36
This story is already completed in Patreon, and VIP Group.
Visit my Patreon at patreon.com/vampiremims
You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.
Leave a comment if you like the story. 🙂
☀️☀️☀️
I was holding my Dad's hand while the police and the firefighters were talking about what happened. Naroon si Daddy dahil na rin sa meeting ng mga ito na inabot na rin ng gabi. Mabuti na lang din at wala namang naiwan sa loob ng building kaya walang namatay o nasaktan.
Pero wala ring nailigtas na mga gamit sa nangyari dahil wala ng empleyado sa loob at tanging mga executives na lang ang naroon na nagmi-meeting.
Dad was still quiet about what happened. Bakas sa mukha nito ang gulat sa nangyari, pati na rin ang lungkot dahil ang pinaghirapan nitong negosyo, parang ganon-ganon lamang ay nawala. Nagsimula sa warehouse ang sunog at dahil walang empleyado, kumalat iyon hanggang sa opisina at hindi na rin kaagad naapula.
Marami ang bumbero sa paligid ngunit kahit na ganoon ay wala pa ring naisalba.
"Dad..." I squeezed your hand. "It's okay..." naluluha na sabi ko sa Daddy habang nakatingin dito "You're all safe, that's what matters. No one got hurt, you're all alive..." I tried to smile at him to cheer him up. I have no idea what's running inside his head right now, but I know that he's really having a hard time now.
"It's all gone now, Ashanti..." mahinang sabi nito bago muling tumingin sa building. "All the hard work, it is all gone now..."
Umiling ako sa kanya at pinalis ang luha na kumawala sa mga mata ko. I really don't like seeing my parents hurt. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kahit ako na lang ang umiyak, wag lang ang mga magulang ko dahil nasasaktan akong makitang nasasaktan ang mga ito.
"No, it's not. We can always get back up again," I cheered him up. "Huwag mong isipin na wala na kasi nandito kami. We will get back up again," I smiled at him and wiped his cheek and hugged him tight.
"I will never leave your side, Daddy. Hindi kita iiwan, pangako. Babangon tayo mula rito..." I told him while hugging him tight. Naramdaman ko naman ang pag-iyak nito kaya hinayaan ko na lang muna. I know he's really having a hard time now.
Dumating si Mommy kaya naman pinasama ko na rin si Daddy na umuwi at nagpaiwan ako roon upang alamin kung ano ang naging initial investigation sa nangyaring sunog.
Cloud was the one talking to the officers while I was sending my dad home. Nagsabi na lang ako sa mga ito na magpahinga na muna at huwag na rin munang isipin ang nangyari. Of course, that's hard to do, I know...
Pero alam ko rin na makakasama rin sa kanya kung mananatili siya roon, at wala naman ding magbabago. Nangyari na ang nangyari.
Lumapit ako kina Cloud upang malaman ang nangyari. I heard they're already talking about what happened.
"Based on initial investigation, Sir, faulty wiring from the warehouse caused the fire. Iyon ang tinitignan namin na anggulo dahil wala naman ding mga empleyado sa mga oras na nangyari ang sunog," narinig niyang sabi ng isang nakaunipormeng bumbero.
"What do you mean faulty wiring?" hindi ko napigilan na sumabat dito. Cloud looked at me and held my arm.
They all looked at me. "Isa iyon sa tinitignan natin na dahilan ng nangyari at–"
"Did you also consider arson?" Cloud asked them. Napalingon ako rito at seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa mga naroon. Kumuyom ang kamay ko dahil sa sinabi nito.
If what happened was arson, who would do that to my Dad's business? Anong motibo naman ang mayroon ito para gawin iyon?
Para mawala ang lahat ng pinaghirapan ni Daddy?
"We will check all the possible cause, Ms. Laurel, Mr. Monteverde," sabi nito sa amin bago kami iniwan matapos sabihin din na babalikan nila kami kasama ng report matapos ang imbestigasyon sa nangyari.
I leaned on Cloud's car while looking at the building. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatingin doon.
"I should drive you home, baby. You need to rest, too..." hinawakan ni Cloud ang pisngi ko at pinatingin ako sa kanya. "I'll just go back here, see if we can still recover any files or whatsoever," he added and tried to smile a little.
"Why are you so calm?" I asked him. "Look at what happened?" muli akong tumingin sa building na nangingitim dahil sa nangyari.
"Why are you so calm, Cloud?" I looked at him again. Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. Hindi naman siya nagsalita, tumingin lang siya sa akin kaya itinikom ko ang bibig bago nagyuko.
"Baby," hinawakan niyang muli ang kamay ko at pinisil iyon. Para bang sinasabi niya sa akin na naroon siya at hindi niya ako bibitawan. Ang daming nangyayari, ang daming pumapasok sa isipan ko pero alam ko na sa ngayon, hindi ko pwedeng unahin ang sarili ko.
Hindi ko pwedeng unahin kung ano ang pansariling gusto ko. My dad needs me, his company needs me, more than ever. Hindi ko siya pwedeng pabayaan lalo ngayon.
Kung anuman ang nangyari, sadya man o hindi ang nangyaring sunog, I will make sure to know the root cause. Hindi ako makakapayag na hindi iyon malalaman.
"You need to rest, too. I promise, I will have it investigated," kinabig niya ako at dinala sa dibdib niya at hinalikan sa ulo. I didn't utter a word. I just hugged him back and cried while thinking about what happened.
I tried so hard to not cry when I was in front of my dad because what he needs now is a shoulder he could lean on. Hindi pwedeng maging mahina rin ako para sa kanya. Hindi pwedeng umiyak din ako dahil alam kong mas manghihina siya.
Hinatid ako ni Cloud sa bahay namin at walang kibuan sa loob ng sasakyan nito habang nasa daan kami. I really have no idea what to say, or what to talk about. Mukha naman ding alam ni Cloud ang bagay na iyon kaya hindi rin ito nag-initiate ng pag-uusap.
When we're in front of the gate, he reached for my hand again and squeezed it. "You're not alone, okay? I am here. I will help your dad," masuyong sabi niya sa akin. "Just relax, baby. I'll handle it."
"Why...?" I asked him while looking at him.
Kumunot ng bahagya ang noo nito sa tanong ko. "What why?" he asked me back. "Your dad's company is the fruit of his hard work. I know it must be devastating for him to see what happened, and during tough times like this, I'm not going to turn my back. I will help, baby. I will help."
I looked down again and nodded my head a little. "I'll go ahead now. Take some rest, too, Cloud," sabi ko sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay at dumiretso na lang sa kwarto ko para magpahinga.
A lot of things happened...
And I am not really sure how to fix all of it.
Sa amin ni Cloud.
Sa reunion na kung anu-ano ang sinabi ni Lester.
Sa company ni Daddy.
Huminga ako ng malalim at niyakap na lang ang unan at pilit na pinapakalma ang sarili. I should not get swayed by these problems. I should face it one at a time.
Kung ano ba ang mas importante.
Dahil hindi rin naman ako makatulog, kinuha ko na lang ang laptop ko at nagset ako ng meeting sa mga executives at mga key employees na kailangan na makausap agad. Sa bahay na lang namin sila kakausapin dahil hindi naman din ako makakahanap ng lugar ng ganoong oras para sa meeting na gagawin.
I also created a list of what we should do. I will just consult it with my dad if we need to do more.
Halos hindi rin ako nakatulog at maaga pa rin akong nagising. Nag-ayos na rin ako kaagad dahil 10 am ang sinabi kong meeting sa mga ito.
Pagbaba ay nakita ko si Daddy na nagkakape at halatang walang gana sa pagkain. Hinawakan ko naman agad ang kamay niya at pinisil iyong muli. "Dad, I called a meeting and they will all be here later. Para mapag-usapan natin kung ano ang mga gagawin at paano 'yung mga files na nawala, mga records. Also, the payables..."
He looked at me and nodded his head a little. Nilingon ko si Mommy na bakas din ang lungkot sa mukha dahil hindi maikakaila ang lungkot na nararamdaman ni Daddy. Kinausap ko na lang din ang kasambahay namin para maghanda ng pagkain mamayang tanghalian para sa mga kasama namin sa meeting.
After eating a light breakfast, I busied myself checking what else we could do. Dumating naman sa bahay si Cloud ng bandang alas nueve.
"Baby," he greeted me and kissed my head. I looked at him and didn't say anything. Alam din nito ang tungkol sa meeting dahil kasama ito sa kumpanya. "Let me take a look," he said and checked what I prepared. Hindi naman ako nagsalita at hinayaan na lang ito sa mga idinagdag nito.
Nang magsidatingan ang mga katrabaho namin ay nagsimula na rin kami agad. Naunang magsalita si Daddy, we're all emotional about what happened. Ang iba ay iniisip na rin kung may trabaho pa ba sila dahil sa nangyari.
Cloud assured everyone will keep their position. Hinayaan ko na rin na ito na ang magdiscuss ng mga kailangan gawin. Ito at si Dad naman din ang nag-usap kanina ng mga plano nila and Cloud actually came up with plans already.
Hinayaan ko na muna sila sa library ni Daddy at lumabas ako para silipin ang pagkain nila para sa pananghalian. Pinaayos ko na rin ang lamesa para handa na ang lahat mamaya pagtapos ng meeting.
Pabalik na ako sa library nang tawagin ako ng kasambahay para sabihin sa akin na may naghahanap sa akin. Nagtataka namang lumabas ako ng bahay upang silipin iyon dahil naisip ko na baka pulis iyon at may report na sa nangyari.
Mas lumalim ang kunot sa noo ko nang makita na si Lester ang nasa labas ng bahay namin.
"What are you doing here?" I asked him when I went out. "Paano mo nalaman ang bahay namin?"
Nakasandal ito sa may sasakyan nito habang nakatingin sa akin. "Therese gave me your address," he replied. "I heard what happened last night."
Huminga ako ng malalim bago tumango ng mahina. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil naroon naman din ito nang sabihin nila Ryn ang nangyari. Maging ang mga ito ay panay ang tawag sa akin para kumustahin ako. I just told them that I will call them back since we have a lot of things to do.
"We're fine, Lester. Thank you. I don't have time to entertain visitors and–"
"Does it occur to you that he's the one who did it?" He cut me off and I looked at him. Diretso ang tingin niya sa akin habang nakatayo sa harap ko. "I wasn't kidding when I said he was using you, Ashanti. Therese is his friend, he told her all the plans."
"Whatever you're saying doesn't make any sense. I think you should leave, Lester."
Tumalikod na ako nang hawakan nito ang braso ko para pigilan ako sa pagpasok. Nilingon ko naman itong muli at bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na ito.
"Come on, Ashanti. You know what happened back then. He was humiliated and he left after that... dahil sa sobrang kahihiyan sa ginawa mo sa kanya."
Sinamaan ko ng tingin ang lalaki bago binawi ang braso mula rito. "You're the reason that happened, Lester. I don't even know why you're here, what are you doing here, and you had the guts to tell me those things. You were the one who hurt him before. Kayo ng mga kaibigan mo."
Lester looked at me and chuckled. "Wait, Ashanti. You're turning the table. Remember how I told you it will be on you whenever it happens to Cloud? You should be blaming yourself, then. I am just here, warning you from all the things he might do, he can do."
"I don't need your warnings, you and your sister can get the hell out of my life!" Tumalikod na ako at naglakad pabalik sa bahay namin.
"But it's happening, isn't it? He managed to pursue his plan, and you know you're next! He's just back to hurt you!"
Pilit kong hindi na pinansin ang sinabi nito at dumiretso na ako papasok sa bahay papunta sa kusina para uminom ng tubig.
Meeting Nancy at that restaurant was a mistake. Meeting Therese was a mistake! Meeting Lester was a mistake.
Lahat ng iyon ay pagkakamali lang dahil para silang mga taong bigla na lang hinukay ang mga nangyari noon sa amin ni Cloud. I still hate myself from what I did back then. Kung paano akong naging duwag para ipaglaban si Cloud sa kanila... kung paanong dapat ay isinumbong ko na lang sila para natapos ang mga ginagawa nilang mali.
And now... this...
They kept telling me that Cloud's behind all of this!
Simula pa noong nagkita kami, pumasok na iyon sa isipan ko. Iyon naman ang una kong naisip dahil sa totoo lang, wala namang dahilan si Cloud para bumalik sa buhay ko.
Wala rin itong dahilan para tulungan din ang daddy ko.
Aside from getting back on me from what I did, what reasons does he have left?
I leaned on the counter, trying to calm myself. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong unahin na isipin. Ang sinasabi nila tungkol kay Cloud, o ang company ni Daddy.
Mariin kong kinagat ang mga labi habang mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Halos napapitlag naman ako nang may yumakap sa akin mula sa likod at nakita ko si Cloud nang lingunin ko ito.
"They're talking now, and they're making a plan. You did great by initiating this meeting, baby," he said and pecked on my lips. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang marahil ay napansin na hindi ako kumibo.
"Are you okay?" hinawakan niya rin ang noo ko para tignan ang temperature ko pero ako ang nag-iwas ng tingin dito.
"I am..." sabi ko bago naglakad upang muling kumuha ng tubig.
"Are you really okay, Ashanti? What's the matter?" he asked again when he followed me. Damang-dama ko ang presensya ni Cloud na nakasunod sa akin at pilit kong kinokontrol ang sarili ko dahil halo-halo ang nasa isipan ko.
I'm trying to be rational but there's a lot of things going on inside my mind.
"Baby," he called me again and reached for my hand. "You can tell me what's wrong," masuyong sabi ni Cloud sa akin nang paharapin niya ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos iyon. "I already called some people to help with your dad's business and–"
"And then what?" I cut him off. Kumunot ang noo niya sa akin.
"What's wrong? You seemed bothered." Hindi na napigilan ni Cloud na sabihin sa akin. "Baby, I understand that we need to fix what happened and that's what we're doing. We're fixing it. Anong problema?" tanong niyang muli sa akin.
I looked down and heaved a sigh. "I heard you at your office..."
Hindi kumibo si Cloud.
"You... you were talking to someone about a plan..." kumuyom ang kamay ko at hindi ko alam kung bakit ba tila kinakabahan ako sa sinasabi ko. Nararamdaman ko rin ang pag-iinit ng mga mata ko.
"When was that?" Cloud asked me.
"You... you're talking about the plan and you're talking to Therese..." I looked at him and I felt a tear roll down my cheek.
Para namang naalala na ni Cloud ang sinasabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Yeah, I was talking to her and–"
"And she told me the plan."
"What?" kumunot na muli ang noo ni Cloud sa akin.
"She told me that you just wanted revenge from what I did to you before. I was right... you just came back because you're still mad at me for what I did."
"What the hell are you talking about, Ashanti?" sumeryoso ang mukha ni Cloud habang nakatingin sa akin. "What revenge are you talking about?"
"Stop lying, Cloud! Ito na oh, wala na 'yung company ni Daddy. Ano pa ba ang gusto mo? Nangyari na 'yung plano mo kagabi, diba? Nasimulan mo na," hindi ko napigilan na sabihin sa kanya. "You're planning to dump me? Gaya ng ginawa ko sa'yo? Ano pa ba ang parte ng mga plano mo?" pinalis ko ang luha sa mga pisngi ko habang nakatingin sa kanya.
"You made me love you again to hurt me? Hurt the people I love? Cut the act now, Cloud. Wala na, o. Wala na 'yung company, nasasaktan mo na ako. Ano pa ba ang gusto mo?" patuloy ang pag-iyak ko habang nakatingin sa kanya.
I am expecting him to look at me and smile and tell me that his plan was working.
"You think I was the one behind what happened?" ramdam ko ang bigat sa boses ni Cloud nang tanungin niya ako. His jaw tightened as he looked at me. Nakakuyom ang mga kamay ni Cloud habang diretso ang tingin sa akin.
I looked away and continued sobbing.
"You think I came back just to hurt you?" he asked again and I couldn't look at him. I could feel his voice breaking and I couldn't look at his face. "Ganoon ba ako kababaw para sa'yo, Ashanti?"
"You don't have any reasons to come back to my life," sabi ko na hindi pa rin nakatingin sa lalaki. "You're Cloud Monteverde, you're powerful now, you can have everything you want. Bakit babalik ka sa taong nanakit sa'yo kung hindi paghigantihan ang sagot?" sinalubong ko ang mga tingin ni Cloud at parang gusto kong bawiin ang lahat ng iyon nang makita ko ang pagpatak ng luha sa mata nito.
"Please just leave..." I turned my back and let myself cry when I walked back to the room.
I heard him call my name but I opted to ignore him and walk back to my room.
Doon ko pinakawalan ang mga iyak na ayaw kong makita ni Cloud.
By this time, I know... tapos na ulit kaming dalawa.
And maybe... maybe it's my fault again.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz