ZingTruyen.Xyz

Taking A Step Closer To You

PART ELEVEN: Foolish Love

Veilofthedark

When you lose your parents, you will never be the same again.

Alam na alam ko 'yon nang pumanaw ang papa ko. Araw-araw kong pinipilit ang sarili ko na magiging okay din ako. Na makaka-move on rin ako.

I guess, hinding-hindi talaga tayo makaka-move on. Matatanggap natin siguro, pero darating ang mga oras na bigla-bigla na lang tayong magbre-breakdown.

Kaya nang tuluyang nagbago si Felix nang mawala ang mommy niya, hindi na ako nabigla. Minsan na lang itong pumapasok sa ospital, hanggang sa unti-unti ay hindi na.

Wala na ring nakakaalam sa mga nangyayari sa kaniya. Hindi na ito uma-attend ng mga seminars. Kapag pinipilit ito ng mga kaibigan niyang makipagkita sa kanila, isang linggo raw ito bago mag-reply.

Kapag nag-reply naman, dine-decline lang sila. Laging sinasabi na busy daw, pero hindi naman nila malaman kung ano ba pinagkakaabalahan nito.

Isang araw, pumunta pa ang mga kaibigan niya sa school para lang pakiusapan ako.

"Please, Maia, pabisita naman si Felix," sabi ng isa. "Medyo nag-aalala na kasi kami, hindi namin alam kung ano pinagkakaabalahan noon."

"Oo nga," saad ng isa pa. "Pag-aaral ang pinakagusto niya sa buhay. The fact that he doesn't go to the hospital anymore, masiyadong alarming for us. Especially sa mental state niya ngayon."

Bago pa ako makapagsalita ay biglang sumabat ang kaklase ko na naging close ko lately.

"E bakit si Maia?" sabi nito.

"Oo nga, bakit si Maia?" sabat ng isa pa. "Seniors na kami, for sure alam ninyo na ito ang busiest year. Hindi na nga kami natutulog sa dami ng ginagawa namin, why give Maia the burden to take care of your friend?"

"Correct," biglang sabi ng unang nagsalita. "Kung hindi n'yo kaya, what more pa si Maia?"

"No, no, no," sabi ng kaibigan ni Felix. "Hindi namin kaya, pero si Maia, oo."

"Bakit, ano ba 'yon ni Maia? Jowa?!" sabat ng kaibigan ko.

Natahimik ang lahat. Biglang hinampas ng isa kong kasama ang kaibigan ko na 'yon.

"Girl, naging almost sila, 'di ba?!"

"Ay..." Biglang napatingin sa akin ang kasama ko.

"It's okay," tumingin ako sa mga kaibigan ni Felix at pilit na ngumiti. "Ako na ang bahala, susubukan ko siyang kausapin kapag free ako."

"Thank you, Maia!" masiglang sabi ng isa. "We know super busy ka, pero wala na kasi kaming choice. Among anyone, alam naming ikaw lang re-replyan ni Felix agad-agad. Kami kasi isang linggo bago pa niya reply-an. Kaya kung matutulungan mo kami, that'd be great."

"At alam naming busy ka—kayo—pero wala na kaming choice. Worried kami sa buhay ng kaibigan namin. Nakita mo naman ang estado niya last time, ano?"

Biglang pumasok sa isip ko ang panahon na inilibing ang mommy ni Felix. Hindi ito nagsasalita noong una pero namumula ang mga mata. Matapos umuwi ng mga nakipaglibing ay doon ito nag-breakdown.

Grabe ang hagulgol niya to the point na hindi na siya makahinga nang maayos. His friends had to assisst him pa dahil medyo delikado ang naging lagay niya.

"Of course, I know," sabi ko. "Naiintindihan ko. 'Wag kayong mag-alala, susubukan ko at gagawa ako ng paraan. Hindi na iba sa akin si Felix."

They said their thanks once more before they finally left. Sa buong klase ay hindi ako masiyadong nakapag-focus. Buti na lang at na-advance study ako sa lesson na 'to kaya kahit papaano ay hindi ako behind.

Napansin iyon ng teacher namin kaya nang tinawag niya ako para mag-explain, nakasagot naman ako kahit papaano.

Sa totoo lang ay nagu-guilty ako kay Felix. Noong mga panahon na kailangang-kailangan ko ng karamay noong mga panahong walang-wala ako, tinutulungan ako ni Felix emotionally nang hindi man lang niya nalalaman. Pero ngayong siya ang kailangan ng kasama, ako naman itong hindi makapaglaan ng oras.

Noong mga unang araw matapos ang libing ng mommy ni Felix ay madalas kaming makapag-usap. Pero nang dumaan ang mga araw, naging madalas na lang hanggang sa nawalan na ulit kami ng komunikasyon dahil nga sobrang busy ko na sa school.

Nang sabihin ng mga kaibigan niyang ilang araw o halos isang linggo bago siya mag-reply ay lalo kong naramdaman ang guilt. Paano ba naman kasi, wala pang isang minuto ay nagre-reply na siya.

Dumating pa nga sa punto na nakatulugan ko na siya at paggising ko ay tadtad ako ng chat mula sa kaniya. I explained na nakatulog ako sa sobrang pagod at hindi naman niya iyon ginawang big deal. Naintindihan naman ni Felix.

I knew he needed someone to be with. Someone that he could rely on, especially these days that he feels so weak and fragile.

Matapos ang klase namin ay umuwi ako agad para mag-ayos. I was planning to go to Felix's place. Dala-dala ko na nga ang paper works ko para may rason ako kunwari sa pagpunta ko sa kaniya.

Bukod sa makakamusta ko na siya, makakahingi pa ako ng tulong sa mga paper works ko. Win-win situation, ika nga.

'Yon nga lang, nagtatalo ang isip ko kung dapat ko ba siyang isurpresa na dederetso na lang ako sa bahay nila nang walang pasabi dahil baka humanap siya ng way na tanggihan ako, o dapat ko muna siyang i-text at irespeto ang privacy niya.

Nagtatalo pa ang isip ko nang bigla akong maabutan ni Blaire. Pagod na pagod ito galing school.

"Ikaw ha, hindi mo ako hinintay umuwi," sabi niya sabay hagis ng bag niya sa sofa at ibinaba ang iced coffee na hawak niya sa table. "Bakit ba nagmamadali ka kasi at hindi mo na nahintay last class ko?"

"Ewan ko, pagod din siguro ako," sabi ko at kinuha ang phone ko sa table. "Sorry na."

"Tse!" Biro niya sa akin. Pareho kaming natawa.

Natigil siya nang mapansin ako.

"Maia, bakit bihis na bihis ka? Are you going somewhere?" taka niyang tanong.

"H-Huh?" Tanong ko at bahagyang ngumiti, ngunit pilit. "Oo, e. Stressed ako sa school, kailangan kong mag... uh... unwind."

"Pagod daw pero lalabas? The math is not mathing," sabi ni Blaire. "True ba?"

Tumango ako. "Burned out na ako, Blaire."

"Asus," sabi nito. "Okay, sige. Wait for me, mag-unwind tayong dalawa."

I panicked. "Naku, 'wag na. Kaya ko na 'to. Besides... I need me-time."

Tiningnan ako ni Blaire at biglang naningkit ang mga mata niya.

"Maia, tell me honestly..." panimula niya.

"Hmm?" kinakabahan kong tanong.

"Are you hiding something from me?"

"Huh?" bigla kong sagot at napalunok. "Ano namang itatago ko sa 'yo?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't know, baka lang naman."

"Ba't ako magsisinungaling sa 'yo?" tanong ko.

Maia... you are lying already...

"I don't know," sabi ni Blaire. "Or are you meeting someone else? Felix, maybe?"

"Of course not!" Mabilis kong sagot. I really sounded guilty.

"Sure?" Tanong niya.

"Sure," tipid kong sagot.

Blaire hated Felix for some unknown reasons. Ayaw na ayaw niyang madidikit ako rito or nakikipagkita. Feeling niya kasi ay distraction lang ito sa pag-aaral ko at wala talagang naitutulong.

I mean, she has all the rights to say it. Siya ang tumulong sa akin para makapag-aral ako. Pamilya niya ang tumutustos sa pag-aaral ko. Sa kanila ako nakatira at sila ang nagpapakain sa akin. Without Blaire, I am nothing.

"Maia, girl," sabi ni Blaire at lumapit sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, sinusuri ang suot ko. Doon ko napansin na napuna niyang sinuot ko ngayon ang damit na lagi kong sinusuot kapag nagkikita kami ni Felix. I feel confident kasi sa damit kong iyon.

Napalunok ako. Alam kong hindi tanga si Blaire para hindi mapansin iyon.

"Alam mong ayaw ko sa lahat ang nagsisinungaling sa akin, 'di ba?" sabi niya. "Especially kung ang hangarin ko lang ay protektahan iyong taong iyon."

Bumuka ang bibig ko pero hindi ako nakapagsalita.

"I trust you, Maia, kaya please don't disappoint me," she added.

With my heart pounding wildly inside me, I forced a smile. "Of course."

Doon din ngumiti si Blaire. "O, siya, sige, alis ka na. You might really need that self-time mo."

Naglakad si Blaire at may kinuha sa bag niya. Naroroon ang camera niya.

Isa sa hilig ni Blaire ay ang pagkuha ng mga litrato. She only does that kapag worn out siya. Back then, phitigraphy something that she likes to do. She only did stop doing that when she got busy with her studies.

Gumagawa pa nga siya ng mga libro para rito. She would stick the polaroids on them and explain how beautiful it is.

Isang beses ko lamang iyong nakita. Nang makita kasi ako ni Blaire na tinitingnan ko ang mga libro niya, she got mad. She explained to me na privacy niya iyon at kahit parents niya ay hindi iyon tinitingnan. Nag-sorry naman agad ako.

"You took pictures?" tanong ko sa kaniya.

"Ah, yea," sabi ni Blaire. "A lot. Padalha na lang ang susi, Maia, please. Baka kasi makatulog ako, e. Hindi kita mapagbuksan ng gate."

"Okay lang, ano ba," sabi ko at nagpaalam na.

Nang nasa labas na ako ay pinilit kong alisin ang guilt sa akin. I lied to Blaire. I even promised not to do it, but I did. Nakaka-guilty nang sobra.

Pero kapag sinabi ko naman sa kaniya na aalis ako ngayon dahil makikipagkita ako kay Felix, alam kong hindi siya papayag.

Kailangan na kailangan ako ni Felix ngayon.

Habang naglalakad ay tiningnan ko ang phone ko. I've decided to call Felix. I didn't want to invade his privacy. Kahit naman ako, ayaw ko ng ganoon.

Tumawid na muna ako sa pedestrian lane at nagsimula na siyang tawagan. Bigla akong natigil nang mapukaw ng atensyon ko ang isang lalaki na nasa labas ng pet shop. Tinitingnan nito ang mga aso mula sa bintana.

Nag-ring din ang phone niya at nakita kong tinitigan niya ang tumatawag.

It was Felix. Nakasuot lang ito ng dilaw at flowered-design na polo at puting shorts. Nakasuot din siya ng puting sapatos. Nasa kabilang side lang siya ng kinatatayuan ko.

Felix just watched his phone. He didn't do anything at all. Hinihintay lang talaga niyang tapusin ko ang tawag.

I ended the call and it seemed like Felix really needed that self-time.

Akmang aalis na sana ako at tumalikod na nang bigla naman akong muntik mabangga ng kabataang nagba-bike. Tumili ako at sumigaw naman siya.

"Tanga!" sigaw nito sa akin. "'Wag ka humarang sa daan, nabili mo ba 'yan?!"

Lahat ay nagtinginan sa akin. Hiyang-hiya ako. Pagtingin ko sa harap ay nakatingin na sa akin si Felix.

He awkwardly raised his hand slightly, signalling me a 'Hi'. Hiyang-hiyang nagtaas din ako ng kamay. Sana kinain na lang ako ng lupa.

The next thing I knew, I was beside him. Tinitingnan pa rin niya ang mga aso sa glass wall ng pet shop.

"Why were you calling me?" tanong niya. "May problema ba?"

"And why did you just stare at your phone instead of actually answering it?" tanong ko pabalik.

Biglang natawa si Felix at tiningnan akong muli. "Sorry, nabigla kasi ako. If it was another person, I would've just declined the call."

"But for me, you hesitated?" tanong ko pabalik.

"Because you are special, Maia," he said. "Special for me."

I scoffed jokingly. "Pero hindi mo pa rin sinagot."

"I didn't have enough bravery," Felix said. Tiningnan niyang muli ang isang aso na kanina pa umiikot-ikot mula sa glass wall at nakikipaglaro sa kaniya. "Cute."

"Kukunin mo?" tanong ko sa kaniya habang tinitingnan din ang aso. "The dog picked you."

Bahagyang natawa si Felix. "I can't be his owner. I'm not worthy."

"Bakit naman?" gulat kong tanong.

Doon ako hinarap ni Felix. Nagkibit-balikat siya. "Sasabihin ko sa 'yo mamaya. Busy ka ba? Magpapasama sana akong mamili ng groceries. Wala na akong makain sa bahay, kilala na ako ng mga rider ng FoodPanda."

Bigla akong natawa. "I didn't expect that."

"Didn't expect what?" Felix asked.

"Na magpapasama kang mag-grocery," sabi ko. "Akala ko magpapasama kang maglakad-lakad sa sea side, tumingin ng sunset o manood ng sine."

Felix's smile widened. "Nagawa ko na lahat and nothing made me feel better. Maybe a grocery with you will do. Okay lang ba? Puwede ka na umuwi after, I won't... take much of your time."

Felix was being transparent with me. He wasn't sugarcoating anything at all. Ipinapakita niyang he was still in  pain.

"Of course," sabi ko. "Kahit na ano, may time ako hindi lang para sa grocery, kundi sa 'yo rin."

Felix looked brighter than before. "Thank you, Maia."

"Nothing to say thanks about," sabi ko at hinawakan si Felix sa braso niya habang nagsisimula kaming maglakad.

He was a bit shocked. I just gulped and showed my confidence.

"Okay lang naman 'no?" tanong ko sa kaniya.

Felix looked at me and his lips curved a sudden smile. "A dream come true."

Akala ko nang gawin ko 'yon, s'ya ang kikiligin. Pero mukhang maling-mali ako roon dahil ako ang kinikilig sa mga sinasabi niya.

Nagsimula kaming mag-grocery ni Felix. Napansin kong strict siyang mamili. He will take a lot of time in a specific section. Hinding-hindi talaga siya aalis sa isang lugar hangga't hindi niya nasisiguradong wala na siyang kailangan doon.

"Ayaw ko kasi nang pabalik-balik," sabi ni Felix. "Nakakainip ba?"

"No, no," sabi ko. "Nakaka-amaze lang."

Very particular din siya sa expiration date ng mga binibili niya. Sobrang responsable talaga niyang tao.

After naming mag-grocery ay naglalakad na kami papunta sa kotse niya. I told him na huwag na niya akong ihatid sa pag-uwi at maglalakad na lang ako. Natatakot kasi akong makita kami ni Blaire.

Habang naglalakad kami papunta sa kotse niya ay bigla siyang nagsalita.

"Maia, I have... a really big problem," He said.

"How may I help?" tanong ko agad pabalik.

Felix sighed at first and smiled weakly. "Lahat ng binili ko ngayon... I... uh... I don't know how to cook them."

"I can cook for you," sabi ko agad. Maybe he was asking me to come over. "Tinola itong isa, 'di ba?"

"Yea but..." he stopped and sighed again. "That's my mom's specialty. I hate how bland tinola tastes but whenever my mom cooks it, sobrang sarap."

Natahimik ako. Hindi ko alam kung paano ko siya ico-comfort doon.

"I had been trying to copy how her Tinola tastes... Pero wala talaga..."

He looked and sounded sad, really.

"Felix..." sabi ko. "Hindi man ako kasing galing ng mama mong magluto, pero ipagluluto kita. May I come over tonight?"

Tiningnan ako ni Felix at maya-maya ay umiling. "Busy ka, Maia, alam ko, napagdaanan ko ang year na 'yan. Graduating ka, you should focus on your studies. Don't mind me, kaya ko ang sarili ko. I won't harm myself too, if that worries you. Tell my friends not to bother you again the next time they ask for help. Magiging okay din ako."

He knew what was happening.

"Sobrang pasasalamat ko na na pinaglaanan mo ako ng oras," sabi niya. "That's why you deserve to know what I've been up to lately."

"You are up to something lately?"

Tumango siya. "The reason why I didn't take the dog in the petshop is because... I'm leaving."

I was baffled. "Leaving? What... do you mean?"

"I applied as a volunteer doctor overseas," he said. "Sa mga casualties ng gera, or crisis. Something like that."

Natahimik ako. Hindi ko alam slang sasabihin ko.

"Napansin kong nawalan ako ng gana sa lahat. Maybe that will help me to feel the will to do my passion again, which is working as a doctor."

"Have you ever informed someone about it?" tanong ko.

Umiling siya. "No. I usually tell my mom about it. Sa lahat ng desisyon ko sa buhay, siya ang unang nakakaalam. Now that she's gone, isa na lang ang natitirang babae sa buhay ko."

He smiled at me.

"That's you."

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz