11
This story has advanced chapters in Patreon and Ko-fi.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my patreon and ko-fi account.
www.patreon.com/vampiremims | www.ko-fi.com/vampiremims
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
"You can sleep here, I will just stay in the car," I looked at Cloud while he was checking the room. Tinitignan nito ang salamin na naroon habang kunot ang mga noo.
It was as if he didn't hear me. He just continued checking the wall, the door, the window, everything. Pinagmamasdan ko lang ito habang ginagawa ang mga iyon.
"I'll leave you here now," I said before I turned my back on him to march out and get back to the car.
"Ashanti," he called my name. I stopped on my track and looked at him. "Hmm?" I asked him.
Naglakad papalapit sa akin si Cloud bago hinawakan ang kamay ko. "You can sleep here. I just checked if it's secured," he said before looking around. "There's a camera on the hallway so you'll be safe," he added before walking towards the stairs.
"Wait, what?" kumunot ang noo ko bago ko sinundan si Cloud. "Aren't you going to stay here?" I asked him. Tumingin naman ito sa akin. Pansin ko na rin sa mga mata nito ang pagod dahil may walong oras na rin itong nagmamaneho kanina. Humihinto kami para kumain at bumili ng kape pero hindi naman sapat ang mga pahinga na iyon para rito.
I know he needs to sleep.
We stayed at this hotel but since it started raining earlier, puno na rin ang hotel na napuntahan namin. Hindi naman katulad ng hotel sa maynila ang napuntahan namin kaya mabilis talagang mapuno ang mga kwarto.
"I'll stay in the car," sagot nito sa akin. "You should go get some rest, Ashanti. Malakas pa rin ang ulan kaya hindi pa tayo makakabiyahe ngayon," sabi nito sa akin bago akmang bababa na ng hadgan.
"But you're tired. Sa ating dalawa, mas pagod ka dahil na rin nagmaneho ka. You should be the one resting comfortably, not me..." sabi ko rito bago nag-iwas ng tingin. I hate that when I asked if there's a room with two beds, the staff told us that they're all fully booked. Wala na ring extra na kama kaya talagang isang kama na lang ang nakuha namin.
Hindi naman na tumanggi si Cloud sa receptionist dahil nga mahirap makahanap ng hotel na may bakanteng kwarto.
"It's really fine with me, Ashanti. Besides, do you really think I will be able to rest comfortably if I let you stay in the car to sleep?" he asked me before looking at the hotel room's door. "Go inside and rest," muling sabi nito sa akin.
I heaved a sigh before I reached for his arm.
"Stay here..." halos pabulong ko na lang na sabi rito. Tumingin naman sa akin si Cloud na nakakunot ang noo na tila ipinagtataka kung ano ang sinabi ko.
"Like you, I don't have the heart to let you stay there... alone. Well, at least here, we can sleep and rest... together..." nag-iwas ako ng tingin nang muli niya akong pagmasdan. Parang gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko at pagsarhan ito ng pinto.
"Are you sure about that?" Cloud asked me while looking at me seriously.
I looked at him and I could feel that any moment, my knees would weaken because of his stares.
"Yeah, but if you will still insist that you want to stay in the car, then–"
"Fine," Cloud said and held my arm and walked back to the room.
Sumunod ako rito at naupo sa sofa na naroon pagtapos. Malinis naman ang kabuuan ng kwarto. Hindi updated ang mga gamit na naroon pero so far naman ay walang problema. Isa pa, hindi naman din kami magtatagal ni Cloud doon. We will stay there for a night only.
Kung magiging maayos naman na ang panahon mamaya ay aalis na rin kami. I will also ask him if I can drive so he can still rest.
I saw him holding his phone and typing on it. Maybe he's updating his secretary. Sumandal na lang muna ako at ipinahinga na rin muna ang katawan ko.
I'm tired as well. Nakakapagod din naman na maging pasahero.
"You want to go shower first?" maya-maya ay tanong ni Cloud sa akin. "You should wash up so you can rest, Ashanti," lumapit pa ito sa akin at naupo sa tabi ko.
"Ikaw?" tanong ko nang lingunin ko si Cloud.
Inalis nito ang suot na salamin at ipinatong iyon sa lamesa na naroon bago marahang umiling. "You go first," ani Cloud.
Hindi naman na ako nakipagtalo pa rito at tumango na lang ako ng marahan bago kumuha ng gamit sa bag na inakyat ni Cloud. Sanay ako na naka bathrobe lang kapag lumalabas ng banyo pero dahil ngayon na kasama ko si Cloud, nagbaon ako ng damit ko papasok sa loob ng banyo.
The bathroom was clean, in fairness. Hindi man iyon kasing linis ng banyo sa hotel nila Ryn, hindi na rin masama lalo pa at sa probinsya na rin ang lugar na iyon. Gusto ko ring kiligin nang makita ko na gumagana rin ang hot shower nila kaya naman mas naging maayos ang pagligo ko.
After I took a bath, I immediately put on all my clothes. Ipinulupot ko lang ang tuwalya sa buhok ko bago ako lumabas kipkip ang bag na naglalaman ng toiletries ko at ang damit na isinuot ko.
"Your turn," I looked at Cloud.
Hindi ito tuminag man lang kaya naman pinagmasdan ko pa ito ng mas maigi. Pino ang paggalaw ng dibdib nito habang nakapikit ang mga mata.
He fell asleep...
I bit my lip a little. He's probably really tired and he's trying to show me that he's not so I won't feel bad.
Hindi ko naman kasi talaga maintindihan dito, bakit pa mas pinili ang ganitong biyahe. It doesn't make any sense. Ngayon ay naabutan pa kami ng malakas na ulan. Kung sakali na una pa lang ay nag-eroplano na kami ay kanina pa sana kami naroon.
Hindi ito pagod.
I just walked quietly and sat on the bed while looking at him. Kapag ganitong hindi nagsasalita si Cloud, hindi ko mapigilang hindi maisip kung paano ito noon.
He used to be so sweet before. Noong lagi pa itong nakasuot ng polo na sarado hanggang leeg, makapal ang salamin at naka braces.
Now, he's dressing himself so well. Hindi na rin makapal ang salamin nito at wala na ang braces nito. Sa palagay ko ay walang sinuman ang makakapanlait pa rito ngayon.
I smiled sadly when reality came to my mind.
Hindi ako dapat na madaling maniwala at magtiwala rito dahil alam ko naman na walang rason na lumapit pa sa akin si Cloud maliban sa gantihan ako sa ginawa ko noon.
I dumped him.
I left him.
Napahiya rin ito sa harap ng maraming tao noong sinubukan akong suyuin nito pero pinagtabuyan ko ito sa harap ng lahat.
It caused him pain... and I know, it's not that easy to forget.
Maybe if I were just brave enough things happened differently. Pero kahit naman din anong pagsisisi ko, wala naman ng magbabago. It's now water under the bridge. What can I do is to just keep on moving forward.
Kung anuman ang plano ni Cloud, tatanggapin ko pero hindi ako papayag na madadamay ang pamilya ko, lalo na rin ang negosyo na ipinundar ng Daddy ko.
I yawned after a few minutes. Tumayo na lang na muna ako at nilagyan ng kumot si Cloud at unan upang maging kumportable ito bago ako naglakad papunta sa kama at nahiga na rin upang matulog.
I can still hear the hard rain and thunder. Hopefully ay makaalis naman na rin kami bukas upang mapabilis na ang trabaho naming dalawa ni Cloud.
Ilang sandali pa ay dinalaw na rin ako ng antok.
Halos alas nueve na ng umaga nang magising ako. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko na maaga na at wala na rin si Cloud sa couch kung saan ito natulog kagabi.
Mabilis akong bumangon at ipinusod ang buhok. Maybe Cloud's outside, or at the car. Hindi ko naman malaman kung bakit ba hindi ako nito ginising!
Kinuha ko ang phone ko para tawagan ang lalaki para alamin kung nasaan na ito.
Mabuti na lang din at hindi ako masyadong naglabas ng gamit kagabi kaya naman mabilis ko lang naiimpake ang gamit ko.
"Why are you calling?"
I looked at the door when I heard his voice.
Nakaligo na rin ito dahil bago na ang suot na damit at shorts. May dala rin itong dalawang kape na umuusok pa.
"I just went out to get breakfast," sabi nito sa akin bago inilapag iyon sa lamesa. "You thought I left you?" he added before I could muster the words to reply to him.
"I don't have a record of leaving someone, Ashanti," pabirong sabi nito bago inabot sa akin ang isang paper bag na naglalaman ng sandwich base na rin sa sinabi ni Cloud.
Hindi naman ako kaagad nakapagsalita sa sinabi nito dahil alam ko naman ang tinutukoy nito. I just looked at him and nodded my head.
"We can leave today, the rain stopped earlier and they said it's safe to travel again," sabi nito sa akin na muling sinagot ko lang ng tango.
"I'll drive so you can rest," prisinta ko rito nang mailigpit ko na ang lahat ng gamit ko at nakapagpalit na rin ako ng damit.
Cloud looked at me and chuckled. Kinuha na rin nito ang bag sa akin bago tumingin. "No, I'll let you complain in the car instead of driving," sabi nito bago naglakad papalabas ng kwarto.
Hindi ko naman napigilan mapasimangot dahil parang hindi pa rin nito nakakalimutan ang sinabi sa akin noong nakaraan tungkol sa pagrereklamo ko.
Napailing na lang ako bago sumunod sa lalaki hanggang sa labas dahil na rin nakapagbayad na ito ng kwartong ginamit namin.
"Ma'am, souvenir po from our hotel..." habol sa akin ng isang lalaking staff ng hotel. Kumunot naman ang noo ko bago tinignan ang isang tote bag na binibigay nito sa akin.
"Free po ito," sabi nitong muli bago lumapit pa sa akin para makuha ko ang bag.
I smiled a little. "Thank–" I was about to get it when Cloud took it. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa lalaking staff ng hotel.
"Thanks," ani Cloud bago ako iginiya papasok sa sasakyan nito. Pinagbuksan pa ko nito ng pinto bago ako inalalayan na makapasok.
Nakakunot naman ang noo ko dahil na rin sa pagtataka sa inasal ng lalaki.
Ilang sandali pa ay sumakay na rin si Cloud at pinaandar ang sasakyan.
"You don't have to be rude to him, you know? He's just giving some souvenirs," sabi ko rito habang nagmamaneho na itong muli.
Hindi naman kumibo sa akin si Cloud kaya tumingin na lang akong muli sa labas.
"Gaano pa ba katagal ang biyahe natin?" tanong ko rito nang may sampung minuto ng walang kumikibo sa aming dalawa.
"You're complaining?" he asked and I rolled my eyes.
"I was just asking," I responded.
"You can complain all you want, you know? No one is stopping you."
Napailing na lang ako at hinayaan na lang ang biyahe namin kaya mainis at mapikon pa ako kay Cloud.
Nagmaneho pa ito ng halos dalawang oras bago kami nakasakay sa barko, mula naman sa barko ay may isang oras kaming binyahe papunta sa kabilang isla para muling bumiyahe ng halos tatlong oras.
Pasado alas singko na ng hapon nang makarating kami sa isang hacienda na napapaligiran ng iba't ibang mga puno. Hindi ako pamilyar sa mga iyon pero tiyak kong marami ang puno ng mangga at puno ng niyog.
"Sir Cloud, mabuti naman po at nakarating na kayo. Akala ko ay gagabihin kayo, e," bati ng isang babae nang bumaba na kaming dalawa ni Cloud ng sasakyan. May kasunod itong dalawa pang babae na siyang umalalay sa amin at naglabas ng mga gamit namin sa sasakyan.
"We got stuck because of the weather," he shrugged and smiled. "Nanay Clarita, this is Ashanti, Ashanti, this is Nanay Clarita," pakilala ni Cloud sa matandang babae. "She's the one taking care of this house and the farm," he added.
"Mabuti naman at nagawi na kayo rito ng nobya mo. Panay ang pag-aalala sa'yo ng mommy mo na baka ika'y walang balak na mag-asawa, e," sinundan iyon ng matanda ng pagtawa habang ginugulo ang buhok ni Cloud.
"I'm not his girlfriend po... I'm..." napahinto ako dahil hindi ko rin alam kung ano nga ba ako ni Cloud ngayon. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ex ako ng lalaki.
"I'm his business partner..." dugtong ko na lang.
I saw Cloud scoffed a little because of what I said.
"Ganoon ba?" kumunot ang noo ni Nanay Clarita bago lumingin kay Cloud. "O siya, nagpahanda na rin ako ng hapunan para sa inyo dahil alam ko naman na pagod kayong dalawa. Nakahanda na rin ang mga kwartong tutulugan niyo," sabi pa nito bago kami inaya papasok sa malaking bahay.
Hindi ko mapigilan na hindi mapahanga habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay. Karamihan sa mga gamit doon ay sa palagay ko'y gawang local. It's refreshing to the eyes, actually.
Nagpunta na kami sa komedor at may mga nakahanda na ngang pagkain doon.
"Why didn't you tell me that we will stay at your house?" I asked Cloud when they left us.
He looked at me and shrugged. "This is under Caryl's name, not mine. This is not my house," sagot nito sa akin bago naglagay ng pagkain sa plato ko.
"You know what I mean," I rolled my eyes. Parang balewala naman iyon sa lalaki dahil pinagbalat pa ako nito ng hipon at inilagay iyon sa plato ko.
"Eat. Nanay Clarita's shrimp sinigang is the best," he said and smiled at me. Natigilan naman ako dahil sa ngiting iyon ni Cloud.
Matapos kaming kumain ay si Cloud na ang sumama sa akin papunta sa kwartong ookupahin ko. Nasa kwarto na rin ang mga gamit ko kaya naman wala na akong binitbit pa.
"You should sleep now, tomorrow we will check the properties," ani Cloud sa akin habang nakasunod sa likod ko.
"Ikaw rin. You should take a rest since I know you're tired," I looked at him and gave him a small smile. "I think this is my room..." huminto ako sa tapat ng isang pinto. "I'll go rest now, magpahinga ka na rin," sabi ko rito bago hinawakan ang seradura ng pinto at pumasok saloob.
I was about to close the door when Cloud stopped it and looked at me.
"Why...?" I asked him.
Pumasok ito sa loob ng kwarto at isinara ang pinto. Pinagmasdan ko naman ito habang nakakunot ang noo.
"Is this your room? I'm sorry. Lalabas na lang a–"
"No, this is yours," he cut me off.
Mas lalo naman akong napakunot ng noo dahil sa sinabi nito dahil hindi ko alam kung bakit pumasok si Cloud sa loob ng kwarto ko.
"Then, what is it...?" I asked him, my brows creased.
"Remember what you said earlier... you complained..." he cocked his head on the side and looked at me.
"Hindi no! I just asked. Hindi naman ako nagreklamo at–" natigilan ako nang maglakad si Cloud papalapit sa akin.
"I'll rest after I get my kiss," he said before claiming my lips.
What the hell?
Why does he keep on kissing me?
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz