One shot
"Huli na ba ang lahat? Ito na ba ang mangyayari? Kung sana naghntay lang ako, kung sana, nagtiyaga lang ako, kung sana hindi ako nag-isip kaagad na ganoon nga, kung sana hindi ako nagpadalos dalos, sana..... sana hindi mangyayari sa kanya ang lahat ng ito"
ALEX'S POV
Isa lang akong simpleng estudyante noon. Nag aaral ng mabuti, nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan, naglalaro ng mga games tulad ng CoC (Clash of Clans). Lagi akong nasa top 2 ng klase, Its either top 1 or top 2. Pero, tulad nga ng ibang mga estudyante, may crush din naman ako, may mahal din ako.
Nagsimula ito ng highschool pa lang ako.
September 24, 2014
Kasagsagan ito ng mga panahon na gagawa kami ng bangenge. Kami ang winner last year kaya dapat ay panalo pa rin kami ngayon. May kaaway kasi kaming section kaya ayun, eager na eager manalo. Ayos na rin yun para minsan eh excuse kami sa mga klase sa pang umaga. Kasalukuyan akong nakaupo habang nakatingin sa babaeng mahal ko simula pa noong first yrear ako, si Lexi Mendoza. Ewan ko kung ilang pana ni kupido ang pinana sa akin at minahal ko siya ng ganoon katagal. Siya rin ang katunggali ko sa pagiging first lagi ng aming klase. Minsan ako, minsan siya. Isa na rin siguro iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. Presidente ng klase namin, vice president ng YES-O, tumakbong presidente sa school last year pero hindi nanalo dahil sa 40 students na hindi bumoto sa kanya, matalino, maganda, responsable, ilan lang yan sa nagustuhan ko sa kanya. Pinilit ko na ring labanan pero, hindi eh, mahal ko talaga siya.
"Alex kung wala kang ginagawa diyan tulungan mo sina Xandra na gumawa ng kawali para kay Rusel!" sabi ni Tav kaya pumunta na ako doon.
Saktong naandoon siya kaya ok lang sa akin kahit magawgawan ako basta kasama siya.
"Alex bilis para matapos na natin to!" sigaw ni Xandra sa akin kaya binilisan ko ang lakad.
Pagkarating doon ay umupo ako sa tabi ni Xandra. Si Xandra or Alexandra Vegas ay isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Lexi. Kaklase ko siya simula first year pa lang kaya alam na niya ang mga kahibangan ko tungkol sa pag ibg ko para kay Lexi. Naging matalik ko na rin siyang kaibigan paglipas ng panahon kaya close kami nito.
"Nakatulala ka na naman kay Chong ko. Tsk tsk. Pege ebeg nge nemen" sabi niya ng mahina at nanunudyong tono. Binatukan ko tuloy siya ng mahina at nagtawanan na kami.
Usap lang kami ng usap tungkol sa mga random na bagay hanggang sa nagbanyo ako. Pagbalik ko may pinaguusapan sila at narinig ko ang pangalan ko. Umupo ako sa tabi ni Xandra at tinanong sa kanya kung ano ang pinag usapan nila.
"Mahal kita Alex" sabi niya sa akin ng mahina at nakangiti.
'Dafug?!' Gulong gulo ang isip ko sa sinabi niya feeling ko tinakasan ako ng ulirat ko.
"Xandra break muna kayo" sabi ni Tav kaya agad nagsitayuan sina Xandra kasama si Lexi. Ako naman ay napapunta na lang sa hagdan at umupo doon.
Totoo ba yung sinabi ni Xandra? Parang nagbibiro naman siya eh. Tama nagbibiro lang siya. Pilit kong kinukumbnsi ang sarili ko na nagbibiro lang siya.
"Oi kami na ni Alex!" biglang may sumigaw kaya napatingin ako kung sino iyon.
Nakita ko si Xandra na nakatingin sa akin. Medyo malapit siya sa akin. Lumapit sa kanya bigla si Lance.
"Kayo na ni Alex? Kailan monthsarry niyo?" tanong niya
"42!" sabi niya.
Medyo natawa ako dahil wala namang 42 sa kalendaryo.
"Baka merong 42" sabi ko sa kanya ng pabiro.
"Ay 24 na lang pala" sabi niya ng may ngiti sa labi niya.
Napailing na lang ako sa kanya at kinuha ang phone ko. Nagulat ako ng nakita ko ang date ngayon,
September 24 ngayon.
Coincidence lang siguro to.
Dumaan ang isang araw at nalaman kong mismo kay Xandra na biro biro lang yung relasyon na sinasabi niya pero magiging magkasintahan kami. Magulo ba? Hindi lang kayo ang naguguluhan -____-.
Isang linggo kami laging magkasama ni Xandra. Pero, may kakaiba akong naramdaman sa loob lang ng isang linggo na lagi kaming magkasama ni Xandra. Parang, ang saya ko lagi. Aaminin ko na may gusto ako kay Xandra pero mas matimbang sa akin si Lexi kaya hindi ko inalala ang nararamdaman ko kay Xandra dahil simpleng pagkagusto lang naman ito.
Ngunit, habang mas tumatagal, mas napapalapit pa lalo ako kay Xandra. Hanggang sa umabot ng bago kami mag second monthsarry. two weeks before to be exact, naguguluhan na ako kung ano na ang nararamdaman ko para sa kanya. Feeling ko mahal ko na siya pero mahal ko pa rin si Lexi. Pwedeng bang magmahal ng dalawa? Gulong gulo na ako kaya hindi ko na kayang itago to sa srili ko. Kailangan ko ng makakausap.
Una kong tinanong si Joy Santos, isa sa mga napagsasabihan ko tungkol sa mga gantong bagay. Ang sabi niya, pakiramdaman ko kung kanino ako mas masaya, kung kay Lexi ba o kay Xandra. Hindi ko alam kung paano pa kaya tinanong ko rin kay Zelda, Crizelda Bermudez, isa rin sa pinagsasabihan ko tungkol sa gantong bagay. Tulad ng sinabi ni Joy, ganoon din ang sinabi niya. Tinanong niya din ako.
"Anong pakiramdam mo kapag kausap o kasama mo si te Lexi? Do you feel special? Do you feel appreciated? Eh pag si Xandra ang kasama mo? Anong nararamdaman mo kapag malapit siya sayo? Masaya ka ba? Figure things out about pyur feelings." sabi niya.
Naisip ko na tama silang dalawa ni Joy. Pag kasama ko si Lexi, feeling ko ako lang yung nagmamahal, ako lang yung gumagawa ng paraan para magkasama kami pero kapag si Xandra, feeling ko ang saya saya ko. Yung lagi siyang nandiyaan sa tabi ko at lagi kaming nagkukwentuhan. Para masigurado ko na iba na ang nararamdaman ko, lumapit ako kay Lexi.
"Lexi" tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin.
"Bakit?" tanong niya.
Naandito pa rin yung pagbilis ng puso ko kapag kaharap siya.
"Ah, wala, nakalimutan ko yung sasabihin ko, sige" sabi ko na lang at umalis.
Pumunta naman ako sa pwesto ni Xandra, makita pa lang siya ay napapangiti pa lang ako.
"Xandra" tawag ko sa kanya
Lumingon siya sa akin at nakita ko ang maganda niyang ngiti. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mas mabilis kaysa kanina.
Napangiti na lang ako sa narealize ko.
Mas mahal ko na si Xandra kaysa kay Lexi.
~~~~~~~
Pinahalagahan ko bawat araw na lumilipas na magkasama kami, na lagi kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan. Humihingi pa nga ako ng tips para lang mapanatili siyang masaya eh. Pero, hindi ko pinapahalata na mahal ko na siya. Ayokong mawala yung pinagsamahan namin dahil lang sa feelings ko.
Dumating ang dalawang buwan at malapit na ang parada ng mga bangenge. Sa tuesday na ito gaganapin kaya todo madali kami sa paggawa para mas mapaganda pa ang bangenge namin. Nang hapon ding ito ay pasahan na ng mga bangenge. Muntikan na ngang madisqualify ang bangenge namin dahil hindi ito kasya sa pintuan ng lagayan ng mga bangenge kaya ginawan namin ng paraan at naipasok naman namin siya sa loob. Pagkatapos noon ay bumalik kami ng room para maglinis. Kasama ko si Lance, ang teacher namin, at ang iba ko pang kaklase. Nagkukwentuhan sila about sa mahal ni Lance. Ang sabi namin si Leslie dahil ito naman talaga ang gusto niya last year pa. Pero sabi niya hindi daw. Tinanong ngayon siya ng teacher namin.
"Lance sino ba ang nasa puso mo?"
Ilang saglit pa ay sumagot si Lance. Na sana, hindi ko na narinig kailanman.
" Si Xandra po"
Muntik ko nang mabitawan ang hawak kobg rugby dahil sa sinabi ni Lance. Totoo ba? Hindj bat besfriend ang turin ni Xandra sa kanya? Kaya ba agad siyang nagreact nung sinabi ni Xandra na boyfriend niya ako? Bakit? Hindi pa nga siya sa akin pero may umaagaw na sa kanya.
~~~~~~~~~~
Kinabukasan, December 15, 2014. Ito ang araw na magkakaroon kami ng outreach program sa isang barangay para sa mga bata. Kitang kita ko kung paano tumawa sj Xandra kasama si Lance. Kung paano siya makipagbiruan kasama si Lance habnag ako, katabi nita lang. Konti pa at baka masuntok ko na ang pader dahil sa sobrang galit.... at selos. Buong hapon silang ganoon kaya pagkatapos ng oitreach program, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kaming dalawa na lang ni Lance ang naandito dahil nag uwian na silang lahat. Nilapitan ko si Lance at kinuwelyuhan.
"Ano bang problema mo Alex?! Bitawan mo nga ako!!!" Sabi sa,akin ni Lance habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko sa kanya.
"Walang ginagawa?! Siraulo ka ba?! Alam mong kami ni Xandra pero lapit ka ng lapit!!" Sigaw ko sa kanya.
"Walang kayo dahil first of all hindi naman talaga kayo dahil biro biro lang yun ni Xandra! Siya na mismo ang nagsabi at higit sa lahat, balit,ka ba masyadong affected?! Sabihin mo nga! Mahal mo ba si Xandra ha?!" Sigaw niya sa akin.
"Oo mahal ko siya!!! Mahal na mahal ko siya na gagawin ko ang lahat para lang mapasaya siya!!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya.
Halatang nagulat si Lance, miski ako ay nagulat sa nangyari pero hindi ko pinahalata sa kanya. Bigla siyang ngumisi sa akin.
"Then, may thr best man win" sabi niya sa akin at umalis na.
"May the best man win" sabi ko sa sarili ko at umalis na doon.
~~~~~
"What the fudge Axel?! Bat ka naman agad agad nagpasya ng ganyan?! Nako naman!!! Kaya mahirap pag nagagalit ka eh!!!" Nasabi na lang sa akin ni Crizelda.
Kasama ko si Crizelda at Joy ngayon. Nasa labas kami ng room habang hinihintay si Xandra na pumasok.
"Kaya nga eh!! Gusto kong sapukin yung sarili ko dahil sa sinabi ko!!! Aish! Ang tanga tanga ko!!!" Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Aish ang tanga tanga ko talaga!!!
"Ano nang balak mong gawin Alex? Totohanin mo na ba to o hahayaan mong makuha ni Lance si Xandra sayo?" Seyosong tanong sa akin ni Joy.
"Hindi ko alam. A- ayokong mawala siya sa akin, ayoko ring mapunta siya kay Lance"
Totoo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kahit anong gawin ko, lalayo at lalayo siya sa akin.
"Hindi mo pa alam kung ano ang maaaring maging sagot niya. Minsan kailangan mo ring mag take ng risk para malaman kung ano ang mangyayari, kung maganda ba o hindi. At kahit anong mangyayari, may marerealize at marerealize ka, kahit na hindi magandang choice iyon." Sabi ni Joy na sinang ayunan rin naman ni Crizelda.
"At isa pa, kung hindi ka lalaban, parang pinapakita mo na wala kang kayang gawin para sa kanya. Na hindi mo siya mahal. Give that bastard named Lance a good fight and crush him down!!!!" Sabi ni Crizelda.
Natawa na lang ako sa sinabi niya, pero, may point din naman sila.
"Fine then, I' ll fight for her."
~~~~~~~
December 16, 2014
Ngayon ko napagpasyahang, liligawan ko si Xandra ng hindi niya alam. Normal lang naman na maging sweet ako sa kanya dahil parang kamo ng di ba? Hindi niya naman mapapansin yun. Gagawin ko ang lahat para makuha ang loob niya.
Noong nagtest ako sa MAPUA, pagkatapos ng test ay pumunta akong MOA para bumili ng teddy bear, kulay green siya na teddy bear. Paborito niya kasi ang green. Nung christmas party ko ibinigay sa kanya iyon at tuwang tuwa siya at pinangalanan niya pang ALEXANDRA.Pinagsamang pangalan namin kaya medyo,kinilig ako. Kahit na bading pakinggan, basta kinilig ako, pagbigyan na mahal ko eh.
Base sa mga nakikita ko kay Lance, hindi siya masyadong nakakaporma kay Xandra dahil sa lagi kong binabakuran si Xandra. Kaya, ayun medyo pikon sa akin.
Dumating ang christmas break pero lagi pa rin kaming nag kakausap ni Xandra sa skype, twitter, facebook. Basta hindi lang maputol yung communication namin. Pero, sobrang namimiss ko na talaga siya. Kahot na lagi kong nakikita ang mukha niya sa skype, iba pa rin talaga pag sa personal. Bale, ilang linggo lang naman ang itatagal eh. Humingi rin ako ng mga tips kina Joy para mapasaya at magustuhan ako ni Xandra.
Just be yourself
Yan lang lagi ang sinasabi nila sa akin -_____-
Nang magpasukan na, pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko si Lance na kausap na agad si Xandra. Tawa ng tawasi Xandra, they like each others prescence that they both feel like they are the only one existing inside this room. Hindi ko namalayang nakayukom na yung kamay ko. Handang handa na siyang suntukin pero pinpigilan ko, ayokong gumawa ng gulo at baka masaira pa ang records ko kay Xandra. Im not the typical boy na basta basta na lang susuntok ng isang tao sa public ng dahil lang sa simpleng bagay. kung siya ang unang manununtok, e di ibabalik ko yung suntok niya! Ten times pa para mas dama niya. Tsk.
Inilagay ko na lang ang bag ko sa upuan ko at lumabas ng room. Mayroon kasing parang balkonahe paglabas mo ng room namin, puro halaman ang nandoon kaya presko presko ang hangin.
"Oh, bat ka nandito?"
Napalingon ako kung sino ang nagsalita at nakita si Joy na nakatayo malapit sa akin.
"Di maganda ang view sa loob eh" nasabi ko na lang.
"Ooohhh..... Okay?"
Namayani ang katahimikan sa amin. Walang kumibo, tila ba pinapakiramdaman namin ang isat isa kung sino ang magsasalita.
"So, ganoon na lang ba iyon? Hahayaan mo siyang mapunta sa lalaking iyon?" biglang tanong ni Joy na ikinagulat ko.
"Alam mo ba kung gaano kasakit na pinaglalaban ko siya pero hindi niya naman nakikita iyon? Mas gusto niya ang prescence ng lalaking iyon kaysa sa akin Joy! Gustong gusto ko siyang hablutin kanina at sabihin na akin lang siya pero hindi ko magawa!! Feeling ko napakawalang kwenta kong tao dahil hindi ko man lang mabakuran ang akin at hindi ko siya mapatawa ng katulad ng ginagawa ng Lance na iyon sa kanya!!!!"
Hindi ko namalayan na nasabi kong lahat sa kanya iyon. At worst, nasigawan ko pa siya.
"Joy, sorry" sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin at ibinalik ang tingin sa malayo.
"Hindi, ok lang. Mas maganda ngang inilalabas mo yang sakit sa puso mo. Mas mahirap kung kinikimkim mo yan. Baka kung ano pang mangyari." biro niya sa akin.
"Alam mo, hindi naman masama ang magpakaselfish eh. Yun ang ginagawa ni Lance sa iyo, sinasarili niya yung atensyon ni Xandra habang wala ka pa. He hit two birds in one stone. Ang una ay nainis ka sa kanya at gusto niya yun at ang pangalawa, nakukuha niya ang atensyon ni Xandra" sabi niya at umalis na.
Hindi naman masama ang magpaka sellfish right? Ang gusto ko lang naman ay mapasaakin siya at hindi kay Lance. Maybe it' s time to really make my move.
Pagkabell ay pumasok na ako sa room dahil simula na ng klase
~~~~~~~~~
February 6, 2015
Andito kami ngayon nila Joy at Crizelda sa library. Wala kaming pasok sa Physics IV dahil nasa seminar ang teacher namin. Ayaw din naman magpa advance ng mga kaklase namin dahil hindi pa daw sila tapos sa assignment na ibinigay sa amin ng teacher namin sa Economics IV kaya no choice kami.
Biglang dumaan si Lance sa labas ng library. Dahil na rin sa bukas ang mga pintuan at bintana ng library, nakita ko siya at nakita niya rin ako. Sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya kaya sumunod ako sa kanya.
Nakarating kami sa Freedom Park ng school namin. Ilang minuto na ang nakalipas ng makarating kami dito pero wala pa rin siyang sinasabi.
"Sa February 14, valentine's day, doon ko planong papiliin si Xandra."
Nagulat ako sa sinabi niya. Agad- agad?!
"Te- teka lang! Hindi ba masyadong mabilis? Bakit naman agad- agad?" tanong ko sa kanya.
"Pag pinahaba pa natin ito, mas mawawalan tayo ng chance dahil gagraduate na tayo at magkacollege. Mas magiging busy tayo sa college at mahihirapan na tayong puntahan siya dahil malayo siya sa ati. Kaya, mas maaga mas maganda" litanya niya.
Ok lang naman sa akin pero anong gagwin kong confession sa kanya? Paano ko gagawin yun???
" Balak ko na sabay natin siyang ayain. Same time, same date, but different places. Malalaman natin kung sino ang pipiliin niya. Kung sino ang pupuntahan niya"
"Siya ang panalo" sabi ko.
~~~~~~
February 7, 2015.
Nasa quadrangle kami ng school ngayon. Balak kong dito gawin ang confession ko kay Xandra. This is the place where we first met each other. Sabado ngayon at kasama ko sina Joy at Criz para tulungan ako kung paano papagandahin ang place na ito. Ipinagpaalam ko na ito sa presidente ng Student Council at pumayag naman siya.
"So, what theme do you want?" tanong sa akin ni Joy.
"Something that she cant forget, forever" sabi ko
"Ooohhhh..... Mahal mo talaga siya eh?" tanong naman sa akin ni Criz
"Really much that I would die if she will be not by my side" sabi ko na lang at tiningnan sila ng may lungkot sa mga mata ko.
"Wag kang nega Lex!! Kaya mo yan!! Ikaw pa!! The best ka kaya!! Yang galing mo sa academics? Gamitin mo para makuha mo ang matamis niyang oo" sabi ni Joy.
Napatawa na alng ako sa kanilang dalawa. They really are a true friends eh?
"So, kami nang bahala ni Te Joy dito, just prepare for what you will say to her and how you will make that night special and unforgetable to her!!!" sabi sa akin ni Criz.
"Okay then, I trust both of you guys so make this place beautiful" sabi ko sa kanila at naglakad paalis.
"Sure we will!! If we make your mouth drooling because of our design, you'll treat us a gallon of ice cream!!!" pasigaw na sabi sa akin ni Criz. Tsk, childish.
Humarap ulit ako sa kanila at ngumiti. "Fine then!!!" sigaw ko pabalik at nakita ko na nakangiti silang pareho. Kumaway ako atsaka nagpatuloy na maglakad paalis doon.
8 days to go. Better to be early so that I can be ready.
~~~~~
February 12, 2014
"So, ganto ang naisip namin design na magugustuhan niya. It will be a combination of neon green with a touch of crimson red, gold and silver" sabi ni Crizelda na tuwang tuwa.
Maganda naman yung design nila ni Joy. Paborito din kasi ni Xandra ang color green kaya yun ang binigyang panasin nila.
"Handa na ang venue, pero, ikaw Alex? Handa ka na ba?" tanong ni Joy.
Huminga muna ako ng malalim at tiningnan sila sa mata.
"Handa na ako. Kung ano man ang sagot ni Xandra, tatanggapin ko" sabi ko sa kanila.
"Ano pa ang hinihintay mo dito?! Puntahan mo na si Xandra at ayain siya!!" Sabi ni Criz.
At, yun nga ang gagawin ko.
Pumasok ako sa room namin at nakita si Xandra, hawak ang tablet ko at nanonood ng performance ni Darren na dinownload ko.
"Ahh, Xandra" tawag ko sa kanya.
Pinause niya muna yung pinapanood niya at tumingin sa akin.
"Oh? Bakit?" Tanonv niya.
Potek ngayon pa ako kinabahan!!! Namamawis kasi yung alad ko at hindi ako mapakali.
"Ahh.. ano.. ah... sa february 14, 6 pm. Punta ka dito sa school ah. Sa may quadrangle" sabi ko na,paputol pitol.
"Huh? Para saan?" Tanong niya.
"Basta. Punta ka? Aantayin kita" sabi ko at lumabas na ng room. Wala na naman kasi kaming masyadong ginagawa kaya halos buong araw namin ay free time.
Pupunta kaya siya sa sabado? Ako kaya ang pipiliin niya? Yan ang bumabagabag sa akin.
Aish bahala na nga!!
~~~~~~
February 14, 2015
The day.
Ito na ang araw na iyon. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at pumipili kung anong suit ba dapat ang suutin ko. Aish nakakakaba naman to.
*ring ring ring ring*
(A/N: sorry mahirap sa sound effects!!! XD)
Tiningnan ko lung sino yung tumawag at nakita ko si Joy ito. Sinagot ko ito at pagkalagay na,pagkalagay ko sa tenga....
"HOY ALEX!! NASAN KA NA BA?? ABA 4:30 NA!! WAG MONG SABOHING DI KA PA RIN NAKAAPILI NG,SUSUOTIN MO?! BAKA MAUNA PA SAYO SI XANDRA AH!! PAPATAYIN KITA!!" sabog eardrums ko dito ah -___-
"Ito na, papunta na. Hinay hinay sa pagsigaw baka mawalan ka ng boses" sabi ko at pinili ang kulay gray na suit.
"ABA BILISAN MO NAMAN!! KAMI NI CRIZELDA TAPOS NA DITO TAPOS IKAW HINDI PA? WAG MO AKONG LOKOHING PAPUNTA KA NA DAHIL NARIRINIG KO PA ANG TUNOG NG CLASH OF CLANS DIYAN!" sabi niya. Ang talas talaga ng tenga nito -___-
"Ito na ito na nga. Bababa ko na to. Mas napapatagal ako eh"sabi ko at ibinaba na ito. Siguradong sisigawan na naman ako nito eh -___-
Binitbit ko na ang suit ko at umalis na ng bahay. Wala sina papa nag out of town -___-.
Habang papunta doon ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Paano kung hindi ako ang piliin niya? Paano kung hindi niya ako mahal? Aish nakakapeste naman to!!!
After ilang minutes ay naandito na ako. Hanga na talaga ako sa galing nila dahil from simple quadrangle eh nagawa nilang bongang venue!! Sila na talaga.
"Abay nagpakita ka rin sa wakas" sabi ni Joy at nasa likod niya si Criz na halatang pagod na pagod.
"Oi! Ice cream namin!! Aba napagod kami kakaayos dito!! Umaga pa lang andito na kami!!" Galit na sabi ni Crizelda.
"Sabay sabay na tayo mamaya dre. Kinakabahan pa ako eh" sabi ko sa kanya.
"Hulaan ko. Puro what ifs ang nasa utak mo ngayon no??" Tanong ni Criz. Pwede na silang mag madam Auring ni Joy -___-.
"Lechugas Alex ngayon pa? Pinagod mo na kami kakaayos niyan tapos ngayon ka pa kinabahan? Wag ganyan pre! Basta andoon lang kami!" Sabj ni Joy Sabay turo sa may library.
"Pag nagkaaberya, to the recur kami ni ate Joy!" Sabi naman ni Criz.
"Thank you mga dre!!!" Sabi ko na lang. Ayokong magdrama ngayon.
"Siya siya. 5:51 na. Intayin mo na siya diyan sa may lamesa" sabi ni Joy kaya tumango na lang ako.
Sila naman ay pumuntang library at kumakain na. -___- walanjo tong sila.
Andoon lang ako, nakatayo habang hinihintay siya. 6:00 na pero alam ko naman na late siya lagi eh kaya hihintayin ko siya.
After 2 hours
Alas otso na pero wala pa rin siya. Inuumpisahan na akong kabahan. Baka kung ano nang nangyari sa kanya.
"Dre hindi ka pa ba kakain?" Tanong sa akin Joy. Umiling lang ako bilang sagot. Narinig konf bumuntong hininga siya pero hindi ko na iyon pinansin.
Xandra, asan ka na?
After 3 hours (6:00 ang start)
Ive been waiting here for three fucking hours pero wala pa siya. Hihintayin ko pa rin siya kahit na abutin pa ako ng 12. Alam kong darating siya. Alam ko iyon.
After 5 hours
*Tongue Tied background music*
11 na ng gabi pero wala pa ring dumating. Asan ka na Xandra? Nakaupo na ako ngayon sa sahig habang nakatingin sa gate at hinihintay siya.
Baka natraffic lang siya o kaya wala siyang masakyan.
"Alex"
Napatingin ako at nakita ko si Joy na may malungkot na ngiti, pati na rin si Criz. May ibinigay siya sa aking phone kaya tiningnan ko iyon.
'She chose me' yan ang nakalagay sa twitter ni Lance at may picture nila ni Xandra, nagsasayaw habang nagtatawanan. Parang may kumurot sa puso ko kaya tumayo ako at sinira lahat ng makikita ko. Pinipigilan ako nila Joy pero wala akong pakialam!! Ang sakit sakit!!! Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon!!!
"Lex tama na please!! Huminahon ka naman!!!"
"HIHINAHON?! PAANO AKO HIHINAHON KUNG YUNG P*TANG INANG LANCE NA IYON AY INAGAW SA AKIN YUNG TAONG MAHAL NA MAHAL KO!! SABIHIN MO SA AKIN KUNG PAANO AKO HIHINAHON!!! PAKSHET ANG SAKIT KASI!!! GINAWA KO ANG LAHAT PARA MAPASAYA SIYA KAPAG KASAMA KO SIYA PERO WALA!!! MAS MASAYA SIYA SA GAG*NG YON!! MAS MAHAL NIYA YUNG LANCE NA IYON!!"
Hindi ko na kinaya kaya umuwi na ako. Ayoko na bumalik sa lugar na yon, habang buhay.
~~~~
Kinabukasan
Nagising ako na nakasuot pa ng suit na suot ko kagabi. Naalala ko ulit yung nangyari kagabi. Pakshet ang sakit pa rin.
Yung parang tinutusok nang milyun milyong kutsilyo yung puso mo sa sobrang sakit? Samahan mo pa nang parang hinagahisan ka ng bola ng basketball sa sobrang sakit. Ang sakit sakit. Sobrang sakit. Naramdaman kong medyo mahapdi yung mga mata ko kaya hinawakan ko ito at naramdaman kong basa ito. Pakshet nakakabakla pero ang sakit na eh. Di ko na kaya.
"SHIT BAKIT!!!! BAKIT XANDRA?! BAKIT SIYA YYNG PINILI MO KAYSA SA AKIN?! ANO PA BANG KULANG??!! SABIHIN MO SA AKIN KUNG ANO PANG KAILANGAN KONG GAWIN PARA MAHALIN MO RIN AKO!!!!" sigaw lang ako ng sigaw sa kwarto ko. Sound proof naman ito kaya kahit na magwala ako dito, hindi nila maririnig.
*One more night ringtone*
"Hello sino to?" Tanong ko agad.
"Lex, alam naming nagmumukmok ka diyan" sabi sa kabilang linya, si Criz.
"Anong nagmumukmok? Hindi ah. Expected ko na rin naman yun eh" sabi ko gamit ang masaya kong boses.
"Lex, ano ba yung motto ko?" Tanong ni Criz. Napabuntong hininga na lang ako.
"Huwag kang ngumiti kung hindi ka naman masaya. Oo kuha ko na. Pero pakshet ang sakit eh!!! Parang tinutuaok yung puso ko ng isang milyong karayom at hinahampas ako sa katawan ng sandamakmak na bola ng basketball. Ang sakit sakit dre. Feeling ko, kapag nakita ko pa silang magkasama, hindi ko na kakayanin" umiiyak kong sabi.
Alam kong nakakabakla pero, hindi ko na mapigilan. Sabog na sabog na ako sa loob loob ko.
"Alam kong nasa utak mo na bakla ka kasi naiyak ka ngayon. Pero hindi Lex, matapang ka kasi naiyak ka. Nakimkim mo yan sa loob loob mo ng matagal na panahon. Lahat ng selos, galit, lungkot? Lahat yun kinmkim mo. At nung hindi mo na kaya, inilabas mo na lang iyon sa isang tahimik na paraan ng walang dinadamay na kahit sino. Pwera lang sa pinaghirap namin ni ate Joy. Grabe wala pa kaming kain nun!!" Sabi ni Criz kaya medyo natawa ako.
Puro pagkain kasi ang nasa utak niyan pero minsan, seryoso din yan pag seryoso na ang sitwasyon. Tuloy tuloy lang sila sa pagpapatawa sa akin na medyo effective naman. Biglang may kumatok sa pintuan kaya nagpaalam na ako sa kanila at ibinaba na yung phone. Inayos ko yung sarili ko at binuksan ang pintuan. Nakita ko si papa na nakatayo doon at seryoso ang tingin. Alam ko na ang sasabihin niya.
"Payag na ako pa, magtetest na ako para mas maaga akong makagraduate" sabi,ko at sinaran na ang pinto.
Tama naman to, hindi ba?
~~~~~~~
October 29, 2016
Isang taon na rin ang nakalipas simula ng nangyari iyon. Nakagraduate ako ng highschool noong February 2015 pa lang kaya nakapag focus ako para sa college life ko. Kasalukuyan akong nag aaral sa MAPUA, 2nd year college, Bachelor in Science in Civil Engineering. Lagi akong sumasali sa mga competitions noong first year pa lang ako para makalimutan ko agad yun. Success naman siguro yung ginawa ko dahil hindi na madalas sumagi sa isip ko si Xandra. Kung kumain na ba siya, kung ayos lang siya, at kung ok lang sila ni Lance.
Wala rin kaming communication nila Joy at Criz. Sabi ko kasi sa kanila na gusto kong ako yung magsolve ng problema ko. Ayokong aasa na naman ako sa kanila dahil baka masanay ako doon. Gusto kong tumayo sa mga sarili kong mga paa para matutunan kong maging matatag.
Andito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa tinutuluyan kong apartment. Nag aunwind lang ako para mamaya, tuloy tuloy na yung pag aaral ko. Bumukas yung pintuan ng coffee shop pero hindi ako tumingin. Nakatingin lang ako sa labas.
"Lex?" Narinig kong tanong ng isang tao.
Napatingin ako at nakita ko ang dalawang babae, nakasibilyan sila at may hawak hawak na kape. Tumingin tingin ako sa likod ko dahil baka yun yung kausap pero paglingon ko wala, kaya tinuro lo yung sarili ko.
"Ikaw nga yan dre!!! Long time no see!!!" Sabi nung isang babae na nakajacket na itim at jegings kung hindi ako nagkakamali.
"Lex kami to!!! Sina Joy at Criz!!" Sabi nung isa na naka polo shirt na may nakatatak na PUP STA. MESA
Wait, what?! Sila na to?!
"Wews? Kayo na talaga yan? Bat ang laki niyo na?!" Tanong ko sa kanila.
"Grabe ka naman dre! Hanggang ngayon ba naman?!" Sabi sa akin ni Criz. Maliit kasi talaga siya pero medyo tumangkad na ngayon.
(A/N: Ayan na nilait ko na yung sarili ko -___-)
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa umabot sa iaang tanong na nakapagpatigil sa akin.
"Nakamove on ka na ba Lex?"
Nakamove on na ba talaga ako? O pinipilit ko lang yung sarili ko na nakamove on na ako?
Tumingin ako kay Joy at ngumiti.
"Oo, nakamove on na ako" sabi ko sa kanila na may ngiti sa labi ko.
Biglang napabuntong hininga si Criz.
"Nako naman!!! Nakalimutan na naman yung motto ko -3-" sabi niya at tumingin sa labas.
Motto niya? Ano ba yun?
Napatingin na lang ako sa relos ko at nakita kong gabi na pala.
"Naku aalis na ako, napasarap ang kwentuhan natin at gabi na pala. Sige una na ako" sabi ko sa kanila.
"Oi magbukas ka naman ng fb mo!! Nakadeactive pa hanggang ngayon ba!! Chat mo yung number mo ah!!!" Sigaw ni Joy. Kumaway na lang ako at tuluyan nang umalis.
~~~~~
Ilang linggo na rin ang lumipas simula noong nagkita kami nila Joy. Nagkapalitan na rin ng mga numbers at panay kwentuhan sa chat na rin kami. At ilang linggo na rin nung napansin kong may sumusunod sa akin.
Sinasabi ko sa sarili ko na medyo paranoid lang ako pero ilang linggo na at lagi kong nararamdaman yun. Wala naman siyang ginagawang masama kaya hindi ko na lang pinapansin. Instead, parang feeling ko kilala ko yung taong yun. Feeling ko, kilalang kilala ko siya. Pero, hindi dapat ako magdepend sa feeling. Kapag may ginawa siya sa aking masama, humanda na lang siya.
Uwian na namin ngayon at medyo maggagabi na. Mga 8 to be exact. Pauwi na ako at, ito na naman yung feeling na yun. Nasa bus ako medyo siksikan dahil rush hour kaya hindi ko alam kung sino ba talaga iyon.
Bumaba na ako ng bus dahil naandito na ako. Bago pumasok sa loob ay tiningnan ko yung bus na sinakyan ko at parang nakita ko siya. Si Xandra. Pero imposible. Alam kong kasama niya si Joy sa PUP Maragundon sila nag aaral. Baka guni guni ko lang iyon. Pumasok na ako at nag ayos ng sarili ko at kumain. Humiga muna ako sa kama dahil, parang di ako makatulog.
Nag facebook muna ako at naglaro ng CoC dahil matagal ko nang hindi nalalaro ito. Nang magsawa ako ay nagbasa na lang ako ng mga lectures ko.
~~~~~
9:30 pm
Biglang may tumawag sa phone ko habang nagbabasa kaya sinagot ko ito.
*Moment of Truth background*
"Hello, sino to?" Tanong ko dahil hindi ko tiningnan ang caller id.
"Le- lex" humihikbing sagot sa kabilang linya.
"Sino to? Criz ikaw ba yan?" Sabi ko. Si Criz lang naman ang natawag sa aking Lex.
"Le- lex, si- si Xandra" humihikbing sagot niya pa rin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko, alam kong may mali. Maling mali.
"Anong nangyari?! Sabihin mo anong nangyari kay Xandra?!"
"Nasa Ospital ng Maynila siya ngayon. Sabi ni Lexi na nabangga daw sa isang ten wheeler truck ang sinasakyan niyang bus pauwi galing maynila" alam kong si Joy ang sumagot dahil hindi na kayang magsalita pa ni Criz.
"Kailangan ka niya Alex, kailangan ka ni Xandra" sabi ni Joy.
Agad kong kinuha yung phone, wallet, susi at umalis na papuntang Ospital. Sumakay na ako ng taxi para mas mapabilis ako. Tiningnan ko ang picture niya sa wallet ko.
Lord alam kong minsan lang ako magsimba pero sana, sana wag niyo siyang papabayaan. Kahit ako na lang sana yung naandoon, basta wag niyo siyang papabayaan.
Nakarating agad kami doon. Nagabayad ako sa taxi at dali daling pumunta sa loob. Nagpunta agad akong nurse desk.
"Miss, nasaan si Xandra Roxas? Yung dinala dito dahil sa banggaan" nagmamadali kong sabi sa kanya. Shit nasaan na siya?!!!.
"Nasa emergency room pa po siya ngayon. Kasalukuyan pa po siyang inooperahan" sabi nung nurse
Agad akong pumunta sa emergency room. Papasok sana ako kaso pinigilan ako ng isanv nurse.
"Sir hindi po pwedeng pumasok diyan may inooperahan pa po" sabi niya.
"Si Xandra,yung nasa loob! Kailangan niya ako ngayon!!! Please kailangan niya ako!!! Xandra!! Xandra!!!" Sigaw lang ako ng sigaw.
"Sir please huminahon kayo. Baka mabulabog po yung ibang pasyente. Please sir!" Pinipigilan pa rin ako ng mga nurse na ito.
Hindi niya ba maintindihan na kailangan ako ni Xandra ngayon?! Pakshit na nurse naman to!!!
"Lex!!" Biglang may sumigaw pero hindi ko ito pinansin.
Nagpupumiglas pa rin ako hanggang sa naramdaman kong nahihilo ako.
"Lex huminahon ka" yan na lang ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.
~~~~~
*I wont Give Up background music*
"Alex" tawag sa akin ng isang tinig.
Tumingin ako sa paligid. Puro puti ang nakikita ko. Nasaan ba ako.
"Alex" may tumawag na naman sa akin.
Pagkalingon ko, nakita ko siya, si Xandra.
"Xandra?" Tanong ko.
Unti unti siyang lumalapit at, hindi nga ako nagkamali. Si Xandra nga ito.
"Xandra ayos ka lang ba? Please sagutin mo ako" pakiusap ko sa kanya. Naiiyak na ako ngayon dahil sa wakas, nakita ko ulit siya. After a year.
"Alex bakit hindi ka naghintay? Bakit hindi mo ako hinintay?" Bigla niyang sabi.
Nagtaka ako sa sinabi niya. Kailan iyon? Naalala ko yung araw noong Valentine' s Day, yun ba ang sinasabi niya?
"Yun nga Alex, yung araw na inaya mo ako at inaya din ako ni Lance"
"Si Lance na ang pinili mo hindi ba? Kaya umalis na ako noon"
"Hindi Alex, nagkakamali ka. Siya ang pinuntahan ko dahil nagpaalam ako sa kanya. Ayokong masira ang pagiging magbestfriends namin nang dahil lang sa iaang relasyon. At, at hindi siya ang mahal ko Alex, kundi ikaw" sabi niya.
Ano?
Unti unti siyang nawawala. Pinipilit ko siyang habulin. Sinisigaw ko na ang pangalan niya pero unti unti pa rin siyang nawawala.
"Xandra!!!"
"Alex gising!!!" Narinig kong muli.
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Joy na nakatingin sa akin.
"Nananaginip ka kanina Alex, sinisigaw mo ang pangalan ni Xandra" sabi niya sabay abot sa akin ng kape.
Kinuha ko naman iyon at hinigop. Naalala ko ang napanaginipan ko. Totoo ba iyo?
"Alex, naalala mo noong araw na magtatapat ka kay Xandra?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako bilang pagsabi ng oo. Bigla siyang napabuntong hininga.
"Kakasabi lang sa akin ni Lexi kahapon ng lahat. Hindi si Lance ang pinili niya, ikaw ang pinili niya, ikaw ang pinili ni Xandra" nagulat ako sa sinabi niya.
"Pero di ba nakita natin na may picture sila ni Lance na nagsasayaw?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, sinabi at pinakita ko rin yang tinweet niya pero, ang sabi ni Lexi, picture daw ito ni Xandra at Lance noong JS Prom. Sinugod daw ang mama ni Xandra sa ospital ng araw na iyo at alas dose daw siya nagpunta doon pero, wala na siyang nadatnan. Nasaktan daw siya ng araw na iyon. Araw araw siyang umiiyak dahil ang buong akala niya, napagod ka na kakahintay sa kanya. Nadepress siya lalo na nung araw na nabalitaan na lang namin, na accelerated ka na at gumraduate ka na. Wala daw siyang balita sayo. Kung saan ka mag aaral ng college, kung saan ka na nakatira ngayon, kung ano ng ginagawa mo. Araw araw daw siyang nag aalala sayo. Araw araw niyang tinitingnan ang mga account mo sa social netqorking sites pero, nakadeactivare daq lahat ng iyon. Kulang kulang dalawang taon siya umiiyak. Hanggang sa, nakita ka niya sa isang coffee shop. Gusto ka daw niha kausapin noon pero, dumating kami. Pagkatapos daw nung araw na iyon ay araw araw ka niyang sinusundan. Gusto niyang malaman kung nakakauwi ka ba, kung masaya ka ba, kung mahal mo pa ba siya. Dahil siya? Mahal na mahal ka pa rin niya. Hanggang sa, ngayong araw, ito na nga ang nangyari" paliwanag niya sa akin.
Hindi ko maiwasang mapaluha. Ang tanga tanga ko!!! Kung sana hindu ako nagpaapekto sa lahat ng galit ko! Huli na ba ang lahat? Ito na ba ang mangyayari? Kung sana naghntay lang ako, kung sana, nagtiyaga lang ako, kung sana hindi ako nag-isip kaagad na ganoon nga, kung sana hindi ako nagpadalos dalos, sana..... sana hindi mangyayari sa kanya ang lahat ng ito.
Iyak lang ako ng iyak. Nakakapeste lang kasi!!! Mahal na mahal ko pa rin siya!!! Hindi nagbago iyon!! Kaya sana, sana maging ayos na siya para maging maayos na ang lahat.
Biglang bumukas ang pintuan sa ER at nakita ko ay isang doctor. Nilapitan ko agad siya.
"Doc kamusta na po si Xandra? Kamusta na po ang kalagayan niya?" Tanong ko sa doctor.
"Madami siyang natamong mga injuries at internal bleeding pero, she' s tough. She' s safe now" sabi ng doktor nang may ngiti sa labi.
Thank you God. Thank you.
Pumasok na ako sa kwarto niya. Para siyang prinsesa na naghihintay ng prince charming para magising.
~~~~~
A/N: Hoy!! Totoong Alex sa totoong buhay!!! Magnum ko ah!!! XD
This is pure illusion. Hindi po ito totoong nangyari sa totoong buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz