Twenty Four Seconds No Longer Complete
Hindi naniwala si Shelby na walang iniinda si Gunter dahil noong binalita ang tungkol sa pagkaka-aresto sa ina nito sa salang pagpatay kay Amy Brown ay halos namamaos ang tinig nang tawagan siya. Iyon ang dahilan kung kaya dinaanan niya ito sa upisina first thing in the morning. Mukhang hindi ito nauwi sa sariling pad kasi he looked dishiveled. It seemed like he didn't sleep at all!"Hey," bati nito sa kanya nang makita siyang papasok ng upisina nito. Mukhang abala ito sa kung ano ang tinitipa sa laptop. Pagkakita sa kanya'y tiniklop nito ang MacBook at hinarap siya. Masuyong hinipo ni Shelby ang magaspang na nitong mukha dahil sa papatubo nang balbas. "I wouldn't ask you how you are anymore. It's obvious, you haven't slept yet."Napabuntong-hininga ito. "I just need to finish some things," sabi nito in a horse voice."Couldn't that wait? Why do you have to stay here the entire night?"Umiling-iling si Gunter at bumalik na ito sa kanyang swivel chair. Halos ay ibinagsak lang nito ang katawan doon at napahinga nang malalim. Nilapitan ito ni Shelby at pinisil-pisil sa balikat. He gently held her hand and brought it to his lips."Thank you for dropping by, babe. I was the one who was supposed to drop by your office today. I just got caught up with a lot of work here that needs to be done ASAP."Yumuko nang kaunti si Shelby at niyapos mula sa likuran si Gunter. Hinalikan pa muli ito sa pisngi."I wouldn't say 'everything will be all right, don't worry' because I know it's easier said than done. She is your mom and I am sure you cannot help worrying about her. I just want you to know that whatever happens I will always be here for you, okay? Shy and I will always be by your side.""Oh, that's so sweet." Gunter broke into a smile at tiningala siya saka sinalubong ng halik ang kanyang mga labi."By the way, Dad wanted us to have dinner with him tonight. Please drop by. He is scheduled to go home tomorrow so he would appreciate it if we can be together for dinner before he leaves for Manila. Can you make yourself free even just for tonight."Saglit lang na natigilan si Gunter, saka tumangu-tango.Mayamaya pa, tumayo na rin si Shelby at dinampot ang naka-hang niyang winter jacket sa gilid ng pintuan. Nagpaalam siya sa asawa na papasok na rin ng trabaho. Hinatid naman siya ni Gunter hanggang sa ibaba. Hindi pa nakontento roon. Nagbigay pa ito ng instructions sa sariling bodyguard ni Shelby na ingatan ang asawa. Natawa nga ang huli. "Don't worry about me, Gunter. Mang Conrad knows how to take care of me. It's yourself you need to think about. Do not work too much.""I love you, babe," pabulong nitong wika sa kanya bago siya hinagkan sa pisngi. Habang nakatukod ang mga braso sa nakabukas na bintana ng sasakyan sa back seat, Shelby smiled at Gunter with all her sweetness at pabulong rin siyang tumugon ng, "Ich liebe dich."Natigilan si Gunter, tapos na-realize siguro kung ano ang sinabi ni Shelby kung kaya namutawi ang ngiti sa mga labi. Nag-alala naman si Shelby kung tama ba ang pagkakabigkas niya no'n. Na-check niya lang iyon sa YouTube at kinabisado. Na-mispronounce kaya niya iyon?"Mas mahal kita," sagot naman ni Gunter sa kanya. In well-pronounced Tagalog words. Bahagya na lang ang American accent this time.Napabungisngis si Shelby. Si Mang Conrad naman na nakikinig lang sa labas ng sasakyan ay napangiti nang biglaan. Tapos nang sulyapan ito ni Gunter ay dali-dali ring sumeryoso. "Deretso na ba tayo nito sa office n'yo, Ms. Shelby?" tanong ng driver con bodyguard niya nang makapasok na ito sa sasakyan."Opo, Mang Isko. Salamat po." Nilingon ni Shelby ang sasakyan na lulan naman si Mang Conrad. Umaandar na rin ang sasakyan ng mga ito nang umabante ang kanila. Pero may napansin pa siyang isang nakabuntot. Pinangunutan niya ito ng noo. Kaagad niyang tinawagan si Mang Conrad upang malaman nitong may bumubuntot sa kanila."Ah, ang mga iyan ba? Dagdag na bodyguards n'yo iyan, ma'am. Galing po sa asawa ninyo."Pinangunutan ng noo si Shelby. Wala namang nabanggit si Gunter tungkol doon. Tinawagan niya ito pero si Frederick na ang nakasagot. Nasa conference na raw kasi ang amo nito. Ang assistant na rin ang nagpaliwanag na totoo ngang may hinire itong mga bagong bodyguards para sa kanya.**********Habang naghahalungkat si Gunter sa drawer ng ina tungkol sa papeles na dapat niyang dalhin sa abogado nito may nakita siya roong nagpagimbal sa kanyang pagkatao."Boss? What? Are you okay?" sunud-sunod na tanong ni Frederick. Bigla na lang kasi siyang natigilan at natulala. Pinangunutan tuloy ng noo ang assistant na prenteng nakaupo sa couch sa study ng mom niya habang hinihintay siya.Hindi nakasagot sa tanong si Gunter. Sa halip ay napaupo siya bigla sa swivel chair ng ina at pilit na pinapahinahon ang sarili. Isa-isang dumaloy sa isipan ang kanyang kamusmusan kung saan kinukwestyon niya ang pagmamahal ng ina. Ngayon, mukhang magkakaroon na ng kasagutan ang lahat. Pero---shit! Nahihilo siya. This is too much for him to take now that he has the weight of the entire world on his shoulders."Are you all right, boss?"Nakalapit na si Frederick at sinasalat na nito ang kanyang noo at leeg."Mom went to a DNA diagnostics center almost twenty-eight years ago," sagot niya rito na tila wala sa huwisyo. "Fvck! I cannot handle this!" naisigaw niya sabay tayo. Umikot-ikot siya sa study room habang hinihilot-hilot ang sentido."If it happened twenty-eight years ago, it must have something to do with you, boss. Oh my God! Madame Margaux may not be your biological mother! That explains everything!" Nilingon ni Gunter si Frederick at nahuli nitong nakangisi ito from ear to ear. Tinapunan niya ito ng masamang tingin kung kaya biglang nagseryoso ang assistant."What I meant, boss, was---""Mom may be crazy at times, but I NEVER wanted a different mother," sagot niya rito sa mahinang tinig. He was angry."Boss naman, hindi ka na mabiro. Siyempre, ang ibig kong sabihin sobrang exciting ng buhay mo. Walang dull moments. Promise!" sagot naman ni Frederick sa magkahalong German at English. Lalong pinangunutan ito ng noo ni Gunter.Natigil lang sila sa bangayan nang sumilip ang dad niya. Nagtanong ito what took them so long."We'll be there in a few minutes, Dad. Sorry."Dapat kasi'y kanina pa sila lumabas at bumalik sa study room nito. Doon naghihintay ang abogado ng pamilya na siyang tumutulong ngayon sa kaso ng mom niya."Boss! Come here!" excited na tawag ni Frederick sa kanya. Pinangahasan na nitong buksan at hugutin ang laman ng brown envelope. Marahil iyon ang resulta ng DNA test.Bumilis ang tibok ng puso ni Gunter. Kinakabahan siya. Ano ang ibig sabihin no'n? Na hindi nga niya mom ang babaeng nagtayong ina sa loob ng halos tatlong dekada? Ugh! He cannot accept this!**********Gunter looked strangely solemn when he looked at her. Para bagang may bumabagabag ditong mabigat na problema."Are you okay?" hindi niya naiwasang itanong.Ngumiti naman ito sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi. But then, Shelby felt the smile didn't reach his eyes. Hindi na lang niya ito pinansin dahil mukhang ayaw nitong pag-usapan ang tungkol doon. Tinanggap niya na lang ang dala nitong bouquet of red roses. "Come. Dad is waiting for us in the dining room."Masuyo siyang inakbayan nito at sabay silang pumasok ng dining room. Pagkakita ni Shy sa ama, kaagad itong nagpapadyak na tila gustong makawala sa yapos ng yaya niya. She cried while extending her tiny arms towards Gunter. Magiliw naman itong kinuha ng huli at niyakap nang mahigpit matapos makapagbigay-galang kay Magnus."I'm sorry about what happened to your mom," kaagad na sabi ni Magnus dito nang makaupo na sa nakatalagang lugar nito sa dining table si Gunter. Kaharap ito ni Shelby. Katabi naman ni Gunter si Shy na nilagay nila sa elevated chair na pang-baby. Nangingiti si Shelby habang tinititigan niya ang kanayng mag-ama. Si Shy kasi ay titig na titig kay Gunter. Halos ayaw nitong tantanan ng tingin ang ama. Nang balingan ito ni Gunter bigla na lang napangiti nang malawak saka nagklap-klap. Ang seryosong si Magnus ay napangiti rin saglit."The family lawyer is currently working on the case, sir. We may be able to apply for bail for her soon. We are just working on the needed paperworks."Natigil sa pag-inom ng wine si Magnus. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Shelby sa ama at kay Gunter. She didn't feel good about the topic. Sinubukan niyang ibahin sa pamamagitan ng pagsabi kay Gunter na dapat dad na ang itawag sa kanyang ama, pero mukhang hindi siya narinig ng dalawa dahil patuloy silang nag-usap tungkol doon na para bagang wala siyang sinabi."But she was accused of a capital offense, right? I don't think that's bailable. Or is it?" Dad niya uli."Yes, sir. Murder is not bailable. But there is no strong evidence against Mom aside from circumstantial ones. We may be able to get her out soon. I cannot talk about the details yet, but the lawyer and I together with Dad is working on something to help Mom.""Your Dad and you?" paniniguro ni Shelby. Medyo hindi kasi siya sigurado kung tama ang dinig niya. Ang alam niya kasi'y greatest love ni Henry Albrecht si Amy Brown. How come na tutulungan nito ang taong prime suspect sa pagpatay ng babaeng pinakamamahal?"Yes. Dad and me."Nagkatinginan ang mag-ama. Napag-usapan na kasi nila ito noong isang araw. At naniniwala silang mag-anak na malaki ang kinalaman ni Madame Margaux sa pagkamatay ng babaeng iyon. Pero bakit mukhang kampi pa ngayon si Henry Albrecht sa prime suspect na pumatay kay Amy Brown?Magtatanong pa sana si Magnus, pero maagap na nahawakan ni Shelby ang kamay nito para awatin na. Pinag-usapan na lang nila ang tungkol sa nalalapit na kasal. Ilang linggo na lang iyon."My daughter and I discussed about this wedding you plan to have in February. We thought about postponing it so you guys can prepare more for it. What do you think?"Nakita ni Shelby na medyo natigilan si Gunter. Gumalaw-galaw ang Adam's apple nito. Sa nakikita niya sa eskpresyon ng asawa, parang bigla itong naalarma. "It would be just a few months, Gunter. I felt like---with Lyndie out of the picture now, I do not think I can handle the bridal show and my own wedding in the same month next year. So I decided to postpone it to June, if that is okay with you."Sinaid ni Gunter ang red wine sa kopita niya at nagpadagdag pa sa server na nagsisilbi sa kanila sa penthouse ng dad niya. Napagtanto ni Shelby na baka iniisip nitong nagba-back out siya dahil sa pagkakasangkot ng mom nito sa kaso."This has nothing to do with your mom's case, Gunter," paliwanag agad ni Shelby."Of course. I know," sagot naman ni Gunter sabay lagok uli sa kopita niya. Shelby felt bad. Pero hindi niya kayang pangakuan ito na tuloy ang kasal gayong wala na siya halos katuwang sa upisina. Although hindi pa niya nasisisante si Lyndie, dahan-dahan na niyang binawasan ang role nito sa kanyang fashion house. Bago pa dumating ang Pebrero, balak na niya itong sisantehin.Kung hindi dahil sa tili at paklap-klap ni Shy from time to time as she stares at her dad, siguro'y naging mabigat ang dinner nilang tatlo. Buti na lang at paminsan-minsan ay nawawala sila sa usapan dahil bigla na lang itong tumitili. One time ay hinawakan pa nito sa mukha si Gunter at pilit na pinapatingin sa kanya. Nang tumingin naman ang ama'y napatakip ito ng kamay sa mukha at tila nag-peekaboo. Napahalakhak doon si Gunter at pati silang mag-ama'y napatawa na rin.**********"Boss, what the fvck are you waiting for? Open it now! You cannot just let it be. For your peace of mind, do it NOW!" Parang nagcha-chant na si Frederick sa kanya. Kagabi pa kasi niya gustong buksan ang DNA result na mag-e-establish ng resulta ng paternity tests na ginawa sa pagitan nilang mag-ama pero hindi niya makuha-kuhang buksan. Grabe ang tibok ng kanyang puso. Parang gusto niyang mag-collapse. Nabasa na kasi niya ang note na ginawa ng ina para sa isang hindi niya kilalang lalaki. Initials lang kasi ang nakasulat sa stationery. Ang sabi ng mom niya, "Henry knew about us already. And he's probably doubting whether the child is his. I am NOT sure either.""Boss, if you are not going to take any actions here, I will."At nagbanta na nga si Frederick na ito na ang magbubukas ng envelope. Kaagad siyang napahiyaw. "No! Stop taunting me, bastard!" Inagaw ni Gunter ang sobre sa kamay ni Frederick at hinampas ito sa ulo ng lalaki. Mabilis na umiwas ang huli. Ngingisi-ngisi itong nakatingin na ngayon sa kanya."I am going to my parents' house now. I'll talk to Dad about this. He has to know.""For sure, your dad knew about this thing already. Don't you think?"Napabuntong-hininga si Gunter at napasalampak na naman sa sofa. Inutusan niya si Frederick na igawa siya ng scotch on the rocks. Pagkaabot ng assistant ng drinks sa kanya ay inisang tungga lang niya ito. Tapos tumayo na siya at nagpaalam dito na mauuna na."I'll drive you to your parents' house, boss.""You go home. I can manage myself. I'll just ask Mr. Martin to drive me home."Si Mr. Martin ang sumasalit na driver niya kung hindi pwede si Frederick. Pero kadalasan ay ibang execs na lang ang pinagmamaneho ng driver dahil palagi naman silang magkasamang mag-amo."I already sent Mr. Martin home, boss. I thought you will be able to drive today. But now that you have drank some alcohol, you need somebody to drive for you."Hindi na nakipagtalo pa sa assistant si Gunter. Tamad na nga siyang mag-drive ngayon. Pero a few minutes before they turned towards the street that goes directly to his parents' mansion, he changed his mind. Pina-U-turn ni Gunter ang sasakyan at pinaderetso na ito sa condo unit ni Shelby.**********Habang pinagmamasdan ni Shelby si Gunter na nakapikit sa kanyang kama, may kung anong sumundot sa kanyang puso. Sa loob lamang ng kung ilang buwan ay tila nagbago ang mukha nito. He still looked as dashing and handsome as she first saw him, pero this time he looked a bit gloomy. Parang nawala ang boyish grin nito at ang easy-go-lucky aura. Bigla-bigla itong naging seryoso lalo na noong mapabalitang nasangkot sa krimen ang ama. Napag-alaman niya kay Frederick na bagamat malaking eskandalo iyong murder case noon, walang kaalam-alam pala tungkol doon si Gunter. Nailihim ng kanyang mga magulang sa kanya.Tumagilid si Gunter. Then, he opened one of his eyes. Umiwas agad ng tingin si Shelby. Nakaramdam siya ng hiya. Baka isipin ni Gunter na pinagmamasdan niya ito. Kahit totoo, siyempre ayaw niyang aminin.Napatingin na lang ulit si Shelby dito nang marinig itong napabungisngis. Pagkatapos ay naramdaman na lang niyang dinadantay nito ang binti sa kanyang baywang. Tapos ay niyapos siya nang mahigpit bago pinanggigilang halikan sa leeg."You were staring at me," he whispered hoarsely."Of course not," tanggi naman ni Shelby.Napabungisngis uli si Gunter. Hinalikan uli si Shelby sa leeg. Bahagya siyang siniko ni Shelby at pinalayo sa kanya. "I caught you staring at me, babe. I knew you were.""Shut up," sagot ni Shelby while trying very hard not to smile at napapikit na siya. Kunwari'y antok na antok na. Kiniliti siya ni Gunter. Napahiyaw siya sa gulat. That was the first time that he did it to her. At talagang nakiliti siya dahil sensitive ang bandang tagiliran niya."You're crazy," asik ni Shelby kay Gunter.Imbes na sumagot, Gunter kissed her passionately on the lips.**********His dad was already dressed in his Armani suit when he dropped by their mansion that morning. Nagkakape na ito sa labas ng bahay. It was down to 37 degrees Fahrenheit, pero mukhang wala lang ito rito. Nang makita siya nito ay inimbitahan siya agad na saluhan siyang mag-breakfast.Napatingin nang matiim si Gunter sa ama. At napalunok nang sunud-sunod. Parang hindi niya ma-imagine ang sarili na magkaroon ng ibang biological father. This is the only man he knew who fathered him. Kaya parang gustong sumabog ng dibdib niya sa natuklasang sulat ng ina para sa isang lalaking nagngangalang ARS na mukhang hindi rin naipadala."I---I saw some --- unopened envelopes from a DNA diagnostic center, Dad. I---I already opened the maternity test result. But I have yet to ---to open the --- the one on paternity," sabi niya sabay upo sa harapan ng ama. Pinatong niya sa ibabaw ng mesa ang sobre.Saglit lang iyong sinulyapan ng dad niya at nagpatuloy sa paglagok sa black coffee sa tasang hawak. Dumating ang housekeeper at naglagay ng isang plato sa harapan ni Gunter. Kabuntot nito ang chef nila na siya pang maingat na naglapag ng freshly baked bread sa harapan ni Gunter. Tapos, may isa pang server na naglagay doon ng vegetable salad at hiniwang assorted fruits."Thank you," sabi sa kanila ni Gunter. "That's all for now, Heinz. Iwan n'yo muna kami ng aking anak," sabi ni Henry Albrecht sa chef at sa iba pang servers na naroon. Kaagad namang tumalima ang lahat."I am so ---so scared, Dad," halos ay naibulong na lamang ni Gunter. Pinangiliran na siya ng mga luha. Isang tingin lang dito'y malalaman agad na sobra itong nahihirapan sa pagpigil sa damdamin."Why?" kalmado namang tanong ni Henry Albrecht. Kakitaan ito ng kapanatagan ng kalooban."Is---Is the result of this paternity test the reason why the corporation's name was never changed? That you wanted it to remain in my deceased brother's name forever? Because he was the only rightful heir of yours?"Hindi na nakapigil si Gunter. Tumulo na rin ang kanyang mga luha. Hindi pa rin natinag si Henry Albrecht. Makikita lang na ilang beses na gumalaw-galaw ang Adam's apple nito, pero mukhang hindi ito nag-react sa sinabi ng anak kung ang batayan ay ang ekspresyon sa mukha nito."No. Skylark Quandt Albrecht was a lucky name for us. It has nothing to do with what you have just said. It was simply because your mother and I noticed that when we named the company in his name, it just went up and up."Hindi naniwala si Gunter. Hindi pa niya nakikita ang resulta ng paternity test, pero naniniwala na siyang may alam na ang kanyang ama tungkol doon. Itinabi niya ang inihain sa kanyang almusal at dinampot ang sobre. Kailangan na nilang malamang mag-ama kung ano ang nakapaloob doon para sa ikatatahimik ng kanilang isipan. Pero bago pa mabuksan ni Gunter ang sobre ay naramdaman niya ang kamay ng amang pumipigil sa kanyang kamay."No paternity tests can prove or disprove anything between us. In my heart and soul, you are MY son. You will always be an Albrecht. Now and forever," sabi ng dad niya sa mahinang tinig. Walang kaekspre-ekspresyon ang kanyang mga mata.Tuluyang nag-breakdown si Gunter. Napaluhod siya agad sa harapan ng ama at napayakap dito. He felt like a young boy again. Parang bumalik ang alaala ng kanyang kamusmusan kung saan sumusubsob siya sa dibdib nito para magsumbong sa pambu-bully na ginawa ng mga kaklase for having German roots."Are you --- worried that she will change her mind if you are no longer an Albrecht?" bigla na lang ay tanong ng dad niya sa kanya.Natigilan si Gunter. Hindi niya naisip iyon. Ngayong nabanggit ng ama'y napaisip siya bigla. What if, umatras nga si Shelby dahil hindi siya tunay na anak ng isang bilyonaryong negosyante? Ano ang gagawin niya?**********"WHAT?! Are you sure?" "Ang OA mo talaga, Shelbita. At ang tinis ng sigaw mo, ha? You pierced my eardrum," naiinis na asik ni Morris sa kanya.Paanong hindi siya mabibigla? Sabihan ba naman siyang may posibilidad na si Gunter at Albus Smith na nakabuntis kay Dane noon ay magkapatid. Si Albus Smith Senior daw kasi at si Madame Margaux Quandt noon ay nagkaroon ng relasyon. At nagsimula raw ang affair nang mamatay ang panganay nitong si Skylark Quandt."I was just shocked, that's all. I cannot imagine Gunter as a Smith. He has always been an Albrecht to me. Oh God!"Parang hinalukay ang tiyan ni Shelby sa stress. Hindi niya kayang tanggapin ito. Pinaliwanag uli ng mga kapatid na pare-pareho raw ang resulta ng pag-iimbestiga ng tatlong detectives na pinaimbestiga nila sa nakaraan ng mahaderang ina ni Gunter. Iisa lang ang lalaking nasangkot dito at iyon nga raw si Albus Smith Senior."But then, my detective mentioned, aside from Madame Margaux's car there was another one that a witness had seen in the crime seen. Kaya nga naisip naming tatlo na baka circumstantial lang talaga ang ebidensya sa pagkakasangkot kay Madame Margaux sa krimen. Ang tanong lang ay: Bakit kinailangan nilang ipabura sa taga-White House ang ganoong ebidensya at nang si Henry Albrecht ang mapagbintangan at hindi siya?" sabat naman ni Moses.Napabuntong-hininga si Shelby sabay singhot sa tissue paper na inabot sa kanya ni Matias. They were all gathered in her living room at that time. Kahahatid lang nila no'n sa dad niya dahil nauna na itong lumipad pabalik ng Manila."And here's another thing. Henry Albrecht found out about the affair after Madame Margaux gave birth to Gunter. Kaya raw ayon kay Detective Hurley ay nagsagawa agad sila ng paternity testing. Kaso nga lang hindi na nailabas kung ano ang naging resulta no'n."Shelby blew her nose. Bahagya siyang siniko ni Matias. "Why are you fvcking crying that hard? Hindi mo ba matatanggap si Gunter kung hindi na siya isang Albrecht?"Napatingin bigla si Shelby sa kapatid. At napakurap-kurap. Hindi niya iyon naisip.**********May kakaibang barrier sa pagitan nilang dalawa. Tingin ni Gunter, ramdam din iyon ni Shelby. Parang biglang may humaharang na pader sa pagitan nilang dalawa. He could sense her uneasiness around him. Naisip niyang may alam na kaya ito sa pinagdaanan niya nitong huli? Was he that transparent? O baka masyado lang siyang paranoid?"Remember a few months ago?" nakangiting baling sa kanya ni Shelby habang nakasandala sila pareho sa Tesla Roadster niya.Pinilig-pilig ni Gunter ang ulo para makalimutan ang bumabagabag sa kanyang isipan at nang maipokus niya ang atensyon sa asawa at sa mga tanawing nasa harapan nila. Hindi nila alintana ang lamig. Nakamasid na naman sila sa mga turistang walang pakialam sa kasagsagan ng winter masilayan lang ang Statue of Liberty. Ang ingay ng isang grupo ng mga kabataan habang nag-uunahang makapasok sa loob ng ferry na siyang magdadala sa kanila sa Liberty Island."Yeah?" tanong ni Gunter sa babae."Eric Carmen was a huge part of our harbor moments," nakangising sabi ni Shelby."Oh, you want to listen to him now?" sagot naman ni Gunter at bago pa makasagot si Shelby ay umalis na siya sa pagkakasandal sa kotse. Binuksan niya ang driver's seat at pinatugtog ang playlist. Unang-una sa listahan ang Hungry Eyes ni Eric Carmen.He then offered his hand to Shelby and asked her to dance. Sa tanghaling tapat nang araw na iyon ay isinayaw niya ulit ito sa tugtog ng pinakapaborito nilang singer ng dekada otsenta. Nang nasa mga bisig na niya ang babae at kasabay itong umiindayog sa musika, nakaramdam ng gaan si Gunter. Parang bumalik sa dati ang lahat. Iyong panahong wala siyang inaalala kundi ang kung paano ito mapapasagot.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz