ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 14

JFstories

HAPPY FIRST MONTHSARY, LAILA VALMORIDA...


Tapos na pero naririnig ko pa. Habang nakasunod sa kanya ay nagpi-play pa rin ang sinabi niya kanina sa aking tainga. Para tuloy nakalutang ang aking pakiramdam. Siguro kung panaginip lang ito, magdadabog talaga ako pag nagising ako.


Sa photobooth ng arcade kami sumunod na pumunta. Ang aking excitement dahil magkakaroon na kami ng first photo together ay mahahalata sa mukha ko. Bakit hindi? Photo together, isa iyon sa bucket list ko!


Four shots ang fifty pesos. Iba-ibang pose sa loob. May free designs at background na pagpipilian. Ang pinili namin ay iyong may pink heart design. Nagsimula na ang pag-click ng camera lense. Isang wacky, isang serious, isang sakto lang, at sa huli ay pisil namin ang pisngi ng isa't isa.


"Tag-isa tayo sa kopya!" Inabot ko kay Asher ang isa sa dalawang strip na lumabas sa photobooth machine. Naroon ang apat na kuha namin. Lahat ay ang guwapo niya, tapos cute naman ako.


Nakatitig siya roon na parang hindi pa makapaniwala. Nasa gilid kami ng arcade. Nilapitan ko siya at maingat na pinunasan ng aking panyo ang pawisan sa makinis niyang mukha. Marahan napakurap siya at bumaling sa akin ng tingin ang kanyang mga mata.


"Happy first month to us, Asher James Prudente."


May balak pa sana kaming maghanap ng iba pang paglilibangan sa arcade nang makita ko ang grupo ng mga kababaihang papasok sa entrance. Mga naka-private uniform. Ang isa ay walang iba kundi ang pinsan ko. Si Renren!


Pinagtitinginan ang babae ng mga narito sa arcade. Ang puti, ang kinis, tapos ang pula ng blush on. Pink ang headband, pink ang hikaw, relo, at bag. Sa lahat ng anggulo ay hindi lang cute, kundi napakaganda. Iyong ganda na alam kong type ni Asher sa isang babae.


Parang may bumayo sa dibdib ko nang makita kung saan nakatingin si Asher. Nandoon sa gawi kung saan nakatayo sina Renren at ang mga kaibigan nito. Kinabahan na agad ako. Paano kung ma-attract siya sa pinsan ko?!


Pero saglit lang doon na tumingin si Asher, pagkuwa'y bumalik na ang mga mata sa akin. Ngumiti siya nang matamis na parang wala namang nakitang kakaiba. "Bakit ganyan ang mukha mo? Pagod ka na ba?"


Ha? Hindi niya ba nakita si Renren? Imposible dahil doon siya nakatingin. Hindi ba siya nagandahan sa pinsan ko? 


Ano nga naman kung nakita niya? Kahit maganda ang pinsan ko, hindi naman siguro siya rito ma-a-attract basta-basta, di ba? Kahit papalit-palit siya dati ng GF, never pa naman siyang nagkagusto sa iba habang may GF pa siya. Dahil doon ay kahit paano'y nakuha ko na kumalma. 


Kalma lang, Laila. Hindi ako dapat tutulad sa mga exes niyang selosa. Mas matanda rin ako kay Asher ng isang taon, kaya dapat lang na mas umuunawa ako kaysa sa kanya. Dapat din ay mapangatawanan ko na chill lang kami palagi. 


"Medyo," sagot ko sa kanyang tanong na pilit pinasigla. "Puwede bang lumabas na tayo rito?" Baka kasi maisipan niya pa ulit kumanta. Pag nagkataon ay tiyak na mapapansin siya ni Renren at maging ng mga kasama nito.


Lumihis kami ng daan. Ako ang nasunod. Wala namang reklamo si Asher na sinusundan lang ako kung saan ang punta ko. Paglabas namin ay naglakad-lakad lang kami nang kaunti. Hindi man magka-holding hands, at least ay sabay sa daan.


Nang lumalalim na ang gabi ay niyaya niya na rin akong umuwi. Baka hinahanap na raw ako sa amin. Feeling ko naman ay siya ang hinahanap sa kanila. Panay na kasi ang ring ng CP niya. Nang isang beses na silipin ko, ang nabasa ko ay pangalan na: DONYA ASON. Nanay niya.


Multicab na dadaan sa Pascam ang sinakyan namin. Magkatabi kami sa loob. Siksikan kaya bahagya siyang umabante para mas makaupo ako. Noon ding may sumakay pa para sa harapan namin na linya, ay na-appreciate ko gesture na iniharang niya ang kanyang braso sa gawi ko, upang hindi ako mabangga.


Dahil nga siksikan ay hindi ako makabunot ng pambayad. Meron na palang nailabas si Asher. Napatingin na lang ako sa kanya nang siya na ang nagbayad ng pamasahe namin. Hindi ko na narinig ang sinabi niya sa konduktor dahil kanya-kanyang sigaw ang mga dispatcher sa labas.


Akala ko ay bababa siya sa kanto ng Malabon, dahil kailangan niyang lumipat ng sakay pa-Buenavista, sa aking pagtataka ay hindi siya bumaba. Nang tumingin siya sa akin ay tinaasan niya ako ng kilay. "O? Ihahatid kita, ayaw mo?"


Lumabi ako. "May sinabi ba ako?" Sa loob-loob ko naman ay namimilipit na ako sa kilig dito.


Pagbaba sa may subdivision kung saan ako nakatira, ang Sunterra Place, ay kasama ko si Asher. Matao pa sa dahil may mga pamilihan sa katapat na kalsada, doon sa isa pang subdivision dito na Grand Riverside.


"Me tropa ako riyan." Inginuso niya roon. "Me tropa rin ako sa Camachile, Lancaster, hanggang Sulucan, kaya alam ko rito sa Pascam. Dayo ako rito pag may fiestahan. Pati sa Santiago, Ilang, Tierra, Sunny Brooke at sa may Pabahay, nakakarating ako."


Ngingiti-ngiti lang ako dahil ang totoo ay alam ko naman kahit hindi niya sabihin. Lahat ng pinupuntahan niya, kabisado ko na.


"Saka, sanay ako na umuwi ng gabi. Iyon nga lang, pagagalitan ako sa amin, pero at least ay safe ako." Sinasabi niya iyon para hindi ko alalahanin na uuwi siya nang mag-isa.


Sumaludo na siya sa akin. Naglakad na patalikod habang ang isang kamay ay nakapamulsa sa suot na slacks pants at ang isang kamay ay nakataas sa ere. Kumaway siya sa akin habang nakangiti.


Umayos lang siya ng lakad pagtawid sa kalsada. Kumaway pa siya ulit sa akin nang makatawid na. Inginuso niya ang papasok sa loob ng subdivision namin na parang sinasabi na bilisan kong pumasok na. Natatawa na pumasok na nga ako para makauwi na rin siya.


Nang malayo-layo na ako ay saka ko lang siya nilingon. Doon pa lang siya sumeryoso at nag-abang ng masasakyan. Noong may dumaang jeep pa-Malabon ay sumabit na siya agad doon.


Sa bahay ay kakauwi lang din pala ni Mama mula sa kapilya. May dala siyang pagkain para sa akin, kaya lang ay busog na ako. Busog na busog ang puso ko.


Sa aking kuwarto ay nagbihis na agad ako ng damit. Nagmamadali ako na lumapit sa aking pader para idikit doon ang bagong photo na dala ko. Ang galing sa arcade photoboot kanina sa SM Rosario. Idinikit ko iyon sa gitna ng mga photos na naroon. 'Our first photo together'


"Goodnight, my handsome, sexy, smells good, and very loveable, sweetie baby!" And that night, nakatulog ako na walang kasing tamis ang pagkakangiti.


Maybe it's intuition 

But some things you just don't question

Like in your eyes, I see my future in an instant



Pikit pa ang aking mga mata pero ngiting-ngiti na ang mga labi ko, habang yakap-yakap ang purple Blue Magic stuffed toy na monthsary gift ni Asher sa akin.


And there it goes. I think I found my best friend. I know that it might sound more than a little crazy, but I believe... I knew I loved you before I met you. I think I dreamed you into life. I knew I loved you before I met you, I have been waiting all my life... ♩ ♬ 


Dumilat ako at tumingin agad sa magandangtanawin na nasa aking pader. "Good morning, pretty boy. Mas magaling ka pa ringkumanta." Tumayo ako roon at lumapit. "Gising ka na ba? Kumain ka na?"


Bumaba na ako para maligo nang mabilisan. Pagbalik sa kuwarto ay nagbihis na agad. Excited na akong pumasok. Ngayong araw ay gagamitin ko na ang padala sa akin na lip tint ni Papa. Galing pa iyon sa huli nitong balik-bayan box. Masaya ako ngayon kaya magli-lip tint ako. Wala lang, bakit ba?! 


Ang kulay pala ng lip tint ay cherry. Namula lalo ang mga labi ko paglagay niyon. Sa mukha ko naman ay simpleng pulbo pa rin. Iyong kilay naman ay tamang brush-brush lang. Sa buhok naman ay itinali ko paitaas. Hindi rin ako magsasalamin, sa aking mga mata ay naglagay ako ng clear contact lens.


Ang naiwang headband dito ni Renren ay hindi ko na gagamitin. Mas gusto ko ang peg na simple lang ako, mukhang mabait, at mahinhin. Nilagay ko iyon sa ibabaw ng bedside table. Bago lumabas ng kuwarto ay naka-ready na sa aking mukha ang hindi makabasag pinggan na aura.


Aura na agad ding nabura pagbaba ko sa sala. Nawala ang aking pagkamahinahon at kahinhinan na kagabi ko pa pinagpa-practice-an, nang makitang nandito sa amin ang aking pinsan si Rio. Na-uniform ng pang-private school habang nakaupo sa sofa na akala mo ay hari siya. "Ano namang ginagawa mo rito?!"


Tumingin siya sa akin para angasan ako, kaya lang nang mapatitig sa mukha ko ay natulala siya ng ilang segundo. Nang makabawi ay sumimangot siya. "Bakit namumula ang nguso mo? Nakagat ka ba ng langgam?"


Lumabas si Mama mula sa kusina. Bitbit nito ang baon ko. Madalas talaga ay pinababaunan ako ni Mama ng tanghalian. "Lai, adobong manok ang baon mo."


Si Rio sa upuan ay pormal na. Iyong tipikal na estudyanteng nasa highest section ang datingan. Complete uniform, puting-puti sa linis at plantsadong-plantsado ang polo, nakasalamin sa mga mata, at maayos ang basa pang buhok. Mukhang mabango, pagkabait-bait at pagkatino-tino. 


Gigil na nilapitan ko naman si Mama. "Anong ginagawa niyad dito, Ma?!" 


"Anak, ang boses mo," mahinahon na saway naman sa akin ni Mama. "Naririto ang Kuya Rio mo dahil na-delay raw ang pera na inaasahan ng Tita Rica mo. Tumawag ang papa mo kagabi na pahiramin muna sila. Bayaran kasi ng tuition ng mga pinsan mo."


Halos magbuhol ang mga kilay ko nang mag-abot si Mama ng ten thousand pesos kay Rio. Pambayad daw sa ngayong buwan na tuition ng lalaki at ng kapatid na si Renesmee. Naka-installment kasi ang magkapatid sa pinapasukang private school.


Sabay kami ni Rio na lumabas ng bahay. Parehong papasok. Naglalakad kami sa kalsada na walang kibuan. Kalmadao lang ang mukha niya habang nakapamulsa ang magkabilang kamay sa suot na black slacks, at ako naman ay nanunulis ang nguso.


Gustong-gusto ko nang makalayo sa kanya, dahil ayaw kong masira nang tuluyan ang aking maligayang araw. Dahil walang nadaan na tricycle ay sumakay na agad ako sa jeep na naunang dumaan. Patungo iyon sa Malabon.


Pagsakay ko ay ganoon na lang ang aking gigil nang sumunod na sumakay rin si Rio. Akala mo kung sino na nakataas pa ang kilay sa akin ng demonyito.


Iisa lang ang daan namin, pero maghihiwalay banda sa bayan ng Malabon. Sa kanan ang kanya at kaliwa sa akin. Maghihiwalay rin kami kaya ti-tiyagain ko na lang ang presensiya niya.


"Hmp!" Inirapan ko na lang ang lalaki. Sa pinakadulo ako naupo, iyong malayo sa kanya. Lalo akong napaismid nang maulinigan ko pa ang mahina niyang pagtawa.


Sa labas na siya ng pinto ng jeep nakatingin nang lingunin ko, pero sa natural na mapupulang labi ay may naglalarong ngiti. Ano naman kaya ang inginingiti? 


Sa school ay hindi na nawala ang badtrip ko. Dala-dala ko na ang gigil kay Rio dahil ang lintek na iyon, ibinayad ako ng pamasahe sa jeep. Hindi na ako nakaimik dahil pagkabayad ay bumaba na agad ito.


Isa pa sa nakadagdag ng bigat ng araw ko ay ang kaalamang absent ngayon si Asher. Kaya pala hindi nagti-text sa akin ang handsome, sexy, smells good, and very loveable, sweetie baby ko, may sakit pala siya!


Si Miko na hinarang ko sa gate ang nagsabi sa akin. Kasama nito si Zandra. Sabay na dumating ang dalawa. Ito ang may bitbit sa bag ng babae. 


"Ha? Okay pa naman siya kahapon, ah?" nag-aalalang sabi ko naman.


Napakamot ng ulo si Miko. "Aw, ewan. Gusto mo bang puntahan? Pero 'wag kang masyadong mag-alala, lagnat lang naman, hindi iyon matutuluyan."


Naluluhang nag-angat ako ng paningin sa kanila. Napakaliit ng boses ko nang magsalita. "Uhm, parang nakakahiya naman na pumunta sa kanila. At hindi ko rin naman alam ang bahay nila..."


Hinawakan naman ako ni Zandra sa balikat. "Go, Lai. It's okay. Visit Asher. We'll give you his address. You know, I like you for him 'cause you're a good influence; you're responsible, gentle and so kind. I'm rooting for you, girl!"


Nang tingnan ko naman si Miko ay nagtutulele na ito ng tainga gamit ang hinliliit sa kaliwang kamay. Mukhang ang aga-aga pa, tamad na tamad na agad sa buhay.


Nang makita naman ito ni Zandra ay dinagukan agad. "You're so kadiri talaga! Akina nga iyang bag ko!" Inagaw na ng babae ang bag na dala nito. "I'll go to my Arki baby na!"


"Pakaarte talaga netong babaeng ito, e. Sarap ikahon ng maraming taon!" Umalis na rin si Miko habang bubulong-bulong.


Nang wala na ang dalawa ay nakapagdesisyon ako, na kanina ko pa naman talaga desiyon, dadalaw ako sa bahay ng mga Prudente mamayang hapon!



HINDI PUWEDENG HINDI. Alangan namang hayaan ko lang na may sakit ang BF ko na wala ako. Buong araw ako na nag-aalala. Paano kung mataas pala ang lagnat ni Asher? Tapos baka inaapi pa siya ng mga kuya niya, dahil siya ang pinakaguwapo sa kanilang magkakapatid at paborito ng nanay nila. Kawawa naman siya!


Baka namumutla na ang red lips niya, pati ang moreno pero makinis niyang balat, baka rin namayat na siya agad. Nai-imagine ko pa ang magaganda niyang mga mata na malamlam ngayon dahil nga sa masama ang kanyang pakiramdam. Kaawa-awa naman!


Iyong magandang boses niya na malambing kahit nag-aangas, baka paos na rin at maaligasgas. Baka sinisipon pa siya kaya namumula ang dulo ng matangos na ilong niya. At baka ngayon ay inuubo na rin siya at hirap huminga! Oh, no! Hindi talaga ako mapakali sa pag-aalala!


Hindi na ako nagbihis, mula sa school ay deretso na agad ako pa-Buenavista. Nagsuklay lang ako, nagpunas ng wipes sa mukha, tainga, leeg, at mga braso. Dinamay ko na rin pati ang aking magkabilang kili-kili. Nagpulbo ako at naligo ng Lewis and Pearl na pabango.


Sa may talipapa ng Buenavista ay bumili ako ng tatlong orange bago tumuloy sa bahay ng mga Prudente. Wala roon ang ilaw slash speaker ng tahanan na si Aling Ason. Ang nagbukas sa akin ng pinto ay ang pangatlong barako na si Amos Julian.


"Hello po..." kimi ang boses na bati ko. "Kaibigan ko po ako ni Asher. Wala po kasi ang iba naming kaibigan, kaya ako po ang pinadalaw nila ngayon dito."


Sinenyasan lang ako nito na pumasok. Nineteen ito at Lasalista rin katulad ng pangalawa na si Aram John. Ito nga lang ang pinakasumangit sa magkakapatid na Prudente. Masyado pang seryoso at hindi palangiti.


Sa loob ay nakahilata sa sofa ang pangalawang barako na si Aram. Magalang na binati ko rin ito sa boses na mahina at mahinhin. "Hello po. Dadalawin ko po sana si Asher..."


Isa pa ito. Hindi man lang ako tinanong kung sino ako. Basta lang nito inginuso ang hagdan paakyat sa second floor ng bahay nila. "Akyat ka, hanapin mo na lang kung nasaan siya," mas tamad pa sa tamad na sabi nito.


Mga walang kaingat-ingat. Basta na lang akong pinagkatiwalaan. Paano kung miyembro ako ng akyat-bahay gang? E di limas lahat ng pundar ng kanilang mga magulang. Hay, kaya nauunawaan ko talaga si Aling Ason kung bakit kahit kaka-rebond pa lang, ay kumukulot na agad sa konsumisyon ang buhok ng ginang.


Okay. Umakyat na lang daw, e di umakyat. Hinulaan ko na nga lang kung saan iyong kuwarto ni Asher dito sa second floor. Baka kasi nagpalit na siya ng kuwarto, dahil nga ang tagal na ng impormasyong nasaliksik ko.


Ang daming pinto sa itaas, puwera pa iyong sa pinaka-third floor. Sa second lang ako nagbukas ng pinto. Iyong dalawa ay naka-lock, kaya sa pangatlo ako huling dumeretso. Tatlong katok ay nakarinig na agad ako ng ungol mula sa loob.


Dito nga! Dito ang kuwarto ni Asher dahil kilala ko ang ungol niya!


Binuksan ko agad ang pinto. Ang aking nabungaran ay ang lalaki na nakadapa sa single na kama. Naka-partnered white pajama ulit na ang print ay iyong yellow character na si SpongeBob. Ang medyas naman niya ay blue, kakulay ng dagat.


"'Nay, sakit ulo ko..." paungol na sabi niya. Nakasubsob siya sa unan, kaya akala niya ay nanay niya ang pumasok sa kanyang kuwarto.


"Wala pa ang nanay niyo," sabi ko na ikinataas ng kanyang ulo.


"Pota!" gulat na bulalas niya sabay bangon. Napayakap pa siya sa sarili sa pagkabigla. 


"Hi." Humakbang ako palapit sa kama niya na ang cover ay SpongeBob. 


SpongeBob din ang print sa iba pang naririto sa maliit niyang kuwarto.  Kapareho ng kumot, cover sa unan, kurtina, sticker sa maliit na window-type aircon. Favorite niya nga talaga iyon.


Napahilamos naman siya ng palad niya sa kanyang mukha. "Agh, kakahiya!"


Mahina na natawa naman ako. Naupo ako sa gilid ng kama niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"


Ang namumutla niyang mukha kanina ay ngayo'y pinamumulahan. Nahihiya nga. Ang cute-cute lang!


"'Wag kang mag-alala, guwapo ka pa rin naman." Umusod ako sa kanya at pinakatitigan pa ang kanyang mukha. "Bakit ba may sakit ka na, ang guwapo mo pa rin? Tingnan mo o, iyang ganyang mukha ang puwedeng gawing anting-anting! Nakakayaman, nakakagaling, pamsuwerte sa bahay, pangontra pa sa evil eye!"


Lalo lang naman siyang nahiya. "Tama ka na nga..."


Nilabas ko sa aking bag ang binili kong tatlong orange. Hinugasan ko na iyon sa apartment ni Tita Judy. Ipinagbalat ko si Asher. "Kailangan mo ng maraming vitamin C para lumakas ka na ulit."


Noong una ay ayaw pa niya na magpasubo, pero wala naman siyang nagawa nang isungalngal ko na sa bibig niya ang mga piraso ng orange.


Ang sabi niya ay basta na lang daw siyang nagkasinat kagabi. Hindi naman daw siya sakitin, kaya nagulat ang nanay niya kung bakit nga bigla siyang nagkasakit. Sa pag-aalala raw nito ay hindi na nga siya pinapasok kanina.


Ayaw pa nga siyang iwan ng nanay niya, kaya lang ay may importante raw itong lakad. Nakita rin naman na okay na siya, kaya umalis na ito muna. Sa may Pag-ibig daw pumunta si Aling Ason, nakikipag-bid ng buyback na unit sa maliliit na subdivision. Isa iyon sa paraan ng wais na ginang sa pagpapalago at pagpapaikot ng pera ng asawa at panganay na anak, ang magtambak ng investment na mapo-foreclose ng house and lot.


Nang maubos na ang orange at naubos na rin ang mga puwede kong itanong, ay doon naramdaman ang awkwardness sa paligid namin. Parang doon lang din kami naging aware na nasa iisang kaming kuwarto, kung saan kami lang dalawa rito ang tao.


Nakayuko ako at kunwari na lang ay nilalaro ang mga balat ng orange sa kandungan ko. Si Asher naman ay panay ang tikhim, parang pinipilit ang sarili na mapaubo.


Nang silipin ko siya ay sa bintana nakatuon ang kanyang mga mata. Namumula pa rin ang kanyang balat, na hindi malaman kung dahil sa sakit pa ba. At ang nakabukol na Adam's apple niya ay panay ang alon at taas-baba.


Nang tumingin siya sa akin ay sakto pa akong nakatingin. Sa gulat ay bigla akong napayuko ulit.


"Lai..." maaligasgas ang mahinang boses niya na tila kumikiliti sa pandinig ko.


Kunwari ay wala akong narinig. Kunwari busy akong alamin ang components ng balat ng orange.


"Oy, Lai," muli ay tawag niya sa akin. Mas husky ang boses.


"Hmn?" Kunwari busy pa rin ako rito sa balat ng orange. In fairness dito sa balat ng orange, ah? Mas healthy ito kaysa sa nasa loob ng prutas. Mas maraming contains na Vitamin C, phytonutrients at flavonoids. What if ipakain ko rin kaya itong mga balat sa kanya?


Bigla niyang kinuha sa kandungan ko ang mga balat. Inilapag niya iyon sa may bedside table. Ayan, wala na tuloy akong pinagkakaabalahan.


Umusod siya sa akin pagkuwan. Ang mainit at amoy orange niyang hininga ay ngayo'y tumatama na sa gilid ng aking mukha. Walang kasing lambing ang husky na boses niya nang magsalita siya. "Lai, bakit ayaw mo sa aking tumingin?"


"Ah, ha? A-anong sinasabi mo riyan? H-hindi, ah?" Gusto kong batukan ang sarili dahil sa biglang pagkautal ko. Hindi pa nga lang din ako makatingin sa kanya.


Bakit ba ako tensyonado? Ano ngayon kung kami lang dalawa rito? Ano ngayon kung kahit may sakit ay ang guwapo-guwapo niya niya? At ano rin ngayon kung ang lapit-lapit niya at amoy orange siya?!


Dapat wala lang iyon sa akin, kasi di ba dapat always na ako ang in control sa sitwasyon? Ako ang mas matanda, mas matalino, at mas dapat na nakakaunawa. At siya ay bata pa, baby pa, takot pa. Hindi siya dapat binibigla, hindi dapat pinag-iisipan, at higit sa lahat ay dapat iginalagang!


Ako ang dapat na magtino rito. Dapat hindi nag-iisip ng kung anu-ano. Dapat kalmado lang ako. Tama, dapat ganoon ang acting-an. Kalma lang dapat, kaswal lang, at iyong parang wala lang—


Nahinto ako sa pag-iisip nang may mainit na dumampi sa gilid ng aking pisngi! Shit, ano iyon?!


Namilog ang mga mata ko habang hindi pa rin magawang makalingon kay Asher na nasa aking tabi. Nakausod siya sa akin at ang dumampi sa aking pisngi, ay walang iba kundi ang mainit at malambot niyang mga labi!


Anong ginagawa niya? Alam niya ba ang ginagawa niya? Baby pa siya! Hindi niya dapat ginagawa ang ganoon! Hinintay ko siyang umatras, kaya lang ay hindi pa rin siya umaalis. Napapikit na lang ako nang sumunod na dumampi ang mga labi niya sa gilid ng aking tainga.


Nag-panic ako dahil alam kong ayaw niya nang ganito. Baka isipin niya pa na sinasadya ko ang pagpunta rito para sa ganito. Bago pa siya matauhan at mawindang sa ginagawa niya ay aatras na sana ako. Ang kaso ay para akong biglang naging bato sa sumunod na kanyang ginawa.


Dinilaan lang naman ni Asher ang tainga ko!


jfstories

#CrazyStangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz