The Billionaire S Sexy Whore
Kabanata 26
"Amara"Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi. Napangiti akong muli noong maalala ang nangyari. Sibuyas, ikaw lang ang kayang makapagpagulo ng aking nararamdaman. Ang iyong halik ay nakakapagpabaliw sa akin."Amara."Kanina lang umaga bago ako umalis sa mansyon niya ay halos hindi niya na pakawalan ang labi ko sa tagal ng halik niya sa akin."Nabili ko na yung giniling na pinabibili mo."Bakit naramdaman ko parin ang malambot niyang mga labi?"Hoy bruha! Kanina pa kitang tinatawag pero tulala na tulala ka d'yan! Para kang namaligno!" sigaw ng isang matinis na boses habang hinahampas ako sa braso.Para akong binuhusan ng malamig na tubig noong bumalik ako sa realidad. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko si Daniela na nakapamay-awang na habang tinitingnan ako.Nakataas ang makapal niyang kilay habang nahihiwagaan niya akong tinitignan.Kanina niya pa ba ako tinatawag? Kanina pa ba siya? Napasimangot ako noong may naalala. Umaga ko pa siya pinabili pero gabi na siya umuwi. Maghapon akong nahintay sa kaniya. Halos mamuti na ang mata ko sa kakahintay sa binili niyang giniling."Tulalang tulala ka ha! Ano na naman ang pinag-iisip mo?" mataray na tanong niya.Pinaningkitan niya ako ng mata na tila iniimbestigahan niya ang aking mukha. Narinig kong napasinghap siya noong may nakita."At bakit ka nakahawak sa labi mo?" naningkit lalo ang kaniyang mga mata.Napanguso ako at pagkatapos ay binitiwan ko ang aking labi. "Masakit eh." mahina kong sabi.Inilapit niya ang mukha sa akin at pinagmamasdan niya ang aking labi. Nailang tuloy ako bigla sa kaniyang ginawa. Pinagmasdan niya ng mabuti ang aking labi.Nakita ko kung paano namilog ang mga mata niya, at kasunod noon ang malakas niyang pagsinghap."Aba! Bakit parang paga iyan?" malakas niyang sigaw sa akin."Ha? Anong paga?" natatarantang sabi ko. Halatang halata pa ba ang pagkapaga ng labi ko?Ni-hindi naman ako pinuna ng mga bata kanina. Siya lang ang bukod tanging nakapuna nito."Ngayon ko lang napansin iyang labi mo! Bakit parang nilamutak ng halik iyan? At bakit namumula!" madiin niyang sambit. May pag-aakusa na makikita sa kaniyang mga mata."Hindi ah!" mabilis kong tanggi sa sinabi niya.Tinaasan niya ako ng kilay at pagkatapos ay ngumisi siya."Bruha ka! Baka nakikipaghalikan ka na ha?" Tanong niya pero halatang halata sa boses niya ang kasiguraduhan."Baliw hindi noh!" Mabilis ko ulit na pagtanggi."Amara ha! Huwag mo akong pag lolokohin! Ganyan din ang labi ko dati noong may jowa pa ako!" may kalakasang sabi niya sa akin."Saan ka nakipaghalikan?" tanong niya. Nanlilisik ang mga mata niya."Hindi nga sabi ako nakipaghalikan!" muling giit ko sa kaniya."Huwag mo na akong lokohin!" Mataray na sabi niya.Umiwas ako ng tingin sa kaniya st pagkatapos ay ngumuso. Sus, siya nga dati ay hindi ko pinapakialaman tuwing nakikipaglandian siya sa mga lalaki niya."Matanda na ako. Pwede na akong magpahalik." Pag-aamin na sabi ko.Narinig kong muli sa kaniya ang malakas na pagsinghap niya. Eksaherada niya akong tinuro at kasunod noon ay napahawak siya sa kaniyang ulo na tila namomoblema."Gaga! Malandi! Sinong humalik sayo?" tanong niya sa akin.Napanguso ako at pagkatapos ay natigilan sa itinanong niya. Sasabihin ko ba? Baka sabunutan niya ako dahil sa inis. Ilang beses ko bang tinanggi si Orion sa kaniya? Pinulaan ko pa ang lalaki sa kaniya dati."Kay...." tumigil ako sa pagsasalita.Hindi ako magsisinungaling."Kaninong labi ang pumapak sa labi mong birhen?" May kuryosidad sa boses na tanong niya.Birhen ang labi? Matagal na akong hinalikan ni Sibuyas. Matagal ng hindi birhen ang labi ko."Sino?" mariin niyang tanong.Natigilan kami dahil biglang may kumatok sa pinto. Parehas kaming napasilip sa salas kung saan nandoon ang pinto.Wala naman kaming inaasahan na bibisita sa amin ngayong desperas ng pasko. Mag-aalas onse na ng gabi at isang oras na lang ay pasko na.At itong bakla na ito ay masyado talagang gala dahil ngayon lang siya umuwi.Sinitsitan ko si Daniela, at pagkatapos ay pinanlakihan ko siya ng mata. "May bisita ka ba? Baklang ito! Baka nangumbida ka ng isang batalyon na mga lalaki mo! Kakaunti lang ang handa natin para sa noche buena!" mahinang sabi ko.Hindi naman sa nagdadamot pero kasya lang sa aming pamilya ang niluto namin. Nagluto ako ng isa't kalahating kilo ng spaghetti. Ito ang gusto ng mga bata kaya ito ang niluto ko. Kaso dahil ngayon lang umuwi ang baklang chismosa na ito, hindi napalahok ang giniling na pinabili ko."Bakla ka, mangungumbida pa ba ako eh ang unti lang naman ng handa natin. Sa akin pa nga lang ay kulang na kulang na ang spaghetti, tapos mamimigay pa ako sa iba? Haler! Mas maigi pang atin na lang iyon. Isang beses sa isang taon lang tayo makakatikim ng spaghetti. Swertihan pa kung may birthday-an sa tabi tabi." mahabang sabi ni Daniela."Kung hindi ikaw ang nangumbida ay sino?" naguguluhan na tanong ko.Bigla kaming natigilang dalawa noong marinig namin ang pagtili ng mga bata sa loob ng kwarto. Naglalaro ang mga ito upang libangin ang sarili at hindi antukin. Napatingin kami sa pinto ng kwarto ng mga ito."Baka ang mga bata! Sinabi ko na sa kanila kanina na huwag ng kumbidahin ang mga kaibigan nilang pulubi eh" nanlulumo na sabi niya."Hindi kasya ang niluto ko." Namomoblema na sabi ko.Sapat lang sa amin ang niluto ko. Tig kakarampot na lang yata ang kakainin namin. Napabuntong hininga ako."Hayaan mo na nga. Magluluto na lang ako ng pansit sotanghon." mahinang sambit ko.May konting gulay at sotanghon pa. Kasya na siguro iyon para sa lulutuin na pansit. Mga delata na lang kasi ang natira sa groceries na ibinigay ni Sibuyas. Pag nagkulang sa pagkain ay iyon na lang din ang ihahain namin na handa.Tatawagin ko na sana ang mga ito upang sabihin na nandito na ang mga kaibigan nila ngunit natigilan kami dahil kumatok na naman ang nasa labas. Sunod-sunod na ito at malakas na din ang pagkakakatok nito sa pinto."Ano ba yan, kakatok lang. Gigil na gigil pa. Pag ako naiyamot sa mga batang iyan. Kukutusan ko sila." nagrereklamo na sabi niya.Natawa na lang ako. Kanina ko pa napapansin na mainit ang ulo niya. Noong umuwi ako kaninang ala-una ng hapon ay napansin kong balisa ang bakla at malalim ang iniisip. Mabilis din siyang mairita. Kung hindi lang siya bakla ay baka inisip ko ng may regla siya.Hindi ako nakatiis kanina kaya tinanong ko siya kung ano ang problema niya. At napairap na lang ako sa isinagot niya. Hindi daw pumayag ang boyfriend niya na ipakilala siya sa mga magulang ng lalaki. Kaya paskong pasko ay galit na galit ang bruha.May boyfriend na naman pala ang bakla."Bawal pumatol sa bata." nagpapaalala na sabi ko.Inirapan niya ako at pagkatapos ay humalukipkip siya."Che! Kukutusan ko talaga iyan! Halos gibain na ang pinto oh!" mataray niyang sabi.Umiling lang ako sa sinabi niya. Ang sama talaga ng ugali niya. Pati bata gustong patulan."Saglit lang. Bubuksan ko na." sigaw ko. Tumigil ito sa pagkatok pero hindi parin natigil ang pagrereklamo ni Daniela.Lumabas ako sa kusina at nagtungo ako sa salas papunta sa pinto. Hindi naman sumunod si Daniela at naiwan siya sa kusina.Binuksan ko ang pinto at halos malaglag ang panga ko noong makita ko kung sino ang kumakatok dito."Hi. Advance Merry Christmas, Amara." may tipid na ngiti na sabi ni Orion.Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Bakit siya nandito? Bakit bigla na lang siyang sumulpot dito sa bahay namin?"B-bakit ka na-ndito?" nauutal kong tanong."Dito ako magce-celebrate ng pasko." sabi niya at siya na ang pumasok sa loob ng bahay kahit hindi ko siya sinasabihan.Hindi ko pa nga siya pinapapasok eh!Ngayon ko lang napansin na may dala siyang dalawang plastic bag na may tatak ng kilalang fast food restaurant. Huwag niyang sabihin na nagdala pa siya ng madaming pagkain?Ipinatong niya ang mga dala sa lamesita na nasa salas. Gulat parin ako habang lumalapit sa kaniya."Bakit dito ka magpapasko?" tanong ko sa kaniya.Nabigla ako nang walang pasabi niya akong hinalikan sa pisngi. Hindi ko na siya pinigilan at kagat labi na lang akong tumingin sa kaniya."Why not here? My soon to be girlfriend is here." may ngiti sa labi na sabi niya.Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha. Naalala ko ang nangyari kanina bago ako umuwi. Sinabi niyang gusto niya akong maging jowa pero sabi ko ay dahan dahanin muna namin ang bawat pangyayari. Sinabi kong manligaw muna siya kung talagang seryoso siya sa akin."At nasabi ko na naman sa'yo dati na dito ako magpapasko diba?" aniya.Hinawakan niya ang kamay ko at pagkatapos ay masuyo niya akong nginitian."Hindi mo sinabi." sambit ko."Sinabi ko, but I said it in English language." sabi niya habang nakangiti. Ako naman ay napanguso.Pagtalaga kaunti lang ang alam sa ingles naloloko!Bigla niyang hinawakan ang baba ko. Tiningnan niya ang aking mata, at nakipagtitigan din ako sa kaniya."Aren't you happy that I am here?" Masuyong tanong niya sa akin.Hindi parin talaga ako makapaniwala na ganito na ang nangyayari sa pagitan namin. Masyadong mabilis. Ibang iba na siya. Sobrang sweet niya na.Hindi ako sumagot sa kaniya, at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Bumunot siya ng malalim na paghinga. Itinaas niya pa ng konti ang aking baba at pagkatapos ay dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Hindi nagtagal ay hinalikan niya ako sa labi.Mabilis lang iyon pero hindi iyon nakaligtas sa chismosong si Daniela. Narinig namin ang malakas nitong pagtili."Mga baboy! At sa aking pamamahay pa kayo nagtutukaan? Mga wala kayong respeto!" Matinis na sigaw niya.Lumayo agad ako kay Sibuyas at pagkatapos ay tiningnan ko si Daniela. Ang baklang ito talaga. Kahit kelan ay eskandalosa."Bakla ka, bahay ko ito. Wala kang paki kung mag-halikan kami dito." natatawang sabi ko sa bakla.Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Orion. Paniguradong ako lang ang nakarinig noon."Aba, at talagang hindi mo itinanggi. Mahadera kang babae ka! Hindi kita pinalaki ng ganyan." may pagrereklamo na sabi niya.Nginisian ko lang ang kaibigan kong madaldal."Tumahimik ka nga dyan." pagpapatigil ko sa kaniya.Tiningnan ko si Orion at nginitian ko siya. "Pagpasensyahan mo na ang baklang yan. Hindi pa kasi yan umiinom ng gamot kaya nag-da-drama." Bulong ko sa kaniya.Tumango siya at pagkatapos ay hinalikan niya ako sa kamay. Muli na naman tuloy akong napatigil. Hindi ako sanay na ganito siya ka lambing. Pero gusto ko ang ginagawa niyang ito."It's okay. I don't mind it at all. I'm the one who kissed you, not minding if someone can see us. I should have to respect them. Mali naman talagang halikan ka sa harap nila. I bet they are conservative." paghingi niya ng pasensya.Nginitian ko lang siya at inilingan. "Bitter lang ang isang iyan. Wala na kasing lovelife." Natatawang bulong ko.Ay mali ako. May jowa na din pala ang bakla. Sadya lang intrimitida kaya ganyan. Napangisi si Orion at pagkatapos ay tumango. Nagkasalubong ulit ang aming tingin at pagkatapos ay sabay kaming natawa ng walang dahilan. Agad din namang naudlot ang pagtawa namin dahil biglang sumulpot si Daniela sa tabi ko at hinigit ako.Ang tinginan namin ay naputol at pati ang pagkakahawak ng kamay namin ay napigtas."Tara na muna sa kusina. Ihahanda lang namin ang pagkain. D'yan ka muna pogi ha? Stay put ka lang dyan sa salas." malanding sabi ni Daniela at binitawan niya ako. Kinuha niya ang mga dalang pagkain ni Orion."Tatawagin ka na lang namin paghanda na." sabi ko. Tumango si Orion at ngumiti.Nagpunta kami sa kusina ni Daniela, at noong makapasok kami dito ay agad niya akong hinampas sa braso."Bakla ka! Siya ba ang lumapa sa namamaga mong labi? Malandi! Kelan pa naging kayo?" Mahina ngunit gigil na tanong niya.Napanguso ako. Ano kayang magiging reaksyon niya pag sinabi kong hindi pa kami?"Hindi pa kami." mahina kong sagot.Napasinghap ng malakas ang bakla dahil sa sinabi ko. Sinabunutan niya ako pero hindi naman masakit.Natawa ako sa ginawa niya. Gigil na gigil ang bakla."Pero nagpapahalik ka?" may inis na tanong niya.Tumango ako sa kaniya at pagkatapos ay nagkamot ng ulo."Malandi talaga!" nanggigigil na sabi niya."Gusto ko siya at gusto niya din ako. Wala na naman sigurong masama doon." sambit ko at pagkatapos ay ngumuso ako.Pinandilatan niya ako ng mata at kasunod noon ang nakakamatay na irap niya."Gaga! Dapat bago ka magpahalik, may relasyon dapat kayo!" mariin niyang sigaw sa akin."Doon din naman iyon tutungo. Wala naman yatang masama kung una ang halik" Nakanguso na sabi ko.Itinaas niya ang kamay. Sasakalin niya sana ako pero agad siyang tumigil. At kasunod noon ay nangigigil na sinabunutan niya ang kaniyang sarili."Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo.""Lord, Nasaan na yung kaibigan kong mataray sa lalaki at walang balak magka-asawa?" bulong na sabi ni Daniela na hindi nakalampas sa aking pandinig.Tinawanan ko lang siya. "Huwag kang mag-alala, hindi ko naman ibibigay ang perlas ng silanganan sa kaniya." pagpapalubag loob na sabi ko.Tinaasan niya ako ng kilay."Siguraduhin mo lang ha? Patay ka sakin pag kinain mo ang salita mo." mataray na sabi niya. Tumango ako sa kaniya at pagkatapos ay tinapik ko ang balikat niya."Makakaasa ka."Bigla niya akong hinawakan sa braso at pagkatapos ay inilapit niya ang kaniyang bibig sa tenga ko."Pero bakla, masarap ba?" malanding tanong niya.Lumayo ako sa kaniya at pagkatapos ay tiningnan ko siya. Kunot ang aking noo dahil sa tanong niya."Anong masarap?" naguguluhan na tanong ko"Masarap bang humalik si Papa Orion?" nakangising tanong niya.Nginisian ko siya ng malawak. "Sobra. Ang matigas kong puso ay pinarurupok niya." sambit ko at pagkatapos ay napatawa.Biglang nanlaki ang mata ng bakla at pagkatapos ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat."Pa-try naman kahit isang smack lang." malanding sabi niya.Pinanlakihan ko siya ng mata at pagkatapos ay inirapan."Gaga! Baka gusto mong masuntok kita sa labi ng bonggang bongga!" sambit ko at pagkatapos ay napatawa ako.Na-imagine ko kasi ang labi niyang makapal tapos pagsinuntok ko ay kakapal pa lalo."Joke lang. Hindi ka naman mabiro." natatawang sabi ng bakla.Takot lang siya."Bakit ayaw niyo pang kumain?" tanong ko sa mga kapatid ko. Tulala lang sila habang nakatingin kay Orion.Kitang kita ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Alam kong masaya sila noong makita nila ang maraming pagkain na nasa lamesa. Susugod na sana sila sa hapag-kainan kanina ngunit natigilan sila noong makita nila si Orion na nakaupo sa upuan.Nahihiya tuloy silang lumapit sa amin at umupo sa kanilang mga upuan. Siguro ay apat na minuto na silang nakatitig kay Orion.Si Sibuyas naman ay nakatingin lang sa kanila. Hindi man siya ngumingiti pero maaliwalas naman ang mukha ni Orion.May awra talaga si Orion na nakakatakot kaya siguro ilang sa kaniya ang mga bata.Natatawang napatingin ako kay Orion. "Batiin mo nga sila, at tsaka ngumiti ka naman. Natatakot sila sayo eh."Nakita ko kung paano siya ngumiti ng tipid tila hindi mapakali. "Hi? Merry Christmas" nahihiyang bati niya sa mga bata.Mas lalo akong natawa habang pinagmamasdan ko sila. Marunong din naman palang mailang at mahiya si Sibuyas."Batiin niyo ang Kuya Orion niyo." malumanay na utos ko sa kanilang apat.Nakahinga lang siya ng maluwag noong ngumiti ang mga bata at binati siya. Pati ako ay napangiti noong lapitan siya ng tatlong maliliit at niyakap."Merry Christmas din po, Kuya." Sabay sabay na sabi nila. Niyakap niya din pabalik ang mga ito.Si Totoy Bibo naman ay nanatili lang sa kaniyang upuan at binati din si Orion habang nakangiti.Narinig ko ang mahinang pagbulong ni Daniela sa aking tabi. "Parang happy family ah?" mahinang komento niya.Nakangiti na umiling na lang ako habang pinanonood sila. Bumalik ulit sila sa kanilang upuan at kumain na din.Kasya kaming pito sa aming parihabang lamesa na kahoy. Nasa aking kaliwa si Daniela habang si Orion naman ay nasa kanan ko. Katabi ni Daniela si Totoy Bibo at ang nasa tabi naman nito ay si Dodo. Si Orion naman ay si Sasam ang katabi kasunod si Kiki.Masaya ko silang pinapanood habang masasaya silang nagkukuwentuhan. Magagana silang kumakain habang tinatanong nila ng kung ano ano si Orion.Nakikisali din naman ako sa usapan nila pero mas pinili kong sila na lang ang mag-usap upang makilala nila ang isa't isa.Noong titigan ko si Orion ay napansin ko ang masaya niyang awra habang nakikipagkwentuhan siya sa mga ito. Nahuhuli ko din siyang ngumingiti ng saglit sa mga biro at banat ni Daniela."Alam mo ba yang si Amara nambugbog dati ng mga tambay kasi binastos siya. Amasona yan! Sigurado ka na ba sa kaniya?" tanong ni Daniela kay Orion habang nakangisi sa akin.Umiling na lang ako at pagkatapos ay ngumisi sa kaniya.Naramdaman kong hinawakan ni Orion ang aking kamay na nakalagay sa ibabaw ng hita ko. Gulat akong napatingin sa kaniya.Hindi man siya nakangiti ngunit kita ko sa mga mata niya ang pagkinang nito."I like her being a strong and brave woman. Nakita ko na siyang nakipag-away sa isang lalaki sa bar. And I really admire her alot since then." Baritono niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata.Hindi ko tuloy maiwasang mapanguso sa kaniyang sinabi. Ang lakas magpakilig ah!Oryon nga! Pinapalaglag mo panty ko eh!"Siguradong sigurado na ako sa kaniya." sabi niya na tila siguradong sigurado.Tumili ang bakla at pagkatapos ay narinig ko ding nag sigawan ang mga kapatid ko.Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi tanda ng pamumula nito. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniyang kamay at pagkatapos ay nginitian ko siya.Ang aming simpleng pagdiriwang ng noche buena ay napuno ng masayang halakhakan at kwentuhan.Wala na akong mahihiling pa. Sapat na sa akin ang magkaroon ng masayang pamilya kahit wala kaming magaganda at mahal na materyal na bagay. Sapat na sa akin ang mga kapatid ko, at ang mabait kong kaibigan. May ngiti sa labi na napasulyap ako kay Orion, kung siya man ang lalaking itinadhana sa akin ng Diyos, sana naman ay maging masaya kaming dalawa sa isa't isa.-----Thank you for reading. 💕💕💕Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz