Chapter 44
"ZANDRA, MAHAL NA MAHAL KITA."
Paglingon ko sa kanya ay parang piniga ang puso ko nang makitang basa na si Miko ng luha. Umiling ako. How dare he say this to me, at ngayon pa? "Y-you are lying to me just to get away with what you did..."
"I love you. Wala akong pakialam kung maniwala ka. Basta, mahal kita. Ikaw ang pipiliin ko kaysa sa mommy ko, sa lola ko, sa pag-aaral ko, sa tropa ko, sa trabaho, o kahit saan at kanino. Kahit palagi kang magalit sa akin, ang uuwian ko ay ikaw at ikaw pa rin."
Napahikbi ako. "You are not Miko. Hindi siya magsasalita ng ganyang ka-corny-han."
Humakbang siya palapit. Yumuko siya sa akin at hinawakan ang luhaang pisngi ko. "Yes. I am no longer the Miko you knew, I am now the Miko who loves you."
Ang hikbi ko ay naging hagulhol na. "You jerk." Mahinang hinampas ko siya sa dibdib. "How can you be this corny?! Really?!"
Luhaan man ay natatawa niya akong niyakap. "Ewan ko rin, eh. Akala ko talaga habangbuhay na akong astig, hindi pala."
It seemed like a dream; I never thought Miko would tell me he loved me. Kung kailan pa nagsimula ay hindi na mahalaga, lunod na lunod ang puso ko sa isipin pa lang na mahal niya ako. Dang it, mahal niya ako!
Iyak lang ako nang iyak habang yakap-yakap niya ako sa gilid ng kalsada. Pareho kaming walang pakialam kahit pinagtitinginan kami ng mga dumaraan. He kissed my forehead, the tip of my nose, both cheeks, hugged me again, and kissed my head. "Tahan na, I love you."
Iyong mga dumaraan ay napapahinto pa, may napapangiti, may kakilala si Miko na tinutukso niya pero dirty finger lang ang sagot niya. Tapos yakap siya ulit sa akin.
Nakayakap na rin ako sa kanya, nang kalabitin niya ako. "Uy, paano naman ako? Wala ka ba sa aking sasabihin?"
Tiningala ko siya. Luhaan ako na sumimangot sa kanya. "You had me wait and worry for a long time, so don't you think I deserve to let you go through that as well?"
Umungol siya pero nakangiti. "Okay, willing to wait, ma'am."
Kanina lang ay magkaaway kami, pero ngayon ay magkaakbay nang nilakad ang papunta sa sakayan ng jeep palabas ng Gate 3. Pagsakay namin sa jeep ay nakaakbay pa rin sa akin si Miko, at panaka-naka'y yumuyuko siya para halikan ako sa ulo.
Pag-uwi sa Buenavista ay nasa labas pa ang mga kapitbahay, mga naghihintay pala kung ano ang ganap pag-uwi namin ni Miko. Pero napangiti na lang ang mga ito nang makitang imbes magkagalit ay umuwi kami nang sweet.
Iyong sagot ko sa confession ni Miko ay ipinangako ko na sasabihin sa kanya kapag lumabas na ang baby namin. And he said that he was willing to wait, that I was worth the wait.
MAY BUYER NA ANG BAHAY NAMIN SA PINAGTIPUNAN. Pati ang restobar namin ay may kausap na ring buyer ang tito ko. Wala na pala talaga akong mauuwian. Wala na talagang balak sina Mommy at Daddy na balikan ako.
Nakuha ko ang mga impormasyon mula sa aking pinsan na si Dessy. Nag-ch-chat ito sa akin kahit hindi ko naman nire-reply-an. Wala yatang magawa sa buhay. Marami pa itong kuwento, na kesyo nagsisimula na raw itong mag-vlog. Marami na raw fans, at nililigawan na raw ito ni Hugo, not sure if it was true.
Inilapag ko na ang phone nang marinig ang pagbukas ng gate sa labas ng studio-type naming apartment. Pumasok si Miko sa pinto at sinalubong ko siya ng tuwalya. Pinunasan ko ang basa ng pawisan niyang buhok. "Pagod ka?"
"Opo," paungol na sabi niya.
"Aw, kawawa naman. Pahinga ka muna, mayamaya ka na maligo."
Naupo naman siya sa stool naming plastic na upuan. Madali ko naman siyang binigyan ng isang basong malamig na tubig.
"Lumayo ka muna, marumi ako," paungol niya na sabi.
Hindi ko siya pinansin. Ako ang naghubad ng suot niyang maalikabok na shirt. Sumunod kong pinunasan ng tuwalya ang pawisan niyang leeg at katawan. Parang may bumara sa lalamunan ko nang makitang hindi na pantay ang kulay ng makinis na balat niya. Meron na siyang kaunting sunburn.
Galing pala siya sa may kanto, doon sa may ginagawang bahay roon. Noong una ay kinukuwento-kuwento niya lang iyong contractor doon, kalaunan ay natanaw ko na siyang naghahalo na ng semento. Natuwa yata sa kanya iyong contractor kaya siya pinag-sideline na tagahalo at utusan. Nang makita ako ay kinindatan niya ako.
Wala siyang experience pero sumubok siya para extra income. Wala na kasi siya sa Epza, nag-AWOL na siya. Ang sahod niya roon sa construction ay four hundred a day at libre pagkain. Ngayon ay pang apat na araw niya na roon at patapos na ang ginagawang bahay.
Kanina ay umuwi siya nang tanghali bitbit ang parte niyang ulam na sinigang, kesyo di niya raw kaya ubusin kaya dinala niya sa akin. Tapos siya ay nagsabaw lang ng Maggie Savor sa kanin.
Noon palang nag-AWOL siya sa Epza ay sumabay pa na nagsara na iyong talyer ng tito ni Isaiah, kaya hindi na siya roon nakabalik. Nag-try lang daw magsugal noong una ang may ari ng talyer, kaya lang ay hindi na nito namalayan na unti-unti na itong kinain sistema. Nagkaroon ng utang, gumulo ang samahan sa pamilya nito, hanggang napabayaan na ang talyer nang tuluyan.
Iyong sina-sideline-an naman ni Miko na computershop ay nagtitipid na mas naka-focus na lang sa printing. Halos lahat kasi ngayon ng tao, ultimo mga batang paslit, ay may cell phone na, kaya wala na gaanong naglalaro doon. The computer shop became unprofitable as technology progressed.
Nakakapag-extra pa naman si Miko sa bar ng kaibigan niya sa may Biclatan, hindi nga lang sapat ang kinikita niya roon. He was planning to apply at a call center, but the nearest BPO to our location was Bacoor. Kakailanganin namin ng budget pama-pamasahe.
Bumubuwelo pa kami dahil hindi pa kami nakakabayad nang buo sa huling upa rito sa apartment, dahil inuna namin ang bills. Iyong backpay naman niya sa Epza ay hindi niya pa nakukuha.
"Gutom ka na? Gusto mo bang kumain muna?" masuyo kong tanong habang hawak ang magkabilang pisngi niya at nakatingala siya sa akin.
Lumabi lang siya.
"Sige na, maligo ka na muna." Pinisil ko ang matangos na ilong niya. "Maghahanda na ako ng pagkain para paglabas mo, saka ka na kakain, okay?"
Umiling siya habang nakalabi pa rin. "Tutal todo punas at asikaso ka sa akin, isagad mo na. Paliguan mo na rin ako."
"Naligo na po kanina," nangingiti kong sabi. "At saka, baka mabunggo mo si baby dahil maliit lang ang banyo. Sige ka, pag nagalit ito sa 'yo, tatadyakan ka nito."
Napaungol naman siya sabay subsob sa dibdib ko. "Mukhang mas matapang pa nga iyan sa akin."
Napahagikhik ako dahil mukha ngang mas matapang ito sa kanya. Hindi na kami nakakapag-ano sa gabi kahit pa hindi naman kalakihan ang aking tiyan, simply because the baby seemed to be against it. Nagsisisipa ito sa tiyan ko, maramdaman pa lang na may balak siya sa akin.
Rest day niya kinabukasan kaya laba day kami. Si Miko ang naglalaba, at tagautos at bantay lang ako, dahil hirap na akong maupo sa tapat ng planggana. Noong una ay mali-mali pa siya, kalaunan ay natututo na.
Ngayon ay nagkakanta pa siya habang nagsasampay na. "Kinokompleto mo ang araw ko sa tuwing inaaway mo, paggising sa umaga mukha mo ang nakita, wala pang nagawa nakasimangot na. At pagsapit ng gabi, tampo lalong lumalaki. Ang gusto ko lambingan ngunit may unan na namamagitan."
Sinasabayan niya ang naka-play na kanta sa phone.
"Ang almusal ay sigawan, ang hapunan natin ay tampuhan, ang meryenda pagdududa, pero mahal kita. Wala nang hahanapin pang iba. Handa kong magtiis, kahit pa away, away na ito!"
Iyong mga dumadaan ay napapalingon sa kanya, Iyong mga kapibahay naman namin ay nangingiti kasi okay na kami. Kinakawayan niya naman ang mga ito na akala mo ay isa siyang pulitiko.
"Very good!" masayang sabi ko nang makatapos na siya.
Sa pagkain namin nang hapunan ay nanghingi kami ng dahon ng malunggay sa kapitbahay. Sasabawan iyong sardinas. Masustansiya raw iyon para sa buntis. Si Miko ang magluluto. Nagayat na siya ng mga sibuyas matapos bumili ng gas na tingi sa kanto.
Wala si Miko ngayon dahil pumunta siya sa Biclatan para umekstra ulit na drummer sa bar. Nagko-compute naman ako ng mga expenses namin. Dahil sa pagtatrabaho niya sa construction sa kanto ay nakabayad na kami nang buo sa upa. Next month na upa na lang ang problema.
Iyong mga kinikita ni Miko ay itinatabi namin ang malaking bahagi para sa bills at sa paghahanda sa panganganak ko. Next month na kasi ang aking due. Tipid na tipid muna kami. Hindi na nga ulit ako nakapagpa-ultrasound ulit. Bumabawi na lang kami sa check up dahil libre lang naman sa center.
Napahilot ako sa aking sentido nang makitang mukhang alanganin kami next month. Tapos na ang construction sa kanto kaya wala na siyang kikitain doon, iyong sa pag-extra niya na lang talaga sa bar ang source of income namin. May next bills pa kami na upa, kuryente, at tubig. Kaunti na lang din ang stocks namin.
SA PAMOMROBLEMA AY NAKAIDLIP AKO. Paggising ko ay 8:00 p.m. na. Bumangon ako nang may kumatok, si Aling Ason. "Zandra, may naghahanap kanina sa asawa mo. Lolo raw niya. Nakakotse, mukhang yayamanin. Babalik na lang daw."
Ha? Sa pagkakaalam ko kasi ay wala nang lolo si Miko. Patay ang ang asawa ni Lola Mameng. Unless na lolo sa father's side niya ang tinutukoy.
Pag-uwi ni Miko ay binanggit ko iyon sa kanya, at kataka-taka dahil parang nawala siya sa mood. "Wala akong lolo."
"Pero sabi ay lolo mo raw."
"Patay na ang lolo ko. Iyong lolo ko naman sa father's side ay hindi ko kilala at hindi rin ako kilala. Kaya malabo iyang sinasabi mo."
"Pero nabanggit pa nga ni Aling Ason na kamukha mo raw. Mukha raw mayaman at de kotse pa—"
"Wala nga akong lolo!" Napataas na ang tono niya.
Hindi na ako nagsalita pa. Pagkahubad niya ng damit ay pabalibag na kanyang inilagay iyon sa marumihan, saka siya pumasok na sa banyo para maligo. Napayuko na lang naman ako.
SOMETHING HAD CHANGED IN MIKO SINCE HIS GRANDFATHER WAS MENTIONED. He was often distracted, seemed to be thinking about something, at sa gabi ay naalimpungatan ako na gising pa siya habang tulala sa kisame.
Isang gabi ay naalimpungatan ako na hindi ko na siya katabi. Nakaupo siya sa paahan ng foam. When I peeked at what he was doing, I saw him staring at that old photo in the envelope.
Nang mapansin niya akong gising ay mabilis niya iyong ibinalik sa envelope. "Bakit ka bumangon?" Ibinalik niya ang envelope sa drawer ng orocan saka ako tinabihan sa foam.
Hinaplos ko siya sa ulo. "Naalimpungatan ako na wala ka sa tabi ko."
Yumakap siya sa akin. "Matulog na tayo. Bawal sa 'yo ang mapuyat."
Hindi na ako nagsalita pa na gumanti ng yakap sa kanya at sumiksik pa sa kanyang leeg, kahit pa alam kong hindi pa siya talaga matutulog. Mag-iisip pa siya nang mag-iisip. Ayoko siyang pangunahan, but once he was ready to tell me what was troubling him, I would make sure to listen to him.
DUMAAN PA ANG MGA ARAW NA PALUBOG KAMI NANG PALUBOG.
Nagkamali pala ako ng kuwenta sa huling bayaran namin sa hulugan na foam, may natitira pa palang hulog na isang buwan. Three hundred, kaya ayun at nagalaw ang ipon namin. Napasabunot si Miko sa kanyang buhok.
"Sorry, namali ako sa compute," nahihiya kong sabi. "Mababawi pa naman natin iyon, ang importante ay wala na tayong utang sa hulugan." Pinipilit kong maging optimistic pa rin.
Walang sagot si Miko, subalit ang blangkong mga mata ay tumuon sa tatlong pirasong pink baby dress na nasa ibabaw ng orocan. "Ito, saan galing? Binili mo?"
Nagmamadali ko iyong kinuha sa kanya. "Ah, ano ito, galing sa anak ni Aling Ising. Dumating kasi kahapon, nagtitinda pala ng mga damit na pang-baby—"
"Binili mo nga?" ulit niya.
"Hindi, I mean, utang. Hindi pa naman agad babayaran—"
"Magkano?" malamig niyang putol sa sinasabi ko.
"Two hundred lang naman isa..."
"Tatlo ito, e di six hundred."
Tumango ako at napayuko. Wala naman na siyang sinabi pa.
Nang makabuwelo ay nakangiti na ulit ako na lumapit sa kanya. Niyakap ko siya sa bewang. "Gusto mo ba ng ihaw para ulam ngayon? Parang ang sarap ng barbecue ngayon, eh—"
"May ulam pa naman tayo riyan, Zandra."
"Eh, noodles at itlog ulit?" Ngumuso ako. "Ngayon lang naman tayo magba-barbecue, eh. Saka magkano lang pag tagdalawa tayong stick. Sixty lang dahil fifteen pesos isa."
"Two hundred na lang ang pera diyan na extra, next week lang ay ubos na ang bigas natin. Paubos na rin ang gas sa kalan."
"Hmp, sige na nga." Malungkot na pumunta na ako sa may lababo namin kung nasaan din ang lutuan. Nang gabing iyon ay noodles nga ulit na may itlog ang aming ulam.
Umaasa ako kinabukasan na makakadelihensiya si Miko, ang kaso lang ay baliktad ang nangyari. Nawalan na siya ng isa pang sideline dahil bumalik na mula sa probinsiya iyong drummer na pamangkin ng may ari ng bar sa Biclatan. Bagsak ang balikat niya nang umuwi kinahapunan.
Optimistic pa rin naman ako dahil hanggang maaari, ayaw kong panghinaan sa kanyang harapan. Niyakap ko siya at inalo. "Okay lang iyan..."
Nag-text ako kay Isaiah at nagtanong kung may alam itong puwedeng pagkakitaan, at mabuti ay nag-reply ito agad. Kung gusto raw ni Miko ay puwede itong mag-sideline sa kanila dahil inaayos ngayon ang kusina ng bahay nila.
Parang nagdadalawang isip pa si Miko na pumunta kina Isaiah, pero sa pag-ch-cheer ko ay pumunta rin siya.
Nang makaalis siya ay kinatok ako sa apartment ni Aling Marga. "Zandra, ito na ang mga produkto. Puwede mo nang picture-an ng sarili mong picture iyan, at saka para meron ka ring onhand. Puwede ka nang magsimulang magtinda."
Tuwang-tuwa ako at todo pasasalamat kay Aling Marga. Wala nang hiya-hiya at wala na rin akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, at bahala na rin kahit pa makita nina Mommy itong pag-o-online selling ko, basta gagawin ko ang lahat para kumita at makatulong kay Miko.
Excited ako na inayos ang mga product na ibinigay ni Aling Marga. Mga make up ang pinili ko dahil ang friends ko sa social media ay karamihang mga babae, mga dati kong kaklase sa high school at college. Ang mga ito ang target buyers ko. Kinunan ko na ng picture ang mga make up.
May free tester na lipstick na ibinigay rin pala sa akin si Aling Marga. Matagal-tagal na rin noong huli akong mag-lipstick kaya natukso ako na i-try iyon. Oh, how I missed doing make up!
Natuwa naman sa resulta. Sinagad ko na, nilugay at sinuklay ko na rin ang buhok ko, saka ako nag-selfie. Hay, nakaka-miss talaga mag-ayos. Nawili ako sa pagse-selfie nang marinig na tumunog ang gate sa labas.
Bumalik na agad si Miko? Napatayo at excited na sumalubong sa pinto. Ipagmamalaki ko sa kanya itong aking sideline at gusto ko ring makita niya ang aking itsura ngayon. Malamang magagandahan siya sa akin—
Napahinto ako dahil pagpasok niya sa pinto ay madilim ang kanyang ekspresyon. Salubong ang makakapal na kilay niya.
"Anong nangyari?" tanong ko. "Bakit ang bilis mo? Akala ko ay magtatrabaho ka kina Isaiah ngayon?"
"Hindi ako tumuloy."
"Ha? Pero sayang naman—"
"Hindi na nga ako tutuloy," iritadong sabi niya.
"Pero sayang naman. Kaibigan mo naman si Isaiah, saka kilala ka naman doon sa compound nila, di ba? Malamang sabihan pa niyon ang papa niya na dagdagan ang sahod mo para—"
"Sinabi ko nang hindi ako tutuloy!" Napataas na ang boses niya. "Ayokong magtrabaho kina Isaiah!"
I frowned at Miko. I didn't get it. Kaibigan niya si Isaiah, tutulungan na nga siya nito kumita, tapos ayaw niya? Was it because of pride? May panahon pa ba kami para unahin ang pride? Ako nga ay nag-post na ng mga paninda sa social media, eh!
Napatingin siya sa mga make up na nasa mesita. "Saan galing ang mga iyan?"
"Kay Aling Marga. Gagamitin ko sa—"
Bumalik ang paningin niya sa akin at napatitig siya sa mga labi ko na may bahid ng lipstick, pati sa nakaayos kong buhok. Ang salubong niyang makakapal na kilay ay halos magbuhol na. "Kumuha ka na naman ng utang na pahulugan?"
"Ha? Listen, kinuha ko ang mga iyan kay Aling Marga kasi magpo-post ako—"
"Zandra, naman!" Napahilamos siya ng palad sa kanyang mukha. "Alam ko na nami-miss mo na gumamit ng mga ganyan, pero bakit ngayon pa talaga? May mas mahalaga tayo na dapat unahin, katulad ng bills at pagkain!"
Napanganga ako sa kanya. "Miko, hold it right there—"
"Tingnan mo!" Itinuro niya iyong sandals na inutang ko rin kay Aling Marga noon. "Iyang kinuha mong sandals noong nakaraan, nagagamit mo ba? Di ba bihira mo lang naman magamit, dahil hindi ka naman lumalabas. Liability lang!"
"C-can you just please listen to me first?" mahina kong sabi na mahapdi na ang lalamunan. Nasasaktan na kasi ako sa mga sinasabi niya.
But Miko kept on talking without listening to me. "Zandra, hindi ka rin dapat muna gumagamit ng cosmetics dahil buntis ka, paano kung may mga content iyang mga make up na iyan na puwedeng makaapekto sa 'yo? Dapat di ba nag-iingat ka? Makakapaghintay naman iyong ganyan, eh. Sana saka na lang pag nakapanganak ka na!"
He was not done yet. "Zandra, hindi dapat inuuna ang mga ganyan. Alam mong ang daming dapat unahin. Gipit na gipit tayo simula nang mag-AWOL ako sa Epza."
"So you shouldn't have left your job there, is that it?" mapait kong bitiw.
Saka lang siya napatigil. Parang na-realize niya rin kung ano ang kanyang nasabi. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin."
"No!" sigaw ko. "Iyon na rin iyon! Ayaw mo pang deretsahin! Sa pagiging selosa ko, impulsive, immature, napilitan kang mag-AWOL! Ngayong nagigipit na tayo, I know that deep inside you, you're blaming me for losing your job!"
Alam ko naman iyon eh, alam ko nanghihinayang siya sa trabaho niya roon, pero para lang manahimik na ako, hindi na siya bumalik pa para pumasok kinabukasan. Hanggang natuluyan na siyang ma-AWOL.
"Kinikimkim mo lang, eh!" sigaw ko. "Ngayong puno ka na, eh di lumalabas na paunti-unti ang totoo! Nahihirapan ka na sa buhay natin, because you chose me over your job, over your mother, and over your studies! Do you realize now that I'm not worth all of your sacrfices?"
"Sinabi nang hindi!" Napasigaw na rin siya. Pulang-pula na hanggang leeg.
"Sinungaling!" I pushed him on the chest. "Sinungaling ka!" Nagdidilim na ang paningin ko sa halo-halong frustration, galit, gutom dahil hindi pa pala ako kumakain sa pagpi-picture ng mga make up kanina. Pinagtutulak ko siya. "You didn't even listen to me, you jerk!"
"Tama na, Zandra!" awat niya sa akin. Nang mahawakan niya ako sa magkabilang pulso ay lumayo siya. "Shit." Bigla siyang tumalikod at pumunta sa pinto para lumabas.
Right, he would run away from the problem. Hindi niya kasi ako maharap dahil tama ako, at para hindi na rin humaba ay aalis na lang siya at magpapalipas sa labas. Nang lumabas na siya ay napahagulhol ako. Hindi ko naman ito ginusto ito. Hindi ko alam na mawawalan kami ng source of income!
Akala ko ay may mababalikan pa siyang sideline kahit umalis siya sa Epza. Hindi ko naman ginusto na magipit kami. I was going to do online selling to help him, but he just got angry without even listening to me!
Miko was already outside the gate and I didn't know where he was going, nor did I intend to chase after him, until I felt a sudden pain in my stomach. It hurt so much that I couldn't walk, but I was more concerned about our baby. My baby girl, my baby girl!
I summoned all of my last strength and called for him, "M-Miko!" Hindi ko alam kung narinig niya dahil bumagsak na ako matapos dumilim ang paningin ko.
jfstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz