ZingTruyen.Xyz

Troublemaker

Chapter 27

JFstories

"CAN YOU STAND UP?"


Tumango ako pero inalalayan pa rin ako ni Hugo na bumangon mula sa kama. Siya ang nagsuot sa akin ng nahubad kong underwear kanina. 


Maging ang shorts ko ay siya ang nagbalik sa akin. Nakahawak ako sa balikat niya habang sinusuotan niya ako. Hindi ko na makuhang mahiya pa dahil para saan pa ba?


Sumigaw siya, "Bimbo, tubig!"


Saglit lang ay may kumakatok na sa pinto. Dahil sira na ang doorknob ay madaling nabuksan ang pinto. Nakaladkad ang sirang monobloc na nakaharang. Dumungaw ang kaibigan ni Hugo.


Pinuntahan ito ni Hugo para kunin ang inaabot na isang baso na puno ng tubig. "Bakit isa lang? Dalawa kaming iinom," reklamo niya.


"Said na iyong mineral na nasa container sa ibaba e. Wala namang iniwang stock sina Donya Dessy. Mag-share na lang kayo rito sa baso ni Pres, tutal mukha namang close na kayo."


Nag-init ang pisngi ko sa hiya dahil sa sinabi nito.


"Joke lang, Pres!" Nakangiting nag-peace sign sa akin si Bimbo.


Inabot sa akin ni Hugo ang isang baso ng tubig. "'Wag kang mag-alala, mukha lang mga sanggano 'yang mga 'yan pero mapagkakatiwalaan ang tropa ko."


Tinanggap ko ang baso. Uhaw na uhaw ako kaya napangalahati ko agad ang lamang tubig sa loob. Ibinalik ko sa kanya baso bago ko pa maubos. Tinanggihan niya pero nahuli ko ang pag-alon ng kanyang lalamunan. He was tired, so I knew he was also thirsty and needed to drink.


"Sige na," pilit ko ng baso sa kanya. "Ayaw ko naman nang uminom. Sa 'yo na lang kaysa masayang..."


Saka niya lang tinanggap ang baso. Inisang lagok niya lang ang kalahating tubig na laman niyon. 'Sabi ko na, nauuhaw nga siya.


"Nasa baba na iyong ermat na pulis ni Miko," ani Bimbo. "May kasama, dinampot na nila si Chung saka iyong mga tukmol na natirang tropa niya rito. Nagtaka lang iyong mga pulis nang makitang mga bugbog sarado. Lalo si Chung dahil pinuruhan pa kanina ni Isaiah Gideon."


"Wala ba tayong sabit diyan?" tanong niya sa kaibigan.


"Wala. Malinis. Mabuti na lang magaling magsinungaling si Miko, sinabi na napaaway na sina Chung sa labas bago nagpunta rito. Naniwala naman iyong ermat na pulis."


Makakalusot ba iyon? Pag nagising si Wayne, hindi puwede na hindi ito magsasalita. Mandadamay ito. Naramdaman ko ang paghawak ni Hugo sa aking balikat. Napatingala ako sa kanya.


"'Wag mong pakaisipin. Kami nang bahala."


"Paano kung madamay kayo?"


He grinned. "Bakit, kanino ba maniniwala ang mga pulis? Kina Chung na mga sabog o sa amin na baga lang ang sunog?"


My lips twitched, but I didn't speak. From what I could see kay Hugo at sa kaibigan niya, ay mukhang hindi naman sila natatakot o nababahala man lang.


Binuksan niya ang ilaw ng kuwarto. Napapikit ako dahil sa pagkasilaw. Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Hugo na may hinahanap sa sahig. Nang makita niya ang phone ko na ibinato kanina ni Wayne sa pader ay dinampot niya iyon. Binusisi niya at pagkuwa'y binuksan.


He carefully put the phone in the pocket of my shorts. "Basag ang screen pero mabubuksan pa siguro. Charge mo o kaya bili ka na lang ng bago."


Napaiwas naman ako ng tingin. Maliwanag na dahil sa pagbukas niya ng ilaw kaya kitang-kita na namin ngayon ang isa't isa.


I was looking at the left side of the room when Hugo grabbed my chin. He lifted my face to him as if he was checking for something. Seryoso ang kanyang ekspresyon at bahagyang nangangalit ang panga. He must have seen my scratches and bruises.


I gently pushed him before he could notice the other bruises on my body. Iniwas na rin niya sa akin ang kanyang paningin dahil mukhang ayaw na rin niyang may makita pang iba.


"'Lika na, iuuwi na kita." Kinuha niya ang susi ng motor niya na nalaglag din sa sahig kanina. "Sa inyo."


Lumabi ako. "Magda-drive ka nang walang shirt?"


"Walang huli sa madaling araw."


"Pero malamig..."


"E di yakapin mo 'ko."


Nauna na siyang pumunta sa pinto. Pinagbuksan niya ako. Sumunod na rin ako.


Sa hagdan ay sabay kami. Hindi man niya pinapahalata sa akin ay nararamdaman ko namang nag-aalala siya sa aking bawat hakbang. Pasimple siyang nakaalalay.


Sa pagbaba namin sa sala nina Dessy ay yukong-yuko ako. Nahihiya ako sa mga tropa ni Hugo na nakatambay. Hinintay ko na manukso sila dahil magkasama kami ni Hugo, pero kanya-kanyang ginagawa ang mga ito. May naninigarilyo, may nagbabaraha sa center table, may tulog. Nang mapatingin sa amin ay tumango lang kay Hugo.


"Angke, may hika 'to," aniya sa kaibigang na naninigarilyo.


Agad namang pinatay ni Francis 'Angke' Molina ang upos sa hinihithit nitong sigarilyo at pagkuway itinapon sa bintana.


"Sandali lang," paalam ni Hugo sa akin. Pumunta siya sa lababo ng kusina at isinahod ang ulo sa gripo at pagkatapos ay naghilamos siya. Ipinilig-pilig niya ang ulo saka ako binalikan.


Basa ang buhok niya na kanyang hinahagod ngayon ng mahahaba niyang daliri. Sa ilaw ng sala ay makikita na namumula na ang mga mata niya. Pagod at antok na mukhang idinaan niya sa pagbabasa para mawala.


"Tara na." Nagpaalam na siya sa mga tropa niya.


"Ingat kayo. Hatid mo deretso 'yan sa kanila si Pres, ha!" bilin ni Angke. Pati si Bimbo at ang iba pang tropa niya ay nagbilin sa amin.


Matipid na nginitian ko ang mga ito. "Thank you..."


Dahil din sa kanila kaya nakaligtas ako. Dapat ay masaya sila na nag-iinuman at nakatambay, pero napapunta pa sila rito para lang mapaaway. Ang ilan sa kanila ay may bangas pa sa mukha dahil sa pakikipagbasag ulo kanina sa tropa ni Wayne. I disturbed what should have been a fun night for them, but I didn't hear any complaints, instead, I could feel the genuineness of their concern for me.


Ang motor ni Hugo ay nakaparada sa labas ng gate kaya naglakad pa kami. Walang pagmamadali sa hakbang niya, hinihintay niya ako. Paglabas namin ng gate ay isinuot niya sa akin ang kanyang helmet.


"Patagilid ka umangkas," sabi niya na halos di ko marinig sa hina.


Nang mapagtanto ang binitiwan niyang salita ay nag-iinit ang mukha na napayuko ako. "K-kaya ko naman kahit anong posisyon..."


"Taray mo naman pala."


Pagsampa niya sa motor ay inalalayan niya pa rin ako na makasakay. Patagilid na akong naupo gaya ng sabi niya. Hindi naman na ganoon kasakit pero nakatulong nga ang pag-upo nang ganito.


"Hawak," utos niya saka ini-start ang motor.


Napalunok ako pagtingin sa makinis na hubad na likod ni Hugo. Madidikit ako roon kapag kumapit ako sa kanya. Pero ano naman ba kung magkadikit kami? Higit na roon ang nangyari. I took a deep breath and wrapped my arms around his waist.


Pag-andar namin ay impit akong napatili dahil sa bilis ng kanyang patakbo ay nasubsob tuloy ako sa likod niya. Dahil may helmet akong suot ay napaungol siya.


Sa highway ay napayakap na rin ako nang mahigpit kay Hugo dahil nakakatakot pala ang umangkas nang patagilid sa motor. Malamig ang hangin at malamig na rin ang balat niya. Lalamigin siya kaya nilunok ko na ang hiya ko, idinikit ko na ang katawan ko sa likod niya. Naramdaman ko ang pagpitlag niya bagaman hindi naman siya nagsalita.


Muntik na rin akong makatulog habang nakayakap sa kanya at nakasandig sa likod niya. Pagod na pagod na rin ang pakiramdam ko at gusto ko nang magpahinga.


Pagdating sa Pascam ay ipinasok niya ang motor sa subdivision namin. Dahil madilim ay hindi yata napansin ng inaantok na guard na wala siyang suot na pang-itaas. Sa kanto ng street lang sana ako magpapahatid nang ideretso niya hanggang sa tapat ng bahay namin ang motor.


Madilim sa bahay namin. Ang mapusyaw na ilaw na maaaninagan lang sa nakasarang sliding window ay ang dim light sa may kusina. Natutulog pa ang lahat kaya nakahinga ako nang maluwag. Hindi nga lang nangangahulugan na ligtas na ako. Bukas ay hindi puwedeng hindi mapapansin ng pamilya ko ang aking mga galos at pasa sa katawan.


Bumaba ako sa motor. I took off the helmet and put it on Hugo.


"Paano iyong nangyari sa atin?" tanong niya habang inaayos ko ang helmet sa kanyang ulo.


Natigilan ako.


Nagulat ako nang hawakan niya ako sa pulso. "Jillian..."


Umiwas ako ng tingin sa kanya. "You just did that to help me and I let you..."


Nang matapos kong malagay ang helmet ay tiningnan ko siya sa mata. Malamlam na ang mga titig niya, namimigat na ang mga talukap. Inaantok na sa pagod.


"Thank you, Hugo. Mag-ingat ka sa pag-da-drive mo at magpahinga ka na agad pagkauwi mo..."


Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya na nagawa dahil tumalikod na ako. Ayaw ko na siyang abalahin pa, dahil sa totoo lang, sobra-sobra na ang abala na nagawa ko sa kanya. Hiyang-hiya na ako. Kung tutuusin, wala naman talaga siyang obligasyon sa akin.


Tumalikod na ako papasok sa bahay. Hindi pa umalis si Hugo. Hinihintay niya ako na makapasok muna. Pagdating ko sa pinto kung saan ay malayo na ako sa kanya ay saka ko naramdaman ang nagsama-samang pagod ng isip, puso at katawan.


Halos hindi ko na maihakbang ang mga binti ko. Ngayon din nagkirutan ang mga pasa at galos ko. Gusto ko pa sanang maligo bago matulog pero mukhang hindi ko na kakayanin.


Maging ang pagsuksok ko ng susi sa keyhole ay inabot ng ilang segundo. Pati mga daliri ko ay nanginginig. Pagpasok ko sa sala ay saktong lumabas sa kuwarto niya ang nakatatanda kong kapatid na si Kuya Jordan. Nagkagulatan kami sa isa't isa.


Ang gulat niyang ekspresyon kanina ay napalitan ng pag-aalala nang makita ang itsura ko. May tumamang kislap ng liwanag sa sliding window ng sala. Napabaling doon ang paningin niya. Nataranta ako dahil liwanag iyon ng paalis na motor ni Hugo.


"K-kuya!" Hindi ko na siya naawat ang pagsilip niya sa bintana.


"Who the fuck..." sambit niya. Pinakaunang beses na narinig ko siya na ganoon.


Patungo siya ng pinto nang yakapin ko siya sa bewang. Nanghihina ako, pinanginginigan ng katawan, pero uubusin ko ang natitira kong lakas para pigilan siya na lumabas. Hindi niya puwedeng makita si Hugo. Siguradong madadamay ang lalaki kapag nakita at nakilala niya ito.


"Jill, bitiwan mo ako," mahina pero mariing utos sa akin ni Kuya Jordan.


"N-no..." Napuno ng luha ang mga mata ko. "P-please, 'wag na... Kuya, 'w-wag na..." makaawa ko hanggang sa unti-unti nang nanlabo ang aking paningin at naubusan ng lakas ang aking katawan.


"Jill!" sigaw ni Kuya Jordan na huli kong naulinigan bago ako tuluyang kinain ng kadiliman.


....


"WHERE IS JORDAN?!"


Sigaw ng isang basag na boses malapit lang sa akin. Naalimpungatan ako sa liwanag mula sa kisame. Marahan akong dumilat at ang sumalubong sa akin ay ang nakakasilaw na ilaw namin sa sala. Nakahiga ako sa sofa at nakaunan sa kandungan ni Mommy. Mga nakapantulog pa sila.


"She's awake," sabi ni Daddy. "Tatawagan ko muna si Jordan. Dala niya ang kotse."


"Baby!" Inalalayan ako ni Mommy na makaupo sa sofa. "What happened to you? Saan ka pumunta? Sino ang may gawa nito sa 'yo?!" Umiiyak siya at nanginginig ang mga palad na humahaplos sa pisngi ko.


Sa harapan namin ay ang center table kung saan naroon ang isang planggana ng tubig at bimpo. Naroon din ang medkit, thermometer at ang purse ko. Napakapa ako sa bulsa ng suot kong shorts, wala ang phone ko.


"Jordan is not picking up, Ethel," sabi ni Daddy. "Magbu-book na lang ako ng Grab. Dalhin na natin si Jillian sa ospital ngayon!"


Pumatak ang mga luha ko at maagap umiling. "No! Please, no. I... I'm fine..." Hindi ako puwedeng maospital dahil malalaman nila na bukod sa mga pasa at galos ay may bagay na nawala sa akin. Hindi naman na importante na malaman nila. Tama na iyong mga problema ng aming pamilya, sobra-sobra na. Ayaw kong masaktan pa lalo sila. At saka, tapos naman na, nasa presinto na ngayon si Wayne.


"Pero anak, may mga pasa ka at sira ang damit mo! Dapat madala ka sa ospital!" Garalgal ang boses ni Mommy sa pagsasalita.


"No, I'm fine, Mommy. Believe me. I'm fine. Mga galos lang ito. Okay lang talaga ako. Someone helped me."


Nagkatinginan sila ni Daddy. "Sinong tumulong sa 'yo?"


"B-basta. Napadaan lang. Basta natulungan niya ako. P-please, I'm fine. Mga pasa lang ito. Gagaling din..." 


Duwag na kung duwag, pero isa pang dahilan ay ayoko na may iba pang makaalam. Dahil kung malalaman ng mga tao ang nangyari sa akin, kahit pa ipaliwanag ko pa na hindi nagtagumpay si Wayne, iisipin pa rin ng marami na may nangyari. At magiging kasiraan iyon hindi lang para sa akin, kundi sa pamilya namin.


Bumukas ang pinto ng sala at pumasok mula roon si Kuya Jordan. Napamaang kaming lahat sa itsura niya. Pawisan siya, marumi ang suot na shirt, at may sugat sa kamay. Hindi sa sugat niya sa kamay ako napatitig kundi sa hawak-hawak niya—ang phone ko!


Why did Kuya Jordan have my phone?!


"Saan ka galing?" Sinalubong siya ni Daddy.


Hindi sumasagot si Kuya Jordan.


"Jordan!" sigaw na ni Mommy.


"I..." Napabuga siya ng hangin saka mahinang nagsalita. "I am with Harry... and..." Tumingin siya sa akin dahilan para may bumundol sa akin na kaba. "A friend of Jillian."


A friend of mine? Who the heck was he talking about? And why was he with Harry?!


"Galing kaming tatlo sa presinto. Pinuntahan namin ang may gawa niyan kay Jillian."


"Who did this to your sister?!"


Kuya Jordan looked at me again. "Wayne Daniel Chung."


After Kuya Jordan answered her, Mommy fell to her knees. "Oh, my god... He dared to hurt my daughter... Oh, my... Oh, my god..." She sobbed into her palms.


Dinaluhan agad siya ni Daddy. Pati si Kuya Jordan ay napatakbo papunta kay Mommy. Matagal bago napakalma si Mommy. Kahit si Daddy ay umiiyak na rin. Nangangalit ang mga ngipin at halatang nagpipigil lang. Nagyaya si Mommy sa presinto at hindi na ito napigilan ni Daddy.


Bago umalis ay mahigpit ako na niyakap ni Mommy habang umiiyak siya. "Baby, we will make sure that he will pay for what he did to you. Mommy and Daddy will make sure... Pangako, Jillian. Pangako..."


Tumango lang ako habang umiiyak din. Wala na akong masabi sa halo-halong emosyon. Masakit pa ang katawan ko at pagod na pagod na ako pero balewala ang lahat ng iyon sa nararamdaman ng pamilya ko ngayon.


Ibinilin ako nina Mommy at Daddy kay Kuya Jordan. Nasa kuwarto na ako at nakaupo sa kama matapos kong uminom ng pain relievers. Tinimplahan din ako ni Kuya Jordan ng isang basong gatas. 


Inubos ko agad ang gatas. Gusto ko na matapos na agad. Gusto ko nang mapag-isa. Hindi ako mapakali, hindi magkandaugaga. Malikot ang mga mata ko. Para akong napa-praning. Kung anu-ano ang naiisip ko. Bakit magkasama kanina si Kuya Jordan at si Hugo? At kasama pa nila si Harry! Ano ba talaga ang nangyari?!


Hindi naman siguro nalaman ni Kuya Jordan ang nangyari sa amin ni Hugo, di ba? Hindi ako ilalaglag ni Hugo. Hindi. Hindi niya gagawin iyon. At isa pa, kapag ginawa niya iyon ay madadamay siya. Kaya hindi niya talaga puwedeng sabihin!


Paglabas ni Kuya Jordan sa aking kuwarto ay napasabunot ako sa buhok ko. Kinuha ko ang aking nebulizer. No, hindi ako dapat nag-iisip masyado. Dapat kumalma na ako para hindi nila mahalata na may iba pang nangyari. Tama, dapat hindi ako magpahalata!


Huminga ako nang malalim matapos ibalik ang nebulizer sa drawer. Tama, ang importante ay ligtas na ako. Ang importante rin ay nakakulong na si Wayne.  Kahit pa hindi masali ang tungkol sa ginawa nito sa akin, makukulong pa rin ito dahil sa dami nitong kaso. 


Kaunting tiis na lang, matatapos din ang lahat ng ito. Kaunti na lang din ay lilipat na kaming buong pamilya sa Tagaytay. Magsisimula kami ulit nina Mommy, Daddy, at Kuya Jordan. Babawi ako sa kanila. Mag-aaral ako nang mabuti at magiging mabuting anak at kapatid. Kakalimutan namin ang mga masasamang pangyayari at magbabagong buhay.


Pagbalik ni Kuya Jordan sa kuwarto ko ay nakangiti ako sa kanya. Pero agad ding nabura ang ngiti ko nang makita ang bagay na ipinatong niya sa aking bedside table. Ang phone ko. "I got all the info there."


Kahit gusto ko siyang tanungin kung ano ang nangyari ay hindi ko magawa. Nahihiya ako sa kanya and at the same time, wala rin talaga akong maapuhap na salita.


Binuksan ni Kuya Jordan ang lampshade at pinatay ang ilaw. Dahil umaga na ay isinara niya ang bintana sa kuwarto para dumilim. Lumundo ang kama na nagpapahiwatig na naupo siya roon. 


Mga pagpapakawala ng paghinga ang nauna kong narinig bago ang mahina at mababang boses niya. "Wayne told me something..."


Tumiim ang mga labi ko at kumuyom ang aking mga palad. 


"He told me that..." Napatigil siya sandali kasabay ng pagkabasag ng boses niya.


Ang mga sumunod na salita ni Kuya Jordan ay naging dahilan ng panlalaki ng mga mata ko.


"Jillian, Wayne said that he... raped you!"


JF


#TroublemakerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz