ZingTruyen.Xyz

Chasing After You

10

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon and Ko-fi.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my patreon and ko-fi account.

www.patreon.com/vampiremims | www.ko-fi.com/vampiremims

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


"Why are you frowning ba?" Ryn asked me while she's also checking some clothes. Niyaya ko ito ngayong gabi para samahan ako na bumili ng mga damit na dadalhin ko para sa business trip namin ni Cloud papuntang Visayas.

"I'm not frowning..." I looked around and looked at Ryn after. "I just don't like their clothes here," mahinang sabi ko upang hindi ako marinig ng staff ng boutique na iyon.

Kumunot naman ang noo ni Ryn sa akin bago kinuha ang isang dress na nakadisplay. "Ash, this looks good and I know you will look good on it!" sabi nito sa akin bago ito na ang naglagay ng dress na iyon sa braso ko.

"I don't think it will look good on me," sagot ko naman sa kanya. Pinanlakihan ako ng mata nito kaya wala na rin akong nagawa kundi kunin ang dress na ibinigay nito. "I think it's weird that I will wear a dress there," I told Ryn. Naglakad na lang ako papunta sa mga blouses na nakadisplay at namili na lang din ako ng pwede kong makuha.

Wala naman na rin kasi akong oras na magmall pa dahil aalis na rin kami ni Cloud bukas. Papalabahan ko na lang lahat ng mapapamili ko at magpapatulong na lang din ako sa mga kasambahay namin na maayos ang mga ibang dadalhin ko.

Iniisip ko pa lang na mag-eempake ako ng gamit pag-uwi ko ay hindi ko na mapigilan na hindi mainis kay Cloud.

I really have no idea what's with him.

Wala ba siyang ibang ginagawa sa kumpanya ng mga ito at ang kumpanya namin ang inaasikaso nito? Hindi ba nito nakikita na naroon naman ako, ang daddy ko... hindi ko alam kung bakit ba nakikialam pa ito.

"You know what I think?" lumapit sa akin si Ryn na may dala na iba pang damit at ibinigay sa akin. "You're conscious about what Cloud will think when he sees you," sabi nito sa akin bago ako sinabihan na magbayad na kami sa cashier.

"Excuse me? That's absurd, Ryn," sabi ko naman bago ibinigay sa cashier ang mga damit na hawak ko. Hindi ko na rin sinukat ang mga iyon dahil alam ko naman ang sukat ng katawan ko.

She crossed her arms against her chest and raised a brow on me. "Well, Ashanti Ysabelle, you're my best friend and I know you. Kung hindi ka conscious sa iisipin ni Cloud, why are you so obsessed on looking good for your business trip? Hmm?" tanong sa akin na parang sinusubok ako.

I rolled my eyes and gave the cashier my card for the payment.

"It's a business meeting, I will be representing my dad, our company. I should look good," depensa ko naman na hindi ko alam kung pinaniniwalaan ba ng kaibigan ko o hindi. Mabuti na lang din at hindi ko na isinama si Anj dahil mukhang pagtutulungan lang nila akong dalawa ngayon.

"Okay, if you say so," she shrugged and smiled at me. Halatang hindi talaga ito naniniwala sa sinabi ko kaya naman iiling-iling na lumabas ako sa loob ng shop matapos kong makuha ang mga pinamili ko.

Sa labas ko na lang din hinintay si Ryn dahil namili rin ito ng ilang damit nito. My forehead creased when I saw Cloud's secretary. Lumabas ito mula sa isang boutique na panlalaki at may dala itong mga paper bags.

Maybe she bought clothes for Cloud.

Hindi ko naman na ito tinawag dahil hindi naman din kami magkaibigan. Mukha naman ding hindi ako nakita nito kaya hindi ko na rin ito pinansin.

"What time are you going to leave tomorrow?" Ryn asked me while we're walking towards the parking lot.

"He said 7 am," I shrugged and looked at Ryn. "Thank you for coming with me," I said before hugging her. "I'll just see you and Anj when I'm back," I smiled at her and she chuckled. "You know what, huwag mo munang isipin ang pagbalik mo. Enjoy your trip and just give updates if you and Cloud are back together," pang-aasar nito sa akin. Mabilis ko naman itong kinurot bago niyakap na lang ito ulit.

Umuwi na rin ako kaagad ng bahay at nagbilin na sa kasambahay namin tungkol sa mga damit na dadalhin ko kinabukasan. Pag-akyat ko ng kwarto ko ay naglinis naman na ako agad ng katawan bago inasikaso ang bag na dadalhin ko.

It was like I will leave again for New York.

I really hate packing my things.

Inayos ko sa isang bag ko ang mga pantulog na damit ko. Ang sabi ni Cloud ay 7-10 days kaming mamamalagi roon kaya naman dinamihan ko na ang dala ko. I am hoping that the hotel we will be staying at has a laundry service.

Nagdala na rin ako ng mga jeans at shorts. Nakabukod na rin ang toiletries ko at mga underwear.

Napangiwi ako nang makita na halos apat na bag pala ang dadalhin ko kasama na ang bag na paglalagyan ng mga formal clothes ko para sa business meetings namin doon.

"Well, ako ang sinama niya, magdusa siyang magdala ng mga gamit ko..." sabi ko na lang nang maupo ako sa kama ko.

Halos hindi rin naman ako nakatulog noong gabi na iyon dahil sa pag-iisip kung ano ang mangyayari kinabukasan kaya masakit ang ulo ko kinabukasan nang magising ako. I woke up around 5:30 am to prepare.

Ayoko na malate ako kung sakaling sunduin ako ni Cloud. Ayokong may masabi ito lalo pa at maging si daddy ay nagiging malapit dito.

I chose to wear black shorts and white blouse. I paired it with a black and white sneakers as well. Nagpatulong na rin ako sa kasambahay namin na ibaba ang mga gamit ko nang bumaba ako.

"Hija, nag-empake ka na ba ng lahat ng gamit mo?" kunot noong tanong ng mommy ko sa akin. I frowned at her and looked at daddy. He chuckled and shook his head. "Wala naman siguro sa isip mo na makipagtanan, ano?" tanong nito sa akin.

"Daddy!"

They both laughed and I rolled my eyes.

Maya-maya lang ay nagsabi na ang isang kasambahay namin na nasa labas na si Cloud. Nagsabi naman si Daddy na papasukin na muna ito sa loob ng bahay upang makapag-almusal.

"Good morning, Mr. Laurel, Mrs. Laurel," bati nito sa mga magulang ko.

I almost groaned when I saw his attire.

What the hell?

He's also wearing a black shorts, white polo shirt and black and white sneakers!

"You're early, Mr. Monteverde," sabi ni Daddy rito. "Join us for breakfast," aya nito sa lalaki. Hindi naman ako kumibo at nagpunta na lang ako sa may komedor upang alamin kung ano ang inihain ng mga ito.

"Thank you, but I have to decline. I just prepared breakfast for me and Ms. Laurel," sabi naman nito sa daddy ko.

"Is that so? Magdagdag na lang kayo ng baon niyo," sabi naman ni Mommy bago tinawag ang isang kasambahay namin. "Letlet, kumuha ka ng containers sa kusina at ipagbalot mo na lang sila Ashanti ng almusal. Ilagay mo na ang lahat ng tocino na niluto ko dahil paborito ni Ashanti 'yan," sabi nito.

Natigilan naman ako sa sinabi nito at mabilis na napalingon kay Cloud na may mapaglarong ngiti sa mga labi.

I badly wanted to wipe that smile off his face!

"It's a good thing that she likes that because that's what I prepared as well..." sabi nito sa mommy ko. Ngumiti naman ito sa lalaki.

"Yes, Ashanti likes it so much. Nagmamaktol pa 'yan noong college siya kapag walang tocino kapag breakfast at–"

"Mommy," awat ko naman dito. "Okay na. Alam na niyang favorite ko..." sabi ko rito bago nag-iwas ng tingin. Nagpaalam na lang ako na ilalagay na ang gamit ko sa sasakyan ni Cloud kaya naman sinamahan ako nito.

"So, that's your favorite?" he asked me as he put my bags inside his car.

I rolled my eyes.

Hindi ito nagreklamo na marami akong dala, sa halip ay inilagay iyon lahat ni Cloud sa likod. Lumabas ang mga magulang ko na may dala na isang bag pa na naglalaman ng pagkain namin at may pabaon pang mga prutas.

"Take care of my daughter, Mr. Monteverde," sabi ni Daddy rito.

Tumango naman si Cloud dito. "I will, Mr. Laurel. I will take care of Ashanti," sabi nito bago lumingon sa akin. Hindi na lang ako kumibo rito at niyakap na ang mga magulang ko para magpaalam.

Sumakay na rin ako kaagad sa harap at sumunod na rin sa akin si Cloud.

Nagsuot na rin ako ng seatbelt at akmang maglalagay ako ng earphone nang pigilan ako ni Cloud. Hinawakan nito ang kamay ko at kinuha iyon mula sa kamay ko at itinago.

"Why?" I asked him.

"Don't treat me as your driver that you can ignore," he said and looked at me. "Excuse me? I don't ignore the drivers," sabi ko rito.

"Maswerte pa pala sila?" sagot naman nito sa akin.

I rolled my eyes and leaned on my seat. Hindi na lang ako nagreklamo pa. Nagpapatugtog naman si Cloud sa loob ng sasakyan nito kaya hindi naman nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin.

"Can we get coffee?" I asked him after a while. Nilingon naman ako nito bago ito tumango sa akin. Naghanap na lang kami ng mabibilihan ng kape along the way para hindi na ito magpalit ng linya.

Hindi naman kami nahirapan dahil may nakita agad kami at mabuti na lang din ay may drive thru iyon.

Si Cloud na ang umorder para sa amin at nagpadagdag ako ng cookies.

"Magkano sa akin?" tanong ko nang kunin ko ang wallet ko sa bag ko.

"Since when did I let you pay when you're with me?" kunot ang noo na tanong nito sa akin. Hindi naman ako nakasagot dito dahil hindi pa naman talaga nangyari ang bagay na iyon. Ito na nga ang nagbayad at nagtuloy na kami sa pagbiyahe.

"I still can't understand why you chose to travel by land instead of booking a flight," sabi ko habang nakatingin sa labas. Ilang beses ko ring sinabi sa kanya na wala pang tatlong oras ang magiging biyahe pero hindi naman din ako nanalo.

"I'm tired of traveling by air," sagot nito sa akin.

I looked at him and frowned. "Sana ikaw na lang nagbiyahe by land."

"Can you just enjoy the ride? Or you're hungry? You're talkative when hungry," he said while driving.

Mas namilog ang mga mata ko bago ko ito nahampas sa braso. "I'm not!"

He chuckled and looked at me. "I'll look for a parking space so we can eat," he said before looking at the road again. Tumango naman ako ng marahan dito at muling tumingin sa labas.

Maya-maya lang ay nagsabi si Cloud na paparada na muna kami para kumain. Itinabi na muna nito ang sasakyan pero hindi pinatay ang makina para hindi mamatay ang aircon. I looked at him and creased my forehead.

"What's with you today?" I asked him.

Kumunot ang noo nito bago kinuha ang bag na nasa likod. "What do you mean?" he asked me as he opened the tupperwares. Hindi nga ito nagsisinungaling nang magsabi na tocino ang hinanda nito. Maliban doon ay may iba pa itong dala na pagkain.

It was as if he really prepared for this day.

"Here," he gave me a plate with food on it. Tinanggap ko naman iyon at nagsimula na kaming kumain na dalawa. May dala rin si Cloud na tubig kaya wala kaming naging problema na dalawa.

"I can drive later so you can rest," sabi ko rito habang kumakain kami.

"No, I'm good. Besides, it will be dark at night," sagot naman nito.

"I can drive at night, you know?" napasimangot ako sa sinabi nito. He chuckled and wiped the corner of my lips. Natigilan ako sa ginawa nito.

"I know you can, but I'll do it..." sabi nito sa akin.

"Let's stay at a lodging house if you get tired, okay?"

He nodded his head to agree with me.

I stared at Cloud while he was eating. Hindi ko mapigilan na makita ang Cloud na kasama ko noon. We used to eat inside his car before, too. Nagdadala ito ng almusal at pagsasaluhan naming dalawa.

But the Cloud in front of me is different... he changed... and I was part of that change.

Napayuko na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos kaming dalawa at nakapagpahinga na rin ay muli na itong nagmaneho. Nakatingin lang ako sa labas at ang music lang sa sasakyan ang tanging naririnig ko.

I looked at Cloud.

"Hmm?"

"Nothing..." I replied while still looking at him. Ryn and Anj were right, he really became more handsome now... mas nagmature ito.

I opted to just look away since the memories of us started to pop in my head. Things changed... he changed.

I should not be deceived by any of this.

He's with me for one thing and that's revenge.

He's being nice now because he needed us to believe him...

"Are you okay?" he asked me. "Is it hot?" He checked the aircon of his car. Umiling ako bilang sagot dito. "You can sleep, Ashanti," he added.

"I'm okay..."

"Your dad said you never introduced a boyfriend to them," sabi nito maya-maya. I scoffed and looked at him. "So?" I asked him.

"Does that mean you never had a boyfriend after what happened?" ang mga mata nito ay nananatili sa daan.

"That means I never introduced my boyfriend to them yet," sagot ko naman dito. I saw his jaw tightened and held the steering wheel tight.

"So, you have a boyfriend?"

I chuckled softly and looked at him. "Are you fishing for information?" Napailing na lang ako bago tumingin sa labas.

I never had a boyfriend after him... may mga nanligaw sa akin pero wala akong pinansin sa kahit na sino sa mga iyon dahil wala naman akong nakikita sa mga ito na gusto ko...

Natawa ng marahan si Cloud kaya naman napalingon ako rito.

"If you have a boyfriend, you're not going to be here with me."

I glared at him and rolled my eyes.

"I'm questioning myself why I am here, too," I retorted as I looked outside again. Huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada kaya nilingon ko si Cloud.

"Why did you–"

He pecked on my lips and looked at me. "For every time you will show regret that you're here, I will claim your lips."

"What?" kumunot ang noo ko habang nakatingin dito.

"Go on, question yourself. I'll just enjoy kissing you," he said before starting the engine again.

I clenched my fist and looked outside again. Sinarili ko na lang ang pagkontra sa lalaki. Hindi rin naman ako mananalo.

He will just keep kissing me.

And I don't know if that's a good thing or what.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz