ZingTruyen.Xyz

The Billionaire S Sexy Whore

Kabanata 14

Marahan kong binuksan ang pinto at tsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.

Ayos! Walang tao! Masu-supresa sila  dahil nandito ako.

Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang sumigaw at tawagin sila ngunit bigla akong naunahan ng isang matinis na pagsigaw.

"Amara!!!!" tawag ni Daniela sa akin.

Naiirita na napatakip ako ng aking tainga dahil sa boses niyang daig pa ang kuliglig sa sobrang ingay.

Halos mabasag ang eardram ko sa pagpalirit niya ng todo.

Ang baklang ito talaga!

"Ang ganda naman ng pa-willcome mo sa akin. Gagawin mo talaga akong bingi." nakangiwi na reklamo ko habang sinusundot ang loob ng tainga ko.

Pakiramdam ko ay nabingi talaga ako.

Tumigil ako sa ginagawa. Inirapan ko siya ng todo habang inihahagis ang dala kong bag sa upuan.

Malawak ang ngiti ng haliparot na bakla. Napansin ko ding nakanguso siya na para bang nagpapa-cute.

Hindi naman cute.

Tumatakbong lumapit siya sa akin at agad niya akong niyakap. Gusto ko man siyang itulak palayo pero hindi ko na lang ginawa. Napangiwi na lang ako at medyo inilayo ko ang mukha ko sa kaniya habang ang katawan ko ay yapos niya.

Ang baho niya! Amoy putok siya!

"Hindi ko lang talaga mapigilan. Waaaahhhh! Amara, Miss na kita." muling tili niya.

Sumakit na naman ang tainga ko.

Napairap ako sa kaniyang sinabi ngunit kalaunan ay napangiti na din.  Miss niya ako? Hindi ko naman ipagkakaila na miss ko na din siya.....pati ang mga kapatid ko.

"Miss ko na din ang kapangitan mo, bakla!" sabi ko habang tumatawa.

Niyakap namin nang mahigpit ang isa't isa. Sa sobrang higpit ay napadaing kami dahil hindi makahinga.

"Pero bakla, tanong lang ha? Ilang araw ka bang hindi naligo? Amoy pasabog ka ngayon eh." mahina kong tanong sa kaniya.

"Tatlong araw na mula noong naputulan tayo ng tubig. Hindi na kami makaligo." pagbibigay alam niya.

Nanlumo ako sa kaniyang sinabi. Kung nakakapag-trabaho lang sana ako at may sweldo ay hindi ito mangyayari sa amin.

May itatanong sana ako sa kaniya ngunit naunahan niya ako. Yakap yakap niya padin ako habang inaamoy.

"Bakla, Ang bango mo! Amoy mayaman!" napatawa ako.

Lagi ko ba namang kasama ang mayaman na si Sibuyas! Malamang mahahawa ako ng ka-bangohan niya.

"Ikaw lang naman ang amoy kanal kahit naliligo ka ng araw-araw eh." pang-aasar ko sa kaniya.

Natatawang naghiwalay kami. "Miss ko na talaga ang pambu-bully mo." sabi niya habang pabiro akong sinasabunutan.

"Pero bakla, ang bango mo talaga! Hindi ka na amoy panis!" biro niya sa akin habang inaamoy ang buhok kong humahaba na.

"Syempre! Mamahalin ang mga sabon at shampoo doon eh!" Pang-iinggit ko sa kaniya. Mas lalo akong napahalakhak.

Bigla niyang binitawan ang buhok ko at namamangha siyang napatingin sa akin.

"Talaga? Mag-uwi ka naman dito ng mga mamahalin na sabon." nag-papa-cute na sabi niya habang ngumunguso.

Nagmukha tuloy siyang itik!

"Hoy! Nagbabagong buhay na ako ha! Huwag mo akong turuan ng katarantaduhan. Hindi na ako nagnanakaw." sabi ko at pagkatapos ay kinutusan ko siya.

Nagiging anghel na ako eh tapos didimenyohin niya ang utak ko?

"Joke lang naman eh. Hindi ka naman mabiro." natatawang sabi niya.

Napatawa na din ako. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil nakita ko ang pagtulo ng laway niya.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Saan na naman kaya naglalalagi ang mga makukulit na iyon.

"Nasaan nga pala ang mga kapatid kong hilaw?" tanong ko sa kaniya.

Tahimik na tahimik ang bahay. Walang nagkukwentuhan at nagkakagulo.

"Nasa kwarto. Pinatulog ko muna. Katanghaliang tapat ba naman ay naglalaro sa labas. Baka mamaya ma-heat stroke sila sa sobrang init, mas mabuti nang matulog muna sila upang lumaki na din." sabi niya habang nagsusuklay ng buhok.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatigil siya sa ginagawa. Tiningnan niya ako ng may pagtataka.

Ngumuso ako at ipinungay ko ang aking mga mata. Nagpa-cute ako sa kaniya.

"Uyyy, Daniela.." malambing kong tawag sa kaniya.

Napangiwi siya habang tinitingnan ako.

"Gaga! Bakit ganiyan ang reaksyon mo? Para kang tanga d'yan!" maarte na sabi niya.

Mas lalo akong ngumuso. Ramdam ko ang unting-unting pag-init ng mga mata ko. Hindi ko mapigilan na maging emosyonal.

"Daniela...."

Nahihiwagaan na napatingin siya sa akin. Tila naguguluhan sa ikinikilos ko.

"Bakit ganiyan ka? Hindi mo gawain ang magpa-cute sa akin ha! Amara ha! Para kang may sapi!" napairap siya sa akin at pinanlakihan ako ng mata.

Ang sabihin niya lang ay ayaw niyang nagdadrama ako kasi ayaw niya ding umiyak. Mababaw din ang luha niya eh.

Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Daniela.... maraming salamat sa lahat. Lalong lalo na sa pag-aalaga sa aking mga kapatid. Sa laging pagsalo sa akin tuwing napapahamak ako. Maraming salamat sa lahat." sensiro na sabi ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha sa aking mata.

Napasinghot siya at pagkatapos ay napansin kong medyo naluluha na din siya.

Tumingin siya sa akin. Mas lalo kong nakita ang kaniyang namumulang ilong.

"Bruha! Okay lang iyon no! Alam mo naman na kahit bully ka sa akin ay mahal na mahal kita. Kaibigan kita no! Tsaka itinuturing din kitang kapatid pati narin ang mga hilaw mong kapatid. Pamilya tayo, Remember?" naiiyak na sabi niya.

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam ang gagawin kung wala siya. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan.

Parang bata na sinunggaban ko siya ng yakap. Naiiyak na mas hinigpitan ko pa ang pag-yapos sa kaniya.

Bakit kahit ang malas ko sa buhay ay may swerte parin ako dahil may kaibigan akong tulad niya?

Kung ang ibang tao ay salot ang tingin nila sa mga bakla pwes nagkakamali sila. Dahil ang mga bakla may puso din na mapagmahal at busilak.

Naiiba man sila ng kasarian ngunit mapagkakatiwalaan at maaasahan mo sila sa mga bagay bagay. Mabuti ang kanilang puso.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya. Pinunasan ko ang luha ko at pagkatapos ay ngumiti.

"Salamat talaga, Daniela. Hayaan mo at pag-yumaman ako ay bibilhin ko lahat ng mga iniidolo mong artista. Ireregalo ko sayo bilang boyfriend mo!" Malawak ang ngiting sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya pero kalaunan ay napairap siya.

"Nako! Huwag mo akong paasahin dahil hindi ka yayaman." maarteng sabi niya na tila ba siguradong sigurado.

Magaling talaga siyang mambasag ng pangarap.

"Malay mo naman." sabi ko habang tumatawa.

Pag-ako yumaman, siya ang unang una kong sasabuyan ng kayamanan.

"Ilang taon na ba tayong magkasama?" tanong niya sa akin. Napaisip ako.

Ilang taon na nga ba?

"Tatlong taon na ba? Hindi ko na tanda!" hindi sigurado na sagot ko.

Tatlong taon na nga pala kaming magkaibigan. Hanggang ngayon ay ganito parin ang buhay namin.

"Tingnan mo! Sa ilang taon na iyon ay puros kamalasan lang ang nangyayari sa buhay mo. Paano ka yayaman kung ganoon?" tila nagmamaliit na sabi niya.

Natatawang napairap na lang ako. Sobra-sobra talagang suporta ang ibinibigay niya sa akin.

"Asey as a pie! Edi mag-aasawa ako ng Matandang Mayaman na Madaling Mamatay." sabi ko na siyang ikina-ngiwi niya.

Napatawa ako nang malakas dahil sa kaniyang reaksyon. Alam kong siya ang unang mandidiri sa sinabi ko.

"Syempre joke lang iyon. Alam mo naman na maarte ako diba? Asa pang pumatol ako sa gano'n. Eww. Hindi ko maaatim iyon." hindi ko parin mapigilan ang tawa ko habang sinasabi iyon.

Sa ganda kong ito? Papatol sa matanda? Ulol! Mas maganda pang mategi sa gutom kesa ganoon ang mangyari.

"Alam ko. Sa sobrang arte mo ba naman at tsaka sobra ka ding mamula. Pulaera na babae." naiiling na sabi niya. Natawa na lang ako sa kaniyang sinabi.

Aminado naman ako na lagi akong namumula ng ibang tao. Sa kaniya palang? Kotang kota na siya.

Nakaupo ako sa upuang mahaba kaya nagulat ako nang bigla siyang tumabi sa akin. May nakapaskil na ngisi sa kaniyang mukha.

Napatigil ako sa pagtawa nang malakas. Naguguluhan ko siyang tiningnan.

"Pero maiba ako. Bakit hindi na lang iyong poging kano ang iyong pikutin! Susko, Amara! Sobrang gwapo! Kahit wala akong matris ay muntik na akong mahulugan ng fallopian tube! Ipakilala mo naman ako doon, bakla ka!" kilig na kilig na sabi ng mahaderang bakla.

Para siyang bulate na inaasinan noong nanginig siya dahil sa kilig. Napangiwi ako. Pumaririt pa ang bakla sa sobrang kilig.

"Ang talandi mo naman! Kung alam mo lang ang ugali noon. Baka manggigigil ka lang." mahina kong sabi habang binubuksan ang bag ko.

Nasaan nga ba iyong dala kong buko pie?

"Manggigil saan? Sa sobrang pagkasabik? Este kapogian?" bigla na naman siyang tumili kaya natigil ako sa pag-hahanap ng pasalubong ko.

Napataas ang kilay ko. Iba na naman ang nasa utak ng maberdeng bakla na ito.

"Manggigil sa sobrang inis kamo!" sagot ko.

Ibinalik ko ang paghahanap ng buko pie na nasa bag ko. Ang laki ba naman nitong bag na binigay sa akin ni Sibuyas. Puros mga damit ang laman noon. Damit na ginagamit ko sa pang-araw-araw.

Nasabi ko na bang siya ang bumili ng lahat ng damit ko? Noong kasing mga panahon na kinuha niya ako ay wala akong kadala-dala miski isang damit. Ayaw niya naman akong pauwiin kaya, siya na ang bumili ng lahat. 

"Ay! Hindi mo type bakla?" tanong niya.

Nang makita ko ay buko pie na bigay ni Aling Sares ay agad akong natuwa. Ito lang kasi ang pasalubong na maibibigay ko sa mga kapatid ko. Paniguradong matutuwa iyon.

Sinuri ko kung napisa ba ang buko pie pero nang makitang wala itong damage ay napangiti ako.

"Ang Masarap." bulong ko.

Excited na akong kainin ito kasalo ang mga kapatid ko.

"M-masarap? Natikman mo na?" narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Daniela sa tabi ko.

Napatango na lang ako sa kaniya. Tiningnan ko siya. Nanlalaki na naman ang mga mata niya.

"Oo. Natikman ko na bakit?" naguguluhan na tanong ko.

Marami kasing dalang buko pie si Aling Sares. Binigyan kami niya kami ni Sibuyas ng Tig dalawa. Tapos binigyan niya din ako ng meryenda na buko pie noon.

"Ang landi mo! Nagpakain ka agad?" sigaw niya.

Mas lalo siyang tumili habang pinaghahampas ako sa braso. Malaki ang kamay niya kaya nasasaktan ako.

Napaigik ako nang muli niya akong hampasin. Nainis na ako sa kaniya kaya binatukan ko siya. Bigla siyang tumigil at natauhan.

"Hoy! Masakit! Ano bang pinagsasabi mo!" inis kong tanong sa kaniya.

Ibinaba ko ang buko pie sa may tabi ko. "Sabi mo kasi masarap!" sabi niya habang hawak ang parte kung saan ko siya binatukan. Nakanguso siya. Parang maiiyak na.

"Iyong buko pie!" sigaw ko habang itinuturo iyong buko pie na nasa tabihan ko.

Bigla siyang napakamot sa ulo. "Akala ko kasi natikman mo na iyong Boss mo." sabi niya.

Inirapan ko siya. "Tonta! Hinding hindi ko gagawin iyon!"

"Bakit? Hindi mo ba talaga type? Sobrang pogi." hindi makapaniwala na tanong niya.

Umiling ako at pagkatapos ay sinaraduhan ko ang bag ko.

"Na-gwagwapuhan lang pero hindi ko type." walang paki na sabi ko.

Gwapo nga, pero naiinis ako sa ugali kaya hindi ko type iyon!

Inirapan niya ako. "Edi type mo din! Parehas lang iyon!"

Umiling ako ulit at tsaka humalukipkip. "Hindi nga. Iba iyon. Dati sobrang na gwagwapuhan ako sa kaniya pero ngayon parang ordinaryong tao lang sa tingin ko." pag-sisinungaling kong palusot sa kaniya.

Umiwas ako nang tingin. Narinig ko siyang bumulong.

"Sus, palusot pa."

"Hindi nga." pilit kong sabi.

"Edi hindi. Sabi mo eh."

Bigla ulit siyang ngumisi na tila ba may naiisip na kalokohan. Kumunot ang noo ko.

"Pero bakla, pikutin mo na. Suwerte ka na doon. Nasa kaniya na lahat. Full package na." panghihikayat na sabi niya sa akin.

Tumayo ako at pagkatapos ay naglakad papunta sa kusina. Sumunod ang mahaderang bakla. Ipinipilit parin niya ang kaniyang payo.

"Pakialam ko. Ayoko doon. Masama ang ugali." naiinis na sabi ko.

"Talaga? Paano mo naman nasabi, sinaktan ka ba?" hindi naniniwala na tugon niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Ang kulit!

"Hindi! Basta masama ang ugali noon." paninira kong sabi sa kaniya.

"Masungit minsan, tapos kuripot. At palautos pa. Basta masama ang ugali." Tuloy na sabi ko.

Mas lalong hindi naniwala si Daniela.

"Ha? Iyon lang. Go parin ako. Kahit bad boy siya. Gwapo eh at tsaka mukhang masarap." aniya.

Napailing na lang ako. Malandi talaga!

"Gaga! Edi ikaw ang pumikot sa kaniya!" nabubwisit na sabi ko.

"Kung pwede lang ay gagawin ko! Kung may matris lang ako, ako na ang magpapabuntis!"

"Pahiram nga ng matris mo." Nakangisi na sabi niya. Inirapan ko siya ng todo.

"Gaga! Edi hindi naman ako nagkaanak?" pagsasakay ko sa trip niya.

"Oh? May balak ka palang mag-asawa? Akala ko kasi gusto mong tumandang dalaga eh. Lahat ng lalaki, inaayawan mo. Arte arte! Doon sa panget ayaw tapos pag gwapo ayaw din? Aba saan ka lulugar niyan? Baka pag umabot ka ng 60 niyan, virgin ka pa!" parang timang na tiningnan niya ako.

May pang-aasar sa boses niya.

Hinawakan ko ang ulo niya at ginulo ko ang buhok niya. Nakangisi na tiningnan ko siya.

"Alam mo, baklang mahadera....."

"Mas maganda nga iyon, hindi sasakit ang ulo ko sa mga lalaki! Pag walang asawa, wala ding sakit sa ulo. At higit sa lahat hindi butas!" pagpapatuloy na paliwanag ko.

Napairap siya. Umiling siya at pagkatapos ay inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa ulo niya.

"Sus, pagtumanda kang dalaga, parang kulang ang pagkatao mo. Hindi ka madidiligan! Mas masarap pag may dilig araw-araw!" pagmamalaki na sabi niya.

Sus, hindi niya ako mapipilit na mag-asawa. Kuntento na ako sa buhay ko.

Aminado naman ako na mahilig din ako sa mga gwapong lalaki. Lumalandi din naman ako minsan pero sa salita lang. Hindi sa gawa. Nilalapitan din ako ng mga tukso pero hindi ko alam....kung bakit ayokong makipag relasyon.

"Wala akong pakialam!"

"Bahala ka na nga dyan. Magbu-beauty rest lang ako." tila naiinis na sabi niya. Sumuko na din siya sa pangungulit sa akin.

Alam niyang walang patutunguhan ang pamimilit niya.

Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay. Alam kong nanghihinayang siya at wala pa akong jowa!

Hindi pa naman ako jowang jowa eh!

"Magpahinga ka muna. Alam kong pagod na pagod karin. Tingnan mo iyang mga mata mo. Para kang panda." nang-aasar na sabi niya

Napatigin ako sa salamin. Gulat na napanganga ako habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon. Mukha na akong losyang dahil sa sobrang pagpapahirap sa akin doon.

Napasinghap ako nang malakas. Bakit gano'n! Hindi ito makatarungan!

"Bakit!!!" natatarantang sigaw ko.

"Anong bakit?" bigla ding nataranta si Daniela. Muli akong tumili.

Tiningnan kong maigi ang mukha ko. "BAKIT ANG GANDA KO PARIN!" hindi makapaniwala na sigaw ko.

Mula sa repleksyon sa salamin ay nakita kong unting-unting nawala ang pag-aalala sa mukha ni Daniela. Napairap siya at inis na kinutusan ako.

"Akala ko kung napaano ka na! Bwisit ito." mura niyang sabi sa akin.

"Alam mo naman ang magaganda, matarantahin sa mga bagay bagay." mahangin na sabi ko habang kinukut-kot ang medyo natutuyo kong labi.

Nilawayan ko ito at pagkatapos ay ngumuso ako sa harap ng salamin.

"Oo na oo na. Lumalakas na ang bagyo sa loob ng bahay. Dyan ka na! Matutulog muna ako, nakakapagod din kayang mag-alaga ng mga kapatid mong makukulit." tinatamad na sabi niya.

Bigla akong napatigil at nakaramdam agad ng antok at pagod. Napahikab ako nang malaki.

Nakakahawa nga talaga ang antok.

"Ako din. Matutulog na din muna ako para makabawi ng pahinga. Lagi kasi akong pinapagod ni Sibuyas." Wala sa sariling sabi ko.

Narinig ko ang malakas na singhap ni Daniela.

"Tang ina, Amara! Akala ko ba hindi mo type! Pero...pinapagod ka? Anong klaseng pagpapagod ang ginagawa niyo?" Mapanghusga na tiningnan niya ako. Mula ulo hanggang paa.

Napataas ang kilay ko sa kaniyang naging reaksyon.

"Naglilinis ng bahay, naglalaba, nagluluto, naghuhugas ng pinggan. Basta lahat ng ginagawa ng katulong. Ano na naman ba iyang nasa utak mo, Daniela?" inis na tanong ko.

"Akala ko kung ano ng himala ang ginagawa niyo doon eh." sabi niya.

Ang malumot na utak ng bakla! Dapat nililinis na ito eh.

"Malumot ang utak! D'yan ka na nga at makatulog na. Gisingin mo na lang ako pag nagising na din ang mga kapatid ko." sabi ko at pagkatapos ay dumaretso na ako sa pagpasok sa kwarto ko.

Nagising ako nang dahil naramdaman ko ang sunod-sunod na paghalik sa aking pisngi.

Kinusot ko ang aking mata habang tumatawa. Nagtawanan din ang mga kapatid kong hilaw at pagkatapos ay sinugod nila ako ng yakap.

"Ate Amara, namiss ka po namin." sabi ni Sasam.

"Ate Amara, aalis ka pa po ba?" tanong ni Dodo.

"Saan ka po ba nagpunta?" mahinang tanong ni Kiki.

"Ate, marami na akong natutunan na english." pagmamalaking sabi ni Totoy Bibo. Napangiti ako sa nalaman.

Sana all!

"Saglit lang muna, isa isa lang. Mahina ang kalaban." Natatawang sabi ko.

Humiwalay ako sa pagkakayakap nila. Nginitian ko sila nang malaki.

"Miss ko na din kayo. Ayos lang ba kayo?"

"Oo naman po. Mababait po kami kay Ate Daniela. Hindi po kami masyadong makukulit." sabi ni Dodo.

"Salamat kung ganoon. Magpakabait pa kayo ha?"

Aalis kasi agad ako. Hindi ko na muna kayo maaalagaan.

"Aalis ka pa po ba, Ate Amara?" Malungkot na tanong ni Sasam.

Malungkot akong ngumiti sa kanila. "Oo. Kailangan ko pang umalis. Hindi pa kasi bayad ang utang ko sa kano kong boss eh."

"Kano ang boss mo, Ate Amara?" Sabay sabay nilang tanong sa akin.

Tumango ako. "Edi mayaman po iyon ate?" tanong ni Kiki.

"Oo. Kaso kuripot." natatawang sabi ko.

"Ay edi masama ang ugali niya?" tila inosente na tanong ni Sasam.

"Oo parang ganoon na nga."

"Ate Amara, gusto mo bang turuan kitang mag-english para naman magkaintindihan kayo noong Kano mong Boss?" bigla akong napatingin kay Totoy Bibo.

Maganda nga siguro iyon. Para naman hindi ako magmukhang unutil sa harap ni Sibuyas. Puros na lang ako si 'Ano' 'Ha' 'Hindi ko maintindihan'

"Nakakapag salita siya ng tagalog pero sige ba. Turuan mo din ako para naman tumalino agad ako sa ingles."

"Sige, Ate Amara. Kukunin ko lang ang libro ko sa kwarto namin." Sabi ni Totoy Bibo pagkatapos ay tumakbo agad siya palabas ng kwarto ko.

Lumabas kaming lahat sa salas. Ilang minuto kaming nagkwentuhan. Ramdam kong miss na miss na nila ako. Matapos akong pagtatanungin at kulitin ng mga kapatid ko ay nagsawa na din sila. Naglaro na lang ang mga ito sa tabi ko.

Masayang tawanan nila ang naririnig ko habang naghihintay kay Totoy Bibo. Ilang minuto na ang lumipas at wala parin siya. Ang tagal. Kukuha lang ng libro sa kwarto nila pero inabot na ng ilang minuto. Akala mo naman ay nasa Laguna pa ang pinagkukunan at sobrang layo.

Si Daniela naman ay tulog parin. Humahagok parin habang nakahiga sa kawayang upuan namin. Nakanganga pa siya habang natulo ang laway.

Nakakadiri. Napangiwi ako sa nakita. Sarap tabunan ng unan sa mukha.

"Ang baklang ito! Daig pa ang nagbuhat maghapon ng sako ng bigas. Hagok na hagok! Akala mo sobrang pagod na pagod." naiiling na sabi ko.

"Ate Amara, nahanap ko na iyong libro." biglang sumulpot si Totoy Bibo sa tabi ko.

Ibinigay niya ito sa akin. Tinignan ko ito. Hindi ko mabasa ang pamagat. Masyadong komplikado. Ingles eh.

"Ang tagal ha? Akala ko ay natabunan ka na ng mga libro doon sa kwarto." nagbibiro na sabi ko.

"Hinanap ko pa po kasi ate. Pinaglaruan ni Kiki kaya nawala sa pinaglalagyan ko. Nakita ko nga sa ilalim ng higaan eh." Sumbong niya.

"Hayaan mo na. Hindi naman nasira." sabi ko habang binubuklat ang libro.

"Oh siya, turuan mo na ako para naman magkaroon ako ng alam sa letseng ingles na iyan."

Pag-ako ay natuto ng ingles na ito. Yari sa akin si Sibuyas. Ipagmamalaki ko sa kaniya na marunong na ako.

Akala niya ha? Tatalino din ako sa ingles na iyon.

"Gaym na." sabi ko.

Umiling siya. "Ate mali, Game iyon. Ga-me!" Pagtatama niya.

"Oo na oo na. Kadali naman! Geme.... Game." sabi ko.

"Tama tama. Ang galing talaga ng ate ko." masayang sabi niya.

Napangiti ako sa ibinigay niyang komplemento.

"Aba syempre naman. Si Danielang Bakla lang naman ang bobo eh." Nagtawanan kami sa aking sinabi.

"Narinig ko yun!" biglang sabat ni Daniela habang nagkukusot ng mata.

"Gising ka na pala." puna kong sabi.

"Malamang gising na. May nagsasalita bang tulog." mataray na sabi niya.

"Dati kaya nagsasalita ka pagtulog!" sabi ko.

"Ha! Hindi ako nag-i-sleep talk no!" tangi niya.

"Ano? Eslep tok?" Kunot noo kong tanong

"Gaga! Sleep talk. Nagsasalita ng tulog." sabi ni Daniela.

"Ahh, sle..sleep t..talk?" nauutal na sabi ko.

"Ang galing naman ni Ate Amara." Biglang sabi ni Totoy Bibo.

Hinawakan ko ang aking ulo.

"Matalino nga kasi ako. Kulang lang talaga sa hasa ang utak ko." nagmamalaking sabi ko.

"Oo, matalino talaga si Ate Amara mo. Lalong lalo na sa pera." sabi ni Daniela.

"Aba syempre. Pera eh." sagot ko. Importante ang pera, pero mas importante ang pamilya.

"Mukhang pera ka kasi." aniya.

"Ikaw naman mukhang lalaki! Gusto lagi padapa!" madiin na sambit ko.

"Masarap naman sila." ngisi niyang sabi.

"Pero ikaw, hindi masarapppppp." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Tse. D'yan ka na nga. Magluluto lang ako. Intrimitidang froglet." napipikon na sabi niya.

Tinawanan ko lang siya at pagkatapos ay itinuloy na namin ni Totoy Bibo ang pag-aaral ng ingles.

Ilang oras din niya akong tinuruan. Inuna muna niyang ituro sa akin ang mga salitang madadali. Sa tatlong oras ay marami akong natutunan. Mabilis kong nakuha ang mga itinuro niya. Noong bandang alas kwatro ay pinayagan ko nang maglaro si Totoy Bibo at ang mga kapatid niya sa labas.

Naiwan na akong mag-isa sa pag-aaral. Lumapit sa akin si Danielang bakla. "Aba, seryosong seryoso ang bakla ah! Ano? marami na bang natutunan ang magandang dalaga?"

"Oo naman. Feeling ko nga ay ang talino ko na."

"Baka sumabog ang utak mo ha? Huwag ka aral at baka mapuno agad ang utak mo. Baka mabigla sa madaming impormasyon na pumapasok." Sabi niya.

"Hindi yan!"

"Time out ka muna." sabi niya at pagkatapos ay ibinigay niya sa akin ang baso na may laman na tubig.

Walang juice? Kinuha ko ito. Iinumin ko na sana pero bigla akong natigilan. May sinabi siya eh.

"Drink your water, bitch!" maarte na sabi niya.

"Anong ibig sabihin noon? Baka naman minumura mo na ako niyan." kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Hindi ah. Ang ibig sabihin noon ay uminom ka ng tubig, bait." Nakangising aso na sabi niya.

Tumango na lang ako sa kaniyang sinabi.

D..drink y...your wa...water "beach"

"Hindi. Bitch..B-I-T-C-H. Ikaw nga."

"B... bitch." gaya ko sa kaniya.

"Nakuha mo." tumatawa na sabi niya.

"Drink your water, Bitch." Ulit ko sa kaniya.

Mas lalo siyang napangisi nang malawak tila ba may kabalastugan na ginawa.

Pa-uulit kong sinabi iyan sa utak ko.

Ayos! May alam na akong ingles na pangungusap.

Pumunta na kami sa kusina upang kumain ng hapunan. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kusina.

Nagsalubong ang aking mga kilay nang may napansin na kakaiba. May isang sako ng bigas sa tabihan ng lutuan, puno din ng mga groceries ang ibabaw ng lababo namin. May mga prutas at gulay din sa ibabaw ng lamesa. Ang ibang pagkain ay nakabalot pa sa plastik.

Tiningnan ko si Daniela, at pagkatapos ay sinitsitan para makuha ko ang atensyon niya.

Ang dami namang pagkain dito! Hindi ako maniniwala na iyong perang napanalunan ko sa patimpalak ang ipinangbili ni Daniela ng pagkain.

Hindi kasi siya nabili sa isang sikat na supermarket. Lagi kaming sa palengke namimili.

"Nasaan galing ang mga groceries na ito?" salubong ang kilay na tanong ko.

Nanlaki ang mata ni Daniela sa aking itinanong.

"Kay pogi---" agad tinakluban ni Daniela ang bibig ni Sasam bago pa ito makasagot.

Mas lalo akong naguluhan sa nakitang pagpipigil ni Daniela. May itinatago ba siya sa akin?

"Nanalo ako sa pa-raffle sa barangay hall. Christmas party kasi ng mga konsihal, tapos namigay at nagpa-raffle sila ng mga groceries." Sagot ni Daniela.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ang dami naman? Pang- ilang buwan na pagkain na ito ah!"

"Galante eh! Tsaka...ano.. birthday din ni Mayor. Namigay ng maraming pang-noche buena." sabi niya.

Mas lalo kong itinaas ko ang aking kilay. Hindi parin ako masyadong kombinsido sa sinabi niya.

"Sige, kung iyan ang sabi mo eh." napabuntong hininga na lang ako.

"Tara nang kumain." pagyayaya ko sa kanila.

"Babalik ka pa ba doon?" Tanong ni Daniela.

Pilit ang ngiti na ngumiti ako sa kaniya. "Oo. Dalawang araw lang ang restday ko."

"Ilang buwan ka ng nagtatrabaho sa kaniya pero ngayon ka lang niya pinayagan na mag restday tapos dalawang araw lang? Ang higpit naman ni pogi." puna niya.

"Malaki kasi talaga ang utang ko doon. Kaya pinapahirapan ako." sabi ko habang naghahain ng pagkain.

"Baka naman minamaltrato ka na doon?"

"Hindi naman niya ako sinasaktan doon." Sabi ko.

"Mabuti kung ganoon."

Biglang lumapit sa akin si Sasam. Itinaas niya ang kaniyang kamay upang magpabuhat.

Binuhat ko siya. Lumapit din si Kiki sa akin. Tumingin siya at pagkatapos ay ngumiti.

"Ate Amara, may pumupunta pong---" biglang napatigil siya sa pagsasalita dahil pinasakan ni Daniela ng tinapay ang bunganga nito.

Napataas ang kilay ko sa ginawa niya. Ano na naman kayang trip ng baklang ito!

"May pumuntang tauhan ng meralco. Nagbigay ng notice. Malapit na daw tayong maputulan." sagot niya sa akin.

"Gagawa akong paraan dyan." sabi ko.

Baka pumunta muna ako kay Aling Mila upang mangutang ng pambayad sa kuryente.

"Hindi okay na. Nakagawa na ako ng paraan doon. Nakapagbayad na din kami ng kuryente." sabi niya.

"May tubig na!" Masayang sigaw ni Dodo sa loob ng cr. Nawala ang atensyon ko kay Daniela.

"Nakapagbayad ka na din sa tubig?" Nalilitong tanong ko.

"Oo. Ngayon lang nila ikinabit ang metro."

"Saan galing ang pera mo?" Nagtatakang tanong ko.

Nataranta siya pero agad din siyang nakabawi sa naging reaksyon.

"Nangutang ako." Tipid niyang sabi. Umalis siya at doon kumain sa salas.

"Ate Amara, malapit na po ang pasko. Makakasama ka po ba namin sa pasko?" nawala ang atensyon ko kay Daniela at napatingin ako kay Totoy Bibo.

"Hindi ko alam eh, pero magpapaalam ako para magkaroon tayo ng oras na magkakasama." sabi ko sa kanila.

Nagsigawan ang mga kapatid ko sa sobrang tuwa kaya napangiti na din ako.

"Yehey! Sana payagan ka po, Ate Amara." sabi ni Sasam.

"Sana nga."

-------
Bitin. Sabaw. Bahaw.. HAHAHA 😂 Maraming salamat po sa pagbabasa 😊

Shoutout to CaseyMaeTayao Salamat po sa pagbabasa 😊

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz