Prologue
#SB4
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Welcome to the 4th story of South Boys. Here's a note before you dive in: The original story was set in a time before the K-12 system, but I've updated the setting to match what's familiar today. The story also takes place as technology is on the cusp of change, with smartphones and social media about to improve.
You'll meet the characters as teenagers navigating self-discovery, mistakes, and raw emotions. Please be aware that this story is intentionally unfiltered, portraying real-life complexities. Some scenes may be uncomfortable, but that's the reality I'm aiming to depict. -JF
----------------------------------
"I LOVE YOU."
I was frowning as I sat in the passenger seat of the car. Ang lalaki sa manibela ay umusod palapit sa akin. Nanunukso ang magandang uri ng mga mata niya.
"I love you, Mommy..."
"I hate you," mahinang sabi ko na nakayuko.
"And I love you."
He gently placed a soft kiss on my forehead.
Pinanood ko siyang bumaba ng kotse at umikot sa aking gilid. Habang nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng init sa dibdib.
High school pa lang ako, pangarap ko na ang lalaking ito. Doon ko na-realized ang nararamdaman ko.
I still couldn't believe that finally, he was with me now. With us. He was too perfect and I was so lucky to have him. I had no plans of letting him go.
Huminto siya sa gilid ko para pagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. Inalalayan niya akong bumaba. Yumakap naman ako sa bewang niya. We were at the parking lot of SM City Dasmariñas. We supposed to buy a gift for my niece's birthday. Nauna na kami na kami rito at siya ay kararating lang galing Manila.
Hawak niya ang kamay ko nang pumasok na kami sa loob ng mall. "Where is Hyde?" he asked.
"Iniwan ko sa resto."
Malayo pa lang kami sa Max's Restaurant ay natanaw ko na ang aking best friend na si Dessy. Palakad-lakad ang babae at hindi magkandaugaga. Nang makita ako napasigaw siya. "Jillian!"
Madali ko naman siyang nilapitan. "Where's Hyde?"
"Magsi-CR daw siya. May tao sa loob ng restroom ng Max's kaya nanakbo palabas."
"What? Hinayaan mo siyang mag-isa?" Nag-init ang ulo ko. Hyde was only eight for Pete's sake! Kahit matured mag-isip at malaking bulas ay bata pa rin. Paano kung mapaano iyon?
"Sorry. Alam mo namang mahirap makipag-debate sa anak mo. Nagsisimula pa lang mangatwiran ay dinudugo na agad ako."
"God, Dessy!" Iniwan ko na siya para puntahan si Hyde.
"Hon," boses ng kasama kong lalaki, my first boyfriend... and now my fiancé.
He was my ever gentle and perfect Harry Caesar Aragon.
"I'll look for him," nakangiting sabi niya sa akin.
"No. I'll go with you." Kapag tungkol sa anak ko ay hindi pwedeng maghihintay lang ako.
Lumiko kami patungo sa kinaroroonan ng mga restrooms. Walang katao-tao sa hallway kaya kitang-kita ang paligid. Sa tapat ng banyo ng mga lalaki ay kandahaba ang leeg ko, walang tao na matatanaw sa loob.
"Stay here, Jill. Ako na ang mag-ch-check sa loob."
Papasok pa lang si Harry nang makita naman naming palabas ang isang batang lalaki. Naka-white polo, jeans, at boots. Natatakpan ng black rimmed glasses ang mga mata na kakulay ng sa akin—kulay malinaw na tanso.
"Baby!" Sinalubong ko ito ng yakap.
Nakasimangot ang walong taong gulang na batang lalaki. Salubong ang mga itim na itim at makakapal na kilay at nakaismid ang mapulang mga labi.
"What happened, baby?" nag-alalang tanong ko.
"Mommy, there's a guy inside," sumbong niya na malikot ang mga mata.
Nagkatinginan kami ni Harry.
"That guy said that I have a small dick!"
Napanganga ako. "What?!"
Namumula ang mukha ng bata nang muling magsalita. "I just happened to glance at his dick while peeing. I was amazed because he got a massive one. He looked at mine too and then he laughed."
Kumulo ang dugo ko sa galit. "Who the hell is that guy and how dare him insult my son?!"
Was he crazy to say something like that to a child?
Hinahagod ni Harry ang aking likod para pakalmahin ako, pero sa mga mata niya ay makikitang hindi rin siya natutuwa. Harry loved Hyde as much as he loved me. Kung hindi siya likas na pasensiyosong tao ay baka sumugod na siya para banatan ang kung sino mang nang-insulto sa bata.
Mula sa men's restroom ay sumunod na lumabas ang isang matangkad na lalaki. Nakahanda na ang matalim na mga titig ko nang bigla akong matigilan.
The man was very handsome and kind of familiar. Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. O baka dahil sa sobrang guwapo niya kaya akala ko lang ay kilala ko siya?
Sandali kong nakalimutan ang pang-aalipusta niya sa weenie ng aking baby.
The man was perfect. Wala kang maipipintas mula sa makakapal at itim na itim na mga kilay ng lalaki, sa malamlam at kulay itim ding mga mata, mataas na bridge ng matangos na ilong, at manipis na mapulang mga labi.
Even his height, physique, shoulder width, and posture were a work of art that he could pass as a model. He was wearing a black long sleeves polo, dark-fitted jeans, and a pair of loafers. Aside from his Rolex watch, he also had silver earrings on both sides of his ears. Even so, he was still respectable and clean-looking.
I blinked when I realized that he was also examining me.
Sa gulat ko ay biglang ngumisi ang manipis at mapula niyang mga labi, "Herrera."
My lips parted when I heard his voice. I recognized it in an instant. Hinding-hindi ko makakalimutan ang boses na iyon na kahit yata pumikit ako ay makikilala ko pa rin kung kanino.
I couldn't be wrong...
This man who had a naughty grin on his sensual red lips...
He was none other than the notorious Hugo Emmanuel Aguilar.
The man I never thought I'd be acquainted with in the past.
The man I truly wished to forget.
The man who brought chaos into my life.
Pinanlamigan ako ng katawan. Sa aking pagtalikod noon ay nirespeto niya ang desisyon ko. It had been years and I thought I was not going to see him again. But why... why was he here in front of my very eyes? Why did our paths have to cross again?!
"Do you know him?" narinig salat sa anumang emosyon na tanong ni Harry sa aking tabi.
Only then did I realize that I was with him and Hyde.
Kinalabit ako ng anak ko. "Mommy, he's the crazy guy with a massive dick!"
Napaatras ako sa biglang pagapang sa akin ng takot.
Ang ngisi sa mga labi ni Hugo ay marahang nabura nang marinig ang sinabi ng bata. "He's your kid?"
"Our kid." Si Harry ang malamig na sumagot dahil hindi ko na mahagilap ang aking sariling boses.
"Mommy, he really got a massive dick. It was thick, long and the tip was a bit swollen! Is my dick will be like that too—" Hindi na natapos ng bata ang sinasabi dahil piningot ko na ito.
Nanguna na itong manakbo paalis. Pero bago makalayo ay nilingon pa nito si Hugo.
"My dick will get thicker and longer too because I got it from my dad!"
Hinawakan ako ni Harry sa kamay para sumunod kay Hyde. Marahang hinila niya na ako paalis sa lugar kung saan naiwan ang nakahabol ng tingin sa amin na si Hugo.
Hanggang sa makalayo kami ay hindi ko pa ring makuhang magsalita. Nang lingunin ko si Harry ay seryoso ang kanyang mukha. Ang palaging kalmante, mahinahon at maamo niyang ekspresyon ay hindi makikita ngayon. Salubong ang mga kilay niya at panaka-nakang nagtatagis ang kanyang mga ngipin.
Dahil bakit hindi?
Kahit sa maiksing panahon at sandaling pagkakataon lang ay nagkaharap na sila noon. Hindi lang iisang beses, dalawa o higit pa.
Imposibleng makalimot sila kung paano sila nagkakilala ng dahil sa akin, kung paano nila isinumpa ang isa't isa, at paanong dahil din sa akin kaya sila nakarating ng presinto kasama ang kuya ko.
Magsisi man si Harry ay huli na.
Simply because the truth could never be changed...
Whether we liked it or not, Hugo Emmanuel Fucking Aguilar would always be a part of my life...
...Our lives.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz