ZingTruyen.Xyz

South Boys 2 Heartbreaker

CARSAIAH PA RIN!


Kumibot ang sentido ko sa post ni Nelly two hours ago. Nagpost ng mga photos naming dalawa ni Isaiah noong magkaka-klase pa kami. Karamihan ay kuha kapag breaktime namin. Photos ng mga jamming.


Nasa jeep ako ngayon papunta sa Pascam para puntahan si Jordan. Habang nasa byahe ay naisipan kong magbukas ng newsfeed. At ito nga ang tumambad sa akin—mga photos namin ni Isaiah na punong-puno ng malisya.


May malisya talaga kung hindi mo kami kilala. Kasi kung titingnan ang mga photos ay para kaming magjowa.


Karamihan sa mga ito ay halos magdikit na ang mukha namin ni Isaiah. May kuha rin na nakaakbay siya sa akin habang nakakatitig ako sa lalaki. Iyong titig na parang patay na patay ako sa kanyang hayup siya.


Ang pinakamalala ay may photos din kami na kinuha noong birthday ni Asher. Inuman ito at lasing ako. Katabi kong nakaupo si si Isaiah sa sofa. Halos magkayakap na kami kung titingnan pero ang totoo ay inaalalayan niya lang ako dahil nga lasing na ako.


Napamura ako sa huling photo. Di ko alam na may ganito. Kuha namin ni Isaiah na pinupunasan niya ako ng pawis sa noo gamit ang laylayan ng mismong t-shirt na suot niya.


Tangina, sobrang lasing ko talaga kasi nito. Badtrip ako nang time na ito. Nakabangga ko si Daddy sa SM Dasma. Wala naman akong pakialam kahit hindi niya ako pansisin, ang kaso, narinig ko na ikinaila niya ako sa kanyang mga kasamang kaibigan. Na-imbyerna ako kaya hayun, napainom ako nang matindi sa birthday ni Asher noong kinahapunan.


Ang daming likes. Ang benta ng post. Lahat yata ng photo may likes at comments. Humihiling ng comeback na akala mo naman may mga bilang sa lipunan.


Hindi rin syempre mawawala ang comments ng dalawang salot na sina Miko at Asher.


Asher James Prudente: Parang kailan lang ang lalakas pa ng mga ito at kasama pa natin sila. Kakamiss.. :(


Miko Pangilinan: If "Happy Ever After" did exist I would still be holding you like this – Isaiah Sad boi of Brgy. Pasong Kawayan Dos.


Kumibot ang sentido ko. Parang gusto kong manuntok ng katabi ko rito sa jeep.


May humabol pang isang comment na lalong nagpakulo ng aking dugo. Galing kay Charles Felix Columna. Nakakaurat kaya di ko na pinagkaabalahang basahin pa.


Ipi-pm ko sana si Nelly nang biglang mag-text naman si Jordan. Tinatanong niya kung nasaan na ako. Napataas ang isang kilay ko nang mapag-isip-isip.


Bakit pala ako pinapapunta ni Jordan sa kanila? Never niya pa akong inutusan na puntahan siya kahit kailan.


Siya ang madalas na sumusulpot sa amin. At isa pang nakapagtataka, gabi na ngayon. 7:00pm na. Parang nakakapagtaka na ako pa ang pinapunta niya kahit ganito na ang oras.


Nang malapit na sa tapat ng subdivision nina Jordan sa Pasong Camachile Uno ang jeep ay pumara na ako. Sumigaw na rin ang driver ng Pascam na.


Pagkababa ko ay lumakad na ako papasok sa subdivision. Napapaisip pa rin ako kung bakit hindi si Jordan ang pumunta sa amin. Pero nagtuloy-tuloy na ako. Mas nangingibabaw kasi sa akin ngayon ang pagka-miss sa kanya.


Sa tapat ng bungalow house kung saan nakatira ang mga Herrera ay makikitang walang nakaparadang kotse. Totoo nga na wala ang pamilya ni Jordan. Nakahinga ako nang maluwag kahit paano dahil hindi ko rin sila keri na makaharap.


Lalo na si Jillian. Di ko nakakalimutan ang pag-irap niya sa akin. Saka di ko pa rin naibabalik si Pikachu niya.


Sumilip ako sa gate ng bungalow house. Patay ang ilaw sa sala. Iyong bintana naman sa kwarto ni Jordan ay madilim din. May tao ba talaga rito sa kanila?


"Jordan?" Kinalampag ko ang gate nila.


Walang sumasagot kaya nilakasan ko nang kaunti ang boses ko.


"Jordan? Yuhoo?!"


Wala pa rin. Ang tahimik pa rin sa loob nila. Sinubukan ko siyang tawagan kaya lang hindi niya sinasagot. Wala rin akong marinig na ring mula sa bahay nila.


Ano ba? Pinagt-tripan ba ako ni Jordan? Nakauwi na ba talaga siya sa Pilipinas?


Tumingkayad ako at sinungkit ko na ang lock ng gate. Nakapa ko na walang kandado kaya nabuksan ko ito agad. Pagkatulak ko sa bakal na gate ay nagtalo pa ang isip ko kung ano ang susunod na gagawin. Urong-sulong ako kung tutuloy ba o ano.


Naisipan ko na umalis na lang kaya lang nakarinig ako ng kaluskos mula sa loob. Napapasok agad ako sa gate at dumeretso sa main door. "Jordan, nandiyan ka ba?"


Matagal bago ako nakarinig ng sagot mula sa loob. "Come in," mahina at maligasgas ang boses na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko na lang ulit narinig na hindi sa phone ang boses na iyon pero kilalang-kilala ko pa rin.


Pinihit ko ang doorknob. Katulad ng sa gate nila ay hindi rin ito naka-lock. Pagtulak ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang madilim na sala. Walang nakabukas na ilaw hanggang sa kusina. 


Sumilip ako muna ako ng ilang ulit bago tuluyang pumasok. Bukas ang pinto ng kwarto ni Jordan. Doon nanggagaling ang malamlam na liwanag na tiyak kong dahil sa nakabukas na lampshade sa loob.


"Jordan?" tawag ko. "Dito na me."


Maliban sa kapirasong liwanag na mula sa lampshade na nasa kwarto ni Jordan ay wala na talagang kahit anong ilaw ang nakabukas sa kabahayan. Muntik pa tuloy akong mabangga sa centertable sa sala nila nang maglakad ako.


"Nandito ako sa kwarto."


Napanguso ako. "Di ba pwedeng lumabas ka na lang? Dito na lang tayo sa sala niyo magkumustahan?"


"I can't."


"Luh. Why naman ganon?"


"Come here and lock the door there."


Bigla akong binaha ng kaba. Bakit ila-lock? At bakit ang dilim ng bahay nila tapos siya lang dito mag-isa? Inuutusan niya pa ako na ako mismo ang pumasok sa kwarto niya. Hindi kaya...?


Napapitlag ako nang magsalita siya ulit.


"What's taking you so long?"


Neutral lang naman ang tono niya kaya lang mas nakakakaba kaya iyon. Napalunok muna ako ng tatlo bago humakbang papunta sa pinto ng kwarto niya. Gumagana ang utak ko sa kung ano ang naghihintay sa akin sa loob.


Kinakabahan talaga ako lalo na at kami lang dito kaya lang ayoko namang umalis. Nandito na ako e saka gusto ko talaga siyang makita dahil namiss siya. Ah, bahala na.


Hindi ako huminga. Bahala na. Ready na ako sa kung ano man ang naghihintay sa akin sa loob.


Dinalawang hakbang ko lang ang pagpasok sa kwarto niya. Nang nasa loob na ay napatanga ako at napanganga. Akala ko maaabutan ko siyang naka-bold, hindi pala.


"Hi."


Napakurap-kurap ako kay Jordan. Nakaupo siya sa gitna ng kama niya at nakasandal sa headboard. T-shirt na white ang suot niya at sa pang-ibaba ay itim na shorts yata. Bahagyang magulo ang kanyang buhok.


Matutulala na sana ako kasi parang mas higit siyang gumuwapo kaysa nang huli ko siyang makita... kaya lang natuon ang paningin ko sa kaliwang paa niya na nakabalot ng cast.


"A-anong nangyari sa 'yo?"


"Na-sprain lang sa airport pero pagaling na." Inabot niya ang isang kamay ko. "Come here."


Lumapit naman ako sa kanya. Nakatitig ako sa cast niya sa paa. Kaya pala hindi siya pumunta sa amin, kaya rin pala hindi niya ako napagbuksan ng pinto kanina kasi hirap siyang makatayo.


Sumampa naman ako sa kama niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na haplusin ang pisngi niya. Miss na miss ko siya.


"How's school?" nakangiting tanong niya sa akin. 


"Okay lang..."


Gusto kong sabihing ang lungkot kasi wala na siya kaya lang iba ang lumabas sa bibig ko.


"Kaklase ko si Jillian. Galit yata siya sa akin kasi hindi ko pa ibinabalik si Pikachu."


Paupo sana ako sa tabi niya nang bigla niya akong hilahin sanhi para sa kandungan niya ako mapaupo. Nahigit ko ang aking paghinga nang akma akong aalis pero pinigilan niya ako sa bewang. 


"J-Jordan..."


"I missed you." Nakangiti pa rin siya sa akin. Hindi niya yata narinig ang sinabi ko kanina tungkol sa Pikachu ni Jillian.


Kahit kapiraso lang at malaman ang liwanag mula sa lampshade niya ay kitang-kita ko perpektong detalye ng anyo niya. Kitang-kita ko rin kung paano niya ako titigan nang mataman.


Pasimple akong umiwas sa mga titig niya dahil bigla akong nakaramdaman ng pagkailang.


Sa pag-iwas ko ay napatingin ako sa ibabaw ng bedside table. Napansin ko roon ang phone niya na kamamatay pa lang ng ilaw.


Bago namatay ang ilaw ay nakita ko sa screen ang newsfeed ng Facebook. Kung ganoon ay nagso-social media naman pala si Jordan. Bigla akong binundol ng kaba nang may maalala. Hindi kaya nakita niya ang mga naka-tagged na photos sa akin ni Nelly kanina—


"Are you still friends with him?"


Napakurap ako at muling napatingin kay Jordan.


Kalmado ang pagkakatanong niya at kalmado rin ang ekspresyon niya pero iba ang nakikita kong kislap ng kanyang mga mata. At kahit hindi niya binanggit ang pangalan ay alam ko na si Isaiah ang tinutukoy niya.


"H-hindi na kami magkaklase..." iyon ang naisagot ko sa tanong niya.


Hindi ko naman na talaga kaklase si Isaiah. Pati sina Miko at Asher. Magkakasama sila ngayon sa room na nasa ibaba ng room namin. Kasama rin nila roon ang pinsan ni Isaiah na si Arkanghel. Iisang section sila.


Tumango-tango si Jordan. Mas kalmado na ang ekspresyon niya ngayon. Sa mga mata na lang niya may something. Ang hirap alamin.


"Papasok na ako bukas sa La Salle," paalam niya. Na-late na nga siya ng pasok dahil ngayon lang siya nakabalik mula sa Madrid, Spain. "Marami-rami akong hahabulin dahil na-late ako ng pasok."


Hindi ako umimik. Magiging busy na siya sa college. Naiintindihan ko naman siya kaya lang hindi ko maiwasan na hindi malungkot.


Ang tagal ko siyang hindi nakita. Hindi rin okay ang communication namin habang nasa Spain siya. Ngayon naman ay magiging busy na siya kaya malamang na hindi na kami magkakaroon ng chance na magkita nang madalas. Nakakalungkot. Iniisip ko pa lang, nalulungkot na ako.


Wala naman akong magagawa kasi hindi ko naman pwedeng kwestyunin ang pag-aaral niya. Mas importante iyon.


Iisipin ko na lang na at least nasa Pilipinas na siya. At least kahit hindi kami madalas na magkita at magkausap ay nasa iisang bansa naman kami. Malapit pa rin siya sa akin kung tutuusin.


"Hey..." masuyong tawag niya sa akin.


Napasigok ako kahit ayaw ko sana. Ang mga labi ko ay kusa ring humikbi kahit pinigilan ko na.


Ikinulong niya ang mukha ko sa mainit na mga palad niya. "We can still see each other on weekends."


Hindi ako nagsalita. Humikbi lang.


"I'll try to make time for you." Tinuyo ng daliri niya ang kapirasong luha na sumilip sa gilid ng mga mata ko. "And even if I'll get busy with my studies, you won't forget about me, right?"


Tumango ako.


Ngumiti siya. "I'm glad to hear that."


"Ikaw rin..." humihikbing sabi ko. "Bawal mo rin akong makalimutan. Kahit may magaganda roon sa bago mong school, kahit may magpapapansin sa 'yo, bawal mo akong kalimutan..."


Dumampi ang mainit niyang mga labi sa akin. Namimigat ang mga mata na napapikit ako.


"I won't forget you..." anas niya sa mismong mga labi ko. Ang marahan at magaang pagdamping mga labi niya ay nagtuloy-tuloy. Dumiin at lumalim.


Ang mga braso ko ay kusang yumakap sa leeg niya. Inayos niya ako ng pagkakaupo sa kandungan niya hanggang sa nakaharap na ako sa kanya. Nang sandaling maghiwalay ang mga labi namin ay ngumiti siya.


"Mag-a-advance ulit ako, okay lang ba?"


Hindi ako sumagot. Sa halip ay ako na ang humalik sa kanya sa pagkakataong ito. Damang-dama ko ang pagngiti ng mga labi niya sa mga labi ko bago niya tugunin ang halik.


Ang mga kamay ko ay nakasabunot na sa malambot na buhok ni Jordan habang magkahugpong ang mga labi naming dalawa. Ipinasok niya ang dila sa loob ng aking bibig at malugod ko iyong sinalubong at tinanggap.


Ang mga haplos niya sa likod ko ay bumaba sa aking bewang. Kinabig niya ako palapit na sanhi ng aking pagdilat. May natamaan ako sa akin sa ilalim na nagpatayo ng lahat ng balahibo ko sa katawan.


Bumaba ang mga halik ni Jordan sa leeg ko. Ang mga kamay niya ay nasa ilalim na ng baby t-shirt na suot ko. Nang lumuwag ang suot kong bra ay saka ko nalaman na na-unclasp niya na pala ito. Napahingal ako nang ang mainit niyang mga palad ay nasa ibabaw na ng dibdib ko.


Nakakaliyo ang pakiramdam na marahan niyang dinadama at minamasahe ang dibdib ko.


Nahawakan niya na ako noon sa parteng ito noong lasing siya pero iba ang ngayon. Wala siya sa sarili at may suot akong t-shirt noon. Ngayon ay gising na gising siya at nasa katinuan, dagdag pa na direktang sa balat ko naroon ang pangahas na mga palad niya.


Ang mga halik niya ay mas bumaba pa sa ibaba ng leeg ko. Napahigpit ang pagsabunot ko sa buhok niya nang umalon ang ulo niya at tumungo sa dibdib ko kung saan naroon ang mga kamay niya. Napadilat ako nang ang mainit niyang hininga ay tumatama na sa aking balat.


"J-Jordan, ah..." Nanginig ang kalamnan ko nang isubo niya ang isa sa dulo ng aking dibdib. Para siyang gutom na hinihigop ang lakas ko.


Napaliyad ako at naghabol ng hangin. Nanghihina ako na kung hindi niya inaaalalayan ang likod ko ay baka bumagsak na ako.


Kusa ring huminto si Jordan pagkatapos. Hinalikan ako sa noo. "It's getting late," hirap na sambit niya. Hindi normal ang paghinga niya.


Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hiyang-hiya ako na hindi ko magawang salubungin ang mga titig niya.


Tinulungan niya akong ayusin ang bra ko. Siya rin ang nagbaba ng suot kong t-shirt.


Dinampot niya ang phone niya sa bedside table. Napabuga siya ng hangin matapos sipatin ang screen nito. Halata na hind siya masaya sa oras na nakikita roon. "You should go home." Tumingin siya sa akin pagkuwan.


Tumango naman ako. "Uhm, oo. Uuwi na ako kasi wala ring kasama si Mommy sa bahay namin."


Nagsikap siyang umalis mula sa kama. Dahil nakatayo ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa harapan ng shorts niya. Napangiwi ako nang makitang nakaangat iyon. Mukhang pahihirapan siya niyon mamaya.


Iika-ika niyang tinungo ang maleta na nasa malapit sa footboard. Isang puting paperbag na may tatak na Duty Free at isang maliit na box na kulay itim ang kinuha niya mula roon. Inabot niya ang mga iyon sa akin. "These are yours."


"Pasalubong?"


"Yeah. I hope you like them."


Ang laman ng Duty Free paperbag ay mga chocolates. Ang nasa box naman ay isang Spanish porcelain gypsy doll na nakasuot ng kulay pulang flamenco dress.


Masaya ako hindi lang dahil sa maganda ang porcelain doll na pasalubong niya, hindi rin dahil sa ang dami ng chocolates, kung hindi dahil sa thought na pinasalubungan niya ako.


Kahit hirap si Jordan na makalakad ay nagsikap siyang maihatid ako kahit hanggang sa pinto ng bahay nila.


Kahit ayaw kong tanggapin ay pinilit niya sa akin ang two hundred pesos. Ang bilin niya ay magpa-special na ako ng tricycle pauwi ng Navarro. Pina-picturan niya rin at pinakuha sa akin ang plate number ng tricycle na sinakyan ko at pina-send sa kanya sa messenger.


Nang makauwi na ako sa amin ay tinawagan niya rin ako para alamin kung nakauwi na ako. Lahat ng tampo at pagka-miss ko sa kanya ay nawala na.


Hawak ko ang aking mga labi hanggang sa nakatulog na ako. Masaya ako dahil bumalik na ang taong nagpapangiti sa akin.



"I NOMINATE SUSANA ALCARAZ FOR PRESIDENT!"


Ganado ako nang sumunod na araw ng pasok. Para akong inasinan. Energetic ako.


Ayaw kong mag-isip ng kahalayan ngayon. Ang target ko ay maging marangal na estudyante kahit hanggang sa matapos lang sana ang linggong ito.


Ako ang nag-vote kay Sussie para maging presidente ng classroom namin. Mas gusto ko siyang manalo kaysa sa kalaban niya sa nomination na si Ruth. Ang bida-bida naming kaklase since Grade 8.


"Whoo! Yes!" Napahampas ako sa armchair nang si Sussie nga ang manalo na president.


Siya ang halos binoto ng lahat. Tanda pa kasi siya ng ilan sa mga naging kaklase namin noon.


Nang botohan na sa vice-president ay doon ako nanahimik. Si Jillian kasi ang nominated. Halos lahat sa room ay siya rin ang ibinoto.


Ako lang yata ang hindi nagtaas ng kamay. Gusto rin siya ng mga kaklase namin. Kilala rin kasi siya na matino at matalino. Napunta lang siya sa section namin dahil late siyang nag-enroll ngayong schoolyear.


Pagdating sa botohan ng muse ay nagtaas ng kamay si Hugo. Ngising-ngisi ang gago kaya kinabahan ako. At hindi nga nagkamali ang kaba ko.


"I nominate Carlyn Marie Tamayo as muse!"


Punyeta, sabi na nga ba.


Napasipol ang mga kaklase naming lalaki. Nagbulungan naman ang mga babae.


Mukhang hindi pa masaya si Hugo sa kagaguhan niya. May pahabol pa siya. "Di pa tapos!" sabi niya. "Dalawa inonominate ko, Ma'am!"


Kumunot ang noo ng class adiviser namin.


"I nominate Viviane Chanel Contamina as muse!" maligayang dagdag ni Hugo. "Sinong mas angat sinong mas sikat!" Tinambol pa ng siraulo ang armchair niya.


Naghiyawan ang mga kaklase namin habang ako ay nagtatagis ang mga ngipin.


"Pigilan mo ako, Sussie. Masasaksak ko ng ballpen ang noo niyang Hugo na 'yan!" gigil na sambit ko sa aking katabi.


Si Sussie ay mahigpit ang pagkakahawak sa aking braso. "Kalmahan mo lang, Car. Lalo kang aasarin niyan pag pinatulan mo."


Naging mainit at dikit ang labanan sa botohan ng muse. Hindi makapagdesisyon ang mga kaklase namin kung sino sa aming dalawa ni Viviane Chanel ang mas maganda. Hati ang boto nila.


Fine, inaamin ko na mas charismatic si Vivi. But duh? Kung talent ang pag-usapan ay umuwi na siya. Mabuti na lang at narealized iyon ng mga kaklase namin. Sa huli, ako ang nagwagi.


Nakaismid na humalukipkip ako sa kinauupuan. Nang lingunin ko si Vivi sa pwesto niya ay wala namang karea-reaksyon ang babae. Ah, siguro deep inside siya nagluluksa. Hindi ko siya masisisi, first time niyang natalo sa botohan ng muse.


Ewan ko ba. Wala naman akong pakialam talaga sa pagiging muse. Nakaka-stress lang kasi si Vivi ang kalaban ko.


Saka nga pala, ang nanalong escort by landslide vote ay walang iba kundi ang hambog na si Hugo. 


Pagsapit ng breaktime ay iniwan ko muna si Sussie sa room. May baon kasi siya kaya doon siya kakain ng lunch sa upuan niya. Ako naman ay naglibot-libot muna sa campus habang nagpapalipas ng gutom.


Nang uwian na ay nagpaalam na ako kay Sussie. Papunta sa sakayan ng tricycle ng Navarro nang may sumabay sa akin sa paglalakad. Mabango. Pagtingala ko ay nahigit ko ang aking paghinga nang makita si Jordan.


"Nagmeryenda ka na ba?"


Ang suot niya ay ang uniform ng De La Salle Univesity-Dasmariñas. Ang guwapo-guwapo niya. Kaya naman pala nanghahaba ang mga leeg ng mga kasabayan kong estudyante sa daan kanina.


Bumuka ang mga labi ko na hindi rin naman nagawang magsalita. Kinakain ako ng presensiya niya. Naluluha rin ako dahil nandito siya. Hindi ko akalain na makikita ko pa siya ulit dito sa Gov. Parang sasabog ang puso ko sa emosyon.


"Kain muna tayo." Hinawakan niya ako sa pulso at hinila.


Nakakalakad na siya nang maayos pero minsan ay mabagal.


Sumakay kami ng jeep pa-Malabon. Inilibre niya ako ng burger at fries sa Jollibee. Habang kumakain kami ay patingin-tingin ako sa kanya.


Pinagtitinginan din siya ng mga babae sa fastfood. Pati mga estudyante sa ibang private school, sa Bethel, sa St. John, Fiat, Claremont, at sa iba pa, napapalingon sa kanya.


Hindi naiilang si Jordan. Hindi rin siya tumitingin sa iba, sa akin lang ang buong atensyon niya. Tinanong niya ako kung kumusta ang school.


Masaya naman ako na at kinikilig dahil parang ako lang talaga ang nakikita niya. Ipinagmalaki ko sa kanya na mataas ang score ko sa quiz kanina.


Pagkakain namin ay inihatid ako ni Jordan sa Navarro. Ngayon na lang siya ulit nakapasok sa bahay namin mula nang dumating at umalis si Daddy. Namiss ko siya na makitang nakaupo sa sofa sa sala.


Iniwan ko muna siya roon. Nagbihis ako saglit. Isang pink na spaghetti strap sando top at maiksing dolphin shorts ang isinuot ko. Ang buhok ko ay hinayaan kong nakalugay lang. Bawal pa kasing itali dahil bagong rebond. Baka magkabewang.


Pagbalik ko sa sala ay tinabihan ko si Jordan sa sofa.


"Nasaan ang mommy mo?" tanong niya nahindi nakatingin sa akin. Ang mga mata niya ay nakatutok sa ibang direksyon.


"Nasa kwarto si Mommy. Hindi ka niya mababati ngayon kasi palaging masama ang pakiramdam niya," paliwanag ko. Hindi ko pa nababanggit sa kanya na buntis si Mommy at magkakaroon na ako ng kapatid.


Tumango siya at hindi pa rin tumitingin sa akin. Nang lingunin ko siya ay taas-baba ang Adam's apple niya.


"Gusto mo ba ng tubig?"


Tumango lang ulit siya. Tumayo ako para ikuha siya ng tubig. Palakad ako paabante nang pigilan naman niya ang kamay ko. Paglingon ko sa kanya ay nagtatanong ang mga mata ko.


"Umupo ka na lang ulit dito." Tukoy niya sa tabi niya.


"Akala ko gusto mo ng tubig?"


Hindi na siya nagsalita. Hinila na niya ako paupo sa tabi niya. Yumakap ang isang braso niya sa bewang ko. Tahimik lang siya. Hinayaan ko. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya.


"Kumusta sa bago mong school?" tanong ko. Nagsimula na siyang pumasok as a college student. Ang kursong kinukuha niya ay architecture. Alam ko namang sisiw lang iyon sa kanya pero gusto ko pa rin siyang kumustahin.


"Okay lang." Sumandal siya sa sandalan ng sofa. Sumandig naman ako sa balikat niya.


Tiningala ko siya. "Kasundo mo ba ang mga kaklase mo?"


Tumango siya. Gusto ko pa sanang itanong kung may kaklase ba siyang maganda o kung may nagpapapansin ba sa kanya. Nahiya naman akong itanong pa iyon.


"Jordan..."


"Hmn?" Tumingin siya sa akin.


"Pwede na."


Ang makakapal at itim na itim niyang mga kilay ay bahagyang nagsalubong.


"Uhm... sabi ko pwede na." Napanguso ako at nahihiyang umiwas ng tingin sa kanya.


Nang silipin ko ang reaction niya ay nakatulala siya sa akin.


"Pwede na iyong ano... Uhm, iyong ano nga..." Hindi ko malaman kung paano itatawid ang sasabihin. Nahihiya ako. "Di ba, matagal naman ng natapos ang three-month-rule... So pwede na..."


Hinawakan niya ang baba ko at marahang ihinarap ang aking mukha sa kanya. Nang mapatitig ako sa kulay tanso niyang mga mata ay nakita kong iba na ang kislap ng mga ito.


Lumunok muna ako upang linisin ang bikig sa aking lalamunan. "Jordan, pwede mo na ba akong ligawan?"


Ang tagal na nakatitig lang siya sa akin. Kinakabahan na ako dahil hindi siya sumasagot. Baka ayaw niya na pala. Baka nagbago na ang isip niya. Nag-o-overthink na ako.


"Jordan, ano? Liligawan mo ba ako—" Hindi ko na natapos ang sinasabi. Pinatahimik na ako ng magaan pero nakakalunod na halik niya.


Dahil dito, natigil na ang pag-o-overthink ko. Ginanti ko ang mga halik niya nang mas malalim at mas mainit na dahilan para mapaungol siya.


Ito na siguro ang pinakamagandang desisyon na nagawa ko sa buhay. Wala akong pagsisisihan dahil alam ko na iingatan ni Jordan ang puso ko.


Hinding-hindi niya ako sasaktan...


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz