Chapter 45
"ZANDRAAA!" Nang magmulat ako ng mga mata ay nasa harapan ko na si Miko. Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha at para na siyang maiiyak nang kargahin ako. "Shit, shit, sorry, Zandra! Sorry, tangina!"
Sigaw siya nang sigaw habang karga-karga ako. Kung sino-sino ang pinagtatatawag niya sa pagpa-panic. Dahil sa sigaw niya ay napasugod na rin dito ang mga kapitbahay.May tumawag na ng tricycle. Doon niya ako isinakay. Katabi ko siya sa loob habang yakap-yakap niya ako. Wala pa siyang isang tsinelas.
Naalimpungatan na ako na wala nang sakit at nakahiga sa hospital bed, apat kaming buntis sa isang kuwarto. Lumingap agad ang paningin ko sa paligid at nag-panic kasi wala si Miko. Nasaan siya? Saan siya pumunta?
Nasa isang lying in pala ako rito sa lugar namin. Pinabukaka ako ng isang babaeng staff para sukatin ang cervix ko. Nahihiya akong sumunod. Napaigik na lang ako nang ipasok na nito sa akin ang dalawang daliri na may suot na guwantes.
Napailing ito. "Mataas pa."
Kahit pumutok na ang aking panubigan ay hindi pa pala ako manganganak. Ang sabi nito ay maghintay na lang daw. Meron pa rin kasing ibang pinapaanak ang doktor rito sa lying in.
"Nasaan po ang asawa ko?" I asked the nurse.
Hindi na nito kinailangang sumagot dahil pumasok na si Miko sa pinto. Shirt at shorts, at nakasombrelo. Pawisan ang harapan ng shirt niya na humahangos lumapit sa akin. Hinawakan agad ako sa ulo. "Okay ka lang? May masakit ba sa 'yo? Ano raw sabi? Manganganak ka na?"
Umiling ako. "Maghintay raw muna. Saan ka ba galing?"
"Kinuha ko lang iyong ipon natin sa bahay saka iyong maternity bag mo." Sa pagpa-panic kasi kanina ay hindi niya pala nabitbit ang mga iyon.
May inihanda na kaming bag. May dalawang white baby clothes doon, mittens, booties, at bonnets na bigay ng kapitbahay na ginamit ng apo nito. Narito rin ang bigkis, 4 pieces diapers, at bulak. Alcohol pa at emergency milk ang kulang namin.
"Nakabili na rin ako sa botika ng gatas, alcohol, pati adult diaper mo." Bigla siyang napayuko sa mga kamay ko at garalgal ang boses na nagsalita. "I'm sorry, Zandra. Sorry kanina. Sorry, sorry..."
Inabot ko ang kanyang makinis na pisngi upang haplusin. "Okay lang. Basta, hindi ka na magagalit agad, ha?"
Miko's eyes were filled with tears when he looked up to me. "Hindi naman ako galit, e. Ewan ko ba, tangina, napa-praning na kasi ako dahil sa pag-aalala. Manganganak ka na kasi, pero wala pa rin akong naiipon na sapat na pera." Napailing siya habang nanginginig ang mga labi. "Ah, hindi. Kasalanan ko pala talaga. I'm sorry, Zandra. Sorry, sorry..."
"Okay na..." Tinuyo ko ng aking mga daliri ang bumagsak na luha niya. "Two thousand five hundred lang naman ang normal delivery dito sa lying in kasi nag-instant ako sa Philhealth, di ba? Sisikapin ko na lang na talagang normal na mailabas si baby, okay?"
Humihikbi siyang tumango. Hinimas ko naman ang ulo niya para pakalmahin siya.
He helped me get up to go to the bathroom after. Nagsuot ako ng diaper habang naghihintay kami. Ang sabi ng assistant ni Doc ay maglakad-lakad daw ako kaya alalay sa akin si Miko habang palakad-lakad kami sa makipot na hallway ng lying in.
Todo dasal ako na sana normal delivery, dahil P2,500 lang ang magagastos kapag normal. Gusto naman ni Miko na i-painless delivery ako, kaya lang ay P10k ang package ng painless. Kakayanin ko naman siguro na umire na lang.
ANONG ORAS NA PERO WALA PA RING NANGYAYARI. Asar na si Miko dahil ang putla-putla ko na. Gusto niya na akong ilipat sa private. Si Aling Boyang ay katulong namin sa pagtatanong sa private. Nanghina kami nang malaman kung magkano ang package doon. Normal delivery na uncomplicated cases ay 30K, painless normal ay 40k, at epidural ay 45k. Pag cesarean naman ay start sa 55K.
Bandang 11:00 p.m. ay hinang-hina na ako. Sinabi ng doktor na for cesarean operation na raw ako. Ililipat ako sa public hospital kasi nandoon ang mga gamit. Pinauna na kami. Susunod na lang daw ang doktora ko doon pagkatapos ng huling papaanakin nito rito sa lying in.
"Kaya ba natin?" Ako naman ang naiiyak ngayon. Ang higpit ng kapit ko sa braso ni Miko. Naghahalo iyong takot ko sa operasyon saka iyong takot sa bill. Nasa twenty five thousand pesos ang package ni Doctora Pedrosa. Minus Philhealth ay nasa ten thousand pa ang bayaran. May babayaran pa raw sa public ward na seven hundred pesos.
"Ako ang bahala." Ngumiti si Miko sa akin kahit nasisinag ko sa mga mata niya na mas nag-aalala siya. Hinalikan niya ako nang mariin sa ulo. "Wag ka na mag-isip. Hindi ka puwedeng kabahan dahil tataas ang BP mo."
Pagdating sa ospital ay sa hallway ulit muna kami. Umalis siya saglit para dumelihensiya. Pagbalik niya ay parang pasan niya ang mundo sa pagka-haggard. Nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata. Gayunpaman ay may bitbit siyang pera. Dalawang libo nga lang. Tag five hundred daw sina Asher at Isaiah. Sagad na raw iyon kasi mga nag-aaral palang ang dalawa at mga wala pang trabaho. Iyong isang libo naman ay galing sa pangalawang kuya ni Asher na si Kuya Aram.
Gusto sana i-try ni Miko na umutang kay Aling Ason, ang kaso ay nasa Boracay ito ngayon dahil umuwi ang seaman na asawa. Nagdidiwang ang mga ito ng anniversary kaya naka-off ang phone para daw walang istorbo.
Habang nasa hallway kami ng ospital ay nagpa-load siya at inisa-isang tawagan ang mga dati niyang tropa, na nataon namang mga gipit din pala. Karamihan kasi sa mga ito ay mga asa pa rin sa magulang. Kitang-kita ko ang frustration niya nang ibaba ang phone, pero sinikap niya pa rin sa aking ngumiti.
Sa huli ay nilunok niya na ang pride. Kailangang kailangan namin kaya pikit-mata niyang tinawagan ang kanyang mommy, para lang manlumo dahil binababaan siya nito ng phone. Napasuntok na siya sa pader ng hallway.
"Miko..." tawag ko sa kanya. "B-baka naman kaya ko pang i-normal delivery si baby..."
Namumula ang mga mata niya nang lumapit sa akin. Hinalikan niya ako nang mariin sa noo. "Shhh, ako ang bahala." May nginig sa boses niya. Gusto ko siyang tingalain pero hinawakan niya ako sa ulo. He didn't want me to see his pained expression.
Tumalikod siya habang sumisinghot. Itinaas niya pa ang laylayan ng suot na shirt para ipunas sa kanyang mukha. Mayamaya ay nag-type siya sa phone. He was texting someone. After a couple of minute, the phone rang.
Nangunot ang noo ko dahil lumayo pa siya ng pagkalayo-layo bago iyon sagutin. Nakatalikod pa siya sa akin. Pagbalik niya sa akin ay ang itsura niya'y parang bibitayin. "May pupuntahan lang ako."
"Saan?" nag-aalala kong tanong. Hindi kasi maganda ang kutob ko.
Saglit lang ay may pumasok sa lobby na lalaking tingin ko ay nasa mid forties. Medyo chubby, naka fitted na jeans at poloshirt na Lacoste, at gold ang relo. Makinis ang pisngi nito na parang na-rejuv at blonde ang kalahati ng buhok. Namukhaan ko ito na may ari ng parlor sa may Pinagtipunan.
"Jonas!" tawag nito kay Miko. Pormang lalaki pero ang boses ay may kaunting tining.
Nilapitan ni Miko. Nag-usap sila nang malayo sa akin. Hindi ko sila marinig pero parang nagtatalo. Sasama rito si Miko, gusto ko sanang pigilan siya kaya lang ay pinapapasok na ako ng nurse sa operating room. Nang tumingin sa akin iyong lalaki na kausap ni Miko ay kinilabutan ako nang ngisihan ako nito.
Hindi na nakapagpaalam sa akin si Miko dahil nagalit na iyong bantay sa ospital. Pinapapasok na ako sa operating room. Pagpasok ay pinaghubad ako, hubad lahat, saka pinahiga sa mataas na kama na naroroon, pero hindi pa naman ako inoperahan. At hindi lang pala ako ang buntis dito. Tatlo kami na mga buntis na nakahubo't hubad dito!
Mga kalahating oras pa at iba na ang pakiramdam ko. Wala na ring katubig-tubig ako sa tiyan. Nakikita ko na nga ang baby ko na nakabakat sa aking balat. Pag gumagalaw ito ay napapabaluktot ako. Iyong mga nurse naman ay padaan-daan lang sa harapan ko.
May babae at meron ding mga lalaking nurse. Parang mga estyudyante pa dahil nagsusulat ang mga ito sa notebook habang patingin-tingin sa akin. May isang nurse na nag-e-explain pa sa kanila habang ipinapasok ang daliri sa loob ko.
Mababait naman ang mga ito at humihingi ng pasensiya. Nag-intern ako sa ospital noon, kaya alam ko namang normal lang ang ganito, pero iba pala pag sa 'yo na nangyayari. Nakakahiya, nakakapanliit, pero wala naman akong choice. Iisipin ko pa rin ba ang hiya sa sitwasyon na hirap na hirap na ako? Naiiyak na lang ako.
Kinumutan ako ng isang lalaking nurse dahil mukhang matagal pa ako bago operahan. May inasikaso pa ulit kasi ang doktor ko. I was curled up in the hospital bed when Miko entered the room. He was wearing PPE. Isang oras din siyang nawala. Kahit may hospital cap ay nakita ko pa rin na basa ng pawis ang buhok niya. Even his neck was full of sweat.
Nang hubarin niya ang suot na surgical face mask ay nakita ko ang kanyang pamumutla, kahit din naka PPE ay nasilayan ko sa nakalawit na kuwelyo ng damit niya na basa iyon ng pawis, at may naaamoy ako sa kanya na di kaaya-aya. Amoy matapang na pabango.
"Zandra, may pera na tayo. Nakabayad na ako cashier." Ang ngiti niya ay hindi umaabot sa kanyang mga mata.
"S-saan galing ang pera?" hirap man magsalita ay sinikap kong magtanong.
"Basta, ang importante okay na. Bayad na tayo." Hinuhuli ko ang mga mata niya pero mailap ang mga ito. Nang hahawakan ko naman siya ay para siyang napaso na lumayo. Tumalikod na siya basta at umalis.
Hindi ko na siya natawag pa dahil nanghihina na ako. Dumating na rin ang doktor para operahan na ako. Nang turukan ako ng malaking karayom sa likod ay sumunod na roon ang panlalabo ng paningin at pakiramdam ko.
I KNEW IT WAS OVER. Kahit groggy ay narinig ko ang iyak ng aking baby, nakita ko rin ang munting mga daliri nito na akin talagang pinilit bilingain kung kumpleto, at nang matiyak na okay ito ay saka ako tuluyang nagpakain sa dilim.
Nang magmulat ako ng mga mata ay nasa public ward na ako ng ospital na merong mga divider na kurtinang color green. Bago ang kirot ng aking tahi ay una kong naramdaman ang pag-aalala nang hindi ko makita si Miko sa kahit saan. Nasaan siya? Bakit wala siya sa tabi ko?
Hindi pa iyon ang ikinagulat ko kundi ang babaeng pumasok at naupo sa lumang stool na katabi ng aking hospital bed. Kinusot ko pa ang aking mga mata kasi baka namamalik-mata lang ako. "Mommy?!"
"Mabuti at gising ka na," pormal ang mukha na sabi ni Mommy.
"S-si... Ang asawa ko po? Nasaan siya?"
Umismid ang mga labi niya. "Asawa? Bakit, ikinasal na ba kayo?"
"Mommy, please?"
"Uunahin mo pa talagang itanong iyan kaysa kung bakit nandito ako ngayon o kung nasaan ang anak mo?"
Ang baby ko? Nanlaki ang mga mata ko. Nasaan pala ang baby ko? "Mommy, where is my daughter?!"
"Daughter? Anong daughter? Lalaki ang anak mo!"
Napanganga ako. "Po?"
"Wag kang ngumanga riyan at kapapanganak mo lang, kakabagan ka. Saka nasa NICU ang anak mo dahil premature. Pero okay naman ito. Baka sa susunod na linggo ay puwede nang ilabas."
Napaiyak ako sa hindi ko na maunawaan kung para saan, kung dahil sa pag-aakala na babae ang baby ko, o dahil sa premature ito at nasa neonatal intensive care unit, o sa magiging hospital bill dahil sa sunod na linggo pa ito puwedeng iuwi.
Mommy just came from the airport. Hindi na siya na-extend sa Canada kaya kinailangan niyang umuwi. Pagkauwi na pagkauwi ay hinanap niya agad ako, at si Isaiah ang nagsabi na nandito nga ako sa ospital, so she went straight here.
My CS wound was still painful when Mommy forced me to get up. Dumating din ang doktor at nagalit ito nang makitang nakahiga pa rin ako. Kailangan ko na raw kasing kumilos para mailabas ang gas at makadumi. Bukod sa ang layo pa ng common restroom sa ward kaya hirap na hirap ako dahil may hila-hila pang suwero. Inaalayan naman ako ni Mommy pero nakasimangot ito.
"Nakita mo napala mo? Nagpabuntis ka sa hindi ka man lang kayang dalhin sa private hospital! Naka-public ka na nga, sa public ward pa! Paano kung may mga nakakahawang sakit ang ibang pasyente roon? Tapos, wala pa iyong magaling na lalaking iyon ngayon! Ang kapal ng mukha!"
Si Mommy ang tumulong sa akin pati sa paglilinis ng aking tahi. Mangiyak-ngiyak ako sa sakit tapos nagsesermon pa siya. Even if the other things she said were annoying I had to admit I really missed her. I was happy to see my mom again.
"Selfish na kung selfish!" galit na sabi ni Mommy pero naluluha. "At sige, ambisyosa na akong ina, social climber, at controlling, dahil gusto kong sa lalaking may sinabi sa buhay ka bumagsak. At siguro nasobrahan ako sa pangongontrol at pangingialam, kaya nagrebelde ka nang ganyan! Pero, anak, hindi naman para sa akin iyon!"
Niyakap ko si Mommy. "I'm sorry, Mom, for disappointing you."
Tuluyan na siyang napaiyak. "Pero, Zandra, anak, sana noong nagrebelde ka ay nag-isip ka pa rin! Sana inisip mo kung gaano ka namin itinuring na prinsesa ng daddy mo buong buhay mo, at kung paano ka namin iginapang! At sana naisip mo na hindi ito ang buhay na pinangarap namin sa 'yo! Gusto lang naman namin na mapaayos ka. Dahil sino bang magulang ang gustong mapahamak ang anak nila?"
Marami pa siyang sinabi na lahat ay buong puso kong tinanggap. Nang mahimasmasan ay masungit na ulit si Mommy. Niyakap ko naman siya ulit at nilambing, dahil talagang na-miss ko siya. Ilang buwan akong nawalan ng magulang, at pina-realize ng mga buwan na iyon sa akin kung gaano sila kahalaga ni Daddy.
Nang kaya ko nang maglakad-lakad nang malayo ay nagpakuha ako ng wheelchair para makapunta sa NICU at makita ang baby ko. Pinayagan ako ng nurse na pumasok dahil sabi ko ay magpapa-breastfeed ako.
MATTEA SERENE TO MATTEO SIRACH.
Nang makita ko ito at nabuhat ay muli na naman akong napaluha. Ang liit-liit, mamula-mula, matulis ang ilong, at kahit baby pa ay masasabi nang kamukhang-kamukha ng ama. "Hi, baby..."
Wala akong gatas nang una pero pinilit kong mapadede pa rin si baby. Pasasaan ba't lalabas din ang gatas ko. Napakaliit pa rin naman ng tiyan ng sanggol kaya kahit kaunting gatas lang ay okay na ito.
Hindi lang sa mukha kundi pati yata sa ugali ay namana sa ama. Akalain mong mala-scammer din pala. Naitago nito sa amin ang tunay nitong gender, dahil hindi nagpakita ang pototoy nito noong ultrasound. Kasalanan din naman namin dahil hindi na kami nakapag-ultrasound pa ulit. But whatever his gender, one thing was for sure: he would always be our precious bundle of joy.
What would Miko say once he finds out about this? Nakaramdam ako ng excitement na makita ang reaction ni Miko. Malamang na hindi na rin siya mapakali na makita si baby. Pero bakit ganoon? Gabi na ay hindi pa rin siya dumarating?
I fell asleep and woke up the next day but there was still no sign of Miko. Nasaan na ba kasi siya?
Bandang tanghali nang magsalita na si Mommy. "Bago ka magising kahapon ay dumating iyong magaling na lalaking nakabuntis sa 'yo. Naku po, ang itsura! Kapayat-payat! Parang di makakabuhay ng pamilya! Kinausap ko habang tulog ka, ayun at umalis na pagkatapos!"
Napahumindig ako. "Mommy, anong sinabi niyo sa kanya?! Nasaan siya?!"
Nanulis muna ang nguso ni Mommy. "Ah, basta umalis. Ewan saan pumunta. Pero mabuti naman dahil bago lumayas ay bayad na pala ang bill mo sa operasyon. Iyon nga lang, hindi pa bayad itong ward."
Kinabahan ako dahil baka kung ano ang nasabi ni Mommy kay Miko. Nang umalis si Mommy noong hapon, kahit hirap at masakit pa ang tahi ay pinilit kong makatayo. Nagkalkal ako sa bag ko at kumuha roon ng shirt, jogging pants, at jacket. Pagkabihis ay pasalisi na lumabas ako ng ospital.
Painot-inot ang hakbang ko habang nakahawak sa aking suot na girdle sa loob ng shirt. Bawat kilos ko kasi ay kumikirot ang aking tahi. Mangiyak-ngiyak pa ako sa sakit bago nakaupo sa loob ng tricycle. Nagpahatid ako sa apartment namin sa Buenavista.
PAGBABA KO AY SOBRANG HIRAP DIN. Bawat hakbang ko ay paire. Malapit na ako sa apartment nang mapahinto dahil mula roon ay lumabas ang mommy ni Miko na si Tita Mitchy. Naka-police uniform pa ito. Ano ang ginagawa nito rito?!
"Nakapanganak ka na pala." Her chiseled face was emotionless. "Pinuntahan ko si Miko kahapon dito pero nakagawa na pala siya ng paraan para mabayaran ang bill mo."
"Bakit po?" mapait kong tanong. "May balak ka po bang tulungan kami? Pero bakit naghintay ka pa hanggang kahapon? Hirap na hirap si Miko sa paghahanap ng mahihingan ng tulong noong nakaraan. Sana hindi mo siya noon tiniis, sana kahit hindi na lang po para sa akin, kahit para na lang sana sa kanya at sa apo mo."
"Gusto kong malaman niya kung gaano kahirap ang buhay. Gusto ko siyang madala at matuto. Finally, my son came to his senses. It was all worth it, Zandra."
Para akong sinuntok sa dibdib dahil sa pagkalat sa akin ng kaba. "A-ano pong ibig mong sabihin?"
"Kayo na lang ang mag-usap na dalawa." Nilampasan na ako nito.
Hahabulin ko pa sana ito nang makitang palabas si Miko sa apartment namin. Agad akong napangiti nang sa wakas ay makita ko siya. Iyong pagod, sakit, at pag-aalala ay iglap na naglaho dahil nakita ko siya. Pero agad ding nabura ang aking ngiti nang makita ang dala-dala niya—his duffle bag!
Nakayuko siya at nang mag-angat sa akin ng paningin ay bigla siyang natigilan. "Zandra..."
"A-ano iyan? Bakit dala mo ang bag mo? Saan ka pupunta? At bakit hindi ka bumalik sa ospital?" sunod-sunod na tanong ko sa boses na pinipigilang pumiyok. "Nandoon na si baby. Hinihintay ka namin..."
Umiwas siya ng paningin.
Iyong kaba ko ay nabahiran na ng takot. "Miko..."
"Hindi ka dapat pumunta rito," sabi niya na hindi pa rin sa akin tumitingin. "Magpapagaling ka pa."
Napahikbi na ako. "Bakit hindi ka bumalik?"
He had no answer.
"I am asking you, why are you here? Why are you still here? Bakit hindi ka pa bumabalik sa ospital? Hininhitay kita roon, e. Tara na, punta na tayo roon, ha?" Humakbang ako para abutin siya subalit iniwas niya sa akin ang kanyang kamay. "Miko, bakit?"
"Bumalik ka na sa ospital. Nandoon na ang mommy mo. Aalagaan ka niya."
"Hindi naman si Mommy iyong kailangan ko!" Napasigaw na ako. "Hindi siya ang kailangan namin ni baby, kundi ikaw! Hindi ka ba nag-aalala sa akin? Sa amin ni baby?!"
"Sasama na ako sa mommy ko pauwi sa amin sa Bacao," sabi niya na parang bomba sa pandinig ko.
"What? But why?!"
"Uuwi na ako, Zandra. Pinatawad na ako ni Mommy sa pagpili sa 'yo. Uuwi na ako sa amin at bukas ay babalik sa Manila. Pag-aaralin niya na ako ulit para makatapos ako."
"Paano ako?! Kami ni baby?!"
"Nandiyan naman na ang mommy mo. Hindi ka niya pababayaan. Pero wag kang mag-alala, hindi naman ibig sabihin na aalis ako ay tatalikod na ako sa responsibilidad. Nag-promise si Mommy na dadagdagan ang allowance ko. Magsusustento ako. At pag nakatapos ako, magtatrabaho ako agad para mas malaki ang masustento ko—"
Hindi niya na natapos ang sinasabi dahil sinampal ko siya.
Hindi naman siya kumibo kahit napatabingi ang kanyang mukha sa lakas ng aking sampal. Yumuko lang siya.
Galit na galit naman ako. "Ganoon lang iyon? Magsusustento ka, tapos okay na? Feeling mo porke't aabutan mo kami ng barya-barya ay responsableng tatay ka na?!"
Hinampas ko siya sa balikat. "Miko, ano ba?!" I hit him and pulled his shirt. "I thought we were okay?! What is this?! Why did you suddenly decide on your own?! Why all of a sudden?! Why now?!"
Wala pa rin siyang kibo kahit halos mapunit ko na ang kuwelyo ng shirt niya sa pagkakahatak ko. Ako na lang iyong napagod sa pananakit sa kanya kaya kusang huminto. Humihingal ako habang tigmak ang luha na nakatingin sa kanya. "You told me you love me!"
Wala pa rin siyang kibo pero nahuli ko ang pag-igting ng kanyang panga.
"You even told me that you love me more than anything, more than anyone. Kahit sa mommy mo, sa pag-aaral mo, sa tropa mo, sa trabaho. Sinabi mo iyon sa akin! Sana hindi mo na lang sinabi kung hindi mo rin pala kayang pangatawanan!"
"Sorry." Iyon lang ang sagot niya. Dang it, iyon lang!
"How about my answer, Miko?" tanong ko. Sinabi ko sa kanya noon na sasabihin ko ang sagot ko sa confession niya kapag nakapanganak na ako, and he said that he was willing to wait. That I was worth the wait. "My answer to your confession, don't you want to hear it?"
Nag-angat siya ng mukha. Ang mga mata niya ay malamlam. Matagal na nakatitig lang siya sa akin, at nang bumukas ang kanyang mga labi ay nadurog lang ako. "Wag mo nang sabihin, Zandra. Ayokong marinig."
Napaatras ako. "W-what?"
"Nahihirapan na ako, Zandra." May luha na sa mga mata niya.
"Ikaw lang ba?" basag kong balik sa kanya.
Tigagal ako nang humakbang siya para halikan ako sa ulo. "Magpagaling ka, alagaan mo ang sarili mo at si baby, mag-iingat kayo. Iyong sustento, umasa ka na hindi ako papalya linggo-linggo."
Humakbang na siya pasunod sa mommy niya na ngayon ay naghihintay sa kanto. Naroon pala ang kotse nila nakaparada, hindi ko iyon napansin kanina. Malayo na siya pero sumigaw pa rin ako. "Miko!"
I swallowed my pride, I called him, because he might change his mind. Baka naman nabibigla lang siya. Baka biglang ma-realize niya na hindi niya ako kayang iwan. But Miko didn't even look back. Pumasok na siya sa passenger's seat ng kotse.
Wala na sila, wala na siya, pero nakatayo pa rin ako kung saan niya ako iniwan. Tulala habang basa ng luha. Ang sakit. Masakit pa sa opera iyong sakit na bumabaon sa puso ko. The man I trusted, who swore to never leave me no matter what, betrayed his word. That pain in my heart was eventually replaced by anger and bitterness. If Miko could break his promises just like that, why couldn't I?
Humakbang na ako pero para bumalik sa baby ko, at hindi para habulin si Miko. Dahil simula sa araw na ito, hindi na siya parte ng buhay ko!
jfstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz