigaw niya sa akin.
Napakurap naman ako. Ha? Gulat na gulat ang reaksyon ni Asher na akala mo ay may ginawa ako sa kanya na napakahalay na bagay!
Nag-init naman ang ulo ko. "Excuse me? Iyong paghawak ko sa kamay mo ay big deal, pero iyong gagawin mo sanang paglapa sa akin nang buhay, wala lang?!"
Napalunok naman siya nang maalala ang ginawa niyang kababalaghan kanina. Napaiwas siya sa akin ng paningin na tilang hiyang-hiya.
Hahampasin ko na siya ng unan nang makarinig kami ng malaking boses ng babae sa ibaba ng bahay nila. "BAKIT ANG GULO NA NAMAN NG BAHAY, ANO GINAWA NIYO MAGHAPON NA WALA KO? MGA WALA TALAGA KAYONG SILBI!"
Nagkatinginan muli kami ni Asher, kapwa pinanlalakihan ang mga mata. Dumating na ang nanay niya!
"AMOS, ANO NA NAMAN IYANG KALAT NA IYAN? AT IKAW, ARAM, PAG-ALIS KO KANINA AY NAKASALAMPAK KA NA RIYAN SA SOFA, HANGGANG PAGBALIK KO AY NANDIYAN KA PA RIN! MGA LINSYAK KAYO, KAILAN BA KAYO KUSANG SISIPAGIN?!"
Napabalikwas si Asher ng baba sa kama niya. "Yari ako pag nakita ka ni Nanay rito sa kuwarto ko!"
Nag-panic na rin ako. "Ha? Eh, anong gagawin ko?"
"Magtago ka muna, Lai!"
"Ano, saan ako magtatago?"
"Saan nga ba?" Napalingap siya sa paligid. Maliit lang ang closet niya, hindi ako kakasya. Bigla niya akong hinila sa braso. "Sensya na, pero kaysa magera tayo ng nanay ko, kailangan nating gawin ito!"
Napamulagat ako nang mapagtanto kung saan niya ako pagtataguin, doon lang naman sa ilalim ng kama niya!
Mag-iinarte pa sana ako nang may kumatok sa pinto. Mula sa labas ay narinig namin ang boses ni Aling Ason. "Bunso, ano nang nangyari sa 'yo? Galing na ang bunso ko? Pinakain ka ba ng mga kuya mo? Ano ba ito, bakit naka-lock ang pinto mo?!"
Pikit-mata na lang ako na gumapang papasok sa ilalim ng kama niya. Hindi pa nga ako gaanong nakakapuwesto nang isalaksak niya sa mukha ko ang aking bag. Pati ang mga balat ng orange na aking dinala sa kanya ay ipinaghahagis niya rito sa ilalim kasama ko!
Bumukas ang pinto na saktong nakahiga na ulit si Asher sa kama niya. Nakita ko na lang ang pagpasok ng malulusog na paa ng nanay niya mula sa aking pagkakadapa. Kumakalansing ang susi na hawak-hawak ng ginang.
"Bunso, kumusta ang pakiramdam mo?" Naupo ito sa gilid ng kama dahilan para lumundo ang kutson. Tumama sa ulo ko kaya nangudngod tuloy ako.
"Okay na, 'Nay," paubong sagot naman ni Asher dito.
"Asus, ayan kasi nagpaulan ka pa kagabi!" may halong panenermon na sabi ng nanay niya. "Saan ka ba kasi galing at ginabi ka? Umuwi ka na umuulan kaya nagkasakit ka! O ngayon, e di naka-absent ka pa sa eskwela!"
Naulanan siya kagabi? As in pagkauwi niya kagabi?
Dahil sa inihatid niya pa ako, naabutan tuloy siya ng ulan sa pag-uwi. Nakaramdam ako ng guilt. Kasalanan ko kung bakit nagkasakit siya. Paano na lang kung malala ang naging sakit niya? Kaawa-awa naman siya! Hindi ko yata makakaya! At kahit sa next life ay butiki na ako, hindi ko pa rin mapapatawad ang sarili ko!
"E ayos ka na ba?" tanong muli ni Aling Ason sabay kuskos ng puwet nito sa pagkakaupo. Sa bigat ng ginang ay muling lumundo ang kutson, sanhi para ang mukha ko ay muli ring mangudngod.
Kada galaw ng ginang, nagdi-drible ang mukha ko sa sahig. Nang tumayo ito ay saka lang ako nakapagpahinga. Iyon nga lang, pakiramdam ko doble na sa pamamaga ang nguso ko.
Paglabas ni Aling Ason sa pinto ay bumalikwas si Asher sa kama. Dumapa agad siya para silipin ako. "Oy, ice ka lang?"
"Okay naman, hilo lang, pero at least buhay," tabingi ang bibig na sagot ko.
Hinila niya na ako palabas. Hindi naman maalikabok sa ilalim ng kama niya pero tinulungan niya pa rin ako na magpagpag ng aking palda.
"Bakit namamaga ang nguso mo?" nagtatakang tanong niya pagkatitig sa mukha ko.
Nakapa ko naman ang aking bibig. "Ah, ito ba? Wala ito, nakipaghalikan kasi ako."
"Ha?" Bumadha ang pagpa-panic sa inosenteng mukha niya. "Hindi naman kita hinalikan sa lips, ah?!"
"Sinabi ko bang sa 'yo? Nakipaghalikan ako, pero doon sa sahig ng ilalim ng kama mo!"
"Awww." Siya naman ang napangiwi. "Sorry na. Hayaan mo, next time, sa cabinet na kita pagtataguin."
"Cabinet?" Lumingap ako sa paligid, wala namang cabinet na puwedeng pagkasyahan ko. Maliban na lang kung cha-chop-chop-in niya muna ako, siguro ay kakasya na ako sa isa sa mga drawers niya rito.
Na-realize niya rin iyon. Napakamot na lang siya ng kanyang kilay gamit ang hintuturo. Hay, kung di lang talaga siya malakas sa akin, nakakita na siya ng umiikot na stars sa kanyang ulo.
Hindi pa rin agad ako nakaalis. Hinintay pa namin na pumasok na sa kuwarto ang nanay niya. Katulong namin na nag-abang ang dalawa niyang kuya. Dahil kapag nalaman ng nanay niya na may basta sila pinapasok at pinaakyat sa itaas ng bahay nila, damay-damay silang lahat sa gulpi de gulat!
MAY MOMOL NA, PERO WALA PANG FIRST KISS.
Puwede pala iyon? Hanggang pag-uwi ko, tulala ako. Para akong dinaanan ng kung anong hangin. Pagpasok sa kuwarto ay sumubsob agad ako sa unan ko. Hindi na rin ako nagbihis o naglinis ng katawan, bale iyong amoy ni Asher na amoy orange ay na-preserve sa akin hanggang kinabukasan.
Maski si Asher yata ay gulantang din sa nagawang kahalayan. Hindi na nakapag-text. Kinabukasan na rin siya naka-recover. Humingi siya ng sorry, pero hindi nga lang malaman kung para saan, kung para ba sa paglapa niya sa akin o iyong pagpapatago niya sa akin sa ilalim ng kama niya. Hulaan ko na lang yata kung alin doon sa dalawa.
FUTURE HUBBY:
Oi, galet ka ba?,
Hindi naman, gusto ko lang siyang sabunutan kaya lang hindi kaya. Maiksi pa ang tubo ng buhok niya.
Sabado ngayon. Magaling na pala si Asher, kaya makakapasok na raw siya sa Monday. Sa school na lang kami magtuos. Sa ngayon kasi ay daughter duties muna. Maghapon kong tinulungan si Mama na magluto, maglaba at mag-general cleaning ng buong bahay namin.
Hapon na nang makapagpahinga ako. Dahil tapos na ako sa gawain at hindi na rin mainit, ang goal ko naman ngayon ay maghagilap ng materials para sa aking project next week.
Nag-reply naman ako kay Asher. Ayaw ko naman siyang hayaan na mag-isip, kaya sinabi ko na busy lang talaga ako tuwing Sabado. Sinabi ko rin na pupunta ako sa bayan ng Malabon ngayon. Binanggit ko rin na pagbili ng materials sa project ang sadya ko roon.
Hindi ko na nabasa pa ang reply niya dahil nagmamadali na ako. Baka masaraduhan ako ng mga tindahan dahil nga sa hapon na. Sabado pa man din ngayon kaya baka maagang magsipagsara ang mga iyon. Iniwan ko ang phone sa bahay dahil baka mawala lang, o madukot habang nag-iikot ako.
Ang bitbit ko lang sa pag-alis ay ang aking sarili at isang tote bag. Sa suot naman ay sinemplehan ko lang para hindi pansinin. T-shirt na apple green at shorts na mint green. Sa paahan ay plain white flats. Ang hindi kahabaang buhok ko ay aking basta lang itinirintas sa likod.
Pagbaba ko ng jeep sa kanto ng Malabon ay naglakad-lakad lang ako. Hindi na ako nag-tricycle papuntang palengke, dahil baka may makita rin akong materials sa mga madadaanang tindahan. Ang tinatahak ko ay patungo sa plaza. Papunta rin sa may simbahan.
May maliit na shop akong nadaanan kung saan may nakatambay na tatlong matatangkad na lalaki. Sa itsura ng pananamit pa lang, kahit nakapambahay lang na shorts at shirts, masasabi mo na agad na anak mayayaman. Makikinis din kasi at habang nag-uusap ay panay ang english.
Ang isa sa mga ito ay tumalim ang mga mata nang makita ako. Iniwan muna ang mga kaibigan para talagang salubungin ako. Nagpanggap naman ako na bulag at walang nakikita. Nangapa pa ako at nang makapa ang kanyang mukha ay agad niyang hinuli ang aking pulso.
"You're not funny." Ibinagsak niya ang kamay ko nang tila siya mapaso.
Inirapan ko naman siya. Bakit naman sa dinami-dami ng puwedeng tambayan at oras ng pagtambay ni Rio with his RK friends, ay nataon pa talaga sa pagpunta ko?
"Why are you here?" tanong niya sa akin.
"May bibilhin ako sa palengke, masama ba?"
"What? Why do you have to go here? Whatever it is, you can just order it online."
"Paki mo ba? Saka, hindi naman lahat ay available sa online. Anong taon pa lang, wala pang Shopee, Lazada, at Tiktok ngayon. At isa pa, ASAP ko kailangan. Hindi bukas, hindi sa makalawa, at lalong hindi sa isang buwan, kundi ASAP. Naiintindihan mo ba?!"
Mahina siyang napatikhim. "Uhm, wala kang kasama?"
"Wala. At kung meron man, ano namang paki mo?"
"Baka lang may kasama kang lalaki o katatagpuing lalaki rito. You're still in high school, don't you ever forget that. 'Wag mo lang sasayangin ang pinagpapaaral ng tito ko sa 'yo."
Napakamot ako ng tainga. "Wala na bang iba riyan? Kabisado ko na kasi iyan. Sayang lang sa wordcount."
Lumapit na ang isa sa mga kasama niya. "Hey, Rio, ano mo? Girlfriend?"
Sumunod din ang isa pang kaibigan nila. "She's not your sister, is she? She doesn't look like you or Renesmee. Pero cute niya."
"Shut up, jerks!" Pagkasabi ay nakapamulsa sa suot na cargo na naglakad siya paalis. May menstruation na naman ang demonyito. Talo pa ako.
Nagtataka naman ang mga iniwan niyang kaibigan. "Anong problema niyon?"
Naglakad na ulit ako. Kakapagod maglakad, pero parte talaga ng buhay ang pagtitiis. Para ito sa aking grades, para sa magandang trabaho na may maayos na sahod, para sa aking pambawi kina Mama at Papa, para sa aking ipon, para sa aking glow up, at higit sa lahat, para sa suporta ko sa aking future husband. Kailangang maging masigasig, dahil lahat ng kilos ko ngayon ay may impact sa aking hinaharap!
Malapit na ako sa plaza nang umandar na ang mga na-traffic na sasakyan kanina. Isang jeep ang huminto sa mismong harapan ko. Mula roon ay bumaba ang isang matangkad na lalaking semi-calbong guwapo. Iilan lang ba ang lalaking naguguwapuhan ako? Syempre, nag-iisa lang. Si Asher James 'My Darling Baby' Prudente lang!
Naka-t-shirt siya na kulay light pink, black na Chicago Bulls jersey shorts, Jordan slides na white and sky blue ang kulay. Ang linis tuloy tingnan ng mahahabang daliri niya sa paa, maging ang mismong binti niya pataas na mabalahibo.
At ang mukha ni Asher, depinisyon talaga ng pagiging perpekto. May iba pa ba talagang mas guguwapo sa lalaking ito? Wala na. Wala ng tatalo sa pagmumukhang iyan. Dapat siyang sambahin at patayuan ng monumento!
Pero bakit nga pala siya nandito? Anong ginagawa niya rito?! At bakit salubong ang mga kilay niya?! Galit ba siya? Pero kung galit siya, bakit ang guwapo niya pa rin? Pag ganyan nang ganyan, sige magalit siya kahit kailan niya gusto!
Tuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang nasa harapan ko na. Salubong ang mga kilay nang yukuin ako. "Lai, bakit hindi ka nagre-reply?!"
Napakurap naman ako. Nag-text pa ba siya ulit? "Ah, sorry, iniwan ko kasi ang CP ko sa bahay." At bakit nga kasi ang guwapo mo lalo? Partida na, galing pa sa sakit iyan!
Bumadha naman ang sakit sa mga mata niya. "Lai, bakit mo iniwan sa bahay ang phone mo? Alam mo na nagti-text ako sa 'yo."
Napakamot ako ng pisngi. "Sorry, nagmamadali kasi ako."
"Galit ka sa akin."
"Ha? Hindi—"
"Bakit ka umalis nang di ako isinasama? Pumunta ka rito pero hindi ka sa akin nagpasama!" Puno ng hinanakit ang tono niya.
Ha? Kailangan bang magpasama sa kanya? Ang layo niya kaya. Saka saglit lang naman ako rito. Simpleng bagay lang naman ang aking alis na ito, at hindi na pata abalahin ko pa siya. Ayaw ko lang din na matulad sa ibang naging GF niya na clingy kaya sinawaan niya.
"Lai, nag-aalala lang naman ako sa 'yo."
"Ha? Bakit ka mag-aalala, may bibilhin lang ako sa palengke sandali."
Mula sa lungkot ng mga mata ay sumeryoso siya. "Sino iyong lalaki na kausap mo kanina?"
Uh, nakita niya si Rio? Ibig sabihin ay nasa jeep pa lang siya, nakatingin na siya?!
Biglang iling ko. "W-wala. Hindi ko kilala. Nagtanong lang ng direksyon!"
"Nagtanong lang pero ang tagal niyong nag-usap? Malapit na sa sampung minuto na na-traffic iyong jeep na sinasakyan ko, pero nag-uusap pa rin kayo. Hindi lang ako nakababa dahil bawal, pero gusto ko nang bumaba kanina."
"Natagalan lang kasi marami siyang tanong. Bobo yata."
Kumalma siya. "Talaga? Hindi mo talaga kilala?"
"Uhm, hindi?" Ngumiti ako nang tabingi.
"Bakit ka galit sa akin?"
"Hindi nga ako galit." Gusto ko nang mapapadyak. "Mag-usap tayo sa ibang oras, ha? 'Wag muna ngayon, please?!" Nagmamadali na naglakad na ako dahil anong oras na. Kailangan ko nang makabili ng mga material para sa aking project next week.
Nakakailang hakbang na ako nang magtaka dahil hindi humabol si Asher sa akin. Wala rin siya kahit violent reaction. Ano kayang trip ng lalaking iyon?
Nilingon ko pa siya nang isang beses. Nakayuko lang siya at seryoso ang ekspresyon. Gusto ko siyang amuin at sabihing 'wag talaga muna sana ngayon, kaya lang ay kinukulang na talaga ako ng panahon. Ganitong oras nagsasara tuwing Sabado iyong pinakamalaking bilihan ng material sa palengke.
Oo, alam kong mas guwapo siya kapag ganyang seryoso, pero wag niya naman sana akong i-temp ngayon. Patapos na ang school year. Kailangan kong magsikap para maungusan ang top namin sa room na si Jordan.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Study first talaga muna. Pero bakit ganito? Parang may mali talaga kay Asher ngayon? Nakaramdam ako ng kaba na hindi ko alam kung para saan... Until...
"Lai, ano ba?!" malakas na sigaw niya na nagpahinto sa paglalakad ko.
Paglingon ko sa kanya ay nakangisi na siya sa akin, pero agad ding nawala ang ngisi niya. Naging malungkot ang mukha niya bigla.
"Wag ka namang ganyan, Lai!" Malakas pa rin ang boses niya... at medyo basag?
Ha?
"Pananagutan naman kita, eh. Kahit nag-aaral pa tayo, kahit high school pa lang ako, magtatrabaho ako para sainyo ng magiging baby natin!" piyok na sigaw niya.
Nanlaki yata pati butas ng ilong ko dahil sa sinabi niya. Pinagsasabi nitong kalbong to?! Napatingin na sa amin ang ibang mga tao na nagdaraan.
"Lai, please. Wag mo akong iwan. Hindi ko naman kayo pababayaan. Lahat gagawin ko para buhayin kayo. Pananagutan ko kayo, kahit pa sa ilalim tayo ng tulay tumira, o kahit noodles lang ang kainin natin araw-araw, basta magkakasama tayong pamilya!"
Ang mga tao sa paligid namin ay nagsimula nang pagbulungan kami. Kesyo, ang babata pa raw namin, at kung anu-ano pa.
Si Asher naman ay may kakaibang kislap sa mga mata. "Lai, please... 'Wag mong ilayo sa akin ang baby natin. Hindi lang naman ikaw ang gumawa niyan, eh..."
Magaling na lalaking ito! Paano kami magkaka-baby, e holding hands nga lang, big deal na sa kanya! Noong nakaraan nga ay itinulak niya pa ako noong hawakan ko ang kamay niya!
Ah, ganoon? Akala niya madadale niya ako sa ganito? Pwes nagkakamali siya! Nakalimutan ko na saglit ang pagtitiis at study first!
Tinigasan ko ang aking mukha hanggang sa dumami ang nakikiusyoso sa paligid. Bigla akong nag-change face. "Sorry, patawarin mo ako, pero hindi mo anak ito."
Nanlaki ang mga mata niya sabay hawak niya sa kanyang dibdib. "Ano kamo, hindi akin iyan?!"
Malungkot na tumango ako. "Iba ang tatay nito. Sorry pero hindi ikaw."
Nagtagis ang mga ngipin niya. "Niloko mo ako?!"
"Oo, sorry..." Pumiyok ako at kunwari'y nagpunas ng luha.
Ang mga tao sa paligid namin ay napa "OH" sa libreng sine.
"Sorry, Asher... Oo, niloko kita. Ang boring mo kasi. Sorry, patawarin mo sana ako."
Akala ko susuko na siya, kaya lang may saltik din talaga 'tong guwapong kalbong ito.
"Lai, wala akong pakialam kahit hindi akin 'yan, pananagutan pa rin kita! Handa akong maging tatay ng anak mo!"
Shoot! Paglingon ko sa likod ko, nandoon ang tulala at nakangangang si Rio! Kailan bumalik ang lalaki? At narinig ba niya ba lahat ng mga pinagsasasabi namin dito?!
Nakita rin ni Asher si Rio. At sa klase ng talim ng mga mata niya, tiyak na namumukhaan niya ang pinsan ko.
Nilapitan ako ni Asher at sa aking mas ikinawindang, ay yumuko siya at maingat na hinalikan niya ang aking noo. Malamlam ang mga mata niya nang magsalita. "Lai, alang-alang sa baby natin. Please, 'wag ka na sanang magalit sa akin."
Lintek, tinamaan talaga ng magaling!
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz