ZingTruyen.Xyz

The Mafia Boss Love Interest

Rose and Guns 8
Past

What are the beautiful things in Poland?

® We have beautiful Cities, and stately castles. Beautiful Salt Mine, Amber jewelry, and more many.

I love castles. One of my dreams is to live in a castle-like a princess. Aww, I hope there's a castle here in the Philippines.  I want to go to Poland someday.

® Yes. All of the castles are beautiful and well built. It's all ancient but still sturdy. But for me, I like Albania more than Poland.

Why?

® Albanian culture is unique and diverse, and living there is very affordable. You can spend a phenomenal week traveling through the country without breaking the bank. Tirana, the capital, is the most expensive city, but you still won't spend too much compared to other Eastern European destinations.

I've never heard of that country. What is Albania's famous tourist destination?

® There are so many tourist spots in Albania but the most visited place is Tirana. Albania is Europe's unpolished diamond.

I will include Albania on my list. I hope I can save money for traveling.

Is Poland a safe country? |

Napahinto ako sa pagta-type at binasa ko ulit ito. Hindi ko alam kung tama ba ang grammar ko? Napakamot ako sa aking buhok dahil sa kalituhan.

Ginadgad na papaya! Ang hirap pag hindi sure sa English! Bakit ba naman hindi ako magaling sa English. Simpleng sentence na nga lang, eh.

Napanguso na lang ako at pagkatapos ay sumandal ako sa sandalan ng armchair. Pikit mata kong i-sinend ang message ko sa kaniya. Matapos kong gawin iyon ay inilapag ko agad ang cellphone sa lamesa ko, at nanghihina na napaub-ob ako rito.

"Ano, girl? Kaya pa? Baka naman dumugo na ang ilong mo?" Hindi ko maiwasang kausapin ang sarili ko dahil sa kapraningan.

Kahit naman siguro hindi ako magaling sa English ay magkakaintindihan pa naman siguro kami. Basic lang alam ko tapos minsan ay sablay pa.

Dalawang buwan na kaming magka-chat at hanggang ngayon ay sobrang conscious ko pa rin sa pag-e-english!

Araw-araw at gabi gabi kaming magka-chat. Magkaiba man ang oras namin ngunit nakakapag-adjust pa rin kaming dalawa.

Well, we're just friends.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ang notification nito. Kitang kita ko ang pag-ilaw ng screen nito. Mabagal akong umayos sa pagkakaupo at tinatamad kong kinuha ang cellphone ko.

Baka itama niya ang grammar ko? Kahit naman malayo kami at hindi niya ako nakikita ay nakakaramdam pa rin ako ng hiya. Baka akalain niya ang bobo ko!

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng Whatsapp ko. Hindi magkandaugaga na binuksan ko ang mensahe. Hindi ko pa man nababasa ang message ay biglang sumulpot ang tawag sa cellphone ko.

Napasinghap ako habang nangangatal na pinindot ko ang cellphone ko. Nakaramdam ako ng pagkataranta kaya hindi ko ito mapindot nang maayos.

Narinig kong sumitsit ang isa kong kaibigan.

Kahit na malakas ang ingay sa buong classroom ay nakaagaw pansin pa rin sa mga kaibigan ko ang pagtunog ng cellphone ko. Tinawag ako ni Camille kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiwi na lang ako noong nagtanong sa akin si Shem kung sino ang tumatawag sa akin.

"Tatay ko," sagot ko habang hindi mapakali sa aking upuan.

Tumingin ulit ako sa aking cellphone at mabilis kong pinindot ang reject button. Napahinga lang ako nang maluwag noong pinatay ko ang data connection ng cellphone ko.

Natataranta ako at hindi ko alam ang ipapaliwanag ko sa mga kaibigan ko! Baka akalain nila na may jowa ako dahil may tumawag sa akin.

Nahihiya man ngunit lumingon ako sa aking mga kaibigan. Nakatingin sa akin si Shem, Norie, at Meriam, pansin ko sa kanilang mukha ang malawak na ngiti. Alam ko na ang iniisip nila! Akala siguro nila ay may boyfriend na ako!

"Wala pa," diretsang sagot ko sa kanila. Napansin ko na napanguso si Shem at si Meriam naman ay natawa lang dahil sa sinabi ko.

"Weh?" tanong ni Norie sa akin kaya tumango ako at iniharap ko sa kanila ang cellphone ko.

"Wala pa akong jowa! Promise!" defensive kong sagot sa kanila kaya naman nagtawanan sila sa sinabi ko.

Unti-unti akong natigilan at pagkatapos ay marahan kong ibinaba ang kamay kong may hawak na cellphone. Napaiwas ako sa kanila ng tingin at unting-unting napangiwi.

"Ang defensive mo naman, Rona." Nagtawanan sila nang sabay sabay kaya napahawak na lang ako sa noo ko.

Lumapit sa akin si Shem at pagkatapos ay tinapik niya ang balikat ko. Unti-unti akong napangiwi dahil sa pagkapahiya.

"Wala pa naman kaming sinasabi, ah!" Nagpipigil ng tawa si Shem habang hinahawakan ang balikat ko.

"At tsaka, ang gulo mo naman. Sabi mo kanina, tatay mo ang tumatawag," sabi ni Meriam kaya napalunok ako ng laway.

"Uy! Nagsinungaling siya," usal ni Norie.

Napatigil lang ang pang-aasar nila sa akin nang biglang dumating si Ma'am Jamito. Ang maingay na classroom ay naging tahimik at nagbalikan sa upuan ang mga kaklase ko.

Napayuko na lang ako habang nakikinig sa sinasabi ng professor namin. Hindi na ako muling lumingon pa sa mga kaibigan ko dahil baka asarin pa nila ako.

Sa mga kalahating oras na lumipas ay wala akong kibo sa pwesto ko. Hindi ko na rin tiningnan o hinawakan pa ang cellphone ko. Baka akalain ng mga kaibigan ko na hindi ako mapakali sa kakatingin sa cellphone ko dahil sa chat ng jowa ko... kahit na wala naman akong jowa. Ayokong asarin nila ako.

Napatingin ako sa labas dahil sa pagkainip sa klase. Ramdam ko na ang antok ngunit pinipigilan ko ito. Tatlong beses nang pumikit ang mga mata ko ngunit mabuti na lang at napapamulat pa ako dahil sa pagtaas ng boses ni Ma'am Jamito.

Noong may narinig kaming katok sa pinto ay agad kaming napatingin doon. Pumasok ang president ng kabilang section. Hinintay namin ang kaniyang sasabihin. Ang lahat ng mga kaklase ko ay natuwa nang sabihin niyang ipinapatawag daw ang lahat ng faculty members para sa biglaang meeting.

Walang nagawa ang prof namin kundi ang magpaalam at lumabas ng classroom. Tatayo na sana kami upang umuwi ngunit biglang bumalik si Ma'am at ipinaalam niyang hindi pa kami makakauwi dahil hintayin daw naming lahat ang tamang oras ng dismissal.

Wala kaming nagawa kundi ang maghintay.

Sa pag-alis ni Ma'am ay napuno muli ng ingay ang buong classroom. Iba't ibang ingay ang naririnig ko sa paligid. Ang mga tawanan ng kabilang grupo ay hindi nagpapatalo sa kantahan ng grupo sa pangatlong row ng mga upuan. Noong lumingon ako sa kabila ay napansin ko ang ibang kaklase ko na tahimik lang na pinapanood ang dalawang magkasintahan na nag-aaway.

Inayos ko ang aking hikaw habang nakatingin lang ako sa kanilang lahat. Pinagmamasdan ko ang mga ginagawa nila.

Napalingon ako sa gilid ko at doon ko napansin ang ginagawa ng mga kaibigan ko. Ang iba kong kabarkada ay nakatutok na sa cellphone habang ang iba naman ay nagkukwentuhan na. Ipinatong ko ang siko ko sa arm chair, at nagpanggap na nakikinig sa kanilang kwentuhan.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay naalala ko ang lalaking tumawag. Napaayos ako sa pagkakaupo at napatulala naman ako sa blackboard.

Bakit tumawag si Alejandro sa WhatsApp? Matagal na kaming hindi nagkakausap.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago ko kinuha ang cellphone ko sa aking bag. Binuksan ko agad ang data connection nito at nagmadali kong pinindot ang whatsapp ko. Doon bumungad sa akin ang maraming chat ni Romarjo.

20 messages?

Hindi ko alam ngunit napangiti ako nang mabasa ang huling mensahe niya.

Why aren't you replying to my messages? God! I miss you!

POTA! PA-FALL ANG HAYOP!

Napairap ako ngunit kalaunan ay hindi ko mapigilan ang pagtaas ng gilid ng labi ko dahil sa ngiti. Itinaas ko ang kanang kamay ko upang hawakan ang noo ko habang binubuksan ang kaniyang message. Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko upang pabagalin ang mabilis na tibok ng puso ko.

May maliit na ngiti sa mukha habang hinahanap ko ang kauna-unahang message niya.

Romarjo

Traveling in Poland is safe. There's a crime but it's just a minor crime, only pickpockets. Our country is highly ranked on the list of the safest countries. In fact, Poland lands in the top 20 of the safest countries in the world. Leaving here is so peaceful.

How about in your country? Is it safe to travel?

Someone said to me that the Philippines is a wonderful country. Filipino people are so hospitable and kind.

Hey! Are you still there?

Don't leave me. How dare you keep me waiting? :3

I always reply fast like a bullet but why don't you do the same?

How could you leave me like this?

I'm pouting right now because you're not replying to my messages.

Hey!

Damn! Don't make me miss you.

Rona?

Rona, did something happens to you?

Hey? I'm worried.

Don't you have a load?

Ronaaaa?

Buy loadddd!

Ilan pang mga messages niya ang nabasa ko ngunit hindi na mapigil ang ingay ng isang parte ng katawan ko. Ang puso ko! Napaawang ang bibig ko habang pinapakiramdaman ang sarili.

I wanna go there so badly...

Ronaaaaaaaaaaaa?

Ronaaaaaaaaaa Mayyyyyyy?

Why aren't you replying to my messages? God! I miss you!

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa pinipigilan kong mapangiti. Napahawak ako sa aking dibdib dahil ramdam na ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso ko.

Ano ito? Bakit kinikilig yata ako? Sa wattpad ko lang ito nararamdaman tuwing nagbabasa ako. Bakit ngayon ay nararamdaman ko na ito sa totoong tao at sa kaniya pa!

Lord, why naman po ganoon?

Napahawak ako sa aking noo at inihilamos ko ang aking kamay sa mukha ko. Isang mahinang tawa ang ginawa ko habang pinagmamasdan ang kaniyang mga messages. Kinagat ko ang aking kuko habang pinapabayaan ang puso kong tumitibok nang sobrang bilis.

"Ano ba naman 'yan! Bakit mo pinapasaya ang mundo ko?" Pagkakausap ko sa sarili ko.

Isang malalim na paghinga muna ang aking ginawa bago ako naglakas loob na replyan siya.

I'm sorry. We had a class earlier that's the reason why I can't reply to your messages. |

Hindi ko pa na-sesend ang message sa kaniya ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makitang typing na agad siya. 

Romarjo is typing...

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang kaniyang sinabi.

Are you ignoring me?

Napasinghap ako at mabilis kong isinend ang message ko sa kaniya. Pinagmasdan ko lang ang cellphone ko habang mahina kong nilalaro ang daliri ko sa pagtuktok sa lamesa ko. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa Romarjo is typing...

Para na akong kakapusan ng hininga at hindi ko alam kung bakit!

"I thought you don't want me anymore," mahinang pagbabasa ko sa kaniyang message.

"Ha?" tanging reaksyon ko sa kaniyang chat.

Ayaw ko ba sa kaniya? Kung makapagtanong siya ng ganoon, akala mo naman ay gusto ko siya.

"Ulaga!" Natatawa kong sabi habang itina-type rin iyon bilang mensahe sa kaniya.

Napapailing na napangiti ako nang natapos kong i-send sa kaniya ang message ko. Marahan kong itinaas ang kanang kamay ko upang hawakan ang dibdib ko at gamit ang isang kamay ay itinatago ko ang cellphone ko sa aking bag.

Hindi niya gets 'yon.

Gago. Ulol! Kainis! Binubuhay niya ang puso ko! Bwisit! Marupok, girl?

Hindi ko na pinansin ang bawat pagtunog ng cellphone ko habang inaayos ang mga pamphlet ko. Hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha ko habang inilalagay ang pamphlet sa loob ng bag ko.

"Tara na, Rona!" Rinig ko ang boses ni Clauds na nagyayaya sa akin.

May ngiti pa rin sa labi na napatingin ako sa kanilang lahat. Ang siyam kong mga kaibigan ay nakatingin sa akin habang may nang-aasar na ngiti sa kanilang mga mukha.

"Uuwi na tayo. Hindi ka sana namin tatawagin dahil ayaw naming maputol ang kilig mo, kaso nga lang ay baka maiwan ka na lang dito sa sobrang lutang mo," pang-aasar ni Merwin sa akin kaya nagtawanan ang lahat ng mga kaibigan ko habang ako naman ay napakamot na lang sa noo ko.

Nahihiyang napatawa ako. Nahuli nila ako. Wala nang lusot pa. Pinahaba ko ang aking labi habang tumatayo. Kinuha ko ang aking bag at isinakbit ko ito sa aking balikat. Sinalubong ako ni Naye at pagkatapos ay kumapit ako sa kaniyang braso.

Naramdaman ko ang pino niyang pagkurot sa aking tagiliran. "Ikaw ha! May tinatago ka sa akin!" madiin niyang sabi sa akin ngunit napatawa na lang ako.

Sa gabing iyon ay sabay sabay kaming naglakad, binabaybay ang kalsada sa loob ng paaralan. Tawanan at kulitan, pikunan at asaran....ang mga bagay na ito ang ma-mimiss ko pagdating ng araw...

Masayang ngumiti ako habang pinagmamasdan ang aking mga kaibigan. Magulo at maingay magkaroon ng madaming kaibigan ngunit sobrang masaya naman.

*

"Nasaan po ang aalis?" magalang kong tanong sa maniningil ng pamasahe. Tahimik lang siyang nakaupo sa may bakal na upuan.

Pansin ko ang pag-upo ng ilang kalalakihan sa kaniyang tabi kaya napunan ang bakanteng pwesto sa upuan.

Napabalik ang atensyon ko kay Manong.

Tumingin siya sa akin at umiling siya. "Wala. Mamaya pa ang dating ng mga jeep," sagot niya sa akin, "Na-traffic sa may school sa SPC."

Marahang pagtango na lang ang ginawa ko. E'di ibig sabihin ay mas gagabihin ako sa pag-uwi sa amin. Nakakatakot pa namang maglakad papasok sa lugar namin! Madilim sa kanto!

Ngayon pa lang ay nararamdaman ko na ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba ko. Karipas naman siguro ako ng takbo.

Inilibot ko ang tingin sa kalsada at napansin ko na malinis ang paradahan. Walang mga nakaparadang sasakyan sa gilid. Mukhang matatagalan pa ang paghihintay namin.

Marami na ring naghihintay na mga pasahero at habang lumilipas ang bawat minuto ay padami na nang padami ang mga pasahero.

Itinaas ko ang kamay ko at pinagmasdan ko ang relo sa bisig ko.

Naramdaman ko ang pangangalay ng aking binti kaya napagpasyahan kong lumakad papunta sa may gilid ng poste.

Medyo malabo ang ilaw na nanggagaling sa poste. Walang pagdadalawang isip na sumandal ako rito upang mabawasan ang pagkangalay ng aking paa.

May kalayuan man sa tumpok ng mga tao ang pinuntahan kong pwesto ngunit hindi ako nakakaramdam ng takot dahil may mga estudyante pa naman sa tabihan ko. Nakaupo sila sa mababang hagdan sa may daanan.

Ipinagpag ko muna ang coat ko bago ako humalukipkip habang naghihintay. Nakakaramdam na ako ng inip kaya naman nilibang ko na lang ang sarili ko sa panonood ng mga sasakyang dumadaan sa kalsada.

"Tired?" tanong ng isang lalaking may malamig na boses.

Napatigil lang ako sa pagtulala nang biglang may nagsalita sa tabihan ko. Unting-unting nagsalubong ang aking kilay noong narinig ko ang kaniyang boses. Parang...pero imposible.

Marahan akong lumingon sa lalaking nagsalita. Ang una kong nakita ay ang kaniyang kulay red na necktie. Mabagal na tumingala ako upang tingnan ang kaniyang mukha. Hindi ko maiwasang itaas ang kilay ko dahil sa kaniyang suot na facemask at naka-shades pa siya.

Anong trip ng lalaking ito? Wala namang araw pero naka-shades siya? Gabi na, Kuya!

Mukha pa naman siyang matipuno ngunit may sayad yata sa utak?

Iba na ba ang pormahan ng baliw? Sosyalin na?

"Tired?" Ulit niyang tanong sa akin.

Englishero pa! Ang lupet niya, tapos 'yung accent niya pa maganda.

"Oo. Nakakapagod ding mag-aral, pero mas nakakapagod ang pagtatrabaho ng magulang para makatapos ang anak," paliwanag ko sa kaniya kahit wala sa usapan.

May masabi lang...

Tinitigan ko siya kahit na hindi ko makita ang kaniyang mukha. Pansin ko na kumunot ang noo niya. Iyon lang kasi ang walang harang.

Napataas ulit ang kilay ko. Hindi ba siya sang-ayon?

Mas malaki kaya ang hirap at pagod ng magulang ko kaysa sa pag-aaral ko. Utak lang ang napapagod sa akin, minsan physical din dahil sa ngawit na nararamdaman pag maghapong nakaupo. Mas mahirap pa rin talaga ang pinagdaanan ng mga magulang para maitaguyod ang mga anak sa pag-aaral.

Dapat lang talaga na mag-aral nang mabuti ang mga estudyante para sa ganoong paraan ay masuklian nila ang pagod ng magulang, tapos maka-graduate.

Ako kasi aral lang...walang mabuti. Tapos higit sa lahat, may kilay lang pero hindi naman sinusunog.

Sa madaling salita, hindi nag-aaral nang maayos. Pumapasok lang araw-araw sa school. Walang absent pero lutang lagi sa klase.

Hindi dapat tularan.

"You're a graduating student, right? Keep studying, so I will be—I mean, your parents will be proud," payo niya sa akin kaya naman napataas ang kilay ko.

Paano niya nalaman na graduating na ako?

"How did you know that I'm a graduating student?

"At bakit ba naman nag-e-englishan tayo rito, eh nasa Pilipinas naman tayo." Napanguso ako habang napapakamot sa noo.

Sasakit ang ulo ko nito!

"Uniform," tipid niyang sagot sa akin kaya napatingin ako sa uniform ko. Tsaka ko lang napagtanto na suot ko nga pala ang uniform namin na para lang sa mga Fourth year. Kaya niya siguro natukoy na graduating student ako.

"Galing. Muntik na akong mag-isip na stalker ka." Tumawa ako nang malakas ngunit napangiwi din noong may naramdaman akong sakit sa tiyan ko.

Stalker daw! Ay, assuming ka, Girl.

"Well, I'm sorry," paghingi niya sa akin ng tawad kaya napakunot ang noo ko.

"Ha?" napangiwi ako dahil hindi ko maintindihan ang takbo ng isip niya. Bakit iyon ang sinabi niya? May ginawa ba siyang kasamaan?

Napatingin ako sa kaliwa at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang parating na jeep.

"I'm—" ang kaniyang sasabihin ay hindi ko na naintindihan dahil biglang sumigaw ang kararating lang na driver ng jeep.

Napansin kong sumusunod na ang mga pasahero sa jeep kahit na hindi pa ito tumitigil. Alam ko na ang mangyayari! Agawan sa upuan!

Nakaramdam ako ng pagkabahala kaya nagmadali agad akong tumakbo sa pwesto ng jeep. Hindi na ako nagpaalam pa sa lalaki dahil sa pagmamadali ko. Kumaway na lang ako kahit nakatalikod at hindi nakatingin.

Napangiwi ako nang maramdaman ang pagsakit ng tiyan ko.

Kuya, Pasensya na kung naging bastos ako sa pakikitungo sa'yo. Mas importante lang makauwi para makapag-cr!




----


Sorry for the grammatical errors. :3

Maraming salamat po sa pagbabasa ♥️

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz