The Billionaire S Sexy Whore
Kabanata 5
"At saan ka naman pupunta, ha, Amara?" narinig kong tanong ni Bakla.Napatigil ako sa tangkang paglabas ng pinto dahil humarang siya rito. Nakita kong nakataas ang kaniyang kilay sa akin na para bang inaakusahan ako sa isang bagay."Raraket," tipid kong sagot habang nakangisi sa kaniya.Inis siyang napasinghap at itinuro ako na para bang hindi makapaniwala."Raraket ka na naman! Akala ko ba ay magbabago ka na! Amara naman, tigilan mo na ang pagnanakaw. Kakalabas mo pa lang sa kulungan tapos gagawa ka na agad ng kalokohan!" panenermon na sigaw niya habang pinanlilisikan ako ng mga mata."Tigilan mo na iyan!" pagpapatuloy na sermon niya sa akin at pagkatapos ay pinanlakihan niya ako ng mata.Sa ginawa niyang iyon ay mas lalong lumaki ang kaniyang mga mata. Nagmukha tuloy siyang tarsier. Ang lupet din nitong baklang 'to, kanina lang ay nanliliit ang mata niya sa akin tapos ngayon naman ay halos lumuwa ang mata niya."Tigilan mo na ang pagnanakaw, hindi iyan makakabuti sa kinabukasan mo!" matinis na boses na sigaw niya. Napangiwi ako at napatakip tuloy ako sa aking tainga dahil sobrang tinis ng boses niya. Para siyang naipit sa pintuan kung makapalahaw.Ang dami niyang sinasabi. Dapat ay pinagsasalita niya muna ako. Hindi tuloy ako makapagpaliwanag sa kaniya. Tira kasi siya nang tira sa panenermon sa akin. Daig niya pa ang nanay ko."Baklang 'to! Hindi ako magnanakaw," sagot ko sa kaniya."Eh, saan ka naman pupunta?" mapang-usisa na tanong niya habang pinaniningkitan ako ng mata."Magtatrabaho," tipid kong pahayag.Napasinghap siya sa sobrang gulat. Napahawak din siya sa kaniyang noo at napatingala na tila ba mahihimatay.Ang arte!"Magtatrabaho? Eh, ang aga aga pa. Mamayang gabi pa ang schedule mo para magtinda ng balot, ah?" tanong niya habang pinapasadahan ako ng tingin. Hindi siya naniniwala sa aking mga sinasabi."At tsaka bakit ka nakasuot ng pantalon? Dati pag may raket ka ay lagi kang naka tokong na short, kahit sa pagtitinda ng balot ay iyon din ang suot mo," tila nahihiwagaan na wika niya.Alam kong naninibago siya sa akin dahil sa suot ko. Kalimitan kasi ay naka-tokong ako na short tuwing aalis. Mas madali kasing kumilos at tumakbo pag nakasuot ng tokong.Iyon ang lagi kong paliwanag sa kaniya tuwing tinatanong niya kung bakit ako nagsuot ng tokong."May bago akong trabaho," may kasiyahan na sabi ko habang inaayos ang dala kong belt bag."Saan naman? Baka naman nagbebenta ka na ng puri mo, ah?" may pang-aakusa na sambit niya.Mas lalo niya akong pinanlisikan ng mga mata kaya nagmukha ulit siyang tarsier. Tarsier na lumalaki ang butas ng ilong.Namilog ang aking mga mata nang marinig ang kaniyang iniakusa sa akin. "Baklang 'to! Anong tingin mo sa akin kamag-anak ni Magdalena? Ang babaeng mababa ang lipad? Hindi ko gagawin ang bagay na iyan. Mas pipiliin ko pang magnakaw kesa gawin ang nakakarimarim na trabahong iyan," mahaba kong alintana habang iniirapan siya."Easy! Galit agad! Nagtatanong lang naman, pero ano ngang trabaho mo?" may kuryosidad na tanong niya.Inilagay ko ang aking mga braso sa tapat ng aking dibdib. "Nag-apply ako sa karinderya ni Aling Batseba. Isang daan at limampung piso ang sweldo kada araw.""Himala naman. Nakakapanibago ka naman, Amara. And wait, Bakit mo namang naisipan na magtrabaho ng iba at tsaka himala talaga dahil papatos ka ng trabahong mababa ang sweldo? Not so you, talaga. Na-tipus ka ba habang nasa kulungan ka? Nagbago ka, eh?"Nag-Ingles na naman ang bakla. Minsan talaga ay ang sarap niyang tirisin. Alam na hindi ako masyadong nakakaintindi ng ingles tapos dadalihan ako ng pagsasalita noon. Gaya ng lagi kong ginawa tuwing kinakausap nila ako ng ingles ay hindi ko na lang pinapansin iyong salita na nakakapagpasakit sa ulo ko."Hindi ako na-tipos no! Sadyang nagbabagong buhay lang ako. Ayaw ko nang magnakaw," nakanguso na sagot ko sa kaniya.Napasandal siya sa may hamba ng pinto at tsaka humawak dito."Whuwatt? Ikaw magbabagong buhay? Ikaw titigil sa pagnanakaw? Totoo ba 'yan?" Hindi makapaniwalang usisa niya.Napataas ang kilay ko sa narinig. "Mukha ba akong nagbibiro? At tsaka mahirap bang paniwalaan na titigil na ako? Baklang 'to! Hindi porket tatlong taon na akong nagnanakaw ay wala na akong karapatan na magbago. Sawa na ako sa buhay na laging tumatakbo at tumatakas sa pulis. Tsaka ayaw ko ng bumalik sa kulungan, paano na lang kung hindi na ako makalaya? E'di kawawa ang mga kapatid kong hilaw, paniguradong magugutom sila."Umayos siya nang pagkakatayo. Pumalakpak siya nang malakas at pagkatapos ay sumaludo siya sa akin."Wow! Very well said. Parang speech lang ng isang valedictorian, ah. Maiksi pero malaman. By the way, girl, super suportado kita d'yan. Bagong buhay para kay Amara. Mabuhay ka, Amara. Pero wait bakla, simba ka muna ah, para naman malinis at mawala ang mga kasalanan mo.""Kailangan pa ba iyon?" Nagkakamot sa ulo na tanong ko sa kaniya.Marahan siyang tumango at hinawakan ako sa braso. "Aber, oo naman. Balik loob sa diyos, ganern. Kailangan iyon!"Napaisip ako sa kaniyang sinabi. Sa bagay, matagal tagal na rin mula noong nagsimba ako. Limang taon na yata ang lumipas noong huli akong pumasok sa tahanan ng Diyos. "Oo na. Oo na. Bukas na bukas din ay sisimba ako. Pangako iyan!" sabi ko habang tumatango sa kaniya.Inismiran niya ako at pagkatapos ay hinampas ako nang mahina sa braso."Amara, Huwag kang mangako dahil alam ko naman na hindi ka sisimba bukas," mataray na wika niya.Ngumuso ako sa kaniya at sunod noon ay tinanggal ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa braso ko."Ang dami mong satsat. Aalis na ako. Alagaan mo ang mga kapatid ko ha?" pagbibilin na sabi ko sa kaniya. "Go. Good luck sa first day ng pagbabagong buhay mo," masayang sigaw niya habang nakangiti sa akin.Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at pagkatapos ay lumayo agad ako sa kaniya.Baka kasi masapak niya ako.Nakita ko kung paano nangasim ang kaniyang mukha na para bang nandidiri sa aking ginawa."Sige bye! Lav you," nang-aasar na pagpapaalam ko sa kaniya."Yak!! Bakit mo ako hinalikan sa pisngi? Mandiri ka nga. 'Di tayo talo," naasiwa na tili niya habang pinupunasan ang pisngi niya, sa parte kung saan ko siya hinalikan.Natawa na lang ako at pagkatapos ay itinaas ko ang kanang kamay ko at kumaway ako sa kaniya bago umalis. Ang arte ng baklang 'to! Siya na nga ang hinalikan ng diyosa pero ayaw niya pa. Napagka-arte! Dapat nga ay ako ang nag-i-inarte kasi ang oily ng pagmumukha niya.Masayang naglakad ako papunta sa bago kong trabaho. Kinakawayan ko ang mga taong nakakasalubong ko at binabati. Mga kilala ko naman silang lahat kaya nginingitian din nila ako. Malapit lang naman ang karinderya ni Aling Batseba kaya agad akong nakarating sa bago kong trabaho. Pagdating ko sa karinderya ay sinalubong na agad ako ni Aling Batseba na may malawak na ngiti. "Iha, mabuti naman at naisipan mong tanggapin ang alok kong trabaho," aniya."Syempre naman po, Sugod lang po ako nang sugod, lalong lalo na kung trabaho. " Ito na ang pagsisimula ng pagbabago! Ekschange is coming.. para sa ekonomiya ng bansa.Ngumiti ako nang malawak kay Aling Batseba. Halos mapuknat na ang aking labi sa sobrang pagkakangiti."Taga-linis at taga-serve ka lang naman sa mga customer. One hundred ang sweldo," paliwanag niya habang pinapasadahan ako nang tingin. Siguro ay gandang-ganda siya sa akin.Nawala ang nakapaskil na ngiti sa aking mukha at napalitan ito nang pagkakakunot ng aking noo. Isang daan? Saan aabot ang isang daan na sweldo? Apat na bata ang pinapalamon ko, at pati si Danielang bakla ay sa amin pa nakikilamon! Kulang na kulang ang isang kilong bigas sa amin. Ang galunggong na binibili ko ay nagtaas na ng presyo. Kung dati ay isang daan lang ang kilo nito ay ngayon naman, halos dalawang daan na ang presyo ng isang kilo! "Po? Akala ko ba ay isang daan at limampung piso ang sahod sa isang araw," nalilito na tanong ko.Noong inalok niya ako ng trabaho ay one fifty ang sinabi niyang sahod pero bakit ngayong nandito na ako ay isang daan na lang ang pasahod niya? Nabudol-budol yata ako ni Aling Batseba, eh! Ang buddha na ito talaga, kahit kelan ay napagka-kuripot! "Hindi. Isang daan lang ang tiga-serve. Kung gusto mo naman na mapalaki ang sahod mo ay pwede kang maging taga-lako ng ulam sa mga business establishments sa Metro," pahayag niya habang nakangisi.Gusto kong umirap sa kaniya dahil niloko niya ako. Iba ang napagkasunduan namin noong isang araw. Kailangan ko pa ng madaming raket! Ang jutay ng pa-sweldo niya!"Magkano po ang sahod sa ganoon?" labas sa ilong na tanong ko."Apat na daan ang isang araw. Bukod pa ang pamasahe." Nahulog ang panga ko dahil sa gulat.Apat na daan? Ang daks naman ng pasahod niya sa maglalako!"Ha? Ang laki ng sahod. Doon na lang ako, Aling Batseba. Magaling akong maglako! Saan ba iyon?" Beterano ako sa paglalako. Sa sobrang beterano ko nga ay nagagawa kong pagsabay-sabayin ang paglalako at pagnanakaw, eh.Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. "Ayos, maganda siya, paniguradong maraming bibili sa kaniya," mahinang bulong niya ngunit rinig ko naman."Sa metro. Dalawang kompanya lang naman ang pinaglalakuan namin ng mga pagkain. Sa Follare Inc., at ang pinakabigatin ay sa Mc-Gallster Puissance Corporation. Magkakalapit lang ang dalawang building na iyan kaya madali nang hanapin," pagbibigay alam na sabi niya sa akin."Mga bigatin pong establisimento ang mga iyan. Papasukin kaya ako?" tanong ko sa kaniya.Tumango siya bago ngumiti sa akin."Oo naman. Open sila sa lahat ng nagtitinda ng mga pagkain, kase wala namang mga kantina sa kanilang establisimento. Basta may valid id kang dala ay makakapasok ka sa mga nabanggit kong building," masayang wika niya.Wala akong I.D. Pero may dala akong 1x1 na picture."Teka muna, may dala ka bang ID?"Umiling ako sa tanong niya."Wala po, pero mayroon naman akong picture na 1x1."Wala naman akong valid I.D. Hindi naman kasi ako napasok sa school tapos wala rin naman akong card sa mga SSS, Philhealth, at voters I.D."Sige. Akin na ang picture mo. Kayang kaya ko na iyang dayain. May blankong I.D card ang anak ko. Ididikit ko na lang iyong picture mo roon, tapos ilalagay ko ang pangalan mo, tapos ay ipapa-laminate ko na rin kay Gian. Pwede ka na bang magsimula mamaya?" tanong niya.Mabilis akong tumango sa tanong niya. "Gora na po ako diyan, Aling Batseba."Basta malaki ang sahod, papatusin ko agad."Ay! Oo nga pala, Naglalako nga rin pala si Ana Lisa. Para pala mas mapadali kayo sa paglalako ay itotoka ko kayo. Mas mabuting sa Follare Inc na lang si Ana Lisa at ikaw naman ay itotoka ko sa Mc-Gallster Puissance Corporation. Imbis na magsama ay mas makakabuting maghiwalay na lang kayo sa pagtitinda upang mabilis kayong makatapos," aniya."Ah! Sige po. Payag na payag po ako," tumatango na sabi ko.Malawak siyang ngumiti sa akin. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha na tila ba para siyang nanalo sa lotto."Oh! Siya...maupo ka muna diyan sa isang tabi at maghintay ka muna. Pagkatapos kong magluto ay pwede na kayong magsimulang maglako," wika niya habang itinuturo ang upuan na nasa gilid.Magluto? May naisip agad akong paraan para dumami pa ang pera este ang trabaho ko.Pinigilan ko si Aling Batseba sa pag-alis."Teka po, Aling Batsoy- este Batseba. Magkano po ba ang sweldo ng taga-luto niyo?" tanong ko.Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling akong magluto."350 isang araw. Bakit?" nalilito na tanong niya."Kung hindi mo po naitatanong eh, magaling din po akong magluto," pagmamalaki na sabi ko sa kaniya."Gusto mo bang mag-apply rin bilang tagaluto?" tanong ni Aling Batseba."Opo. Kung pwede pa?" may pag-aalinlangan na tanong ko.Agad siyang tumango at ngumiti sa akin."Aba ay oo naman. Pwedeng pwede, sa makatuwid nga ay kaalis lang noong isa naming tagaluto kaya ako ang nagtitiyaga sa kusina. Pinaalis ko kasi hindi siya masarap magluto, teka masarap ka bang magluto ng mga putahe?" madaldal na sambit niya. "Hindi naman po sa pagmamayabang pero mas magaling pa po ako kay Judy Ann Santos sa pagluluto," nagbubuhat ng bangko na sabi ko.Hinawakan niya ako sa balikat bago niya ako iginaya sa kusina. Pumasok kami sa may kaliitan na kusina pero malinis naman."Talaga ba? Sige nga at magluto ka ngayon. Babasihan ko ang luto mo," sabi niya.Gaya nang gusto niya ay nagluto ako ng caldereta, ang paborito kong lutuin. Nang matapos ako ay ipinatikim ko agad ito kay Aling Batseba. Nasarapan siya sa niluto ko kaya agad niya akong inaprubahan. Tanggap agad ako bilang tagaluto at taga paglako ng ulam. "Magluto ka na ng afritada, adobo, chopsuy, sinigang na hipon at ginataang langka. Tatawagin ko lang si Jean at Ellygrace upang tulungan ka sa paggagayat at pagluluto," sambit ni Aling Batseba bago umalis.Minuto lang ang lumipas at bumalik na agad siya kasama ang dalawang babae. Nagsimula na kaming maggayat ng mga panglahok. Mabilis kaming nakatapos kaya nakapagsimula agad kaming magluto."Hi! Ako nga pala si Ellygrace Cabatana at siya naman si Jean Quiamco," pagpapakilala niya habang nakangiti.Nginitian ko sila at pagkatapos ay sinabi ko ang aking pangalan. Hindi ko na sinama pang banggitin ang aking apelyido dahil nahihiya ako. Ang panget kasing pakinggan.Ngumiti sa akin si Jean bago siya nagsalita, "Amara, ang ganda naman ng pangalan mo." Nagsimula na siya sa paggayat ng sibuyas."Bagay na bagay ang pangalan niya sa mukha niya. Parehas maganda," nakangiting puri sa akin ni Ellygrace.Sa buong oras na kami'y nagluto ay nagdadaldalan din kami kaya hindi nakakainip.Nagsimula kaming magluto nang alas nuwebe at natapos kami noong saktong alas onse ng tanghali. Pinagpahinga muna ako ni Aling Batseba dahil maglalako pa ako mamaya. "Amara, nagawa ko na ang I.D mo. Heto, ipapakita mo lang sa guard iyan," sabi niya sa akin bago niya ibinigay ang I.D."Salamat po," pagpapasalamat ko habang kinukuha sa kaniya ang aking I.D."Papunta na rito si Ana Lisa. Sumabay na kayo mamaya kay Antonio papuntang metro," sabi ni Aling Batseba habang tinitikman ang mga niluto ko.Matapos niyang matikman ang bawat ulam ay pinalamig muna niya ito bago ibinalot sa plastic.Nang makarating si Ana Lisa ay umalis na rin kami. Nauna akong sumakay sa tricycle ni Antonio habang dala ang basket na may laman na mga ulam. May sarili rin namang dalang basket si Ana Lisa.Sumunod naman si Ana Lisa sa akin, at doon siya umupo sa may pinto. Nang makaupo siya ay agad ko siyang binati. Kaming dalawa lang ang nakasakay sa loob ng tricycle kaya naman hindi sikip."Kumusta? Ako nga pala si Amara," masiglang paunang bati ko habang inilalahad ang kaliwang kamay ko sa kaniya.Nginitian ko si Ana Lisa ngunit tiningnan niya lang ang kamay kong nakalahad sa kaniya. Hindi siya bumati pabalik, at ni-hindi man lamang niya ginantihan ang aking ngiti.Napalis ang ngiting nakapaskil sa aking mukha. Ay! Ang isnobera naman niya.Ibinaba ko ang aking kamay at ikinamot na lang sa aking noo. Sa lahat ng taong binati ko ay siya lang ang isnabera. Mabaho ba ang hininga ko kaya hindi niya ako pinapansin? Palihim kong inamoy ang aking hininga sa pamamagitan ng paghinga sa aking kamay at saka ito inamoy. Nang maamoy ko na hindi naman mabaho ang hininga ko ay napanguso na lang ako.Maganda naman ako, ah? Hindi naman ako panget para isnabin na lang.Tumahimik na lang ako at umayos sa pagkakaupo. Mukhang mapapanisan ako ng laway dahil sa kasama kong tahimik, baka siya pa ang maging dahilan ng pagbaho ng hininga ko.Umandar na ang sinasakyan naming tricycle pero hindi pa rin niya ako iniimikan."Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya.Tumingin ako sa salaming nasa itaas. Nakita kong tinignan niya rin ako sa salamin pero agad niya ring iniiwas ang tingin niya noong makita akong nakatingin din sa kaniya. Hinintay ko siyang magsalita ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko.Lihim akong napaismid. Ang suplada niya talaga. Ako na nga 'yung nakikipagkaibigan pero ayaw niya pa.Sa buong byahe ay walang nagsasalita sa amin. Hindi naman siya naimik kaya hindi ko na rin siya kinausap pa.Nakarating kami agad sa Metro. Nakikita ko na sa buong paligid ang mga nagtataasang building at mga magagandang infrastraktura. Ang gaganda talaga ng mga building dito. Maraming mga mayayamang tao rito.Dito magandang magnakaw dahil mga rich pipol ang pagala-gala sa lugar na ito, at iyong iba naman ay may mga magagandang trabaho kaya mapepera.Dati ay hindi ko pa nararanasan na mandukot dito kasi marami ritong pulis. Sandamakmak ang mga pulis na nagbabantay. Hindi ko naman pinangarap na magnakaw rito dahil ayaw kong mahuli. Baka mapadali pa ang buhay ko.Napailing ako upang alisin sa aking utak ang naiisip na kagaguhan. Nagbabagong buhay na ako at hinding hindi ko na gagawin ang bagay na iyon.Nang makababa kami ay agad akong nagpasalamat kay Antonio. "Antonio, salamat sa paghatid sa amin, ah!" pagpapasalamat ko sa kaniya."Walang problema. Hihintayin ko pa ba kayo?" Nakangiti na tanong niya habang nakatingin sa akin nang may malisya.Umiling agad ako. "Hindi na. Kaya na naming umuwi. Salamat ulit." "Walang anuman, Amara. Basta para sa'yo. Isang tawag mo lang sa akin ay nariyan na ako sa tabi mo," may malawak na ngiti na sambit niya.Napangiwi ako sa kaniya at napatawa nang pilit. "Tumigil ka nga. Ang landi landi mo." Ang hinayupak na ito! Kakakilala pa lang namin kanina pero nilalandi na agad ako. Akala ba niya ay papatulan ko siya? Huwag na uy! Mas may itsura pa nga si Bakla sa kaniya."Hindi kita nilalandi. Ligaw ang tawag dito," sabi niya."Landi nito! Baka patikimin kita ng ligaw na damo d'yan, eh!" naiirita na bulong ko na alam kong hindi niya narinig.Wala kang pag-asa sa akin. Sa susunod nga ay hindi na ako sasabay sa kaniya, kung ganito lang ang mangyayari ay magko-commute na lang ako sa jeep. "May asawa na ako. Huwag mo nang subukan pang manligaw kung ayaw mong matamaan ng bala," pagsisinungaling na palusot ko."Umalis ka na, Antonio. Maglalako pa kami," tipid na sabi ni Ana Lisa at pagkatapos ay naglakad na siya palayo.Sumunod agad ako sa kaniya. "Saan ba tayo maglalako?" tanong ko habang naglalakad kami.Sinabi na kanina ni Aling Batseba kung saan pero hindi ko na maalala. Ang hirap naman kasing bigkasin tapos Inglis pa."Walang tayo. Ako at ikaw lang," walang emosyon na sagot n'ya.Wow! Humuhugot si Ateng!Napanguso ako sa kaniyang isinagot. Ito ang unang beses na kinausap niya ako pero imbis na seryosong sagot ang makuha ko ay pabalang pa."Grabe ka naman, Ate! Nagtatanong ako nang maayos eh, huwag mo akong barahin," sabi ko habang nakanguso.Hinigpitan ko ang hawak ko sa aking basket na dala at pagkatapos ay inayos ko ang buhok kong nalilipad nang dahil sa hangin."Sa Follare Inc. ako maglalako at ikaw naman ay sa Mc-Gallster Puissance Corporation. Magkahiwalay kaya walang tayo," sabi niya at pagkatapos ay tumigil na siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako.Tiningnan niya ako sa mukha at pagkatapos ay may itinuro siya sa akin. Tiningnan ko kung ano iyon at nang mapansin kong sa building na nasa harapan namin siya nakaturo ay agad akong napanganga.Pilit kong binabasa ang nakapaskil na magandang lettering sa taas pero hindi ko mabasa. Ingles kasi eh! Corporation lang ang alam ko. Nakakamangha naman. Sobrang laki at taas ng building. Paniguradong sobrang yaman ng may-ari nito."Diyan ka maglalako. Ibigay mo lang ang ID mo at papapasukin ka agad nila," parang walang pakialam niyang sabi."Anong kompanya iyan?" tanong ko sa kaniya habang nakatingala sa building na sobrang laki.Ang laki talaga. Ang daks naman ng kompanya na iyan!Napalipat ang tingin ko sa kaniya nang magsalita siya, "Mc-Gallster Puissance Corporation." Pagkatapos ay naglakad agad siya paalis.Hindi ko na lang siya hinabol at nanatili akong nakatayo roon habang umiiling. Basta na lang siyang nang-iiwan. Wala talaga siyang pakisama. Hindi ko na lang siya pinansin at muli kong pinagmasdan ang building na nasa harapan ko bago ako lumakad palapit sa salaming glass na pinto.Lihim pa nga akong napanganga nang makita kong automatic na itong bumubukas tuwing may napasok at nalabas. Ramdam ko ang takot ko noong pumasok ako sa magarang pinto. Baka kasi masira o maipit ako bigla. Nang makapasok ako ay agad akong nilapitan nu'ng security guard. Nakangiti na binati niya ako."Good afternoon, Miss. Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" may malawak na ngiting tanong niya sa akin.Gwapo siya pero hindi ko siya type. Maamo ang mukha niya, kumbaga ay goodboy kung tawagin. Ayoko sa maamong mukha, parang bakla eh. "Maglalako kasi ako sa loob, pwede ba?" may malawak na ngiti na tanong ko."Pwedeng pwede, basta ba iiwan mo rito ang ID mo. At tsaka pipirma ka lang dito tapos pwede ka na agad makapagtinda," nakangiti na sabi niya habang tinititigan ako.Ibinigay ko agad ang ID ko at nang makita niya ito ay lumawak lalo ang kaniyang ngiti."Amara Demalas. Magandang pangalan para sa babaeng ubod din ng ganda," pambobola na sabi niya.Anong maganda sa pangalan ko? Malas iyan! May sumpa ang apelyido ko.Bago niya ako palampasin ay i-tsi-nek niya muna ang laman ng basket na dala ko. Nang matapos siya ay may ibinigay siya sa akin na card na may tali. Isinabit niya ito sa aking leeg."Para saan ito?" nalilito kong tanong sa kaniya habang tinitingnan ang card na naka-kwintas sa akin."Visiting card, Amara. Iyan ang magsisilbing pass card mo upang malaman nila na hindi ka intruder," nagpapa-cute na sagot niya.Intoo--? Ano daw?Inayos niya ang buhok niya at pagkatapos ay kumindat siya sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang pagpapa-cute niya."Ah gano'n ba?" walang ganang reaksyon ko."Oo nga pala, ikaw ba ang nagluto ng mga ulam na iyan?" nahihiya na tanong niya habang nakahawak sa kaniyang batok."Oo naman, gusto mo bang bumili?" alok ko sa kaniya.Tumango siya. Tiningnan niya ang mga ulam at nang makatapos siyang pumili ay binayaran niya agad ito. Matapos iyon ay dumaretso agad ako sa elevator. Papasok na sana ako sa isang elevator ngunit may babaeng pumigil sa akin. Sinabi niyang private elevator daw iyon at tanging may-ari at mga taong may matataas na katungkulan lang ang pwedeng sumakay roon.Wala akong nagawa kundi ang sumabay sa mga empleyado na nakasakay sa kabilang elevator. Maganda na may kasama ako sa pag-sakay roon kasi hindi ako marunong gumamit ng elevator.Marami akong kasabay, sumunod na rin ako noong lumabas sila.Nagbenta ako sa mga empleyado na nakikita ko. Bumibili naman sila sa akin. Kalimitan ay mga lalaking empleyado ang bumibili pero may mga babae rin naman. Habang nagbebenta ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa paligid.Ang ganda ng loob ng opisina nila. Halatang malaki ang nagastos sa pagpapagawa.Tatlong palapag na ang aking napupuntahan at malapit na ring maubos ang aking paninda. Labing tatlong balot ng ulam na lang ang natitira.Tatlong afritada, Apat na caldereta, isang adobo, dalawang chopsuey at tatlong ginataang langka.Naglabasan ang mga empleyadong kasakay ko sa elevator sa 40th floor. Lumabas na rin ako at lumapit sa mga pwesto ng ibang empleyado. Naglako ako sa kanila ng mga ulam. Ang iba ay kumakain na at ang iba naman ay may kaniya kaniyang dalang pagkain.Limang empleyado ang bumili sa akin kaya malapit nang maubos ang aking tinda."Miss, may kare-kare ka bang tinda?" tanong noong isang babaeng may salamin sa mata."Ay! Wala po. Caldereta, afritada, chopsuey, at ginataang langka na lang po ang natitira," sagot ko sa kaniya.Ngumiti siya sa akin at tinignan ang aking paninda. Natigilan lang siya sa pagtingin sa paninda ko dahil biglang may lumapit sa kaniya na isang babae na mukhang Koreana."Eddielyn, Heto na. Ayos na ang sketch na ipinagagawa kay Engineer. Pwede mo nang ipakita kay Sir Orion," sabi noong isang babae.Kinuha noong babaeng nakasalamin na nagngangalang Eddielyn ang makapal na sketching paper doon sa babaeng mukhang Koreana."Salamat, Kate Nathalie," mahinhin na sabi noong babaeng nagngangalan na Eddielyn. Umalis agad iyong si Kate Nathalie kaya itinuloy noong babaeng nakasalamin ang pagbili ng ulam.Magbabayad na sana siya pero agad siyang tumigil dahil tumunog ang cellphone niya. Napasimangot tuloy ako dahil naudlot ang pagbabayad niya.Ibibigay na sana ang pambayad ,eh! Epal naman iyong tumawag. "Wait lang, Miss!" pagpapaalam niyang sabi sa akin."Sige lang." Tumango ako sa kaniya at pagkatapos ay tinitigan ko lang siya.Sinagot niya agad ang tawag gamit ang boses na mahinahon."Sir, bakit po?" tanong niya sa nasa kabilang linya.Tumahimik siya, siguro ay nagsasalita ang nasa kabilang linya."Lunch po? Saang restaurant po? Ah, kahit hindi na po sa restaurant? Ibibili na lang po kita ng lunch....Sige po," sabi niya at tsaka niya ibinaba ang tawag."Miss, pabili nga ulit ako," aniya habang kinukuha niya ang pera sa kaniyang pitaka."Ano pong ulam?" magalang kong tanong sa kaniya."Tig-iisa niyang mga ulam, at tsaka kanin," sabi ni Eddielyn.Ibinigay ko sa kaniya ang lahat ng binili niya. Lubos ang tuwa ko nang makita kong wala ng laman ang basket na dala ko. Binili na niya ang lahat. Ubos na ang paninda ko.Pwede na akong umuwi.Nakangiti na inilagay ko sa plastic bag ang kaniyang binili na mga ulam.Ayos! Maaga akong makakauwi."Kainin kaya ito ni Sir?" rinig kong bulong noong isang babaeng blonde ang buhok na kanina pa namimili ng ulam. Sa sobrang bagal niyang mamili ng ulam ay naunahan siya at naubusan."Oo naman, Miss. Masarap kaya akong magluto, baka pag kinain niya ang mga luto ko ay tumirik ang mata niya sa sarap," may pagmamalaki na pagsabat ko sa kanilang usapan.Napatawa ang babaeng si Eddielyn habang nagbabayad sa akin."Masarap? Sigurado ka, ah? Pag hindi niya iyan nagustuhan ay yari ka sa akin. Gusto niya na masarap lagi ang pagkain niya. Mapili pa naman iyon sa mga pagkain," sabi niya."Masarap 'yan, pangako!" sambit ko."Sige. Sabi mo!" sabi niya habang kinukuha niya ang perang isinukli ko sa kaniya.Naubos agad ang seventy pieces na paninda kong mga ulam. Naging mabenta ang mga putaheng niluto ko.Matapos kong makapagpa-ubos ng paninda ay umuwi agad ako papunta kina Aling Batseba para mag-sulit. Binigyan niya agad ako ng sahod.Binigyan din ako ni Aling Batseba ng isang balot na pansit na galing sa kapitbahay nilang may birthday.Umuwi ako sa bahay ng masaya at may dalang tinapay at pansit para sa aking mga kapatid. Tamang-tama at may panghapunan na kami.Nang makarating ako ay agad na tumakbo si Totoy Bibo palapit sa akin. Hindi pa ako nakakabati sa kaniya ay agad niya akong inunahan sa pagsasalita."Ate Amara, ano iyang dala mo?" tanong niya sa akin at pagkatapos ay kinuha niya ang supot na dala ko."Tinapay," tipid kong sagot habang nakangiti.Binuksan niya ang supot bago tiningnan ang laman nito. Nakita ko kung paano nagliwanag ang kaniyang mukha nang dahil sa nakita."Wow! Mamon. Akala ko pandesal pero mas masarap ito kasi mas mahal ang mamon kesa sa pandesal," may galak na alintana ni Totoy Bibo.Bigla namang sumulpot sa aming tabi si Dodo, Sasam at Kiki."Mamon? Mahal po iyan, diba?" hindi makapaniwala na pang-uusisa ni Dodo."Umuunlad na ba tayo, Ate Amara?" tanong ni Sasam."Ay, hindi pa naman. May marangal na kasi akong trabaho. Kaya ako bumili ng mamon kasi ipagdiriwang natin iyon." "Talaga po, Ate? E'di hindi ka na mandurukot?" masaya na tanong ni Kiki habang nangungulangot.Napangiwi tuloy ako dahil sa nakita. Ang batang ito talaga, kahit kelan ay napagkabastos!Napalipat ang tingin ko kay Sasam nang bigla niya akong kinulbit."Huwag ka po ulit magnanakaw, ah? Promise?" wika ni Sasam.Tumango ako at pagkatapos ay itinaas ko ang kaliwa kong kamay na parang nanunumpa. "Ako si Amara Demalas na nangangako sa inyo na hinding-hindi na ako magnanakaw. Pangako!" sabi ko na parang nanunumpa.Imbis na pumalakpak at matuwa sa akin ang mga kapatid kong hilaw ay tinaasan lang nila ako ng kilay."Ate Amara, mali ka naman po, eh!" nakangusong sabi ni Sasam."Kanan na kamay po dapat ang itaas mo," puna ni Dodo."Ay! Mali pala! Pasensya na," sabi ko habang tumatawa.Ibinaba ko ang aking kaliwang kamay at ang itinaas ko ay ang aking kanang kamay. Matapos iyon ay agad kong inulit ang aking pangako sa kanila.Pumalakpak sila nang nakangiti noong matapos ako. "Yehey! Alam po naming hindi mo babaliin ang pangako mo."Ngumiti ako sa kanilang lahat bilang tugon. Hinding-hindi na ako magnanakaw at ipinapangako ko iyon sa kanila at sa sarili ko."Oh! Tara nang kumain," pagyayakag ko sa kanila.Kinabukasan ay muli akong pumasok sa trabaho. Nagluto ulit ako at pagkatapos noon ay naglako. Doon ulit ako napatoka sa building na pinaglakuan ko kahapon kaya naman walang pagtatanong na pinapasok na agad ako noong security guard. Pinakita ko lang ang ID ko at pagkatapos ay ibinalik na rin niya agad.Tulad kahapon ay naging maganda ang takbo ng aking pagtitinda. Naging mabili ang mga ulam. Bumili ulit sa akin ang mga taong bumili kahapon at may ilan pang dumagdag. Mabuti na lang at marami akong nadalang paninda.Naglalako ako sa fifth floor nang biglang may babaeng humahangos na tumatakbo papunta sa pwesto ko."Emergency! Tabi po muna," malakas na sabi ng isang babae.Nang lingunin ko siya ay agad ko siyang natandaan. Siya iyong babaeng bumili sa akin kahapon, si Eddielyn.Nakita ko kung paano niya marahang tinabig ang mga empleyadong bumibili sa akin. Hindi naman sila nagalit sa babae at pinauna na lang siya. Humihingal na hinawakan niya ako sa balikat."M-miss... Miss!" tawag niya sa akin habang hinahabol niya ang kaniyang hininga.Napangisi ako noong nakita ko kung paano niya habulin ang kaniyang hininga.Hindi ko alam kung matatawa ako o magseseryo na lang pero hindi ko napigilang mapahagalpak nang tawa dahil sa nakita. Habang hinahabol niya ang kanyang hininga ay lumalaki rin ang butas ng ilong niya.Napansin kong nagtinginan sa akin ang mga empleyadong pumipili ng bibilhin nilang ulam. "Miss, bakit? May nakakatawa ba?" tanong noong isang babae.Huminga ako nang malalim upang pigilan ang pagtawa at pagkatapos ay umiling ako sa kaniya. "May naalala lang po akong nakakatawa," sabi ko sabay ngiwi.Napatingin ako kay Eddielyn nang bigla siyang nagsalita."Pabili...raw si Sir Orion...ng ulam. Nagustuhan niya kasi ang.. luto mo," putol putol na sabi niya."Talaga? Sinong Sir?" tsismosang tanong ko sa kaniya. Ang tsismosa ko. Wala lang trip ko lang makipag-tsismisan sa kaniya. Ngumiti siya dahil sa aking itinanong at pagkatapos ay may itinuro sa taas."Si Sir Orion. Ang CEO po ng kompanya," sagot niya."CEO? Ano iyon?" naguguluhang tanong ko.CEO? Ayon ba iyong nasa commercial? Iyong salamin na may grado?Mahinhin na tumawa siya at pagkatapos ay sinagot niya ang aking tanong, "Siya ang may-ari ng kompanya, Miss.""Ah gano'n ba?" nakangiwi na tugon ko.Kung gano'n ay mali ang hula ko."Oo. Ano bang mga tinda mong ulam ngayon?" hinihingal niyang tanong sa akin.Ipinakita ko sa kaniya ang mga paninda ko."Kare-kare, sinigang na baboy, tokwa't baboy, pansit, tortang talong, at pusit na ginataan," sagot ko habang ipinapakita ko ang mga pang-ulam."Bigyan mo ako ng tig-isa ng mga tinda mo," sabi niya matapos niyang tingnan ang mga ulam. Nawaglit lang sa kaniya ang atensyon ko nang may biglang nagsalita."Ah! Eto nga pala ang bayad," sabi ng matanda na babae. Matapos kong tanggapin ang kaniyang bayad ay umalis agad ito.Napatingin ulit ako kay Eddielyn. Nakangiti siya sa akin habang inilalahad niya ang kaniyang bayad.Tinanggap ko ang dalawang daang piso na ibinigay niya."Trenta pesos ang kare-kare, trenta'y singko ang sinigang, bente singko ang tokwa't baboy at pansit, kinse ang tortang talong at trenta ang ginataang pusit. Isang daan at animnapu lahat lahat," sabi ko matapos magkwenta sa aking isip.Kumuha ako sa aking belt bag ng dalawang bente pesos at pagkatapos ay iniabot ko ito sa kaniya. "May sukli ka pa pong apatnapu."Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. Ginantihan ko rin siya nang malawak na ngiti. Ang dami niyang binili. Hindi halata sa payat niyang katawan na matakaw siyang kumain. Ngunit agad akong napailing nang may bigla akong naalala. Hindi nga pala sa kaniya iyon at pabili iyon ng boss niya.Muli akong napailing. Ang takaw naman ng boss niya. Anim na ulam ba naman ang kainin. Ang takaw niya ah. Nang natapos siyang magpasalamat sa akin ay tumalikod agad siya. Sumabay naman sa kaniya ang isang babaeng empleyado rin.Habang papaalis sila ay naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila. Hindi ako tsismosa pero sadyang malakas lang ang mga bunganga nila habang nagkukwentuhan. Parang may megaphone sa lakas."Ang dami mo namang ulam. Pahingi naman ako kahit isa lang," sabi ng isang babae."Hanla, hindi pwede. Kay Sir Orion kasi itong lahat. Pinabili lang sa akin," sagot ni Eddielyn."Hindi ko alam na nakain pala si Sir ng ulam na lako. Akala ko sa mga restaurant lang siya nakain? Sa mga high-class ba," saad ng isang babae."Akala ko nga rin noong una, pero nagulat na lang ako kahapon at nagustuhan niya ang mga ulam na binili ko, tapos nagpabili pa siya sa akin ngayon.""Masarap naman kasi ang luto noong babae," narinig kong sabi noong babaeng madaldal."Sinabi mo pa. Sobrang sarap kaya," pagkukomento rin ni Eddielyn.Bigla akong napangiti nang marinig ko ang mga papuri na sinabi nila. Nakaramdam ako nang sobrang kagalakan. Hanggang sa makauwi ako sa amin ay dala ko pa rin ang kaligayahan sa narinig. Sana bukas ay maging maayos pa rin ang benta ko. Sa pangatlong araw ko sa paglalako ay mas domoble pa ang mag customer ko. Naging mas masaya pa ako dahil lahat sila ay pinupuri ang luto ko. Dalawang palapag pa lang ang na pupuntahan ko ay naubos na agad ang mga itinitinda ko.Palabas na sana ako sa building nang bigla akong natigilan dahil may biglang humigit sa aking braso. Napaangil ako sa sakit dahil medyo madiin ang pagkakahawak nito sa akin. Pansin ko lang, ha? Bakit yata lagi na lang may humihigit sa braso ko?May inis sa mukhang nilingon ko ang walang kwentang tao na humawak sa maganda at makinis kong balat.Ang una kong nakita pagkalingon ko ay kulay berdeng mga mata na nakakatakot kung tumingin.Bigla akong kinabahan sa nakita. Inalis ko ang tingin sa kaniyang mga mata at pinagmasdan ko ang buo niyang mukha. Halos mawalan ako nang malay noong makilala ko siya."Kano!" gulantang na sambit ko.Malakas akong napasinghal sa napagtanto. Siya si Kano! Ang lalaking binasagan ko ng kotse!May nagbara na laway sa aking lalamunan dahil sa kaba. Pati ang puso ko ay hindi nagpaawat at malakas na dumadagundong. Ramdam na ramdam ko ang kaba at takot dahil nakita ko siya.Nanlilisik ang kulay berde niyang mga mata habang nakatingin sa akin.Galit na galit siya! Katapusan ko na yata!"Look who's here? The lady who broke my windshield is here! What a coincidence," hindi ko maintindihan na sabi niya na tila ba tinutudyo ako dahil sa timbre ng kaniyang boses.Tumaas ang gilid ng aking labi nang bigla niya akong pinanlisikan ng mata. Nakangiwi na tinitigan ko siya sa mata.Nag-aalab talaga ang kulay berde niyang mga mata."Magandang tanghali. Ah, eh? Kumusta?" kinakabahan na bati ko sa kaniya. Kunwari ay close kami, kahit na hindi."There's no good in my afternoon," inis na sagot niya sa akin na hindi ko naman naintindihan.Afternoon lang ang naintindihan ko!Mas lalong kumunot ang kaniyang noo at pagkatapos ay napansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Napalunok ako nang mabilis sa nakita.Ders no gud? Ders no gud en? Ano raw?Napangiwi ulit ako dahil sa narinig. Inglis na naman."Ser, nu..no.. ingles..my...me este ano ngang ingles sa ako?" putol putol kong sabi dahil hindi ko mahagilap ang tamang ingles na sasabihin ko.Me? My? Ano? Pero parang I eh?Nakita ko ko kung paano nagsalubong ang kaniyang mga kilay na para bang nauubusan na siya ng pasensya. "Miss, Do you think that you can fool me with your acting? Stop playing like you can't understand me!" may kalakasan na sabi niya at pagkatapos ay naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.Kitang-kita sa mukha niya ang sobrang galit sa akin. Puno ng disgusto na para bang gusto niya akong lamunin ng buhay.Nahulog ang aking panga sa narinig. Hindi ko talaga siya maintindihan!Umiling ako habang pumipiglas nang marahan sa kaniya."No ingles..my nose....iss dumudugo and mee este I kent understand you.. Tagalog only.. plis.. don't ingles me.. I am blade...blading..." pagpipilit na pagsasalita ko ng ingles habang nakahawak sa ilong ko.Pinapakiramdaman ko kasi at baka biglang may lumabas na dugo. Mahirap na at baka duguin ako at himatayin dahil sa pagsasalita ng lenggwahe na hindi ko gamay gamitin."What the fuck are you saying? Fix your grammar!" inis na sigaw niya sa akin."Hoy, Kano! Ingles ka ng Ingles, ni-hindi nga kita maintindihan. Naiinis na ako sa'yo, ah! Pinapahirapan mo ang buhay ko!" nakasimangot na alintana ko habang pinanlakihan siya ng mata.Pinipilit ko ang sarili ko na itrato siya nang maayos pero dahil nabubwisit na ako sa kaka-ingles niya ay hindi na ako makapagtimpi ng inis."Donut ingles me! I'm bladeng..." inis na sigaw ko sa kaniya.Nakakuha yata nang atensyon ang pagsigaw ko kaya nahiya ako nang mapansin kong marami nang nakatingin sa amin na mga empleyado at ang iba sa kanila ay nagbubulungan.Napaiwas ako sa kanila ng tingin nang biglang humigpit ulit ang pagkakahawak sa akin noong lalaking kano. Napabalik ang atensyon ko sa kaniya. "Don't make a scene! You're embarrassing me in front of my employees!" inis niyang sambit."Kano! Sinabing huwag mo akong ingles-in! Ubos na ang pasensya ko sa'yo ah! Etong sa'yo!" inis na sigaw ko at sunod noon ay bigla ko siyang tinuhod.Sapol sa itlog! Malakas siyang napasigaw at napadaing sa sobrang sakit. Nabitawan niya ako kaya naman mabilis akong tumakbo palabas ng salaming pintuan. Kahit malayo na ako ay narinig ko pa ang malakas niyang sigaw na may halong galit."Fuck you!" galit niyang sigaw na dumagundong sa buong building.Aba't ang lalaking iyon! Napagkawalang hiya! Sabihan ba naman ako ng kantot! Napagkabastos!Sa lahat ng ingles na sinabi niya ay iyon lang ang naintindihan ko. Walang lingon-lingon na itinaas ko ang kamay ko at nag-pak you sign sa kaniya. "Mag-isa ka! Gago!" naiinis na sigaw ko habang tumatakbo palayo.Ang bastos ng lintik na kano na iyon! Buti na lang at sinipa ko siya sa bur!Sinisigurado kong hindi na magpapatuloy pang muli ang saling lahi mo.
*
------
Share your thoughts? Any reactions? Hahaha. Salamat po sa pagbabasa. Godbless po. 😉😊
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz