The Billionaire S Sexy Whore
Kabanata 46
"Aling Sares, si Orion po?" tanong ko kay Aling Sares noong makababa ako sa may hagdan.Tanghali na ako nakagising at hindi ko na naabutan pa si Orion sa kaniyang kwarto. Kailangan ko siyang makausap. Alam kong nagkaroon kami ng away kagabi pero kailangan parin naming mag-usap ngayon. "Naku, umalis kaninang alas singko ng umaga." sagot niya sa akin habang tinitingnan ako.Nagsalubong ang aking kilay dahil sa narinig. Umalis siya ngunit bakit?"Po? Wala po siyang trabaho ngayon." mahina kong sabi.Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ayoko mang isipin na pumunta siya kina Shanelle pero may posibilidad na doon siya pumunta. Linggo ngayon at wala siyang trabaho. Nabanggit na din ni Orion sa akin dati na hindi sila nagkikita kita ng mga kaibigan niya tuwing linggo dahil araw iyon para sa pamilya.Nadagdagan na naman ang sakit."Baka may aasikasuhin na emergency sa opisina." sagot sa akin ni Aling Sares.Ngumiti na lang ako ng pilit upang palisin ang lungkot sa mukha ko. Nagpapaalam siya tuwing aalis siya, at tuwing may aasikasuhin siya sa opisina."Ah sige po." mahinang sabi ko.Aalis na sana siya upang pumunta sa kusina pero agad ko siyang pinigilan."Manang...""Bakit?" tanong niya sa akin."Magpapaalam po sana akong umuwi muna." mahina kong sabi sa kaniya."Ha? Dadalawin mo ba si Daniela?" tanong niya sa akin."Opo. Bibisitahin ko lang po ang kaibigan ko." tumatango na sabi ko. Kailangan ko ng kaibigan na makakausap. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang sakit."Sige. Ngayon na ba? Ingat ka ha?" pilit na ngumiti ako sa kaniya."Wala si Mang Jun dahil kasama siya ni Donya Emily sa pagshopping. Walang maghahatid sayo ngayon." pagpapatuloy niyang sabi."Ayos lang po. Sanay naman po akong mag-commute." mahina na sabi ko."Mag-iingat ka sa byahe ah?" bilin niya."Salamat po."Pumunta agad ako sa bahay namin. Pagpasok ko pa lang ay sinalubong na agad ako ng katahimikan. Wala na ang maiingay kong mga kapatid. Noong makita ko si Daniela ay agad ko siyang sinalubong ng yakap.Natawa siya sa aking ginawa noong isinisiksik ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib."Miss na kita bakla." mahinang sabi ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang pag-iyak."Nako, baka ako ang pinaglilihian mo ah?" Natatawa niyang sabi sa akin."Hindi no. Ang panget panget mo tapos ikaw ang paglilihian ko? Ayokong maging panget ang anak ko no." Pang-aasar na sabi ko sa kaniya.Nagtawanan kami sa sinabi niya at pagkatapos ay ngumuso ako habang humihiwalay sa kaniya."Sus, tara libre kita? Sumahod na ako sa trabaho ko." pagyayakag niya sa akin.Tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya."Sige. Buntis ako ngayon kaya maghanda ka na! Ubos ang pera mo." sabi ko"Dapat nga ikaw manlibre eh! Mayaman ka na. May mapapangasawa kang bilyonaryo." Tipid akong napangiti sa sinabi niya. Pilit kong itinatago ang lungkot na nadarama ko.Noong makarating kami sa aming pupuntahan ay inalalayan niya akong bumaba sa jeep.Napansin ko ang restaurant na pamilyar sa akin. Nandito kami sa lugar kung saan sinira ko ang kotse ni Orion. Napangiti ako sa kawalan noong muli kong naalala ang nangyari. "Siguro malaki ang nasahod mo no? Mamahalin dyan ang pagkain. Ang Galante mo naman manlibre." nakangisi na sabi ko sa kaniya."Gaga! Doon tayo sa may likod niyan kakain. Doon sa karinderya. Akala mo ba afford ko dyan? Hindi no!" Napangiti ako noong sabihin niya iyon."Teka, pupunta lang ako doon sa karinderya. Dyan ka muna. Baka kasi sarado eh. Medyo malayo pa ang lalakarin, baka mahirapan ka dahil sa pagpapabalik balik. Mas magandang ako na lang ang mahirapan kesa ikaw." pahayag niya at tumango na lang ako at pumayag."Sige. Ang sweet naman ng bestfriend ko. Hihintayin na lang kita dito." Mahina kong sabi.Maarte siyang tumakbo kaya napatawa ako sa ginawa niya. Lumapit ako sa may glass wall ng mamahaling restaurant. Nawili ako sa pagtingin doon sa baby na pinapakain noong ina niya. Tawang tawa ang bata habang hinuhuli ang kutsara na isusubo sa kaniya ng ina. Nakita ko ang malawak na pag-ngiti ng asawa noong babae. Hinalikan nito ang ulo ng baby kaya mas lalong lumaki ang ngiti noong bata.Napangiti ako sa nakita. Isa silang masaya at kompletong pamilya.Masayang pinagmasdan ko sila. Kami kaya maging ganoon? Sana ako ang piliin ni Orion. Sana ako yung panindigan niya at pakasalan. Gagawin ko ang lahat para mas mahalin niya ako ng todo. Gusto kong mabigyan ang anak ko ng kumpletong pamilya. Buo katulad ng nakikita ko sa kanila.Ang aking nakangiti na mukha ay unti-unting naglaho noong hindi inaasahan na mapatingin ako sa pinaka-loob ng restaurant.Nandoon si Orion kasama ang babaeng hanggang ngayon ay minamahal niya parin.Bigla kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko. Masayang tumatawa ang babae habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Si Orion naman ay nakatingin sa babae habang nakangiti.Kuyom ang palad na napahawak ako sa pader na nasa tabihan ko. Kumuha ako ng suporta dito upang hindi ako tuluyang tumumba.Nakita ko kung paano inilabas ni Orion ang maliit na kahon. Kahit malayo ako sa kanila ay alam ko parin kung ano ang laman nito dahil bahagya iyong kuminang noong masinagan ng araw. Nakita ko kung paano nagulat ang babae sa inilabas ni Orion.Sing-sing?Nanlulumo na napahawak ako sa aking labi. Ang aking mga luha ay sunod-sunod na pumatak dahil sa sakit.Kung ganoon ay siya ang pinili mo? Paano naman kaming dalawa ng anak mo? Siguro nga at mas mahal mo siya kaya mas pinili mo siya.Ang sakit. Sa sobrang sakit ay parang hinahati sa dalawa ang puso ko na halos patayin na ang mga ugat nito.Dahil sa panghihina na nararamdaman ay muntik na akong mawalan ng balanse. Mabuti na lang at may biglang umalalay sa akin sa likuran."Bakla, ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Daniela sa tabihan ko.Mariin akong napapikit noong maramdaman ko ang pagkakahilo ko."Masama ang pakiramdam ko, Daniela. Pwede na ba tayong umuwi?" mahina na sabi ko.Pakiramdam ko ay para akong itinapon at iniwan. Matapos gamitin at paasahin ay basta na lang iiwan.Ayoko nang mahalin siya. Iba ang sakit na dala ng pagmamahal ko sa kaniya.Ayokong magpakatanga sayo, Orion. Alam kong mahal na mahal kita pero hindi ako darating sa punto na luluhod sa harapan mo para lang magmakaawa. Hindi ako magpapaka-baliw sayo. Ayoko ng sirain pa lalo ang sarili ko. Kung ayaw mo sa akin at kung siya ang pinili mo. Mas maganda siguro kung sarili ko na lang ang piliin ko."Amara... Ano bang nangyayari sayo?" nag-aalala na tanong sa akin ni Daniela.Malungkot na napatingin ako sa kaniya."Wala. Masama lang talaga ang pakiramdam ko." mahina kong sabi at pagkatapos ay kinagat ko ang labi ko.Hindi siya naniniwala sa sinasabi ko kaya muli niya akong tinanong. "Sigurado ka ba? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?""Hindi na. Kaya ko pa naman eh." Pagtanggi na sabi ko.Kaya ko pa namang tiisin yung sakit na nararamdaman ko."Maputla ka bakla eh." Puna ni Daniela sa akin."At tsaka sobrang pugto ng mga mata mo." May kuryosidad na tanong niya sa akin."Ayos lang ako, Daniela." muli kong sabi habang nakatulala sa kawalan."Amara, may problema ba? Nandito lang ako, bakla. Handang makinig sa problema mo." mahina na sambit niya sa akin. Halata sa boses niya ang sobrang pag-aalala.Doon biglang bumuhos ang luha na pinipigilan ko."Daniela..." umiiyak na tawag ko sa kaniya.Lumapit siya sa akin at pagkatapos ay agad niya akong niyakap."Ang sakit sakit." sumbong ko sa kaniya na parang bata."Bakit anong nangyari sayo? Sinaktan ka ba ni Orion?" nag-aalala na tanong niya sa akin."Mahal niya pa pala yung ex niya eh." mahinang sabi ko habang humihikbi.Bigla siyang napamura ng malakas at pagkatapos ay humiwalay siya sa pagkakayakap ko."Ha? Gago pala yun eh! Nasaan siya? Bubugbugin ko!" malakas niyang sigaw.Umiling ako sa kaniya at pagkatapos ay napatulala ako sa kawalan."Masakit yung ginawa niya.. minahal ko siya...akala ko ay kami din hanggang huli pero hindi pala. Mas pinili niya ang ex niya kesa sa akin." Nanghihina na napabuntong hininga ako."Nakita ko sila kanina. Nag-propose si Orion sa restaurant." Kwento ko sa kaniya habang tumutulo ang luha sa aking mga mata."Tang ina! Pag siya nakita ko, bubugbugin ko talaga siya!"Hinawakan ko siya at pagkatapos ay nginitian ng malungkot."Huwag. Huwag mo siyang saktan dahil hindi ko gustong masaktan siya." Nakikiusap na sabi ko sa kaniya.Bigla siyang natigilan sa sinabi ko at hindi makapaniwala na tiningnan niya ako."At ano? Ayaw mo siyang masaktan pero ikaw sinaktan niya? Ano yun ayaw mong gantihan?" inis niyang sabi."A-yoko. Basta kung makita mo man siya. U-makto ka na lang na h-hndi mo siya kilala." Muling pakiusap ko sa kaniya."Pero Amara." "Pakiusap." hinawakan ko siya sa kamay at pagkatapos ay tiningnan ko siya.Bumunot siya ng malalim na paghinga."Oo sige. Kung iyan ang gusto mo." Sumusuko na sabi niya."Gusto ko sanang umuwi sa probinsya namin." "Ha? Ngayon na?" nanlalaki ang mga mata na tanong niya.Tumango ako sa kaniya at pagkatapos ay umiwas ako sa kaniya ng tingin."Oo sana." Tipid kong sabi.Kailangan ko munang magpakalayo-layo."Pwede ba akong makahiram ng pamasahe?" nakikiusap na sabi ko habang tinitingnan siya.Mabilis siyang tumango at pagkatapos ay hinawakan niya ang aking balikat."Oo naman pero hindi ba masyadong delikado kung bibiyahe ka ng gabi?" Nag-aalala niyang sabi."Ipagpabukas mo na lang kaya?""Gusto ng umuwi." May tipid na ngiti na sabi ko.Wala siyang nagawa kundi ang tumango at pumayag sa gusto ko."Sige.. ihahatid kita sa terminal ngayon. Hindi mo na ba kukunin sa mansyon ang mga gamit mo?" Tanong niya sa akin.Pinanlisikan ko siya ng mata dahil sa tanong niya. Alam kong inaasar niya ako kaya inismiran ko siya. Ang lungkot na nararamdaman ko ay bahagyang nawala dahil sa biro niya."Hindi na. Ayoko na siyang makita." mahinang sabi niya."Sige. Akala ko kasi gusto mo pa siyang maka-goodbye fuck." natatawa niyang sabi.Inis na pinandilatan ko siya ng mata dahil sa biro niya. Ang baklang ito takaga, nilumutan pa ang utak ko."Joke lang. Saglit lang kukuha lang ako ng jacket." pagpapaalam niya.Noong makabalik siya ay agad niyang ibinigay sa akin ang jacket niya. Isinuot ko iyon at pagkatapos ay pinasalamatan ko siya."Amara, hindi ako makakasama sayo papuntang probinsya ha? Susunod na lang ako kung wala na akong trabaho. Ibigay mo na lang sa akin ang address mo." malungkot na sabi niya.Tipid akong napangiti sa kaniya. Naiintindihan ko naman. May kaniya kaniya kaming buhay at alam kong gusto niyang magtrabaho upang makaipon."Sige."Isinusulat ko sa papel ang address namin sa probinsya at ibinigay ko ito sa kaniya. Inihatid niya ako at noong sumakay ako sa bus ay umiiyak na kumaway sa akin si Daniela. Noong nasa byahe na ako ay tsaka ako umiyak. Mamimiss ko si Daniela. Alam kong matatagalan pa ulit bago kami magkita. Walang kasiguraduhan kung babalik pa ako sa Maynila dahil hangga't maaari ay ayoko ng magtagpo ang landas namin ni Orion. Pinagmasdan ko muna ang buong bahay at tipid akong napangiti noong makita ko doon ang pagbabago.Ang aming dating kawayan at plywood na bahay ay purong hollow blocks na ngayon. Lumaki ang bahay namin kumpara sa dati. Salamin na din ang bintana nito.May nakita din akong isang maliit na bahay na nasa may tabi lang. Wala pa ito dati. Ang laki na talaga ng pinagbago.Lumapit ako sa bahay na malaki. Kumatok ako sa pintuan namin. Saradong sarado na ang matigas na kahoy na pinto. Dati ay kawayan lang ang aming pinto. May kuryente na din kami hindi tulad dati na wala pa.Noong tumingin ako sa relo ko ay nakita kong alas tres na ng madaling araw. May buma-byahe ng tricycle kanina kaya nakasakay agad ako papunta dito sa baryo namin."Sino yan?" rinig kong sabi ni Inay sa loob ng bahay."Inay." tipid na tawag ko sa kaniya.Sa ilang taon ay ngayon ko lang narinig ang boses niya."Susko! Amara ikaw ba iyan?" may kalakasan na sigaw ni Inay sa loob."Opo, ako po ito inay." mahina na tugon ko sa kaniya.Binuksan ni Inay ang pintuan at noong makita niya ako ay naiyak siya sa sobrang tuwa. Pati ako ay hindi ko maiwasang mapaiyak din sa sobrang pagka-miss sa kanila."Amara." mahinang tawag niya sa akin habang hinahaplos niya ang aking mukha.Agad akong binitawan ni Inay at pagkatapos ay sumigaw siya habang tumitingin sa loob ng bahay."Hulyo, Diyos ko po. Nandito na si Amara." Tumatawag na sigaw niya kay Ama.Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng bahay at nakita ko ang apat na kwarto doon. Nakita kong naglabasan sa kanilang kwarto ang aking mga kapatid.Si Kuya Kalel at Kuya Holi ay agad lumapit sa akin.Yakap yakap ko si Inay kaya bahagya akong humiwalay sa kaniya at pagkatapos ay si Kuya Kalel naman ang yumakap sa akin."Amara, kamusta ka na?" Natutuwa na tanong sa akin ni Kuya Kalel."Ayos lang ako kuya." umiiyak na sabi ko.Miss na miss ko na silang lahat.Niyakap din ako ni Kuya Holi at pagkatapos ay tinapik niya ang likod ko. Sinabi niya kung gaano niya ako namiss."Si Ama?" mahinang tanong ko sa kanila.Pagkatapos kong itanong iyon ay saktong paglabas naman ni Ama sa isang kwarto. Lumayo sila Inay sa akin at tumabi. Mas lalo kong nakita ang kabuuan ni Ama. Ang dating payat niyang katawan ay bahagyang nagkalaman. Pati ang itim niyang buhok ay nahahaluan na ng puti.Malamlam ang mga mata niya noong nakita niya ako pero noong bumaba ang kaniyang tingin sa aking malaking tiyan ay bahagya siyang natigilan."Nasaan ang asawa mo?" bungad na tanong niya sa akin."Wala po akong asawa, Ama." Mahina kong sagot sa kaniya.Nakita ko ang biglang pagtalim ng tingin niya sa akin na tila nagalit sa sinabi ko. Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa nakitang ekspresyon mula sa kaniya."Umalis ka sa pamamahay ko! Wala akong anak na babae." madilim ang mukha na pagtataboy niya sa akin habang tinitingnan ako ng masama.Muli akong nasaktan dahil alam kong dismayado na naman siya sa akin."Hulyo." Rinig kong tawag sa kaniya ni Inay.Inis niyang tiningnan si Inay habang nagsasalita. "Ano! Hindi bat umalis iyan! Iniwan niya tayo at lumayas kaya marapat lang na hindi na natin iyan kilalanin bilang anak!"Muli niya akong tinapunan ng tingin at pagkatapos ay umiling siya."Bakit ka pa bumalik dito? Ha? Dahil sa kadahilanang buntis ka? Ano? Hindi ka pinanagutan ng ama ng dinadala mo kaya ka umuwi dito?" May hinanakit na sabi niya sa akin.Kagat labi na pinigilan kong mapahikbi sa harap nila. Ang sakit sakit na ipagtabuyan ng ama ko. Ang sakit sakit makita na halos kamuhian ako ng ama ko dahil dismayado siya sa akin."Wala akong anak na disgrasyada!" Galit na galit na sigaw niya na siyang ikinapunit naman ng puso ko.Papasok na sana ako sa bahay upang yumakap sa kaniya pero agad akong natigilan noong marinig ko ang sinabi niya."Palayasin niyo yan! Ayokong makita ang pagmumukha ng babaeng iyan." malakas ang boses na sabi niya.Lumuluha na napailing ako habang tinatawag siya. "Ama"Nanlumo ako noong sinaraduhan ni Ama nang malakas ang pinto. Naiwan akong umiiyak sa labas.Narinig ko ang pagtaas ng boses ni Inay at pinapagalitan si Ama ngunit naging matigas siya at hindi ako pinapasok sa loob.Limang minuto akong naghintay sa labas. Nakatayo lang ako doon at umiiyak.Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Inay na may hawak na kumot at unan. Noong nakalabas siya ay sinaraduhan niya ang pinto."Amara, sundan mo ako." sabi niya sa akin.Sumunod ako sa kaniya at pumunta kami sa kabilang bahay. Kumatok siya at may tinawag. Bumukas ang pinto at nakita ko si Kuya Bojo na kakagising lang."Inay bakit po---- Amara?" nanlalaki ang mga mata na tawag niya sa akin noong makita niya ako sa tabi ni Inay."Kuya Bojo" may tipid na ngiti na tawag ko sa kaniya."Amara, ikaw nga!" Masayang sabi niya sa akin at pagkatapos ay lumapit siya sa akin at niyakap ako. Pinapasok niya kami ni Inay sa loob noong maghiwalay kami. "Bojo, dito mo muna patulugin ang kapatid mo. Galit pa kasi ang Ama mo kaya ayaw siyang patuluyin." Paliwanag ni Inay sa kuya ko.Masayang tumango naman si Kuya Bojo at tsaka niya ako inakbayan."Oo naman po Inay. Kapatid ko naman si Ara." sabi niya at pagkatapos ay bahagya niyang ginulo ang buhok ko.Napangiti ako ng tipid dahil sa ginawa niya. Parang katulad lang noong mga bata kami. Lagi niyang ginugulo ang aking buhok."Bunso, siya nga pala ang asawa ko." Masayang pakilala niya sa isang babae.Ngumiti ako doon sa babae na kalalabas lang sa kwarto. Ngumiti siya at nakipagkilala din. Maganda siya at nahalata ko na agad sa kaniya ang labis niyang pagmamahal sa kuya ko."Kapatid na bunso namin, Mahal." pakilala sa akin ni Kuya."Maligayang pagbabalik, Amara." napangiti ako habang lumuluha dahil sa sinabi ni Kuya Bojo.Namiss ko silang lahat. Sobrang namiss ko sila lalong lalo na si Ama. Ayaw niya man akong tanggapin ngayon ngunit gagawin ko ang paraan upang mapatawad niya ako.Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz