ZingTruyen.Xyz

Bad Lover

Chapter 33

JFstories

I WAS CERTAIN IT WOULD BE CHAOTIC.



We hated each other's guts and we were both prideful. I assumed that there would never be a moment when my blood would not boil because of him and that he would always look at me coldly. Expected ko na iyon bago pa ako pumunta rito sa kanila at ipagtapat sa kanya na buntis ako.

Wala balak magpatalo ni isa man sa amin. Galit ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Pero ano ito? Bukod sa umuwi kami kaninang hapon na magka-holding hands, panay nakawan ng tingin habang kumakain ng hapunan, at naghugas ng mga plato na halos magkadikit ang mga katawan— At ito pa, nakahiga siya ngayon sa kandungan ko habang ako naman ay nakayuko sa kanya!

We were in his room. Katatapos lang mi Miko magkalkal sa closet niya. Pinamilian niya ako ng mga pambahay niyang T-shirt, mga drawstring shorts at sweatpants na kahit malalaki ay puwedeng itali sa bandang bewang, para may maisuot ako dahil wala nga akong dalang damit.

"Puwede na ba iyang mga iyan?" tanong niya sa akin habang nilalaro niya ang mga daliri ko sa kamay. "Sa underwear naman, naka-order na ako ng Avon kay Sussie. Ipapa-deliver niya raw bukas ng umaga."

Nag-o-online selling pa rin kasi si Sussie kahit college na, sideline nito. Nakita ni Miko na nag-post kagabi nang buksan niya ang phone ko. Naki-log in siya sa akin dahil nga sira ang phone niya, saka siya nag-PM dito at um-order. Mabuti at may onhand kaya made-deliver na agad bukas.

"Ano palang sinabi mo kay Sussie?" nakangusong tanong ko. "Sino ang sinabi mong gagamit ng mga underwear?"

"'Di naman nagtanong." Ngumisi siya. "Pero baka naisip niya na maglaladlad na ako."

Pinisil ko ang matangos na ilong niya. "Baliw."

Hinuli niya naman ang kamay ko at muling nilaro-laro ang mga daliri. "Okay naman na siguro iyong three pairs, ano? Wash and wear ka muna. Bili na lang ulit tayo sa susunod."

"Oo, okay na iyon..." nahihiyang sabi ko. Kasi sino ba ako para magreklamo pa? Siya na nga riyan iyong magbabayad para sa bra at panty ko.

"Matibay naman daw iyong brand sabi ni Sussie. Basta, pumili lang ako sa mga binigay niyang photos. Pinili ko iyong bulaklakin iyong print para kunwari garden."

Muli kong pinisil ang ilong niya. Paghuli niya ulit sa kamay ko ay ipinatong niya iyon sa kanyang noo. Ibig sabihin, masahiin ko siya.

Minasahe ko naman. Napapikit naman siya dahil nasasarapan. May pag-ungol pa nga. Habang ako naman ay nahulog sa pag-iisip. Binigyan kasi siya ng allowance ng mommy niya para sa weekdays, pero heto at babawasan niya na ng 1,200 dahil sa undergarments ko.

Gustuhin ko man kasing ako na ang magbayad ay 500 na lang ang aking pera. Kung bakit ba kasi sa sobrang pag-o-overthink ko ay hindi ako nagdala ng gamit nang magpunta ako rito, ayan tuloy ngayon ay wala akong magamit. Mapapagastos pa tuloy si Miko.

Tinungo ko siya. Nakapikit pa rin siya pero gagalaw-galaw ang mahahabang pilik-mata. Bigla ko tuloy naisip, magiging ganito rin kaya kahaba ang pilik-mata ng baby namin kapag lumabas na?

Ganito rin kaya katangos at katuwid ang bridge ng ilong? Ganito rin kaya ang hulma at pula ng mga labi? Kamukha kaya ni Miko? At bakit kaya ganito? Okay lang sa akin kahit maging kamukha niya nga ang baby ko?

Nang magmulat siya ay nahuli niya akong nakatitig sa kanyang mukha. Ramdam ko ang paggapang ng init sa aking pisngi, na agad ding nawala at napalitan ng pagkayamot nang magsalita siya. "Aga mo namang maglihi."

Ayun, nasapok ko tuloy siya. Iyong okay lang na maging kamukha niya ang magiging baby namin ay nagbago na ang isip ko. Wag na lang pala dahil baka pati ang ugali niya ay mamana pa!

SUNDAY MORNING. Pupunta ngayon ang daddy ni Miko dahil tinawagan ito ng mommy niya kagabi. Alam na nito na nandito ako. Alam na nito na magkakaroon na ito ng apo.

Pagkatapos ng tanghalian ay dumating ang mommy ni Miko mula sa duty. On the way na raw ang daddy niya. Kalmado lang naman si Miko habang katabi ko siya sa lababo. Tinutulungan ko kasi siyang hugasan ang mga pinagkainan namin.

Panay ang sulyap ko sa kanya habang naghuhugas. He didn't look nervous. Mukhang hindi naman siya takot sa daddy niya. Na-curious tuloy ako kung ano ba ang ugali ng daddy niya. Ang mommy niya kasi ay malakas ang personalidad, kaya baka ganoon din ang kanyang daddy. Nakaramdam tuloy ako ng kaba.

Hindi kamukha ni Miko ang kanyang mommy kaya baka ang daddy niya ang kanyang kamukha. Siguro ay sa daddy niya rin siya nagmana ng kulay, dahil maputi siya pero morena ang mommy niya.

May bumusina mula sa labas. Sa nakahawing kurtina ng bintana ay matatanaw ang pumarada sa labas na kulay pulang sedan. Imbes na nerbiyos ay parang na-excite pa si Miko na iniwanan ako sa may lababo.

"Mommy, nandito na si Daddy!" sigaw niya sa may hagdan, sabay labas niya ng pinto.

Lumabas naman mula sa driver's seat ng sedan ang isang lalaki. Matangkad na payat. Kung itatabi sa mommy niya ay magmumukha itong maliit.

Tapos na ako sa lababo, at hindi ko mapagdesisyunan kung susunod ba ako kay Miko sa pagsalubong sa daddy niya o hindi. Naghintay na lang ako sa pinto. Nang pumasok na sila ay magalang ako na bumati. "Good afternoon po."

Miko's dad entered the door first. Naka-polo shirt na puti. Nakasalamin ang mga mata. Hindi lang ang pagiging mukhang mas bata nito sa mommy niya ang aking ikinagulat, kundi dahil hindi niya rin ito kamukha. Hindi rin ito maputi. In fact, ang kamukha ng daddy niya ay ang kanyang mommy! Paano iyon nangyari?!

Si Miko ay tumikhim. "Dad, si Zandra po."

Tumingin akin ang daddy niya. Pormal ang mukha subalit hindi naman galit. "Ineng, ikaw ba ang bagong dagdag sa aming pamilya?"

Hindi man ako makasagot dahil sa hiya ay hindi ko mapigilan ang sarili na makaramdam ng maliit na tuwa. Even if it was only a joke, I appreciate his father acknowledging me as a new member of their family.

Ipinakilala rin ni Miko sa akin ang daddy niya. "Zandra, siya ang sinasabi kong daddy ko. Sa bahay niya ako umuuwi sa Manila."

Bumaba mula sa hagdan ang mommy ni Miko. Pormal ang pangahang mukha. "Nandito ka na pala. Nakausap mo na ba iyang pamangkin mo?"

What? Napabalik ang tingin ko sa lalaki. Pamangkin? Tito ito ni Miko at hindi daddy?

Lumapit ang daddy ni Miko kay Lola Maleng at humalik sa noo ng matanda. "Kumusta ho, 'Nay? Ako ho ito, ang bunso niyo. Magkakaapo sa tuhod na raw ho kayo kay MJ."

Nang pumasok na sa kuwarto ang matanda ay umakyat na rin kami ni Miko sa second floor ng bahay. Mag-uusap daw kasi nang masinsinan ang mommy at daddy niya—na magkapatid pala.

I wanted to ask Miko about his dad, but I held back. May dahilan kaya wala talaga iyong tunay niyang daddy at kung bakit mas gusto niyang kilalaning daddy iyong tito niya. Ayoko namang mag-usisa dahil kabago-bago ko lang dito sa kanila ay mang-uusyoso na agad ako.

Pagpasok sa kuwarto ay nagpagpag siya ng higaan. Naupo naman ako sa tabi niya. May tatlong dangkal na espasyo. But he moved forward to cross it.

"M-Miko," sambit ko nang marahan siyang sumubsob sa balikat ko.

"May baby ba talaga sa loob mo ngayon?" halos paungol na tanong niya. Nakatingala na sa akin at mapupungay ang mga mata.

"Ilang beses mo nang itinanong iyan."

"Pagbalik ko next weekend, pa-check up ka. Iyong may TV. Ano nga ba ulit ang tawag doon?"

"Ultrasound. Pero hindi pa masyadong makikita kasi hindi pa gaanong buo. Maliit pa."

"Okay lang kahit tuldok pa lang, gusto kong makita."

"Yes, you will." Nakangiting hinaplos ko ang kanyang buhok. "We will..." Noong una ay natatakot ako, pero sa aking nakikita ngayong interes ni Miko ay nabuhay na rin ang interes sa puso ko. Ano nga kaya ang itsura ng baby namin? Oh, now I was excited to see it, too...

MIKO WAS LEAVING TONIGHT.

He had to return to Manila, where he was studying. Sasabay na siya ngayong gabi sa sa daddy niya papunta roon at ang uwi niya rito sa Cavite ay sa susunod na weekend.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nag-iimpake siya ng ilang pirasong damit sa dadalhing duffle bag. Shirt na gray at jogging pants na black ang suot niya. Pagkatapos niyang iimpake ay nagsuot na siya ng sombrelo na kulay itim din. Nang tumingin siya sa akin ay napalunok ako.

Honestly, I didn't want Miko to leave me here. But I couldn't just stop him as he needed to get back to Manila for his studies. Ayaw kong magpaka-clingy nang wala naman akong karapatan.

Isinukbit niya sa balikat ang duffle bag, at humakbang palapit sa akin. May kinuha siya sa likod ng bulsa ng suot na faded pants. Wallet. Kumuha siya roon ng one thousand pesos. I was surprised when he pulled me by the arm so he could slip the cash into my shorts pocket.

"Pagkasyahin mo muna ito. May mga pagkain naman diyan, pero baka lang may gusto kang kainin o bilihin."

"May pera pa naman ako." I was referring to my five hundred pesos.

Miko didn't pay attention to that. "Bahala ka na muna. Manood ka ng TV, mag-Internet, o mas maganda na magpahinga ka na lang dito sa kuwarto. Okay lang kahit hindi ka magpatay ng aircon dahil mainit dito lalo sa tanghali. Kung boring na boring ka na, puwede mong tiyagain na kakuwentuhan diyan si Lola."

Maliit akong napangiti.

"Sa mga gawain naman diyan, bukas pupunta iyong stay out naming kasambahay na si Ate Tonet, kaya no need ka nang kumilos. Kung may iuutos ka rin, puwede mo ipakisuyo sa kanya. Mabait naman iyon."

Sumama ako sa kanya palabas ng kuwarto. Nasa labas na ng gate ang kotse. Kanina pa pala siya hinihintay ng daddy niya. Isinasara niya na ang gate nang mapataas siya ng tingin dahil sumunod ako sa labas. Naglakad naman ako papunta sa kanya.

I bit my lower lip while meeting his gaze. And dang, what was this? Why was I feeling like a wife sending off her military husband at the airport for deployment to a war?

So what if Miko was leaving? Sa Manila lang naman siya pupunta at babalik din siya sa weekend. Hindi rin naman na ako bata para matakot na maiwang mag-isa. Di ba?

Still, parang ayaw ko talagang umalis siya. Iniwan na nga ako nina Mommy at Daddy pa-Canada, tapos aalis din siya. And yes, I admit, natatakot nga ako. Naninibago pa ako sa bahay nila, parang hindi ko pa kayang magpaiwan sa kanya. But, of course, I couldn't put those things into words.

Hinawakan ako ni Miko sa ulo at yumuko siya upang magpantay kami ng mukha. "Paano, aalis na muna ako?"

And the only thing that I could say to him was... "Mag-iingat ka..."

Pinapasok niya na ako sa loob ng gate bago siya pumasok sa kotse. Nang makaalis na sila ay natagpuan ko ang sarili na malungkot na nakatanaw sa bakanteng kalsada.

Pagpasok ko sa sala ay madilim na. Nasa kuwarto na ang lola ni Miko at nasa duty ang mommy niya. Tumuloy na ako sa kuwarto at nahiga sa kama. Iyong kama na masikip kapag magkatabi kaming dalawa, ngayon naman ay parang napakalaki para sa akin mag-isa.

Noong nagdaang dalawang gabi ay kahit naninibago sa lugar, nakatulog ako nang mahimbing, na kabaliktaran ngayon dahil ang payapang tulog ay halos umaga na sa akin dumating.

TOKTOK!

Mabigat pa ang pakiramdam ko nang maalimpungatan sa mga katok. Akala ko ay tinanghali na ako ng gising dahil sa sunod-sunod na katok sa labas ng pinto, pero pagmulat ko ay nasa 6:30 a.m. pa lang pala. Kaunti pa lang ang tulog ko dahil bandang quarter to 4 na ako kanina dinalaw ng antok.

"Sandali lang po." Kahit antok pa ay bumangon ako at hinagilap ang tsinelas ni Miko na pambahay. Malaki iyon pero ginagamit ko dahil malamig sa talampakan ang tiles.

Pagbukas ng pinto ay kinailangan ko pang tumingala dahil malaking babae ang nasa labas. Ang mommy ni Miko. Nakasuot pa ito ng unipormeng pangpulis. "Good morning po," bati ko rito kahit nakakailang ang pagkakakunot nito sa akin ng noo.

Hindi ito ngumiti. Lalo pa nga yatang nanlalim ang pagkakakunot ng noo nito. "Bumaba ka na." Iyon lang at tumalikod na ito.

Baba? Bakit? Ah, baka almusal na? Maaga kasi silang nag-aalmusal, at baka nag-aalala lang ito dahil nga sa buntis ako. Baka ayaw nitong malipasan ako ng pagkain ng agahan.

Nakangiti ako na sumunod sa ibaba dahil kumalam na ang tiyan ko. Masungit lang ang dating ng mommy ni Miko pero mabait naman siguro. Kahit sino naman talagang nanay ay madi-disappoint kapag nabuntis o nakabuntis ang anak na iginagapang sa pag-aaral.

Ang tanging magagawa ko na lang ay makisama dahil nakikitira lang ako. Pagbubutihin ko para kahit paano ay matuwa naman sa akin ang mommy ni Miko. I hurriedly followed her into the kitchen, but the breakfast that I had expected to have waiting for us was not there. Wala kahit isang pandesal na nakahain sa mesa.

Ang naririto sa kusina ay isang payat na babaeng tantiya ko ay nasa mid forties ang edad. "Tonet," tawag dito ng mommy ni Miko.

Tonet? Ito ba iyong sinasabi ni Miko na stay out kasambahay nila? Naririto ba ito upang maglinis, magluto, at maglaba ngayon? Speaking of labahin, hindi ito pumunta kahapon kaya hindi tuloy nalabhan ang mga labahin nila last week.

Magalang na nagsalita naman si Ate Tonet. "Ate Mitchy, napagbukod-bukod ko na po pala iyong mga labahin. Magsisimula na po ba ako?"

Sa likuran nito ay naroon ang dalawang basket ng mga labahin. Marami-rami. Ang iba ay nasa sahig na dahil nga sa ibinukod-bukod na. Matatanaw rin mula rito ang nakabukas na backdoor. Doon ang laundry area.

"Hindi," sagot ng mommy ni Miko. "Kaya hindi kita pinapunta kahapon ay katulad din ng dahilan ngayon."

"Po, Ate?" naguguluhang sambit ng stay-out na kasambahay.

"Tonet, hindi mo muna kami ipaglalaba. Kahit sa paglilinis at pagluluto araw-araw ay wag ka nang pupunta. Dahil wala na akong maipasasahod pa sa 'yo. Kailangan kong magtipid dahil may dagdag na kaming bunganga na pinapakain ngayon dito."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Dagdag na bunganga, hindi na kailangan pakaisipin kung sino ang tinutukoy nito.

"Sige na, Tonet, umuwi ka na."

Nag-init sa hiya ang aking pisngi nang mapatingin sa akin si Ate Tonet. "Sige, Ate Mitchy. Alis na po ako." Nakayuko nang dumeretso sa pinto ng sala ang ginang.

Nang wala na ito ay saka ako hinarap ng mommy ni Miko. Ang mukha nito ay ganoon pa rin, walang kangiti-ngiti. "Zandra, di ba?"

"O-opo..."

Nang muling bumukas ang natutuyot na mga labi upang magsalita ay walang kasinglamig ang tono ng boses nito.

"Zandra, ano pang hinihintay mo? Hindi matutuyo ang mga damit kung hindi ka pa magsisimula. Maglaba ka na habang maaga pa, dahil pagkatapos mo riyan, maglilinis ka pa ng buong kabahayan."

jfstories

#BadLoverbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz