Chapter 25
MAGKA-LIVE IN NA SINA ARKANGHEL AT SUSSIE.
The boy I had admired for a long time was now with another girl. Lumayas si Arkanghel sa kanila matapos malaman nitong ampon lang pala ito. And just like what Miko had said to me, naroon na si Arkanghel kina Sussie. Nagli-live in na sila.
I still didn't get it. Why did Arkanghel make such a reckless decision? I expected he'd finish college first. Dahil lang nalaman nitong ampon ito ay nagrebelde na at gusto na agad mag-asawa? At ang Sussie naman na iyon, imbes na pangaralan si Arkanghel, kinunsinte pa!
Pariwarang Friend:
Punta ka sa restobar niyo, tuloy pa rin sa pag-sideline si Arkanghel na waiter niyo sa hapon, gitarista sa gabi. Para daw may pambili siya ng pagkain pag magugutom si Sussie. *laughing emoji*
Lalo akong nanggalaiti sa text ni Miko. Pagsapit ng hapon ay naligo ako para pumunta sa resto bar namin. Malapit lang iyon, dahil dito lang din sa Brgy. Pinagtipunan. I could still save Arkanghel's future. Bago pa ito mapasubo nang tuluyan, gigisingin ko na ito sa katotohanan.
Pagpasok sa loob ay wala pang masyadong customer dahil bukod sa bakasyon na kaya wala nang mga tambay na estudyante, ay maaga pa para sa mga gustong mag-foodtrip, uminom, o mag-jamming. Tatlong kababaihang teenager lang ang nasa loob, nagmeryenda ng fries at soda.
Hinanap agad ng aking mga mata ang pakay ko. Natagpuan ko ang matangkad na lalaking kulay abo ang mga mata, na nagma-mop ng sahig sa tapat ng maliit na counter ng resto bar. Naka-itim na t-shirt, jeans, lowcut fake Chuck Taylor, at may suot na apron.
Lumapit ako. "Arki, nababalitaan ko iyong nangyari. Wala ka na raw sa inyo. Kung wala kang matuluyan, I can ask my dad para dito ka na lang muna—"
"Oks lang ako, Za," putol niya sa sinasabi ko. "Nasa bahay ako ngayon ng GF ko."
"So it's true. Nakikipag-live in ka na talaga? Ano, mag-aasawa ka na—"
Biglang tumunog ang wind chime sa pinto ng resto bar. May pumasok. Paglingon ko ay sina Asher at Miko. Parehong naka-civilian. Shirt at cargo shorts. Si Miko ay nakasombrelo ng kulay itim. Mukhang nagsiligo muna bago gumala dahil malayo pa lang, ang babango na.
Iyong tatlong kabataang babae tuloy na nagmemeryenda, na kanina'y si Arkanghel lang ang sinisipat, ngayon ay nagkandalito-lito na. Nagsikuhan ang mga ito pagdaan ng dalawa.
Naupo sina Asher at Miko sa may bakanteng mesa. Si Asher ay nakasimangot habang tahimik, si Miko naman ay dinampot ang menu, sabay sitsit kay Arkanghel. "Pst, waiter na di masyadong pogi, pa-order nga ng isang Coke mismo at large platter ng French fries. Pakisamahan ng tender, loving, care at kaunting bilis!"
"Wait, boss." Pumunta naman na si Arkanghel sa loob ng kitchen.
Pinuntahan ko ang dalawang bagong dating. Si Asher ay parang walang nakita, habang si Miko ay kahit hindi naman uminom, ay daig pa ang lasing kung makangisi habang nakatingala sa akin.
Padabog akong naupo sa bakanteng upuan sa mesa nila. "It's really true. Arkanghel is now living with that girl. Boys, anong klase kayong friends? Sana kayo na lang ang nag-alok na patirahin siya sa inyo, para hindi niya na kailangang makitira pa sa iba!"
Umiling si Miko. "Hindi puwede sa amin, nandoon na ang lola ko. Nag-uulyanin na at baka mapagkamalan pang si Arkanghel ang apo niya, e di nagselos ako."
Tumingin ako kay Asher na walang kibo. Si Miko rin ang sumagot para dito. "Hindi mo makakausap ito nang matino dahil traumatized. Inabandona na kasi siya ni Lai matapos makuha ang kanyang puri at dangal."
Napasubsob si Asher sa mesa nang marinig iyon. Hinimas naman agad ni Miko ang likod nito para amuin ang lalaki. "Shh, it's okay. It's okay. Pagsubok lang ito, bebe."
Inis na napabuga ako ng hangin. Kahit kina Isaiah ay hindi puwede si Arkanghel. Iisang compound lang kasi sila. Isa pa, noong mismong graduation daw ay deretso na ito nag-asawa. Nabuntis na ang girlfriend na si Vivi, at doon na rin sa mga ito nakatira.
Iyon ang ayaw kong mangyari kay Arkanghel. What if mabuntis din nito si Sussie since nagli-live in na? Hindi na makakapag-aral lalo si Arkanghel! Paano na ang future nito?!
Dumating na ang order. Pinaghainan na sila ni Arkanghel. Tinapik naman ni Miko ang puwet ni Arkanghel. "Thanks. Kita tayo sa kanto mamaya para sa special tip mo."
"Sorry, Boss, pero hindi po ako nagpapa-take out." Pagkasabi'y umalis na si Arkanghel. Pero binatukan muna si Asher.
"Awts, di easy to get." Kinain naman na ni Miko ang order. Si Asher ay parang walang sariling kamay dahil si Miko pa ang nagsusubo rito ng french fries.
Nagkasya na lang naman ako sa paghabol-habol ng tingin kay Arkanghel habang naglilinis ito sa paligid. Si Miko naman ay tuloy pa rin sa pagpapakain ng fries kay Asher, pero hindi na siya sa kaibigan niya nakatingin... kundi sa akin.
"LAST NIGHT NA NI ARKANGHEL BUKAS SA KISS BAR."
Hating gabi na dumating si Miko kinagabihan. Iyon ang dala niyang balita pagpasok na pagpasok sa bintana ko. Napabangon naman ako agad sa kama. "Ano?!"
Lumakad siya papunta sa akin at nag-dive sa tabi ko. "May nahanap na raw siyang trabaho sa Manila, the next day na ang luwas niya."
"Bakit kailangan pang lumuwas ni Arkanghel? Sumusuweldo naman siya sa resto bar namin, ah? Hindi pa ba sapat iyon, e sarili lang naman niya need niyang buhayin?!"
"Anong sarili lang? May ka-live in na nga, di ba? Balita ko pa, lagi raw gutom si Sussie. Pag wala raw pera si Arkanghel pambili ng midnight snack, nagwawala raw. Pinagtatapon gamit niya sa labas tapos tinututukan siya ng kutsilyo."
Halos magbuhol ang mga kilay ko. "Napakagaling naman ng Sussie na iyan! Sinasabi ko na nga ba nasa loob ang kulo niyan! Akala mo kung sinong matalino at painosente, pero maldita pala talaga!"
Ngingisi-ngisi naman si Miko habang nakadapa sa kama ko. "Balita ko pa, walang-wala na talaga sina Sussie. Mahirap na sila. Sinisingil pa nga niya ng renta si Arkanghel sa kanila, kahit pa parang katulong na nila sa Arkanghel sa bahay nila sa umaga. Kawawa nga kaibigan ko, losyang na sugar daddy na."
Kumuyom ang mga kamao ko. "Miko, kailangang matauhan ni Arkanghel! Kausapin mo siya! Makikinig siya sa 'yo dahil kaibigan mo siya!"
"In love iyon, kaya paanong makikinig?" Sabay hila niya sa akin kaya napahiga ako sa kanyang tabi.
"Basta, i-try niyo pa ring kausapin!"
"Ge, try ko," sabay subsob niya sa leeg ko. "Pero pa-kiss muna."
"Miko, sandali—" Bigla niya akong mahinang kinagat.
Nang mag-angat siya ng paningin ay nakangisi pa rin, pero iba na ang pungay ng mga mata. "Stressed ka?"
Tumango ako. Sino ba ang hindi mai-stress? Nag-aalala ako kay Arkanghel!
"Naligo ka?" tanong ni Miko na hindi ko na alam kung para saan ba.
Tumango naman ulit ako. "Oo, naliligo naman talaga ako bago umakyat dito sa room ko. Bakit?"
Inilapit niya ang mukha sa mukha ko. "Tanggalin natin stress mo."
Napanganga na lang ako nang bigla siyang bumangon. Pinatay niya ang ilaw, at ang katamtamang liwanag na lang ng buwan sa labas ang natira sa amin. Binalikan niya ako sa kama. Napatakip na lang ako ng palad sa aking bibig nang hawakan niya ang garter ng aking pajama, kasama ang underwear. At ganoon lang, sabay niya na iyong nahila paalis sa aking katawan.
And Miko did what he had said. Inalis niya nga talaga ang stress ko, at pinalitan niya iyon ng nakakabaliw na sensasyon. Gamit ang mainit niyang bibig, dila, at kanyang mga mahahabang daliri, tinulungan niya akong kalimutan muna ang lahat. Ang natira na lang sa akin pagkatapos ay aftershock!
ARKANGHEL'S LAST NIGHT. Pumunta ako sa resto bar nang sumunod na gabi. Hindi ako nagpaalam sa amin dahil hindi ako papayagan, kinasabwat ko na lang si Ate Sarah para hindi magsumbong kay Daddy. Ito ang pinsan ko na manager ngayon ng bar namin.
Nasa Kiss Bar na si Arkanghel. Narito rin ngayon si Isaiah na tumakas lang sa kanila. Grounded pa kasi ito matapos mabuntis si Vivi. Ang wala lang ay sina Asher at Miko.
As I was ready to approach Arkanghel, I saw who he was gazing at. Dalawang babae na kapapasok lang sa glassdoor. Ang isa ay ex ni Isaiah na si Carlyn, at ang sumunod ay walang iba kundi si Sussie. Sussie was a chubby girl, but I must admit that she looked stunning in her outfit and had a lovely face.
Ang presensiya si Sussie ang nagdala sa pormal na mukha ni Arkanghel ng isang matamis na ngiti. Alam kong pupuntahan na ito ni Arkanghel, kaya nauna na akong lumapit para bulungan ang lalaki. "Arki, sira ang electric fan sa loob. Can you fix it for me?"
Parang napaisip pa si Arkanghel, sa huli ay tumango. Nang pumasok na ito sa loob ay sinulyapan ko pa si Sussie na dito sa amin nakatuon ang mga mata. Isang malamig na tingin ang iniwan ko sa babae.
Pagpasok sa loob ay itsini-check na ni Arkanghel ang sirang electric fan na hindi naman talaga sira. Bago pa niya malaman ay pumasok din ako at ini-lock ang pinto. Gulat na napalingon siya sa akin. "Zaza."
Seryoso ko siyang tiningala. "Do you really like that girl?"
Nangunot ang noo ni Arkanghel. Kinakabahan ako dahil ngayon ko lang siya kokomprontahin nang ganito, pero mas ayokong magsisi. Matagal ko na siyang gusto, at ayoko siyang tuluyang mapariwara sa huli. I felt like he was my responsibility.
"Arki, kung tutuloy ka sa Manila, wala kang kilala roon. Paano kung mapamahak ka, ha?!"
"Zaza, ayokong makuntento sa sideline lang. Kailangan kong makipagsapalaran at sumubok ng ibang oportunidad."
"Arki, kaka-graduate mo lang ng high school! Bakit kailangan mong magmadali? Puwede ko namang pakiusapan si Daddy na lakihan ang sahod mo rito, para kahit sideline lang, puwede ka pa ring mag-aral sa umaga sa kahit saang public university dito sa Cavite! Is this about Sussie?!"
Napahaplos siya ng palad sa kanyang batok, at malamig ang mga mata na tiningnan ako. "May gusto ka pa rin ba sa akin?"
Natulala ako sa deretsang tanong niya. "W-what?"
Tumaas ang gilid ng bibig ni Arkanghel nang hindi ako makasagot. "Mag-aral ka na lang nang mabuti, Zaza. Masuwerte ka dahil tunay kang anak at may pampaaral sa 'yo ang mga magulang mo. Wag mong sayangin."
Before he left, I mustered up all my remaining courage to tell him how I felt. Because I knew there would be no other opportunities after this. "I don't just like you, Arki. I love you!"
"Zaza, mula noon, hanggang ngayon, kinakapatid lang ang turing ko sa 'yo. Pinakikisamahan lang kita dahil baon kami sa utang sa mga magulang mo. Sorry kung dineretso kita, pero kailangan mo ito para matauhan ka na."
Wala na si Arkanghel. Ako na lang mag-isa sa loob. Nakatayo habang ang mga balikat ay nanginginig. So this was the end of it?
Ilang taon na gusto ko si Arkanghel, ilang taon na inasahan kong magiginig kami, na matutupad iyong mga plano ko sa amin, pero hindi na mangyayari. Kahit mas marami akong naibigay na sa kanya ay may mai-offer pa, pinili niya pa rin ang ibang babae.
Katulad ng pagpili ni Isaiah kay Vivi kaysa sa magandang kinabukasan, katulad din ng pagpili pa rin ni Asher sa ex na si Lai kahit matapos itong basta mang-iwan. Twenty pa lang ako at alam kong batang edad pa ito at hindi rin naman sa nagmamadali, pero hindi ko lang maiwasang maging mapait.
Nagpupunas ako ng luha nang marinig ang pagpailanlang ng tugtog at boses ni Arkanghel sa microphone. ♫ You are the sun, you are my light. And you're the last thing on my mind. Before I go to sleep at night...
Nang sumilip ako sa pinto ay para akong nanonood ng isang chick flick movie sa mga sumunod na sandali. Hindi lang basta nagitara si Arkanghel, dahil ito ang kumanta sa stage habang back up si Isaiah. Arkanghel was singing his heart out, his eyes locked on Sussie as if she were the only person he could see here in the resto-bar.
I smiled bitterly. Matalino nga ako, pero naghabol at umasa ng ilang taon sa isang lalaki na hindi naman ako ang pinili sa huli. I must now admit defeat. I was a loser.
Paglabas ko ay nagliligpit na sa Kiss Bar. Wala na ring mga customer. Umalis na rin sina Arkanghel at Sussie. Inihatid na rin ni Isaiah si Carlyn. 3:00 a.m. na. I guess, I should go home too.
Lumabas na rin ako ng glassdoor. Gusto ko na ring umuwi. Nauna na ako kahit kina Ate Sarah. Madilim ang daan dahil palyado ang ibang lamp post sa gilid-gilid. Iilan lang din ang jeep na dumadaan habang tulala akong naglalakad sa ilalim ng buwan.
Nakauwi naman ako nang safe. Pagka-text ko kay Ate Sarah na nakauwi na ako, ay nagpalit na ako ng damit pantulog. Pinakikiramdaman ko ang sarili. I should be in pain right now, but instead I felt numb.
Anong oras na pero naririnig ko pa ang pagtatalo nina Mommy at Daddy sa labas. Parang dudugo na ang tainga ko sa pagtatalo nila. Nanahimik lang sa labas dahil napapayag na ni Mommy si Daddy na magkasama silang aalis mamaya, para sa pag-asikaso ng papeles ni Daddy sa pag-tourist sa Canada.
Tahimik na ang bahay namin at quarter to 4:00 am na, pero gising pa ako. Palakad-lakad lang ako sa kuwarto ko, nang makarinig ako ng kaluskos sa labas ng bintana. Doon ay biglang nabuhay ang dugo ko sa katawan. Napatakbo ako papunta roon. Paakyat si Miko!
Anong ginagawa niya rito sa ganitong oras? Malapit nang mag-umaga. Binuksan ko agad ang sliding window at inalalayan siyang makasampa, dahil parang hirap siya. Pagpasok niya sa loob ay nalanghap ko sa kanya ang amoy ng alak. Bigla rin siyang gumewang at muntik pang masubsob kung di ko lang nayakap.
"Are you drunk?!"
Nakangiti naman siyang yumuko sa akin habang mapupungay ang mga mata. "Sinamahan ko lang si Asher, saka iyong panganay niyang kuya. Nag-inom sila sa kanila. Parehong wasak yata."
Kung kailan bibitiwan ko na siya ay siya naman ang yumakap sa akin. Para siyang aso na inaamoy-amoy ang buhok ko. Mukhang naparami siya ng inom.
Inalalayan ko siya papunta sa kama. Pinahiga ko si Miko para makapagpahimasmas siya kahit saglit. Lamp shade lang ang ilaw namin at napakadilim pa sa labas. Nakapikit siya habang ay hinahaplos ko ang buhok niya.
Lasig na lasing talaga si Miko. Puwede naman siyang umuwi deretso sa bahay nila o magpaumaga kina Asher, pero pinili niya na na sa akin pumunta. May namutawing ngiti sa akin. Whatever reason he had for being here, what mattered was that, despite having other options, he chose to be with me.
Umungol siya nang tumigil ako sa paghaplos sa kanyang buhok. Nabitin. Itinuloy ko na lang ulit. "Gusto mo ba ng coffee or milk?" malambing kong tanong.
Umiling si Miko, at dumilat. Mapupula ang mga mata sa antok at kalasingan. Matagal na naghinang ang mga mata namin, nang bigla na siyang bumangon. "Mag-uumaga na, uuwi na pala ako."
"Uuwi ka na?" Bigla naman akong nataranta, na hindi ko rin alam kung bakit nga ba. Parang hindi ko lang gusto na aalis na siya at maiiwan na naman akong mag-isa.
Mamaya lang ay liliwanag na, at umuuwi siya kapag papaliwanag na, para wala sa kanyang makakita at dahil may pasok pa kami pareho sa school. Pero bakasyon naman ngayon. May lakad din sina Mommy at Daddy mamaya kaya okay lang naman siguro kung dito muna sana siya.
"Matulog ka na pag-alis ko." Papunta na si Miko sa bintana nang pumigil ako sa laylayan ng shirt na suot niya.
Salubong ang mga kilay niya nang lingunin ako. Ang mga mata niya ay tumuon sa kamay ko na nakapigil sa kanyang shirt.
"M-Miko, dito ka muna," maliit ang boses na sabi ko. Nahihiya ako pero nilunok ko na lang ang hiya, para lang mag-stay siya. I wanted him to stay.
"Paano pag nagising na parents mo?" tanong niya na nakataas ang isang kilay sa akin.
"Aalis sina Mommy at Daddy," mabilis kong sabi. Lalo lang tuloy akong nahiya kasi ang obvious ko. Napayuko ako. "B-basta, safe kahit mag-stay ka. At okay naman dito. Palagi ka namang nagpapalipas ng oras dito, at nakakatulog ka naman nang maayos."
Bumukol ang dila niya sa kanyang pisngi. Mga ilang sandali nang tanggalin niya na ang kamay ko na nakapigil sa damit niya. Akmang lalakad na siya ulit patungo sa bintana nang sa pulso niya naman pumigil ang kamay ko. Mahina siyang napamura.
"Bitiw," sabi niya na walang lakas.
Umiling ako habang nakayuko. "No, Miko. Don't leave. Don't leave me..."
"At bakit ko gagawin?"
"B-because I need you."
Mahina at maiksi siyang tumawa. "Kailangan mo ako? E paano naman ang pangangailangan ko?"
Napatingala ako sa kanya. Nakayuko na pala siya sa akin habang malamig na nakatuon sa akin ang kanyang mga mata.
Ang kamay ko na nakahawak sa kanya ay dinala niya sa bandang ilalim ng kanyang patag na sikmura. "Palaging masakit puson ko sa tuwing galing ako rito. Alam mo ba iyon?"
Aminadong book smart ako at hindi gaanong street wise, but I was not dumb. I knew what Miko was talking about.
Malalim na napalunok ako. "I... I saw a condom in your wallet. Do you want to... use it?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Kanino ko gagamitin?"
Nagsimulang manubig ang mga mata ko bago sumagot. "...Sa akin."
"Sigurado ka? Walang atrasan ito, magagalit ako."
Maliit akong ngumiti kahit nanginginig sa nerbiyos ang mga labi. This guy was my person, and him hating and abandoning me was the last thing I would want to happen. "Miko, stay with me..."
Doon siya rin ngumiti na. Nakangiti pero madilim ang mga mata. "Pangatawanan mo ito, Zandra." Pagkatapos ay basta niya ako hinigit. At ilang sandali lang, isa-isa nang bumabagsak sa sahig ang aming mga suot na damit.
jfstories
#BadLoverbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz