ZingTruyen.Xyz

The Mafia Boss Love Interest

Prologue

Why do good girls like bad boys?
Why do bad boys like bad girls?

I believed it when you said you love me. I wanted to believe that you were different from other guys.

I'm a fool, I gave you my heart.
Because of you, I'm locked in deep sadness. Swallowing my tears alone.

Why did it have to be me?
Why did you do that?
Was it a sin to love you?
Why am I the only one who's hurting?

Why?

You sweetly melted me. You lightly deceived me. You hotly drenched me. You coldly left me. Why?

'Cause I was good to you. I just can't cut you out. Maybe I was too good for you. So, you are the one who cut me out.

"Did you ever feel sad when you left me?" Sa mahinang tinig ay itinanong ko iyon.

Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Bakas sa kaniyang mga mata ang kalituhan at tila ba tinitimbang ang isang bagay. Ilang segundong katahimikan ang nabalot sa aming paligid.

Mapait na ngiti ang aking ginawa. Umiwas ako sa kaniya ng tingin upang hindi niya makita ang sakit na mailalarawan sa aking mukha.

Anong mahirap sa itinanong ko? Oo at hindi lang naman ang sagot ngunit hindi siya makasagot sa akin nang mabilis. Gano'n nga ba kahirap ang tanong ko?

Kung gano'n ay isa lang ang dahilan kung bakit siya nahihirapan sa pagsagot sa aking itinanong.

Isa lang ang dahilan. Tinitimbang niya ang kaniyang sasabihin. Hindi malaman kung sasabihin ang totoo o magsisinungaling sa akin. Nalilito sa sasabihin dahil ayaw niya akong mas masaktan.

"Can you tell me the truth? Don't feed me with your lies, please," nagmamakaawa na sabi ko. Ang boses ko ay mas lalong humina. Naramdaman ko ang pagbara sa aking lalamunan.

Katulad noong dati... ay pumipintig na naman sa sakit ang aking puso.

"I didn't," he answered coldly.

Lumunok ako dahil sa pagbara ng laway sa aking lalamunan. Pilit pinipigilan ang luhang gustong pumatak sa mga mata, tumingala ako ng panandalian. Inaasahan ko na ang isasagot niya.

He's too honest. Ayoko siyang magsinungaling dahil alam kong masasaktan ako ngunit noong sinabi niya ang totoo ay mas nasaktan pa rin ako. Ang bawat dulo ay may talim na nakakasugat. Kahit anong piliin mo ay sakit pa rin ang patutunguhan.

Tumingin ako sa kaniya. Ang pinipigilan na luha ay tumulo na. Pilit kong inaalis ang sakit na nararamdaman ko ngunit hindi ko magawa. Naging mahina na naman ako sa kaniya at ngayon ay umiiyak sa harapan niya.

"You didn't?" pag-uulit ko. Lumuluhang ngumiti ako at tumingin sa paligid.

Itinaas ko ang aking kamay at sinuklay ang buhok ko gamit ito. Mahina akong tumawa habang dinadama ang sakit sa aking puso. Parang pinipiga at nilalamukos upang saktan ito. Pinilit kong tumawa kahit na ang sakit sakit na.

Pinilit kong magpanggap na masaya kahit na lumuluha.

"Yes. I didn't feel sad when I cut our communication." Magkasunod na tango ang aking ginawa.

Parang wala lang sa kaniya ang lahat ngunit sa akin ay sobrang halaga ng namagitan sa amin. Pinahalagahan ko at iningatan ko ang lahat ng ala-ala at pag-uusap namin. Kung sa kaniya ay pampalipas oras lang ako, para sa akin ay ginawa ko siyang mundo ko.

Pinahid ko ang luhang tumutulo sa aking magkabilang pisngi.

"Thank you for telling the truth. Thank you so much for hurting me." Muli ay binigyan ko siya ng mapait na ngiti.

Ilang taon man ang lumipas ngunit ang lahat ng ala-ala, at pagmamahal ko sa kaniya ay hinding-hindi naglaho... ngunit ngayon ay kailangang putulin na.

Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil sinabi niya ang totoo. Hindi na ako aasa at mag-iisip pa ng mga posibilidad. Nagpapasalamat din ako sa kaniya dahil sinaktan niya ako. Nagising na ang puso at ang isip ko. Hindi siya ang para sa akin. Hindi na kailangang ipilit pa. Kusa ko na siyang bibitawan.

"I'm sorry. It's not love," he said with a serious and cold voice. I nodded because I understand him.

Hinding hindi ko na lolokohin ang sarili ko.

"Don't chase me. You already lost your chance. You're not deserving of my love," I said with a sweet but lonely voice.

"After this day, You should not love him anymore and cry over him. He's not worth your tears," I said mentally.

Inihakbang ko ang aking mga paa upang makalayo sa kaniya. Hindi na niya ako sinundan pa. Sa huling pagkakataon ay hinayaan kong bumagsak ang mga luha na puno ng lungkot at sakit.

"Falling for you was my mistake," bulong ko sa hangin.

*

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz