Twenty Four Seconds No Longer Complete
A/N: This is also available on Google Play. :) Please support me there as well. Salamuch!**********
Tumitingin-tingin si Shelby sa naka-display na mga damit sa isang branded section ng Macy's nang biglang may marinig na bulungan sa kanyang likuran. Nang lingunin niya'y pasimpleng tumingin kunwari ang dalawang brunetter sa mga istante ng mamahaling bags."She's too beautiful to be a mistress," narinig uli niyang sabi ng isang babae. Klarong-klaro. Tapos binanggit nito ang pangalan ni Alfonso.Pinangunutan ng noo si Shelby, pero minabuti niyang huwag pansinin ang dalawa. Nagbingi-bingihan siya. Ang importante sa kanya nang mga oras na iyon ay ang mapag-aralan ang disenyo ng mga best seller na mga damit ng isang kilalang brand para sa high end customers niya."Poor little wife. She should have accompanied her husband to that charity event. Things would have turned out differently had she been there," patuloy pa ng isa.Hindi na nakatiis ang dalaga. Nilapitan niya ang dalawang brunette. "Are you talking about me?" Napapitlag sila sa gulat. "Oh, no! Of course not!" At dali-dali silang umalis.Nahagip ni Shelby ang pagngiti ng isang itim na sales clerk na nakamasid pala sa dalawang tsismosa kanina pa. Nagkomento pa itong naglilipana na raw sa paligid ang mga matatabil ang dila. Huwag na lang daw niyang intindihin. Bahagya niyang tinanguaan ito at umalis na rin doon.Pauwi na siya sa condo nila ni Dane nang tumawag ang kaibigan. Huwag na raw siya munang tumuloy doon dahil ang dami nang nakaabang sa kanyang reporters. Gusto raw talaga siyang makuhanan ng pahayag sa muntik-muntikanan nang pagsuntukan ng isang three-time MVP at isang team owner ng NFL club. Malaking isyu raw ngayon iyon dahil nga sangkot ang mga VIPs ng football clubs. Napahilot ng sentido niya si Shelby at nainis siya kay Alfonso. Hindi sana niya maa-attract ang atensyon ng mga paparazzis kung hindi dahil sa dating nobyo. Noong nakaraan ay umepal din ito sa kunwari'y dinner date nila ni Gunter. Tuloy ay napagtagni-tagni na siguro ng mga paparazzi ang mga pangyayari at nagkaroon na sila ng mga pagdududa. Iniisip na may pagtingin pa rin ang dati niyang nobyo sa kanya. Kung siya ang tatanungin, sigurado siyang wala. Nandoon siya noong ianunsiyo ni Alfonso at Teresa ang kanilang engagement. She saw how her former boyfriend looked at his fiancee who is now his wife. Kaya nga labis siyang nasaktan. Dahil ang dating klase ng tingin na sa kanya lamang binibigay ni Alfonso ay nabaling na kay Teresa. Pakiramdam niya ang nararamdaman lamang nito ngayon sa kanya ay guilt o awa. Ang tagal din kasi nila. Almost a decade. Hindi madali ang paglimot sa halos isang dekadang pagsasama kahit na wala nang love. Nakailang minuto na siyang paikot-ikot sa Manhattan nang mapansin niyang mayroong bumubuntot sa kanya. Bigla ang pag-atake ng kaba at takot sa dalaga ngunit pinilit niyang magpakatatag. She convinced herself that maybe the other driver was just going in the same direction as where she wanted to go. Pero nang sinubukan niyang lumiko kada corner na madaanan niya at lumiliko rin ito, doon na siya nabahala. "Shucks. What should I do?" naibulalas niya nang malakas. Dinampot niya ang cell phone sa dashboard ng sasakyan at pinindot ang numero ni Morris. Ang alam niya'y nasa New York pa ito at may kausap na investor sa video game company nila ni Moses. Kaagad namang sumagot ang kuya niya. "Where are you?" tanong nito. Nandoon na ang urgency sa tinig.Sumulyap si Shelby sa labas ng kanyang bintana at nangunot ang kanyang noo. Hindi pamilyar ang lugar sa kanya. Ang nakababahala pa ay ang kawalan ng mga buildings o mga bahay man lang malapit sa gilid ng daan."Shelby, are you listening?" Si Morris ulit.Nase-sense na ng dalaga ang takot at pangamba sa boses ng kapatid kaya pinatatag niya lalo ang tinig. Subalit, gumaralgal iyon nang maramdaman niyang may tila bumangga sa likuran ng kanyang sasakyan. Napapitlag nga siya dahil doon. Ang sumunod na pagbundol ay malakas na kung kaya nabitawan niya ang hawak-hawak na cell phone. Hindi na niya iyon napulot dahil napakapit na siya sa manibela nang dalawang kamay. Binilisan niya pa ang takbo ng kotse pero binilisan din ng bumubuntot sa kanya ang takbo ng sasakyan nito. Sumulyap ulit si Shelby sa labas ng bintana at nadagdagan ang nerbiyos na naramdaman nang makitang nasa labas na nga siya ng Manhattan."Oh Jesus, please help me, Lord!" nausal niya nang malakas. Magpe-pray pa sana siya nang bigla siyang napasigaw sa lakas ng impact ng pagbundol sa rear part ng kanyang Mercedez Maybach. Dahil ang lapit-lapit na ng bumubuntot sa kanya nakita na niya nang malinaw kung sino ang driver. Puti ang nasa manibela at mukhang criminal! Balbas-sarado ito at nakatingin nang matiim sa kanya. Takot man ay nanaig pa rin ang pagnanais ni Shelby na mapagtagumpayan ang sitwasyon kung kaya ay pina-swerve-swerve niya ang sasakyan para at least ay hindi siya madaling mabangga nito. Nang makakita siya ng buwelo ay bigla siyang lumiko. Ginaya rin sana siya ng mama, pero hindi nito nakita ang concrete barriers sa tabi ng daan. Sumalpok ang minamaneho nitong BMW roon. Dinampot agad ng dalaga ang cell phone sa paanan niya at kinuhanan ng larawan ang plate number nito. Tapos ay pinaharurot na ang sasakyan pabalik ng Manhattan. Nang malayu-layo na sa lalaki, pinindot niya ang 911 at ni-report ang insidente at pinadala ang plate number ng mama. Halos nasa bukana na siya ng Manhattan nang maabutan na naman siya nito. Babanggain na naman sana siya nang bigla itong umatras dahil sa alingawngaw ng paparating na 911 responders. He drove like crazy to the opposite direction. No'n lang nakahinga nang maluwag si Shelby. Naitabi niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at napahagulgol siya habang nakahimlay ang ulo sa manibela.**********Nasa meeting si Gunter kasama ang mga architect at engineers na gagawa ng renovations ng mga newly acquired hotels nila sa California nang bigla siyang makatanggap ng balita tungkol kay Shelby San Diego. Tinext iyon ng kanyang assistant. Nasa evening news daw. Kaagad niyang tsinek sa cell phone ang naturang balita at nakita niya ang early video clip kung saan lumalabas ng sasakyan niya ang dalaga at tila nanginginig pa sa kung ano man ang nangyari sa kanya."Are you okay with the plan, sir?" untag ng isang architect sa kanya. Tinuturo nito ang isang parte ng blue print na naka-flash sa screen ng projector.Napasulyap lang siya rito habang tumatawag sa telepono. Tapos nang mag-ring na ito'y dali-dali siyang napatayo at napalabas ng coonference room. Nakasalubong niya roon si Frederick na tila kabadong-kabado rin."Sir, Ms. Shelby was chased by a paparazzi. She's now with the 911 responders. I think she's being brought to the hospital as we speak.""Go tell them in the conference room that I'll respond to their queries through email later on. I have to go now." At dali-dali nang bumaba ng ground floor si Gunter. First time niyang natakot nang ganito. Grabe nga ang kabog ng kanyang dibdib. Nang nagda-drive na sa kalye saka niya naalalang hindi niya pala alam kung saang hospital dinala ang dalaga. Kailangan pa niyang tawagan ang assistant tungkol dito. Pagkatanggap ng impormasyon, dali-dali niyang pinasibad ang kotse papunta sa kinaroroonang ospital ni Shelby."Shelby! Shelby! Hey," bati niya rito. Mula sa tila humahangos hanggang sa naging kalmado ang tono niya sa pagtawag dito. Nandoon na kasi ang dalawa nitong kapatid. Nakayakap at humahagud-hagod sa likuran ng babae.Shelby looked a bit shaken but she seemed fine. Bahagya siyang tinaguan nito. Dahilan para lumingon ang dalawa nitong kapatid. They looked at him with stern faces, but unlike their older brothers they seemed a bit calm and composed. Kasi kung iyong kambal o iyong isang hambog ang nandoon, natitiyak ni Gunter na kinatay na siya sa tingin pa lang."Hi there. You must be Moses, right?"Tumango ang lalaki pero hindi ito nagsalita. Gunter congratulated himself for remembering his name. He has a hard time doing that with others so it was an accomplishment. Tapos binalingan niya ang isa pang kapatid. Ang alam niya kapangalan ito ng isang brand ng sigarilyo. Inisip niyang mabuti. Mahirap nang magkamali. Nang maalala na ito'y napangiti siya nang malawak."Morris, right?"Bahagyang kumunot ang noo ng tinawag na Morris, pero tumangu-tango rin ang lalaki. Si Shelby nama'y napanganga sa kanya. At sinabi pa nito ang pagkamangha na naalala pa raw niya ang mga pangalan ng kapatid."How are you, Shelby? Are you all right? Are you hurt?" sunud-sunod na tanong niya. Napangiti si Shelby sa urgency sa boses niya."No. I'm fine."No'n naman dumating ang isang police officer at gustong makahingi ng dagdag na statement sa dalaga. Nang marinig dito ni Gunter kung ano ang tunay na nangyari napakuyom siya ng mga palad at kaagad na nagsabi sa police na kailangan mahuli na nila ang salarin sa lalong madaling panahon."I'll offer a reward for that motherfucker's capture!" galit pa niyang wika.Napatigil lang siya sa sasabihin pa sana nang makita niyang napa-flinch ang dalaga sa very crude word niya. Humingi siya rito ng paumanhin at kinausap nang silang dalawa lang ang pulis. Pagbalik niya sa magkakapatid naghahanda na ang mga ito na umalis doon. Nagmungkahi siya sa mga ito na hintayin muna ang dalawang pulis na magko-convoy sa kanila patungo sa kanilang tirahan."I requested for them myself," pagbibida pa niya. Akala niya'y magugustuhan iyon ng magkapatid. Hindi pala. The brothers ignored here. Tanging si Shelby lamang ang naka-appreciate. Pinasalamatan siya nito. But then when her brothers heard her, they kind of pulled her arm. Hindi matiyak ni Gunter kung ano ang ibig sabihin no'n. Saka lang siya naliwanagan nang magsalita si Moses."There's no need for that. We are here now. We can take care of our little sister." Hindi na nagsalita pa si Morris, pero mabilis itong umalalay sa kapatid at naglakad na silang tatlo patungo sa exit door ng ospital. Walang nagawa si Gunter at ang kasama nitong pulis. Pakiramdam ng binata napaka-useless niya nang mga sandaling iyon.Lulugu-lugong susunod na lang sana siya sa tatlo at babalik na rin ng upisina nang biglang huminto si Shelby. Nasa bandang labasan na silang tatlo ng ospital no'n. Ngumiti ang dalaga sa kanya and she mouthed the words 'thank you' again. Daig pa ni Gunter ang isang teenage boy na naka-score ng kiss sa crush niyang girl. Kulang na lang ay sumuntok siya sa ere at mapa-'yes' nang wala sa oras. Siguro kung hindi nakatingin ang pulis ay nagawa nga niya iyon. Pero dahil may audience siya tanging malawak na ngiti lamang ang kanyang napakawalan.**********Napa-double take ang dalawang security personnel sa labas ng bulwagan ng pinakamagarang hotel sa New Jersey, ang New Jersey Peninsula, nang makita nila ang dalawang magkakaibigang Shelby at Dane na magkahawak-kamay pa habang papasok sa naturang silid. Iniisip marahil nila na couple ang dalawa. Hindi kasi gawain ng mga taga-roon ang paghawak-kamay kahit na magkakaibigan. Usually, only couples do it."Ano sa tingin mo ang iniisip nila sa atin?" nakangising tanong ni Shelby kay Dane."Ano pa? Alam mo namang marurumi ang utak ng mga iyan," sagot naman ni Dane. Magsasalita pa sana ito nang biglang namilog ang mga mata. Napalingon nga si Shelby sa tinitingnan nito. He looked familiar to her."Who's that guy?" pabulong niyang tanong dito."That's the CEO and founder of Graffiti!" excited na sagot ni Dane. Tapos kinuwento kay Shelby kung ano na ang narating ng T-Shirt company na iyon. "Biruin mo, nagsimula lang iyon sa pagtinda-tinda sa garahe. And now, look at how far they've gone. Mayroon na silang store kahit sa Africa at Middle East!"Napailing-iling si Shelby habang nakangiti. Basta tungkol sa mga posible nitong maging the one, alerto ito. Ang dami agad nasasagap na balita.Sumulyap pa si Shelby sa lalaki one more time. May hitsura naman. Pero parang ang liit. Siguro ni wala pang five feet nine ito. Mas matangkad pa siya. "I know what you're thinking," nakangising pahayag ni Dane sa kanya. "Hindi siya katangkaran. Okay lang iyan! Maliit naman ako, eh. Bagay kami." At humalakhak na ito. Hinila na siya ni Dane papasok sa loob ng bulwagan nang makita nitong pumasok na rin ang lalaki. Kung ang kaibigan niya'y puro romantic prospect ang pinagtuunan ng pansin sa party na iyon, siya nama'y posibleng maging supplier ng telang kakailanganin niya. Maganda itong party na ito dahil pinapakilala ang lahat ng nasa fashion industry sa mga nag-su-supply ng raw materials. May nais kasing kausapin doon ang dalaga. Ang alam niya'y Pinoy din sila. Hinahanap nga niya agad iyon nang biglang may humarang sa daraanan niya."Gunter!" gulat na gulat niyang bati. Hindi niya sukat-akalain na makikita roon ang lalaki gayong para iyon sa mga nagnenegosyo sa larangan ng fashion."You seemed shocked to see me here," sabi nito. Nakangiti. As usual, he was impecabbly dressed in a gray Dolce and Gabbana suit."Yeah. Because this gathering is meant for the fashion industry," sagot niya rito.Napatingin bigla si Shelby kay Dane nang tila may gusto itong sabihin. Kanina pa kasi nito hinihila ang kamay niya para kunin ang kanyang atensyon."Bakit?" pabulong niyang tanong dito. "Iwan muna kita rito. May pupuntahan lang ako," tila kinikilig nitong wika.Napasulyap si Shelby sa unahan at nakita niya ang CEO ng Graffiti at tila walang kausap. Napangiti siya sa iniisip na gagawin ni Dane. Binigyan niya ito ng basbas at sinabihang huwag siyang alalahanin. Matapos makabati kay Gunter ay dali-dali nang umalis asa tabi nila si Dane."I'm so happy to see you here without your brothers," nakangiting sabi ni Gunter.Pinangunutan niya ito ng noo kunwari. Immediately Gunter looked worried."Oh, no! I do not mean to offend you or something. I was just---""I was just kidding," nakangiting putol ni Shelby sa sasabihin pa nito.Gunter suddenly grinned like a little boy. Naglakad-lakad na silang magkasama. Nang mapasulyap sa paligid si Shelby, napansin niyang nakatuon sa kanilang dalawa ang atensyon ng nakararami. Sinulyapan niya nang palihim ang kasamang lalaki. And she felt honored to be walking on his side. Tama nga naman si Dane. Si Gunter ang isa sa mga blonde guys na maangas ang dating. Usually kasi ang tingin niya lang sa mga ito ay pretty boys. Pero itong lalaking ito, boyish man ang features may angas pa rin. Iyong tipo na kahit mukhang kagalang-galang na CEO ay kaya pa ring mangbalibag ng hoodlum kung kinakailangan. Naalala niya tuloy si Matias. Tingin ni Shelby may pagkakahawig sa isa niyang kuya ang aura ni Gunter."Hi there, Gunter!" lapit ng isang blonde woman. Namukhaan agad ito ni Shelby. Nakita niya ito sa birthday party ni Adeline. Kung hindi siya nagkakamali'y isang aspiring actress ito. Anak-mayaman din. She was wearing a princess-style red gown. Sa tantiya ng dalaga'y hindi nalalayo ang edad nilang dalawa."Hello, Sofia," bati naman ni Gunter dito at nagpatuloy na sa paglakad kasama si Shelby. Naasiwa nang kaunti ang huli dahil tila hindi na iyon pinansin ng kanyang kasama. Subalit parang ayaw pang bumitaw ng blonde woman. Katunayan, bumuntot pa ito sa kanila at pilit na nakikipag-usap kay Gunter. Sa tingin ng dalaga, determinado itong kuhanin ang atensiyon ng binata. She did not know what to do. She felt awakward. Nang maispatan ni Shelby ang isang piña fabric producer, nakakita siya ng pagkakataong umalis sa tabi ng binata. Nagpaalam naman siya nang maayos."I'll go with you," sabi nito.Ikinabiga iyon ni Shelby. Napasulyap pa siya kay Sofia. Siguro na-sense ni Gunter ang inaalala niya, kung kaya ay ito na ang tahasang nagpaalam din sa babae."Excuse us, Sofia."Nakita talaga ni Shelby ang pag-asim ng mukha ng starlet at ang pagtingin nito nang masama sa kanya. She felt bad. Pero hindi naman niya sinadya iyon. Katunayan, gusto pa nga sana niyang pagbigyan ito na makasama ang binata.Papunta na sila sa piña fabric producer nang biglang sumulpot si Mrs. Albrecht mula kung saan. Nandoon pala. At no'n lang napag-alaman ni Shelby na sinamahan pala ito ni Gunter doon. Bumati siya rito pero bahagya lang siyang tinanguan ng ginang. Ngayon ay naglalambing ito sa anak na samahan daw sa isang producer ng batik fabric nang makilala rin daw nito ang isang royal princess ng Indonesia."Is Randolph not here? Why don't you ask him to accompany you this time?" mahinahon namang tanggi ni Gunter sa ina. At hihilahin na sana si Shelby palayo pero naging mabagsik ang tono ni Mrs. Albrecht."Gunter Klaus! Come back here!""I'll be okay on my own," sabi ni Shelby kay Gunter at hinimok pa niyang pagbigyan ang ina nito. Umasim ang mukha ng binata pero bumalik din ito sa tabi ng mom niya at magkaabrasiyete nang pumunta sa batik fabric producer.Mayamaya nang kaunti, may lumapit naman kay Shelby na isang kapita-pitagang babae. She was exquisitely dressed. Katulad niya'y isa rin itong Asian. Nginitian siya nito bago nagpakilala."You must be Shelby San Diego," paunang salita nito."Yes, I am. How do you know me?" tanong niya rito."I'm Princess Widya of Indonesia and I'm a big fan of yours. I wish you can design a gown for me," nakangiti nitong sabi. Napanganga si Shelby. Nabitawan pa niya ang tinitingnan-tingnang tela ng piña at napaharap na siya nang husto sa prinsesa.Noong mga panahong iyon, walang kaalam-alam ang dalaga na iyon pala ang magbubukas sa kanya sa mundo ng mga royal families.**********"Sir, would it be okay for me to have the night off tonight?" deretsahang paghingi ni Frederick ng pahintulot kay Gunter. Nasa upisina sila ng huli sa Skylark Quandt Building nang mga oras na iyon. Sinulyapan niya lang ito at nagpatuloy na siya sa pagre-review ng mga kontrata sa kanyang harapan. Kailangan niya kasing matapos agad ang ginagawa. Mayroon kasi siyang hinahabol na deadline para sa mga ito."Sir, I cannot miss this event. My favorite video game producer is in this party as well.""I'm busy tonight, Frederick. I cannot afford NOT to have you."Napakamot-kamot sa uli si Frederick. Ang tagal niya kasing hinintay ang pagkakataong ito kung kaya nagbakasali siya uli gayong nasagot na siya ng amo."I said, I am busy tonight!" bulyaw ni Gunter sa assistant."Okay, sir. But just allow me a few minutes. I'll just have my video game signed by the video game creator himself and I'll go with you whereever you wanna go."Gunter glared at Frederick one more time but he agreed. Pero pinagtabuyan nito agad ang huli. Huwag na raw muna siyang istorbohin until 6:00 P.M. that evening.Nang gabing iyon, pagbalik ni Frederick sa upisina ni Gunter, imbes na nakasuot ito ng suit gaya ng nakagawian, nag-pantalong maong at t-shirt na puti lang ito. Tinaasan ito ng kilay ng kanyang amo. "Sir, the people who would be there are all dressed like this. You will look different if you wouldn't change into something casual," nakangiting sabi ni Frederick kay Gunter tapos ay humugot ito ng isang faded maong jeans at isang itim na Margaux Quandt T-shirt sa loob ng built-in closet. Sinimangutan ni Gunter ang mga iyon nang pinirisinta ng assistant na isuot niya raw. Pero nang makita ang mga larawan ng past parties ng naturang industry ay napahinuhod din ang binata. Ayaw niya ring magmukhang kakaiba roon.Malayu-layo pa sila sa naturang event hall, dinig na ni Gunter ang nakakabinging ingay. Napailing-iling siya. At tulad nga ng sinabi ni Frederick ay puro nakapantalon o shorts ang mga nagpunta sa gathering na iyon. Karamihan ay mga teenagers na lalaki pa. Daig pa niya ang napuntang club ng mga bagets. Mayroon na rin kasing nagsipagsayawan sa gitna ng hallway. Sa gilid naman ay mga iba't ibang video game companies and their latest releases."Why the hell did you bring me here?" walang kaekspre-ekspresyon na sita ni Gunter sa assistant na para bagang isang ama sa anak na lalaki. Tinawanan lang siya nito."I told you. If you insisted on wearing your suit, you would have been the odd one in the group. You would look like a dad.""I'll wait for you in the car," sabi nito at babalik na sana sa sasakyan niya nang may mahagip na pamilyar na mukha. Ang dalawang kapatid ni Shelby San Diego! Kung hindi siya nagkakamali, iyon ang Moses at Morris! Kahit mga kuya pa lang ng dalaga ang kanyang nakita, bumilis pa rin ang pintig ng kanyang puso. Napalinga-linga pa siya agad. At ganoon na lamang ang pagkislap ng kanyang mga mata nang mamataan si Shelby sa hindi kalayuan. Kung gaano kabilis nabuhay ang dugo niya, ganoon din ito kabilis nanlupaypay nang makita ang kasama ng dalaga. Iyong hambog niyang kapatid! Nakaakbay pa ito kay Shelby.**********Nakailang minuto pa lang sa event ng Kuya Moses at Morris niya sa isang lumang gusali turned into an event hall in Manhattan, nang maramdaman ni Shelby na inaantok na siya. Kung hindi lang sa mga kabulastugan ni Matias ay kanina pa siya nakatulog doon. Hindi siya maka-relate sa excitement ng crowd habang pa-jump-jump sila sa iba't ibang booth ng mga video game creators. Idagdag pa roon ang sobrang ingay ng sound. Pero ganunpaman, may mga couples at grupo ng mga teenagers nang nasayaw na sa gitna na tila walang pakialam. May malaking espasyo kasi sa pinakagitna ng event hall. "Stop that bored look, Shelbita!" asik ni Morris sa kanya. Naiinis. Nakailang hikab na kasi ang dalaga no'n. "You are being a jinx. Kita mo na? Iilan pa lang ang nalapit sa booth namin."Tumawa rito si Shelby. "At ako talaga ang may kasalanan?"Pinitik ni Matias ang noo ni Morris. "Ang sabihin mo, ang boring kasi ng mga gawa n'yo. I'm even asking myself why the hell I'm here."Hindi lang si Morris ang napasimangot kay Matias ngayon. Pati na si Moses. Pinitik din sana ni Matias sa noo si Moses, pero mabilis itong nakailag. Uulitin niya sana iyon nang may marinig na tumikhim sa likuran at napalingon ang kanilang bunso.Pagkakita ni Shelby kay Gunter na nakapantalong maong at itim na t-shirt, napanganga ito. That was the first time she saw him not wearing a suit. At naisip niya agad, kahit nakaganoon pala ay elegante at classy pa ring tingnan ang lalaki. Napatingin tuloy siya sa suot na maong shorts at off-shoulder na pulang blusa. She was hoping she also exuded the same elegance and class."Hi Shelby!" bati sa kanya nito. Bumati rin ito sa mga kuya niya. Sumagot naman ng 'hi' ang dalawang kambal tuko pero si Matias ay tumitig lang kay Gunter.Bigla, may nagpatugtog ng Hungry Eyes. Awtomatikong namilog ang mga mata ng dalawa at napatingin sa isa't isa. Mabilis na niyaya ni Gunter si Shelby na sumayaw sa gitna kasama ang ibang mga couples. Ikinagulat ng dalaga ang bigla niyang pagsama rito pero hindi na niya inanalisa pa iyon. She went with the flow. Sa isang iglap ay nasa gitna na sila ng event hall at nakahawak na siya sa balikat nito at ito nama'y sa kanyang baywang.Sa isang tabi naman ay galit na galit si Matias. Susugod na sana ito sa gitna para hablutin ang bunso, pero maagap na napigilan nila Moses at Morris. Minuwestra ng dalawang panoorin daw nito ang kanilang kapatid habang nakikipagsayaw kay Gunter. "This is the firs time I've seen her laughing like that since her break up with that bastard," komento ni Moses. Mahina ang tinig nito.Tumangu-tango rito si Morris. Kakitaan ito ng samu't saring emosyon na tila pinaglalabanan pa. Gumagalaw-galaw pa ang Adam's apple nito. Si Matias naman ay tila natulala. Titig na titig ito sa dalawa na parang walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid. They seemed to have a world of their own. Namalayan na lang ni Matias na pinangiliran siya ng luha. Mabilis siyang inakbayan ni Moses at pinisil pa sa balikat.**********A/N: Ang New Jersey Peninsula Hotel ay kathang-isip lamang. :)

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz