ZingTruyen.Xyz

The Mafia Boss Love Interest

Rose and Guns 11


Marahan na hinawi ng lalaking katabi ni Rona ang buhok nitong tumataklob sa mukha nito. Mahaba na ang buhok nito ngunit bumagay naman ito sa babae. Palihim na napangiti ang lalaki habang pinagmamasdan ang natutulog na mukha ni Rona sa rekpleskyon nito sa salamin. Hindi pa siya nakuntento at marahan niyang hinaplos ang kabilang pisngi nito. Narinig niya ang pag-ungot ni Rona kaya naman mas lalo siyang natuwa sa naging reaksiyon nito. Mahirap gisingin ang babaeng ito. Mas lalo siyang nakaramdam ng pagkamangha sa babae.

"She looks like an innocent girl. She's really cute while sleeping," mahina niyang sabi ngunit narinig niya lang ang mahinang pag-ungot nito.

He doesn't want to wake her up. Nais niyang maging mahaba pa ang oras na magkasama sila, at hindi niya gusto na maalis ito sa kaniyang bisig.

Nakapatong ang ulo ni Rona sa kaniyang balikat. Noong hindi na ito nagsalita sa kaniya ay napansin niyang tulog na ito. Kanina'y isinandal niya ito sa kaniyang balikat upang sa kaniya mapahilig ang babae.

Ang ganitong oras ay nakaw na sandali lang. Nais niyang makipagkilala sa babae ngunit hindi naman niya magawa. Hindi niya nais na matakot niya ang babae, at hindi niya nais na layuan siya nito. Mas mabuting pagmasdan na lang muna niya ito sa malayo, at lapitan ito ng hindi nito namamalayan.

May tamang oras naman ang lahat. Magtitiis muna siya sa ganitong sitwasyon.

Napatigil siya sa pagtitig sa maamong mukha ni Rona noong biglang bumusina ang jeep na sinasakyan nila. Napakunot ang kaniyang noo dahil sa pagtigil nito. Napalingon siya sa driver noong narinig niyang nagsalita ito.

"Sir, hanggang dito lang po ang byahe," wika nito sa kaniya kaya napabuntong hininga siya. Naiintindihan niya iyon dahil marunong na siyang umintindi ng tagalog.

Walang ekspresyon na tumitig siya sa driver. Napansin niya na napalunok ito. "Is this is the end of the trip?" mariin niyang paninigurado rito.

Tumango ito sa kaniya. "Yes, Sir!" may kalakasan nitong sagot sa kaniya at nahalata niya ang pagkataranta sa boses nito.

Mas nagsalubong ang kaniyang kilay. Alam na niya kung bakit bigla itong nataranta at parang natakot sa kaniya. Ang ekspresyon niya ay naiinis at parang handa laging mangain ng tao.

"Sssh, she's still sleeping. I don't want to wake her up," seryoso at kasing lamig ng yelo niyang suway sa driver.

Takot man ngunit nagawa pa rin ng driver na sumagot sa kaniya, "Pero kailangan ko nang umuwi. Gagarahe na ako, Sir."

Napakunot ang kaniyang noo, at nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Hindi niya alam ang salitang sinabi nito. "G-gaga-rahe? I don't know that word," nagtataka niyang tanong dito.

"I'll go home, Sir," sagot nito sa kaniya kaya napatikom nang mariin ang kaniyang bibig.

"Stay until she wakes up, I'll pay," malamig na sabi niya. Kahit nahihirapan ay kinuha niya agad ang kaniyang pera sa bulsa, at inilabas niya ang isang bungkos na one thousand bills. Hindi na niya ito binilang at ibinigay na lang niya basta sa driver.

Nanlaki naman ang mga mata ng Driver at agad na pumayag sa pabor niya. Itinigil nito ang jeep sa may kanto. Sobrang dilim na sa paligid at wala na ring lumalabas pa o dumadaan na mga tao.

Muntik nang mahulog ang ulo ni Rona sa balikat niya ngunit inayos niya ulit ito. Napahugot siya nang malalim na paghinga dahil sa kaba na baka magising ito. Mabuti na lang at hindi ito nagising. Ibinalik niya ang mga mata sa babaeng napagkaganda sa paningin niya.

Mahina siyang napamura noong biglang may bumusina na jeep sa kanilang likuran, sobrang lakas noon kaya naman nagising agad si Rona. "Fuck that shit!" nanggagalaiti niyang sabi ngunit mahina lang iyon.

Mariin siyang tumingin sa lumampas na jeep. Pinutol nito ang kaniyang magandang gabi. Noong ibinalik niya naman kay Rona ang kaniyang tingin ay nakita niyang napakamot ito sa ulo at napahikab. Nakaramdaman siya ng panghihinayang, kung hindi lang siguro nag-ingay ang kararating lang na jeep ay baka mamaya pa magising si Rona.

Napamulat ito ng mga mata ay nakita niya kung paano nanlaki nang sobra ang mga mata nito. Narinig niya ang malakas nitong pagsinghap. Agad itong humiwalay sa kaniya, at umayos sa pagkakaupo. Noong nawala ang ulo nito sa kaniyang balikat ay nakaramdam siya ng pananakit sa balikat, ngunit hindi naman niya ito iindahin dahil hindi niya kayang magreklamo sa babaeng ito.

"Sorry!" malakas na paghingi ni Rona ng tawad sa kaniya. Napakagat ito sa ibabang labi habang inaayos ang bag. Kitang kita niya kung paano ito nagpalinga-linga sa paligid. Mas lalo itong nataranta nang makitang nakarating na pala ito sa bababaan nito.

"K-kadarating lang na-tin, I will be supposed to wake you up but you already woke up on your own," pagpapalusot niya.

Tumango lang si Rona at pagkatapos ay nagmamadali na itong bumaba. Pinagmasdan niya lang ito habang lumilingon sa magkabilang kalye at noong makitang walang dumadaan ay agad itong tumawid sa kalsada.

Tumakbo ito nang mabilis at hindi man lang ito tumigil o lumingon man lamang sa kinaroroonan niya. Sobrang dilim ng buong kalye, ang tanging street lamp na may ilaw lang ay ang nasa magkabilang dulo ng kalye.

Napabuntong hininga na lang siya habang bumababa sa jeep. Umalis na rin naman ang driver noong nakababa siya. Pinagmasdan niya lang ang pagtakbo ni Rona. Kahit hindi siya nakatingin sa paligid ay nahalata na niyang lumabas na ang mga bodyguards niya. Nasa paligid lang naman niya ang limangpu niyang mga bodyguards. Hindi ito lumalapit sa kaniya tuwing nagpapakita siya kay Rona.

"Boss, do you want me to follow her?" tanong sa kaniya ni Yfram. Ito ang kaniyang bodyguard na mayroong lahing Pilipino.

Umiling na lang siya. Tahimik na pinagmasdan niya lang si Rona. Noong napansin niyang nakarating na ito sa maliwanag na parte ng kalsada, alam niya nang ligtas ito. Itinaas niya ang kamay upang senyasan na lumapit sa kaniya ang driver niya. Sunod sunod namang dumating ang mga sasakyan ng mga bodyguards niya. Sumakay na siya sa kaniyang kotse upang umalis na. May kailangan pa siyang asikasuhin sa kaniyang illegal na negosyo.

Napatigil ako sa aking pagtakbo noong nakarating na ako sa parte kung saan mayroong ilaw ang street lamp. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagod sa pagtakbo o sadyang takot lang talaga ako?

Gabi na kasi at sobrang dilim na ng paligid, tapos nahiya pa ako kanina kay Kuya dahil nakasandal na pala ako sa kaniya. Hindi ko na nga siya inimikan dahil sobra na akong nilamon ng hiya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumingon pa rin ako sa pinanggalingan ko kanina. Napakunot ang aking noo noong nakita kong sumakay ang lalaki sa isang magarang kotse, at pagkatapos ay maraming mga lalaki ang sunod sunod na sumakay sa ibang kotse.

Napasinghap ako at nakaramdam ng takot. Bakit siya sumama sa mga lalaking iyon? May malaki ba siyang pinagkakautangan kaya siya kinuha ng mga ito? Tumakbo agad ako nang mabilis. Hindi dapat ako madamay sa gulo ng buhay niya.

Noong nakarating agad ako sa bahay namin, narinig ko na agad ang malakas na pagsigaw ni Ron sa akin. Siya ang bunso naming kapatid na sobrang nakapagka-kulit. Oo, sobra na tapos napagka pa. Wala na kasing limitasyon ang pagiging makulit niya.

"Inay, nandito na si Ate!" masaya niyang sigaw habang nginingisian ako.

Napatigil ako sa pagpasok sa loob ng pinto dahil humarang siya agad doon. Napatitig ako sa kaniya nang mariin upang makita niyang naiinis ako. Hindi ko siya gustong makausap, wala rin namang patutunguhan ang usapan namin. Mang-aasar lang siya sa akin. Pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga.

"Bakit ka hinihingal?" tanong niya sa akin kaya naman napairap ako. Nakita na niya naman akong tumakbo kanina. Pawisan na rin ako at sobrang nanghihina dahil sa pagtakbo.

"Tumakbo ako, eh!" naiinis kong sagot sa kaniya. Umalis naman siya sa may pintuan at pinadaan ako. Dumaretso agad ako sa kusina upang uminom ng malamig na tubig.

"Bakit ka tumakbo?" tanong niya sa akin.

"Basta!" tipid kong sagot sa kaniya. Ang bata pa lang pero usisero na. Inuusisa ang lahat ng bagay.

"Hinatid ka ba ng jowa mo?" tanong niya sa akin habang umiinom ako ng tubig. Muntik na akong mabilaukan sa kaniyang sinabi. Nasamid ako ng tubig.

Tiningnan ko siya at nakita ko ang malawak niyang pagkakangisi. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Ssssshh!" mariin kong suway sa kaniya.

Puro siya kalokohan!

"Hindi mo itinanggi?" natutuwa niyang tanong sa akin.

Ibinaba ko ang hawak kong baso sa ibabaw ng lababo. Hinarap ko siya at humalukikip ako. "Wala akong jowa!" malakas na pagtanggi ko.

Wala sa bahay sina Inay at tatay. Siguro ay nasa birthdayan sa kapit bahay.

"Bakit nga ba wala kang jowa? Walang nanliligaw sa'yo no?" nang-aasar na tanong niya.

Nainis ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko maiwasan na matamaan. Wala namang nanliligaw! Meron dati! Kaso noong first year college pa ako. Binasted ko at sinumpa yata ako ng lalaki kaya ngayon ay wala nang nanligaw sa akin!

"Sadyang ayokong mag-jowa!" pagpapalusot ko.

"Tatanda kang dalaga!" pananakot niya sa akin.

Inirapan ko siya. Ipinakita ko ang aking kamao at pagkatapos ay pinanlisikan ko siya ng mata. Hindi ko naman siya hahampasin o susuntukin. Nananakot lang ako.

"Bunganga mo, ha! Pipitikin ko iyang bibig mo," pananakot ko sa kaniya.

Napatigil ang pag-uusap namin noong biglang dumating si Inay. Isinarado niya ang pinto sa kusina matapos niyang pumasok.

"Nandito ka na pala. Hindi ka na naman nagpahatid sa jeep para ipasok dito sa may kanto? Madilim sa babaan ng jeep," wika niya kaya naman napanguso ako.

Nahiya kasi akong magsabi sa driver.

"Alam niyo naman hong ayaw magpasok dito sa Federoad ng mga driver. Gusto ay may extra bayad, walang pagkukusa kahit kilala na. Suwertihan na lang kung matandang driver at mababait. Kahit hindi sabihin ay idederetso na dito sa loob," reklamo ko.

Ako na ang nahihiya sa kanila na makisuyo. Nagagalit pa minsan ang ibang driver.

"Sa susunod ay magsabi ka na sa driver. Mahirap nang maglakad papasok dito at hindi mo alam kung may makasalubong kang masamang tao sa daan," wika niya.

Napatango ako sa kaniyang sinabi. "Opo," tipid kong sagot.

Biglang sumingit sa harapan namin si Ron. Magpapabibo na naman ang batang ito! "Hindi na po kailangan, Inay. May naghatid na pong jowa kay Ate," biglang sabi niya kaya napairap ako.

"Sinungaling!" mariin kong sabi habang sinasamaan siya ng tingin.

"Joke lang. Wala kang jowa, eh!" pang-aasar niya sa akin kaya itinulak ko siya nang mahina.

"Kainis ka," naiinis na sabi ko.

"Mag-aaway na naman kayong dalawa," suway ni Inay sa amin kaya napatigil na lang ako.

"Pang-asar naman eh, malaki naman ang mata mo!" mahina kong sabi habang inilalabas ko ang dila ko. Mabilis na pumasok na ako sa kwarto upang matapos na ang asaran namin.

*

Humiga ako sa kama ko at agad kong binuksan ang message sa aking cellphone. Nakita ko agad na online siya at mayroon din siyang message sa akin. Binuksan ko ito para basahin.

® How's your day?

Agad akong nagtipa sa aking cellphone habang nakangiti.

It's good but tiring. And it's also quite creepy.

® Why? Did you see a ghost?

No. I encountered a weird man earlier. He's creepy.

® Did he hurt you?

No, he didn't but he keep on asking questions.

® What questions?

Personal and random question.

® I'm not there, so please, stay safe.

Don't worry. I will run quickly If I see him again.

® Do you remember his face? Describe him to me.

He has dark glasses. I haven't seen his face.

® Please, make sure that you're always safe. I can't protect you because I'm far.

Nothing bad is going to happen to me.

® Always be safe. Don't make me worry too much. It makes me crazy.


Two months ang lumipas at lagi pa rin kaming magkausap ni Romarjo. Walang tigil at lagi kaming puyat para lang magkaroon kami ng oras sa isa't isa. Napatigil ang pagkausap ko kay Romarjo dahil tinawag ako ni Inay.

Nagpaalam agad ako sa kaniya at pagkatapos ay pinatay ko na ang video call. Lumabas ako sa kwarto at nakita kong may hawak na libro si Ron. Katulad ko lang ang ekspresyon niya, parehas kaming nakabusangot ang mukha. Alam kong ayaw niyang magpaturo, at ayaw ko namang turuan siya.

"Rona, turuan mo muna ang kapatid mo," utos sa akin ni Inay.

"May gagawin ho ako," sagot ko sa kaniya.

Magbabasa ako ng lesson namin para bukas.

"Anong gagawin mo?" tanong niya sa akin.

"A—" sasagot pa sana ako pero agad niya akong pinutol.

"Magbabasa na naman sa Wattpad? Puro ka na lang basa nang basa. Ano bang napapala mo d'yan?" mariin niyang tanong sa akin. Nakakunot na ang noo niya. May pupuntahan pa kasi siya kaya nangmamadali siya.

"Kilig?" patanong na sagot ko.

"Mamaya na 'yan! Turuan mo muna si Ron," wika niya kaya napatitig ako sa kapatid ko. Nakita kong may hawak na itong laruan. Napabuntong hininga ako.

"Ang hirap naman niyang turuan, eh! Ang daming daldal," mahina kong sabi.

"Pagtiyagaan mo na," sabi ni Inay kaya napasimangot ako.

Napatingin sa akin si Ron at pagkatapos ay ngumisi siya sa akin. "Huwag kang sumimangot, Ate. Lalo kang papangit niyan."

Pinanlisikan ko siya ng mata. "Tse! Hindi ko naman sinabing maganda ako! Akala mo naman gwapo ka paglaki mo? Panget ka rin naman!" pang-aasar ko sa kaniya.

"Mag-aaway na naman ba kayo?" tanong ni Inay kaya napatigil ako sa aming pag-aaway. Agad kong hinigit si Ron palapit sa akin. Pinisil ko ang mukha niya habang malawak na nakangiti.

"Hindi po. Lambingan lang ito," sagot ko sa kaniya habang tumatawa.

"Wala ka namang jowa. Sinong lalambing sa'yo?" pambabara sa akin ni Ron kaya mas pinisil ko ang mukha niya. Inalis niya ang kamay ko at dumaing na siya dahil sa sakit.

"Ulikba!" pang-aasar ko sa kaniya.

"Hindi naman ako maitim!" naiinis niyang sabi.

"Malaki ang mata!" natatawa kong sabi.

"Parehas lang tayo!" malakas niyang sigaw.

"Medyo maputi ako kaya magkaiba tayo, hindi tayo magkamukha!" mariin kong sabi.

"Wala namang masama sa pagiging maitim, ah!" sabi niya kaya napatango ako.

"Wala ngang masama. Tutal nga ay magaganda at gwapo ang maiitim. Ikaw lang ang bukod tanging panget!" pang-aasar ko sa kapatid ko.

Gusto ko siyang nakikitang napipikon. Minsan kasi ay tumatahimik siya pag naiinis.

"Huwag na kayong mag-asaran. Turuan mo na ang kapatid mo," sabi ni Inay kaya napatigil na kami sa pag-aasaran. Kinuha ko sa kaniya ang libro, at binuklat ko agad ito.

Sabado ngayon at dapat magbabasa ako sa wattpad tapos mag-aaral na ako mamayang hapon. Magtuturo pala ako sa kapatid ko. Ma-aadjust pa ang mga gawain ko.

"Huwag kang makulit, ha? Yari ka sa akin pag naging makulit ka habang tinuturuan kita," seryoso kong wika kaya naman tumango na rin siya.

*

"A" pagtuturo ko sa kaniya na agad niyang sinabi rin.

"BCDEFGHIJKLMNO" kanta ko habang nakatitig sa kaniya. Itinuro ko ang kasunod noon. Nakatitig lang siya roon habang nakakunot ang noo.

"Anong sunod?" tanong ko sa kaniya.

Napatahimik siya habang nakahalumbaba. Nakadapa kasi siya sa malaking sofa habang nakahalumbaba. Ako naman ay nakaupo lang sa tabi niya.

"Ilang ulit na tayo dito. Isipin mo ulit," sabi ko sa kaniya. Itinuro ko na kasi sa kaniya kanina. Binabalikan lang namin.

"Limot ko na, Ate."

"Tandaan mo," pamimilit ko sa kaniya.

"Limot ko na nga, eh"

"Isipin mo ulit. Balikan mo ang mga alaala," wika ko sa kaniya habang nakangisi.

"May amnesia ako, Ate," sagot niya kaya napairap ako.

"Isaaaa! Babatukan kita?" pagbabanta ko sa kaniya.

"Hindi gan'yan ang pagtuturo, ha!" rinig kong sabi ni Tatay kaya naman bumusangot ang mukha ko.

"Nauubos ang pasensya ko. Ang galing sa mga kalokohan pero ang tamad naman mag-aral," mariin kong sabi.

"Pagtiyagaan mo," sabi niya at pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay. Kaming tatlo kasi ang halinhinan sa pagtuturo sa batang ito.

Pag ako na ang nagtuturo ay nagbabangayan kaming dalawa.

"Ulit nga," mariin kong utos.

"Abcdefghijklmno," mahina naming pagsasabay.

"Oh, anong sunod sa O?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kaniya.

"Hanla, ano nga iyon?" nagtataka niyang tanong sa akin. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa baba niya. Tumingin pa siya sa bubong namin.

"Ano ang tawag sa bilog na bagay? Iyong paborito mong kainin na prutas na malaki?" pagbibigay ko sa kaniya ng clue.

"Meron ka?" tanong niya sa akin kaya napatampal ako sa noo ko.

"Wala nga! Anong prutas iyon? Doon nagsisimula ang letter na iyon," mariin kong sabi.

"Pakwan?" patanong niyang sagot sa akin.

"Oh, anong meron sa pakwan?" tanong ko sa kaniya.

"Buto!" malakas at mabilis niyang sagot sa akin kaya naman pinandilatan ko siya ng mata.

"Anong buto? Letter P ba ang buto?" mariin kong sabi sa kaniya.

Binigyan ko na nga siya ng clue pero hindi niya pa nakuha. P lang ang tamang sagot eh!

"Itinanong mo kasi kung anong meron sa pakwan, e'di ang sagot ay buto," pambabara niya kaya napairap na naman ako. Inuubos niya ang pasensya ko.

"Ang galing! Sa sobrang galing mo ay tatamaan ka sa akin!" pagbabanta ko sa kaniya.

"P ang tamang sagot," mariin kong sabi sa kaniya. Ilang beses niyang sinabi ang salitang buto sa pakwan kaya napatawa na lang rin ako.

"Saan ka ba nagmana ng kalokohan?" tanong ko sa kaniya.

"Sa iyo," wika niya kaya naman parehas kaming napatawa.

"Mas mabait naman ako kaysa sa iyo. Ni hindi nga rin kita tinuturuan ng kasamaan ng ugali. In born na yata sa'yo. Wala namang nagtuturo niyan sa'yo, eh!" wika ko habang tumatayo.

"Hindi ko na kailangan ng tutor sa kalokohan. Matalino ako, eh," mayabang na sabi niya.

"Oo, matalino ka nga kaso sa kalokohan lang," napapailing na sabi ko. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya naman agad ko itong sinagot.

Iniharap ko sa akin ang cellphone ko. Bumungad agad sa akin ang gwapo niyang mukha. Napangiti ako nang sobrang lawak.

"Hi!" bati ko sa kaniya.

"Hi! How are you?" tanong niya sa akin.

"Sino 'yan, Ate?" tanong sa akin ni Ron kaya naman iniiwas ko sa kaniya ang cellphone ko.

"Wala. Diyan ka na muna. Sauluhin mo iyang A hanggang F," bilin ko sa kaniya at tinalikuran ko na siya.

"Wala raw! Nakita ko, eh!"

"Who is he?" tanong sa akin ni Romarjo. Napanguso ako.

"My naughty little brother." na magandang tirisin.

"Tatay! Si Ate may kausap na kalbo!" malakas na wika niya.

"Hoy!" Nanlaki ang mga mata ko at pagkatapos ay itinulak ko siya kaya naman napahiga siya sa sofa. Napatawa lang siya.

Sa sobrang taranta ay itinago ko ang cellphone sa loob ng damit ko, sa may parte ng tiyan.

"Anong sinasabi mo?" mariing tanong ni Tatay nakakapasok lang sa pinto. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Subukan mong isumbong ako, wala kang pasalubong sa akin," mahina ngunit mariin kong pananakot sa kaniya.

Napanguso siya at pagkatapos ay tumango. "Sabi ni ate magpakalbo raw ako. Mahaba na raw buhok ko," sagot ni Ron.

"Mabuti nga kung ganoon. Pupunta tayong gupitan bukas," sabi ni tatay at lumabas na rin naman siya.

"Hindi naman kita sinumbong, ah!"

Pinanlisikan ko ng mata si Ron at pagkatapos ay itinuro ko ang libro niya. Ibinalik niya naman ang kaniyang atensyon sa libro. Muli kong itinapat sa mukha ko ang cellphone. Pumunta ako sa kwarto ko.

"Pasalubong ko bukas at tsaka sa susunod pang mga araw," rinig kong sabi ni Ron.

"Huwag kang magsasalita kundi alam mo na kung saan ka pupulutin," pagbabanta ko sa kaniya habang nakangisi. Nakatingin lang sa akin si Romarjo. Naguguluhan siya ngunit nakangiti pa rin naman.

Nagsuot ako ng head set para ako lang ang makarinig sa usapan namin.

Nakita ko ang pagngisi niya. "Are you seducing me?"

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Umupo ako sa kama ko. "No! Of course not! Why did you say that?"

"Because you put your cellphone inside your shirt," wika niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Napaawang ang labi ko. "Shit! No, it's an accident. I panicked so, I accidentally put it inside my shirt," paliwanag ko sa kaniya. Wala kasi akong bulsa kaya roon ko nailagay.

"Gosh, it's so embarrassing," mahina kong sabi. Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha. Hindi ko magawang mapatingin sa kaniya.

"It's okay. I didn't see anything," wika niya kaya napalingon ako sa cellphone at nakita ko ang kaniyang mukha.

"A-are you sure?" tanong ko sa kaniya.

"Yes. It's so dark. You don't have to worry."

"I still feel embarrassed," mahina kong sabi habang nakangiwi.

"That's okay for a kid," sabi niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko. Napasinghap ako.

"What? Why did you say kid?" hindi makapaniwala kong sabi sa kaniya.

"I mean—"

"I hate you!" mariin kong sabi.

Narinig ko ang malakas niyang pagtawa. "Don't hate me, I love you!" sabi niya kaya naman pinatay ko agad ang tawag at pagkatapos ay isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Pigil sigaw ang ginawa ko habang malawak na nakangiti. Sinipa ko ang mga unan dahil sa nararamdaman na kilig.

"Bakit? Bakit naman ganito?" mahina kong bulong habang umaayos sa pagkakahiga. Nakangiti na napatingin ako sa bubong. Nakahawak ang aking kamay sa tapat ng aking dibdib.

"Si Ate inlove," rinig kong sabi ni Ron. Napalingon ako sa may pintuan. Nakangisi siya sa akin habang nakasilip sa may pinto.

"Halika rito," sambit ko habang malawak na nakangiti.

"Bakit? Anong gagawin mo? Babatukan mo ba ako?" tanong niya sa akin habang nakangiwi.

"Ililibre kita. Anong gusto mo?" tanong ko sa kaniya habang malawak na nakangiti.

"Natatakot ako sa kabaitan mo ngayon," sabi niya sa akin kaya naman napatawa lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz