Kabanata 11
"Ang sarap mong tirisin, Sibuyas." nagngingitngit na bulong ko habang naglalakad papasok sa storage room.Dalawang linggo na niya akong pinapahirapan. Hindi naman niya ako minamaltrato pero halos bugbog na ang katawan ko sa sobrang pagod.Nakakainis siya.Miski ang oras ko upang magpahinga ay kinukuha niya parin. Wala siyang patawad, kahit nakain ako ay wala siyang pakialam. Uutusan niya parin ako.Napapairap na lang ako tuwing tinatawag niya ako. Gustong gusto ko siyang sigawan upang sabihin na
time pers at kakain lang ako ngunit hindi ko magawa. Baka kasi mas lalo niya akong hindi pakainin. Demonyito pa naman iyon.Aburido na kinuha ko ang walis tambo na nasa loob ng isang maliit na kwarto. Dito nakalagay ang lahat ng gamit na panlinis ng bahay. Kinuha ko ang mop, pandakot, walis tambo, at isang basahan."Madumi na naman ang bahay ng sibuyas na iyon. Letse. Kakalinis ko lang kahapon eh, tapos pag gising ko kanina ay ang dami na namang kalat? Paniguradong nagkakalat siya tuwing gabi pag tulog na kami ni Aling Sares." Mahinang pagrereklamo ko habang kinukuha ang mga hanger na gagamitin ko mamaya.Kukunin ko na lahat ng kakailanganin ko upang hindi na ako bumalik dito mamaya.Maglalaba din ako tapos magbubunot parin ako ng mga ligaw na damo sa hardinan. Madami na naman akong gawain.Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Halo-halo ang mga nakatambak dito. May mga lumang gamit na pang kusina at may tv pa.Nilapitan ko ito at tiningan. Maayos pa naman ang mga ito, ni wala nga ding kagasgas gasgas. Napaismid ako. Mga mayayaman nga naman. Kahit hindi pa sira ang gamit ay papalitan na agad ng bago. Mukha pa namang bago ang Tv at ref na ito. Sinasayang lang eh, mapapakinabangan pa naman."Mapera kasi." mahinang bulong ko sa sarili.Sayang naman. Nagsasayang lang sila ng pera. Hindi ba nila alam na maraming mahihirap ang naghahangad na nagkaroon ng tv at ref. Tapos ay itatambak lang nila dito at pababayaang maalikabukan? Kung ako si Sibuyas ay ipamimigay ko na lang ito sa mga mahihirap.
Hindi nag-iisip. Madamot. Kuripot. Naiiling na lumapit ako sa vaccum. Imbis na maghimutok ako dito ay mas maganda yatang simulan ko na ang paglilinis. Inilagay ko sa may kalakihang cart ang mga bagay na kinuha ko. Matapos iyon ay agad ko nang itinulak ang cart at lumabas na sa silid na iyon. Nasa labas ang storage room katabi nang kwartong tulugan naming mga katulong.Sa aking paglabas ay tumama agad sa aking balat ang sinag ng araw. Alas nuwebe pa lang ngunit medyo mahapdi na sa balat ang sinag ng araw. Iba na talaga ang panahon ngayon. Hindi na tulad ng dati. Nag iiba na ang panahon, pati ang ibang bagay at ang ugali ng tao ay nag iiba na din. Wala na talagang permanente sa mundo.Si Sibuyas kaya? Magbabago pa kaya iyon? Kailan kaya iyon magiging mabait at mapagbigay sa kapwa? Napanguso ako nang hindi oras. Mukhang malabo nang mangyari iyon. Baka kahit pumuti na ang utak ay hindi parin nangyayari ang bagay na iyon. Sa madaling salita, imposible!Habang dumadaan ako sa may swimming pool ay napaisip ako. Muli kong naalala ang mga kapatid kong hilaw, pati narin ang aking mga magulang na nasa probinsya.Kelan kami aahon sa hirap na tinatamasa namin? Magawa ko pa kayang iahon sa hirap ang pamilya kong nasa probinsya? Ilang buwan na akong hindi nagpapadala sa kanila. Napabuntong hininga ako sa naisip. Kulang pa ang kinikita ko upang ipang tustos sa mga kapatid kong hilaw para may maipakain ako sa kanila. Ni-hindi na ako makapag padala sa mga magulang ko.Malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ako mapatingala sa langit. Akala ko ay wala ng ika-mamalas ang buhay ko pero nagkakamali pala ako. Si Sibuyas ang dagdag malas sa buhay ko. "Amara, pinapatawag ka ni Sir Orion." may kalakasan na sabi sa akin ni Kehsey. Bigla akong napabalik sa reyalidad mula sa malalim na pag iisip.Nanlulumong napapadyak ako sa damuhan na tinatapakan. Ito na naman ang simula ng kalbaryo ng buhay ko."Sige. Papunta na." mahinang sabi ko habang nanghihinayang. Dapat ko nang ihanda ang katawan ko, dahil paniguradong bugbog na naman ito sa pagod. Gusto kong magpa-ulan ng mga mura ngunit mas pinili ko na lang mag papadyak sa inis. Nakita ko ang mabilis at hindi magkanda-ugaga na pagtakbo ni Kehsey papasok sa bahay. Nagmamadali siya at hindi mapakali. Para siyang hinahabol ng mga aso sa sobrang bilis niyang tumakbo.Napailing ako dahil sa nakita. Lahat talaga ay takot sa Sibuyas na iyon. Palibhasa ay mukhang tigreng mangangain ng tao tuwing galit.Ang kulang na lang sa kaniya ay ang pangil at pakpak upang maging halimaw.Oh, Sibuyas, nakakanginig ka talaga ng laman...hindi sa takot kundi sa sobrang inis.Tinatamad na naglakad ako habang hinihila ang cart. Panibagong araw, panibago din na pagod at inis ang mararamdaman ko sa araw na ito."Sibuyas, sibuyas. Ang sarap kumuha ng kutsilyo at ang sarap mong hiwain ng pino na may halong panggigigil." sabi ko habang naglalakad nang mabagal.Pinatatawag niya ako? Sus, bahala siyang mainis sa kakahintay sa akin.Wala akong pakialam kahit mainip siya sa paghihintay at magalit. Basta maglalakad lang ako ng mabagal upang magpatama sa oras, at para mag ipon na rin ng lakas.Napangiwi ako at pagkatapos ay napairap sa kawalan.Ang dami na naman noong iuutos sa akin. Mapang abuso na amo. Walang patawad.Nang makapasok ako sa loob ng mansiyon ay isinantabi ko muna ang tinutulak kong cart sa may tabi ng malaking pinto. Nang matapos ako sa ginagawa ay nagtungo na ako sa hagdan upang umakyat.Nakakailang hakbang palang ako ngunit napatigil ako nang makasalubong ko si Aling Sares na nagmamadali pababa sa hagdan.Bigla akong nataranta sa pagmamadali niya. Baka madulas siya at mahulog sa hagdan. Medyo may katandandaan pa naman siya, baka mawalan siya ng balanse at biglang mamali ng tapak. "Aling Sares, maaari bang magdahan dahan po kayo at baka madulas kayo." nag aalala na sambit ko sa kaniya. Nang mapansin niya ako ay nginitian niya ako. "Ikaw pala yan iha." puna niya.Lumapit ako sa hagdanan at umakyat. Nakaka-tatlong hakbang palang ako ay naging malapit na kami sa isa't isa.Nginitian ko siya at pagkatapos ay hinawakan ko siya sa braso upang alalayan ko siya sa pagbaba. "Aling Sares, bakit ka po ba nagmamadali sa pagbaba sa hagdan." nagaalala na tanong ko sa kaniya.Ngumiti siya sa akin nang malungkot kaya mas lalo akong nabahala. "Kailangan kong magmadali na umuwi sa Bicol. Nagkaroon kasi ng problema ang anak ko kaya kailangan ko siyang puntahan.""Nagpaalam na ako kay Senorito at pinayagan niya akong umuwi muna. Ipapahatid na lang daw niya ako kay Tuning papunta sa Bicol." paliwanag niya habang kinukuha niya ang kaniyang gamit sa may sofa. "Mag-ingat ka po, Aling Sares.""Salamat. Ikaw na muna ang bahala dito, Amara. Sayo ko muna ipagkakatiwala ang mansyon. At alagaan mo muna si Senorito habang wala ako."Hindi na po batang paslit si Sibuyas para alagaan. Gusto kong sabihin iyan ngunit mas pinili ko na lang ngumiti sa kaniya at manahimik. Baka mag mukha akong walang galang. "Alagaan mo si Senorito habang wala ako." mahinhin niyang sabi habang ngumingiti sa akin."At ipagluto mo siya ng masasarap" pahabol na bilin niya.Alagaan? Sus. Ipagluto? Mas maganda sana kung pababayaan ko na lang si Sibuyas. Hindi ko siya ipagluluto hanggang mamatay siya sa gutom.Ngumiti ako ng pilit sa kaniya at pagkatapos ay binitawan ko na siya.Kinuha niya ang mga bag na dadalhin niya na nakapatong sa sofa. Tutulungan ko sana siya pero tinanggihan ni Aling Sares ang gusto kong gawin."Ang bilin ko ah, iha." muling paalala ni Aling Sares.Tumango ako sa kaniya at pagkatapos ay ngumiti nang malawak sa kaniya."Sige po. Huwag na po kayong mag-alala. Ako na pong bahala dito." magalang na sabi ko.Ako na ang bahala sa Sibuyas na iyon. Asahan niyong hindi ko siya aalagaan at papatayin ko siya sa gutom."Maigi naman kung ganon." masiglang sambit niya.Aalis na sana siya ngunit bigla siyang natigilan. Muli siyang humarap sa akin at nginitian ako.Ang aliwalas talaga ng mukha ni Aling Sares tuwing ngumingiti siya. Lagi siyang nakangiti, iyon siguro ang sekreto niya kaya kakaunti ang kulubot sa mukha niya."Oo nga pala. Pinatatawag ka ni Senorito. May mahalaga daw siyang sasabihin sa iyo. Oh siya sige, Mauna na ako." matapos niyang sabihin iyon ay agad na siyang nagmadali sa paglalakad.Habang nakatalikod siya ay kumaway parin ako kay Aling Sares at pagkatapos ay nagsalita ko. "Ingat po kayo."Bago siya makalabas sa pinto ay muli siyang lumingon sa akin. "Salamat hija" Ngumiti siya at pagkatapos ay tumalikod na. Naglakad na siya palabas ng pinto. Nang mawala na siya sa aking paningin ay tanging busina na lang ng sasakyan ang aking narinig ko sa labas.Muli akong lumakad paakyat sa hagdan habang nanlulumo. Paniguradong madami na naman akong nakatambak na trabaho lalo na at umalis si Aling Sares.Nakangusong napakamot ako sa batok ko. "Pahihirapan na naman ako ni Sibuyas. Tsk!""
Bwisit! Bwisit! Bwisit talaga siya!"Tumigil ako sa pagwawalis sa marmol na sahig nang bigla kong naalala ang mga sinabi ni Sibuyas kanina.Ang hinayupak na lalaking iyon! Ginigigil talaga ako! Hindi siya tumupad sa usapan namin. Walang siyang isang salita! Kaya niya pala ako pinatawag kanina dahil hindi niya muna ako papayagan na mag day off bukas. Sa dalawang linggo kong pananatili dito ay hindi pa ako nakakapag-day off. Dalawang linggo na akong hindi nakakauwi sa amin. Gusto ko nang makita ang mga kapatid kong hilaw. Miss na miss ko na ang mga makukulit na kapatid ko. Gusto ko n silang bisitahin para malaman ko ang lagay nila.Nakakakain pa ba sila nang maayos? Baka naman ginugutom na sila ng bakla kong kaibigan? Baka puros kalandian ang pairalin ni Daniela at hindi niya unahin na asikasuhin ang mga kapatid ko. Mayayari sa akin ang baklang iyon pag pinabayaan niya ang mga kapatid ko at pag-ginastos niya ang perang napanalunan ko ay todas siya sa akin.
Double Kell siya sa akin. Mata lang ang walang latay sa kaniya pag ginutom niya ang mga kapatid ko.At si Sibuyas din ang sisisihin ko pag nagutom ang mga kapatid kong hilaw. Hindi niya ako pinauuwi kaya sa kaniya ko isisisi ang lahat. Ang Sibuyas na iyon talaga! Napagka-makasarili! Naiinis na itinapon ko ang walis tambo sa sofa. Matapos lang ako sa pagbabayad ng utang ko sa kaniya bilang katulong ay sasapukin ko siya bilang ganti sa pagpapahirap niya sa akin.Muli kong naalala ang nangyari kaninang umaga.Pagpasok ko pa lang sa opisina ni Sibuyas ay nakita ko na agad siyang nakaupo sa upuan niya habang nagbabasa ng isang libro. Napataas ang kilay ko sa nakita. Bakit nga kaya ako pinatawag ng hinayupak na ito.Mabagal akong lumapit sa kaniya. Hindi niya parin iniaangat ang tingin sa akin kaya naman dumeretso na din ako sa pag-upo sa upuan na nasa harap niya.Humalukipkip ako habang nakaupo."Bakit mo PO ako ipinatawag, SENORITO?" tanong ko sa kaniya habang binibigyan ng diin ang Po at Senorito.Ang tingin niya ay napalipat sa akin. "I would like to...""I mean, nais kong sabihin sayo na hindi muna kita papayagan na umuwi bukas." seryoso ang tono ng boses na sabi niya.Bigla akong napa-ayos nang pagkakaupo. Tinignan ko siya nang matalim sa sobrang inis. Hindi maaari.Hindi siya sumunod sa usapan.Ang sabi niya sa akin noong huli kaming nag-usap ay papayagan niya na akong mag-bakasyon.Wala siyang isang salita.Nanggigigil na tiniklop ko ang aking kamao. Wala akong ibang ginawa kundi sundin siya at hindi rin ako nag reklamo para hindi siya mainis sa akin. Nagpakabait ako para hindi magbago ang isip niya tungkol sa panandaliang rest day ko ngunit napunta lang pala sa wala ang pag-arte ko bilang anghel.Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pagkatapos ay nilapitan ko siya."Hindi ka tumutupad sa usapan." Naiinis na sabi ko sa kaniya habang naglalakad palapit sa kinauupuan niya.Nakita ko ang unting unting pag-alis nang tingin niya sa libro at pagkatapos ay sa akin nagawi ang mga berde niyang mga mata."What are you talking about?" kitang kita sa kaniyang mga mata ang pagtatanong na tila ba hindi niya alam ang aking ipinupunto.Gusto ko siyang irapan ng harapan pero mas pinili kong pigilan ang sarili ko. Baka kasi magalit sa akin si sibuyas at lalo akong hindi payagan na umuwi.Kailangan kong mag-mukhang mabait na anghel. Tumikhim ako at ngumiti ng pilit sa kaniya. "Tagalog lang po muna sa umaga."Umagang umaga ay dadaanin niya ako sa ingles? Gustong gusto niya talagang pahirapan ang mga ugat sa utak ko.Papatayin niya talaga ang mga litid ko sa utak.Bigla naman siyang natauhan sa narinig. Napaayos siya nang pagkakaupo sa upuan. Isinara niya ang librong kaniyang binabasa."I mean, anong ibig mong sabihin kanina?" mahinahon na tanong niya sa akin.Nginisihan ko siya. "Hindi ba't sinabi mo sa akin noong isang Linggo na makakauwi ako sa amin mamayang hapon?""I changed my mind." mahinang sabi niya na siyang nakapagpakunot ng noo ko."Tagalog nga lang kasi." may inis sa tonong sabi ko."Nagbago ang isip ko. Mas makakabuti sigurong sa isang Linggo ka na muna umuwi." tila walang pakialam na sabi niya.Nanggigigil na napabuntong hininga ako."Hindi pwede iyon! Nangako ka eh! Tapos babawiin mo? Wala ka palang isang salita!" Sabi ko sa may kataasan na tinig.Gigil niya talaga si ako! Inis na inis ako sa kaniya hanggang sa matapos ang usapan namin.Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang pagtunong ng door
bill.Napailing ako at hindi na lang pinansin ang nag-dodoor
bill. Paniguradong si kulit na naman iyon. Nangungulit na naman ang batang nakatira sa kabilang bahay. Nagba-vaccum ako ng karpet nang biglang dumating si Orion. Inirapan ko lang siya at itinuloy ko ang paglilinis. Hindi ko siya inimikan."May dumi pa sa sahig. Ulitin mo." may awtoridad na sambit niya habang itinuturo ang sahig na may dahon.Biglang nanlaki ang mata ko nang makita iyon. Ha? Paano magkakaroon ng dahon dito? Wala namang puno dito sa loob ng mansyon niya eh!Napakuyom ang aking palad. Lintik talaga siya.Hinawakan niya ang cabinet at pagkatapos ay ipinunas niya ang dalawa niyang daliri sa cabinet. Tiningnan niya ito at maya-maya lang ay ipinagpag niya ang kamay niya."It's still not properly clean. Madumi pa." seryoso niyang sambit.Lumapit siya papunta sa akin. Akala ko ay sa akin siya pupunta pero tumigil siya sa may lamesa.Ipinunas niya din ang kaniyang kamay sa lamesa. Nakita ko ang bahagya niyang pag-iling."Punasan mo din ang lamesa. Maalikabok pa." utos niya na tila hari.Napairap ako sa kaniya. Ulol!"Tatlong beses ko nang napunasan iyan. Kung tutuusin nga ay malinis pa iyan sayo eh!" inis na paliwanag ko.Siya yata ang may dala ng mga gabok!"May alikabok pa." giit niya na siyang ikinainis ko lalo."Wala na! Tingnan mo!" inis na nilapitan ko ang lamesa at pagkatapos ay ipinunas ko doon ang daliri ko. Walang dumi. Nakangisi na ipinakita ko ito sa kaniya."Wala nga! Baka nga ikaw ang may alikabok eh! Dala-dala mo!" sabi ko."Ikaw ang madumi! Ligo ligo din naman pag may oras!" pang-aasar ko sa kaniya.Tumikhim siya at pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay. Sinamaan niya ako nang tingin. Hindi niya ako sinagot. Nanatili lang siyang tinitignan ako.Nakipagtitigan siya sa akin, at lumaban din ako nang tingin.Umiwas siya nang tingin at pagkatapos ay bumulong nang mahina ngunit hindi ko naman maintindihan."Damn, why can't I stare at you for a long time? This must be bad." Inis na bulong niya. Ingles na naman!"Ha? Ano 'yun?" tanong ko.Baka minumura niya na ako.Hindi niya ako sinagot. Pinanlisikan niya ako ng mata at pagkatapos ay pinagpagan niya ang kaniyang kamay.Arte!"When you are done here, pumunta ka na sa swimming pool at linisin mo iyon." utos niya habang iginagala ang tingin sa paligid."Before that, ayusin mo muna ang mga vase at ilagay mo doon sa kabilang sulok." Sabi niya habang itinuturo ang parte kung saan ko ilalagay ang vase.Napasimangot ako. Ang laki ng vase na iyon tapos ipapalipat niya sa akin. Baliw ba siya?
Hoy babae ako! Baka kamo nakakalimutan mo!"Tse! Layas diyan! Huwag kang mang-abala sa akin. Kaya hindi ako natatapos nang mabilis kasi gawa mo." inis na sabi ko. Hindi ko na pinansin ang iniuutos niya. Hindi ako papayag doon.Hindi ko iyon gagawin."Sulpot ka ng sulpot, tapos magrereklamo ng kung ano-ano!" ani ko habang nagpapatuloy sa pag-lilinis."Tsk! Make it fast." angil niya. Inirapan ko lang siya nang nakakamatay at pagkatapos ay inambahan ng suntok. Hindi ako takot sa kaniya dahil hindi naman niya ako sinuswelduhan. Paki-alam ko ba kung magalit siya! Mas pabor pa nga sa akin iyon dahil may posibilidad na palayasin niya ako.Nginisian niya lang ako bago ako tinalikuran."Keep up the good work, signora." sabi niya habang naglalakad palayo.Kinuha ko sa storage room ang panglinis ng swimming pool, at pagkatapos ay agad na akong lumabas sa stock room. Pumunta agad ako sa likod kung nasaan ang swimming pool. Pasipol sipol ako habang naglalakad pero agad akong napatigil nang may makitang magandang tanawin.Nahulog ang aking panga at ang aking mata ay biglang nanlaki nang makita si Sibuyas na naglalangoy sa swimming pool.Ang tanging suot niya lang ay shorts, kaya kitang-kita ang maskulado niyang katawan. Napalunok ako nang hindi oras dahil sa nakita. May walong pandesal? Masarap at nakakabusog sa umaga este masyadong nagkakasala ang mga mata ko dahil sa nang-aakit niyang katawan. Umagang umaga tapos dinidemonyo niya ang utak ko.
Oh! Machong papa, layuan mo ako. Isa kang tukso!Tumikhim ako at pagkatapos ay tumuloy ako sa paglapit sa swimming pool. Hindi ako magpapadala sa tukso! Kung nandito si Danielang Bakla ay paniguradong naglalaway na iyon na parang asong bang-aw.Iniiwas ko ang tingin sa kaniya. Inumpisahan ko ang paglilinis ng swimming pool. May pumatak na dahon kaya iyon ang pilit kong inaabot. Nasa kabilang bahagi si Sibuyas kaya naman malayo kami sa isa't isa.Ilang minuto akong naglinis ng malaki niyang swimming pool. Hinihingal na nga ako dahil ang hirap kunin ng ibang dahon na pumapatak sa tubig, tapos ang bigat bigat pa ng letseng hawakan ng net na ito.Malapit na akong matapos nang bigla akong napatingin sa kinaroroonan ni Sibuyas. Narinig ko kasi ang impact ng pagbagsak niya sa tubig.Napanguso ako nang makita ang paglalangoy niya. Ang galing niyang maglangoy. Para siyang isang beterano na manlalangoy. Tapos ang galing niya pang sumisid.Sa bawat paggalaw ng kaniyang braso ay nag-feflex ang muscle niya. Napakagat-labi ako. Ang hot niyang panoorin. Paniguradong magtatatalon si Daniela kung napapanood niya ngayon ang senaryong ito.Imbes na panoorin pa siya sa paglalangoy ay tumalikod na lang ako. Lalayo na sana ako sa may swimming pool nang biglang nanlaki ang mata ko. Napatapak ako sa basang parte ng tiles kaya unting-unting nawalan ako ng balanse. Sa kinamalas-malasan ay nadulas pa ako. Kasunod noon ang mabilis kong pagbagsak sa swimming pool. Noong bumagsak ako ay ramdam ko ang pagyakap sa aking katawan ng malamig na tubig.Napamura ako sa aking isip habang nagkakakawag.
Hindi ako marunong lumangoy! Nahulog pa ako sa 7th feet!At sa kinamalas-malasan pa ay sa malalim na bahagi ng swimming pool pa ako nahulog.
Malas talaga ako.Sa sobrang taranta ay mas lalo akong lumulubog pababa. Unting-unting na akong nauubusan ng hininga at lalo akong lumulubog. Maganda lang talaga ako, pero hindi ako marunong lumangoy.
"Sibuyas, tulong...." Piping sambit ko sa aking isipan.
Matapos kong sabi iyon ay ipinikit ko ang aking mga mata. Mapapabilis yata ang pagka-todas ko. Unti unti na akong kinakapos ng hininga. Hindi ko napaghandaan ang pagbagsak ko kaya unting unti nang nauubos ang hangin ko.
Mawawalan na sana ako ng pag-asa nang bigla akong nabuhayan dahil naramdaman ko ang unting-unting pagpulupot ng matipunong braso sa aking bewang.
Naging mabilis ang pag-sagip sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata nang nakaahon na ang ulo namin. Habol ang hiningang kumapit ako sa leeg ni Sibuyas.
Buhay pa ako! Buhay pa ang dyosa!
"Fuck! If you're going to drown yourself, not on my pool, okay?" may inis na sabi niya habang hinihingal.
Nakita ko ang kunot noo niyang reaksyon habang hinahawi pataas ang kaniyang buhok. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin habang hinahabol niya din ang hininga niya.
"A-ano?" naghahabol ng hininga na tanong ko sa kaniya.
"È meglio essere annegati nel mio amore piuttosto che essere annegati nell'acqua" hatala sa boses niya ang pagka-inis habang nagsasalita siya ng ibang lenggwahe.
Hindi nga ako natodas sa pagkakalunod, pero parang matotodas yata ako sa pagkakaroon ng nos bleyd.
---
Maraming salamat po sa pagbabasa. Godbless po. 💕Translation:
È meglio essere annegati nel mio amore piuttosto che essere annegati nell'acqua-- It is better to be drowned in my love than to be drowned in the water