Tss 2
Mica's POVFinally, the game ended. The Zone 3 won. "Ang galing ng team 'no? Lalo si Kaloy." Lili said after the match. Nakaupo parin kami sa bleachers. May second game pa but I won't watch it. I forced a smile at Lili. Does she like that Kaloy? Is that the guy who complimented him earlier? I can so better than that guy. "Yeah, magaling nga." Pagsang-ayon ko nang pilit. "You're not going home yet?" I asked. She shakes her head. "Hindi pa, may pupuntahan pa ako e." Sagot n'ya. "Where?" Kwestyon ko. "Kila Kaloy." She answered shyly. Her cheeks is even blushing. Gusto ko na sanang tanungin if she likes him pero huwag na. It will just hurt my ego. "Okay, take care." Malamig kong tugon saka tumayo. "Uuwi na tayo?" Tanong ni Niks na nakaupo sa likuran ko. They are all sitting on the back chairs. "Yup." I answered shortly. Narinig ko ang pagliligpit nila ng mga gamit, naghahanda na rin silang umalis. "Are you okay?" Lili suddenly asked. Tumango ako. "Uy, Mica. Una na kami ah?" Biglang lumapit si Kaloy at umakbay kay Lili. He's a nice guy, I think. Ganoon ba ang mga tipo ni Lili? Boring.."Ingat kayo p're!" Wika ni Niks sa kumakaway na si Kaloy at Lili habang paalis. "Guys, thoughts n'yo kay Kaloy?" Nakangising tanong ni Niks sa mga kaibigan namin. Napailing nalang ako. Heto nanaman s'ya."He seems a good guy." Nueves answered. I turned to her with disgusted look. Don't tell me that's her type too? Nagsimula na kaming maglakad palabas ng covered court. "Gano'n ba tipo mo, Nueves?" Pangungulit nanaman ni Niks. Ang kulit ni Nixen. Pauwiin ko na kaya 'to? "H-ha? Pwede.. mukhang matino. Hindi mapanakit." Sagot ni Nueves saka mahinang tumawa. Gross. She's been sleeping with me tapos malalaman kong gano'n lang pala ang tipo n'ya. Nakakadisappoint naman. "Ayaw mo ba sa medyo red flag?" Tanong nanaman ni Niks. Binilisan ko nalang ang paglalakad. Akala siguro ni Niks nakalimutan ko na yung bigla n'yang pagpasok sa room nang hindi kumakatok. "Ayoko, syempre." Narinig ko pang sagot ni Nueves. "Ate! Sandali!" Sabay sabay kaming napalingon. One guy run towards our direction. "Ate, pwede raw bang mahingi facebook mo? Sabi nung lalaki ro'n." Sabay turo sa direksyon ng mga lalaking naglaro kanina ng basketball. "Ako?" Nueves points her self. "Opo," the guy shyly answered. Palusot. I'm sure he's the one asking for it. "Go na, Nueves." Tinabig pa ni Niks ang balikat ni Nueves using her arm. Nueves shrugged. Kinuha n'ya ang cellphone ng lalaki saka nagtype roon. Ang easy to get naman. "Nueves Cervantes?" Pagbasa ng lalaki sa cellphone n'ya. "Hm," Nueves response. "Sikat ka pala, ate." Manghang wika ng lalaki. She's a model dude. "Modelo kasi itong kaibigan ko." Nagyayabang na wika ni Niks. "M-mauna na kami." Nueves gave an awkward smile saka tumalikod na sa lalaki. Mabuti naman. Akala ko aabutin pa kami ng isang oras sa chitchat nila. I started walking again. Nauuna ako sa kanila. "Mica!" I turned at them. "Meryenda raw!" Sigaw ni Niks. They stopped at the foods stalls. Maraming tinda rito, iba't-ibang klase. Naglakad ako pabalik. "Sky, tusukan mo ako nung squid balls." Utos ni Carol kay Sky. "Ikaw, babe, hilig mo talaga sa balls." Pang-aasar ni Sky kay Carol. Geez. I looked around para maghanap ng gusto kong kainin."Calamares?" Alok ni Nueves. She's extending the cup of calamares with vinegar. Himala, nag approach. "I don't eat pusit." Tanggi ko. "Ang arte mo talaga 'no?" Wika n'ya habang ngumunguya ng calamares. "Hindi ko lang gusto ng calamares maarte na?" Tanong ko naman. Naglakad ako papunta sa nagtitinda ng halo-halo. This is the best to eat during summer. "Ang dami mo rin kayang hindi gustong kainin." Pagrarason n'ya. My mind was struck with an idea. I'm biting my lip to stop my smile. Ano ba itong naiisip ko. Control your intrusive thoughts, Mica. Huwag mong sasabihin. Just keep it to yourself. "Atleast I eat healthy, not that streetfoods you're eating." Dipensa ko. "Ate, isang halo-halo po." Agad namang nagkayod si ate ng yelo. I just remember, hindi na ako nakapag-gym ng ilang araw. Wala yatang gym na malapit rito. Mayba I can ask lola to buy me, even just a treadmill. "Minsan lang 'to because I'm still here, sulitin ko na. Once we get back to the city, hindi na ulit ako makakakain nito." She answered and drank the vinegar. Napangiwi pa ako. Ako yung nangangasim sa kanya. "Because of work?" I asked. I crossed my arms and leaned against the wooden stall. "Yup!" She looked around, itatapon na sana n'ya ang cup sa kung saan so I took it from her hand. "Oh? May pake ka pala sa kalikasan?" Natatawang tanong niya. Hindi ko nalang pinansin. "Why don't you just find another work? What's your degree ba?" We've known each other for months now but I still don't know much about her. Panay lang kasi kami sex whenever we see each other."Wala, I didn't finish college." Casual na sagot niya. "Why?" "To work." "Why? Wala bang work parents mo?" "Mayro'n naman but it's not enough lang." She answered. Kawawa naman pala s'ya. I thank my parents because they gave me all my needs and wants. "So what's your dream job then?" I asked again. Inabot na ni ate yung halo-halo ko. Binayaran ko 'yon and started mixing it. "Doctor." She answered. Her eyes sparks upon saying that. "'Neng, sukli mo." Inabot sa'kin ni ate yung sukli sa bayad ko. "Hindi na, ate. Just keep it." Magalang na wika ko. Nagsimula na akong maglakad bago pa ipilit sa'kin yung sukli. "Iba talaga 'pag mayaman." I heard Nueves said. She's also walking behind me. Binilisan ko lang ang paglakad papunta sa pwesto nila Niks. "Since you're staying here with me, wala kang work, right? Do you want me to—" hindi ko pa natatapos ang pagsasalita ay sumingit na s'ya. "No, no, ayoko." Matinding pagtanggi n'ya, may kasama pang iling. "Why? I'm consuming your time so it's better be worth it. Papalitan ko yung working hours mo." I suggested. It's okay with me since she's here. Ako naman ang nag-aya sa kanyang pumunta rito. "Ayoko nga, Mica. 'Wag kang makulit." Tanggi n'ya parin. "Why?" I asked. Ayaw pa niya? She needs the money, right? I can't imagine her family on that state. Yung kita ng parents n'ya hindi enough sa kanila. That must be tough. "Feeling ko bayaran ako. 'Wag na, it's really okay." Her voice was low. Natahimik ako. I didn't mean it that way but okay. Kung ayaw niya talaga I won't force her. ...Nueves' POV"Nasaan po pala si Mica?" Tanong ni Niks habang nagbibreakfast kami kasabay ng lola ni Mica. Wala rin ang lolo n'ya. "Ngayon kasi kami magpapagapas, pinasama ko s'ya ro'n kay Lili. Para matutunan n'ya ang gawaing bukid." Nakangiting sagot ni lola. Tila natutuwa ito sa naisip na idea. Agad naman bumagsak ang paningin ko sa pagkain. Magkasama ulit sila. Pero okay lang, anong pake ko 'di ba? Bahala sila. Buhay nila 'yan, gawin nila kung anong gusto nila. "Pwede po ba kaming pumunta ro'n?" Tanong nanaman ulit ni Niks. This time, she glanced at me. Yung tingin na may pinapahiwatig. "Hindi po kami manggugulo." Dagdag ni Sky. Napatingin ako sa kanya. Does she know something already? Sinabi kaya sa kanya ni Niks?! "Aba, pwedeng-pwede! Mamaya, sumama kayo kapag magtatanghalian na. Magpapabaon kami ng pagkain sa mga nag-gagapas." Masiglang wika ni lola. Everyone turned to me and smiled. Napapaisip na ako sa mga 'to. Don't tell me Niks told everyone our secret? Maiinis talaga ako! "Sige po!" Sabay-sabay na sagot nila kay lola. Nagtuloy lang kami sa pagkain. Nagkikwentuhan sila habang ako'y tahimik lang. "Ayos ka lang, Nueves?" Tanong ni Saji nang mapansin ang katahimikan ko. "Oo," sagot ko. I faked a smile. Isang linggo palang kami rito nabuking agad? Maybe it's the right time to cut off what's between me and Mica? Natapos na rin kaming kumain ay nag-iisip parin ako. Gusto kong tumulong sa mga gawaing bahay kaso ayaw ni lola. Wala tuloy akong mapagkaabalahan. Ayokong iopen ang social media account ko dahil masstress lang ako. "'Wag mo masyado isipin 'yon." Lumapit sa'kin si Sky at nagsalita. Napatingin ako sa kanya. May nakakalokong ngiti ito sa labi. "Sinabi ba ni Niks?" Diretsang tanong ko. Her forehead crunched. "Alin?" Inosenteng tanong n'ya. "May sinabi ba s'ya?" Ulit ko. Kaibigan ko 'tong si Sky pero wala rin akong tiwala sa kadaldalan nito. "Wala, tangek! 'Di ko nga alam yang sinasabi mo." "E bakit gano'n kayo makatingin sa'kin?" "Obvious ka kasi! Gusto mo na si Mica, halata, Nueves." It's a statement from her. Pinagtaasan ko ito ng kilay. Talaga? Mas nauna pa niyang malaman na gusto ko si Mica kaysa sa'kin? "Oo nga, Nueves." Nakarinig ako ng boses sa likod. It's Carol pala na bitbit si Thea na may hawak na laruan. "Ganyan din ako noong hindi ko pa matanggap na gusto ko si Sky. Tho hanggang ngayon hindi ko parin matanggap." She said and laughed. "Ang kapal mo naman," kunyari'y nagsusungit si Sky. Carol raised her brow at Sky. "Ang kapal mo naman, babe." Ulit ni Sky sa mas masuyong tono. Sa harap ko pa talaga? "Doon na nga kayo, maglalandian lang kayo rito." Pagtataboy ko sa kanila. "Mommy, I mwiss August.." wika ni Thea. Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. "Aw, you miss your girlfriend, baby?" Wika ni Sky saka kinuha si Thea kay Carol. She faced her baby. Thea pouted and nodded. Walangya, pati ang bata may girlfriend? Napag-iiwanan na ako. "Sky kasi, 'wag mong kunsintihin." Pagsasaway ni Carol pero hindi ito pinansin ni Sky. Maya-maya ay sumulpot na si Niks at Saji. May bitbit itong mga pagkain. "Guys, tara na raw sa bukid." Wika nito. Kumuha rin ako ng dadalhin. May iba pa naman kaming kasama dahil marami talagang kailangan magdala dahil maraming tao rin ang kakain. This time, nagdala na kami ng mga payong dahil mainit talaga. Nagdala na rin ako ng minifan ko, kaysa hintayin ko na may magpaypay sa'kin, right? Malapit na kami sa kubo, tanaw agad ang pigura ng dalawang babae na masayang nagkikwentuhan habang nakatanaw sa mga nag-aani ng palay. I'm not affected. Wala akong gusto kay Mica. "Ehem." Kunyaring ubo ni Niks para maagaw ang atensyon ng dalawa. Sabay silang napalingon sa'min. Mica's eyes immediately landed on me. Pinasadahan n'ya lang ako ng tingin saka na bumaling sa iba. "Just in time," she said and smiled at Lili. Kinuha n'ya ang mga bitbit namin at nilagay sa lamesa. "Mauna ka ng kumain, Lili. You're already hungry, right?" Parang aligagang pag-aasikaso nito kay Lili. Hindi ko talaga siya gusto, I swear pero gosh, humahapdi ang mata ko sa mga nakikita ko.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz