ZingTruyen.Xyz

Troublemaker

Chapter 5

JFstories

WAS THIS GUY EVEN SERIOUS?


Hindi ko na siya ulit nilingon kahit pa noong nilaklak niya ang Gatorade at nabulunan siya. Kandaubo siya pero ni tapunan siya ng tingin ay hindi ko pinagkaabalahang gawin. Karma iyon dahil nakikialam siya ng hindi naman kanya.


Bago matapos ang klase namin ay dumating si Kuya Jordan. Sa gilid lang kami ng bintana, sa tabi ko, kami nag-usap. Binilin lang niya sa akin na sabihin kina Mommy na hindi na naman siya sasabay sa pag-uwi. Dadaan daw kasi ulit siya sa library.


Nakakapagtaka lang kasi bakit kailangan niya pa akong puntahan, samantalang puwede naman siyang mag-text na lang.


"What a baby..." narinig ko na nagsalita si Hugo sa nakakalokong tono. "Sinong sunod na dadalaw sa 'yo rito? Mommy at daddy mo?"


Nang makalayo na si Kuya Jordan ay ibinalik ko na ang pagkakasimangot ng aking mukha.


"Whoa! Pwede ka rin pala ng ganyang expression? Akala ko lagi ka na lang mahinahon at kalmado, gusto na nga sana kitang tanungin kung pinsan mo ba si Mama Mary—"


Nilingon ko siya at pinandilatan. "You know what? You're annoying!"


"Huh?"


"Bastos ka."


Mata naman niya ang nanlaki. "Excuse me, ang bastos nakahubad, especial naka—"


Bago niya pa naituloy ang sasabihin ay hinampas ko na siya ng libro—pero sa pagkakataong ito ay maagap na nasalo niya ito.


"Never again, Herrera!" nakangising sabi niya. "Anong akala mo sa akin, tanga? Papahampas ulit sa 'yo?"


Binitiwan ko ang libro at dahil sa pagkainis ay kusang umabot ang kamay ko sa buhok niya. Sinabunutan ko siya. Pareho kaming nagulat kaya naman napabitiw agad ako.


Oh, what did I do? Sa buong buhay ko bilang estudyante, ngayon lang ako nakasabunot ng kaklase. To think na ngayon pa kung kailan Grade 11 na ako!


Nakanganga naman sa akin ang mapulang mga labi ni Hugo. Napahaplos ang mahahaba niyang daliri sa kanyang buhok na mukhang ngayon pa lamang may nakasabunot.


Nang makabawi ako sa pagkabigla ay inirapan ko siya at hindi ako nag-sorry sa nagawa. It was his fault, anyway. He deserved it.


Matalim naman ang mga mata niya sa akin na akala mo naman ay wala siyang ginawa para hindi ko siya masabunutan. "Tsk,tsk. I didn't know that you're a sadist, Mama Mary's cousin!"


Umayos ako sa pagkakaupo at kahit nanggigigil ay kaswal na nagsalita, "Oh yeah, demon? Why not you go back to hell? I think your pals are missing you there."


Dinig ako ang pagpalatak ng dila niya sa kanyang bibig. Mukhang hindi niya inakala na masasagot ko siya.


Nang magsimula ang klase ay nanahimik na siya pero ramdam ko pa rin ang mga mapang-asar niyang tingin sa akin.


Hindi ko alam kung paano ako nakaraos nang hindi napapatiran ng ugat dahil sa inis sa aking katabi. Nang mag-ring na ang bell ay nagmamadali akong tumayo.


Hindi ko nililingon si Hugo kahit ramdam ko na nakahabol siya ng tingin bawat galaw ko. Patay-malisya na umalis na ako.


I didn't want to stay any longer with that guy. He was annoying to the point that I wanted to hit him again. I was not a violent person but he was making me act out of control, and it was scary.


My own actions were surprising me. Parang hindi na ako. Malayo na sa kung ano ako. Ipinilig ko ang aking ulo na kumikirot sa pag-iisip.


Ah, I really needed to go home so I could rest my mind. Binilisan ko na ang paglalakad dahil mayamaya lang ay maraming bababa na estudyante mula sa second floor at mapupuno na itong corridor.


Napahinto ako dahil nakita ko si Wayne na nakatayo sa may palabas ng Grade 11 building. He was looking in my direction and when the guy saw me, he smiled. It seemed like I was the one he was waiting for.


Mabait ang bukas ng kanyang mukha kahit may bakas ng pagka-maangas. Hindi ko sigurado kung totoo ang sinabi ni Hugo na adik siya. Ayaw kong manghusga dahil hindi ko naman siya lubos na kilala.


Honestly, wala naman talaga akong alam tungkol kay Wayne maliban sa may kaya ang pamilya niya, na dati siyang sa private nag-aaral bago napunta rito sa Gov, ma-tropa siya, at matiyaga siyang nanliligaw sa akin. Matagal ko na rin siyang matiyaga na iniiwasan.


Humakbang siya palapit sa akin. "Hi, Jillian! Uuwi ka na?"


Lalampasan ko na sana si Wayne nang makita ko ang pagdaan ni Hugo sa aking gilid. Patingin-tingin siya sa akin, partikular kay Wayne na ngayon ay kaharap ko na.


Napalunok muna ako bago mahinang sinagot ang tanong ni Wayne, "Oo..."


Nangislap ang mga mata ni Wayne dahil sa pagsagot ko sa kanya. "Susunduin kayo ulit ng daddy mo, 'no? Hatid na kita sa gate—"


His words were cut off when someone grabbed my bag. Namilog ang aking mga mata ng mapagsino ito—si Hugo!


"Tara na, hinihintay ka na ni Ma'am Herrera," nakangising sabi niya sabay tulak sa likod para mapalakad ako.


Sa gulat sa bilis ng pangyayari ay napakurap na lang si Wayne habang nakatingin sa amin.


Pinagtutulak naman ako ni Hugo hanggang sa makalayo na kami.


Nang makabawi sa panunulak niya ay inis na hinarap ko siya. "Ano ba? Bakit sinabi mo iyon kay Wayne?!"


"Why? It's not like I lied or anything," balewalang sagot niya.


"Pero hindi mo ako kailangang kaladkarin na parang sabay tayong uuwi! Bakit kailangan pa ng ganoong eksena? Puwede ka namang maglakad na lang paalis papunta sa gate at ganoon din ako!"


"But where's the fun in that?"


"You..." Napabuga ako ng hangin para kalmahin ang sarili. "I really can't stand you," mahina at mariing sambit ko saka binilisan ang lakad para mauna na sa kanya.


"I'll take that as a compliment, Herrera!" pahabol na sigaw niya sa akin na lalo lang ikinakulo ng dugo ko.


FRIDAY. I must be proud that I survived the whole hell week with Hugo Emmanuel Aguilar as my seatmate. I was so excited for the weekend because finally, I would not see that pathetic jerk's face again.


Isa pang nilo-look forward ko ay ang pagsapit ng Sabado, ang anniversary ng parents ko. The date tomorrow was an important occasion. I was so lucky to be the child of a couple who loved and respected each other. I was always grateful to be part of a perfect and loving family.


But, other than my parents' wedding anniversary, I was also looking forward to something else to happen. I was excited to meet a certain person tomorrow.


Pagsapit ng break ay nagpa-load ako. Kanina ko pa ito pinag-iisipan pero ngayon ay buo na ang loob ko, tatawagan ko si Harry. Kukumustahin ko lang naman siya dahil hindi siya nag-re-reply sa mga chat ko. 


Sa pangatlong ring saka siya sumagot. [ Hello, Jill? ]


Nakailang lunok ako bago nakapagsalita nang tuwid at kalmado. "Hello, Kuya Harry! Just wanna ask if you're coming with Tita Eva and Tito Harold to our house tomorrow?"


Matagal bago siya nakasagot, [ I'll try. ]


Nag-panic naman agad ako sa sagot niya. "Ha? Bakit may gagawin ka ba?"


Matagal ulit bago nagsalita si Harry. Para bang pinag-isipan niya pa ang sasabihin sa akin. [ Ah, wala naman. All right, sasama ako kina Mom bukas sa inyo. ]


"Do you promise?" sumusubok na tanong ko kahit nahihiya.


Pero ganoon na lang ang aking tuwa sa sagot ni Harry. [ Yeah. I promise. ]


Gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko mapigilan ang saya na aking nararamdaman. Hindi tuloy ako makapagsalita.


Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Harry mula sa kabilang linya. Mainit ang hatid na pakiramdam sa puso ko.


Noong mga bata pa kami ay close kaming tatlo nina Kuya Jordan. Magkakasama kami na sa Manila nakatira noon. Nauna sila Harry na bumalik sa Cavite dahil nagkabentahan na ng lupa ang angkan namin sa Pascam.


Pagtungtong namin ng high school ay naramdaman ko talaga na dumidistansiya na sa akin si Harry. Kung may madalas man siyang kausapin ay si Kuya Jordan na lang.


Naiintindihan ko na normal lang naman ang mga pagbabago dahil lumaki na kami. Normal lang na magkaroon na ng limistasyon sa amin. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangang umiwas ni Harry sa akin.


But now, I think that I was just imagining things. Na-misinterpret ko lang siguro ang pagiging busy ni Harry. Isa pa, sa ibang school siya nag-aral kaya talagang nawawalan na ng oras na magkita kami. Siguro din ay part of growing up lang na may iba pa siyang bagay na iniintindi kaya pakiramdam ko ay nagbago na siya.


Muli kong narinig ang malambing na boses niya. [ Bye, Jill. See you tomorrow. ]


"Yes, see you..." mainit ang puso na sambit ko.


Maiksi lang ang pag-uusap namin ni Harry, pero sapat na iyon para mabuo ang araw ko. Magaan ang pakiramdam ko at sa lahat ng subject ay inspirado ako.


Nagtataka naman ang katabi kong si Hugo kung bakit kahit walanghiya siya ay hindi ko siya pinag-iintindi. Wala akong pakialam sa kanya at hindi ako naaasar kahit siya ang buhay na definition ng salitang "bwisit".


Ah, this pathetic jerk was really the opposite of my Harry Caesar Aragon. He was nothing compared to him.


KINABUKASAN, madilim pa sa labas ay gising na ako. Sabado at walang pasok pero buhay na buhay ang body alarm ko. Bumangon agad ako at naglinis ng bahay namin.


Paggising nina Mommy at Daddy ay nagtaka sila dahil bukod sa malinis sa sala ay nagpalit din ako ng bagong kurtina. Nakapaghanda na rin ako ng almusal.


"Happy anniversary, Mommy and Daddy!" masayang bati ko sa kanila. Lumapit ako at hinalikan sila sa pisngi. "Nagluto po ako ng breakfast!"


"Ang sipag naman ng baby namin," sabi ni Mommy na yumakap sa bewang ko.


Mayamaya lang ay lumabas na rin si Kuya Jordan mula sa kuwarto niya. Tayo-tayo pa ang buhok niya at humihikab pa. "Good morning..." bati niya na mukhang antok pa.


"Gising na pala ang binata natin, Ethel. Aba, naunahan ni bunso sa pagbati sa atin ngayon."


"Happy anniversary, Mommy and Daddy," bati ni Kuya Jordan kina mommy at daddy.


Nang mapatingin si Kuya Jordan sa akin ay proud na ngumiti ako. For the first time, nauna akong maggising sa kanya. Nauna rin ako sa kanya na mag-asikaso sa kusina.


Higit sa lahat, nauna ako ngayong bumati kina Mommy at Daddy ng 'Happy Anniversary'.


Pagdaan ni Kuya Jordan sa gilid ko ay sinemplehan niyang kurutin ang aking pisngi. Bago ko pa mahampas ang kamay niya ay mabilis na siyang nakalampas sa akin. Patay-malisya siyang pumasok sa banyo.


Kandatulis naman naman ang nguso ko. Nakakainis, dalaga na ako pero hindi pa rin nawawala sa kanya ang ganoong habit.


Noong mga bata pa kami ay napagaya na sa kanya si Harry. Pinipisil na rin ng lalaking iyon ang pisngi ko. Okay lang naman sana, ang kaso ay lumalabas akong 'baby' dahil sa ganoong trato nilang dalawa.


Habang kumakain kami ay masama ang tingin ko kay Kuya Jordan. Patay-malisya pa rin naman siya. Ang galing-galing niya talagang magmaang-maangan, pero hindi niya ako malilinlang. Kilalang-kilala ko siya, nasa loob ang kapilyuhan niya.


Pagkatapos kumain ay magkatulong kami sa pagliligpit ng pinagkainan. Habang nagsisiksikan kami sa lababo ay pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran. Pulang-pula ang mukha niya hanggang leeg dahil sa sakit. Nagmamadali naman agad akong lumayo.


"Kuya, 'di ba ikaw na diyan? Thank you! I love you!"


"You brat!" impit na gigil niyang sambit.


Binelatan ko siya bago ako bumalik sa kuwarto. Nag-lock agad ako ng pinto.


Inubos ko sa paghahanap ng damit na susuutin ang natitirang oras bago magtanghali. Ang napili ko ay isang baby pink na turtle neck sleeveless baby doll dress. Sa paahan ko naman ay baby pink na flats slippers.


Wala naman masyadong gagawin ngayong araw dahil puro order ang pagkain namin.


11:00 am pa lang ay nakaayos na ako. Nagpahid ako ng kaunting blush on sa pisngi at lip tint sa labi. Nasa sala na ako at nakaabang sa pagdating ng mga bisita namin.


11:30 nang may humintong SUV na kulay puti sa harap ng gate. Bumaba sa sasakyan sina Tita Eva na kapatid ni Mommy at ang asawa nito na si Tito Harold. Sumalubong agad ako sa kanila.


Niyakap ako ni Tita Eva. "Jillian, dalagang-dalaga ka na. How old are you now?"


"Seventeen," nakangiting sagot ko.


Papasok na kami sa loob nang matigilan ako. Silang dalawa lang kasing mag-asawa ang bumaba sa sasakyan.


"Uhm, s-si Kuya Harry po?" kabadong tanong ko dahil hindi ko makita ang lalaki.


Nagkatinginan sina Tita Eva at Tito Harold.


"Uhm, may ginagawa po ba siya? Nagpahuli po ba siya at susunod na lang?" mahina at may pagbabaka-sakaling muling tanong ko sa kanila.


Si Tito Harold ang sumagot sa akin, "Ah, no, hija. Hindi talaga sumama si Harry dahil may biglaang lakad daw siya."


Hinawakan ako ni Tita Eva sa kamay. "Tara na sa loob, ang init dito sa labas. Kumusta pala ang studies mo? I heard, Top 1 ka na naman daw ulit sa klase. Good job, Jill."


Marami pang sinasabi sa akin si Tita Eva pero maski ngumiti ay hindi ko na magawa. Ang excitement at saya ko kanina ay parang bula na bigla na lang nawala.


Nagkumustahan sa loob ng bahay namin pero tahimik lang ako. Masama ang loob ko.


Nakokonsensiya ako dahil anniversary ito nina Mommy at Daddy, I should be happy celebrating with them. Pero anong gagawin ko? Hindi ko maalis ang panghihina ko.


I shouldn't be acting like this, but I couldn't help it. I was disappointed. Harry promised to be here today, but he broke his promise.


Kailan pa siya sumira sa pangako niya? Hindi naman siya ganoon nang mga bata pa kami. Kahit napakasimpleng bagay ay sinisikap niyang magawa basta sinabi at ipinangako niya. 


"Jill, are you okay?" Sa kabila ng pagsisikap ko na itago ang nararamdaman ay napansin pa rin ni Daddy ang pananamlay ko.


I tried my hardest to give him a smile. I didn't want to worry him. Araw nila ito ngayon ni Mommy. Ayaw ko may aalalahanin sila. "Yes po, Daddy. Kulang lang po siguro ako sa tulog..."


That was partly true. Puyat talaga ako dahil sa sobrang excitement ay hindi ako nakatulog nang matiwasay kagabi. Maaga rin akong gumising kaya kulang talaga ang aking tulog.


Pagkatapos ng lunch ay nagkuwentuhan na sila sa sala habang kami ni Kuya Jordan ay nagliligpit ng mesa.


Nang magkatabi kami ni Kuya Jordan ay sinilip niya ang mukha ko. "You don't look okay, Jill. Is something the matter?"


Umiling ako.


"You know that you can't lie."


Kumibot ang mga labi ko dahil hindi ako nakalusot sa kanya. Tiningnan ko siya at saka ako nagsalita. "Harry lied."


Tumaas ang isa sa makakapal na kilay niya. "What did he tell you?"


"Na pupunta siya ngayon pero hindi naman siya dumating," sumbong ko. "Ni hindi man lang siya nag-aksaya ng panahon ng magsabi sa akin na hindi siya makakapunta. Kahit text lang sana, kuya..."


Umilap sa akin ang mga mata ni Kuya Jordan. Napatikhim siya bago nagsalita, "May problema siguro siya."


"Ano namang problema iyon?" Nanulis ang nguso ko. "Sobrang laki ba ng problema niya para hindi man lang siya makaalala na may pinangakuan siya ngayon?"


"I think Harry is..."


Hindi na natuloy ni Kuya Jordan ang sinasabi nang tawagin siya ni Tita Eva. "Jordan, ikaw ba may girlfriend na?!"


Paglingon ko kay Kuya Jordan ay kulay kamatis na bigla ang mukha niya.


"Wala pang naipapakilala sa amin. Ni wala pa ngang babae 'yan na nadadala rito." Si Mommy ang sumagot sa tanong ni Tita Eva. "Naghihintay na nga kami ng daddy niya. Hindi naman namin pinagbabawalan dahil alam naman namin na alam niya ang limitasyon."


"Bakit si Harry ba may girlfriend na?" singit ni Daddy sa usapan. Ang tanong niya ay nagpalingon muli sa akin sa sala.


Hindi yata ako humihinga habang hinihintay ang pagsagot ni Tita Eva.


Nang sumagot ang babae ay parang huminto ang mundo. "Sa tingin ko ay meron na."


Nanlamig ang mga palad ko kasabay ng parang biglang pagiging malamig din ng paligid. May girlfriend na si Harry? Sino? Saan niya nakilala at kailan pa?


And why he didn't mention anything about it? Ah, right. Bakit nga naman niya kailangang sabihin? It was his personal life, walang may karapatang makialam sa kung ano mang desisyon niya sa buhay niya.


"Binata na talaga si Harry!" masayang sabi ni Mommy. "He's already twenty one, right? Pwedeng-pwede na talaga siyang mag-girlfriend."


"Yes, he is. Si Jordan ay nineteen ngayong taon, di ba? May mga binata na talaga tayo, Ethel."


Hulog na hulog sila sa pagkukuwentuhan kaya hindi na nila napansin ang pagpunta ko sa pinto.


Wala ako sa huwisyo na tumulala lang sa kalsada. Lutang ako kaya basta ko na lang naisipan na lumabas sa bahay namin kahit na wala naman akong pwedeng gawin dito sa labas.


Inilabas ko ang phone ko nang mag-beep ito. Si Kuya Jordan, tinatanong kung natutulog ba ako. Akala niya siguro ay nasa kuwarto ako. Hindi niya ako nakitang lumabas.


Sina Mommy naman ay busy sa pagkukuwentuhan, kaya maski katukin ako sa kuwarto ay hindi gagawin.


Naisip ko na magandang pagkakataon ito para malibang na rin ako. Puwede akong umalis nang hindi nila ako inuusisa at pinagbabawalan. Right, minsan lang naman. Gusto kong ma-experience na sumakay ng jeep at byumahe mag-isa.


Hinanap ko ang text ni Dessy sa inbox ko at nag-type ako ng reply sa kanya. Tinanong ko ang address niya sa Buenavista. Sandali lang at may reply na siya.


Excited na naglakad na ako palabas ng subdivision namin kahit wala akong dalang payong. Kahit paano ay natapalan ng excitement ang kaninang lungkot na nararamdaman ko.


Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang pumara ako ng jeep na pa-Malabon. Pagkasakay sa loob ay tuluyan nang nabaling sa iba ang isipan ko. Oh, my! This was my first time riding a jeepney!


Nakakatuwa ang pakiramdam lalo na ng may mga nagpapabot ng bayad sa akin dahil nasa may bandang gitna ako ng sasakyan. Nasasabi ko na ang mga napapanood ko lang sa TV tungkol sa mga eksena sa jeep na, "bayad daw po, Manong"


Malapit na sa Malabon nang maalala ko na hindi pa ako nagbabayad ng pamasahe. Now it was my turn and I was excited. Kinapa ko ang bulsa ng aking suot na baby doll dress para lamang matigilan dahil phone ko lang ang naroon.


Nanlaki ang mga mata ko nang maalala na naiwan ko sa ibabaw ng dining table ang coin purse ko! Dang! Wala akong pera! How could I pay now for the jeepney fare?!


Kahit hindi ako manalamin ay alam ko na namumutla na ako. May ibang pasahero ang jeep at mga nagbabayad na sila ng pamasahe. Ako na lang ang hindi pa bayad!


I was torn between telling the driver the truth that I had no money and pretending that I already paid my fare.


Hanggang sa dumating na sa kanto ng Malabon at ang huli dalawang option ang pikit-mata kong pinili. Abot-abot ang konsensiya ko nang bumaba sa jeep.


Tulala ako sa gilid ng kalsada at hindi makapaniwala sa nagawa. Nagsinungaling ako, hindi naging patas, at nanlamang ng kapwa-tao!


Naiisip ko na bumalik na lang sa Pascam kaya lang wala akong pamasahe. Hindi naman ako puwede na magpasundo kay Kuya Jordan dahil malalaman nina Mommy at Daddy na umalis ako. Nahihiya ako.


Nag-beep ang phone ko. Si Dessy na itinatanong kung nasaan na ba raw ako banda. Sinabi ko sa kanya na nasa kanto ako ng Malabon. Sinabi ko rin na wala akong pamasahe sa tricycle. Nagpapasundo ako pero hindi raw niya kayang sumundo.


Inaalok ako ni Dessy na hihintayin sa kanto malapit sa kanila. Magpa-special ride na lang daw ako sa tricycle at siya ang magbabayad pag nandoon na, kaya lang ay kinakabahan ako. Hindi sa wala akong tiwala kay Dessy, pero baka lang kasi magkaroon ng aberya. Nakakahiya naman kung wala akong maibabayad sa tricycle driver.


Nanatili ako sa kanto ng Malabon. Nakatingin lang ako sa mga sasakyan at mga tao na dumaraan. Nag-iisip ako kung paano makakapunta kina Dessy. Ilang minuto na ang lumipas na wala pa rin akong maisip na paraan dahil wala naman akong kakilala rito.


Ano bang gagawin ko? Hindi naman puwedeng manlimos ako ng pamasahe sa mga nagdaraan. Naisip ko na ring maglakad na lang pero parehong malayo ang Buenavista at ang Pascam dito sa Malabon.


Ang Pascam ang pinakamalapit kaya lang ay hindi ko pa rin kakayanin.  Mahina ang puso at baga ko. Kapag napagod ako nang husto o makasinghot ng maraming alikabok ay maaari akong hikain.


Namomroblema ako habang nakatayo sa kanto nang makarinig ako ng busina ng motor. Mula sa gilid ko ay isang itim na motor ang dumating.


Huminto iyon mismo sa harapan ko. Ang sakay niyon ay lalaking naka-helmet ng kulay itim. T-shirt na white ang suot nito at cargo shorts na brown sa ibaba. Sa paahan naman ay color black na Adidas slides.


Nag mag-alis ito ng helmet ay napaawang ang mga labi ko. "Hugo..."


"Hi, Herrera! Mukhang nakawala ka sa hawla ngayon, ah!"


Inis ako sa kanya, excited ako na mag-weekend dahil ayaw ko na siyang makita, pero ngayon ay kusang ngumiti ang mga labi ko nang matiyak na siya nga ang nasa harapan ko sa mga oras na ito.


He was right on time!


Ang mapang-asar na maangas na ngisi naman ni Hugo ay nabura nang makita ang masayang reaksyon ko pagkakita sa kanya. Nahihiwagaan marahil siya kung bakit ang itsura ko ay parang gusto siyang lusubin ng yakap sa halip na tarayan siya at paliguan ng irap.


"Sa Buenavista ka nakatira, di ba?" tanong ko na hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi.


Wala akong pakialam kung saan siya galing at bakit nandito siya sa Malabon ngayon, ang importante sa akin ay kung saan siya uuwi.


Nagtataka man ay sumagot siya sa tanong ko, "Oo taga Buenavista ako. Bakit sasama ka?"


Hindi na ako nag-isip pa. Sunod-sunod akong tumango habang ang mga mata ko ay nangingislap at ang aking mga labi ay nakangiti pa rin.


Napanganga naman si Hugo at napatitig sa mukha ko. "Anong tinira mo?"


"Ha?" Kumiling ang ulo ko. "Wala. Sama mo na ako."


Matagal pa siya bago naka-recover sa pagkabigla. Nakatanga siya sa akin ng mga tatlong minuto yata saka nagsalita, "Sigurado ka?"


Tumango ulit ako ng tatlong sunod-sunod na tango.


Inabot niya sa akin ang kanyang helmet. "Ikaw ang gumamit nito, tapos sumampa ka na sa likod."


Tinanggap ko ang helmet at pinakatitigan muna. Ito ang unang beses na magsusuot ako ng helmet. Ang laki nito at ang bigat. Naiisip ko rin na baka mabaho dahil malamang na pinagpawisan ito ni Hugo.


Para namang nabasa niya ang naglalaro sa isip ko. "'Wag kang mag-alala, mabango iyan. Pusta ko pa puri ko."


Sininghot-singhot ko ang helmet. In fairness, mabango nga. Amoy Head and Shoulders anti dandruff shampoo. Isinuot ko na iyon.


"Let me help you." Inayos niya ang pagkakakabit sa akin ng helmet kaya napayuko ako sa kanya.


Kakakabit lang sa akin ng helmet pero pinagpapawisan na ako, paano'y nakakailang dahil sobrang lapit ngayon ng mukha sa akin ni Hugo.


Kitang-kita ko ngayon sa liwanag ang lahat ng detalye sa mukha niya. Kung gaano kahaba ang pilik-mata niya, katangos ang ilong niya, kakinis ang mukha niya at kapula ang mga labi niya.


Ang ganda ng kutis niya. Mestizo siya pero nagiging moreno dahil sa kawalan ng takot niya sa araw. Wala siyang pimples sa mukha. Hindi rin visible ang pores dahil sa sobrang pino ng balat. Guwapo nga talaga siya. Stupidly handsome...


Napalunok ako sa loob ng helmet. Mabuti na nga lang talaga at nasa loob ng helmet ang mukha ko kaya mamula man ako ay hindi iyon makikita ni Hugo.


"Done, Madam!" sabi niya saka binitiwan ang helmet. "Sampa na sa likod!"


"O-okay..." Nang mahimasmasan ay pumunta na ako sa likod ng motor. Hindi ko alam kung paano sasampa roon dahil never pa naman akong nakaangkas ng motor.


Umakma akong sasakay nang nakatagilid dahil naka-dress ako pero nakasimangot ako na nilingon ni Hugo. "Anak ng tokwa! 'Wag ganyan, 'di ako sanay na nag-aangkas ng paganyan."


"Uhm, p-paano ba? Hindi naman ako pwede nang paharap kasi naka-dress ako..." mahinang sabi ko.


Hinagod naman niya ng tingin ang kabuuhan ko. "Hindi ka naman siguro naka-panty lang sa ilalim niyan?"


"Ha?" Umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo dahil sa tanong niya.


"Ano? Naka-panty ka lang ba? Kung naka-shorts ka naman, puwede ka nang sumampa. Pero kung naka-panty ka lang, 'wag mo nang ituloy at baka mangamoy ang upuan ng motor ko—"


Hindi ko na siya natapos pagsalitain. Binatukan ko siya sa ulo dahil sa asar ko.


Mahina siyang napamura saka ipinilig ang ulo niya. "Hoy, sumosobra ka na, ah? Ikaw pa lang ang nakakasakit nang ganyan! Ang amo-amo ng mukha mo pero sadista ka!"


"Kasi nga bastos ka!" gigil na sikmat ko sa kanya.


"Bakit, ano ba sinabi ko?" Ngising-ngisi siya.


"M-may shorts ako! C-cycling!" mabilis na sabi ko para hindi na niya ibalik pa ang usapan sa sinabi niya kanina.


Nanliliit na ako sa hiya. Kung maririnig ko pa ulit ang sinabi niya ay baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.


"Iyon naman pala, e! Ano pang hinihintay mo? Sampa na!"


Sumakay na ako sa likod ng motor niya. Ang init-init ng aking pisngi sa loob ng helmet dahil ito ang unang beses na umangkas ako sa motor, umangkas ako sa isang lalaki, at ang malala, nakabuka pa ang aking mga hita.


"Humawak ka nang mabuti dahil mabilis akong magpatakbo. Baka mamaya paglingon ko ay wala ka na dahil tumalsik ka na pala."


Natakot naman ako kaya humawak ako sa bewang niya.


"'Wag masyado sa ibaba, may kiliti ako riyan. Itaas mo kaunti."


Itinaas ko naman banda sa gitna ng bewang niya. Hawak ang ang gagawin ko sana nang bigla niyang paandarin ang motor. Pagpasok sa papuntang Brgy. Pinagtipunan ay humarurot na siya ng takbo. Napatili ako at kahit ayaw ko sana ay napayakap na ako sa kanya.


Buong biyahe yata ay tili ako nang tili habang yakap-yakap siya. Sa unang beses ng buhay ko ay nagtititili at nagsisisigaw ako.


Gusto ko nang maihi sa takot dahil may mga pagkakataon na tumatagilid ang pagtakbo ng motor at para bang tutumba kami.


"Ayoko na! Stop, please!" panay sigaw ako sa loob ng helmet. "Hugo, I'll kill you if you don't stop now! I promise you, I'm gonna kill youuu!!!"


Hindi siya huminto pero ako yata ang malalagutan na ng buhay. Nakapikit ako sa likuran niya habang yakap-yakap siya.


Hindi ko na alam kung saan-saan na napupunta ang mga palad ko sa pagyakap sa katawan niya at wala na rin akong pakialam, I just wanted to stay alive and survive this ride!


Ilang minuto bago ko naramdamang bumabagal na kami ng takbo. Napadilat ako nang tuluyan na kaming huminto. Nahihilong napaangat ako ng tingin sa paligid.


Nasaang lupalop na ba kami ng Buenavista?


Sa tapat namin ay naroon ang itim na gate ng isang two-storey modern house. Ang ganda ng yari, masasabi mo na agad na may kaya ang nakatira doon. Sa sukat naman ay parang naglalaro sa 150-200 SQM ang laki ng bahay kasama ang bakuran.


Bumusina si Hugo sa harapan ng gate ng magandang bahay. Sandali lang ay pinagbuksan kami ng isang petite na ginang. Ito yata ang kanilang kasambahay.


Dahil groggy pa sa biyahe ay sabog-sabog pa ang diwa ko. Namalayan ko na lang na pumapasok na kami sa loob ng garahe. Malawak ang gahare pero isa lang ang sasakyan doon. Sedan na madalas gamit ni Mrs. Aguilar papasok sa school. 


"Bahay namin ito," sabi niya nang patayin ang makina ng motor.


"Ha?" sabog pa rin na tanong ko.


Tinulungan niya akong makababa sa motor. Siya rin ang nagtanggal ng helmet sa akin.


"'Sabi ko, bahay namin ito. Wala sina Mommy at Daddy ngayon, nasa QC sila. Iyong kasambahay lang namin na si Ate Loleng ang nandito ngayon. But don't worry, she's loyal to me."


"Ha?" muli'y tanong ko dahil naguguluhan ako sa pinupunto ng sinasabi niya.


"Pasok tayo." Hinila niya na ako sa pulso at parang lantang gulay na nagpatangay naman ako.


Nang nasa may pinto na kami ng bahay nila ay saka luminaw-linaw ang aking huwisyo.


"S-saan mo ako dadalhin?!" nanlalaki ang mga na tanong ko.


"Malamang sa kuwarto ko."


Doon lang nag-sink in sa isip ko ang mga nangyayari. Nagmula ang lahat kanina sa Malabon nang makita ko siya hanggang sa sumama ako sa kanya pauwi rito sa kanila sa Buenavista.


"Wait, Hugo! I think, there's a misunderstanding here! Mali ka ng pagkakaintindi!" Pinagpag ko ang pagkakahawak niya sa akin, kaya nga lang ay hindi siya bumitiw.


Nakakunot ang noo niya sa akin nang lingunin ako. "It's your fault for making me get the wrong idea."


"Hugo, makinig ka please! Hindi ako—"


"Whatever your reason is, I don't care. You're now in the lion's den and there's no way out." Pagkasabi'y hinila niya na ako papasok sa loob.


JF


#TroublemakerbyJFstories


Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz