The Billionaire S Sexy Whore
Kabanata 2
Kumatok ako sa pintuan namin. Ilang segundo lang ang lumipas at bumukas na ang pinto. Bumungad sa akin ang isa sa mga kapatid kong hilaw."Ate Amara, bakit ngayon ka lang? Umaga na ah. Nag-alala po kami sa iyo," bungad na tanong ni Totoy Bibo na sampung taong gulang na.Suot niya ang kupas na pulang t-shirt at short na maong na sira-sira na.Hindi ko maiwasang maging malungkot. Miski maayos na damit ay hindi ko sila kayang bilhan.Ginulo ko ang buhok niya bago ako pumasok sa pinto. Sumunod naman agad siya sa akin."May biglaang raket ang Ate Dyosa niyo. Pasensya na dahil hindi ako nakauwi kagabi. Nakakain na ba kayo ng umagahan?" pagsisinungaling na paliwanag ko. Ayoko silang mag-alala kaya kailangan kong pagtakpan ang nangyari sa akin kagabi. Iginala ko sa buong bahay ang aking paningin upang hanapin ang iba ko pang kapatid na hilaw. Hilaw sa kadahilanang hindi ko naman talaga sila kadugo."Kumain na po kaming lahat, Ate. Nagluto po ako ng almusal kanina. Mayroon pa rin pong natira sa hapagkainan. Kumain ka na po," sabi niya habang nagkakamot ng braso."Nasaan ang mga kapatid mo?" tanong ko sa kaniya nang mapansin kong wala sa bahay ang iba pang mga bata.Maayos ang buong bahay. Walang kalat, maaliwalas ang buong paligid. Kahit ingay ay wala akong narinig. Tahimik na tahimik ang bawat sulok ng bahay namin. Miski kaluskos ay wala. Nasaan kaya ang mga pasaway na bata? Nakakapanibago. Walang magugulo at mga nag-aawayan na mga bata tuwing nagkakapikunan. Walang tumatakbo o kaya ay nagtatawanan.Biglang umaliwalas ang aking mukha. Unting-unti na tumaas ang gilid ng labi ko at sumilay ang ngiti sa sobrang kasiyahan. Walang maingay. Ibig sabihin ay makakatulog ako nang mahimbing.May malawak na ngiti na tiningnan ko si Totoy Bibo at nanggigigil na pinisil ko ang kaniyang medyo may katambukan na pisngi.Nakita ko siyang nagkamot ng ulo at sinagot niya ang tanong ko, "Pagkatapos po nilang kumain ay umalis na po sila para magbenta ng sampaguita. Nasa simbahan po sila ng Quiapo kasama si Ate Daniela. Doon daw po sila magbebenta."Lihim akong napasigaw sa aking isip.Yes! Kung sinuswerte nga naman. Makakabawi ako ng tulog ngayon. Walang maingay kaya mahimbing akong makakatulog.Hindi ko talaga gustong pagtindahin ang mga kapatid kong hilaw pero mapilit talaga sila. Gusto raw nilang makatulong sa akin kahit sa paanong paraan.Tumatango-tango ako habang naghahalungkat ng kakainin sa lamesa. Kinuha ko ang isang tuyo at kinain ko ito.Pag nakatapos akong kumain ay tutulog ako. Babawi ako ng tulog. Kailangan kong bumawi nang pahinga. Letche naman kasi 'yung si Alejandro. Kinidnap ako! Kaya napuyat tuloy ako, at ang malupet pa roon ay nagka-eyebags ako. Isang malaking problema iyon! Ang kagandahan ko ay mababawasan nang dahil lang sa eyebags. Isang kasuklam-suklam na problema. Kailangan ko talagang mag-beauty sleep. Kailangan kong idespatsa ang eyebag.Ngumunguyang nagsalita ako, "Bakit humiwalay ka sa kanila? Mas mabuti siguro kung sumama ka. Dapat ay hindi mo hinayaang sumama sila kay Daniela. Alam mo namang sobrang kire ng bakla na iyon. Makakita lang ng gwapo ay tumitibok na agad ang mga mata noon. Baka mawaglit ang tingin niya sa mga bata at mapabayan niya sina Sasam, Dodo, at Kiki."Kunwari ay nag-aalala pero sa kaloob-looban ng isip ko ay nagdiriwang na ako. Walang abala sa beauty rest ko.Nagkamot ng ulo si Totoy Bibo habang naka-ngiwi. "May session po kami ngayon ng mga kabarkada ko eh."Bigla akong natigil sa pagkain at nabitawan ko ang tuyo na hawak ko. Namimilog ang mga mata na napatingin ako sa kaniya. Ang masayang nararamdaman ko ay biglang napalitan ng gulat na may kasamang galit."A-anong session? Huwag mong sabihing..." Napakuyom ako ng kamao at sinamaan ko siya nang tingin noong may naisip akong hindi maganda.Naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang hawak niyang lighter. Biglang nag-init ang ulo ko sa nakita."Putang ina mo... sabi ni Duterte. Kailan ka pa natutong mag-adik, ha? KAILAN PA? Kailan mo pa ginagawa ang kahindik-hindik na bagay na iyan! Hindi kita pinalaki para lang tumikim ng putang droga na iyan! Alam kong marami akong pagkukulang bilang kapatid niyo! Hindi ko kayo mapag-aral at ni-hindi ko kayo maibili ng masasarap na pagkain pero utang na loob! Huwag mo naman akong bigyan ng kunsumisyon! Huwag mong sirain ang buhay mo, bata ka pa! Bata! Isang paslit! Walang muwang at inosente!" Umarte ako na parang mahihimatay.Humihingal na tumigil ako sa pagtalak sa kaniya. Pinagmasdan ko siya pero nang makita ko ang reaksyon niya ay gusto ko siyang suntukin sa mukha. Imbis na takot at pagsisisi ang makita ko sa kaniya ay tumatawa pa siya at umiiling."Ate naman. Hindi ako nagamit noon. Ang ibig kong sabihin na session ay pag-aaral. Sabi kasi ni Ate Pinky ay pumunta ako sa kanila at tuturuan niya raw ako. Kasama ko rin naman ang mga kabarkada ko. Good boy po ako, Ate Amara," nagmamalaki na sabi niya.Nang marinig ko ang sinabi niya ay napangiwi ako dahil sa hiya. Pilit na napatawa ako. Pinunasan ko ang pisngi ko, kunwari ay nagtatanggal ng luha, kahit wala naman. Nag-iinarte eh!"Ha-ha-ha. Ganoon ba? Malay ko ba d'yan sa sesyon sesyon na iyan." Pilit akong napatawa at napahawak ako sa aking noo dahil sa pagkahiya."Hindi ako nagdodroga, Ate. Takot ko na lang sa'yo," natatawa na sambit niya."Aba at dapat lang na matakot ka! Dahil kung gagawin mo man ang bagay na iyan ay ako na ang siyang totokhang sa'yo." Pinitik ko ang tenga niya at pagkatapos ay ipinakita ko sa kaniya ang kamao ko."Suntok sa mukha! Bulls eye sa mata at may kasama pang sipa sa bayag," pananakot ko sa kaniya.Muli kong piningot ang kaniyang tainga. Dumaing siya at lumayo sa akin. Sus! Ang arte naman. Hindi ko naman siya piningot ng todo eh. Slight lang."Masakit!" nakangiwing tugon niya.Natutuwa na binelatan ko siya. "Alis na. Pumunta ka na kina Pinky at mag-paturo ka ng ingles, tapos ay turuan mo ako para naman hindi na dumugo ang ilong ko sa letsugas na lenguwahe na iyan. Ayoko talaga sa mga Amerikano, letse pahirap sila sa buhay ko." Pabirong umirap ako sa kaniya."Sige po. Mag-aaral po akong mabuti para maturuan kita," nakangiti na sabi niya at pagkatapos ay sumaludo siya sa akin. "Oo nga pala... teka lang! Bibigyan kita ng pera na baon para pambili ng pagkain upang hindi ka magutom doon." Nakita ko kung paano nagningning ang mga mata ni Totoy Bibo nang marinig niya ang sinabi ko.Kinapa ko ang bulsa ng aking pantalon. Nang may makapa akong pera ay agad ko itong kinuha. Nakangiting inilahad ni Totoy bibo ang kaniyang kamay habang naghihintay na ibigay ko sa kaniya ang pera.Halos umabot sa kaniyang mga tainga ang ngiti niya sa sobrang saya. Inilagay ko sa kaniyang palad ang dalawang piso na galing sa bulsa ko.Matapos kong maibigay sa kaniya ang barya ay agad niya itong tiningnan upang bilangin. Napansin ko ang unting-unti na pagkawala ng malawak niyang ngiti.Humaba ang kaniyang nguso at pagkatapos ay tiningnan niya ako habang nagrereklamo, "Ate Amara naman! Dalawang piso lang ito eh! Ano naman ang mabibili ko dito?" nakanguso na reklamo niya sa akin.Tinaasan ko siya ng kilay at pagkatapos ay inirapan."Aba at talagang nagreklamo ka pa. Ikaw talagang bata ka! Ikaw na nga ang binigyan ko tapos may ipinuputok pa iyang butsi mo. Makakabili ka na ng dalawang pisong tinapay diyan no. Arte nito!" Pinanlakihan ko siya ng mata nang mapansin kong umirap siya.Aba at reklamador pa."Pero ate naman... Dagdagan mo naman ito, oh! Hanggang sa lalamunan ko lang aabot ang dalawang piso eh," pagrereklamo niya.Muli ko siyang pinanlakihan ng mga mata. Hindi talaga siya makuha sa tingin."Tse! Alis na, bago pa kita mahampas ng walis tambo dahil d'yan sa pagrereklamo mo." Bago pa ako makakuha ng tambo ay mabilis na siyang nakatakbo palabas ng bahay.Tingnan mo itong batang ito. Nagtakbo nga agad palabas. Akala mo naman ay tototohanin ko. Asa pa naman na hampasin ko siya ng tambo. Masyado akong mabait para gawin sa kaniya iyon no!Napapailing na napaupo ako sa kahoy na upuan. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Namayani sa bawat sulok ng bahay ang katahimikan. Napabuntong hininga ako nang malalim noong bumalik sa aking isipan ang nangyari kagabi.Naiinis na sinigawan ko ang lalaking nasa harapan ko, "Powta ka! Masakit! Hindi naman ako hayop pero kung makahigpit ka ng tali akala mo kabayo ako na isinusuga. Talagang naninigurado ka na hindi ako makakatakas, ha! Hoy! Masakit nga! Luwagan mo nga! May pakiramdam din naman ako! Tao rin akong katulad mo! Nahuhulog, Nagmamahal, Nasusugatan, at Nasasaktan..... Charot!" pagrereklamo ko habang siya naman ay hinihigpitan pa lalo ang pagkakatali sa akin sa silya. Siguro ay hindi siya natuwa sa huling sinabi ko. Joke kasi 'yun eh. Wala siguro siyang alam sa biruan kaya hindi siya natawa."Shut up! Kung hindi ka titigil ay bubusalan ko iyang bunganga mo." Pinandilatan niya ako ng mata at mas lalo niyang ibinuhol ang tali.Humigpit ito lalo kaya mas lalo akong nasaktan. "Tang na may juice. Tang na mo juice! Tangmo! Tangmo! Tang ina mo! Times 2. Times 2!" nasasaktan na sigaw ko habang siya naman ay nginisihan lang ako. Muntik na akong masilaw sa kagwapuhan niya pero pinigilan ko ang sarili kong lumandi dahil kaaway ko siya. Hindi dapat ako madala sa pa-ngiti ngiti niya. Kaaway ko siya! Hindi kami bati.Sinasaktan niya ako! Sa tanang buhay ko ay siya lang ang taong nanakit sa akin ng ganito. Ni-hindi nga ako nagbo-boyfriend kasi nga ayokong masaktan pero ang hinayupak na lalaking ito lang pala ang nananakit sa akin at ang malala ay hindi ko naman siya boyfriend.... Ayos lang sana sa akin kung boyfriend ko siya at sinaktan niya ako pero hindi eh! Hindi ko siya kilala at hindi ko siya kaano ano. Ang saklap ng buhay ko.Natigil ako sa pagdadrama sa aking isipan nang may narinig akong malakas na tawa. Mapang-asar at nakakainis na halakhak. Kunot ang noo at nakabusangot ang mukha na tinignan ko ang hinayupak na lalaki."Oh, bakit ka tumatawa? Ginagalit mo talaga ako, ha!" Nagpumiglas ako sa upuan habang pinandiditan siya."Mukha kang batang nagwawala. Ang sagwa!" mapang-asar na sabi ng lalaking gwapo."Pak yow! Sagad sa bones! Pakamatay ka na," mura ko sa kaniya at pagkatapos ay dumura ako sa sahig."Fuck me? Tama ba ako nang narinig?" may ngisi sa labi na tanong niya. "Oo. Tama ka nang rinig! Pak yow nga! Tang inang 'to. Pakawalan mo ako rito. Makakatikim ka talaga sa akin!" Imbis na magalit at mainis siya sa akin ay mas lalo siyang natuwa. "Come again?" "Bobo! Hindi ako papasok! At tsaka duuh, baliw ka ba? Ni-wala ngang pinto!"Inis na inirapan ko siya. Kung makakawala ako rito ay susuntukin ko talaga siya. Naiinis ako sa tawa niya. Lalong lalo na sa mukha niya. Tapos tumawa pa siya ng sobrang lakas na para bang nakaka-insulto na para bang may nasabi akong katangahan sa kaniya.Aba't ginigigil niya talaga ako!"I like your humor," natatawang sabi niya. Wala akong naintindihan sa sinabi niya kaya minura ko siya ng malutong."Pakawalan mo ako rito! Kalagin mo ang mga tali sa kamay at paa ko. Pakshet ka! Pag ako nakawala rito ay papatayin kita. Nasaan ba iyang putangna na Alejandro na iyan! Ilabas mo iyang Mexicano mong boss! Papatayin ko siya at papatayin din kita!" Umiling lang siya ng mapang-asar at tinitigan ako.Sisigaw pa sana ako ngunit hindi ko na naituloy. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang walang hiyang si Alejandro. Seryoso lang siyang nakatingin sa amin. Nang makarating siya sa harapan ko ay walang galang na dumura ako sa sahig. Gusto kong ipakita sa kaniya na kinasusuklaman ko siya."Oh, nandito na pala ang lalaking may ugaling kahayupan! Tang ina mo! Pakawalan mo ako, Alejandro!" Naiinis na binigyan ko siya ng matalim na tingin."Not until you say yes," may pang-aasar na sabi niya.Nginisihan ko siya at inirapan. Ayoko talaga ng ingles! Wala akong maintindihan! Bwisit. Kung makakapag-pak you sign lang ako ay ito ang unang-una kong gagawin sa kaniya. Pasalamat siya at nakatali ako."Pa-ka-wa-lan mo a-ko!" madiin na sambit ko.Natahimik si Alejandro at inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa kaniyang ulo na tila ba nag-iisip.Inismiran ko lang siya. Maya-maya ay sinenyasan niya na 'yung nakakainis na lalaki."Remove the ropes," tipid na utos ni Alejandro habang nakangisi.Aangal pa sana 'yung lalaki pero sinunod naman niya ang gusto ng boss niya. Lumapit siya sa akin at pagkatapos ay kinalagan niya agad ang kamay ko.Pagkatanggal niya agad ng tali sa aking paa ay agad ko siyang sinipa sa mukha at pagkatapos ay tumakbo ako nang mabilis papunta sa pinto."Boss, tumatakas!" rinig kong sigaw noong lalaki."Let her escape. Time will come and she'll be going to come back here,"" rinig kong sabi ng hayop na Alejandro habang lumalabas ako ng pinto.Ang hayop na iyon! Talagang wala siyang magawa sa buhay niya! Kinidnap ako tapos pakawalan din naman niya. Bobols! Ang galing niya pa talagang mang-abala! Sinayang niya ang oras ko!Tumakbo agad ako at tumakas. Sinuwerte ako sa pagkakataon na iyon dahil nakasakay agad ako sa tricycle.Napaismid ako nang maalala ko ang nangyari kanina. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang kawalanghiyaan na ginawa sa akin ni Alejandro. Kinidnap niya ako. Mabuti na lang at nakatakas ako dahil kung hindi ay baka ngayon ay naitapon na ako sa kangkungan.Huwag na naman sana niya akong balikan. Pinisil at tinapik ko ang aking pisngi upang iwaglit sa aking isipan ang nangyari kanina. Hindi ko na dapat iniisip at pinoproblema ang bagay na iyon. Dapat hindi ako ma-istress. Kawawa ang mga kapatid kong hilaw pag naging luka ako. Baka masiraan ako ng bait sa sobrang pag-iisip.Mas maigi pa sigurong ayusin ko na lang ang mga kailangan kong itinda mamaya, kaysa naman mag-isip ako tungkol sa mga walang kwentang bagay.Nagtungo ako sa kusina at inilagay ko sa basket ang mga ititinda ko mamayang hapon. Mani at chicharong baboy.Napakamot ako sa aking ulo nang maalala ko na nakalimutan ko nga pa lang kunin ang mga balot at penoy kina Tonyo."Nayari na! Nakalimutan ko nga pa lang umorder ng mga itlog ni Tonyo. Baka maubosan ako ng ititinda mamaya," pagkakausap ko sa aking sarili at naihampas ko ang aking kamay sa noo sa sobrang inis.Kung hindi ba naman ako kinidnap noong lintik na si Alejandro, e'di sana nakakuha ako ng ititinda ko.Ang malas ko talaga!"Balot, penoy, chicharong baboy," sumisigaw na paglalako ko.Tumingin ako sa buong paligid. Madami namang mga tao ang nandito sa parke pero wala pa ring nabili sa mga paninda ko. Madaming mga mag-syota ang nagkalat dito sa Luneta park. Madami ring mga pamilya ang namamasyal dito, pero miski isa ay walang nalapit sa akin para bumili. Kainis! Tinamaan na naman yata ako ng kamalasan. Lumubog na ang araw at nilamok na ako rito pero wala pa rin akong napapala. Mag-iisang oras na ako rito pero waley pa ring benta. Gabi na. Dapat ay may maipagbili na ako para naman may panghapunan kami mamaya.Hindi ako makakapagnakaw ngayon kasi masakit ang paa ko. Nabagsakan kasi ng lintik na kaldero. Minalas na naman ako kanina. Magsasaing lang ako tapos tinatamaan na naman ako ng kasumpa sumpang kamalasan. May dala nga yatang kamalasan ang epilyido ko. Demalas nga talaga. Pota!Magnakaw? Mahihirapan ako na tumakbo kung saka-sakali, baka maabutan ako at mahuli. Magtitinda na muna ako ng mga itlog. Tiis tiis muna sa pagbebenta ng balot at penoy. At tsaka nagbabawas ako ng kasalanan. Hinayhinay muna sa pagnanakaw. Nakaka-konsensya rin naman kasi.Napahugot ako nang malalim na paghinga. Kailangan ko talagang kumita ngayon, kahit isang daan lang ayos na. Pambili man lang ng NFA na bigas, isang balot na tuyo at kamatis. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig at kinuha ko agad ang basket na naglalaman ng mga balot at penoy.Tumayo ako ng tuwid at pagkatapos ay inihanda ko ang maganda kong boses."Ehem! Ehem." Nang maging kuntento na ako sa boses ko ay huminga muna ako nang malalim at pagkatapos ay sumigaw agad ako.Ang aarte! Ayaw nilang bumili ng balot? Pwes mani ko naman ang ititinda ko."SINONG GUSTONG BUMILI NG MANI KO? MURANG-MURA LANG PERO MASARAP NAMAN. MATAMIS TAMIS AT MAY MAALAT-ALAT PA. SAAN KA PA? HALINA'T BUMILI NA KAYO NG MAINIT KONG MANI. HALINA KAYO AT TIKMAN NIYO. PANIGURADONG TITIRIK ANG MATA NIYO SA SARAP," malakas na sigaw ko upang makakuha ito ng atensyon.Hindi nga ako nagkamali at nakuha ko ang kanilang atensyon. Kunot noo ang reaksyon ng mga babae habang ang mga kalalakihan naman ay tila nabuhayan at naging masaya.Mabilis silang naglapitan sa akin. Nagkagulo ang mga kalalakihan sa pagkuyog sa akin.Nataranta naman ako sa paglapit nila. Masyado silang madami. Gustong gusto nilang bumili ng mani ko. Para silang mga sabik na aso na matagal ng hindi nakakakain. Dinudumog ako ng mga customer, eto na yata ang suwerteng araw ko.Sabay sabay silang nagsalita at nakikipag-unahan sa pagbili."Teka, teka sandali lang. Kung maari lang ay huwag kayong magkagulo. Isa-isa lang. Mahina ang kalaban. Huwag kayong mag-alala dahil mapapagbilhan ko kayong lahat," sabi ko sa kanila habang nakangisi.Mukhang jakpot yata ako ah!"Miss beautiful, magkano ba iyang mani mo?" tanong noong isang lalaki."Murang mura lang. Sampung piso ang maalat at kinse ang matamis," malawak ang ngiti na sagot ko.Amoy ko na ang halimuyak ng maraming pera. Paniguradong makakabenta na ako."Ang mura naman ng mani mo, Miss. Dahil maganda ka ay bibilhin ko na 'yan ng isang libo," sabi ng isang lalaki. May nakapaskil na manyak na ngiti sa kaniyang mukha.Natuwa naman ako at napapalakpak. "Sigurado ka ba d'yan, Manong? Sige. Ano bang gusto mo? Maalat o matamis?""Mas masarap ang matamis," nakangisi niyang sabi.Kinuha ko agad ang mani sa loob ng basket. Nakabalot na ito kaya naman ibinigay ko na agad ito sa kanIya. "Oh! Ayan na ang mani ko. Masarap 'yan!" tumatawa na sabi ko.Hindi niya ito tinanggap kaya naman napataas ang isa kong kilay. Naging tahimik naman ang mga nagkakagulong kalalakihan sa paligid ko."Akala ko ba ay mani? Bakit iyan?" bagsak ang balikat na tanong noong isang lalaki.Tinaasan ko siya ng kilay. "Mani ito, ah? Malamang ito ang ibibigay ko." Tanga ka ba? Mani lang pero hindi pa alam. Gusto ko sanang sabihin 'yan pero sa isip na lang. Baka kasi mapaaway ako."Ano ba ,yan! Akala pa naman namin ay mani mo. Yung mani na namamasa at mainit sa loob," Umiiling na sabi noong panget na lalaki. Noong una ay hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin pero kalaunan ay napasinghap ako nang malakas nong maintindihan ko ang sinabi niya. Ang hayop! Manyakis!"Aba't putang inang to! Anong akala mo sa akin, pokpok? HOY PARA SABIHIN KO SA INYO AY HINDI AKO GANOON. MGA MANYAK NA ITO. MANI ANG IPINAGBEBENTA KO. MANI! MGA GAGO," naiinis na sigaw ko habang pinanlakihan sila ng mata.Nakita ko ang paghihinayang sa kanilang mga mukha. Ang kamanyakan ng mga ito oh. May asawa't anak na ang iba pero mga hayok pa. Mga gago. Pakshet sila."Ano ba 'yan.""Akala ko naman.""Tsk!""Maka-alis na nga.""Naloko ako roon, ah."Nataranta ako noong mag-alisan ang iba. Ang pera... este mawawala ako ng benta. "Teka, teka. Saan kayo pupunta?" Habol na tanong ko sa kanila.Ang mga hayop na ito! Kalalaking tao pero mga bastos! Kailangan kong umisip ng paraan para makabenta.Natatarantang nag-isip ako para hindi umalis ang mga pera este ang customer."Libreng kiss pagbumili kayo ng mani at balot," sigaw ko habang nakangiwi. Nakuha kong muli ang atensyon nila at pagkatapos ay muli silang bumalik sa harapan ko. Powta! Napasabak yata ako, ah. Paano ko ba malulusutan ito?"Kiss ba kamo?""Oo," pilit ang ngiti na sabi ko. Halos malukot na ang mukha ko sa pagngiwi. Hahalikan ko sila? Yak!Tiningnan ko sila isa isa. Yak! Ang papanget nila. Lugi na lugi ako. Gusto kong dumura sa sahig. Nakakakilabot isipin na hahalikan ko sila. "Kung gwapo sila at kahawig ni Sam Milby, e'di may pag-asa pa na halikan ko sila," naghihimutok na bulong ko.Hahalikan ko sila isa isa? Ofkors nut! Ano sila sira? Hindi pa ako nasisiraan ng bait no.Sa lips. Yak no no. Baka habang buhay akong mag-sipilyo.Sa pisngi. Ayoko pa rin.
Kamay. Eww! Baka mamaya kung saan pa 'yan humawak no.Kung pwede ko nga lang paliparin ang halik ko, huwag lang lumapat ang maganda kong labi sa kanila. Kung may.....Napangisi ako noong may maalala. Lumilipad na halik. Posible. Flying kiss ang solusyon.Malawak ang ngiti ko habang pinagbibilhan sila. Naubos ang paninda ko sa sobrang dami ng bumili.Ha! Mga gunggong. Naloko kayo!Nang matapos kong pagbentahan ang kahuli-hulihang lalaki ay inayos ko agad ang aking basket at isinabit ito sa aking braso."Nasaan na ang kiss namin, Miss beautiful?" tanong noong isang lalaki habang kinakain 'yung balot."Ano... kung maari lang po ay pumila kayo," malawak ang ngiti na sambit ko.Ginawa nila agad ang gusto ko. Dahan dahan akong umatras. Hinigpitan ko ang hawak sa basket. Inilapat ko ang aking palad sa aking labi habang nakanguso at pagkatapos ay nag-flying kiss ako sa kanila, sabay takbo nang mabilis.Napapangiwi pa ako habang tumatakbo dahil kumikirot ang paa kong nabagsakan ng kaldero. Pero kailangan kong magtiis, kailangan kong makatakas kasama ang mga datong ko.Rinig ko ang pagrereklamo nila pero walang nagtangka na humabol sa akin. Siguro ay hinarangan na sila ng mga asawa at girlfriends nila. Ang lalandi kasi at mga uto-uto pa.Nang makatawid na ako sa kalsada ay napasuntok ako sa hangin. "Oh ryt! Mayroon na kaming pambili ng sardinas. Hindi na tuyo at kamatis ang ulam namin. Swerte yata ako ngayong araw," sigaw ko habang humahalakhak.Ngiting-ngiti ako habang lumalakad. Pasakay na sana ako sa jeep nang matigilan ako sa nakita. Imbis na sumakay sa jeep ay tumabi ako sa may kanal. May nakita akong bagong bukas na restaurant. Halata sa disenyo ng gusali na kainan ito ng pang-mayaman. Napalunok ako nang makita ko ang nakapaskil na picture sa may salamin ng restaurant. Hindi pamilyar sa akin ang nakikita kong mga putahe. Siguro ay mga pagkain iyon sa ibang bansa."Paniguradong masasarap ang pagkain d'yan. Pang mayaman eh!" mahinang sabi ko habang nakanguso.Balang araw ay yayaman din ako at kakain kami ng mga kapatid ko d'yan sa restaurant na iyan.Pero bago ko pagplanuhan ang bagay na iyan ay kailangan ko munang tumaya sa lotto. Baka sakaling tumama ako at yumaman. Nasa Bilyong piso pa naman ang premyo. Panigurado na buhay donya ako, pag ako ang nanalo.Papara na sana ako ng jeep ngunit natigilan ulit ako. May nakita akong isang bagay na nakapagpataas ng presyon ng dugo ko. Tiningnan ko ang plate number nito upang masigurado kong hindi ako nagkakamali ng hinala."ALV 0505" mahina kong pagbabasa.Iyon na nga! Ang lintik na sasakyan! Ang kotse na iyon ang muntik nang makabunggo sa akin! Humanda ka sa akin!Tanga lang ang walang ganti.
*
Ano kayang gagawin ni Amara? Hahahaha
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz