ZingTruyen.Xyz

Until Our Next Eclipse

01

vampiremims

"This is frustrating."

I put my phone down and leaned on my seat to calm myself.

Sakto naman ang pasok ni Jelly at may dala itong pagkain para sa lunch namin. As much as I wanted to eat healthy today, I needed to treat myself or else I would lose my mind.

Dad is asking me to attend a stupid party tomorrow night. It wasn't that stupid, alright, but still... I don't have any plans on going.

Kaso ngayon naman ay sinabi niyang pupunta ang pamilya ni Nate roon kaya mainam na magpunta rin ako dahil hahanapin daw akong tiyak ni Uncle at baka may maghanap pa sa akin lalo at active kami noong kampanya nito noon.

This is why I hated when my uncle ran again as Vice President. I have to act based on his position.

Yes, we were not his immediate family, but in almost all his happenings, we needed to be there.

No doubt Nate hated his life—well, before.

May girlfriend ito kaya masaya ang buhay at balewala na rito kung Vice President ang ama.

May boyfriend din naman ako, ah?

Napailing na lang ako at muling huminga ng malalim para alisin ang naisip na iyon.

"Ano na naman ang problema mo?" tanong ni Jelly sa akin at inayos na ang pagkain namin sa lamesa.

It was past lunch time already. Ngayon pa lang ako kakain dahil maaga pa lang ay nag-meeting na kami para sa product development.

Maganda ang feedback na natanggap namin para sa rejuvenating set namin kaya gusto ko rin na maglabas kami ng pang-maintenance set pagkatapos.

Aside from that, tinatrabaho rin namin ang makeup line namin.

Gusto kong maging successful ang negosyo ko dahil ayaw ko naman na habambuhay na lang akong makilala bilang pamangkin ng bise presidente, o kaya naman ay pamangkin ng dating presidente.

"As usual, ang daddy," sagot ko bago tumayo at nagtungo sa may lamesa na nasa loob ng opisina ko para makakain na rin.

Natawa ng mahina si Jelly. "Hindi na talaga kayo nagkasundo ni Tito, ano?"

I just let out an exhausted sigh.

I know that I should also make an effort for us to be okay, but... I can't.

Mas lamang na naiinis na ako agad sa kaniya kaya pinipili ko na lang na hindi magsalita at sundin na lang ang gusto niya kaysa magtalo pa kami.

Pero kung minsan ay hindi ko rin talaga mapigil ang sarili ko at nasasagot ko siya.

"Hayaan mo na iyon," sabi ko na lang para hindi na namin pag-usapan ang relasyon namin ni Daddy. Hindi naman din dahil best friend ko si Jelly ay sasabihin ko na ang lahat sa kaniya.

I can't expose all our dirty linens. I trust her, but I still need to be careful. Tama nang alam niya na hindi kami nagkakasundo dahil sa mga differences namin ni Daddy, at dahil na rin kay Mommy. Hindi na kailangan ng iba pang detalye roon.

"Uuwi ako ng maaga mamaya para mag—"

"Gym?"

Napatingin ako sa kaniya.

"One week ka na atang hindi nag-gi-gym, ah? Babalik ka na?" Inosente ang pagkakatanong ni Jelly sa akin.

Well, nothing really happened at the gym. It's just that... I don't know. After meeting that snobby guy—and having him tell me straight to my face that the gym isn't a place to fuck—I didn't feel too comfortable going back.

Though, I did return the next day—but he wasn't there.

At isang linggo na nga akong hindi nakabalik dahil iniisip ko na baka makita ko na naman ang lalaking iyon at kung ano na naman ang sabihin.

Nagtatalo sa isipan ko na gusto kong bumalik para matignan kung naroon siya, o huwag bumalik dahil baka naroon siya at maalala niya ang nangyari at makilala pa niya ako!

Oo, nakikipag-date at halos nagpapalit-palit ako ng boyfriends, pero wala naman akong planong maeskandalo dahil sa nangyari kung bigla nitong ipagkalat iyon.

Hindi ko naman din na-check ang pangalan niya sa member's list ng gym dahil ayoko naman na masisante ang staff doon kung sakali.

"Maghahanap ako ng maisusuot bukas," pagtatama ko sa sinabi ni Jelly.

I have dresses at home that I can use. Baka magpa-make up at magpaayos na lang ako ng buhok para bukas.

"You'll bring Cyrus with you?"

That's another thing on my mind. If Cyrus finds out there's a party and I didn't invite him, he's going to sulk—not that I care, but still... I just don't want to deal with drama from all the men in my life.

We've been seeing each other for over a month now. Honestly, he might be my longest relationship in the past six months. And we're okay. He's okay.

He's handsome, rich, and has a great body—not that I've seen him naked or anything, but I already saw him shirtless.

Okay naman talaga siya at wala naman din akong masiyadong maipipinta sa kaniya, pero masiyado siyang malibog.

In the past month, he's asked me more than once to sleep with him, to have sex with him. I always say no, and we just end up making out instead.

Hindi natatapos ang isang linggo na hindi niya ako yayayain.

"Yeah. I will bring him with me," tumango ako bago nagpatuloy na sa pagkain.

Nanatili pa muna ako sa opisina para mag-check pa kami ng mga kailangan at para kumuha na rin ng mga personal stocks ko na skincare bago ako umuwi ng bahay namin.

"Hi, babe. What is it? You missed me?" sagot ni Cyrus sa telepono nang tawagan ko ito habang nagmamaneho ako.

"Are you free tomorrow night?" I asked while I was watching the road.

"Hmm? Tomorrow?" He chuckled.

Nagsalubong ang mga kilay ko at sinulyapan ang cellphone kong naka-mount sa mat sasakyan. Naka-loudspeaker ako dahil ayoko ngang mahuli ako.

"Yes, Cyrus. Tomorrow night."

"I am free, babe," may sigla ang tinig nito. "Should I book a hotel? Or... you want to do it in my house?

I suppressed a groan.

Siyempre ay akala niya na pagbibigyan ko na siya.

"I have a party to attend to, I will be needing a date, Cyrus. My uncle will be there and probably the President as well. So, make sure to look good."

"What?"

"I have to go, I will send you the details, okay?" Ibinaba ko na rin agad ang tawag at patuloy na nagmaneho pauwi.

Pagdating sa bahay ay nag-check na ako agad ng damit na magagamit ko bukas at nag-contact na rin ako ng hair and makeup artist para ayusan ako.

Hindi naman sobrang biglaan ng party dahil alam ko na iyon, sadyang wala lang akong plano na magpunta.

Sa bahay na lang ako nag-work out ng hapon na iyon para makapagpapawis ako.

Kinabukasan ay hindi na ako nagpunta sa opisina. I just worked remotely to talk to Jelly and the others and approved their proposals. Mabuti na lang din talaga at katulong ko si Jelly sa negosyong iyon.

Determinado talaga akong mapalago iyon lalo at noong una, tutol si Daddy sa plano ko. Marami na raw ang ganoong negosyo, at ramdam ko na wala siyang tiwala sa akin.

Gusto kong patunayan na mali siya at so far, maayos naman ang takbo ng negosyo ko.

Nang dumating ang mag-aayos sa akin ay naging abala na ako para sa paghahanda para sa party.

Ipinalugay ko na lang ang buhok ko na bahagyang kinulot at nilagyan iyon ng mga munting perlas para sa disenyo. I asked for a not too heavy makeup, too.

Pasado alas sais ay nakahanda naman na ako at magpapalit na lang ako ng damit.

I slipped into the dress I chose last night. The smooth black fabric hugged my curves like a second skin. The halter neckline, held together by a sleek gold bar, framed my collarbones perfectly before plunging into a deep V-cut that left just enough to the imagination.

Habang tinitignan ko ang sarili sa salamin, naiisip ko na ang magiging reaksiyon ni Cyrus kapag nakita ako.

Should I change into something more... covered?

Pero wala naman na akong panahon na maghanap pa ng isusuot, ata ayaw ko naman din na magpalit dahil lang alam kong maapektuhan si Cyrus sa suot ko.

Pakialam ko kung malibugan siya?

I can always say no to him. It's not like I like it when he's horny anyway.

The dress felt bold—daring—but not too much.

Sadyang mababa lang ang neckline na aabot na halos sa may pusod ko at nababakas ang gilid ng magkabilang dibdib ko.

I just put nipple tapes on my nipples to protect them.

I glanced at my reflection, tilting my head. It was elegant yet sinful, powerful yet effortless.

Before I went out, I grabbed my purse and sprayed perfume on my body and hair.

Muli kong sinulyapan ang sarili sa salamin bago ngumiti ng maliit at tuluyan na ring lumabas.

Sa may hotel na kami magkikita ni Cyrus dahil ayaw ko rin na magpasundo sa kaniya sa bahay namin.

Ako na mismo ang nagmaneho ng sasakyan ko. Hindi na rin kami nagsabay ni Daddy sa pagpunta roon.

It was past seven o'clock when I arrived.

Sakto naman din na tumawag sa akin si Cyrus para sabihin na naroon na rin siya at nagpa-park lang ng sasakyan kaya hinintay ko na muna para sabay na kaming papasok.

"Good evening, Sue," bati sa akin ng ilang naroon.

I smiled at them and gave them a nod.

Of course, I have practiced my smile already.

Minsan na rin akong nakuhanan ng press na hindi nakangiti at nasabihan na agad ako na nakasimangot o masama ang loob, mataray at kung ano-ano pa.

I wanted to tell them that I am still a private citizen but since I am doing business, I am the face of my business, and I am connected with the Vice President, I have to act accordingly.

"Sue," Daddy approached me with a smile. "I'm glad you're here."

"You wouldn't stop bugging me if I didn't come," I replied with a smile of my own—especially with the camera right in front of us.

"Let's go inside," aya niya sa akin.

"I am still waiting for someone," pigil ko sa kaniya.

Nagsalubong ang kilay ni Daddy. "You brought a date?"

"Why? Bawal?"

He looked at me and shook his head. "No, but I want to meet him, okay?" sabi nito.

Bago pa ako makasagot ay may tumawag na rin dito kaya tumingin na lang sa akin at pumasok na sa loob.

I remained standing while waiting for Cyrus. Malapit na rin akong mainis sa tagal nito.

"Good evening."

Napaangat ako ng tingin nang marinig ang tinig na iyon.

Agad kong hinanap kung saan galing iyon at tila nanikip ang dibdib ko nang makita ang lalaki sa gym!

Napatalikod ako para itago ang sarili mula rito na para bang ayaw kong makita niya ako roon.

What the hell is he doing here?

Kumakabog ang dibdib na marahan akong sumulyap sa gawi nito.

Right now, I can't see his biceps, but... he looks damn good in that suit. Clean, dapper, even. His hair is neatly combed, every strand in place, and that serious expression of his? It somehow makes him look even more... uhm... handsome?

He's not smiling, but that doesn't make him any less attractive.

He was talking to one of the staff there, maybe asking for directions or something.

I scoffed, still watching him.

Alright, he's good-looking... but he's a snob.

And aside from the fact that he said all those things just because Cyrus was kissing me—which, for some reason, is affecting me way more than it should—I wanted to tell him that we weren't going to fuck there at the gym. Or that Cyrus and I were never going to fuck, ever.

When I introduced myself to him, he ignored me and told me that he's not interested.

Ang kapal.

"Babe."

Napalingon ako nang may tumawag sa akin at nakita ko si Cyrus na naroon.

"Sorry, it took me a while to park," he said and leaned to kiss me but I looked away. Sa may gilid lang ng labi ko lumapat ang labi niya.

"It's okay," sabi ko na lang at huminga ng malalim at ikinawit ang kamay sa braso niya para pumasok na rin sa loob.

"You look so fucking good right now," Cyrus commented, he leaned closer to me and I felt his lips on my ear shell.

Para akong kinilabutan.

I didn't need to look at him to see lust in his eyes, his voice was already filled with it.

"We're at a party, Cyrus. Control yourself," I told him, trying to steady my voice so he won't notice that I am uncomfortable.

"Can't help it, you look so hot."

Umiling na lang ako at patuloy na kami na naglakad para makihalubilo.

Ang mga mata ko at alerto rin kung sakaling mamataan ko ang lalaki.

He's here, that means he's invited.

"Sue, you're here."

Lumapit sa amin si Nate, kasama niya ang girlfriend na si Alec.

"Hi, Sue," she smiled at me. "You looked good!"

"Thanks, Alec. You looked so pretty, too," I responded.

"Hi, Nate! I am Cyrus," pakilala ng lalaking katabi ko sa pinsan ko.

"Hi," Nate accepted his hand but then he looked at me. His eyes questioning me.

I just shrugged a little.

He just smirked and snaked his arm around Alec's waist again.

"Let's go, baby. Dad's waiting for us," he said before excusing themselves.

"See you later, Sue," paalam naman din ni Alec.

"Your cousin's girlfriend is also hot."

I looked at Cyrus. "Seriously?"

"What?" He chuckled and put his arm around my waist. "I am just being appreciative, babe. You don't have to be jealous," he added before pecking on my lips.

I rolled my eyes and looked away only to meet the snob guy's gaze.

He was looking at me while he was drinking.

My pulse raced, my breath hitched.

Para akong na-conscious bigla.

"Let's just... go and take a seat," sabi ko kay Cyrus na nakangiting tumango sa akin.

Nakipagkamustahan lang din ako sa mga kakilala namin na naroon bago kami naupong dalawa ni Cyrus para na rin kumain.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na rin muna kami papunta sa may garden sa likod kung saan malamig ang simoy ng hangin dahil sa dagat na naroon.

My foot hurts and I badly wanted to go home now, too. Kapag ganitong birthday ng Senate President, alam ko na hindi agad natatapos ang party pero ayoko naman na magtagal pa rito.

"You really looked hot in your dress, babe..." lumapit sa akin si Cyrus.

Tumayo sa likod ko at niyakap ako.

Ang mga labi niya ay naramdaman ko sa may balikat ko at agad akong napaigtad at humarap sa kaniya.

"It's getting late, Cyrus. I will look for my dad and—"

"No, we can just stay here for a while, babe," he looked around and grinned. "No one is here. We can... do some things."

This horny ass is really something.

I pushed him away a little to create a space between us. "Cyrus, I told you, I am tired and—"

"And what, Sue?" parang nainis na ito. "You'll tease me with that dress and make me freaking horny and then tell me you want to go home?"

I looked at him and scoffed.

"First of all, I didn't wear this dress to tease you. It's not my fault that you easily get a hard-on whenever you see some skin and—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang hilahin niya ako at halikan ng mariin.

Nanlaki ang mga mata ko.

Higit na mas malaki siya sa akin kaya naman mahirap na itulak siya.

"Cyrus, ano ba—" hindi ako makapanlaban lalo nang ipiin niya ako sa may pader.

I still try to push him away.

"You won't get to stop me now, Sue," he uttered, his voice deep and filled with lust.

Fuck this.

"Cyrus, don't—" my eyes widened when he cupped my boob and squeezed it.

Sinubukan ko siyang muling itulak pero hinila niya ang damit ko dahilan para mapigtas iyon.

"Ano ba—"

"I believe the lady is asking you to stop."

Cyrus froze at the voice and turned toward its source.

I did the same, my gaze landing on a man leaning casually against a thick post, his eyes locked onto us. The area was dimly lit, but even in the shadows, I could feel the weight of his stare—piercing, unwavering.

Agad kong sinamsam ang damit ko para matakpan ang dibdib ko.

Cyrus chuckled. "Just go back inside. My girlfriend just likes it rough, that's all."

I shot him a glare before shoving him away, still holding my dress to cover my chest.

"That's not what I saw," he said before looking at me. "She's obviously pushing you away. She doesn't like what you're doing."

Cyrus scoffed. Halatang napipikon sa sinasabi ng lalaki.

"Sino ka ba? Ano bang pakialam mo? Bumalik ka na nga sa loob at iwanan mo kami rito. Pakielamero."

Muli siyang bumaling sa akin at hinawakan ako para muling hilahin pero itinulak ko siya.

"I told you to stop! Huwag kang lalapit sa akin!"

Tinignan ako ni Cyrus. "Come on, Sue. We both know you wanted this, too. Bakit ba nagpapakipot ka pa?"

Akmang lalapit pa siyang muli sa akin pero mabilis na hinawakan ng lalaki ang braso nito.

He twisted his arm and put it on his back before kicking the back of his knee to make him kneel down.

"Aba't gago—"

"Move and I will break your arm," the snob guy's voice was deep and dangerous.

"Bitawan mo nga ako!" Pumipiglas pa rin si Cyrus at tumingin sa akin. "Come on, Sue! Tell him to let me go!"

I clenched my fists and looked at the guy who turned his gaze on me.

His defined jaw tightened as he held Cyrus's arm harder. Napa-igik sa sakit ang lalaki.

"Keep your dick in your pants, and don't force yourself to a woman," tinulak na ng lalaki si Cyrus kaya nasubsob na ito sa madamong part ng garden.

Tumingin sa akin ang lalaki.

Pinamulahan ako ng pisngi nang maramdaman ang init ng tingin niya sa akin.

He removed his coat and draped it over my shoulder to cover myself before he walked away.

Si Cyrus naman ay tumayo habang hawak ang braso na tila nabalian yata.

"Hoy! Bumalik ka rito!" Paghahamon nito.

I grimaced before I walked away from him, holding the coat to cover me. Tinatawag niya ako pero hindi na ako lumingon sa kaniya at dumiretso lang.

Halos nasa likod lang ako ng lalaki nang huminto ito kaya napahinto na rin ako.

Tinignan ko siya.

"I..." hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko.

He saw what happened...

"I... I'd appreciate it if... if you won't tell anyone what happened..."

Ayoko naman na may makaalam sa nangyari. Sigurado akong magagalit si Daddy, posible pa na mapahiya ang Bise Presidente kung may makakaalam sa nangyari ngayon.

I also need to make sure Cyrus won't say anything about this.

That asshole.

"Kanino ko naman sasabihin ang nangyari?" He scoffed. "You should go home. I didn't break his legs, he can still follow you."

I nodded.

He turned around, but I grabbed his polo to stop him.

"Your coat..." I was still wearing it.

He glanced at me, his expression unreadable.

"Keep it, throw it, burn it. Ikaw na ang bahala. You don't have to give it back," he said. "Just go home safe—and maybe dump your boyfriend. You're better off without him."

What?

And he continued walking away from me.

Mas lalo akong na-curious kung sino ang lalaki at hindi ko alam kung gusto ko ba siyang makitang muli o hindi na.

I sighed heavily and the snob guy's scent lingered in my nostrils.

Gwapo na mabango pa.

Masungit lang talaga.

***

This story is complete and available on Patreon, VIP Group and Spaces.

Send a message to my FB page: Vampiremims to join.

Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz