ZingTruyen.Xyz

You Make Me Feel Like A Goddess

A/N:  Comment din kayo, plis, para ganahan akong mag-update. Hehe.

**********

"Luisa, pakisabi naman kay Xenia na pag-isipan niya ang alok ni Mayor. Wala nang mas babagay pang Fiesta Queen kung hindi siya lamang. Natitiyak kong makikilala ang ating bayan sa buong Pilipinas kapag pumayag siyang maging reyna ng kapistahan natin sa taong ito."

Tumikhim-tikhim ako sa likuran ni Mama. Fiesta Queen ba kamo? At hindi pupwede ang ate ko? Aba'y tamang-tama! Maluwag na maluwag ang calendar ko! Nais kong maging reyna!

Umabante pa ako ng kaunti sa sala para mapansin ni Konsehala Damiles. Siyempre, inayos-ayos ko ang buhok habang lumalapit sa kanila. Kailangang maayos itong nakalugay sa aking balikat. Inipit ko ang mga nakaligtas na iilang hibla ng buhok sa pisngi at inipit ang mga ito sa likuran ng aking tainga habang kinukurap-kurap ang mga mata. Siguro nama'y ang cute-cute ko na tingnan. Marami kaya ang nagsasabing magkahawig kaming magkapatid.

"Susubukan ko, Konsehala, pero alam mo naman ang batang iyon. Hindi mahilig sa mga beauty pageants. Nagsabi na siyang hindi sasali---"

"Hindi ito beauty pageant, Luisa. Gaya ng sabi ko, napili na ni Mayor na maging reyna ng ating kapistahan ang iyong panganay na anak. Wala nang gagawin pa si Xenia kundi ang pumayag. Kami na ang bahala sa isusuot niya sa coronation night at sa lahat-lahat na kakailanganin niya."

Tumikhim uli ako. Napalingon na si Mama nang mga oras na ito. Nakita ko siyang medyo nagtaka. Nagtatanong ang kanyang mga mata kung may kailangan ako, ngunit nagsalita muli si Konsehala Damiles kung kaya napatingin siya uli rito. Siya namang dating ni Ate Xenia buhat kung saan. Nakasuot ito ng simpleng blusang puti at itim na palda. Nabili namin ang mga iyon sa Divisoria ng isang daang piso lahat. Medyo kupas na ang tela ng suut-suot ni Ate dahil lagi niya itong get up sa tuwing nagsisimba pero nagmukha pa rin itong mamahalin.

"Xenia, iha!" nae-excite na bati ni Konsehala pagkakita sa kapatid ko. Kinamayan niya agad ito at mabilis na pinaliwanag ang pagbisita. Nagulat naman ang ate at nakita ko pang rumehistro ang inis sa kanyang mukha. Nasabi na kasi nito sa mismong mayor namin na ayaw nga niyang maging reyna ng kapistahan. Wala siyang interes maging star of the night. Dahil likas na mabait at magalang ng ate ko, saglit lang din siyang kakitaan ng pagkainis. Malugod din naman niyang hinarap ang konsehala matapos makapagmano kay Mama.

"Nasabi ko na po kay Mayor, Konsehala. Hindi po ako interesado."

Dumagundong ang puso ko sa narinig. Kulang na lang ay sumigaw ako ng, 'Yes!' Ang ibig lang kasing sabihin no'n ay pagkakataon ko nang mag-shine. Kung ayaw ni Ate, ako gustung-gusto ko. Dahil kanina pa ako nagpaparamdam sa kanila at hindi nila ako pinapansin, umalis na ako sa gilid ng Kentia Palm ni Mama at pinaramdam ko lalo ang aking presensya. Umupo ako sa tabi niya sa malaki naming couch sa sala. Nasa harapan, sa pang-isahang upuan naman si Konsehala.

"Ehem," tikhim ko pa. Nilakasan ko pa iyon para marinig nilang lahat.

"O, nandito pala si Xinta, eh. Siya na lang ang alukin n'yo, Konsehala. Mahilig sa beauty pageants iyan, eh. Natitiyak kong hindi na kayo magdadalawang salita riyan."

"Thank you, Ate." Napangiti ako nang malawak. Kinurap-kurap ko pa ang mga mata para mapansin ni Konsehala ang malalantik kong pilik-mata.

"Nariyan ka rin pala, iha," malungkot nitong tugon.

Pinangunutan ako ng noo ni Mama. "Ano'ng ginagawa mo rito? Ang module mo? Hindi ba't dapat sinasagutan mo iyon ngayon?"

"Tapos na, Ma! Ang dali-dali lang no'n eh!"

Napabuga ng hangin si Konsehala sabay malungkot na tumayo. "Bueno. Mukhang hindi ko na mababali ang desisyon ng iyong panganay, Luisa. Sige, sasabihin ko na lang kay Mayor ang kanyang kapasyahan."

Napaawang nang bahagya ang mga labi ko. Teka. Konsehala! Nais ko sana siyang pigilan. Bakit gusto na niyang umalis? Heto na nga at pinapadali ko na ang buhay niya. Ako na msimo ang nagboboluntaryong mag-reyna sa kapistahan.

"Pasensya na, Konsehala." Ang mama. Tumayo rin ito at hinatid sa pintuan ang bisita namin.

Nalukot ang mukha ko. Mukhang ayaw niya sa akin. Bakit ayaw niya sa akin?

Lumapit ang ate at tinabihan ako. Kaagad niya akong inakbayan saka pinisil-pisil niya ang balikat ko. "Seventeen ka pa lang kasi. Hindi pa pupwedeng maging reyna ang hindi tumutungtong sa edad na disiotso. Akala ko alam mo iyan."

Bigla akong napakurap-kurap. Napatingin ako kay Ate. Para akong nakakita ng dyosa nang ngumiti ito at masuyo pa akong hinagkan sa noo.

"Oo nga, 'no?" sang-ayon ko rin.

"Ano ba'ng pumasok sa kukote mo't nagboluntaryo ka pang maging reyna?" sita agad ni Mama pagbalik niya ng sala. Hindi siya galit, pero hindi rin natutuwa.

"Dalaga na ako, Ma!"

Nagsalubong ang mga kilay nito. Hindi na ito nagsalita pa. Tinawag lang nito ang ate at may binigay na kung ilang bouquet of flowers.

"Galing ang isa sa anak ni Congressman. Iyang malaking bouquet ng red roses naman ay sa unico hijo ng mga Rivas. Ang dalawa ay sa mga dati mong kaklase sa hayskul. Iyong nag-engineer at nag-doktor. Dumaan sila kanina rito."

"Wow, Ma! Mukhang mamahalin ang mga bulaklak ni Ate."

"Ang ganda-ganda kasi ng ate mo! Para siyang artista!" proud namang sagot ni Mama. "Ang dami ngang nagsasabi na kamukhang-kamukha mo raw si Audrey Hepburn noong araw." At inayos-ayos ng mama ang maayos nang buhok ni Ate. Tuwang-tuwa pa ito habang hinahagod ang pisngi nito.

Kung kamukha ni Ate ang classic beauty na si Audrey Hepburn, kamukha ko rin iyon sigurado. Sabi nga kasi ng mga kakilala namin ay younger version ako ni Ate Xenia.

Sumusunod ang mga mata ko sa bawat bouquet ng mga bulaklak na dinadampot ni Mama sa coffee table namin na malapit sa may bandang pintuan papuntang kusina.

Bakit hindi ko napansin ang mga iyon kanina? Doon din ako dumaan, ah!

Sa bilang ko, naka-anim na bouquet na ang kapatid ko. May natitira pang apat. Na-excite na naman ako. Natitiyak kong isa sa mga hindi pa naibibigay ay mula naman sa secret admirer ko. Ngunit naiabot na ni Mama ang panghuli kay Ate. Wala nang natira. Pati ang kung ilang boxes ng regalo roon na mukhang tsokolate ang laman ay puro sa kapatid ko napunta. Hindi ako nakatiis. Tinanong ko na si Mama.

"Ano ka ba naman, anak. Seventeen ka pa lang, eh."

"Bakit si Ate? Thirteen pa lang si Ate nang nagsimulang paulanan ng mga bulaklak?"

"O, heto. Kunin mo ang---"

Bago pa maiabot ng ate ko ang isa sa mga bouquets niya ay lumayas na ako sa harapan nila. Dali-dali akong bumaba ng bahay at lumipat kina Auntie Berna. Nandoon ang mapang-asar kong mga pinsan. Tulad ni Ate, sina Kristoff at Hyunjun ay biniyayaan din ng magagandang mukha. Katunayan, lagi silang napagkakamalang Korean Pop stars na kinaiinisan nilang dalawa dahil hindi sila mahilig sa K-Pop. Si Kristoff ay kawangis daw ni Ahn Jae-hyun at si Hyunjun ay kamukha naman daw ni V or ni Kim Tae-hyung ng BTS.

"O, nadalaw ka na naman Xintang palaka?" salubong agad sa akin ni Kristoff. Binatukan ko siya.

"Nakita kong galing sa inyo si Konsehala, ah." Si Auntie Berna naman. Tinigil nito ang pagdidilig ng kanyang banana palm trees.

"Kino-convince si Ate na mag-reyna ng kapistahan." I made it sound casual kahit na naghihinanakit ako. Kaso, hindi iyon nakaligtas sa mapanglait kong mga pinsan.

"Let me guess. Tumanggi si Xenia, right? At nagprisinta ka agad?" nakangising sabat ni Hyunjun. Sinimangutan ko siya. "I knew it!"

"And you were rejected!" sigaw naman ni Kristoff. Nag-appear pa ang dalawa bago maghagalpakan ng tawa. Sa kanila dinilig ni Auntie Berna ang para sa mga banana palms niya. Binelatan ko ang mga walanghiya.

"Ma naman, eh!" reklamo nila. Hindi sila pinansin ni Auntie.

"Bakit gano'n, Auntie? Bakit tumalikod agad si Konsehala nang magprisinta ako? Panget ba ako, Auntie?"

Sabay na umuo ang mga hayop kong pinsan. Pinandilatan sila ng kanilang ina bago nito binaba ang ang hawak-hawak na pandilig sa halaman saka sinapo ang aking mukha.

"Isa kang Porras at walang panget sa mga Porras, Xinta. Pakakatandaan mo iyan."

"Ows? Tigilan n'yo nga ang pambobola sa babaeng iyan, Ma. Ano'ng walang panget sa mga Porras? Ano ang tingin n'yo sa Xintang iyan?" Si Kristoff.

"Ibig bang sabihin niyan, ampon lang si Xintang palaka?" pangangantyaw naman ni Hyunjun. Awtomatikong lumipad ang tsinelas ko at kung hindi siya umilag ay nasapol sana ang pinangangalandakang makinis at guwapong mukha niya. Nagtakbuhan ang mga ito nang hinabol ni Auntie Berna ng hanger.

Magkakaedad kaming tatlo dahil fraternal twins ang dalawa. Sila lamang ang mga anak ng Auntie Berna at Uncle Edward ko. Si Uncle ang kapatid ni Papa. Kagaya ng mga pinsan ko, kilala rin sina Papa at Uncle noon na matinik sa chicks dahil sa angking gandang lalaki. Totoo ngang kahit saan ko ibaling ang aking paningin, wala akong nakikitang panget sa pamilya namin kung kaya---kaya minsan ay nakakaalangan din.

Umuwi ako sa bahay nang malungkot. Dumeretso agad ako sa kuwarto ko at tiningnan ang hitsura sa salamin. Napabuntong-hininga ako nang makita ang parang siopao kong pisngi at medyo nakausling tiyan. Hindi naman ako katabaan. Katunayan sa taas na five feet and six inches, hindi naman ako sobrang mabigat sa height ko dahil nasa one hundred sixty pounds lang naman ako o mahigit-kumulang seventy-two kilos. Kaso nga lang, may nakausli talagang tiyan. Perfect na sana ang waistline ko kung hindi lang ako nasobrahan ng abs---abdomen! Saka kung bakit ang laki pati ng aking mga hita. Parang mga pata. Hay.

Kinabukasan, nagpunta akong Quiapo para hanapin ang tindahan na sinasabi sa akin ng mga kaklase namin including my BFF, Mirah. Nagpasama nga ako sa kanya dahil alam niya raw kung saan ang puwesto ng sinasabi sa school na tindahan ng mga madyik anek-anek. Hinahanap namin ang stall na may tindang isang herbal drink na nakakapagpa-slim. Doon daw ito nakabili ng ginamit niya para maging epektibo ang kanyang pagda-diet. Heto na nga ang loka-loka at kasing slender na ni Julia Barretto.

"Psst!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig sabay palinga-linga sa paligid. Sino kaya ang tumatawag? At sino ang kanyang tinatawag?

"Sayang. Wala na raw sila ng nabili ko rito last month na herbal drink. Ito na lang kaya, Xin?"

"Ha?" Saglit lang akong tumingin sa pinapakitang bote ng herbal drink dahil hinahanap ko kung sino ang sumipol. Nang magtama ang paningin namin ng isang matandang babae, bigla niya akong nginitian. Nag-alangan ako kung ngingiti rin. Kinawayan niya ako at inimbitahan sa stall niya. Ewan ko ba. May something siya na tingin ko'y makakasagot sa pinoproblema ko ever since. Nagpaalam agad ako kay Mirah at lumapit sa babae.

"Alam ko. Sinasabihan ka nilang panget? Mataba? Mukhang palaka?"

Pinangunutan ako ng noo. At kinilabutan na rin. Paano niya nalaman ang mga panlalait ng mga pinsan ko sa akin? My gosh! She must be a fairy or something. Kung fairy siya, I'm sure iga-grant niya ang wish ko! I have always been a good daughter.

Malungkot akong tumangu-tango. "Opo."

Lumabas ang bungi-bungi niyang ngipin. Yumuko siya at may kinalkal sa isang kahon sa likuran niya at inabot ito sa akin.

"May madyik ang mga bula ng shampoo na iyan. Nakakaganda! Nasisiguro kong kapag ginamit mo iyan ay mawawala ang lahat ng iyong pag-aalinlangan sa iyong sarili. Kikilalanin ka ng lahat bilang isang magandang binibini. Namumukod-tangi sa lahat ng mga dyosa!" At humagikhik pa ang babae.

Pagkahawak ko sa naturang bote, parang may kuryentee akong naramdaman. Nanlaki ang mga mata ko. Mukha ngang may madyik! Oh God! I need this!

"Magkano po?"

"Walong daan ang alok ko niyan sa iba, pero dahil mukhang mabait kang bata okay na ako sa limang daan. Gusto ko lamang makatulong sa iyo, eh."

Inagaw ni Mirah ang boteng kulay green at kinilatis nito ang ingredients. Kinuha ko naman agad ito sa kanya at sinimangutan ko pa siya.

"Five hundred for this? It's a rip-off, Xinta! Naku, niloloko ka lang ng matandang ito!"

"Hindi ako nanloloko, Ineng."

"Lola, mawalang-galang po, ha? Ito'y 450ML lamang. Ang mga kilalang shampoo na ganito ka laki ay ni wala ngang five hundred tapos sasabihin mong eight hundred?"

"Five hundred na nga lang daw. Ano ka ba!"

"Xin, ang Dove ay around 600 pesos lang ngayon sa Lazada at nasa 650 ML iyon."

Pinandilatan ko siya at bahagyang tinulak palayo. Nakita ko na kasing medyo sumimangot si Lola. Tiningnan na nito nang masama si Mirah.

"Heto po, La, ang bayad. Salamat po!"

"Naku, Ineng! Hindi ka magsisisi!"

Nainis sa akin si Mirah dahil binili ko pa rin kahit ilang beses akong piniglan kung kaya nauna na itong maglakad papuntang simbahan. Hinabol ko ito. Dahil sa kamamadali ay may nakabanggaan akong lalaki. Tumilapon ang plastic bottle ng shampoo na hawak-hawak ko. May natapong kulay berdeng likido mula roon kung kaya't dali-dali ko iyong dinampot. Nagkataong dinampot din iyon ng nakabanggaan ko at nagkahawakan pa kami ng kamay. Nang makita ko ang mahahaba at makikinis niyang mga daliri parang slow motion na napatingin ako sa kanyang mukha. At gano'n na lamang ang pagsikdo ng puso ko nang makita ang napakaguwapong mukha ng may-ari nito. Kamukha niya si Hero Fiennes Tiffin, ang gumanap sa role ni Hardin Scott sa American film na pinamagatang After.

Pinanuyuan ako ng laway. At pakiramdam ko'y tumalon pa ang puso ko mula sa aking dibdib.

"Hero! C'mon!"

Hero? Teka. Hero as in Hero Fiennes Tiffin? My God!

Tumayo ang nasabing lalaki at ganoon din ako. Inabot niya sa akin ang shampoo ko at pagkahawak ko sa malapot na likidong lumabas mula sa medyo umangat na bukasan ng bote, may naramdaman akong kung ano.

"You look familiar," sabi nito.

Oh, God! Here comes the pick up line. Kinilig ako.

Inunat niya ang kanyang kamay at napatitig na naman ako sa mahahaba at makikinis niyang mga daliri. Nang ma-realize kong gusto niya akong kamayan, agad kong pinahid sa pantalon na sa bandang balakang ang basa kong kamay. Bumula muna ng maliliit ang ilang patak ng shampoo na nasa kamay ko, baka tuluyang natuyo. At kasabay ng pagbula nila nakaramdam ako ng ibayong lakas ng loob lalo na nang ngumiti sa akin ang lalaki.

"I'm Hero Aldeguer. I'm Sophie Ferrer's cousin," pagpapakilala nito.

Shit! Inglesero!

Hindi rumehistro sa isipan ko nang mga oras na iyon ang pangalan ng kanyang pinsan. Paano kasi'y tila nakalutang sa alapaap ang aking pakiramdam. I felt so beautiful! Hindi ko pa nagagamit ang shampoo ng matandang ale, tila umi-epek na.

"I'm---I'm X-Xinta Porras! Xinta with an X!"

Ngumiti na naman siya sa akin. "It's nice to meet you, Xinta with an X." Ang kanyang mga mata ay kumikislap sa kapilyuhan.

"Ano ba pare? Sino ba naman kasi iyan?"

Pagkalapit ng lalaki sa amin, tiningnan niya ako at sinulyapan ang kasama niya. Nahagip ng paningin kong tila pinangunutan ito ng noo. Kiber.

Sumama si Hero sa kasama nito pero habang naglalakad palayo ay napalingon siya sa akin at napakaway pa. In fact, palingon-lingon siya kung kaya parang gusto kong tumili nang tumili.

Bumalik si Mirah at inangilan ako. Bakit daw ba ang tagal-tagal ko. Baka wala na raw kami mauupuan sa simbahan sa dami ng nagsimba ng Linggong iyon.

Mirah stopped just a few feet away from me and stared at me. Nakanganga siya nang bahagya.

"Ano'ng nangyayari sa iyo?"

"May effect na?" Namilog ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz