South Boys 2 Heartbreaker
I AM WILLING TO WAIT FOR YOU.
Nakaalis na si Jordan samantalang ako ay nakatulala pa rin sa saradong gate.
Napapitlag lang ako nang marinig na sumara ang sliding window sa bandang likod ko. Paglingon ko ay wala namang tao. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil nakahawi ang kurtina.
Bumuntong-hininga ako at tinungo na ang pinto. Papasok na ako nang mag-ring ang aking phone. Tumatawag si Hugo. Anong oras na, ah? Anong kailangan ng itlog na ito?
Sinagot ko ang tawag. "Hello, Hugo? O anong atin?"
[ May naku-kuwento ba si Susana sa 'yo? ]
"Meron naman pero walang tungkol sa 'yo. Bakit?"
[ Wala lang. Pasado pala ako sa board, baka lang gusto mo akong regaluhan. Halimbawa, try mong maging mabait sa akin kahit ngayon lang. ]
Napangiti ako. "Ay, weh? Pumasa ka talaga? Congrats! Akalain mo iyon engineer ka na kahit wala ka namang kwentang estudyante dati."
Narinig ko ang pag-tsk niya. [ Hindi pwedeng congrats lang. Nakarami ka sa akin nong high school, bumawi ka naman ngayon! ]
"Okay, regaluhan kita ng anak."
[ Hoy, siraulo ka! ]
Natawa naman ako. Tanga talaga. Wala naman akong sinabi na galing sa akin.
Pagkababa ko ng tawag ay nagulat ako nang bubuksan ko pa lang ang pinto ay kusa na iyong bumukas. Ang seryosong mukha ni Mommy ang sumalubong sa akin. Gising pa pala siya.
"What are you doing, Carlyn?" malamig na tanong niya sa akin.
"What, My?" nagtatakang tanong ko rin sa kanya. Pumasok na ako sa sala at naglakad patungo sa hagdan.
"Sino iyong kausap mo sa phone?"
Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. Napakunot noo ako sa nakikitang disgusto sa ekspresyon ng kanyang mukha, gayunpaman ay malumanay kong sinagot ang tanong niya. "Mommy, kaibigan ko lang iyong kausap ko."
Hindi nabura ang disgusto sa ekspresyon niya. Hindi siya naniniwala sa isinagot ko sa kanya.
Napagkawala ako ng paghinga. "My, matulog ka na. Matutulog na rin ako—"
"Nakita ko kayo ni Jordan kanina."
Napatanga ako kay mommy.
"Even if you won't admit it, I know that there's something happening between the two of you."
Wala mang narinig si mommy dahil mahina ang pag-uusap namin at may kalayuan ang bintana sa gate, still, nakita niya kami. Pinanood niya kami.
"Darling, Jordan is a nice guy. I like him for you. Please, don't give him a hard time."
Tumiim ang mga labi ko.
"Carlyn, as your mother, I know what's best for you," mariing sabi niya. "I want only the best for you, and I'm talking about Jordan here. Stop seeing other guys and focus only on him. Alam ko na mas mapapabuti ka kung sa kanya ka mapupunta."
"Are you done, My? Inaantok na kasi ako. Gusto ko nang matulog."
Napakurap si mommy habang nakatingin sa mukha ko na hindi kababakasan ng anumang emosyon. "Carlyn, what's happening to you? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"
"May kailangan ba akong sabihin sa 'yo?" matabang na balik-tanong ko.
Nabibigla ako dahil sa biglang pag-uusisa niya. Ngayon lang siya naging ganito ka-curious sa akin. Nakalimutan niya na yata kung ilang taon na ako. Nakalimutan niya na rin yata na ang tagal ko siyang hindi nakasama pero naka-survive naman akong mag-isa.
Ngumiti ako na hindi umabot sa mga mata. "What I mean is, may gusto ka bang malaman tungkol sa akin? My, wala namang importante."
Nanlaki ang mga mata ni mommy sa pagkagulat. Pagkuwa'y naglapat nang mariin ang kanyang mga labi.
Hindi ko na siya hinintay na makabawi at magsalita. Tinalikuran ko na siya.
Umakyat na ako sa hagdan at tinungo ang aking kuwarto. Pagkapasok ko ay isinara at ini-lock ko ang pinto.
Pabagsak kong inihiga ang katawan sa kama. Patang-pata ang pakiramdam ko. Nang mapatingin ako sa maliit digital calendar clock sa bedside table ay saka ko nalaman ang sagot kung bakit. Next week ay birthday ko na pala.
Malapit na ang araw kung kailan ako nabuhay sa mundo. Pero katulad ng nagdaang mga birthday ko, kahit simpleng celebration ay ayaw ko.
9:00 am na ako nakabangon kinabukasan. Pagbaba ko sa sala ay walang tao pero maingay sa kusina. Masasayang boses ang maririnig. Pagpunta ko roon ay nagulat ako nang makita si Jordan.
Anong oras siya dumating?
Nakatayo siya sa harapan ni Ninong Luis. White polo shirt at jeans ang suot niya. Preskong-presko at tila kay bango. Parang nakakatukso na bigla siyang takbuhin para yakapin, pero syempre ay hindi ko iyon gagawin.
Ang dahilan ng masayang mga boses ay ang pamumuri ni Ninong Luis kay Jordan. Proud na proud si Ninong Luis sa kanya.
Si mommy na nakaupo sa upuan habang nagpapadede kay Baby Caley ay nakikisali rin sa pamumuri kay Jordan. Kesyo napakabata pa raw, kakapasa lang sa board pero napaka-promising na. Natutuwa siya dahil kahit noon pa raw ay expected niya nang malayo ang mararating ng lalaki.
Kahit si Nanette na abala sa pag-asikaso sa pagpapakain ni Levi ay panaka-nakang sumasabat din. Nakikitawa pa kapag tinutukso ni Ninong Luis si Jordan dahil namumula ang lalaki sa mga papuri.
Kung hindi pa ako tumikhim sa pinto ng kusina ay hindi pa nila ako mapapansin na dumating.
Nang makita ako ni Jordan ay agad niya akong nginitian. "Good morning, Carlyn."
"Ate, ang daming dala ni Architect!" matinis ang boses na sabi ni Nanette.
Napatingin ako sa mga pagkain sa dining table. Maraming ibat ibang uri ng pastries doon. Ang iba ay nakakahon pa. May isang din ng sariwang mga prutas.
"Mag-almusal ka na, Carlyn," nakangiting sabi ni Ninong Luis. "Dala ni Jordan ang mga 'yan."
Nang mapabaling ako ng paningin kay mommy ay alanganin ang pagkakangiti niya. "Darling, kain na..."
Pagkatulog ni Baby Caley ay ibinigay ni mommy ang sanggol kay Nanette para dalhin sa kuwarto sa itaas. Naghanda naman na si mommy ng mga plato, kubyertos, at mga baso sa mesa. Tinulungan siya ni Ninong Luis.
"Jordan, okay lang ba sa 'yo heavy breakfast?" tanong ni mommy. "Nagsangag kasi ang Tito Luis mo ng kanin. Kung ayaw mo, pastries na lang. May jam din sa ref."
"Kahit ano po," magalang na sagot niya.
Hanggang sa pagkain sa mesa ay todo asikaso sa kanya sina mommy at Ninong Luis.
"Jordan, I'll introduce you to one of my business partners who happened to be a Christian pastor. He bought a 1,000 SQM land last month. Kailangan niya ng hahawak sa plano para sa ipapatayong church and little haven for unfortunate kids. Baka interesado ka. The budget is not a problem. Their foreign sponsors are very generous."
"That's a good project, Jordan," nangingiting sabat ni mommy. "But don't pressure him, Luis."
"Ah, right." Napahimas ng baba si Ninong Luis. "You mentioned last time na pinapauwi ka pala ng lolo mo sa Spain dahil may project din doon?"
"Ah, I've declined my grandpa's offer, Tito Luis. Hindi na po ako natuloy. Ngayon ay sa firm ako ng pinsan ko sa Manila."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara't tinidor. Iyong offer na tinanggihan niya sa Spain ay ang project na binanggit sa akin ni Jillian na ipinagpalit niya para sa renovation ng bahay namin dito sa Navarro.
"Ah, I see. But Jordan, kung hindi hectic ang schedule mo next year, sana mapag-isipan mo iyong project sa kaibigan kong pastor."
"Depende po sa kalalabasan ng schedule ko sa firm next year, Tito Luis. Salamat po sa tiwala."
Pagkatapos kumain ay sina mommy at Ninong Luis ang magkatulong na naglinis ng pinagkainan. Tinulungan ko naman na maligo si Levi bago ako bumalik sa sala.
Nasa hagdan pa lang ako nang marinig ang pakikipag-usap ni Jordan sa katawagan sa kanyang cellphone.
"Hello, Harry? Can you cover for me today? Pati ang meeting sa Ancient Mount Inc. mamaya ay hindi ako makaka-attend. Bukas na kasi ako makakabalik ng Manila."
Si Harry na fiancé ni Jillian ay pinsan din nila at kasama rin niya sa firm. Nakapagtataka lang bakit nagpapaalam siya rito na hindi siya makakabalik ng Manila?
"Thanks, Harry. I owe you one, man."
Ibinalik niya sa bulsa ang cellphone saka napatingin sa akin."Hi! Kanina ka pa?"
Umiling ako. "Hindi ka aalis ngayon?"
Ngumiti siya. "No. I am free today."
Hindi ako kumibo. Pasimpleng pinag-aaralan ko ang mga kilos niya. Mukha namang wala siyang inaalala na kahit ano.
Magkatabi kami sa sofa nang lumabas sina mommy at Ninong Luis mula sa kusina. Pagkaakyat nila sa second floor ng ng bahay ay umusod palapit sa akin si Jordan.
"How about you? Don't you have plans today?" malambing na tanong niya sa akin.
"Hindi ako pupunta sa café ngayon."
In-on niya ang TV. Nakaakbay siya sa akin habang nanonood kami ng movie sa Netflix. Wala naman sa pinapanood ang atensyon ko. Naglalakbay ang isip ko.
Si Jordan ay paminsang hinahalikan ng magaan ang kamay ko, ang ulo, at babalik sa kamay. Hinahayaan ko lang siya hanggang sa hindi na siya nakatiis na iharap ang aking mukha sa kanya. Hinalikan niya ako sa labi.
Nang maghiwalay kami ay malamlam ang mga mata niya na nakatingin sa akin. "Gusto mo bang kumain?"
Tinanong niya ako kung nagugutom ako, kung ano ang gusto ko. Nang mapansing wala ako sa mood ay hindi niya na ako kinulit. Niyakap na lang niya ako kahit pa nararamdaman ko na may gusto siyang sabihin.
Nakadalawang movie rin siguro kami sa sala bago ko siya ulit narinig na nagsalita. "Carlyn..."
"Hmn?" Tiningala ko siya at natigilan ako nang makitang seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Carlyn, yes I said that I am willing to wait for you. I mean it. I really do."
Napalunok ako sa intensidad ng mga titig niya at dahil sa paksa.
"I can wait until your heart is ready to accept me again. It doesn't matter how long..."
Binitiwan niya ang mga kamay ko para hawakan ang aking tiyan.
"But I can't help to think that what if there's already a child in here."
Napanganga ako sa kanya. "Ano? Gago ka ba?!"
Malamlam na ang mga tingin niya ngayon. "That's possible. We're both healthy and—"
Tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. "You're using protection!"
"Pero kailan lang iyon..."
Pinandilatan ko siya. "'Wag kang maingay baka marinig ka nina mommy!" saway ko sa kanya. "Tigilan mo ang pag-iisip ng ganyan!"
"Your butt and boobs got bigger—"
Tinampal ko siya sa bibig.
Hindi naman na siya nagsalita. Nakayuko siya at tila napakalalim ng iniisip.
Iritang-irita naman ako kahit pa joke lang iyong sinabi niya. Hindi ko maiwasang hindi kabahan.
Nagj-joke lang ba talaga siya kanina? Sobrang seryoso kasi ng ekspresyon niya. Ang kulay tansong mga mata niya ay bahagyang namumungay.
Nang bumaba na sina mommy para sa meryenda ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ni Jordan. Seryoso pa rin siya habang patingin-tingin sa akin. Gusto ko ng dukutin ang mga mata niya kung wala lang ibang tao rito sa sala.
Gabi na nang magpaalam siyang uuwi sa Tagaytay. Maaga pa raw kasi siya na luluwas ng Manila bukas. Wala akong balak ihatid siya sa labas. Nagpaka-busy ako sa kunwaring panonood sa paglalaro ni Levi sa phone.
Ang malas lang ay biglang naihi ang bata kaya iniwan ako nito sa sofa. Nilapitan ako ni Jordan at hinawakan sa ulo.
"Take care of our baby while I'm away."
"Fuck you!"
"Pagbalik ko na." Hinalikan niya ako sa noo.
PAPALAPIT na ang birthday ko. Wala akong maramdamang excitement. Hindi naman talaga ako nakakaramdam ng kahit kaunting excitement para sa araw na iyon.
Habang si mommy ay busy sa pagpa-plano kung magpapa-cater na lang o magluluto ay ako naman ay nakatihaya lang sa kama. Wala akong lakad ngayong araw dahil tinatamad ako.
Nag-ring ang phone ko. Ang caller ay si Tita Anya pero nang sagutin ko ay boses na bulol ang aking narinig.
[ Low, Ninang! ]
Si Kulitis at niyayaya akong mag-online raw. Naka-online siya sa phone ng lola niya. Pinagbigyan ko at mukhang may ipagyayabang sa akin ang batang bungi.
Pag-accept ko ng video call request niya ay nakita ko ang puno ng chocolate na bibig ng bata. Ngumunguya ito habang nakangiti sa cam.
"So anong ipapakita mo sa akin? 'Yang chocolate mo? Marami akong pambili niyan."
Humagikhik ito at pagkatapos ay itinapat ang phone sa sahig kung saan maraming kahon ng iba't ibang laruan. [ Ninang, o! Aken 'yan lahat! Pasalubong saken! ]
Ibinalik niya ang cam sa mukha. Nakabungisngis ang mayabang na bungi.
[ Ditu mommy ku e! Dame pasalubong saken! ]
Ihinarap ni Kulitis ang cam sa magandang babaeng nagtutupi ng damit sa kama. Nang mapatingin ito ay maliit na ngumiti at kumaway. Nakilala ko ito kahit nag-mature na ng kaunti ang itsura. Si Viviance Chanel Contamina o mas kilala naming lahat na Vivi.
Kakaway rin sana ako kaya lang inalis na ni Kulitis ang cam sa ina. Mukha na naman nito na marungis sa chocolate ang nasa screen.
[ Ganda mommy ku no? ]
"Oo kaya nga patay na patay ang ama mo."
Narinig ko ang mahinhin na boses ni Vivi sa background. [ Vien, maligo ka raw muna sabi ng wowa mo. ]
May umagaw ng phone sa batang bungi. Nang makita ko si Vivi ay ngumiti ako sa babae. Ngumiti rin siya sa akin.
"Kumusta ka na, Vi? Saan si Isaiah?"
[ Nasa Manila pa pero pauwi na. Nandito na iyon mayamaya. ]
Sandali lang kaming nagkumustahan. Nagpaalam na rin siya dahil magliligpit daw siya ng kuwarto. Pagkababa ko ng phone ay napangiti ako.
How lucky of Isaiah. Maybe he really deserved to be happy.
Just like Sussie and Arkanghel. Nagkahiwalay pero nagkita ulit kasi baka sila rin talaga ang para sa isa't isa. Baka pagkakataon na rin nila ngayong sumaya.
"Be happy, guys..." sambit ko nang mahiga ulit sa kama.
ANG BILIS ng mga araw. Bukas ay birthday ko na. Hindi ko makalimutan dahil sa tuwing nakikita ko si mommy ay wala akong magawa kundi kusa iyong maalala.
Hapon pa lang ay hindi na magkandaugaga si mommy kakautos kay Nanette. Nagde-decorate sila sa kusina. May mga lobo at bulaklak na inorder si mommy online.
Dahil ilang beses akong tumanggi sa malaking party ay mauuwi sa simpleng handaan lang ang birthday ko. Kaunti lang ang pupunta. Ang mga kasambahay sa Muntinlupa, ilang pinsan ni mommy sa Indang, at baka mga kapitbahay rin siguro namin.
"Darling, invite your friends tomorrow. Kahit iyong mga close mo lang. Saka sabihin mo kay Jordan, invite niya rin ang parents niya kung hindi sila busy."
"Si Kuya Isaiah rin, 'Te, invite mo!" sabat ni Nanette. "Saka iyong grey eyes please, 'Te!"
6:00pm nang tumawag si Ate Jade kay Mommy mula sa Singapore. Naka-silent kasi ako kaya hindi ko agad nasagot ang tawag niya nang sa akin siya unang tumawag kanina.
Binati ako ni Ate Jade ng happy birthday. Nabanggit niya rin na may lalaking naghahanap daw sa akin sa Singapore. Nagpakilala raw na boyfriend ko at nagmamakaawa na ituro kung nasaan ako.
Nang matapos ang video call ay hinarap ako ni mommy. Ang maamo niyang mga mata ay matatalim na nakatingin ngayon sa akin.
"What were you doing in SG?!" tanong niya sa akin na ang boses ay pasinghal.
"Don't mind it, my," kalmado lang naman na sagot ko. "That guy was just one of my ex-flings."
"W-what?" Natulala sa akin si mommy.
Normal na lang sa akin ang mga ganitong senaryo. Hindi lang ang lalaking iyon ang naghahanap sa akin sa Singapore. Marami pang iba na hindi maka-move on.
Karamihan ay mga isinet sa akin na blind dates ni Ate Jade. Ang iba naman ay mga nakatrabaho ko. Karamihan sa kanila ay kusa na lang na umasa kahit nilinaw ko na noong simula pa lang na wala silang mapapala.
Pagtingin ko ulit kay mommy ay nakahawak na siya sa kanyang sentido habang naiiling. Mukhang namo-mroblema at hindi malaman ang gagawin.
"We'll talk some other time, Carlyn," sabi niya sa mahina pero mariing tono.
Nagkibit-balikat lang naman ako. Umakyat na ako sa itaas at nagkulong sa kuwarto. Hapon ang handaan na aabutin hanggang dinner. After lunch pa lang daw ay pupunta na rito ang kinontratang caterer ni mommy para mag-set up.
Saktong 12 midnight nang maka-receive ako ng text kay Jordan. Hindi siya tumawag dahil siguro iniisip niya na natutulog ako.
Jordan:Happy birthday, Carlyn.
Sa sumunod niyang text ay sinabi niya na pa- SLEX siya. Pauwi siya ngayon mismo ng Cavite. He said he missed me and he couldn't wait to see me again.
Siguro ay may iniwan na naman siyang trabaho sa firm. Ni hindi niya inalala na halos gabi pa, madaling araw at maraming aksidente sa daan sa ganitong alanganing oras.
Nag-online ako. Nakalimutan ko pala na alisin ang birthday ko sa Facebook. Ang damit advance greeting sa wall ko. Maski ang mga kapitbahay ko na hindi naman talaga alam at walang pakialam kung kailan ako ipinanganak ay mga nakibati rin.
May message sa inbox ko. Galing kay Jordan. Binabati ako ng happy birthday noong saktong alas dose. Sabay sa text niya kanina. Hindi pa siya nakuntento sa text lang.
Matapos i-seen ay na-click ko ang photo niya sa chat. Lumitaw ang option na 'see profile'. Friends na nga pala kami sa Facebook.
Wala sa loob na pinindot ko ang 'see profile'. Napunta ako sa wall niya. Wala namang masyadong posts. Puro tagged photos lang ng mommy niya at ni Jillian. Parang katulad lang din ng wall niya noong high school.
Tiningnan ko ang mga tagged photos. Mga okasyon ang karamihan. Ang recent ay ang anniversary pa ng parents nila.
Ang sayang pamilya. Buena familia.
Ang special gathering ng pamilya nila ay hindi engrande. Sila-sila lang. Kung may nadagdag man ay iyong fiancé lang ni Jillian at isa pang babae na familiar ang itsura. Napatitig ako sa mukha nito.
Naka-tag sa babae ang photos. Nakalitaw ang pangalang: Saoirse Nathalie Macaraeg Figueroa
Nanuyo ang lalamunan ko. Kahit gaano kahaba ang pangalan niya ay natatandaan ko. Siya si Nat. Bakit kasama siya sa mga photos ng pamilya ng mga Herrera?
Namalayan ko na lang na pinipindot ko na ang profile niya. Ang profile photo ng babae ay ang college graduation photo niya. May medal siya.
Sa cover photo ay kuha naman noong graduation. Marami silang graduates dito pero sa katabi niya natuon ang paningin ko— si Jordan.
Katabi niya si Jordan dito. Pareho silang may medal at may hawak na diploma.
Hindi ko na natagalang tingnan pa iyon. Bumaba ako sa wall niya. Ang wall niya ay buhay na buhay. Marami siyang kaibigan na pumupuri sa kanya.
May mga post siya tungkol sa kanyang pamilya. Matanda na ang parents niya at marami silang magkakapatid pero mukhang lahat ay professional na katulad niya.
Lahat din ng photos nila ay masasaya. May isa pang photo rito na itinag siya ng mommy niya. Magkasama sila sa kuha habang parehong nakangiti. Ang photo ay mula sa memories ng college graduation niya. Ang caption ng mommy niya ay ang sinasabing kung gaano ito kasuwerte na maging anak siya.
Umalis na ako sa profile ni Nat. Pero bago ako umalis ay nahagip pa ng aking paningin ang isa sa mga selfie niya kung saan makikitang naka-like si Jillian.
Bumangon ako sa kama. Naligo ako at nagbihis. Ang pinili kong damit sa closet ay itim na fitted sleeveless at skinny jeans. Nagpatong lang ako ng isang pink na hoodie. Sa paahan naman ay white plain sneakers.
Walang katao-tao paglabas ko ng bahay. Mahimbing na natutulog pa kasi ang lahat. Nagsimula na akong maglakad patungo sa eskinita.
Nang makarating sa hiway ay sumakay ako sa dumaang jeep na patungong Malabon. Kaunti lang ang pasahero. Karamihan ay mga empleyadong papasok sa pabrika sa Epza.
Sa paradahan ng tricycle ako sa Malabon bumaba. Nilakad ko ang patungo sa plaza na katapat ng simbahan at munisipyo ng General Trias.
Pumuwesto ako sa isa mga bakanteng bench sa plaza. Doon ako sa pinakasulok dahil ang ibang bench ay may mga mag-syotang nakaupo.
Hanggang sa magliwanag na ay nakatulala pa rin ako sa plaza. Blangko ang isip ko. Wala akong nararamdamang pagkainip dahil kahit noong nasa Singapore ako ay gawain ko na ito.
Ang beep ng phone ko ang gumising sa aking diwa. Si mommy. Galit siya at hinahanap niya ako. Nalaman niya ng wala ako sa kuwarto.
10:00am na rin pala kaya mainit na ang sikat araw. Hindi ko namalayan na ang tagal ko na pala rito sa plaza. Pinagpapawisan na ako.
Sunod-sunod ang text messages ni mommy. Galit na galit na siya. Nagpa-panic na kung nasaan ako. Parating na raw ang catarer at mamaya lang ay darating na rin ang mga bisita.
Maski si Nanette at Ninong Luis ay nagt-text na sa akin. Pinapauwi nila ako. Saglit lang ay salitan na silang tumatawag sa number ko.Dini-decline ko ang mga tawag nila hanggang sa sumunod na lumitaw sa screen ang pangalan ni Jordan. Tumatawag siya.
Alam niya ng wala ako sa bahay. Siguro nagsumbong si mommy o malamang na nandoon na siya mismo sa amin sa mga oras na ito.
Jordan:Where are you?
Napalunok ako sa text niya. Naalala ko na sinabihan niya ako noon na ilibre ko ang araw na ito para sa kanya. Pero naaalala ko rin na hindi ako umoo.
Sunod-sunod pa ang mga messages ni mommy. May mga messages din mula kay Sussie at sa mga tropa ko, binabati nila ako ng happy birthday.
Ngayon na lang ulit nila ako nabati. Ngayon na lang ulit ako nakatanggap ng mga pagbati sa kanila dahil nang mga nakaraang taon ay pinutol ko ang aking komunikasyon sa lahat.
Ang init ng loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung masaya ba ako o nawi-wirduhan lang sa pakiramdam.
Hindi na kasi ako sanay. Nakakapanibago na. Patuloy pa rin ang pagb-beep ng phone ko at ang pagri-ring pero hindi ko na iyon pinapansin. Nakatulala na lang ulit ako.
Pataas na nang pataas ang sikat ng araw at nag-aalisan na ang mga nakatambay sa bench. Ako na lang ang natitira sa sulok. Mahapdi na sa balat ang init pero hindi pa rin ako tumatayo.
Saan ba ako pupunta kung aalis ako rito? Wala akong maisip. Blangko nga ang isip ko na ultimo ang susunod kong gagawin ay hindi ko mapagpasyahan.
Nakayuko ako habang nakaupo sa bench nang may umupo sa aking tabi. Sa sapatos niyang low cut Converse na kulay itim at puti ang sintas natutok ang aking mga mata. Kahit hindi ako magtaas ng paningin ay alam ko na lalaki siya.
Mabango siya. Maghahalo ang sabong pampaligo, ang natural niyang amoy na panlalaki, at ang familiar na mild men's cologne na gamit niya.
Pinakiramdaman ko siya pero maliban sa paghawak ng kamay niya sa kinauupuan ay wala na siyang ibang ginawa. Napatingin naman ako sa kamay niya. Makinis, malinis ang kuko, at mahahaba ang kanyang daliri.
"Hanggang kailan mo balak magbilad sa araw?" masuyo at mahinahon ang familiar na baritonong boses na narinig ko.
Gulat na napatingin ako sa mukha niya. Nakakasilaw ang sikat ng araw pero malinaw kong namasdan ang mapungay niyang mga mata at ang ngiti sa mapulang mga labi niya. "Charles..."
"Happy birthday, Carlyn."
Napakurap-kurap ako dahil baka imahinasyon lang siya. Baka nagha-hallucinate lang ako dahil sa uhaw at gutom. Nakailang kurap na ako na hindi naman siya nawawala sa aking paningin.
"A-anong ginagawa mo rito, Charles?"
Akala ko nasa Taguig siya ngayon nagi-stay.
Imbes na sagutin ako ay hinuli niya ang kamay ko. "Tara?"
Tila ako papel na nagpatangay sa hangin. Namalayan ko na lang na sumasama na ako. Wala akong naiisip na pupuntahan kaya siguro sumunod na lang ako sa kanya.
Sumakay kami ng jeep hanggang sa Monterey. Panay pa rin ang beep at ring ng phone ko pero maski siya ay hindi iyon pinapansin. Parang wala rin siyang naririnig kahit pinagtitinginan na kami ng ibang pasahero sa jeep.
Hanggang sa lumipat kami sa bus na patungong Batangas ay wala kaming pag-uusap.
Sa dulo kami ng bus nakaupo. Magkatabi kami. Ako ang nasa bandang bintana. Mabilis ang biyahe, malamig. Mabuti naka-jacket ako. Si Charles ay naka-tshirt lang pero mukhang okay lang naman siya.
Muling nag-ring ang phone ko. Sa pagkakataong ito ay napatingin doon si Charles. Nakita niya ang pangalan ni Jordan sa screen at kung gaano karami ng missed calls ang naroon.
"Do you still like him?" mahinang tanong niya na nagpakurap sa akin.
Kalmado ang maamong mukha ni Charles. Malamlam ang mga mata niya. Hindi mababasa kung ano man ang emosyon na meron siya.
Muling nag-ring ang phone ko. Bumaba muli ang paningin niya roon. Kahit ako ay napatitig na rin sa screen. Kanina ay may mga pagitan pa, pero ngayon ay tuloy-tuloy na ang tawag mula kay Jordan.
Nanginginig ang daliri ko na akmang ita-tap na ang 'accept call'.
Malapit na ang daliri ko sa screen nang biglang hawakan ni Charles ang kamay ko. Gulat na napatingala ako sa kanya. Seryoso ang kanyang malamlam na mga mata nang bumuka ang mapulang mga labi.
"Choose me..."
JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz