ZingTruyen.Xyz

The Dark Side Of Eve


Nakatanggap ako ng tawag mula sa isang hindi kilalang numero. Inisip kong baka pulis na naman ito kaya takot akong sagutin. Pero nang hindi tumigil ang ring, napilitan akong tanggapin ag tawag. "Hello?"

"Ms. Eva Alcaraz?" It was a man on the other line. His cold baritone voice filled my ears.

"Sino 'to?"

"Azazel Del Cuevo."

Lumukso ang dugo ko sa malamig na tinig na iyon. Nahirapan akong ibuka ang bibig ko para sumagot. "Mr. Del Cuevo. H-how can I help you?"

"I need to talk to you."

"Bakit?"

"Malalaman mo," maikli niyang sagot sa seryoso at malamig na tinig. Nanginig ang kalamnan ko at parang dinaluyan ng yelo ang spinal cord ko sa lamig ng rehistro ng boses niya sa telepono. Wala akong naisagot kundi ang maikling 'okay'.

He texted me the place where we can meet. Isa itong tagong fancy restaurant kung saan may kanya-kanyang kwarto ang mga guest.

***

Maaga akong dumating pero mas maaga siya. Hindi ko inaasahan na naroon na siya sa reserved room na tinukoy ng waiter sa akin. Naubos lahat ng inipon kong lakas ng loob. I only speak to a few people. Takot nga ako na makisalamuha sa mga ordinaryong tao, takot akong mapahiya, takot akong ma-reject. Kaya naman hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko habang papalapit ako sa kwarto kung saan naroon ang taong ilang araw na lang ay magiging asawa ko na.

I wore a white dress and flat shoes this morning. Nakatali ng lace na kulay pink ang buhok ko at sinubukan ko ring maglagay ng kaunting pressed powder sa mukha at lip tint sa mga labi. This was not my usual get-up kaya naman sobrang conscious ako sa nakalitaw na bahagi ng legs ko. I should have worn my favorite trousers.

I slid open the shoji door. Sinalubong ako ng mas malamig na temperatura sa loob. It was spacious inside with a huge wooden table in the middle. Napapalibutan ng naggagandahang vintage Japanese painting ang bawat sulok ng kwarto. Dalawa lamang ang upuan na naroon at ang isa ay okupado na ng lalaking katagpo ko.

Azazel Del Cuevo in flesh himself. Bago ako pumunta sa lugar na ito, I tried to gather as much information about him as I can from the internet. Tama ang lahat ng sinabi ni River; he has quite the reputation of a ruthless businessman. Ilag ang mga tao sa kanya dahil kilala itong maiksi ang pasensya at napaka-intimidating. Hindi kami bagay na magkaharap sa table. Habang siya mukhang hari ang anyo kulang na lang ay korona, ako naman ay parang halamang makahiya na malapit nang kumipot sa lalim ng mga titig niya. I knew that look in his eyes right now. Rage. Disgust. Hindi niya ako gusto.

Nagbaba ako ng tingin. Kakarating ko lang pero parang gusto ko nang magpaalam na pupunta ako ng restroom. I wanted to study his face pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang tagalan na makipagtitigan sa kanya ng kahit na ilang segundo lang. I gathered all the strength in my body to just directly ask him and be done with this as soon as possible. "Ano'ng pag-uusapan natin, Mr. Del Cuevo?"

"My name is Azazel. We're gonna be husband and wife soon. Mr. Del Cuevo pa rin ba talaga ang gusto mong itawag sa akin?"

"Ha?" Damn! Sa unang limang minuto pa lamang ng pagkikita namin, nakakahiya na ang mga inaakto ko.

Nagkibit-balikat siya. "Nevermind. Do you want to order something?"

"Busog pa ako."

Kahit na sinabi ko iyon, nag-order pa rin siya ng pasta at mango juice para sa akin. Bakit niya ako kailangang tanungin kung hindi niya lang din susundin? This man was an alpha-type. Commanding and dominating. He's born with the silver spoon in his mouth kaya sanay na siya ang nasusunod lagi at hindi iniintindi ang nararamdaman ng iba. Why would he care when he has the power to do anything he wanted anyway?

"Eat," utos pa niya.

Napabuntonghininga ako. Ang totoo, hindi pa ako kumakain kaya naman hindi ako nahirapan na nguyain at lunukin ang pagkaing in-order niya. The pasta was a bit sweet and tangy. May dahilan kung bakit mahal ang mga pagkaing sini-serve dito. 'Yon ay dahil totoo namang masarap at authentic ang pagkakagawa sa mga ito. Kahit paano ay nabawasan ang tensyon sa loob ng katawan ko nang masayaran ng pagkain ang tiyan ko. Kaya nga lamang ay hindi pa ako nakakainom ng juice, nilapag na niya ang ilang mga dokumento sa table na siyang sadya niya sa pagkikitang ito.

Napakunot ang noo ko sa mga iyon.

"I want you to sign these documents before we go through the wedding."

Ang prenuptial na tinutukoy ni Morgana. Paano niya nalaman na bibigyan nila ako ng ganito?

"Ano 'yan?" tensiyonado kong tanong.

"These are special conditions about our marriage. Hindi mo naman siguro ine-expect na magpapakasal lang tayong dalawa nang walang pinipirmahang mga dokumento na nagsasaad kung ano lang ang mapapala mo sa kasal, hindi ba?"

"We had a meeting with your grandfather. Hindi niya naman nabanggit ito."

"Basahin mo."

Hindi ko na kailangang gawin 'yon dahil alam ko kung ano ang nakalagay. "Ayokong basahin dahil wala naman akong balak na pumirma. Alam kong hindi normal ang kasal na ito pero hindi mo ako mapipilit na pirmahan ang isang bagay na hindi ko gusto."

Matalim ang naging tingin niya sa akin, tapos ay tumawa. Larawan sa mukha ang asar nang hindi niya kaagad nakuha ang gusto niya. "Akala ko si Sen. Morgan lang ang may ulterior motive, ikaw rin pala? Magkasing-buwaya kayong dalawa. Sabagay, hindi nga naman nalalayo ang bagsak ng bunga sa puno nito." Nanigas ang panga niya at matiim na binalaan ako. "Hindi ako magpapakasal sa 'yo hangga't hindi mo pinipirmahan ang mga dokumento."

Tiningnan ko si Azazel Del Cuevo sa mga mata. "Okay. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Huwag kang magpakasal sa akin."

Hindi siya nakasagot. Hindi niya siguro inaasahan ang magiging bwelta ko. Kinapa niya ang noo at marahang hinagod iyon. Pansin ko na kanina pa nakakuyom ang mga kamay niya nagpipigil ng sariling emosyon. Was he a violent person? Was he the type to beat a woman to a pulp? "Kung wala ka nang ibang sasabihin, aalis na ako. Marami pa akong gagawin."

"This is the last time I'm going to ask you not to cross me, Eva. I'll get what I want from you eventually. But one thing I promise you... you're not gonna like being my wife."

"Pagbantaan mo ako hangga't gusto mo pero wala akong magagawa. I'm just a puppet in this show. I'm not the master. Not the owner of the circus either. Gusto ko rin namang tumakbo pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Hindi ko rin naman talaga ine-expect na magiging madali sa akin ang maging asawa mo, Mr. Del Cuevo. Kaya lang kung papayag ako sa kasal na gusto ni Daddy at kasal na gusto mo, pagkatapos ng eleksyon, baka wala nang matira sa akin. Baka dumating ang araw na kahit gustuhin kong ipagtanggol ang sarili ko ay hindi ko na magawa dahil tinanggalan niyo na ako ng karapatan at kakayanan. Kailangan ko rin naman ng panghahawakan dahil alam kong magiging impierno ang buhay ko. Somehow, I need a grip to some kind of salvation, don't you think?"

Hindi ito tungkol sa kasakiman. Tungkol ito sa kapangyarihan. Kapangyarihang ipagtanggol at protektahan ang sarili ko. Morgana would say that. Morgana would have thought of that.

"I am not used to receiving defiance. I am a bad loser, Ms. Alcaraz. I'll leave the offer on the table for now. But I'll get back to you with it."

Nang makaalis si Azazel, para akong nanghina. Naubos lahat ng enerhiya ko sa ilang minutong pagpapanggap na isa akong matapang na babae. Kahit na ano ang gawin ko, hindi ko yata kakayanin na maging kasintibay ng dibdib ng kapatid kong si Morgana. May kulang sa akin. Malaki.

Nang makaalis ang lalaki, saka ko lamang naalala ang sariling uhaw. Nilagok ko ang lahat ng laman ng baso ng mango juice na nasa harapan ko. Huli na ito. Pagkatapos ng kasal na ito, kapag nawala na ako sa poder ni Dad, baka matigil na ang mga paghihigpit niya sa akin. Baka tama si Morgana. Ito na ang pagkakataon kong makalaya.

Wala sa loob na nakarating ako sa basement ng building kung saan naka-park ang kotse ko. Nasa bandang dulo pa iyon kaya kinailangan kong lakarin at daanan ang ilan pang nakahilerang sasakyan. Bahagya akong yumuko para hanapin sa dala kong shoulder bag ang susi ng kotse nang makarinig ako ng marahas na tunog ng makina. Nanlaki ang mga mata ko nang isang rumaragasang kotse ang biglang sumulpot sa harapan ko. Hindi na ako nag-isip. I acted on reflex, at tumalon ako sa bakanteng parking space. That car tried to run over me! Kung hindi ako umilag, pihadong durog-durog lahat ng laman at mga buto ko dahil ako ang puntirya nito.

Muntik na akong mamatay. Paano kung nasagasaan ako? Hindi pa ako nakakalaya sa hawla. Kailangan ko pang makalabas para naman mabuksan ko rin ang hawla ng kapatid ko. Hindi ko magagawa iyon kapag patay na ako. Malinaw na rumehistro sa utak ko ang plate number ng mamahaling sasakyang muntik nang dumurog sa mga buto ko.

Saka ko lamang naramdaman ang sakit ng buong katawan ko sa pagbagsak nito sa matigas na semento. Hindi ko napansin ang galos ko sa siko at binti pero ngayon ay unti-unti nang kumikirot iyon. Napahawak din ako sa dibdib ko, sa lakas ng kabog n'on ay nahihirapan akong huminga.

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at nag-dial ng emergency number. But the thought of going to the police station and being interrogated made me decide not to report on anything. Ayokong makipag-usap sa mga pulis. In fact, ayokong makakita ng mga pulis. Sana naman ay hindi na magkrus ang landas namin ng mga alagad ng batas na 'yan. Kahit kailan. 

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz