ZingTruyen.Xyz

South Boys 2 Heartbreaker

WALA NAMAN TALAGA.

Bakit kailangan pang itanong iyon ni Isaiah?

No one had the right to interfere in my life. Walang nagmamay-ari sa akin maliban sa mismong sarili ko. Kung may magiging proud man o madi-disappoint sa mga ginagawa at gagawin ko sa buhay, ako at ako lang iyon. And I wanted to keep my life that way.

Walang reaksyon si Jordan maliban sa seryoso niyang ekspresyon. 

Sumipol si Isaiah pero hindi nabuwag ang paghuhugpong ng mga mata namin ni Jordan sa isa't isa. Hindi masasabing may laman ang mga tingin dahil walang makakapa roon na kahit anong emosyon.

Naalala ko ang kagabi, iniwan ko siyang mag-isa at hindi binalikan. Hindi ko inaalala kung paano siya nakaraos sa magdamag dahil alam ko naman na maparaan siya.

Ang akala ko lang talaga na pagkatapos niyon ay mapipikon siya at hindi na babalik. Nakakagulat na bumalik pa rin siya na parang walang nangyari. Mahirap pa rin talagang intindihin ang totoong tumatakbo sa isipan niya. Walang makakapagsabi.

Ako na ang naunang nagbawi ng tingin. Nagkibit ako ng balikat at nauna nang pumunta sa hagdan.

Pagdating sa second floor ay lumingon ako. Nasa likod ko si Isaiah at nakasunod sa akin. Nasa mapulang mga labi niya pa rin ang nakakalokong ngisi.

Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "Umuwi ka na nga. Nakakabanas iyong mukha mo."

Tumawa siya. "Dito muna ako. Mukhang masaya rito."

Itinuro ko sa kanya kung nasaan ang kwarto ko pero hindi ko siya niyayang pumasok doon. Tumuloy kami sa rooftop. Sa itaas ay may maliit na lounge at isang maliit na kwarto na nagsisilbing guestroom. Iyon ang gamit na kwarto ni Nanette ngayon.

Sa leather sofa na nasa lounge ko pina
upo si Isaiah. Nagpatugtog siya sa phone niya. Tamang sound trip habang sinasabayan niya ang kanta. Hindi pa kami nagtatagal dito nang sumunod sa amin si Nanette.

Napakamot ng ulo ang babae at urong-sulong na nagsalita. "E Ate, inutusan po ako ni Architect na maglinis dito kasi may nawawala raw siyang cufflinks. Dito raw niya yata nahulog."

Nagsalubong ang mga kilay ko. Ngayon kung kailan may bisita ako?

"Ate, okay lang ba maglinis ako rito? Kailangan daw kasing hanapin iyong cufflinks ni Architect e. Promise, hindi ako makakaistorbo sa inyo. Isipin niyo na lang na wala ako—"

"Pwede bang mamaya mo na hanapin?" sabat ko sa sinasabi niya. "I have a visitor at dito kami nakapwesto. Makakapaghintay naman siguro iyang cufflinks na 'yan."

Napakamot muli ng batok ang babae. "Ngayon daw po kailangan ni Architect e."

"Basta mamaya mo na hanapin," mariing sabi ko. Uminit na ang ulo ko kaya pati tuloy kay Nanette ay nagsimula na akong mairita.

Lulugo-lugong umalis naman si Nanette. Paglingon ko kay Isaiah ay para siyang dinaanan ng masamang hangin dahil sa lawak ng pagkakangiti niya.

Bumilang siya. "In 3, 2, 1..."

Saktong pagbanggit niya ng 1 ay nariyan na naman si Nanette. Tabingi ang ngiti nang lumapit sa akin. "Ate."

"What is it this time?" inis na tanong ko.

"Pahiram daw ng charger ng iPhone."

Kumibot ang aking sentido bagaman sinubukan ko pa ring magtimpi. "May charger na naiwan si Ninong Luis sa sala. Nasa ibaba ng center table, iyon ang ibigay mo."

Pagkaalis ni Nanette ay sumandal ako sa sandalan ng sofa. Si Isaiah ay hu-humm ng kanta sa tabi ko habang nagsa-soundtrip.

Ilang minuto pa lang ang lumilipas nang ayan na naman si Nanette. May bitbit siyang tray na may lamang cookies. "Ate, meryenda muna kayo."

Ipinababa ko sa kanya ang tray at pinaalis na siya ulit. Pero saglit lang ay bumabalik na naman siya. Juice naman ngayon ang dala-dala.

Pinaalis ko ulit at nang bumalik na naman para kukunin daw ang mga pinagkainan namin ay hindi na ako nakapagtimpi pa.

"Nanette," mariing sambit ko na may tonong pagbabanta.

Natakot naman na ang babae dahil alam niyang hindi na talaga ako natutuwa. Nagmamadali siyang bumaba at sana naman ay hindi na ulit bumalik. Si Isaiah ay tatawa-tawa na isa pang nakakairita.

"Shuta, ang lupit ni Architect Herrera. Walang butas ang mga plano."

Humalukipkip ako. Pinatay naman na ni Isaiah ang sounds. Nag-selfie na lang siya.

"GGSS ka pa rin."

Ngumisi siya. "Guwapong Guwapo Sila Sa Akin."

"Di ka active sa FB e saan mo pino-post mga ka-famewhore-an mo?" tanong ko sa kanya.

"Sa IG. Saka may Tiktok ako." Kumuha ulit siya ng photo. Nakadila siya. Wala na iyong hikaw niya sa dila na madalas niyang i-flex noon.

Nag-download ako ng Tiktok na app dahil may IG na ako. Napamura ako pagkakita sa account niya. "Hayup ka, di ka active sa FB pero ang landi mo sa Tiktok at IG!"

Marami siyang followers at likers kahit kaunti lang naman ang post niya. May mga comments sa kanya na hindi niya pinagkakaabalahang i-reply.

Ang recent niyang post ay last month, nagpu-push up siya sa sahig at walang suot na shirt, sweatpants lang. Pini-flex ang biceps. May 70k hearts iyon at 500 reactions.

"Isaiah, isa kang dakilang haliparot!"

May isa siyang post na umabot ng 100k hearts. Maiksing video na matino-tino naman sana dahil nakadamit siya, white plain shirt, jogging pants, at may suot pa siyang cap. Ang kaso ang harot na nga ng sayaw, ang harot pa ng facial expression niya. Ang background music ay Bartender ni T.Pain ft. Akon.

Nilingon ko siya. "Anong natira mo rito?"

Tumawa siya. "Tange, trip lang 'yan"

Nagbukas siya ng phone niya. Sandali lang ay nagbubukas na siya ng app. Hinila niya ako sa braso pero ayaw ko. Naghilahan kami hanggang sa huli ay napilit niya na ako. Para lang kaming mga tanga na nagpapa-cute sa camera. Parang katulad noon, iyong mga nag-aaral pa kami.

Nagkukulitan kami hanggang sa maisipan naming gawin ang Officially Missing You dance challenge. Hindi nga lang kami gumamit ng background music. Original sounds dahil kinanta lang namin ang tugtog. 

Ako halos ang kumanta habang ipinipitik ang aking mga daliri. Si Isaiah naman ay nagse-second voice at minsanang nagbi-beat. Sa chorus ay nag-duet kami, wala pa rin talaga siyang paltos. Malamig iyong boses niya na kinukulot niya pa at hinaluan pa ng pagpapa-cute.

Nanggaya lang kami ng steps na hinaluan ng onting style at katamaran. Okay pa rin naman ang kinalabasan, sobrang ganda ko at ang landi ni Isaiah. 

"Tangina, Car. Wala ka pa ring kupas," ani Isaiah bago pasalampak na naupo sa leather sofa.

Tinabihan ko siya at inagaw sa kanya ang phone. "Patingin." Tiningnan ko ang record namin. Naipost niya na pala agad. May 150 hearts na at ilang comments. Ang daming nagtatanong kung jowa ba raw ako ni Isaiah.

Iyong mga boys, inaarbor ako. Iyong mga girls naman ay kinikilig sa amin, meron ding hindi natutuwa dahil mukha raw akong maldita at hindi ako bagay sa Isaiah Baby nila. 

"Siguro dito ka pumi-pick up ng girls, no?" Tiningnan ko ang inbox niya, ang daming nagch-chat sa kanya. Nagre-reply siya in private pag sexy at maganda. Hayup talaga.

Nagpaalam na siya na uuwi dahil tinatawagan na siya ng mama niya. Bumaba na kami sa sala.

Napataas ang isang kilay ko nang makitang naririto pa rin si Jordan. Nasa sofa siya at nakayuko sa hawak na phone.

Nang maramdaman kami ay saka siya tumingala. Wala siyang suot na salamin kaya kitang-kita ko ang malinaw na kulay ng kanyang mga mata. Umiwas ako ng tingin at napatingin sa specs niya na nakapatong sa center table.

"Alis na ko, 'pre. Pag may oras ka, inuman tayo. Syempre sagot mo."

Dahil nauuna ako sa pinto ay hindi ko napansin na nakalapit na si Jordan sa amin. Kaswal lang ang reaksyon niya nang maglabas ng card mula sa wallet.  

"I'll wait for you call." 

Napatanga ako nang ibulsa ni Isaiah ang calling card. "Asahan mo."

Tumango si Jordan. 

Inihatid ko na si Isaiah hanggang sa gate. Kumikibot ang mga labi ko at may gusto akong sabihin na hindi ko magawang isaboses. Ginulo niya ang buhok.

"Tensed ang ale. Selos ka sa amin ni Herrera, 'no?"

Sinamaan ko siya ng tingin.  

Pumasok si Nanette sa gate. Galing siya sa labas. Nagpa-load siguro sa tindahan nina Aling Barbara. Nakapagtataka lang dahil nakasimangot ang babae.

Hindi na ako tinanong ni Nanette na usisain siya. Siya na mismo ang nagkwento kung bakit siya badtrip. "Kairita mga kapitbahay mo, 'Te, ah! Naabutan ko kaya na ikaw ang pinagkukwentuhan, kesyo boyfriend mo raw itong si Kuyang Gwapo no. 3."

Natawa si Isaiah. "Number three?"

Napanguso si Nanette. "May no. 1 at no. 2 na kasi. Dahil pangatlo kang lumitaw, ikaw ang pang no. 3."

"'Wag mo na silang pansinin, Nanette," saway ko sa babae tungkol sa mga kapitbahay.

Matagal na akong walang pakialam sa sinasabi ng iba tungkol sa akin. Apektado lang naman ako noon kapag si Mommy ang pulutan sa kwento. Pero ngayong maayos na ang buhay ni Mommy at may bago ng pamilya, wala na akong dahilan para maapektuhan sa sinasabi ng ibang tao.

"'Wag mo silang papatulan, Nanette," pagbibilin ko sa batang kasambahay dahil nakikita ko na maiksi ang pasensiya niya. Siya lang ang mapapagod at mai-stress kung magpapadala siya sa emosyon.

"Ay 'Te, naku!" Pumalatak si Nanette. "'Di ko maipapangako 'yan."

Napailing ako. "O sige na." Hinarap ko si Isaiah. "Umalis ka na, Isaiah, bago ka pa mausog ng mga kapitbahay ko."

"Okay lang, hahanap ako ng lalaway sa akin." Nagsuot ng helmet si Isaiah at umalis na sakay ang motor.

Nang wala na ang lalaki ay pumitik ako sa harapan ng mukha ni Nanette dahil nakatulala siya . "Lima na anak nun, puro panganay," pananakot ko sa kanya.

Napaharap sa akin si Nanette at parang sabog na bumungisngis. "Ate, baka lang naman gusto niyang gawing anim. I'm willing."

"Sira!"

Pagbalik sa sala ay naroon pa rin si Jordan. Nandoon pa rin kung saan siya nakaupo kanina. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya mag-i-stay.

Papunta ako sa hagdan nang tumayo siya at humakbang palapit sa akin. "Carlyn."

Tiningnan ko lang siya at hinintay kung ano man ang sasabihin niya.

Matagal na nakatingin siya sa mukha ko, ang pag alon ng lalamunan niya ay nakailang ulit bago bumuka ang kanyang mapulang mga labi upang magsalita. "What do you want to eat?"

Tumaas ng kusa ang isang kilay ko.

"I mean, I'm going to order online for dinner." Sandali siyang tumingin sa ibang direksyon saka muling itinuon ang malamlam na paningin sa akin. "Do you have anything in mind?"

"Inutos din ba sa 'yo ni Ninong Luis na pati ang kakainin namin ni Nanette ay kailangan mong intindihin?" walang buhay na tanong ko rin sa kanya.

Tumiim ang kanyang mapulang mga labi at bumukol ang kanyang dila sa kaliwa niyang pisngi.

"Jordan."

Sandaling natulala siya sa akin nang sambitin ko ang pangalan niya.

"We're fine here," mababa ang tono na sabi ko. "Kaya namin ang sarili namin. Kung ano man ang inutos sa 'yo ni Ninong Luis, wag mo nang intindihin. Hindi kami mga bata ni Nanette para alalahanin."

Tinalikuran ko na siya at umakyat na ako sa hagdan.

Bago ako pumasok sa aking kwarto ay nakahabol na sa akin si Nanette. Humihingal ang babae nang harapin ko. "What?"

"Ate, baka pwede po maka-connect sa wifi. Ang hina po ng data kahit nag-load na ako e." Inabot niya sa akin ang phone niya.

Kinuha ko iyon at itinype ang pasword ng wifi. Kagabi pa siguro siya nabo-bored dahil wala namang ibang magagawa rito sa bahay. Wala rin siyang makakwentuhan. Nakaramdam ako ng simpatya sa kanya.

"Are you bored, Nanette?" Walang cable rito at ang TV lang na may Netflix ay ang kwarto ni Levi. sa bahay. Kung meron man siyang mapaglilibangan ay internet lang.

Umiling siya. "Okay lang ako, 'Te. Nai-stress lang ako kasi parami nang parami ang manok ko. Di ko na alam kung saan ako tatalpak."

Naitirik ko ang aking mga mata. "I think you are really bored. Wait for me here."

Pumasok ako sa kwarto at kumuha ng pera sa aking bag. Limang tag-iisang libong buo ang una kong kinuha. Sumunod ay kumuha rin ako ng five hunded pesos na tag-iisang daan para may barya. Paglabas ko ng pinto ay inabot ko kay Nanette ang pera.

"Maaga pa." Sinabi ko sa kanya ang pangalan at address ng malalapit na mall dito. "Magshopping ka, kumain sa resto, o manood ng sine. Bahala ka. May Grab app ka naman siguro sa phone mo kaya hindi ka maliligaw."

Nakanganga sa akin si Nanette nang tanggapin ang pera na ibinibigay ko. Nang makahimasmasan ay malawak siyang napangiti. "Ay, Ate! You're the best in the world!"

"Go. Have fun." Tinalikuran ko na siya at bumalik na ako sa kwarto.

Hindi na ako lumabas pa dahil wala rin naman akong gagawin sa ibaba. Nagpadala ako kay Nanette ng isang basong tubig bago siya umalis para mag mall. 7:00pm nang makaramdaman ako ng alinsangan.

Pumasok ako sa banyo at naghubad ng lahat ng damit. Pinuno ko ang bathtub at nilagyan ng bubble bath soap. Maglulublob ako hanggang sa mapagod at antukin. Siguro namang gagabihin si Nanette sa mall. May susi naman siya kaya makakapasok siya kahit pa umalis si Jordan mamaya.

Pinabula ko sa shampoo ang buhok ko saka ako lumublob sa bathtub. Na-relax ang aking katawan kaya hindi ko namalayang napaidlip ako ng ilang minuto.

Pagmulat ng mga mata ko ay madilim na sa labas ng bintana ng banyo. Nakaramdam na rin ako ng ginaw at pagkasawa sa tubig.

Anong oras na ba? Malamang na wala pa si Nanette. But how about Jordan? Did he leave already?

Hinawi ko ang mga bula sa tubig at inalis ang drain plug. Pinaubos ko ang mabula at madulas na tubig hanggang sa ang aking basang katawan na lang ang matira sa loob ng bathtub.

Magbabanlaw na ako kaya pinihit ko ang gripo pero walang tumulong kahit kaunting tubig mula roon.

Nangunot ang noo ko at unti-unti nang kinabahan. Pinagpipihit ko ang gripo pero wala pa ring lumalabas doon. Pinihit ko na pati ang shower pero wala ring lumabas na tubig.

Hinagilap ko ang phone ko sa malapit. Sinubukan kong tawagan si Nanette pero hindi siya sumasagot. Mukhang nasa loob na ng sinehan ang babae.

Hindi na ako mapakali. Nag-iisip ako ng gagawin nang madaanan ko sa newsfeed ang five minutes ago na post ni Aling Cecil na isa sa mga kapitbahay namin.

Cecilia Dimatulac: KUNG KAILAN AKO NAGLALABA SAKA NAMAN NAWALAN NG TUBIG! BUSET!

May mga comments agad sa post niya. Mga kapitbahay rin namin na kapareho niyang galit. Buong Navarro pala ang nawalan ng tubig pero nag-announce naman daw noong nakaraang linggo na mawawalan, kinalimutan lang talaga ng mga tao.

Ang saklap dahil wala kaming idea na magkakaganito. Buong linggo kami sa Muntinlupa at hindi pa yata naka-like si Mommy sa official page ng baranggay kaya hindi niya nabasa ang announcement.

Naisipan ko na bumaba na lang sa banyo sa may kusina. Baka may tubig doon sa balde o kaya naman kukuha na lang ako ng mineral water sa dispenser. Kailangan ko lang magbanlaw dahil ang dulas-dulas ng aking balat at puro bula pa ang buhok ko.

Tumayo ako upang umalis sa bathtub. Pahakbang na ako nang biglang madulas ang paa ko. Nag-bounce ang pwet ko. "Letse!" Hindi pa roon natapos dahil iyong bula sa aking buhok ay tumulo naman sa mga mata ko. Lalo akong napamura.

Kandaduling ako dahil sa paghapdi ng mga mata ko nang makarinig ako ng katok mula sa pinto. Sa pang apat na katok ay hindi ko na napigilan ang pagsigaw. "Tubig!"

Nawala ang mga katok. I knew for a fact that it wasn't Nanette but I didn't care. I was desperate. Kailangan ko nang tubig.

Mayamaya ay sa mismong pinto na ng banyo ang sumunod na mga katok. Hindi naka-lock ang pinto pero wala akong balak na papasukin siya. Ang problema ko lang ngayon ay kung paano ko ipapasok ang tubig dito.

Narinig ko ang boses ni Jordan mula sa labas ng pinto ng banyo. "I'm gonna the leave pail of water here."

Nang marinig ko ang pagsara ng pinto sa labas ng kwarto ay saka ako tumayo sa bathtub.

Kahit madulas-dulas at kumikirot ang mga mata ay sinikap kong makarating sa pinto ng banyo. Isinilip ko ang ulo ko at nakitang nakaalis na si Jordan.

Hindi na ako nag abala na magsuot ng tuwalya dahil baka malagyan lang iyon ng sabon mula sa aking katawan. Inilabas ko ang isang kamay ko para abutin ang iniwan niyang balde na puno ng tubig. Kaya lang ang bigat nito at hindi ko mabuhat.

"Shit! Bakit kasi pinuno?!" himutok ko.

Kahit hilahin ay hindi ko mahila ang balde dahil puno nga iyon ng tubig. Sa kabilang banda ay ayos lang naman na puno ang balde dahil kukulangin din ang kaunting tubig sa pagbabanlaw ko.

Tuluyan akong lumabas ng banyo para mas madaling mabuhat ang balde. Dinampot ko ng dalawang kamay ko ang hawakan ng balde saka buong pwersang binuhat ito. Magdidiwang na sana ako dahil maipapasok ko na iyon sa banyo nang biglang dumulas ang paa ko sa basahan.

Parang slowmotion ang sumunod na pangyayari. Gumewang ako kasabay ng paghagis sa ere ng balde at pagtapon ng tubig sa paligid. Isang malakas na lagabog ang nalikha nang pagbagsak ng katawan ko sa sahig pagkatapos.

Bumukas ang pinto at humahangos na pumasok doon si Jordan. "What happened—"

Hindi niya na naituloy ang sinasabi nang makita akong nakabulagta sa kanyang harapan. Napanganga siya at hindi agad nakakilos sa pagkabigla.

As much as I wanted to cover my nakedness, it was too late. He had already seen everything. Isang matinis na tili ang kumawala sa akin dahil sa sobrang kahihiyan.

JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz