ZingTruyen.Xyz

The Game Maker

Special Chapter

rosejhilcay

DOS POV

"CLOUD, baby?" napahilot naman ako sa sentido habang nakatingin kay Cloud na nagkakalat na naman ng laruan niya.

Wala si Kath ngayon. Kasama niya sina Sheena,Rere at Mary na nag-outing ang mga ito. Ako ngayon ang nag-aalaga sa mga bata.

"Sky, tingnan mo ang kambal," aniya ko habang nililinis ang mga kalat ni Cloud.

Anim na taon na si Sky. Ang kambal maglilima pa lang. Si Cloud naman magtatatlong taon pa lamang.

"Daddy! Daddy!"

Napalingon naman ako kay Sky na tumatakbo palapit sa akin.

"What happened?!" natatarantang tanong ko sa aking panganay.

Nakanguso naman ito. "Ang palaka ko. Pinakawalan ni Hunter!"

Napahilamos naman ako sa aking mukha. "Hunter!" galit na sigaw ko.

Dali-daling lumabas ng bahay at pinuntahan ang kambal.

"Holy Christ!"

Napanganga naman ako na nakatingin sa mga palaka ni Sky. May mga tali ito sa leeg at labas na ang mga dila. Ang baboy naman ni Heath na galing pa ito kay Sun na anak ni Kier ay nakatihaya ito at may ipit ang mga dede. Ang ipit na ginamit ay galing sa sampayan sa likod ng mansion.

Oh my God! Anong parusa ito sa akin!

"Damn! Heath, tanggalin mo ang mga ipit. Nasasaktan ang biik!" inis na saad ko rito.

"Hunter! Anong ginawa mo sa palaka ni Ate Sky mo!"

"D-Daddy," maluha-luhang saad niya na nakatingin sa akin.

Bwesit talaga! Takot pa naman ako sa palaka! Wala pa naman ang mga katulong namin. Pinabakasyon lahat ni Kath. Sadyang pinapahirapan talaga ako ng asawa ko!

"Sky!" Sigaw ko.

"Daddy!" humahangos naman lumapit  si Sky sa akin.

"Pakawalan mo ang palaka. Then, tanggalin mo ang ipit sa dede ng biik."

"Daddy, The frogs are dead already!" mangiyak-ngiyak na saad ni Sky.

"P-Patay na iyan? Sure ka?" nagdududang tanong ko.

Kumuha ako ng mahabang stick at sinundot-sundot ang isang palaka. Napangibit naman ako na hindi ito gumagalaw.

"I told you, Daddy. Kasi nga po tinalian ni Hunter sa leeg, kaya nasasakal sila!" inis na saad ng panganay ko.

Napalunok naman ako.

"S-Saglit. Tatawagan ko lang sila Uncle Terrence. Puntahan mo muna si Cloud," aniya ko kay Sky.

"What's up," bungad na saad ni Terrence sa akin.

"Bro, available ba kayo? Tulungan niyo naman ako mag-alaga sa mga bata," mahinang saad ko rito.

Isang malutong na tawa ang narinig ko sa kabilang linya. Napairap naman ako nang narinig ko ang halakhak ng mga kapatid ko.

"Sige pupunta na kami diyan. Total wala pa ang mga asawa namin at kasama ang mga bata," sigaw naman ni Tiger.

Napabuntonghininga naman ako at lumuwag ang aking pakiramdam.

"Thanks," agad ko pinatay ang tawag at humarap sa kambal.

Nakatingin lang ako kay Heath na tinatanggal ang mga ipit sa dede ng baboy.

Bawat hila ng ipit ni Heath, umungol naman ang biik na parang nasasaktan.

"H-Heath, dahan-dahan lang. Nasasaktan siya," nakangibit na saad ko.

Napakamot naman ako sa aking ulo na nakatingin kay Hunter.

"Patay na iyan, Hunter! Maawa ka naman!" inis na saad ko.

Paano ba naman, hinihila pa ang dila palabas. Nag-expirement na naman ito. Kung ano-ano na lang ang naisipan.

Tumayo na ako at pumasok sa loob ng mansion. Hindi pa ako nakapagluto ng tanghalian.

"Papasukin mo muna ang kambal at maligo muna," utos ko kay Sky.

"Yes, Dad."

"Bro!"

Napalingon naman ako sa pinto.

Napataas naman ang kilay ko na nakatingin sa limang kapatid ko. Kapwa nakangisi ang mga ito. Si Tucker, si Tiger, si Tobby, Terrence at Timothy.

"Ang dami mo kasing anak. Ayan tuloy, ikaw ang kawawa," Nakangising saad ni Timothy sa akin.

"B-Buntis na nga ulit eh at malapit na manganak," nakangibit na sagot ko rito.

Napuno naman ng halakhak sa loob ng mansion.

"Hahabol ka yata kay Kier," aniya naman ni Tobby.

"Daddy!" Sigaw ni Sky habang hawak-hawak ang kambal kabilaan.

Binuhat naman ni Tucker si Cloud at pinugpog ito ng halik sa mukha.

"Take a bath na Hunter and Heath," maawtoridad na saad ni Tiger.

Tumakbo naman paakyat ang kambal. Si Sky umakyat na rin ito.

"Disiplinahin mo rin kasi ang mga anak mo. Titigas ng ulo lalo ang kambal," sermon ni Timothy sa akin.

"Nagagalit nga si Kath! Lalo ngayong buntis siya!"

Nakataas naman ang mga kilay ng limang kapatid ko.

"Takot ka dahil buntis siya or takot ka na walang bayo?" nakangising saad ni Tobby sa akin.

Mahina naman akong napatawa. Kinuha ko si Cloud kay Tucker.

"Pakilinis muna ng bahay. At puwede ba na magluto isa sa inyo ng tanghalian para sa mga anak ko. At pasuyo na rin patapon ng mga palaka na ginawang eksperimento ni Hunter," aniya ko na nakangisi at tumalikod na.

"Gago! Kapal ng mukha, eh!" Nagsisigaw na saad ni Terrence.

Pinaliguan ko muna si Cloud at tinimplahan ng gatas. Inihiga ko muna ito sa kuna at pinuntahan ang kambal sa kanilang silid.

"Nakaligo na kayo?" tanong ko sa dalawa.

"Holy Molly!"

Nanlalaki naman ang mga mata ko na nakatingin sa baiik. Nasa bathtub  ito at puno ng sabon ang tubig. Hirap na ang baboy.

"P-Paano nakapasok iyan?" tanong ko sa dalawa na nawala na rin ako sa aking sarili.

"Sa kitchen pinadaan ni Heath, Daddy," mahinang saad ni Hunter.

Fuck! Parang nahihirapan akong huminga.

"Tucker! Timothy!" Nagsisigaw na tawag ko sa dalawa.

Maya maya lang humahangos naman ang mga ito pumasok sa silid.

"What happened?!" hingal na tanong ni Tim.

Pakurap-kurap kong tinuro sa kanila ang baboy nasa bathtub.

"Holy Christ!" sabay na saad ng dalawa.

"Iahon niyo," saad ko sa dalawa.

"Putang-ina! Sino sa inyo ang may gawa?!" galit na tanong ni Tucker sa kambal.

Pumalahaw naman ng iyak ang kambal dahil sa lakas ng sigaw ni Tucker.

Agad ko naman binatukan ang kapatid ko.

"Punyeta ka! Kapag nagsumbong iyan sa Mommy nila, pati ikaw nasa hukay ang isang paa!" galit na saad ko rito.

"Damn. Kids, Hindi ako galit. Natutuwa ako dahil tinuruan niyo lumangoy ang baboy," nakangibit na saad ni Tucker.

Malakas naman humalakhak si Timothy.

Ginulo ko naman ang buhok ko sa sobrang konsumisyon.

Napatingin ako kay Timothy at Tucker na inahon ang biik.

"B-Buhay pa ba?" nanghihinang tanong ko sa dalawa.

"Still alive ang kicking," natatawang sagot ni Tim.

"Ilabas niyo na 'yan. Liguan ko muna ang kambal. Tuck, puntahan mo si Cloud sa kabilang silid."

Hinila ko ang kambal at inumpisahang paliguan.

After kong pinaliguan ang dalawa, dinala ko na ito sa baba para kumain ng tanghalian.

Naabutan ko si Cloud na sinusubuan ni Tucker. Si Sky naman kumakain na rin ito.

"Hunter, sit down here sa tabi ni Ate Sky. Heath, sa tabi ni Uncle Tobby," utos ni Tigre sa kambal.

Buti na lang takot ang mga anak ko kay Tiger.

Napapailing na nakangisi si Terrence sa akin.

"Saan ba pumunta si Kath, bro?" tanong ni Tobby sa akin.

"Nag-outing sila. Baka mamaya nandito na iyon."

Kahapon kasi ito umalis. Pakiramdam ko naman buwanan na umalis ang asawa ko. Hindi ko talaga kaya alagaan ang mga bata.

"Hindi naman masama na ipagtanggol mo rin kahit minsan ang pagkalalaki mo. Aba, hindi dapat tayo padadaig sa mga asawa natin!" aniya naman ni Tiger na tinaasan naman namin ito ng kilay.

"Ganoon? Kaya pala binubugbog ka ni Jelai," saad naman ni Terrence.

"A-Ako?! Putang-ina, bro. Takot si Jelaine sa akin. Minsan nga nagmamakaawa pa sa akin!"

"Ah, saan galing ang pasa mo nakaraan?" tanong ko naman.

"Gago! Nadulas ako!"

Napaismid naman kami. "Huwag kami, Tigre!" sabay-sabay na saad namin.

Bandang alas singko umuwi na ang lima. At tamang-tama dumating naman si Kath.

"Mommy! Mommy;" sigaw ng apat at yumapos sa hita ng kanilang ina.

Lumapit naman ako rito at kinuha ang bag na bitbit ni Kath.

"Kamusta ang outing mo?" malambing na tanong ko at hinalikan ito sa labi.

"Masaya at sobrang nag-enjoy ako," nakangiting sagot niya at hinila ang mga bata sa sala.

"Kumain ma ba silang apat?" tanong ni Kath sa akin.

"Yes. Kakatapos lang."

"Wow. Buti naman naalagaan mo sila ng maayos."

Hindi na ako umimik. Kung alam lang niya.

Bandang alas siyete, si Kath na nagpatulog sa mga bata.

"Love, huwag ka na gumala. Baka mapaanak ka bigla. Kabuwanan mo na ah," saad ko.

"Oo na! After na lang manganak ko," aniya na kumislap ang mga mata.

Damn! Madagdagan na naman ng sakit sa ulo.

"Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo, love. Basta makita lang kita masaya," nakangising saad ko at niyakap ito.

"Ouch! T-Tristan, biglang masakit ang tiyan ko!"

"W-What!?"

Dali-daling tumayo ako at kinuha ang mga gamit na naka ready na noong nakaraan buwan pa.

"Kaya mo bang bumaba, love?" tanong ko kay Kath.

"O-Oo."

"Sige, pumunta ka na sa kotse. Kukunin ko lang ang mga bata. Wala sila makakasama dito."

Patakbo akong pumunta muna sa silid ni Sky. At ginising ito. Buti na lang kahit papaano may bait na si Sky. Ginising ko na rin ang kambal.

Bubuhayin ko na sana ang sasakyan nang bigla naman ako binatukan ng asawa ko.

"Pakibilang muna ng mga anak mo!" Sigaw niya sa akin.

Lumingon naman ako at binilang ito.

Damn! Si Cloud pa pala.

Patakbo naman ako pumasok sa loob ng bahay at binalikan si Cloud sa silid namin.

Papungas-pungas naman ang si Cloud.  Humihikbi pa ito habang buhat-buhat ko ito palabas.

"W-Wala na ba?" tanong ko kay Kath.

Nakasimangot naman ito sa akin. "Wala na!"

Napabuga naman ako ng hangin at mabilis pinatakbo ang sasakyan. Mabilis lang kami nakarating sa hospital at inasikaso naman agad si Kath.

Tinawagan ko muna si Mia na puntahan niya muna ang mga bata.

"Kuya!"

"Dalhin mo muna sa bahay niyo ang mga bata," saad ko.

Nakangisi naman si Kenjie sa akin.

"Damn, bro. Naka boxer ka lang ah!" Natatawang saad niya sa akin.

Yumuko naman ako at tiningnan ang aking suot-suot.

"Shit!"

Napapailing naman ang kapatid ko.

"Di ba may mga damit at pantalon ka sa kotse, ipahiram mo kay Kuya Dos," aniya ng kapatid ko.

Natatawang pumunta si Kenjie sa kotse niya at pagbalik may maong walking short itong dala at t-shirt. Nakasando lang din kasi ako.

"Congrats pala," nakangising saad ni Alcantara sa akin.

Inirapan ko lang ito. "Ipakuha ko na lang bukas ang mga bata sa inyo. Dadating na bukas ang Yaya ng mga bata," agad na akong nagpaalam na susundan ko na sa delivery room si Kath.

"Kamusta ang asawa ko?" tanong ko kaagad sa Doctor.

"Malapit na lalabas."

Lumapit naman ako kay Kath at hinaplos ang kan'yang buhok na pawisan na rin ito.

"Ahmm..ang sakit!" aniya na panay punas ng luha.

"Kaya mo iyan. Isipin mo na lang ang apat na kinaya mo silang nailabas," malambing na saad ko.

"Ahhh..!"

Parang ako talaga ang nasasaktan. Natutuyuan na ako ng laway.

"Push mo pa, Misis," saad ni Doktora.

"Hmmmmm!"

Panay naman ang haplos ko sa mukha ni Kath.

Nakahinga ako ng maluwag nang narinig na namin ang iyak ng sanggol.

"It's a boy!" Nakangiting saad ni Doktora.

Kinagat ko naman ang ibabang labi ko.

"Another, Geller," mangiyak-ngiyak na  saad ko.

Ngumiti naman ang asawa ko. "Lahi ng mga babaero?" aniya na mahina naman akong napatawa.

"Name ni baby?" tanong ng Nurse.

"Matter Geller," saad ng asawa ko.

Napag-usapan talaga ni Kath at Sheena na buuin daw nila ang Team Galaxy. Kaya iyon, puro kalawakan ang pangalan ng mga anak namin ni Kier.

Yumuko naman ako at hinalikan sa labi ang asawa ko.

"Ito ang magandang regalo sa kaarawan ko," saad ko.

Tamang-tama na pinanganak si Matter ng alas dose at kaarawan ko rin.

"Happy birthday, Love. Thank you sa lahat-lahat," nakangiting saad ni Kath sa akin.

Hindi ko napigilang bumagsak ang mga luha ko.

"Thank you so much, Kath. Binuo niyo ang buhay ko. Ikaw at ang mga anak natin. Sobrang saya ko at sobrang suwerte."

Sino ba ang mag-aakala. Ang dating happy go lucky, ay responsableng haligi ng tahanan na. Ang dating drug Lord, ay makadiyos na ngayon. Si Kier Harrison din ang nagturo sa akin. I learned a lot about God because of him.

Akala ko, walang pag-asa ang isang katuky ko. Nagkamali pala ako. Simula nabuo ko ang masayang pamilya na mayroon ako ngayon, araw-araw may pag-asa.

I already end my game. Binaon ko sa nakaraan ang dating masamang gawain ko. Ang tanging magandang ala-ala lang ang iniwan ko. At ang masayang pamilya ko lamang.

*END*

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz