ZingTruyen.Xyz

South Boys 2 Heartbreaker

KAILAN PA?


Kumibot-kibot ang sentido ko habang nakatitig sa basurahan. Bumalik sa isip ko ang mga ngiti ni Jordan. Ang pagiging relaxed niya. Napaka-inosente ng pagmumukha pero ang daming kabulastugang nalalaman.


Paharabas na isinara ko ang takip ng basurahan. May araw din sa akin ang lalaking iyon!


Sa ngayon ay kailangan ko na munang mag-ready. May lakad ako ngayon. Maaga ang meeting ko sa may ari ng shop para sa bubuksan kong cosmetic business. May mga ka-deal na ako na hahanguan ng products sa bansang Thailand. Meron na rin dito sa Pilipinas. 


Naka-set up na ako ng store sa mga online selling platform. May resellers na rin ako na nakuha. Mga working mothers sila na ang isa ay taga Bacoor at ang isa ay taga Binakayan. Malalakas magbenta pero mga walang puhunan kaya saulian ang naging usapan namin.


Si Nelly ang kinuha kong kasosyo. Malakas magtinda si Nelly sa online at nakikitaan ko siya ng potential sa business, iyon nga lang ay wala rin siyang siyang pera na pangpuhunan, kaya naman naisip ko na kunin na lang siyang business partner. Pinag-resign ko na siya sa factory na pinagta-trabahuan niya. 


Si Nelly ang magiging boss sa shop ko. Pinag-seminar ko siya ng tungkol sa mga cosmetics para mapalawig ang kanyang kaalaman. Ibinili ko rin siya ng sarili niyang laptop at bagong cellphone para sa mga online orders namin.


Pagkatapos ng pirmahan sa shop na kinuha ko ay tinawagan ko na si Charlotte. Ang babae ulit ang magre-renovate at hahawak sa decoration ng cosmetic shop. One week lang ang ibinigay ko sa kanya dahil sa weekend ay darating na agad ang mga in-order kong mga gamit na katulad ng refrigerator, aircon, at mga babasaging estante. Next week naman ay darating na rin ang mga stocks.


Napangisi ako sa isiping magkikita ulit sina Nelly at Charlotte. Hanggang ngayon kasi ay gigil pa rin si Nelly sa kapatid ni Charles. Muntik na pala kasi siya nitong masikmurahan noong nagsasabunutan sila. Noong panahon na iyon ay hindi naman alam ni Charlotte na buntis siya.


Pagkatapos sa shop ay nagpahatid ako ng PK2 sa Grab. Dahil nakabukas naman ang gate ng compound nina Isaiah ay nagdire-diretso ulit ako papasok.


Nakasalubong ko na naman ang mama ni Arkanghel na si Tita Roda. As usual sa mukha ng ginang, nakasimangot na naman siya, pero sanay na ako. Sanay na ako gaya ng pagkasanay ko naman sa parang armalite na bibig ni Tita Anya na mama ni Isaiah.


"Good morning po!" bati ko sa kanya.


Tumingin sa akin ang ginang. "Pupuntahan mo si Isaiah? Hayun, lasing sa kanila! Nag-inom kagabi kasama si Arkanghel. Madaling araw na sila natapos!"


"Lasing? Kagagaling lang sa pag-inom ni Isaiah sa amin."


"Ewan ko ba riyan sa anak ni Anya!" himutok ni Tita Roda. "Luto na yata talaga ang bituka niyan! Idinamay pa ang anak ko! Alam mo bang pagdating na pagdating ni Arkanghel kahapon ay lumayas agad ang dalawa. Nag-motor papunta na naman papuntang 7-Eleven. Pagdating ay ang daming dalang alak! Nag-inuman hanggang madaling araw!"


"E nasaan po si Arkanghel?" Wala naman ang kotse ng manok ko sa labas.


"Maagang umuwi! Lasing pa pero umalis na! Diosmio, sumasakit ang ulo ko sa konsumisyon!" Pamartsa na pumasok na sa bahay ng mga ito ang ginang.


Tumuloy naman na ako sa bahay nina Isaiah na nasa dulo ng compound ng mga del Valle. Bukas ang screen door. Pagpasok ko ay nagkalat ang mga basyo ng Red Horse sa sahig. Mukhang nagmukbang nga ang magpinsan.


Sa kusina ay naroon si Tita Anya na nakasimangot din habang naghuhugas ng mga plato. Pagkakita sa akin nito ay nagsimula na ang bibig sa pagtatalak. "Ang ugok na magpinsan na 'yan, ako na naman ang ginawang tagalinis ng kalat nila! O hayan, ni hindi na nakapasok si Vien ngayon dahil walang nag-asikaso. Magdamag napuyat si Vivi sa kakasuka niyan ni Isaiah na kulang na lang pati yata ang atay at balunbalunan ay isuka rin!"


Malamang magsusuka iyon. Hapon pa lang sa amin ay lumalaklak na ng alak e.


Hindi ko na pinakinggan pa ang mga hinanaing ni Tita Anya. Dumiretso na ako sa pag-akyat sa second floor ng bahay nila. Pagdating sa kuwarto ni Isaiah ay mahina akong kumatok. Mahirap na at baka may aksyon pala sa loob.


Bumukas naman agad ang pinto. Si Vivi ang nagbukas. Nangangalumata ang babae na halatang napuyat nga. Sinenyasan niya ako na 'wag maingay.


Sumilip ako sa loob ng kuwarto. Nasa kama si Isaiah. Nakadapa at mukhang tulog na tulog. Walang pang-itaas at shorts lang ang pang ibaba. Katabi nito ang anak na nakanganga habang natutulog din.


Pumasok ako at lumapit sa kama. Marahan kong itinaas ang kutson sa bandang kinahihigaan ni Isaiah. Tama nga ako, nandito tinago ng kumag ang baril niya.


"Arbor ko na ito," sabi ko kay Vivi.


"Yes, please," sagot naman agad niya sa akin.


Ngumisi ako at inilagay sa bag ang baril. Bahala si Isaiah na umikot ang tumbong pagkagising na wala ang baril niya.


Magulo ang utak niya ngayon kaya hindi siya pwedeng magkaroon nito. Saka mamaya makuha pa ito ni Kulitis, mahirap na.


Nagpaalam na ako kay Vivi. Paglabas ko ng compound nina Isaiah ay nagulat ako na nasa labas ng gate ang kotse ni Jordan. Nakasandal siya sa may hood. Pawisan na dahil sa sikat ng araw pero mukha pa rin siyang mabango. Talent niya na talaga ito.


"Galing ako sa café, wala ka."


Nakatingin lang ako sa kanya. Nakangiti siya. Mukhang anghel. Parang walang ginawang kababalaghan kagabi.


Sumakay ako sa kotse niya nang 'di pa rin nagsasalita. Siya naman ay maaliwalas ang aura habang nagda-drive.


Inabutan niya ako ng panyo, nagpapapunas ng pawis. Pinunasan ko naman ang pawisan niyang leeg pero walang care. Masaya pa rin naman siya. Ngali-ngali ko siyang ingudngod sa manibela, nagpigil lang ako.


Habang umaandar ang kotse ay napansin ko na hindi pauwi sa Navarro ang tinatahak namin. Dire-diretso siya sa pag-drive.


"Saan tayo?"


"Tagaytay."


Tumiim ang mga labi ko.


"Birthday ni Daddy."


"Invited ako?"


"Of course. Hindi naman malaking handaan. Tayo-tayo lang."


Hindi na ako kumibo. Naalala ko ang pag-invite ni Jillian sa akin, walang okasyon iyon. Gusto lang talaga mag-invite ng mommy nila. Meron pala talagang ibang okasyon. Hindi ko lang alam kung invited ba talaga ako roon.


Mabilis lang ang biyahe namin. Nagpanggap ako na nakatulog sa passenger's seat. Pagkarating sa Tagaytay ay saka lang ako dumilat.


Wala ngang party pagbaba namin. Walang ibang kotse sa garahe nila. Maski iyong nakita ko last time na Mitsubishi Montero Sport na kotse yata ni Harry ay wala rin dito. Wala ngayon ang jowa ni Jillian. Mukhang wala ngang ibang bisita kaya kahit paano ay napanatag ako dahil sa pamilya lang talaga nila ako maiilang.


Pagpasok sa bahay ay nagulat ako dahil it's a prank lang pala na kami-kami lang. Nandito pala ang BFF ni Jillian na si Dessy.


Sumalubong agad sa amin si Hyde nang makita si Jordan. Si Jillian naman ay matipid na ngumiti lang sa amin. Lumabas ng kusina ang parents nila at binati kami. Si Dessy naman ay deadma lang. Parang may sariling mundo ang babae habang nakaupo sa sofa at nags-cellphone.


Nang bumalik sa sofa si Hyde ay saka lang binitiwan ni Dessy ang cellphone. Niyakap nito ang anak ni Jillian at pinaghahalikan. Kulang na lang ay dilaan ang pisngi ng batang lalaki. "Handsome baby, are you hungry?"


Kairita. Mabuti na lang at niyaya ako ni Jordan na pumunta muna sa likod-bahay nila. Sa garden kami tumambay.


Nakaupo ako sa swing habang si Jordan ay nasa likod ko. Marahan niya akong idinuduyan. Nang huminto siya sa pagduyan sa akin ay masuyo niya namang minasahe ang noo ko. 


Sumunod sa amin sa garden sina Dessy at Hyde. Kapansin-pansin talaga at nakaka-cringe ang pagiging maasikaso ni Dessy sa batang lalaki. Napaismid ako at hindi iyon nakatakas sa paningin ni Jordan nang maupo siya sa kabilang swing.


Pasimple kong inginuso sa kanya si Dessy na ngayon ay inaalalayan sa slide si Hyde na akala mo naman dalawang taon lang ang bata kung pakaasikasuhin.


"Why?" tanong niya sa akin.


"Malansa 'yang babae 'yan," sagot ko. Ewan kung naintindihan ba ni Jordan. Matalino lang siya acad at kabulastugan pero sa mga ganyan ay wala siyang kaalam-alam. Kailangan niya pa ng training sa akin.


Para naman kay Jillian, hindi ko alam kung manhid ang babaeng iyon para hindi makaramdam kay Dessy. 


Akala ko si Dessy na ang huling magpapakulo ng dugo ko. May humabol pang isa. Around 7:00 pm bago mag-dinner ay dumating si Saoirse Nathalie Macaraeg Figeroa o 'Nat'.


Maganda pa rin si Nat. Maganda sa photos at ganoon din sa personal. Simple lang ang ayos at simple lang manamit. Mukhang intelihente, mahinhin, at... mabait.


Ngayon ko na lang ulit nakita ang babae maliban noong ini-stalk ko siya sa Facebook nang nakaraan. Una at huling kita ko sa kanya noon ay iyong sa bahay pa nina Jordan sa Pascam, iyong lumabas siya sa mismong kuwarto ni Jordan. Hindi ko pa alam ang tunay na dahilan sa pangyayari noon, pero wala akong balak usisain.


"Hi!" malambing na bati ni Nat kay Jordan. 


Pasimple ko namang pinagmasdan ang reaksyon ni Jordan pero wala namang akong napansing kahit anong kakaiba sa lalaki. Kaswal na binati niya si Nat at pagkatapos ay sa akin na ulit ang atensyon niya.


Nang nasa dining room na kami ay nagulat si Mrs. Herrera pagkakita sa babae. Gayunpaman ay nakangiti ang mabait na ginang. "I am glad you're here, hija. How are you?"


"I'm okay, Tita Ethel!" Bumeso si Nat kay Mrs. Herrera. "Oh my, you look so young! Anong secret mo, Tita, ha? I am so jealous of your youthful beauty!"


Napahagikhik naman ang kinilig na si Mrs. Herrera. "You never changed, bolera ka pa rin."


"I am just stating the obvious, Tita. Anyway, pasensiya na po pala at biglaan ang punta ko. Nakita ko kasi sa Facebook na birthday ni Tito Josh. E galing po ako sa auntie ko sa Batangas kaya naisipan ko na po na dumiretso rito. Na-miss ko rin po kasi kayo."


Hindi ko napigilan ang pagtikwas ng isang kilay dahil sa narinig. Ano iyon? Gaano ba ka-close si Nat sa mga Herrera para maisipan niyang i-invite ang sarili niya sa okasyong hindi naman siya invited na um-attend? And she seemed to feel at home.


Si Jillian na nahihiwagaan din sa isang tabi ay nilapitan ni Nat para i-beso. "Hi, Jill! I missed you, dear!"


Lahat ay binati niya. Maski sina Hyde at si Dessy... Habang ako ay tiningnan niya lang.


Sa buong dinner ay maraming usapan ang nangyari. Mga tanungan at kumustahan. Tahimik lang ako sa kinauupuan at hindi sumali sa kanila. 


Minsan ay tinatanong ako ni Mrs. Herrera tungkol sa mga business na binuksan ko na tipid ko lang naman na sinasagot. Si Nat naman ay kahit tipid ang tanong ay ang sagot ay isang buong paragraph.


Malambing si Nat kina Mr. and Mrs. Herrera. Maski kina Jillian at Hyde ay napaka-friendly niya. Napakabait, napaka-charming, at masayahin ng personality. Magaling din gumawa ng topic. Hindi ko na malunok ang pagkain dahil ang weird ng dating ng atmosphere sa akin.


Ang aking pakiramdam sa mga oras na ito ay parang naliligaw ako. Damang-dama ko ang aking pagiging outsider. Gusto ko na lang maglaho sa kinauupuan dahil nagkamali yata ako ng pagsama kay Jordan dito.


Sinalinan ako ni Jordan ng tubig sa baso. "Are you okay? Kung busog ka na, tama na."


Nang marinig ang masuyong boses niya ay doon lang ako medyo napanatag.


Sa dami ng pinagkuwentuhan ay around 8 na natapos ang dinner. Tumulong pa si Nat sa pagliligpit ng kinainan kaya 9:00 pm na nakapagpaalam ang babae na uuwi.


"Bibiyahe ka pa niyang pauwi ng Dasma?" tanong ni Mr. Herrera kay Nat.


"Yes po, Tito Josh," nahihiyang sagot ni Nat. "Akala ko po kasi uuwi si Jordan ngayong gabi ng Manila, sasabay sana ako hanggang Dasma. Pero okay lang naman po akong mag-commute mag-isa."


Umiling si Mrs. Herrera. "No. You should stay the night. Gabi na masyado para mag-commute ka. May guestroom naman dito, pwedeng iyon ang gamitin mo."


Patingin-tingin si Jillian sa akin. Tinitingnan ang ekspresyon ko. Sa tabi niya ay ngingiti-ngiti naman si Dessy. Mukhang naaaliw sa nangyayari.


Nakangiting nagsalita muli si Mrs. Herrera. "Carlyn, 'wag na rin muna kayong bumyahe ni Jordan pabalik sa Navarro. Dito na rin muna kayo magpalipas ng gabi. Dalawa ang kama sa guestroom, pwede kayo ni Nat doon."


Sigurado siya? Tabi kami ni Nat?


Tatanggi na sana ako nang biglang magsalita si Nat. "Yes, Tita Ethel. Okay lang sa akin kasama siya."


Nauna na si Mrs. Herrera sa itaas ng bahay dahil mamasahiin niya pa ang nananakit na balikat ng asawa. Nang wala na ng mabait na ginang ay nagsalita ako.


"Uuwi ako."


Tumingin si Jordan sa akin. "Bukas na."


Pinandilatan ko ang lalaki pero ngumiti lang siya. Si Jillian naman ay nakamasid pa rin.


Nauna na si Dessy sa kanya na umakyat sa hagdan. Hila-hila ng babae si Hyde. "Let's go, handsome baby! Tabi tayong matutulog!"


Sumunod na rin si Jillian sa kaibigan at anak. "Hyde, do your assignment first before you go to sleep!"


Nang kaming tatlo na lang sa sala ay nakangiting lumapit sa akin si Nat. Sa aking pagkabigla ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila. "Tara na, Carlyn. Tulog na tayo?"


Hindi ko na kinailangang bawiin ang kamay ko sa kanya dahil kusa niya iyong nabitiwan nang akbayan ako ni Jordan.


"Carlyn will sleep in my room, Nat."


Natigagal ang babae.


Akbay-akbay pa rin ako ni Jordan nang umakyat na kami sa hagdan. Bumilang pa ang ilang segundo bago nahimasmasan si Nat at sumunod sa amin paakyat.


Bago kami makapasok ni Jordan sa kuwarto ay tinawag siya ni Nat. "Jordan!"


Tila may sariling isip naman ang kamay ko na humawak nang mahigpit sa kamay ni jordan. Nagtatakang napatingin sa akin ang lalaki.


Nang tingnan ko si Nat ay kitang-kita ko ang pagdidilim ng mabait na mukha nito.


"Sweetie, I want some massage..." malambing na sabi ko kay Jordan sabay hila sa kanya papasok sa kuwarto.


Nang nasa loob na kami ng kuwarto ay saka ko binitiwan ang kamay ni Jordan. Hindi ako makatingin sa kanya dahil nakangiti siya na parang tanga.


"What kind of massage, ma'am?" tanong niya sa akin na bagaman seryoso ay may makakapang panunukso.


"Maligo ka muna," utos ko sa kanya. "Maghilod ka nang mabuti at nadikitan ka ng masamang hangin kanina!"


Sumunod naman siya. Bitbit ang tuwalya na pumasok siya sa bathroom ng kanyang kuwarto.


Habang wala siya ay nagmasid-masid ako sa paligid. Mas malaki ang kuwarto niya ngayon kaysa sa kuwarto niya noon sa bahay nila sa Pascam. May sariling flatscreen TV, mas malaki ang kama, at may sarili pang bathroom dito.


Naupo ako sa kama. Naalala ko ang baril ni Isaiah sa bag ko. Kinuha ko iyon at inalisan ng bala. Nag-iingat lang at baka mamaya ay bigla na lang itong pumutok.


Hawak ko pa rin ang baril nang lumabas si Jordan sa banyo. Topless at pajama na kulay white ang pang-ibaba niya. Nakayapak siya. May tuwalya siyang hawak na ikinukuskos sa basa niyang buhok.


Nang mapatingin siya sa hawak ko ay napaatras siyang bigla. "What the hell?!"


"Kay Isaiah ito, dinekwat ko."


Matagal siya bago nakapagsalita muli. "But why? Why do you need that?"


Ngumisi ako ng may maisip. Itinaas ko ang baril. "May tanong ako sa 'yo at gusto kong sagutin mo."


Umalon ang lalamunan niya. "Carlyn, ibaba mo 'yan. Hindi 'yan laruan."


"I'm not dumb. Of course I know that this isn't a toy."


Tumayo ako at humakbang palapit sa kanya. Ang kamay ko na may hawak na baril ay naka-asinta sa may gawing sikmura niya.


"So this is my question..." Pinagapang ko ang dulo ng baril sa patag niyang sikmura pababa. "Kailan mo pa ako iniisahan?"


"W-what do you mean?" Kahit malamig ang paligid at bagong ligo lang ay nagbutil-butil ang pawis ni Jordan.


Napaismid ako sa pagmamaang-maangan niya.


"I saw the unused condoms." Ang dulo ng baril ay ngayo'y nasa tapat na mismo ng kanyang pagkalalaki.


Nanlaki ang kulay tanso niyang mga mata. "Carlyn..."


"So kailan pa, Jordan?" Diniin ko ang baril sa crotch area niya.


Napahingal siya bagamat matatag na nagsalita. "I am not sorry."


"Hindi iyan ang gusto kong sagot." Lalo ko pang diniinan ang baril. Napangiwi siya dahil siguro nasaktan.


Ang ipinagtataka ko lang ay dapat nanlalambot ang kanya dahil sa takot, pero bakit may tent na sa ibaba?


"You perv, you're turned on!" gulat na bulalas ko.


Namumula ang mukha na napayuko siya. He was guilty.


Bumukas bigla ang pinto ng kuwarto niya. Si Hyde na may dalang libro. "Tito Jordan, can you help me with my assignment in math—"


May humaltak sa batang lalaki sanhi para hindi nito makita ang baril na nakatutok sa ari ng tiyuhin. Ang humaltak ay si Jillian na ngayon ay nanlalaki ang mga mata na katulad ng kanya ay kulay tanso rin. Yakap-yakap ng babae ang anak para hindi makalingon sa akin.


"Kuya..." tigagal na sambit nito.


"Close the door, Jill!" sigaw ni Jordan sa kapatid.


Lalong nanlaki ang mga mata ni Jillian. "But Kuya!"


"Just close the door! I'm okay! Don't worry about me!"


Kahit tuliro ay isinara ni Jillian ang pinto.


Ibinaba ko na rin ang baril. "Mukhang aatakihin sa puso ang kapatid mo."


Inagaw niya sa akin ang baril at ichineck kung may bala. Nang makitang wala ay dinala niya iyon sa closet niya. Itatago niya.


"Hoy, gago! Kay Isaiah 'yan!"


Hindi siya kumibo. Pagbalik niya sa akin ay napatili na lang ako nang bigla niya akong buhatin at dalhin sa kama.


Walang pagtulog na nangyari sa magdamag. Mukhang na-miss ni Jordan na makita akong nakahiga sa kama niya. Nakailan siya sa magdamag at wala siyang ginamit na proteksyon. Ang kapal talaga ng mukha.


Dahil sa pagod ay knocked out pa rin siya nang bumangon ako kinabukan. Sinamantala ko iyon at iniwan ko siya sa Tagaytay.


Pagdating ko sa Navarro ay nag-online ako. May post si Jill kagabi. Oo nga pala, friends na kami. Hindi ko na maalala kung kailan ko napindot ang 'Add Friend'Basta in-accept niya ako. Ito nga at ngayo'y nasa newsfeed ko na ang post niya.


Jillian Mae Herrera: I just can't believe it!


May mga nagtatanong sa comments kung ano ang nangyari, hindi naman niya sinasagot. Pa-mysterious na sana kaya lang ay may kaibigan siyang demonyita. Ilang segundo pa lang ang lumilipas nang mag-comment si Dessy. Kagigising lang yata at diretso FB ang ginawa.


Dessy Paredes: Can't believe it too, sis! The nerve of that girl to point a gun at your brother!


Dessy's comment gained a lot of reactions.


Napansin ko na online si Sussie. Kung nabasa niya ang post ni Jillian at ang comment ni Dessy ay malamang na nawindang siya. Malamang din na may idea na siya na ako ang tinutukoy na 'girl' ni Dessy.


Ichinat ko si Sussie para kumustahin. Wala siyang reply. Kaka-offline lang niya yata. Nakita ko na may My Day siya. Nag-view ako. Photo ng kulungan ng manok ng tatay bear niya. So she was here in Cavite.


Naligo ako at nag-ready. Yellow summer dress siya at nakalugay ang kinulot na buhok. Pupunta ako kina Sussie tutal wala akong gagawin ngayong araw. Namimiss ko na siya at gusto ko siyang makita. Nag-book agad ako ng Grab car papunta sa kanila.


Nadatnan ko ang mama ni Sussie sa sala ng bahay nila. Paalis na ang ginang. Ngayon ang first time ko na makita ito. Ang ganda pala ng mama ni Sussie. Mukha yayamanin. Mukha ring istrikta.


Sinuyod ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagtagal ang mga mata sa Gucci sling bag na gamit ko at pagkuwa'y ngumiti. "Ah, you're my daughter's friend?"


"Yes po, madam," nakangiting sagot ko.


"Nasa taas siya. Hindi siya nagkakain, hindi rin siya bumababa. Kausapin mo siya, baka makinig siya sa 'yo tutal kaibigan ka niya."


"Okay po." Ibineso ako ng ginang bago ito umalis.


Inakyat ko naman na agad si Sussie sa kuwarto niya. Naabutan ko siyang nakatulala habang nakabulagta sa kama. Tinalon ko agad siya. 


"Susana girl!" Nilusob ko siya ng yakap. "Nandito ka na pala sa Cavite, bruha!" Hindi ko na nahubad ang sandals nang sumampa sa kama dahil sa excitement. Ngayon na lang ulit kasi kami nagkita.


"Kumusta?" Ang kaninang malamlam niyang mga mata ay kumislap nang makita ako. Gumuhit din ang tawa sa kanyang namumutlang mga labi.


"Anong kumusta? Ikaw ang kumusta? Nandito ka pala pero hindi ka man lang nagpaparamdam!"


Pinagmasdan ko siya. Maganda pa rin naman ang best friend ko kaya ang ang haggard. Dry ang lahat mula sa buhok, sa balat, at ewan ko lang kung saan pa.


"Sorry, naging busy lang..."


"Saan ka naging busy? Sa paglamon at paghilata?"


Lumabi siya. Ang cute-cute niya talaga pag ganito.


"Naabutan ko mudra mo sa baba! Ang chika niya, mula nang umuwi ka raw ay nagkukulong ka na lang dito sa kwarto mo. Maghapon ka na lang nakahiga, bumababa ka lang kapag kakain at magba-banyo. So anong drama, girl? Wag mong sabihing buntis ka rin?"


Napakurap siya. "Ha? Buntis ka?"


Ngumisi lang ako imbes na sumagot. 'Di pa naman sure, pero baka. Aba, ilang beses kaya akong ginulangan ni Jordan.


Bumalik na naman tuloy sa gunita ko ang mga ngiti ng lalaking iyon. Kumulo ang dugo ko. Sa sobrang galing niya kagabi, nakalimutan ko tuloy na galit nga pala ako. Nakakainis talaga!


Saka nga pala si Nat, bakit ganoon na lang ang pagiging feel at home ng babaeng iyon sa kanila? Ano ba talaga siya sa buhay ng mga Herrera?


Baka naman magulat na lang ako isang araw na kapamilya na siya? Hindi naman malabo na mangyari iyon dahil hindi naman malinaw ang kung anong meron kami ni Jordan. Sa naisip ay lalong kumulo ang dugo ko.


Ang tagal na pero mukhang matatag si Nat. Wala siguro kasing sumisita sa kanya. At ang pangit na Jordan na iyon ay hindi rin yata itinataboy ang babae. Baka gusto rin. Magsama sila. Bagay naman sila e. Pareho silang may medal noong college nila. Sa sobrang talino nila ay baka fetus pa lang ang anak nila ay nakakapagbasa na agad at kabisado na ang buong solar system!


Ang magaan na paghawak ni Sussie sa kamay ko ang nagpabalik sa aking atensyon. Nakangiti siya sa akin. Naglalambing. Ganitong-ganito siya kapag alam niyang bumabagabag sa akin.


Magkatabi kaming naupo sa kama habang magka-hawak-kamay. Nagkuwentuhan kami tungkol sa kung anu-anong bagay. Pero mostly siya ang pinagkuwento ko, cute na cute kasi ako sa kanya kapag nagbabago ang reaksyon ng mukha niya.


Nabanggit niya sa akin na for good na pala siya rito sa Cavite. Babalik na rin siya sa tunay na propesyon, ang pagiging teacher. Sa high school alma mater namin siya mag-a-apply.


Sumiksik ako sa kanya. "Bakit bigla kang napauwi ng Cavite? 'Anyare kay Arkanghel at Hugo? Don't tell me, sila na?"


Sumandal siya. "Ikaw? Ano rin bang nangyayari sa inyo ni Jordan? Bago ako mag-deact ng account, nakita ko pa ang post ni Jillian na tinutukan mo raw ng baril ang kuya niya. Mukhang kinupit mo pa iyong baril ni Isaiah."


Natawa ako. Nabasa niya pala talaga. Maluha-luha ang mga mata ko sa pagtawa.


"Tanginang Jillian iyan o, di maka-move on. Di ko naman pinutok e! Tamang tutok lang naman sa reproductive organ ng kuya niya e. OA, ha!"


Saka wala namang bala iyong baril. Nasabi na ni Jordan sa kanya pero may pa-post-post pa ring nalalaman. Nag-comment tuloy ang mahaderang Dessy.


"Ano nga, Car? Bakit ang gulo-gulo niyo?"


"Secret!" Tawa pa rin ako nang tawa. "Oops! Wag baguhin ang usapan! Hindi about sa akin ang pinunta ko rito." Pabiro ko siyang tinusok sa tagiliran. "So anong score niyo ni Arkanghel?"


Kailangan ako ni manok.


Napabuntong-hininga si Sussie. "Walang score..."


"Luh, pwede ba iyon?"


Tahimik siya.


"Girl, kahit di mo aminin sa akin, alam na alam ko na hanggang ngayon at hanggang bukas o kahit hanggang sa pumutok na ang lahat ng bulkan sa Pilipinas, si Arkanghel pa rin."


Hindi siya nag-comment. Nag-iisip-isip siya. Kilalang-kilala ko na siya. Alam ko kapag may rambol sa isip niya. Malalim siyang tao. Mas malalim sa akin ng sampung ulit. Hindi siya makapag-desisyon dahil marami siyang isinasaalang-alang. Kailangan niya palagi ng extra push.


Alam ko naman na mahal niya pa rin si Arkanghel. Hindi niya maitatago sa akin ang katotohanang iyon, pero sa sarili niya, makakaya niyang itago kung gugustuhin niya.


Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa pagiinom ni Arkanghel kina Isaiah. Minasdan ko ang pagpapalit ng emosyon sa malamlam na mga mata niya.


Siniko ko siya. "You still love him, right?"


Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "Napagod na ako..."


Nakagat ko ang aking ibabang labi bago nagsalita. "Nakakapagod naman talaga. Kaya nga may salitang pahinga, di ba?"


Malungkot na umiling si Sussie. "Hindi ko alam kung nagpapahinga lang ako. Iba iyong pagod ko..."


Tinapik ko siya sa balikat. "Ganoon naman talaga ang pakiramdam kapag kabibitiw mo pa lang, ayaw mo pang kumapit ulit kasi nga pagod na pagod ka pa. Pero sana wag ka munang bumuo ng desisyon habang pagod ka. Saka na lang kapag okay ka na, kapag nakapagpahinga ka na."


Kasi ganoon ako. Mahabang pahinga ang kinailangan ko bago ko naamin sa sarili ang totoo.


Naiintindihan ko si Sussie. Pero may pagkakaiba kami, deserve niyang sumaya kasi napakabuti niya. Wala siyang kasalanan sa mundo. Ang gusto niya lang ay maging masaya ang lahat ng taong mahal niya.


"Thank you, Carlyn..."


"Sus, ayaw ko lang na may pagsisihan ka." Sumiksik ako sa kanya at yumakap. Namiss ko talaga siya. 


Si Sussie kasi iyong kaibigan na kahit hindi ko kayang paglabasan ng isang daang porsyento ng problema ko, makasama ko lang siya ay okay na ako. Ganoon iyong bond ko sa kanya. Presence niya pa lang ay sapat na.


Gumanti siya ng yakap sa akin habang ang mga titig niya ay inaarok ang aking damdamin.


Nginisihan ko siya bago niya pa ako usisain. "Kailangan mo talaga ng payo e. Matalino ka lang sa academics pero, sa usapang puso, waley ka, girl. Talo kita. No match ka sa akin," biro ko sa kanya.


Ngumisi rin siya. "Kaya nga nagbabalak na akong magpa-tutor sa 'yo."


"Di mo kaya TF ko, girl."


"Girl, di mo ba nabalitaan? Heiress na ako!"


OA na napatili naman ako. Oo nga pala, bumalik na ang mama niya. Yayamanin pala ang mother side niya. "Ay, kaya nga hindi talaga ako nagkamaling i-BFF ka! Bili mo kong car!"


"Ano bang gusto mo?" nakatawang tanong niya na alam ko namang nagbibiro lang, pero sinakyan ko.


"Porsche iyong white!"


Nag-selfie kami at ginawa kong My Day. Nilagyan ko ng caption: With my rich friend! She can buy you and Zandra's bar!


Akalain mong iyong inactive na manok ko sa FB ay naka-seen agad sa My Day ko. Nangunguna, Arkanghel Wolfgang. O di ba, stalker ng taon!


Pagkatapos naming maggaguhan ni Sussie tungkol sa pagiging heiress niya ay nagpaalam na akong uuwi. Natutuwa naman ako na masigla na ulit siya ngayon. Napilit ko na rin siyang kumain. Kahapon daw kasi ay wala talaga siyang kagana-gana.


Pagbaba sa sala nila ay maligaya pa kami nang bigla akong matigilan. Kausap kasi ng tatay bear ni Sussie sa may pinto si Jordan.


Nilingon ako ni Tatay Bear. "Carlyn, ineng, o hinahanap ka nito."


"Paano mo nalaman na nandito ako?" sita ko agad kay Jordan. Mukhang pagising niya ay diretso paghahanap agad sa akin ang ginawa niya. Sa pagmamadali ay iyan at tabingi pa ang pagkakabutones ng suot niyang polo.


"I saw your My Day."


Nanlaki ang butas ng ilong ko. "Alam mo kung saan nakatira si Sussie?!"


Napakamot siya ng ulo. "Uh, yes. Even Nelly's house."


Anak ng pating!


Nilingon ko si Sussie sa hagdan. Nakangiti ang babae. "Good luck, Car!"


Nang hawakan ako ni Jordan sa kamay ay napapiksi agad ako. "Carlyn, let's talk."


Pinandilatan ko siya. "Stalker ka! Lahat ng frennies inalam mo ang bahay!"


"I'm sorry. Just in case lang na mawala ka. Sorry, forgive me."


Inirapan ko siya. "Hindi ako sasama. Dito muna ako kina Sussie." 


Makulit nga lang talaga siya. "Let's talk please..."


"Ayokong makipag-usap sa 'yo, ang pangit mo!" Nakipaghilahan ako sa kanya sa pinto. Ngayon ko naalala kasi na galit nga pala ako sa kanya.


"Ano ba kayo?!" sigaw ni Tatay Bear sa amin. "Carlyn, maayos kang sinusundo nitong si Totoy rito pero ganyan ka."


"E ang pangit naman niya talaga," nakalabing sabi ko.


Napahagikhik si Sussie sa hagdan.


Si Tatay Bear naman ay napakamot ng ulo sa pangungunsumi. "Ayusin mo ugali mo, ineng, ha! Hindi na kayo mga high school para magkikilos ng ganyan. Matatanda na kayo!"


Napilitan na tuloy akong sumama kay Jordan kasi galit na si Tatay Bear. Bago kami lumabas ay nagbilin ang tatay ni Sussie.


"'Toy, ingatan mo iyan si Carlyn. 'Wag mong papatalulan, habaan mo ang iyong pasensiya. Hindi kita kukunsintihin kapag nasaktan at pinabayaan mo iyan!"


"Opo," magalang na sagot naman ni Jordan. "Hindi ko po siya sasaktan at pababayaan. Makakaasa po kayo sa akin."


Padabog na pumasok ako sa kotse niya. Bubulong-bulong ako nang sumakay siya sa driver's seat. Nang paandarin niya na ang makina ay nilingon ko siya. Seryosong-seryoso siya sa harapan ng manibela.


"Pagising ko wala ka na."


Nanulis ang nguso ko. Hindi ko siya sinagot.


"I have a reason why I brought you there. Mag-uusap dapat tayo."


"Mag-uusap daw," bubulong-bulong ako. Kakausapin daw ako e kung hindi pa pinulikat ay hindi pa titigil.


Nagtagis ang mga ngipin niya. "Carlyn, you know that I can wait for you. I will wait for you and I don't care how long I will be waiting. You can make me wait forever, it's fine. But I want to be with you. Please, just let me be beside you..."


Nanahimik na ako. Ibinato ko ang aking paningin sa labas dahil may kung anong init ang tila humaplos sa dibdib ko.


Hindi na rin nagsalita si Jordan. 


Nahulog ako sa pag-iisip. Hindi ko alam ang plano niya. Hihintayin niya ako pero ayaw niya akong mawala sa kanya habang naghihintay siya? Segurista naman pala. Napakatalino talaga! Pero wala akong maramdamang pagrereklamo. Nakakapagtaka na bakit imbes na mainis ay iba ang nararamdaman ko?


Pagkarating sa kanila sa Tagaytay ay hindi ako bumaba. Siya pa ang nagbukas sa akin ng pinto. "Halika na," malambing na yaya niya sa akin.


Nakipagmatigasan ako. Humalukipkip lang ako at hindi siya pinansin. Hindi na ako naiinis sa kanya. Ang totoo ay mas naiinis na ako ngayon sa sarili ko. Natutuliro ako. Iba ang sinasabi ng isip ko sa sinasabi ng puso ko.


"Carlyn."


Inirapan ko siya. "Ayoko."


"Please." Parang mauubos na ang pasensiya na sabi niya.


Tiningnan ko siya nang matalim. "Ayoko nga, ampangit mo!"


Napahagod na siya ng kanyang buhok gamit ang mahahabang daliri. Nagbuga siya ng hangin bago nagsalita ulit. "Baba."


Nang ayaw ko pa rin ay hinawakan niya ako sa kamay.


Napapiksi naman ako. "Ano ba?! Ayoko nga!"


"Carlyn, please."


Ano ba kasing balak niya? Bakit na naman niya ako dinala rito?


Hindi naman niya ako dinaan sa lakas kasi kusa na rin akong bumaba. Pero paminsan-minsan ay nagpapahila ako para mahirapan siya. Hila-hila niya ako papunta sa sala nila. 


Nagulat ako nang makitang nandito pa rin si Nat. Napatanga ang babae nang makita kami ni Jordan na naghihilahan. Nilampasan lang naman namin siya.


Dinala ako ni Jordan sa kusina nila kung saan naroon ang mga magulang. Naroon din si Jillian na nagtitimpla ng chocolate drink sa baso. Napatingin sila sa amin pagpasok namin sa pinto.


"Bitiwan mo ako," mariing bulong ko kay Jordan dahil hiyang-hiya na ako sa mga titig na ibinibigay sa amin ng pamilya niya.


Pero hindi niya ako binitiwan. Sa halip ay inakbayan niya pa ako sa harapan ng mga ito. "Dito na titira mula ngayon si Carlyn."


"Jordan..." Napatanga ang lahat kasama ako.


"Mommy, Daddy, mag-aasawa na po ako."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz