ZingTruyen.Xyz

Tss 2

Mica's POV

"You need to say sorry to Nueves, Mica." Niks said. She looks like a bigger sister telling her younger sibling what to do. Well, she's the oldest among us but nah, I won't do what she's asking.

"Why would I?" Mataray na tanong ko. It's so early and here she is, mandating me. Ginising pa niya ako. I don't have any plan on going outside this room. Masakit parin ang loob ko.

"Because you made her cry?" Patanong na sagot n'ya. Umismid lang ako. Nagtalukbong ako ng kumot pero hinila lang 'yon ni Niks. "Bakit ba ayaw mong magsorry, ha? Ganyan ka rin no'n kay Khey. Kung hindi ka pa pakiuusapan ni Miss Harm hindi ka pa magsosorry."

Bakit ba ang matandain ni Niks sa mga events? Kahit minsan lang mabanggit sa kanya ay naalala n'ya agad.

"Niks, I'm not in the mood right now. Next time I'll say sorry to her, okay?" Napipilitang wika ko.

I took my phone from my bedside table. I opened my social media account. Pinuntahan ko ang conversation namin ni Lili and deleted it. Geez. I'm so embarrassed for what I did last night. I shouldn't have confessed to her.

"Alam mo, Mica. Nakaka-stress ka." Wika ni Niks saka tumayo. Naglakad-lakad ito sa kwarto ko.

"Niks, why don't you just find a girlfriend and make yourself busy?" Suhestyon ko. Seriously, she needs a girlfriend now. Ang tagal na rin n'yang single and I think it's the right time for her to be in a relationship.

"So gusto mong gayahin kita na gawing past time lang ang isang babae?" Pinagtaasan n'ya ako ng kilay.

"I didn't say that." Dipensa ko.

"But that's what you meant." She banters.

"Stop acting holy, Niks. Marami ka rin namang babaeng naikama."

"That was before. I'm a changed person now." Natatawang wika n'ya.

"You're still waiting for her?" I asked in monotone. She sighed deeply.

Nixen is the most faithful person I've ever met. Ever since Soul and her broke up, she didn't had any relationship, or flings. I admire her for that dahil wala akong gano'n kahabang pasensya. She's not even sure kung babalik pa si Soul.

"Oh basta, magsorry ka ha. Kung 'di ka magsorry ipapabugbog kita kay Sky." May pananakot na wika n'ya.

Tsk. I'm not into petty fights. Lalo sa mga kaibigan ko. Sky is also my friend now.

"Yeah, later." Tinatamad na sagot ko.

"Ngayon na sana, baka di mo maabutan si Nueves." That made me look at her.

"Why?" Tanong ko.

"Uuwi na s'ya." Sagot nito. Napataas ang isang kilay ko. This early?

"Really?" Kumpirma ko pa.

"Oo, tanga. Uuwi nang may sama ng loob sa'yo."

Should I say sorry? But I was just being honest. I'm not into sugarcoating. I think that's better kaysa paasahin ko s'ya.

"Where is she?" Tanong ko.

"Magpapaalam na raw sa lolo at lola mo." Sagot ni Niks.

"I'll talk to her." Saad ko.

"Ayusin mo." Paalala ni Niks. I just nodded my head.

I took a quick shower, toothbrush, nagbihis, and all before going outside. Wala na rin si Niks sa room ko.

Hinanap ko sila sa loob ng mansion pero wala sila. Where are they?

I decided to look for them outside and there I found them in the garden. Nakaupo sila sa mga table. Si lolo, lola, at Nueves. They are talking happily. Mukhang ayos naman pala si Nueves.

Naglakad ako palapit sa direksyon nila. Unti-unting nawala ang malaking ngiti ni Nueves. Tsk. So she hates me now? She just confessed last night.

"Good morning, lo, la," humalik ako sa pisngi ni lolo at lola then I turned to Nueves. She's just looking at me emotionless. "Good morning, Nueves." Seryosong bati ko lang.

"Good morning," tila napipilitang bati n'ya.

"Mica, aalis na nga pala itong kaibigan mo dahil kailangan na raw s'ya sa bahay nila. Naisip samahan mo s'yang maihatid sa kanila." Wika ni lola na ikinagulat ni Nueves.

"Po?" She exclaimed pero agad ding natauhan kaya umayos ito ng upo. "Ano, la.. kaya ko naman pong mag-isa. May maghahatid naman po sa akin." She suggested. I thought it's her first time here? Kaya ba niyang mag-commute?

"'Yan ang hindi namin hahayaan ni Constancia. Kailangan mo ng kasama sa byahe." Wika ni lolo. Of course, she's our visitor, I invited her here kaya dapat ay makakauwi s'yang safe.

Sumulyap s'ya sa'kin. I don't know but the way that she acts, it's making me smile. Nakakatawa ang mga ekspresyon n'ya.

"Pero hindi po ba kailangan si Mica rito sa mansyon?" Tanong nanaman n'ya.

"Are you sure that you're leaving now, Nueves? Malapit na ang fiesta rito, masaya pa naman 'yon." Pangungumbinsi ulit ni lola.

There are news paper on the table so I opened it to read some news.

"Opo, la.. kailangan na po e. May trabaho na rin po kasi ako sa susunod na araw." Nakangiting wika ni Nueves kay lola. I'm watching her from my peripheral vision.

Liar. Alam kong gusto n'ya lang akong iwasan. I think that's better to help her move on. Hindi ko nga alam kung bakit n'ya ako nagustuhan. Hindi na nga ako naging mabait sa kanya because I don't want her to misinterpret my actions but she still liked me.

I'm not that charismatic, I think. Sabi ni Niks ay nakakatakot daw ako. Yung tingin ko raw ay para akong bigla nalang nananaksak. Maybe it's my resting bitch face? I just don't want being approached that's why I don't often smile.

"Oh, basta, kumain muna kayong dalawa bago kayo umalis." Wika ni lola. Nueves had no choice but to say yes to lola.

"Kayo po maghahatid sa amin, kuya Jaime?" Tanong ko sa isang driver. He's checking the tires of the car that we'll use.

"Opo, ma'am Mica. Kunin ko lang po yung susi." Paalam nito.

Nandito ako sa garahe. The car is ready, hinihintay nalang si Nueves. Nagpapaalam pa yata sa mga kaibigan namin.

I already saw her. Hila-hila ang isang maleta habang suot ang isang backpack. Her luggage seems heavy so I run towards her direction and offered a help.

"Let me help you with that." Akmang hahawakan ko ang handle ng maleta n'ya pero hinila n'ya ito palayo.

"No thanks." Mataray na wika n'ya saka mabilis na naglakad hila ang mabigat na maleta. I just crossed my arms.

I watched her as she try to carry her things para maisakay sa trunk ng kotse pero nahihirapan s'ya. I laughed in silence. Naglakad ako palapit sa kanya. Walang sabi kong binuhat ang maleta n'ya ay nilagay sa trunk.

"No thanks?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. She just rolled her eyes. Nauna na rin itong pumasok sa kotse.

"Ma'am, ayos na po ba?" Nakabalik na si kuya Jaime hawak ang susi ng kotse.

"Opo." Sagot ko. Pumasok na rin ito sa kotse at naupo sa driver's seat. I also got inside the car and sat on the backseat.

"Sa passenger seat ka nalang, pwede?" Pagsusungit agad ni Nueves pagpasok ko palang. What's her problem? Gusto n'ya bang palabasin ko s'ya sa kotse?

"Do you want to stay at the trunk, Nueves?" I asked in serious tone. She just rolled her eyes again. Sinasadya n'ya yatang inisin ako. It won't work. Hindi naman ako ganoon kabilis mainis.

The long ride started. Tahimik kaming nakaupo sa backseat. There's a huge gap between us. Nasa magkabilang gilid kami.

It's really quiet. Maybe because Niks is not here. She's always the one who starts the conversation and so on.

After awhile, Nueves uses her phone. She's texting someone because I saw her typing on her phone.

I took out my phone too. My social media account was clouded with notifications again. There's so many message requests. How can I stop these? Naiirita ako sa mga nagcha-chat na hindi ko naman kilala.

Hours passed by, I told kuya Jaime to stop on a gas station because I wanna pee.

Lumabas agad ako ng kotse at pumasok sa isang convenience store. I asked where's the comfort room and did my thing.

Paglabas ko ay nakita kong namimili si Nueves ng pagkain. One guy with the store uniform approached her. Nueves seems uncomfortable with the guy but the guy is really persistent on what he wants with Nueves.

Naglakad ako sa direksyon nila. The guy immediately notices me. Tumingin ito sa'kin, nakipagtitigan din ako sa kanya but without emotions. Napaiwas ito ng tingin.

"M-may gagawin pa p-pala ako." Nauutal na paalam ng lalaki. Naningkit ang mata ko. Ang lakas ng loob n'ya, mas matangkad pa ako sa kanya. Geez.

"No thank you?" I asked Nueves while she's walking on the aisle between the shelves.

She turned to me and smiled brightly. "Thank you, Mica! You know that I love chicken nuggets!" She cheerfully said and then immediately turned her back at me.

"Crazy." Bulong ko nalang. Ganyan ba epekto sakanya ng rejection? Kind of weird.

I just got a coke from the store and went outside. Bumili rin ako ng para kay kuya Jaime.

Naging mabilis nalang ang byahe. Hindi namin namalayan ay nasa city na rin pala kami.

"Saan po ba ang bahay n'yo, ma'am?" Tanong ni kuya Jaime kay Nueves. She's still on her phone. Hindi ba s'ya nagsasawa sa mga kausap n'ya?

Nueves told kuya Jaime her exact address. Hmm. Ngayon ko lang nalaman kung saan s'ya nakatira. After minutes of drive, we finally arrived to their house.

Sumilip ako sa labas. Hmm. Hindi kalakihan ang bahay nila. Sa labas ay makikita mo ang simentong pasimano sa terrace. Pa-square din ang shape ng buong bahay, wala ring second floor.

"Sa wakas." Bulong n'ya bago lumabas ng kotse. Lumabas na rin ako to help her with her things. Nagkusa na akong ibaba ang maleta n'ya.

"Ate!" Sigaw ng isang bata. Agad kaming napatingin. The little girls looks like Nueves. It's probably her sister. "Ate, may pasalubong ka?" Excited na tanong nito.

"Mayro'n, tignan mo mamaya." Nakangiting sagot ni Nueves sa kapatid n'ya.

"Sino s'ya, ate?" The girl asked while pointing her finger at me.

"Hi, I'm Mica. I'm your ate's—" Nueves butted in.

"Ka-work s'ya ni ate." Pagtutuloy n'ya sa sasabihin ko. Sumulyap ako sa kanya. Tinaasan n'ya lang ako ng kilay. "Dalhin mo na 'tong bag ko, pasok ka muna sa loob. Susunod ako." Sinunod naman ng bata ang utos ni Nueves.

"Bumabawi ka ba sa pagsusungit dahil nireject kita?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Anong gusto mo sambahin kita?" Sarkastikong tanong n'ya. Nagpamewang pa ito sa harapan ko. "Umuwi ka na nga, baka magabihan kayo. Kawawa si kuya driver."

"You won't invite me in your house?" Sumilip ako sa bahay nila. Nakasilip sa bintana ang batang kapatid n'ya. I waved at her, kumaway rin ito pabalik.

"Nope," she pursed her lips in a smile.

"I think your sister wants to talk to me."

"Mica, can you stop? 'Wag ka ng magbait-baitan. Umuwi na kayo. This is the last time we'll see each other." She firmly said and walk away. Sumilip muna ito sa kotse. May sinabi s'ya kay kuya Jaime saka tuluyang pasok sa bahay nila.

I chuckled.

As soon as I get back here I know she'll contact me to satisfy her and I'm confident about it.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz