ZingTruyen.Xyz

Troublemaker

Chapter 46

JFstories

"YOU'RE MARRYING HUGO EMMANUEL AGUILAR?!"


Napatakip ako ng tainga sa tinis ng boses ni Dessy. Hindi pa sumisikat ang araw pero nandito na siya sa bahay. Palakad-lakad siya ngayon sa harapan ko. Lumalagutok sa sahig ng aking kuwarto ang takong ng suot niyang sandals.


Naka-heels siya pero naka-nighties na may patong lang na silk robe. Mukhang sa pagmamadali ay hindi na niya nakuhang magbihis, at nag-drive na agad siya papunta rito. Ang dahilan ng paglusob niya rito ay ang status update ni Hugo.


Hindi lang siya ang nawindang, kundi lahat yata ng nakakakilala kay Hugo; mapa-kamaganak yata, kasama sa trabaho, at maging mga kaibigan ng lalaki. Maglilimang taon nang inactive sa social media si Hugo, and all of a sudden, biglang mababasa mo ang: 


Hugo Emmanuel Aguilar is now engaged.


Ang tanong ng marami ay kanino engaged si Hugo? Dahil matagal nang walang nali-link na babae rito. Ang ginagawa nito ay bahay-trabaho lang. Ni hindi na ito nagba-bar hopping at hindi uma-attend kahit sa simpleng company parties.


Hugo wasn't lying when he told me he had been celibate for a long time.


Ang daming reactions at comments ng status update ni Hugo, at mas lalong napakaraming reactions at comments ang photo na ipinalit nito sa mahigit seven years na nitong gamit na profile photo. At ang photo na pinalit niya ay walang iba kundi ang photo ni Hyde!


"Jillian!" tili muli ni Dessy. "So, wala kang balak sabihin sa akin ito?! Kung hindi ko pa nakita sa social media ay hindi ko pa malalaman na nagpalit ka na ng mapapangasawa!"


I frowned at Dessy. Paano nga pala niya nalaman na ako ang babaeng pakakasalan ni Hugo? Parang mas nagulat pa siya roon kaysa sa kaalaman na ito ang tunay na father ni Hyde.


"Dessy, alam mo na, ano?" paniniyak ko.


Padabog siyang tumabi ng pagkakaupo sa akin sa kama. "Anong akala mo sa akin, bulag? Walang mata? E unang kita ko pa lang sa inaanak ko noon, alam ko na agad kung kaninong sperm siya!"


My nose wrinkled at the term she used. "Anyway, why didn't you tell me anything?"


"Mukha namang wala kang balak magkuwento, e." Umirap siya. "Saka, nagtatampo rin ako. Hello?! I am your one and only best friend, but you didn't even bother to tell me that you had a thing with Hugo Emmanuel Aguilar!"


"I'm sorry. I just didn't feel the need to tell you. Hindi naman kasi talaga kami nagkaroon ng relasyon."


"Oh!" eksaheradang sambit niya. "Walang relasyon pero nakabuo? Paano 'yon, Jillian? One night stand? Hindi ko alam na wild ka pala dati!"


Napailing na lang ako sa reaksyon niya. Pero hindi ko na dinetalye kung ano ang meron kami ni Hugo dati. Sinabi ko na lang na ayun nga, nalaman na ni Hugo ang tungkol sa anak namin kaya nag-alok ito ng kasal, na tinanggap ko naman.


I also told Dessy that Harry and I were over. Aware naman siya sa mga bagay-bagay sa amin ni Harry, kaya wala siyang violent reaction.


"To be honest, Jill, ini-expect ko na rin talaga na maghihiwalay kayo ni Harry e. 'Sabi ko nga dati, 'di ba? Napakatagal ng preparation ng kasal niyo kaya baka hindi 'yon matuloy." Dumi-quatro siya. "Ewan ko ba, nagdilang anghel yata ako."


Hindi lang si Dessy ang nakapagbitiw ng ganoong salita, kahit ang hipag ko rin na si Carlyn. And maybe deep inside me, I was feeling the same way.


"I still can't believe that you're now getting married to Hugo," tulala na sabi ni Dessy mayamaya. "Iba talaga maglaro ang tadahana..."


She was right. Sino nga ba ang mag-aakala?


Lumingon si Dessy sa akin. "Jillian, may tanong pa pala ako!"


"What is it?"


Bumungisngis siya. "Saan niyo ginawa ni Hugo si Hyde?"


Hinampas ko siya ng unan.


I WAS STILL IN LOVE WITH HUGO EMMANUEL AGUILAR.


I thought that I had forgotten everything that happened in the past. But, that was a lie. Because no, I didn't forget a thing.


Natatandaan ko pa rin na minsan noon ay umasa ako na mabubuo kami. Hanggang sa naghiwalay kami na hindi ko pa naipapaalam sa kanya ang tungkol kay Hyde. Hanggang sa akala ko na okay lang kahit wala siya.


Naniwala ako na nakalimutan ko na siya at nagmahal na ako ng iba. Nangarap na ako ng buhay kasama ang ibang tao, pero bumalik siya. Bumalik si Hugo, na para bang alam niya na kailangan ko na siya.


And when he returned, it was as if everything just fell into place.


Nakangiti ako habang nagliligpit ng mga gamit. Mamayang madaling araw ay magsisimula ng hakutin ang ilang gamit namin ni Hyde, dahil pagkatapos ng kasal namin ni Hugo ay doon na kami titira sa bahay niya.


Katatapos lang din pala naming mag-usap ni Hugo sa phone. Nasa Manila siya ngayon. Sa condo niya siya sa QC umuuwi, dahil marami siyang tinatapos na trabaho sa kompanya ng daddy niya. Kahit busy ay nag-u-update siya sa akin dahil next week na ang kasal namin.


Nagmamadali na siya. Gusto niya na ikasal na agad kami. Wala namang problema sa pera dahil may pera naman siya, dagdag pa na gustong tumulong ng parents niya sa gastos. Ang parents ko rin ay handang magbigay, pero tinanggihan ni Hugo. He said that he would take care of everything.


Hindi ko naman pangarap ang en grandeng kasal. All I wanted was for my wedding to be held at sunset, in a garden with many trees and flowers, with lights around, with romantic music in the background, and of course, my loved ones should be there.


Alam ni Hugo iyon dahil tinanong niya ako. Iyon nga ang magiging kasal namin, a simple garden wedding with our loved ones. Walang masyadong inimbita maliban sa mga kamaganak, kaibigan at kakilala talaga.


Si Mommy naman at Mommy Norma ang mga punong abala sa ibang detalye ng kasal. Hinayaan ko na ang dalawa dahil mukhang enjoy na enjoy sila sa pagpaplano. Lalo na si Mommy Norma na sobrang excited ay parang araw-araw na yatang pumupunta rito.


Pagkatapos ng dinner ay ako na lang ang naiwan sa ibaba ng bahay. Naglinis pa kasi ako ng kusina. Mami-miss ko ang mag-asikaso rito kapag lumipat na ako sa bahay ni Hugo, kaya naman sinusulit ko na ang paglilinis habang nandito pa ako.


Quarter to eleven p.m. na ako nakatapos. Pinatay ko na ang ilaw sa kusina at paakyat na sana sa itaas nang may mag-doorbell sa itaas. Pagbukas ko ng pinto ay una kong natanaw ang pamilyar na kotse labas.


Sumunod na tumuon ang mga mata ko sa matangkad na lalaki na nakatayo sa tapat ng gate. Nilabas ko siya dahil mukha wala siyang balak na pumasok. Nakatayo lang siya roon at malamlam ang mga mata na nakatingin sa akin.


"Harry."


"Is it true?" mapait bagaman mahina ang boses na tanong niya.


Kahit hindi niya sabihin ay alam ko na ang itinatanong niya. Malamang na nakarating na sa kanya ang balita.


"Late na late na ba ako, Jill?"


Marahan akong tumango. "Yes, I'm marrying Hugo."


Bagsak ang balikat na napayuko siya. Ang basag na boses niya ay halos hindi ko na marinig sa sobrang hina. "Mommy got hospitalized. Inatake siya last week. Sa Manila siya nagpa-confine. Hindi ko siya maiwan."


Nalaman ko kay Mommy kahapon lang na dinala nga sa ospital si Tita Eva noong isang linggo. Mommy didn't tell me right away because she didn't want me to worry. Saka, kung sakali na dadalaw ako sa ospital ay tiyak naman na susungitan lang ako roon at paaalisin ni Tita Eva.


Ang totoo ay hindi naman talaga ako nag-aalala kahit naospital si Tita Eva. Siguro masama ako para isipin na uma-arte lang ito. Na gawa-gawa lang ang atake nito at pagpapadala sa ospital.


Nangyari na kasi ang ganito dati. Kapag nakakaramdam si Tita Eva na parang nagkakalabuan kami ni Harry, ay saka ito nagkakasakit at nagpapadala sa ospital. Kapag nagkakaganoon ito ay naoobliga si Harry na maging masunurin dito.


Nangyari ulit iyon ngayon. Pinigilan ni Tita Eva si Harry na pumunta rito, dahilan kaya ilang araw na walang paramdam si Harry sa akin. Bukod sa busy siya sa trabaho sa Manila ay kailangan niya pang bantayan ang mommy niya.


Hindi na kami nagkaayos pa ni Harry dahil sa kawalang komunikasyon, not that I was still waiting for him. Nakakapanghinayang lang talaga. Ang daming taon din kasi ang sinayang namin sa isa't isa.


"I'm sorry, Jillian... I failed you..."


May kumirot sa loob ng dibdib ko dahil alam ko namang totoo ang paghingi ni Harry ng tawad. Alam ko rin na hindi talaga para sa akin ang sorry niya, kundi higit na para sa sarili niya.


Harry was sorry. He couldn't do anything, because he couldn't fight for me, and he was sorry because we reached this point.


"Jillian, I'm sorry..." basag na basag ang boses niya. Napaluhod siya sa harapan ko. "I'm so sorry..."


Napatingala ako sa pagpipigil ng luha.


Nakahawak sa binti ko si Harry habang nanginginig ang mga balikat niya. "When I heard about you getting married to him, I thought I was just having a nightmare. Pero totoo pala. Para akong nagising bigla. Takot na takot ako, na balewala sa akin kahit inatake na naman si Mommy, iniwan ko pa rin siya para pumunta rito."


Hinayaan ko siyang umiyak, ibuhos ang lahat ng sakit sa dibdib niya, habang pigil ko ang aking sariling mga luha.


"Jillian, tutuparin ko ang mga pangako ko sa 'yo. Kahit magalit si Mommy at isumpa niya ako. Kahit anong mawala sa akin, wala na akong pakialam, Jillian... Jillian..."


Pinunasan ko ang namalisbis na luha sa aking pisngi. Hinawakan ko si Harry sa braso at inalalayang makatayo. Tiningala ko siya. Luhaan siya at nanginginig ang mga labi. Pulang-pula ang kanyang mukha, lalo ang bridge ng matangos na ilong niya, dahil sa lamig at pag-iyak.


Paos at mababa ang tono na mahina akong nagsaita. "Harry, you want me and Hyde to be happy, right? Siguro ito na iyon. Hindi nga lang sa piling mo."


"Did you ever love me?" garalgal ang boses na tanong niya.


"You know I did."


"I love you, Jill. I love you, hon. I made you feel that, didn't I?"


Tumango ako at sinikap na ngumiti. "Thank you, Harry."


"Will you be truly happy if you marry him?"


Yakap ang sagot ko sa tanong niya. Ginanti niya ang yakap ko sa magaan na paraan. Nang humiwalay ako ay parang ayaw niya pa akong bitiwan.


"Gabi na. Luluwas ka pa ng Manila. Kailangan mo na ring magpahinga." Nakikita ko sa mga mata ni Harry na wala pa siyang tulog. "Saka baka hinihintay ka na rin ni Tita Eva."


Tumango siya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. 


Nang mag-angat siya ng mukha ay alam ko na nagpupumilit lang siya na maging matatag. "I will not attend your wedding..."


"It's okay."


"You can come back to me if things won't work with him. I'll take you back."


Nang makaalis na si Harry ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Ang mga gamit na nililigpit ko kanina ay naroon pa rin sa kuwarto. Isang kahon doon ang kumuha sa atensyon ko. Kahon na kinalalagyan ng mga sulat ni Harry sa akin. Dinampot ko ang huling sulat niya.


Hi, honey! It's been a while since the last time I wrote you a letter. Sorry, I've been busy with work lately. Honey, I miss you so much. Let's get through this together– Harry Caesar Aragon


Tiniklop ko ang papel kasabay ng aking pagtitiklop ng kabanatang iyon ng buhay ko.


MY LONG-AWAITED MOMENT had finally become a reality. Tonight was my wedding with the father of my child, Hugo Emmanuel Aguilar. 


He was heart-stoppingly gorgeous in his white suit. Ang mga mata niya na kakulay ng madilim na gabi ay nakatunghay sa akin. Dito sa isang garden sa Tagaytay ginanap ang solemn wedding namin. Our guests were only relatives, close friends, and some colleagues.


Hugo's best man was Hyde. Our little man was wearing a white suit too. Magkapareho sila. Tila binatilyo na si Hyde dahil sa tangkad at ayos nito. 


Ang pari na nagkakasal ay tinanong na si Hugo, "Do you, Hugo Emmanuel Aguilar, take Jillian Mae Herrera to be your wedded wife, to cherish in love and friendship, in strength and in weakness, in success and in disappointment, to love her faithfully, today, tomorrow, and for as long as the two of you shall live?"


Kabado pa ako na sa huling sandali ay baka magbago ang isip ni Hugo. Tumingin pa siya muna sa akin bago ngumiti at sinagot ang tanong ng pari, "I do, father."


Nalulunod ang puso ko sa saya na hindi ko namalayang naluluha na ako. Nang sulyapan ko ang anak namin sa harapan ay nag-thumbs ito sa akin. Napangiti ako kahit naiiyak. 


"You may now kiss the bride."


Nang lumapat ang mga labi ni Hugo sa mga labi ko ay naging isa na kami sa mata ng Panginoon at mata ng batas ng tao. Masigabong palakpakan ang narinig sa paligid. Para akong nananaginip lang habang hawak ni Hugo ang kamay ko. 


"Such a fine young man." Iisang komento ng mga kamaganak ni Hugo.


"Ganitong-ganito ang Hugo ko noong kasing edad!" Proud na proud naman ang si Mommy Norma. Hila-hila nito si Hyde at ipinakilala pati sa mga co-teachers nito. Ipinagmalaki na masipag at nangunguna si Hyde sa klase.


Ang mga dating co-teachers nila ni Mommy ay mga nawindang na ako ang nakatuluyan ni Hugo. They were even more surprised that Hugo and I had an eight-year-old son. Pero wala namang masamang komento na maririnig mula sa mga ito, dahil takot lang nila sa mommy ni Hugo.


"Good evening po," magalang na bati ni Hyde sa lahat ng ipinapakilala ng lola nito rito.


"Napakagalang na bata, nakuha pati ang pagiging soft-spoken ng mga Herrera."


Ipinakilala ako ni Hugo sa ilang empleyado sa kompanya ng daddy niya na imbitado. Inaalalayan niya ako dahil mahaba ang suot kong puti na gown. 


"Thank you for coming to our wedding," nakangiting bati ko sa mga ito.


"Hugo boy." Ang kaibigan niyang si Bimbo Zaragosa sa high school noon, na ngayon ay isa ng pulis. "Tangina, kayo pala ni Pres ang magkakatuluyan. Congrats sa inyo!"


Naririto rin ang iba pa niyang tropa sa high school. Mga pamilyar sa akin ang mukha. Lahat ng mga ito ay propesyonal na. Hindi mo aakalaing ang mga ito iyong mga tambay noon at nag-iinuman sa bahay nina Dessy sa Buenavista.


Naririto rin si Carlyn. Ang babae ang maid of honor ko kahit pa nagmaktol si Dessy.


"Congrats, sissy!" Hinalikan ako nito sa pisngi.


"Thank you, Carlyn." Yumakap ako sa kanya at bumulong, "What do you think of us?" excited na tanong ko. Wala kasi akong ibang mapagsabihan ng aking nararamdaman. Ayaw ko naman kay Dessy mag-open. 


"Bagay kayo. Kapag kasi matino, hindi bagay sa kapwa matino. Kaya, sissy, go sa siraulo!"


Napahagikhik ako nang hilahin na ako ni Hugo palayo. "Hoy, anong pinagsasasabi mo sa asawa ko?!"


"Ikaw ang hoy!" Dinuro ni Carlyn si Hugo. "'Wag mong paiiyakin ang hipag ko. Kapag 'yan nasaktan dahil sa 'yo, dedemonyohin ko 'yan para iwan ka!"


Hinila na rin si Carlyn ni Kuya Jordan. Nagsasabunutan na kasi si Mara at ang anak nina Sussie at Arkanghel na si Shasha. Nag-agawan ang mga cute na paslit sa bulaklak na nasa mesa.


Yes, Sussie was also here. Hindi ko nga lang sigurado kung sino ang nag-imbita sa babae, kung si si Carlyn ba o si Hugo. But Sussie was here with her family.


Tiningala ko si Hugo sa aking tabi. Nakatingin na siya sa ibang direksyon. Nang sundan ko ang tinitingnan niya ay doon pala sa mesa nina Sussie.


Si Arkanghel ay karga-karga ang anak at inilalayo kay Mara na karga-karga rin ni Kuya Jordan. Ayaw pa rin bitiwan ng dalawang batang babae ang buhok ng isa't isa. Si Carlyn ang nakaawat sa mga ito.


Tumatawa si Sussie, puno ng saya ang magandang mukha habang nilalambing ang asawa at anak. Doon nakatuon ang mga mata ni Hugo. And I saw fondness in his eyes.


Nang mag-alis siya ng tingin sa mga ito ay saka siya nayuko sa akin. Parang tumalon ang puso ko nang ngitian niya ako. "So beautiful."


"And you're gorgeous, Hugo..." I was telling the truth. Napakaguwapo niya lalo ngayong gabi. Napakaswerte ko na ako ang napangasawa niya. 


Pinisil niya ang pisngi ko at saka niyaya na ako na sumayaw. Tinatawag na rin kasi ng emcee.


Naging napakasaya ng gabi. Bago matapos ang selebrasyon ay nagpalit ako ng dress na backless ang likod. Ang buhok ko na nakataas sa bun ay aking ibinaba.


Yumakap ako kay Hugo paglabas ko ng pinto. "Did you wait long?"


"Yes, but it's worth the wait." Humagod ang paningin niya sa suot ko. "Nice dress, but you'll be taking it off soon."


Napahagikhik ako sabay kurot nang mahina sa matigas niyang sikmura. "Naughty!"


Hinuli naman ni Hugo ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. "Get ready for a long night later, wife."


Wife... ulit ko sa isip. Ah, what a beautiful life.



MRS. JILLIAN MAE HERRERA-AGUILAR.


Nagising ako sa malambot na kama na masarap ang pakiramdam. Kahit pagod sa reception ay nakaisa pa kami kagabi ni Hugo pagkarating dito. A smile automatically formed on my lips as I remember last night.


Asawa na ako ni Hugo.


Ang sarap ng pakiramdam ko. Nasa honeymoon suite kami ng isang malaking hotel rito sa Twin Lakes, Tagaytay. We would be staying here for five days and four nights.


Pagkatapos dito ay doon na kami dederetso sa bahay ni Hugo—I mean, sa bahay namin. Nandoon na rin ang mga gamit namin ngayon, pati ang mga regalo sa kasal ay dinala na roon nang matapos ang kasal kagabi.


Hugo and I would be having our honeymoon in the Maldives next week. It was a gift from Mommy Norma and Daddy Manuel. I was excited because it was my second out-of-the-country trip. Ang unang beses ay noon pang five years old ako. We went with our grandfather to Spain.


Tumayo ako at nagsuot ng robe. Hinanap ko si Hugo dahil wala siya sa aking tabi. Ang Rolex watch niya lang ang nakita ko sa kama. Dinampot ko iyon at itinabi. 


Sa veranda ng suite ko natagpuan si Hugo. Naka-robe lang siya, nakatalikod sa gawi ko, at hawak ang phone. He was talking to Hyde on a video call.


Lalapitan ko na sana siya nang mapatingin ako sa bedside table kung saan banda ang puwesto ni Hugo kagabi. May maliit na kahon ng regalo na nakapatong doon.


Naka-wedding gift wrap ang maliit na kahon kaya galing ito sa kasal namin. Pero bakit nandito? Ang mga regalo ay dinala na lahat sa bahay, kaya paanong nandito ito? Dinala ba ito rito ni Hugo?


Dinampot ko ang maliit na regalo. Nasimulan nang sirain ang gift wrap pero hindi itinuloy kaya ako na ang nagtuloy. Velvet box ang nasa loob. Napangiti nang makitang couple Cartier gold watches ang laman.


Sinuot ko ang para sa akin. Nakakatuwa kasi ang ganda ng relo. Nakakapagtaka lang, sa dami ng regalo ay bakit ito ang dinala rito ni Hugo? Siguro dahil maliit lang ito at madaling dalhin? Pero bakit hindi niya sa akin nabanggit? At sinimulan niya nang buksan na hindi man lang ako hinihintay.


Dinampot ko ulit ang box. May note pala sa loob. Kinuha ko iyon at binasa ang handwritten message. It read: 'Best wishes on this wonderful journey, as you build your new lives together—Sussie W.'


Kay Sussie galing? Bumukas ang sliding door ng veranda at pumasok si Hugo. Napaangat ang mukha ko sa kanya. Siya naman ay sa relong suot ko nakatutok ang mga mata.


Maliit akong ngumiti sa kanya. "Regalo ni Sussie sa atin..."


Matagal siya bago nagsalita, "Y-yeah."


Lumabi ako. "Dinala mo pala ito rito, hindi mo nabanggit sa akin. Binuksan mo na rin pero hindi mo ako hinintay." Lumapit ako sa kanya at ipinakita ang box. "Ito iyong relo na para sa 'yo. Do you wanna wear it?"


Hindi niya sinagot ang tanong ko. Kinuha niya ang box at inilapag pabalik sa mesa. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.


Nagpa-deliver si Hugo ng pagkain at tahimik kami na sabay kumain. Pagkatapos ay niyaya ko siya na maligo kami nang sabay. Hindi na ako nahiya dahil ginagawa naman na namin iyon. And besides, it was our honeymoon.


I was expecting that he would make love to me again in the bathroom, but he just kissed me under the shower, and that was all.


Maybe Hugo was really tired from last night. Niyaya ko na lang siya na magpahinga na lang muna kami. Sa kama kami magkatabi at nanood na lang ng TV. Bandang hapon na kami lumabas para maglakad-lakad.


We were about to leave the suite when Hugo noticed that he had forgotten to put on his Rolex. He left his watch in the bedroom. Hindi pa naman siya sanay na walang suot na relo.


Napatingin siya sa suot kong relo, iyong isa sa couple watches na regalo ni Sussie. Isinuot ko kasi ulit iyon pagkabihis ko kanina.


Hindi sanay si Hugo na walang relo, kaya inalok ko sa kanya ang kapareha ng relo na aking suot. Sakto pa na nadala ko rito sa living room ng suite ang box ng couple watches na regalo ni Sussie. Nasa harapan lang namin ang mesa na kinapapatungan niyon. The couple watches were our first couple items, so I thought it was okay for us to wear them since today was our first day as husband and wife.


Kukunin ko na ang box nang bigla siyang magsalita, "It's fine. I can go without a watch." Pagkuwa'y nauna na siyang pumunta sa pinto.


"Ha?" Tinangka ko siyang habulin. "Hugo!"


Pero likod na lang ni Hugo ang natatanaw ko sa sa nakabukas na pinto. Kahit nang tawagin ko siya ay hindi siya lumingon, ni hindi niya inalam kung kasunod niya ba ako. He just left like that and he didn't even bother to check on me at all.


And that made me a little... sad.


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz