Chapter 2
"PST!"
Kanina pa ang mga pagsitsit ng lalaking katabi ko. I just sat quietly in my seat. I was literally ignoring him.
Hindi na siya nakatiis. Pasimple niya na akong siniko at mahina siyang bumulong. "Hoy, pakopya naman ng sagot mo."
My grip on my pen tightened. Nagpapanggap pa rin ako na hindi ko siya katabi, na nasa ibang lupalop siya, o kaya nasa ibang mundo.
Itinulak niya ako sa balikat. "Tsk, damot!"
Nagtagis ang mga ngipin ko gayunpaman ay hindi pa rin ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Nanatili akong kalmado.
Pumasok ang teacher namin matapos ang ilang minuto. "Exchange your paper with your seatmate."
Oras na para i-check ang 1-10 quiz namin sa Science. Quiz na enumeration kaya ang dami sa mga kaklase ko ang kanina pa nag-pa-panic.
I shook my head when Hugo grabbed my paper. He was the only one next to me because I was sitting by the window, so I had no choice but to let him check my paper.
He was grinning as if he had answers on his own paper even though he really didn't have an answer at all.
It was really surprising because I knew that he was the only child of our school's headteacher, Mrs. Normalyn Aguilar. The woman was known for being strict and perfectionist, so how could she had a lazy child like this guy?
Not only Hugo was lazy, sa unang tingin ay masasabi mo na agad kung anong klase siya ng estudyante. Hindi siya naka-complete uniform, mahaba ang patilya ng kanyang buhok, may ahit sa gitna ng isang kilay, may hikaw sa tainga at maging sa dila.
He was really the notorious Hugo Emmanuel Aguilar who was often talked about by teachers in the faculty room. He was a troublemaker. Sa pangalan ko lang siya dati kilala, pero ngayon ay sa kasamaang palad ay kaklase at katabi ko na sa iisang section.
I looked at Hugo's paper again. Zero agad ang score niya dahil nga sa wala siyang sagot. Kung ako siguro ang magkakaroon ng ganoong score ay baka ma-depress na ako, kaya lang ay iba siya. He could still grin despite of his score.
Hindi lang siya ang bagsak sa quiz ngayong araw. Ang dami pa sa mga kaklase namin ang bagsak at pasang awa. Ako lang ang bukod tanging nakakuha ng mataas na score. May isa lang akong mali. Nakakalungkot pa rin dahil hindi ko na-perfect ang quiz namin.
First break nang lumapit sa akin ang isang babae. Her hair was shoulder length, her body was petite, and she had eyeliner on her round big eyes. Kanina pa siya nagtatangkang lumapit sa akin at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon—she's Dessy.
Dessy Paredes was also my classmate from last year. She was nice, sweet, and kinda clingy. Since I didn't have any other friends, I thought it wouldn't be bad if I let her be my friend.
Tumabi siya sa akin sa upuan. "Jill, birthday ko sa Sabado. Free ka naman siguro."
Umiling ako. "Sorry, Dess. May iba kasi akong gagawin."
Napahalukipkip si Dessy. "Ano naman? Mag-aaral? Ang talino mo na kaya."
"Kulang pa..." wala sa loob na bulong ko.
Napakurap naman siya. "Ha?"
Maliit na ngumiti ako sa kanya. "Wala..."
Pero hindi naman talaga pag-aaral ang aking pagkakaabalahan sa Sabado kundi anniversary ng parents ko. May mga bisita kami na pupunta, ang pamilya ng kapatid ni Mommy na si Tita Eva. At syempre, kasama ng mga ito ang tao na kanina lang ay kausap ko... si Harry.
Ah, I missed Harry already and I wanted to see him again.
Naglalakbay ang isip ko nang sa labas ng classroom namin ay may dumaang mga lalaki. Ang pinakamatangkad sa mga ito ang kumuha sa atensyon ko.
Nangunguna ito sa mga kasama. Matangos ang ilong, mapula ang mga labi, makapal ang itim na itim na kilay, singkit ang mga mata. Guwapo ito pero hanggang doon lang iyon. Naguguwapuhan lang ako dahil sa hindi naman ako bulag.
He was just like Hugo. Guwapo sa maangas na paraan. Surprisingly, mas palagay ako sa angas ni Hugo. Si Hugo kasi ang tipo na umpisa pa lang ay alam mo na agad na siraulo, samantalang ang lalaking ito ay parang may itinatago.
Huminto ang guwapong lalaki na nagtataglay ng singkit na mga mata sa mismong tapat ng kinaroroonan kong bintana. "Hi, Jillian! Kumusta ka na?"
Wayne—This guy's name was Wayne Daniel Chung. Sa kabilang section ang room.
Repeater si Wayne noong Grade 7. Galing sa private school bago napunta rito sa Gov. Kilala rin na ma-tropa, mabisyo, pasaway at maangas, pero kapag nasa aking paningin ay mabait at maginoo.
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya habang kinakausap ako. "Lalabas ka ba sa lunchbreak mamaya?"
Tiningnan ko lang siya at hindi pinagkaabalang sagutin man lang. Sanay na nga lang sa akin ang lalaki. Ni hindi man lang siya napahiya sa lantarang hindi ko pagpansin.
Si Dessy na nasa tabi ko ang tila inasinan dahil sa kilig.
Ibinaling naman ni Wayne ang paningin kay Dessy. "Hi, Dess! Ingatan mo si Jillian para sa akin, ah?"
"Sure, Wayne!"
Nang makaalis na si Wayne kasama ang mga tropa niya ay kinalabit ako ni Dessy.
"Ano?" mahinahong tanong ko.
"Hmp! Bakit ang suplada mo kay o Wayne? Ang tatag niya kaya. Kung ibang lalaki 'yan, sinukuan ka na."
Kumibot lang ang mga labi ko.
"Oy, Jill, alam mo ba na pupunta rin pala si Wayne sa birthday ko sa Sabado? Tropa niya iyong boyfriend ko ngayon, kaya pupunta siya. Gusto niya na pumunta ka rin."
Hindi ko na sinagot pa si Dessy hanggang sa dumating na ang next teacher namin. Hindi na rin naman siya nangulit pa. Para siyang biglang sinilihan dahil sa pagmamadali na makatayo at makaalis sa tabi ko nang makitang pabalik na rin dito si Hugo.
Sa buong klase ay pigil ang aking emosyon kahit ang ligalig ng katabi ko.
Nandoon ang mag-cellphone si Hugo sa ilalim ng armchair habang ngumunguya ng bubble gum, minsan naman ay nag-do-drawing sa likod ng notebook niya, at ang kinaiinisan ko ay ang mahinang pagkanta-kanta niya, habang sumasabay sa tugtog sa suot na wireless earphones. He was so distracting that I couldn't concentrate on our lessons.
Ang tagal pa ng school year na ito. Ang tagal ko pang titiisin na maging kaklase ang lalaking ito. Unang araw pa lang ay parang gusto ko nang sumuko.
Nakahinga ako nang maluwag sa pagsapit ng lunchbreak. Tumayo na agad ako. Lumabas ako ng room para pumunta sa faculty. Gaya ng palagi, doon ako kakain kasabay ni Mommy.
Iilang teachers na lang ang natitira sa loob ng faculty nang sumilip ako. Wala si Mommy sa table niya pero hihintayin ko na lang siya.
I was about to enter the faculty room when I suddenly heard the mention of my name. The teachers inside were talking about me.
"Yes, she's very pretty," said by one of the teachers inside. "Maganda rin kasi talaga si Ethel, ano? Ang ganda at ang guwapo ng mga anak, namana pati ang talino at kabaitan niya."
Ngumiti ang mga labi ko na agad ding napalis dahil sa sumunod na nagsalita.
"Bakit pala wala sa Science Class si Jillian, ano? Matalino naman at masipag ang batang iyon."
"Section 3 lang siya ngayon. May mababa siyang grades last year at late enrollee pa. Sayang nga kasi sana napunta man lang siya kahit sa Section 1."
"Iba ang talino ni Jordan sa kapatid. Iyon talaga, masasabi ko na iba ang utak. Kahit si Ethel ay nagugulat sa panganay niya, muntik pa nga raw iyong ma-accelerate kung hindi lang sila napalipat ng biglaan dito sa Cavite."
Para akong biglang nanghina. Kusang umatras ang mga paa ko. Sa aking pag atras ay hindi ko napansin na may tao pala sa aking likuran. Nabangga ako rito.
"Fuck-shit!" mura ng lalaki na nabangga ko nang matapakan ko ang kanyang sapatos— isang puting-puting Nike Air Command Force rubber shoes.
Sa aking pagtingala ay ang nakasimangot na mukha ni Hugo Emmanuel Aguilar na kaklase at katabi ko sa upuan ang aking nakita.
"Men, kabibili lang neto ni Daddy o!" paungol na sabi niya, kulang na lang ay tirisin niya ako sa sobrang asar niya.
"Sorry..." maliit ang boses na hingi ko ng pasensiya sa kanya.
Napalingon sa amin ang mga teachers sa faculty.
Ang isa sa mga nakikipagkuwentuhan na guro kanina ay ang mabait na ginang na si Mrs. Pagkaliwangan. Kinawayan ako nito. "Jillian, nag-CR lang saglit ang mommy mo. Pabalik na iyon."
Tumango ako at pumasok na sa loob. Si Hugo naman ay kasunod ko. Nagmumumura pa rin siya habang payuko-yuko na pinapagpagan ang bago niyang sapatos. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan siya ng mga teachers dito.
"Hugo Emmanuel, ang bibig mo," hindi na nakatiis si Mrs. Buencamino, ang isa sa matandang teacher na sawayin siya.
"Ito kasi e," turo niya sa akin. "Badtrip, tinapakan sapatos ko e bago 'to!"
"'Di ko naman sinasadya," maliit ang boses na sabi ko. Mahinahon ang boses ko kahit pa ang totoo ay gusto ko na siyang singhalan dahil ang bastos niyang makipag-usap sa mas matanda sa kanya.
"Hindi naman sinasadya ni Jillian." Hinampas siya sa balikat ng nasa malapit na teacher sa kanya. "Saka babae 'yang inaaway mo, ayusin mo ang pananalita mo!"
"Kung syota ko 'yan, Ma'am, patatawarin ko 'yan. E hindi naman!"
Napahumindig ako sa sinabi niya. Napakabastos niya talaga!
Mula sa pinto ng faculty ay halos magkasabay na pumasok sina mommy at si Mrs. Aguilar na mommy naman ni Hugo.
"Jill, kanina ka pa?" Nakangiti sa akin si Mommy nang lumapit. "Gutom ka na? Halika, kain na tayo..." malambing na yaya niya.
Pumunta na ako sa table ni Mommy para makakain na kami. Ako ang nag-alis ng mga baunan namin mula sa paper bag. Sa aking peripheral vision ay nakikita ko si Hugo na kinukunsumi ang ina.
"Ano na naman ba, Hugo Emmanuel?!" impit ang gigil sa boses ni Mrs. Aguilar habang kausap ang na anak na matigas ang ulo.
Dahil bahagya silang malapit sa amin ay hindi maiwasan na hindi namin sila marinig, bagaman si Mommy ay patay malisya. Para bang sanay na si Mommy sa ganitong eksena ng co-teacher sa anak nitong pasaway.
"Penge pera, My. Ubos na allowance ko."
"Santisima! Saan mo ba dinadala ang pera? Kabibigay lang sa 'yo ng daddy mo noong Friday, ah!" Kulang na lang ay magputukan na ang ugat sa leeg ni Mrs. Aguilar.
"My, naman. Di ba bumili ako ng pyesa sa motor ko kahapon? 'Tas syempre iyong iba, pinangkain ko. Wala na akong budget ngayon, tom-guts na 'ko."
"Pwes, dito ka kumain. May dala akong baon!"
"Tsk, ano 'ko sanggol?"
Tinuktukan siya ni Mrs. Aguilar. Kakamot-kamot naman siya ng ulo at mayamaya ay nilalambing na ang ina. Niyayakap-yakap at hinahalikan sa pisngi. Para siyang bata na nanghihingi ng candy.
Galit pa nang una si Mrs. Aguilar pero kalaunan ay nadala na rin sa pang-uuto ng anak.
Nang magtagumpay ay sisipol-sipol si Hugo na lumabas ng faculty pagkatapos. Tinutukso naman ng mga co-teachers nito si Mrs. Aguilar.
"Nabudol ka na naman ng unico hijo mo, Norma," nakangiting ani Mrs. Buencamino.
Napapailing naman si Mrs. Aguilar. "Hay, naku! Kahit anong inis ko ay hindi ko rin talaga matiis. Ewan ko ba, sobrang spoiled kasi 'yan sa asawa ko kaya siguro nagkaganyan."
Tama ang sinasabi ng marami tungkol kay Hugo na isa siyang spoiled rich kid. Nag-iisang anak siya at talagang sunod sa layaw kaya lumaking hambog at feeling gold.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may kaya ang mga Aguilar sa Buenavista.
Isang businessman na may sariling construction company ang daddy ni Hugo. Kahit nga hindi na magturo si Mrs. Aguilar ay mabubuhay ito nang maalwan, kaya lamang ay mahal lang talaga ng teacher ang pagtuturo sa public high school.
Ang anak naman ng mga ito na si Hugo ay naririto sa public dahil dito in-enroll ni Mrs. Aguilar. Maloko nga kasi ang lalaking iyon, hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat dito sa school na isinuka siya ng dating private school na pinapasukan.
Mula elementary ay nakailang transfer si Hugo. Sa St. John ito huling nag-aral na private bago mag-dropped out. Inilipat ito ng mga magulang ng school at dito na nga sa Gov napadpad.
Yumuko ako sa mesa at nag-concentrate na lang sa pagkain. Hanggang sa matapos kumain ay wala akong imik.
Bago magpaalam ay malumanay na kinausap ako ni Mommy. "Kaklase mo pala ang anak ni Norma. Iwasan mo siya, Jillian." May pag-aalala sa tono niya dahil siguro naabutan niya ang pang-aaway ni Hugo sa akin kanina.
Tumango ako kay Mommy at hindi na binanggit sa kanya na katabi ko sa upuan ang lalaking iyon. I didn't want her to worry about me.
Naglalakad na ako pabalik sa room nang sa kamalasan ay madaanan ko pa sa bench si Hugo. Nakakagulat na sa laki ng school ay nagkikita pa kami sa labas ng room namin.
Nakasandal siya sa sandalan ng bench, sa balikat niya ay may nakasandig na babae. Siguro girlfriend niya iyon. Pinapaypayan siya nito habang nag-uusap sila.
Iiwas na sana ako ng mata at tahimik na lalampasan sila nang saktong mapatingin siya sa akin. Sa aking pagkamangha ay bigla niya akong kinindatan. Muntik na akong matalisod sa bato na aking natapakan.
Parang nagkaroon ng gulong ang mga paa ko na mabilis na naglakad paalis. Pagpasok sa room ay humihingal ako sa pinaghalong pagod at pagkaasar.
Napahawak ako sa aking dibdib nang ma-realized ang aking ginawang pagtakbo. I couldn't believe it! For the first time in my life, I lost my composure just because of that fool!
I was not used to being angry, so I didn't know how to act accordingly. I shook my head as I sat down in my chair. I tried to calm myself down until my breathing settled. Kailangan na maging kalmado ako dahil ganoon ako na klase ng tao at hindi ako dapat magbago.
Para tuluyang kumalma ay inilabas ko na lang ang aking phone. Nagtipa ako ng text message para sa isang tao na alam kong makakatulong sa pagpapahupa ng pagkaasar ko.
Me:
Hi! Have you had your lunch? :)
Five minutes passed before I received an answer from him.
Harry:
Yes, Jill. Thanks! How about you? Break niyo ba ngayon?
Napangiti ako dahil sa haba ng reply niya. Bihira ko siyang ma-tyempuhan na hindi busy, kaya naman sandali lang ay nakalimutan ko na ang pagkaasar ko kay Hugo.
Me:
Yup, tapos na rin! May ginagawa ka ba? Baka nakakaistorbo ako :)
Harry:
Hindi naman. Nanonood lang ako ng TV. Sige na, baka may gagawin ka pa. Magkita na lang tayo sa Sat.
Halos mapiga ko ang aking phone dahil sa saya. Nagpaalam na rin ako kay Harry kahit pa parang ayaw ko pa sana na matapos ang paguusap naming dalawa.
Magaan na ang pakiramdam ko habang naghihintay na tumunog ang bell para sa susunod na subject. Akala ko talagang wala nang makakasira sa aking mood, until I saw Hugo again.
Nakapamulsa ang lalaki sa suot na school pants nang pumasok sa pinto ng classroom namin. Sa bibig niya ay nagpapalobo siya ng bubble gum.
Pasalampak siyang naupo sa tabi ko. "Oy, may salamin ka?"
I just frowned at him.
"Peram. Check ko lang iyong patilya ko. Badtrip, inukaan ng nakasalubong kong teacher kanina e."
Napansin ko rin pala. Wala na iyong hikaw sa dila niya. Mukhang na-confiscate na.
Hindi pa rin ako kumikibo at kumikilos. Nakatingin lang sa kanya ang blangko kong mga mata.
Iritadong napalingon siya sa akin. "Tss!" He impatiently took my bag and looked for it to see if I really had a mirror.
I was dumbfounded at what he did. Bakit basta-basta niya na lang pinapakialaman ang mga gamit ko?! We were not even friends to begin with!
At kanina lang sa faculty ay kulang na lang na sakalin niya ako dahil sa pagtapak ko sa bago niyang sapatos!
"Ano ba ito, puro libro?!" Isa-isa niyang inilabas ang mga laman ng aking bag habang tulala at nakanganga lang ako.
Nang wala siyang makitang salamin ay nakasimangot siyang tumingin sa akin.
"Bakit wala kang salamin?!" Siya pa ang may ganang magdabog.
Ipinilig ko ang aking ulo nang makabawi. Mahinahon ako nang magsalita, "Ginagamit ba sa pag-aaral ang salamin?"
He grinned which surprised me again. What was funny?
Nangalumbaba siya sa armchair habang nakangisi pa ring nakatingin sa akin. Ang pilyo niyang mga mata ay naglalakbay sa mukha ko na tila ba kinakabisado niya ang mga detalye.
"What the hell is your problem?" naiilang na tanong ko.
"You're cute."
I blinked at what he said. "W-what?"
"Do you want me to be your boyfriend? I just broke up with my girlfriend today, so I am available now. Would you like to grab the opportunity?"
Ang pagkailang at pagtataka ko ay nauwi sa matinding pagkainis. I could no longer restrain myself. Again, I experienced losing control. I became violent.
"You pathetic jerk!" Ang aking libro na inilabas niya kanina ay dinampot ko at walang pasabing buong lakas na aking inihampas sa kanya.
Lumikha ng malakas na lagabog ang pagtama ng libro sa kanyang mukha. Humihingal ako sa gigil. Nang bumaba ang libro ay napatanga ako, hindi dahil sa nakatulala sa akin si Hugo...
...Kundi dahil sa matangos niyang ilong ay may dugong tumutulo!
Hinawakan niya ang kanyang ilong at ganoon na lang ang pamumutla niya nang makita ang dugo. "B-blood... I... I'm bleeding..."
Nahintatakutan ako. "I—I'm sorry, ikaw kasi. Kasalanan mo kaya—"
Hindi ko na natapos ang sinasabi dahil bumagsak na ang ulo ni Hugo sa ibabaw ng armchair. Tarantang tinapik ko siya sa balikat pero hindi na siya gumagalaw. Ang mga kaklase namin ay nagtatakang nakatingin na sa amin.
Sa takot ko ay inalog ko na si Hugo hanggang sa mahulog na siya sa upuan. Patihaya siyang napabulagta sa sahig habang walang malay at ang ilong ay duguan.
Natutop ko ang aking bibig sa reyalisasyon. Oh, shoot! The notorious Hugo Emmanuel Aguilar just lost his consciousness just because he saw blood!
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz