South Boys 2 Heartbreaker
LET'S BE TOGETHER.Napapitlag ako at sinikap na kumalas agad mula sa pagkakayakap ni Jordan. Pinanlalakihan ako ng mga mata sa gulat. Dinadaan niya ako sa bilis. Itinulak ko siya sa balikat para lang mapalayo ako sa kanya.
"Hindi pwede!" nabibiglang sambit ko.
Lumamlam ang mga titig niya sa akin. "But why?"
"Hindi mo ba alam iyong 3-month rule?!"
Si Jordan naman ang napakurap ngayon.
"Kaka-break lang namin ni Isaiah. Wala pang 3 months!" Wala akong maisip na dahilan kaya iyon na lang. Saka legit naman talaga iyon. Kahit naman gago si Isaiah, gusto ko pa rin siyang igalang na hayup siya.
Alam ng mga tropa namin, kaklase, and even his parents, na naging kami. Hindi maganda kung magjo-jowa agad ako. Isa pa, nalilito pa rin ako hanggang ngayon sa mga bagay-bagay.
Sinamaan ko ng tingin si Jordan. "Kaya kung gusto mo talaga ako, maghintay ka. 'Wag mo akong daanin sa bilis dahil marupok ako!"
Nakatulala siya sa akin ng ilang segundo pero sa huli ay ngumiti siya. "Alright."
"Ows? Ayos lang sa 'yo?"
"Yeah."
"Bawal magkiss ang di mag-jowa!"
Nagusot ang matangos niyang ilong, at halatang tutol siya, pero ngumiti siya pagkuwan. "Okay."
"Weh? Keri mo? E ang landi mo kaya."
Pinisil niya ang pisngi ko. "Just stop being so cute."
Lumabi ako at inirapan siya.
Ngingiti-ngiti naman siya. Nakakainis lang kasi hindi ko sure kung nagpapa-cute ba siya o talagang cute lang siya.
Umandar ang mga oras na nagtititigan lang kami. I mean, nakatitig siya sa akin. Kung makatitig pa siya ay parang ilang taon niya akong hindi nakita. Naiilang tuloy ako.
Pag naman sinasaway ko siya ay ngiti lang ang sagot niya sa akin. Kainis talaga. Sarap lapirutin.
Bandang 4:00 pm nang hindi na masyadong mainit sa labas ay nagpaalam na akong uuwi. Inilagay ko sa bulsa ko ang panty ko na kinusutan sa banyo nila. Never na iiwan ko iyon, no! Mamaya, iribbon na naman niya e.
Speaking of ribbon. Hinanap ko pala iyong strap ng bra ko na nakita ko noon sa drawer ng bedside table ni Jordan, ang kaso ay hindi ko na makita. Ewan ko kung saan niya dinala. Nahihiya naman akong magtanong.
Inihatid na ako ni Jordan sa Navarro. Nag-jeep kami. Hindi ko na siya niyaya sa bahay mismo dahil nandoon si Daddy. Hindi maganda ang ambiance roon sa ngayon.
Naunawaan naman ni Jordan. Iyon nga lang ay hindi siya pumayag na aalis na siya agad pagkarating namin sa eskinita. Tinanaw niya pa ako hanggang sa makapasok ako sa mismong gate namin.
"I SAID, NO!"
Naulinigan ko ang iritableng boses ni Mommy. Bukas ang pinto ng sala kaya nakapasok agad ako.
"What on earth are you playing at, Clara?" Iritable rin ang boses ni Daddy. "You didn't sleep with me last night, and now kahit halik ayaw mo rin?"
Walang sagot mula kay Mommy.
"I am yours now now. Magpapakasal naman na tayo pag ayos na iyong annulment namin ni Becky. What else do you want me to do?"
Sa kusina ko sila natagpuang dalawa. Magkaharap sila. Si Daddy ay namumula sa pagkapikon habang si Mommy ay nakayuko at walang makikitang kahit na anong emosyon.
"Clara, I love you. Alam mong matagal na sana tayong magkasama kung nararamdaman ko lang sana na talagang mahal mo ako—"
Natigil sa pagsasalita si Daddy nang mapatingin sa gawi ko.
Nang makita rin ako ni Mommy ay nagbago ang ekspresyon niya. "Carlyn, darling!" Lumamlam ang kaninang malamig niyang mga mata.
Hindi ko naman siya pinansin. Tumuloy na ako sa kwarto ko. Hindi ko pa naisasara ang pinto kaya narinig ko pa ang mga huling salita ni Daddy.
"See that, Clara? That brat really needs a father. Masyado ka kasing malambot kaya lumaking suwail ang anak natin!"
Nakakuyom ang mga palad ko nang sumandal sa dahon ng pinto.
Tama si Daddy na masyadong malambot si Mommy. Pero dahil sa kalambutang iyon kaya kinailangan kong lumaking matigas at matapang para sa aming dalawa.
Nag-beep ang phone ko mula sa bulsa. Nang i-check ko ay si Nelly ang nag-text.
Nelly:
Car, totoo bang break na kayo ni Isaiah at nagkabalikan na sila ni Vivi? :(
Kumibot ang sentido ko. Mukhang pinagchismisan na nila Asher at Miko sa GC namin ang nangyari kahapon. Anyway, totoo naman iyon so bahala na sila sa buhay nila.
Hindi ko nga lang sure kung totoong nagkabalikan na nga agad sina Isaiah at Vivi. Kasi kung totoo man iyon, ibig sabihin lang na habang kami pa, talagang may communication pa rin sila.
Muling nagbeep ang phone ko.
Nelly:
Car, ipaglaban mo si Isaiah. Ikaw ang mahal niya. Hindi ka niya magagawang saktan kaya pls. ipaglaban mo siya!!!!!
'Pinagsasabi nitong babaeng 'to?
Dahil busog naman ako nang umalis kina Jordan ay sumampa na agad ako sa kama. Wala na akong balak lumabas kahit mamayang hapunan. Diretso tulog na ako hanggang kinabukasan.
Nakaka-idlip na ako nang makarinig ng mga katok. Narinig ko rin ang pagtawag sa akin ni Mommy. Hindi ko siya pinansin.
Ilang saglit lang ay nauulinigan kong nagtatalo na naman sila ni Daddy. Nagtakip na lang ako ng unan sa mukha para hindi ko na sila marinig pa.
DAHIL MAAGANG NATULOG ay maaga rin akong nagising nang sumunod na araw. Mabilis ang mga kilos ko dahil ayaw kong makita si Daddy. Pagkaligo at pagkabihis ay aalis na sana ako nang makita kong lumabas ng kwarto nila si Mommy.
Inabutan niya ako ng buong isang libo. "Darling, dagdag sa allowance mo..."
Hindi ko tinanggap. Tiningnan ko lang ang pera.
Lumuntkot ang mga mata ni Mommy. "Carlyn..."
"Masaya ka na ba, Mommy?" mapait na tanong ko sa kanya.
Napayuko siya at hindi nagsalita.
"Papasok na po ako sa school." Tinalikuran ko na siya habang kaya ko pang pigilin ang mga luha ko.
Mahina akong napamura nang paglabas sa gate ay makitang nakatingin sa bahay namin ang mga tao sa may kalapit na tindahan. Pulutan na naman kami ng mga kapitbahay.
Nang papunta na ako sa eskinita ay nakasalubong ko si Aling Cecil na kalalabas lang ng bahay nila. Nakangiti siya sa akin. "Congrats, Carlyn!"
Tumiim ang mga labi ko dahil damang-dama ang sarkasmo sa tono ng ginang. Binilisan ko na ang mga lakad ko at nilampasan siya. Pumasok na ako sa eskinita.
Nakayuko ako habang naglalakad. Ang bigat ng pakiramdam ko at parang hinihila ko na lang ang mga paa ko sa paghakbang. Pero ayaw ko rin namang umabsent dahil ayaw kong mag-stay sa bahay namin at—
"Nag-almusal ka ba?"
Nahinto ako sa paghakbang at napatingala nang marinig ang familiar na boses. Nanlaki ang mga mata ko. "J-Jordan..."
Nakatayo siya sa harapan ko. Nakapamulsa sa suot na school pants at nakatingin sa akin. Preskong-presko at ang aga-aga ay ang guwapo-guwapo.
"B-bakit ka nandito?" nauutal na tanong ko.
"Hininihintay kita."
Napanganga lang ako at walang masabi.
Nang humakbang siya papunta sa akin at kunin ang bag ko ay hindi pa rin ako makakibo. Nakatingala lang ako sa kanya at hindi makapaniwala.
"Maaga pa. Kung di ka pa nag-aalmusal, pwede tayong kumain muna."
Nang akma niyang hahawakan ang aking kamay ay kusa ko iyong naiiwas sa kanya.
Ngumiti naman siya. "Don't worry, I didn't forget about your 3-month-rule. Kakain lang tayo."
"Uhm, as a friend?"
Lalo siyang napangiti. "Yes."
Pero hinawakan pa rin naman niya ang kamay ko.
Bago kami pumasok sa school ay dumaan kami sa isa sa mga gotohan sa bayan ng Malabon. Hindi ako nakatanggi kasi sabi niya hindi pa rin daw siya nag-aalmusal... and gutom na rin ako.
Nagpa-special tricycle kami papuntang school pagkatapos naming kumain. Nag-aabot ako sa kanya ng bente pesos na ambag na hindi niya naman tinanggap. Di ko na rin pinilit kasi last money ko na.
Naalala ko na wala nga pala talaga akong pera. Wala pa akong pang lunch mamaya. Hindi ko naman kasi tinanggap iyong naabot na allowance ni Mommy sa akin kanina. Pero at least nabusog ako sa goto. Pwede na siguro iyong imbak hanggang uwian sa hapon.
Pagpasok sa gate ay nilingon ko si Jordan. "Thank you."
"Sabay tayong umuwi mamaya. I'll wait for you."
Napanguso ako. "Okay lang basta dapat KKB." May bente pa naman ako, kakasya pa iyong pamasahe mamaya pag-uwi. Baka kasi maubos ko na ang allowance niya kakagastos niya sa akin. Nakakahiya sa parents niya.
Kinawayan ko na siya at naglakad na ako papunta sa room namin. Mabilis ang mga hakbang ko dahil sa ibaba ang room nina Jillian na madadaanan papunta sa paakyat sa room namin, ayaw ko na magkita kami. Nahihiya ako sa kanya.
Pigil ko ang paghinga dahil sa kaba habang naglalakas nang mabilis. Malapit na ako sa hagdan kaya makakahinga na sana ako nang biglang may tumawag sa akin.
"Carlyn!"
Napangiwi ako sa lakas ng tawag. Humahangos na papalapit sa akin si Charles. Walang suot na school polo ang lalaki, tanging plain white shirt lang.
"Carlyn, totoo bang nakipag-break ka na kay Isaiah Gideon?"
Pati iyong mga estudyante sa gilid ay napalingon sa akin. Pagtingin ko pa sa pinto ng room nina Jillian ay nakita ko siyang nakatayo roon at nagpapagpag ng blackboard eraser. Nakakunot ang noo niya nang mapatingin din sa akin.
Nasa gilid ko na si Charles at humihingal-hingal pa. "Nakita ko na nag-post si Nelly ng status kagabi. Nalulungkot daw siya kasi wala na kayo ni Isaiah. Totoo ba?"
Napatiim-bagang ako.
Magsasalita pa sana si Charles nang may matangkad na lalaking humarang sa pagitan namin. "Oo break na sila. Ako na bagong boyfriend ni Carlyn. Bakit may angal ka?"
Napanganga ako nang mapatingala. Ang una kong napansin ay ang hikaw ng lalaki sa kaliwang tainga. Shocked na napaatras ako nang makilala siya. Si Hugo!
Nagkulay papel ang mukha ni Charles. "K-kayo na?"
"Oo kagabi lang. Seloso ako kaya layas na!" Itinulak pa ni Hugo sa balikat si Charles. "Dalian mo, mainit ulo ko!"
Bago umalis si Charles ay nanunumbat na tumingin sa akin at pagkatapos ay nagtatagis ang mga ngipin na tumalikod. Parang tanga, bat naman kaya siya galit?
Nang sulyapan ko sa kinaroroonan niya si Jillian ay nagtama ang mga mata namin. Malamig ang mga tingin niya at seryoso ang kanyang maamong mukha. Tumalikod na rin siya pabalik sa room nila.
Ang mga estudyante naman sa gilid namin ay kinikilig habang nakatingin sa amin ni Hugo. And speaking of Hugo, sinamaan ko siya ng tingin nang harapin niya ako.
Nakangisi naman siya sa akin. "O bat ganyan ka makatingin? Niligtas na nga kita roon sa stalker mo e."
"Bwisit! Inutusan ba kita?!" singhal ko sabay tulak sa kanya.
"Bakit ba ang init ng ulo mo ke aga-aga?"
Iyong mga natirang estudyante sa hallway ay pinagsisigawan ko. "Hindi ko boyfriend ito! Hinding-hindi ko ito papatulan!"
Tatawa-tawa lang naman si Hugo. Masaya pa siya sa kagaguhan niya.
Yamot na inilahad ko sa kanya ang palad ko. "Pakalog na lang para may silbi ka."
Nagulat ako nang bigla siyang naglabas ng 200 peso bill mula sa wallet niya, at inabot sa akin. "'Yan! Pasalamat ka good mood ako ngayon!"
"At bakit naman?" curious na tanong ko sabay bulsa agad sa pera. Mahirap na baka maisipan niyang bawiin bigla.
"Secret!" Ngiting-ngiti siya na mukhang tanga.
"Bakit nga?!"
Napakamot siya sa ulo. "Sige na nga, sasabihin ko na." Inakbayan niya ako. "Dito na ulit mag-aaral sa next school year ang BFF natin!"
Namilog ang mga mata ko. Ang tinutukoy niya ay si Sussie!
Napatingala ako kay Hugo. "Weh?!"
"Oo nga. Babalik na sila rito sa Cavite." Masayang pasipol-sipol pa si Hugo nang iwan ako.
Masaya rin naman ako. Good news ang sinabi niya. Si Sussie ang kauna-unahang best friend ko rito sa school. Mas naging close kami noong Grade 8 kami. Nagkahiwalay lang kami dahil kinailangan nilang tumira ng tatay niya sa Bulacan.
Napangiti ako. Namimiss ko na ang best friend ko. Mabait iyon, matalino, saka sosyal. Englisera kaya feeling ko pag kasama ko siya ay sosyal na rin ako. Saka magkasing level ang ganda namin. Na-excite tuloy ako para sa next school year.
Umakyat na ako sa second floor ng Grade 11 building. Sa room namin ay ang aga-aga, ang gulo-gulo na.
Naupo ako sa upuan ko at naglabas ng salamin para manalamin. Tiningnan ko kung may tinga ako dahil kumain kami ni Jordan ng goto sa Malabon kanina.
Habang nananalamin ay may umupo sa tabi ko. Kahit hindi ko lingunin ay kilala ko na kung sino.
"Car..." tawag niya sa akin sa mababang tono.
It was Isaiah. Nakayuko siya at hindi makatingin sa akin.
Lumipas ang mga sandali pero nakaupo lang siya sa tabi ko. Wala siyang masabi. Ni hindi rin makatingin sa akin. Para lang siyang gago riyan.
Nang dumating ang teacher namin sa first subject ay hindi pa rin siya umalis sa tabi ko. Since vacant ang inuupuan niya na dating upuan ni Nelly ay walang nagpaalis sa kanya roon.
May exam kami sa first subject. Nangamote ako pero never akong nangopya kay Isaiah. Kahit lowkey na nag-o-offer na siya, hindi ko pa rin siya pinapansin. Wala akong pakialam kahit mababa ang maging score ko, basta hinding-hindi na ako aasa sa kanya.
Kahit anong gawin niya, masama talaga ang loob ko sa kanya. Habang mas tumatagal na idini-deny niya kasi ang totoo, mas nagagalit lang ako. Para namang hindi niya ako kilala, madali naman akong kausap e. Ang kaso mas pinili niya ang ganito, e di sige, bahala siya.
Pagsapit ng first break namin ay saka lang siya umalis sa tabi ko. Lumabas siya ng room namin. Hinabol ko siya ng tingin. Sa kabilang room ko siya nakitang pumunta. Syempre alam ko na.
'Tapos na ang break nang bumalik si Isaiah. Malamlam ang kakulay ng kadiliman ng gabi niyang mga mata. Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam ko na agad na nadurog na naman siya. Gago lang talaga e.
Ang gago lang talaga ni Isaiah, gustong-gusto niyang nasasaktan siya.
Nang pabalik na siya sa tabi ko ay dinampot ko ang bag niya at inihagis sa lapag. "Ayaw kitang katabi," malamig na sabi ko.
Dinampot naman niya ang bag niya saka siya walang imik at nakayukong pumunta sa likuran, doon sa dati niyang upuan.
Pag alis ng teacher namin ay nag-Facebook ako para tingnan ang post ni Nelly na sinasabi ni Charles.
Nel Ly Lhady Bhosz: @Carlyn Marie Tamayo juzt broke up wd @Isaiah Gideon DV. My favorite couple is no more....! :'( :'( :'(
Lintek! At naka-tag pa pala ako! Huminga ako nang malalim para kumalma. Pilit kong inalala na buntis si Nelly at hindi ko siya pwedeng sugurin sa kanila para sikmuraan.
Lunch break nang tawagan ko si Nelly. Pinagalitan ko na lang ang buntis sa post niya. Sinabi ko rin na kapag kinulit niya pa ako tungkol kay Isaiah ay hindi na ko na siya kakausapin kahit kailan. Mukhang natakot naman. 'Tapos nanghingi sa akin ng pang-load. Boring daw kasi pag free data lang.
Lumabas lang ako saglit para pa-loadan si Nelly ng Go Surf 50. Bumili rin ako ng lunch kong burger at Coke. Bumalik na ako sa room ko pagkatapos.
Habang ngumunguya ng burger ay binibilang ko sa isang kamay ko ang natitira kong pera. 140 na lang, kasama na rito iyong naburaot ko kanina kay Hugo. Mapagkakasya ko pa ito hanggang sa Biyernes. Baka magbaon na lang ako ng kanin at pritong meatloaf bukas.
"Car!" sabay na lumapit sina Miko at Asher sa akin. Galing sila pareho sa labas.
Hindi ko sila pinansin. Nagbingi-bingihan ako. Hindi ko nakakalimutan na pinagtakpan nila si Isaiah sa akin.
"Car, pati ba sa amin galit ka?" Umupo si Asher sa armchair ng upuan na katabi ko.
Hindi ko pa rin sila pinapansin.
"Car, sorry na. Hindi naman namin alam ni Miko na makikipag-away si Isaiah kay Eli. Nagulat na lang kami nang makitang nagbabanatan na sila sa hagdan. Di lang namin masabi sa 'yo kasi baka nga magalit ka."
Umismid ako. "Whatever!"
Napapalatak si Miko. "Ow! I like yowr Pilipino accent. Zey it agen!"
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Di ako nakikipagbiruan."
Siniko naman ni Asher si Miko. "Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa galit na Carlyn!"
"Mga ulaga!"
Hinila ni Miko si Asher. "Tara na, mamimiss din tayo niyan! Basta, Car, dito lang kami palagi para sa 'yo kahit scammer ka."
"Oo nga!" sabi naman ni Asher. "If you need help, just press 1."
"Hindi na mangyayari iyon!" gigil na sigaw ko. Magsama-sama sila nina Isaiah tutal sila naman talaga ang unang mga naging magkakaibigan. "Mula ngayon, wag niyo na akong kausapin dahil hindi ko na kayo tropa. Magkalimutan na tayo!"
Napakamot ng batok si Miko. "Luh e pano iyong utang mo sa aking isang daan?"
Inilabas ko ang coin purse ko at inilabas ang nag-iisang 100 peso bill, at isinalaksak sa dibdib niya. "Ayan na pera mo! Ano, okay na?!"
Natulala naman si Miko. Hindi niya inaasahan na babayaran ko siya. Naluha pa ang mga mata niya habang hawak-hawak ang isang daan na galing sa akin. "Shet, seryoso ka na, Car?"
"Tangina, binayaran ka?!" Parang tanga na naluha na rin si Asher. "Seryoso nga si Car! Shet, no!"
"Lumayas na kayo sa harapan ko!" Pinagpag ko ang notebook ko sa armchair. "Alis, mga pangit!"
"Hoy, magalit ka lang pero wag kang magsinungaling, ah!" sigaw rin ni Asher sa akin. "Sinungaling ka, bad girl!"
"Yes, bad girl!" sigaw rin ni Miko na dinuro pa ako.
Nag-dirty finger ako sa kanila. Gigil na gigil ako, gusto kong lamukusin mga mukha nila.
Nang mapatingin ako sa pinto ng room ay natigilan ako. Nakatayo pala roon si Isaiah. Hindi ko alam kung kailan pa siya roon o kung narinig niya ba ang palitan namin ng salita nina Miko at Asher.
Napalunok ako dahil seryoso at malamig ang mga mga titig niya. Sa tagal naming magkaibigan, ngayon lang siya tumingin sa akin nang ganito.
Nang maglakad siya papasok sa room ay inalis niya na ang paningin sa akin. Wala siyang imik na bumalik sa upuan niya. Hindi na niya ako pinansin pa o nagtangkang lapitan ako kahit may pagkakataon.
Naunang lumabas si Isaiah ng room noong uwian. Ni hindi ako tinapunan kahit na katiting na sulyap.
Sina Miko at Asher naman ay kabuntot niya. Patingin-tingin sa akin ang dalawa pero inirapan ko lang sila.
Mabuti na rin iyong ganito, kasi kung makikipagkaibigan pa ako sa kanila, mas lalo lang akong hindi makakalimot. Saka okay lang naman e dahil sanay naman akong mag-isa.
Lumabas na rin ako ng room nang sa tingin ko ay wala na sila. Pagkarating sa tapat ng gate ay nagulat ako nang makita na nandoon pa pala si Isaiah. Nakasandal siya sa motor niya at nakatingin sa akin.
Hindi pa sana maaalis ang tingin ko kay Isaiah kung hindi ko lang nakitang papalapit si Jordan sa akin. Seryoso ang mukha ni Jordan nang kunin niya sa akin ang bag ko.
Nang pasimpleng balikan ko naman ng tingin si Isaiah ay nakita ko na nakataas ang isang kilay niya sa akin. Ano iyon?
Iirapan ko sana si Isaiah nang hawakan ni Jordan ang aking balikat para sa mapaharap ako sa kanya. Nalilitong tiningala ko siya. At ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makitang seryoso at malamig ang mga titig niya.
"From now on, look at me like I'm the only one that you can see."
JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz