Twenty Four Seconds No Longer Complete
Nagising si Shelby sa tila isang mahimbing na tulog. Pinangunutan siya ng noo nang makitang puro puti ang paligid. Dumagundong sa kaba ang puso niya. Lalo na nang tila bahang rumagasa sa kanyang balintataw ang nakatatakot na eksena sa kanyang upisina. Bigla na namang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang sunud-sunod na putok! Tama! May nagpaputok. At pagkatapos no'n ay nawalan na siya ng malay.Pinangiliran siya ng mga luha nang maisip na baka namatay siya sa trahedyang iyon. Naisip niya agad ang kanyang mag-ama, lalung-lalo na ang bata. Oh my God! Paano na si Shy? Hindi pa nabibinyagan si Shy!Napabangon siya agad. No'n niya napansing may parang nakahandusay sa paanan ng kanyang kama. Nakaupo ito sa silya habang nakaunan naman ang ulo sa kama. Gumalaw ito nang bumangon siya. Tapos ay tumagilid then with sleepy eyes, he looked at her. Nang magtama ang kanilang mga mata saka lang na-realize ni Shelby na si Gunter ang kasama niya sa silid. Tumutubo na ang kanyang balbas kaya halatang hindi ito nakauwi para mag-freshen up. Baka doon lang mismo natulog."Hey, baby. How are you feeling right now?" tila inaantok nitong tanong sa kanya.Nakikita siya ni Gunter? Ibig sabihin ba nito ay hindi siya multo? Ganunpaman, tinanong pa rin niya ito para makasiguro."You can really see me?"Natigilan si Gunter at pinangunutan ito ng noo. Hindi yata siya naintindihan. "Of course, babe. I'm not blind, yet. So yeah, I can still see you." At tumawa ito nang bahagya. Umupo na ito nang matuwid at dinala ang upuan sa bandang gilid niya saka hinawakan ang isa niyang kamay. Pinisil-pisil nito ang kanyang palad. "You scared the hell out of me and your brothers. We thought we lost you." No'n naalala ni Shelby nang malinaw ang naging kaganapan sa kanyang upisina. Nang mapagtanto niyang it could have been worse, she could have died in the incident, napasubsob siya sa dibdib ni Gunter at humagulgol roon."It was Lyndie,' sumbong niyang parang bata. "I never thought she was that evil. I trusted her for so long! I even defied my brother Markus when he advised me to fire her after the Carlota Kolisnyk issue. He suspected her to be involved in the stealing of my design and giving it to Carlota but I did not believe him.""Sshh. It's okay. You are safe now." Hinagkan ni Gunter ang kanyang noo at tinuyo ang kanyang pisngi gamit ang mga hintuturo. Napapiksi bigla si Shelby nang may isa pang naalala. Napalayo siya nang kaunti kay Gunter."Si Frederick! Kumusta si Frederick?" sunud-sunod niyang tanong. Napa-Tagalog siya nang wala sa oras. Kinabahan na naman siya nang todo. Sa puntong iyon ay tila maiihi siya sa nerbiyos lalo na nang matigilan si Gunter at biglang lumungkot nang husto ang mukha."He was shot. Twice. I do not know if he will survive but I do hope he will."Napayakap na naman nang mahigpit kay Gunter si Shelby at napasubsob pa sa balikat nito. "He was working with Lyndie all along. They were both working for Mr. Schlossberg." At napasinok siya nang sunud-sunod. Nagsasanib na ang kanyang mga luha't sipon.Tumangu-tango sa kanya si Gunter. "I know," sabi nito sa kanya. He seemed so calm about it. "You know?!" Gulat na gulat si Shelby. Siyempre, hindi niya iyon inaasahan. What she expected was, Gunter didn't realize until it was too late."I discovered it accidentally when I was looking for evidences that would exonerate my mom from the crime. He planted a DNA test result that proved Dad and I are not related at all. He made me believed that it was from long ago. That mom arranged for a paternity test for me and Dad right after giving birth to me. I even confronted my mother about it when I found out the test result excluded my dad as my biological father. When Mom denied doing it I thought it was because she didn't want to hurt me and Dad.""What made you do a second paternity test?" tanong ni Sheby rito."Because I couldn't accept the first result. Dad and I felt a connection that only a father and son could feel. Plus, I looked like Dad when he was my age. When the second result came and we both found out he was afterall my real father, I had the first result examined. I discovered it was released just a few weeks ago. And somebody with access to our house put it in my mom's desk drawer. Aside from me and Dad and the helpers, there is just one person who can go in and out of our house just like one of us. It's Frederick. But then, I couldn't fire him right away because I wasn't so sure, yet. Plus, I wanted to catch him red-handed so I can turn him in to the police. I didn't know it would end up this way. I am so sorry. Please forgive me, babe."Umiling-iling si Shelby kay Gunter at sinabihan itong huwag ma-guilty. "He was the one I asked to look for your bodyguards."Natigilan dito si Shelby. Naalala niya ang mga bodyguards niya. Sina Mang Conrad, Mang Isko at Mang Kulas!"What happened to my bodyguards? To Mang Conrad and his men?" "Only Conrad survived," Gunter replied almost inaudibly.Napanganga si Shelby. Namanhid ang kanyang pakiramdam. Nang mag-sink in ang balita, sunud-sunod na dumaloy ang kanyang mga luha. No sound this time. Si Gunter na ang yumakap sa kanya ngayon at masuyo siyang hinagkan sa sentido, tungki ng ilong, bago sa puno ng kanyang mga labi. Paulit-ulit itong nag-sorry sa kanya.Habang nagdadalamhati sa sinapit ng mga bodyguards niya mayroon siyang naalala sa narinig niyang eksena sa labas ng banyo. Tandang-tanda niya na ilang beses na inutusan ni Lyndie si Frederick na buksan na ang banyo at patayin siya, pero tumanggi ito nang paulit-ulit. Kinuwento ito ni Shelby kay Gunter."I know that, too," halos ay pabulong na lang na sagot ni Gunter sa kanya. "That was how we found them," sabi pa nito. "Are you hungry? Do you want me to order some food now?" pag-iba nito ng usapan."I want Frederick to survive!" bigla na lang niyang nasabi.Tinitigan siya nang matiim ni Gunter saka hinagkan uli sa pisngi. Tumulo na rin ang mga luha ng kanyang asawa. Hindi na ito nagsalita pa. Niyakap na lang siya nang mahigpit na mahigpit.**********Sinilip ni Gunter sa recovery room si Frederick nang mabalitaan niya sa doktor na nag-opera rito na nailipat na roon ang binata. Timing namang kagigising lang nito at nakita siya nito mula sa glass window. Ang dati niyang makulit at sira-ulong assistant ay biglang umiwas ng tingin. Tila tumanda ito nang kung ilang taon. "Mr. Fischer is now out of danger, sir. He will be transferred to the ICU soon. Are you his relative?" tanong ng Filipino nurse sa kanya. Umiling-iling siya rito.Kinablit ito ng black nurse at binulungan. Nakita ni Gunter na namilog ang mga mata ng Filipino nurse. Humingi ito ng paumanhin sa kanya dahil hindi raw siya na-recognize agad."No worries. It doesn't matter."Binilinan niya ang dalawa na asikasuhing mabuti ang assistant at kung mayroon mang kailangang pinansiyal ay ipaalam na lang ng ospital sa kanya."Yes, sir. We will," halos sabay na sagot ng dalawa.Malungkot na nilisan ni Gunter ang tapat ng recovery room. Binalikan niya sana si Shelby sa silid nito ngunit hindi na siya tumuloy sa loob nang makita na kasama na ng kanyang asawa ang mga kapatid nitong kambal at iyong hambog. Hahayaan muna niyang makapag-bonding ang apat. Siguro'y sinisisi na siya ng mga ito dahil ang pagdagdag niya ng bodyguards kay Shelby ang naging puno't dulo ng lahat. Kung alam lang niya na maging mitsa ng mga buhay ng mga bodyguards na Filipino ni Shelby ang pagdadagdag niya ng bantay nito na parehong pinili ni Frederick hindi na sana niya ginawa. Napabuntong-hininga si Gunter. Ang tanging consolation lamang niya ngayon at pinagpasalamat nang lubusan ay ang hindi pagsunod ng assistant sa utos ng tunay nitong amo. Iyon ang dahilan kung bakit naabutan nilang buhay si Shelby. Kung sakaling buo ang loyalty nito kay Mr. Schlossberg ay marahil---Pinilig-pilig niya ang ulo. Hindi niya kayang isipin iyon.**********Bumalik ng New York ang dad niya nang malaman ang nangyari sa kanya at sa dalawang bodyguards na sina Mang Isko at Mang Kulas. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Shelby na humagulgol ang kanyang ama at napasuntok pa sa dingding sa tindi ng sama ng loob. "If Gunter had not hired more bodyguards for you---""Papa, it's not his fault. He only wanted to protect Shelby. He didn't know they will turn out to be hoodlums, too, like their boss."Nakinig naman ang daddy nila sa Kuya Marius nila. "There is something we need to review, Dad," sabat ni Matias. Nakaupo ito sa pinakadulo ng sofa. Katabi nito si Markus. Siya nama'y pinapagitnaan ng dad niya at Kuya Marius nila. Nasa living room sila ng penthouse ng mga magulang sa New York."That woman was accusing us of doing her family some injustice," patuloy pa ni Matias. He looked so solemn this time. Not the typical Matias na halos ay walang pakialam sa mundo. Paano kasi malaki ang parte niya sa pagbili sa katabi nilang vineyard sa Napa Valley. Ang sabi raw ni Lyndie bago ito bawian ng buhay dahil sa tama ng bala sa vital organs, isa ang pamilya nito sa nawalan ng trabaho nang ipagbili ng may-ari ng Vadillo Winery ang vineyard sa kanilang pamilya. Nagkaroon daw kasi ng policy ang San Diego Winery na mag-hire lamang ng Pinoy workers. Lahat daw ng ibang lahing nagtatrabaho sa nabili nilang vineyard ay sinisante para palitan ng mga Filipinong manggagawa.Pinangunutan ng noo si Magnus sa siniwalat ni Matias. Mariin nitong tinanggi ang bintang ni Lyndie. "On the contrary, Dad and I put everything in writing---that we will absorb all the workers of the Vadillo Winery. As far as I'm concerned, we hired them all except for those who opted to resign so they can be paid a separation pay in lump sum," sabi pa ni Magnus.Nalungkot pa rin si Matias sa paliwanag ng ama. Napabuntonghininga pa ito. Inakbayan ito ni Markus saka pinisil-pisil sa balikat. "We will investigate whether the allegations against us are true or not. Paiimbestigahan din natin si Mr. Cabanillas, ang pinuno ng HR department. Siguradong may alam siya tungkol dito," sabi naman ni Markus kay Matias.Habang pinapakinggan ni Shelby ang mga kapatid at ama, nakabuo siya ng desisyon. Sa kabila ng ginawa sa kanya ni Lyndie, gusto niya pa ring bigyan ng compensation ang mga naulilang dalawang anak nito na kapwa nag-aaral pa pala sa kolehiyo. Ayon sa Kuya Marius niya, mukha namang walang kamuwang-muwang sa pinaggagawa ng mga magulang ang dalawang dalaga. "What? Are you sure about that? She nearly killed you! She would have killed you if it was only up to her! No!" mariing pigil ng kanyang ama."Dad, if her allegations were true, then we owe it to her family to at least compensate them for everything although we are not aware about what our people did to them.""Yes, Papa. I think Shelby here has a point," sang-ayon naman ng Kuya Marius niya.Saglit na hindi nagsalita ang kanilang ama. Makikita sa mukha nito ang labis na kalungkutan. Mayamaya pa ay napabuntong-hininga ito at masuyo siyang hinagkan sa noo."Do it your way, baby. I will support you a hundred percent. But promise me that when all these are settled, come home with us. You can bring your family with you, too."Natigilan si Shelby. Naisip niya si Gunter. Nagsabi na ito noong nakaraang araw na baka hindi sila matutuloy. Dumami ang dapat nitong asikasuhin. Hindi lang tungkol sa kaso ng ina at sa problema sa korporasyon ang inaasikaso nito ngayon. Dumagdag pa ang tungkol sa pagkakatraidor sa kanya nI Frederick."I'll see what I can do, Dad."Napabuga ng hangin ang ama. "Promise me, anak. Please?"**********"Hello, sir!" bati kay Gunter ng dalawang airport staff na babae habang hinihintay niya ang mga bagahe sa tapat ng baggage carousel. "Hi," pakli niya sa mga ito, although he was a bit surprised at their friendliness. "Is this your first time in the Philippines, sir?" tanong naman ng isa nitong kasama. They smiled at him sweetly."Yes, it is," sagot naman niya. Napangiti na rin siya sa mga ito. They giggled like school girls. Hindi na naman niya inaasahan iyon. "Ang guwapo niya! Gosh!" sabi ng isa sa kasama at nagkurutan sila. Sa tantiya niya nasa early twenties hanggang mid-twenties lamang ang dalawa. Gusto niyang matawa sa mga pinagsasabi nila. Siguro hindi nila inaasahan na naiintindihan niya ang mga ito.No'n naman dumating sa tabi niya si Shelby. Nakaangkla na sa tagiliran nito si Shy na mukhang fresh na fresh na rin. Nagka-klap-klap na ito at umiikot ang tingin sa paligid. Siguro'y naninibago. Nakabuntot sa mag-ina niya ang private nurse nito pati na ang doktorang Amerikana na napakiusapan nilang sumama sa kanila dahil hindi pupwede ang Pinoy doktor na nirekomenda."Are our luggage not here, yet?" tanong kaagad ni Shelby sa kanya. He smiled at his beautiful wife. Tapos bago pa mahulaan ni Shelby ang kanyang gagawin, hinalikan niya ito ng slight sa mga labi. Nakita niyang nagulat ito. Si Shy naman ay tumili at nagklap-klap lalo. Kinuha niya ang anak sa mommy nito at hinagkan-hagkan din sa pisngi."Happy to see your mom's hometown at last?" tanong niya rito."Ay, may asawa na pala," narinig niyang bulongan ng dalawang staff at pasimpleng nagpaalam sa kanya. Sumunod sa kanila ang mga tingin ni Shelby."Who are they?" tanoning nito sa kanya.Natawa siya nang bahagya habang kinukuwento sa asawa ang nangyari nang umalis ito kanina sa tabi niya para palitan ang diaper ni Shy sa CR. Matapos ang kuwento niya, nakita niyang napangiti rin si Shelby.Alam ni Gunter na mainit ang Pilipinas. Kaya nga kahit na hindi siya sanay lumabas nang hindi naka-suit, nagsuot siya ng pangtalong maong at manipis na itim na Armani t-shirt. Pero nang makalabas na sila ng Ninoy Aquino International Airport o iyong tinatawag nilang NAIA ay sinalubong siya ng maalinsangang temperatura. Pakiramdam niya naghulas agad ang kanyang katawan."Is this always like this?" tanong niya kay Shelby habang pinapahiran ng panyo ang pawis sa mukha at leeg."It's even cooler now. It is just twenty-five degrees!"Twenty-five degrees? Naisip niyang hindi ba dapat malamig iyon? No'n niya na-realize na Shelby gave him the temperature in Celcius. Oo nga pala. Filipinos do not use Fahrenheit.May lumapit kay Shelby na isang matandang babae. Tawa ito nang tawa at niyakap nang mahigpit ang asawa niya nang makita ito. Shelby looked so pleased, too."My yaya," proud nitong sabi sa kanya."We alredi met in the Stets," sabi ng babae sa kanya.Mabilis na binalikan niya sa isipan ang araw na bumisita silang mag-ama sa pamilya nila Shelby sa Massachusetts. Tama! Ito ang isa sa mga proud supporter niya. Nginitian niya ang babae. Tumili ito. Tila kinilig din."Ang guwapo talaga ng asawa mo, beybi."Tumawa-tawa naman si Shelby dito. Binalingan nito si Shy at masayang kinumusta in baby talk. Lumukot ang mukha ng bata na tila iiyak. Tapos tumalikod ito at yumapos nang mahigpit sa leeg ng yaya niya."Ay. Suplada naman ni Shy-tot," nakangisi nitong sabi kay Shelby. Inakbayan ito ng huli at masayang pinakilala sa doktora at nurse ni Shy.Limang lalaking armado ang sumalubong sa grupo nila nang naglalakad na sila papunta sa may dinadaanan ng sasakyan. Hindi na nanibago roon si Gunter. Although, aminado siyang medyo nagulat siya sa laki ng kanilang mga armas. Ang mga bodyguards kasing umaalalay sa kanya palagi ay armado rin, pero naka-tuck somewhere not seen sa katawan ang mga baril nila dahil pistol lang ang mga iyon. Itong mga bodyguards ng mga San Diego ay tila lulusob sa giyera. But Shelby and the yaya did not seem to mind. Tingin ni Gunter ang doktora at private nurse lang ang tila nabigla. Nagpaliwanag tuloy ang asawa. Tumangu-tango naman ang dalawa.Itim na Mercedez limousine ang huminto sa harapan nila. May bumaba roong tatlong armadong lalaki rin. Masayang bumati ang mga ito kay Shelby at nagbiro pa sa yaya. Tapos may huminto sa likuran ng limo na isang kulay gintong Bentley Continental GT. Bumaba mula roon ang isang matangkad at guwapong lalaking naka-sunglasses. Nang makalapit na ito sa kanila at makahalik kay Shelby, saka lang nahulaan ni Gunter na isa ito sa mga kapatid ng asawa."You remember Morris?" baling sa kanya ni Shelby.Nagkamay silang dalawa. Mayamaya pa, may sumulpot ding isa pang high end car, isang Bugatti Veyron. Bumaba mula roon ang isa pang kapatid ni Shelby. Ito iyong tingin niya'y mabait. Ano nga uli ang pangalan nito? Ang alam niya'y sa 'M' din nagsisimula iyon."Hey. I'm Moses," bati nito sabay tanggal ng sunglasses. Kinamayan din niya ito.Saglit lang ang kanilang pag-uusap at nagsibalikan din ang mga ito sa mga sasakyan nila. Nauna silang dalawa sa sinasakyan nilang limo. Doon na sa loob niya tinawagan ang ama na matiwasay silang nakarating ng Pilipinas.**********Parang tinusok ang puso ni Shelby nang makitang nakaratay sa hospital bed ang kanyang grandma. May nakakabit ditong dextrose. Ang sabi ng mom niya at ng private nurse ng matanda, tulog lang daw ito pero lampas na sa peligro. Lumapit siya sa lola at hinawakan ang kamay nito. Tapos dinala iyon sa mga labi at masuyong hinagkan. Gumalaw ang grandma niya. Binitawan niya ang kamay nito at hinagkan din ito sa noo."Hi, Grandma," bati niya rito sa mahinang tinig.Gumalaw ang mga mata ng matanda at dahan-dahan itong nagmulat. Pagkakita sa kanya, halos nanlaki ang mga mata nito. At pinangiliran ng mga luha."I thought I will never see you again, Shelby Madeline, my love," sabi nito sa namamalat na tinig. "I thought you will not come home this Christmas because you were too busy.""I can always make time for you, Grandma."Ngumiti ang matanda. She seemed so pleased at what she heard. Tumingin ito sa kanyang likuran. Lumapit naman sa kama nito si Gunter at nagmano rito. Natawa si Donya Minerva."Did you teach him about our ways?" tanong nito kay Shelby.Lumingon si Shelby kay Gunter and with pride in her heart, she replied, "No, Grandma. He learned it on his own."Tumawa na naman ang matanda. She seemed so pleased. Nagkomento itong gumwapo raw lalo si Gunter from the last time she saw him. Gunter smiled sheepishly. No'n nito inabot ang mga bulaklak na kanina pa karga-karga ng isa nilang bodyguard na sumama sa loob ng hospital room ni Donya Minerva. Pagkakita ng huli sa isang pulumpon ng pulang rosas, napangiti ito. Pinangiliran pa ng mga luha."You always make me feel like a teenage girl with her first manliligaw! You know 'manliligaw'?""A suitor?" sakay naman ni Gunter.Tumawa na naman si Donya Minerva. "You're a smart boy."Ngumiti si Gunter. Hindi lang si Donya Minerva ang kinilig kundi buong hospital staff na nandoon at umaasikaso sa matanda. Shelby felt so proud.**********Pag-alis nila sa hospital, dumeretso sila sa Duty Free at pinag-shopping ang mga helpers ng mga San Diego. Habang aligaga si Shelby sa kung anong tsokolate, perfume, sigarilyo, at alak ang bibilhin para sa mga katulong nila't driver, nakangiting pinagmasdan ito ni Gunter. Ito lang yata ang babaeng lumaki sa mayamang angkan na nakilala niya na nag-aabala pang mang-regalo sa mga household staff. He kissed Shelby's temple and she looked at him a bit puzzled. Bakit daw."Do I need to have a reason to kiss my wife?" balik tanong niya rito. "Ay. So sweet naman ni sir!" komento ng sales clerk sabay rekomenda sa kanya ng pinakamasarap daw nilang tsokolate at pinakamabangong perfume.After Shelby is done shopping, he gave his card to the cashier. At gulat na gulat siya dahil naka-three thousand dollars lang sila pero ang dami-dami na nilang boxes of goods na nilabas mula sa tindahang iyon."Welcome to the Philippines," pabirong sagot sa kanya ni Shelby.Palabas na sana sila ng duty-free nang may lumapit na dalawang journalists daw kay Shelby. Humingi ang mga ito ng permiso kung okay lang silang kuhanan ng picture. Nagpaunlak naman ang kanyang asawa kaya game na rin siyang nag-pose with her. Naisip lang niya. Ibang-iba ang journalist na Pinoy. Kasi kung sa NYC sila, basta na lang silang kinuhanan ng larawan, kiber kung pumayag sila o ano."Not all of them though," pahayag naman ni Shelby at sinabi ritong marami rin daw walanghiyang reporters na Pinoy. "Just like in NYC. Not all paparazzis there are bad-mannered."Pagdating nila sa mansyon ng mga San Diego sa Alabang, pinatawag siya agad ng dad ni Shelby sa study nito. Nakaramdam ng alarma si Gunter. He still does not feel comfortable talking with him alone. But he has to. "Your dad just called up. He wanted to tell you that your mom is finally out of jail. The police has already found Lyndie Gonzales' husband and is now being incarcerated as we speak. He confessed to killing Amy Brown. But he said he did not act on his own. Mr Schlossberg ordered him to kill her. Here's the headline news in NYC." At pinaharap ni Magnus ang screen ng MacBook nito sa kanya. Pinatotohanan ng balita ang lahat ng sinabi ng biyenan. Pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon niya. Sa bandang baba ay nakita niya ang nangyari sa dati niyang assistant. At parang dinaklot ang kanyang puso at piniga. Sa kabila ng nagawa ni Frederick na pangta-traidor sa kanya, hindi pa rin niya matanggap na kasama itong nakulong sa asawa ni Lyndie Gonzales."Are you okay?" tanong ni Magnus sa kanya.Tumangu-tango siya. "Yes, sir. I am okay," pagsisinungaling niya.His father-in-law looked at him like he did not believe him, but he did not say anything about it. **********Pinangunutan ng noo si Gunter nang makita ang mga lumang larawan ni Shelby at ang dati nitong nobyo sa iilang picture frames na naka-display sa luma nitong kuwarto sa mansyon nila sa Alabang. Napansin din ito ni Shelby kaya natawa ang huli habang isa-isa nitong tinanggal ang mga iyon sa kinalalagyan at maingat na tinipon sa isang box."Why don't you throw them away already.""You're crazy, babe. Do not tell me you are still jealous of him," may himig panunudyong sagot ni Shelby habang tinatabi na ang mga pictures nila ni Alfonso. Tinawag niya ang yaya at sinabi ritong ito na raw ang bahala sa mga iyon."Well, on the practical side, yes, you better hold on to them. He's getting good at what he is doing that maybe in the future you can sell those pics for some big bucks, who knows?"Nakangiti na ngayon si Gunter at nakaakbay na kay Shelby."Beybi, dinig ko umuwi rin daw si Alfonsito. Hindi niya kasama ang asawa niya," sabi ng yaya habang tinititigan ang larawan ng dating nobyo ni Shelby. Pinangunutan naman ng noo si Gunter sa narinig. Naramdaman pa ni Shelby na medyo nag-stiffen ito. Pabiro niya itong siniko. "Ano ba. Akala ko ba hindi ka na nagseselos.""Who says I am jealous?" sagot naman nito agad.Pero ramdam ni Shelby na hindi buo sa loob ang pagsabi niya no'n. Napailing-iling siya tapos ay napangiti.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz