Tss 2
Mica's POV"Mica!" boses 'yon ni Carol. "What?" I asked while watching Nueves doing her poses at the camera. Tsk. I hate the fact that their photographer is a man. "We need to talk." wika ni Carol. "Nah, I'm staying here-" she cut me off. "About Nueves," wika niya kaya napalingon ako. "What about her?" My voice becomes serious. Tumingin ako kay Nueves, saktong pagsulyap niya rin sa'kin. I signaled her na lalabas kami sandali ni Carol. Tumango naman s'ya bilang sagot. "What about Nueves?" Tanong ko ulit kay Carol. Nasa labas kami ng studio kung saan may photoshoot si Nueves. Nauna sa kanya si Carol and here she is. I don't have any idea what she's going to say. "Siguro pinigilan mo s'ya, 'no?" Tunog nangbibintang ang boses n'ya. "Huh?" I innocently blurted out. "Carol, can you just say it directly? Hindi ako manghuhula." demand ko. Carol crossed her arms and looked at me. "Nueves was accepted to work abroad. Nag-apply s'ya months ago and she received the message just last month, I think. Pero ang sabi n'ya hindi na raw s'ya tutuloy, so.. I suspect na baka dahil 'yon sa'yo." she's really accusing me. "Wait, I don't know what you're talking about. Walang nabanggit sa'kin si Nueves." wika ko habang nakatingin sa loob ng studio. "Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Carol. "Yeah.." mahinang kumpirma ko. Bakit hindi n'ya sinabi sa'kin? What's her reason for not accepting the offer kung s'ya naman ang gumawa ng paraan para matanggap doon? "I think you should talk to her?" Napatingin ako kay Carol. "That's really her dream. Lagi n'yang nababanggit 'yon noon, so. Sana tanggapin n'ya yung offer. That's a really great opportunity." dagdag pa nito. Yeah, I guess so too. Working abroad. Hmm. I should talk to her about that. "Thanks, Carol. I will talk about that with her." I assured Carol. Hindi masasayang ang effort n'yang sabihin sa'kin 'to. After their photoshoot, inaya ko saglit si Nueves na magdinner sa labas. Maybe it's also the right time to ask her about what Calor told me. Wala naman talagang right time, just not waste time. So I'll talk about it now. "Nueves," tawag ko sa kanya sa gitna ng pagkain namin. She raised her both brows to tell me she's listening. "I want to ask you something." "Hmm?" tanong niya habang nginunguya ang pagkain. I wiped my lips with a tissue before I talk. "I heard you have a modeling career offer abroad. May I ask why you didn't respond to it yet?" I asked like I was in a business meeting. Can't tell why I'm feeling nervous about this. Napatigil s'ya sa pagkain. She drank her water, bottoms up na parang uhaw na uhaw s'ya kahit hindi naman. "Kanino mo 'yan nalaman?" seryosong tanong n'ya. "Oh, si Carol talaga," she knew it. Si Carol lang naman ang nakausap ko kanin. "Yeah, she did told me." pagkumpirma ko. Tumingin muna s'ya sa mga pagkain na parang doon naghahanap ng isasagot. Pagkalipas ng ilang segundo ay nag-angat s'ya ng tingin. "I can't leave Persia. Hindi ko naman s'ya pwedeng isama do'n dahil wala akong pag-iiwanan sa kanya." she explained. I was just looking at her the whole time she explains. Trying to study her if she's telling the truth. Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling but my mind is telling me that it's not enough. Parang may hindi pa s'ya sinasabi sa'kin. "'Yan lang ba talaga yung rason?" pagkumpronta ko. As I've said ayoko sa paligoy-ligoy. She then look at my eyes. Her lips twitched. "Be honest, please?" "Mica-" she stopped by her ringing phone on the table. Sabay nong naagaw ang atensyon namin. Mabilis pa sa alas kwatro n'yang kinuha ang cellphone n'ya saka pinatay ang screen. Biglang kumunot ang noo ko. What was that? "Sino 'yon?" tanong ko agad. "U-unregistered kaya pinatay ko agad." she looks rattled. Halos hindi makatingin sa'kin ng diretso. I know her, I know my girlfriend at alam kong nagsisinungaling s'ya ngayon. Ganon pa man ay tumango parin ako. Sabihin na nating nagsisinungaling s'ya but I still trust her. Hindi n'ya ako lolokohin. Ngumiti ako. "Kumain ka na," wika ko saka nagtuloy sa pagkain. Tumango s'ya saka yumuko at sumubo ng pagkain. ..."Hey, Mica," one girl approached me. I'm currently at gym, gusto ko lang mag-isip-isip and this place is the first place I thought of. Kahit gabi na ay marami paring tao sa gym. 24 hours na open ito. May mga ilan akong katiwala para salitang magbantay. Tiningnan ko ang babae. I know her but now her name. Madalas ito dito sa gym. "Hi." plain na bati ko. Pumunta s'ya sa katabi kong treadmill and started using it. "I rarely see you here this past few weeks. Busy?" she asked. "Yup," tipid na sagot ko. I hate small talks, lalo sa hindi ko kakilala. Mabuti nalang hindi na s'ya nagsalita pa. Guess marunong siyang makiramdam. I continue jogging for awhile. Iniisip ko parin yung huling pag-uusap namin ni Nueves. Who called her? Hindi ko nakita kung sino and I have a feeling that she doesn't want me to see who that is. But why? One more thing, that offer she declined. I still feel like there's more reason behind it. Fuck. I need answers."Mica!" napalingon ako sa katabi nang tawagin n'ya ang pangalan ko. "Kanina pa kita tinatawag," natatawang aniya. "Yeah?" tanong ko. "That one girl keeps stealing glances from you." nginuso n'ya ang direksyon kung saan natagpuan ko si Nueves na naglilift ng dumbbell. Saktong paglingon ko sa kanya ay siya namang pag-iwas n'ya ng tingin. Fuck. In-off ko agad ang treadmill and when I look at Nueves' direction, there's already a guy talking to her. "Hey, Mica!" tawag ng babae pero hindi ko na pinansin. Naglakad ako palapit kay Nueves. Paglapit ko ay naagaw ko ang atensyon ng lalaking nakikipag-usap kay Nueves. "Tinuturo ko sakanya yung right form." sabi nito sa'kin. I know him. Matagal na s'ya rito sa gym and he's kind but still, ayoko. "Ako na, Rick." wika ko sa kanya. "Sure?" paninigurado n'ya pa. "Yup," I answered and nodded. Pagkatapos non ay iniwan n'ya na kami. Binaling ko ngayon ang tingin ko kay Nueves. Nag-iwas nanaman s'ya ng tingin. She continue doing her dumbbell squats nang hindi tumitingin sa'kin. Bakit? What did I do wrong? Maayos naman kami kanina nang ihatid ko s'ya sa kanila. "Nueves?" tawag ko sa kanya. Geez. I swear I didn't do anything wrong but I feel like I did something and I need to do something to make up to her. "Hmm?" Walang lingon na aniya. Naglakad s'ya ngayon papunta sa pull up bar. Again, I followed her. "Are you mad at me?" I asked softly. "Nope," she coldly answered. "So why are you ignoring me?" "I'm not." "Nueves, talk to me." "I am talking to you, Mica." Saktong pagkapit n'ya sa pull-up bar ay niyakap ko ang bewang n'ya. "Bitaw." utos ko. "Mica!" Sumisipa s'ya sa era para makawala sa'kin pero mas hinigpitan ko lang. "Nakakahiya, nakatingin na sila!" pabulong na sigaw n'ya. "Bitaw sabi." mas nagpumilit naman ako. Wala s'yang nagawa kundi bumitaw sa pull up bar. Binitbit ko s'ya na parang sako ng bigas saka dinala sa opisina ko. Sinampa ko s'ya sa office table. I put both of my hands on her sides and looked at her intently. "Are you jealous?" I asked in a soft tone. Again, she looked away. So she is jealous. "Love, there's no need to be jealous. She's just talking to me and as a decent human being sumasagot ako. But it's not like I'm flirting with her or anything." paliwanag ko. She didn't say a word. I held her cheek and turned her face at me. "Nueves, are you still upset?" tanong ko nanaman. Geez I hate this. I want her to talk, say something, anything. "Oh no, baby, don't cry.." niyakap ko s'ya ng mahigpit nang magluha ang mata n'ya. "Nakakainis kasi.." humihikbing wika n'ya. "L-lahat nalang ng nakapaligid sa'yo, matataas.. That girl, I know her.. she's famous and rich. CEO 'yon ng beauty products e.. your friends, they are all successful, and y-your family, and you.. n-nakakainis lang but I can't—I don't know what to do kasi ito lang yung kaya ko.." sunod-sunod na hikbi ang pinakawalan n'ya. Napahinga lang ang ng malalim sa sinabi n'ya. My girlfriend is insecure. "Nueves, look at me." I cupped her face and hold it softly. Tiningnan ko s'ya sa masuyong paraan, don't wanna scare her. "About the girl, I'm not even aware that she's rich, famous, or whatever, because you know what? Hindi ako interesado sa kanya. It's you, and only you, who matters to me." Hinahaplos ko ang pisngi n'ya habang sinasabi 'yon. I kissed her eyes to prevent her from crying. It's heartbreaking seeing my girl cry because of me. Although I do not intend to make her cry, nasasaktan parin ako. "At tungkol naman sa mga taong nakapaligid sa'kin.. my friends and family. I just want you to know that you are part of them. You are part of the family and friendship so don't ever think na hindi ka welcome." dagdag ko pa. Nang tumingin s'ya sa'kin ay mukhang maluluha nanaman. "E kasi naman ang perfect mo e.." naiiyak nanamang wika n'ya. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o maiinis. I have so much redflags from the start, she just helped me improve. "I'm not perfect, love. I have so much flaws and imperfections. But each day, I'm trying my best to be better. Kaya pasensya ka na kung hindi ko agad alam ang dapat gawin sa ganitong situation, nangangapa pa ako." Vocal na ani ko. That's why I'm very upset everytime she's acting strange. "I-I'm sorry.." niyakap n'ya ako. "Hindi ako naging honest kanina.. ang totoo, isa pang rason kung bakit hindi ko matanggap yung offer abroad ay dahil natatakot ako. Na paano kung iwan kita.. I don't think I can do that. P-paano ka? Paano ako? Paano tayo? K-kaya ko kayang mag-isa doon? And what if.. you find someone better here?" For a second, I was speechless. Tama nga ako na may isa pang rason but I wasn't expecting it to be me. "Love, take that offer." wika ko na nagpagulat sa kanya. "If you really love me, you will take that offer, achieve your dreams, and be proud of yourself."
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz