South Boys 2 Heartbreaker
"BAKIT MO AKO INIIWASAN?"
"Huy, di ah!" tanggi ko agad nang makabawi sa pagkabigla.
Napaatras ako dahil hindi man lang siya tuminag kahit nasubsob na ako sa leeg niya. Nang tingalain ko ulit siya ay seryoso pa rin na nakatingin sa akin ang matingkad na naghahalong brown at tanso niyang mga mata.
"Bakit ka pala andito?" painosente kong tanong habang pigil-pigil ang mga labi sa pagngiti.
Umalon ang kanyang lalamunan bago siya seryosong sumagot. "May inutos sa akin."
"Weh?"
Tumiim ang mapula niyang mga labi dahil sa aking reaksyon.
"May inutos daw," nakangusong bubulong-bulong ako.
Pustahan, may crush talaga sa akin ito. Kung wala, e di wala pala siyang silbi.
Mula sa hagdan ay paakyat ang next teacher namin. Nang makita ako ay sumimangot agad ang nasa mid fifties na ginang. "Carlyn, nag-bell na, ano pang ginagawa mo riyan? Nakikipagharutan ka pa—" Natigil sa pagsasalita si Mrs. Buencamino nang makilala niya ang kausap ko.
"Good afternoon po, Ma'am," bati ni Jordan sa teacher ko at mukhang kilala nga siya nito.
"Ay, good afternoon, Jordan." Magiliw na ngumiti si Mrs. Buencamino sa kanya. "Bakit ka pala nandito?"
"May sasabihin lang po sana ako kay Carlyn," magalang na sagot niya.
Ha? Sasabihin sa akin? Akala ko ba may inutos lang sa kanya? Impit akong napahagikhik sa gilid.
"O siya, sige." Tiningnan ako ni Mrs. Buencamino. "Umakyat ka na lang, Carlyn pagkatapos, ha?"
Agad naman akong tumango at nagthumbs up pa. "Opo, Ma'am!"
Nang makalagpas na sa amin si Mrs. Buencamino ay tiningala ko ulit si Jordan.
"Ayos, ah? Lakas mo sa teacher!"
"Pumasok ka na," nakaismid na utos niya.
"O akala ko ba may sasabihin ka?"
Napahagod siya ng buhok gamit ang kanyang mahahabang daliri. "Wala."
"Wala raw. Itatanong mo lang sa akin kung bakit ako naiwas, e!" Humalukipkip ako. "E nakita ko kasing masaya ka na kay Lou kaya nagparaya na ako."
Kumunot ang noo niya. "Lou?"
"Oo! Si Lou!" Inirapan ko siya. "Di pa nga tayo, may iba ka na agad!"
Though may iba pang dahilan ang pag-iwas ko sa kanya, pero kung ano man iyon, limot ko na ngayon. Hehe.
"Hoy! Makabuo kayo ng pamilya riyan!" sigaw ng estudyante mula sa taas ng hagdan. Nagtapon ito ng basura sa trashcan.
Natawa ako pero si Jordan ay kabaliktaran, na-awkward-an yata. Pasimple siyang yumuko at hinilot ng daliri ang kanyang sentido. Nang masilip ko ang mukha niya ay namumula ito. Lalo akong natawa.
"Why are you laughing?" sita niya sa akin. Lalo siyang namula habang kulang na lang ay magbuhol ang makakapal niyang kilay dahil sa pagsasalubong ng mga ito.
Umusli ang nguso ko. "Bakit masama bang maging masaya? Pati pagtawa, issue? Hindi pa tayo pero ang toxic mo na!"
Naglapat ang mga labi niya pero hindi siya nagsalita. Supla-suplado, pikon naman.
"Sige na, alis ka na," nangingiting sabi ko. "Baka start na rin klase niyo. Tama na ito, nasilayan mo naman na ako. Sa susunod naman ulit. Alis na." Itinulak ko siya sa dibdib.
Umatras siya kaya akala ko aalis na talaga siya, ang kaso ay hindi. Hinuli niya ang mga kamay ko na nakahawak sa dibdib niya. Napakurap tuloy ako dahil nakaharap ako ngayon sa kanya.
"Huy..." Parang bigla akong nakuryente sa pagkakahawak niya, hindi ko naman mabawi ang kamay ko dahil ayaw niyang bitiwan. "Huy, ano ba..."
"What?" Nakataas ang isa niyang kilay bagaman ang kislap ng kanyang mga mata ay kakaiba.
Napatingin ako sa itaas ng hagdan dahil baka may bigla na namang dumaang estudyante. "Para kang tanga. Baka may makakita!"
"Akala ko ba matapang ka?"
Nang makabawi ako sa pagkabigla ay umismid ako. "Matapang talaga ako, no. Kaya ko kayang makipag-trashtalkan sa Facebook gamit real account!"
Bahagyang naningkit ang kanyang tingin. "Bully."
Nang-aasar na tiningnan ko naman ang kamay niya na nakahawak pa rin sa akin. "Clingy."
Saka lang tila napapasong bumitiw siya sa aking kamay. Nakasimangot siyang tumalikod pagkatapos. "Pumasok ka na." Pagkasabi'y walang lingon na bumaba na siya ng hagdan.
Hala, ganoon lang iyon? Sumilay lang?
Hindi pa rin ako pumasok. Pinanood ko pa siyang makababa ng hagdan at nang wala na siya, saka lang ako umakyat papunta sa room ko. Ngingiti-ngiti ako nang maupo na sa upuan. Kung kanina ay malungkot ako, ngayon ay maligaya na naman.
"Saan ka galing?" salubong na bulong ni Nelly sa akin. Nakapangalumbaba siya sa aking tabi.
"Nagwiwi."
"Bat ang tagal mo?"
"E marami akong wiwi e, alangan naman putulin ko."
Hindi na nagbago ang aking mood, sa buong klase namin ay ngiting-ngiti ako. Ganado at nagtataas ako ng kamay kapag may tanong ang teacher namin, kahit pa mali naman lagi ang sagot ko.
Nang lumabas saglit ang teacher namin ay lumapit si Miko sa upuan namin ni Nelly. Inakbayan niya agad kami. "Sama kayo maya sa Buenavista. Inuman!"
Tiningnan ko nang matalim si Miko. "Huy, bawal si Nelly!" Alam naman niya na buntis si Nelly, niyayaya pa. Muntanga ang gago.
Ngumisi si Miko. "Huling tagay bago maging nanay!"
"Siraulo!" Binato ko siya ng crumpled paper.
Umiling si Nelly. "Di rin ako pwede Miks, nagkabalikan na kami ni jowa e. Sabay kaming uuwi mamaya sa kanila sa Sta. Clara. Sasabihin niya na sa parents niya iyong tungkol sa kalagayan ko."
"E di ikaw na lang sasama, Car?" baling ni Miko sa akin.
"Keri lang." Nagkibit-balikat ako. "Ano munang pulutan? Kung puro cornicks na naman, pass ako."
"Tibay mo naman magdemand!" Nagusot ang mukha ni Miko. "Lakas mo mamulutan e ang kunat mo naman sa ambagan!"
Napahagikhik si Nelly sa tabi ko.
"Ayoko na palang sumama. Busy ako," sabi ko. Bigla na lang akong tinamad hindi dahil sa wala akong pang-ambag ngayon, at kahit meron ay ayaw ko ring mag-ambag, kung hindi dahil sa bigla na lang talaga akong nawalan ng gana sa alak. Nawalan ako ng gala sa gala. Mas gusto ko na lang umuwi.
Yes, gusto ko nang mag-uwian. Excited na ako!
"Sus, alam mo lang kasi na hindi sasama si Isaiah!" paghuhuli ni Miko sa akin.
Nang bumalik na si Mrs. Buencamino sa classroom ay sinita nito si Miko. "Pangilinan, ano na naman at kung saan-saan ka na naman nakakarating?!"
"Maligalig talaga 'yan, Ma'am!" panggagatong ko. "Bad influence pa!"
Ang sama ng tingin ni Miko sa akin, wala naman ako pake. Basta good mood ako ngayon. Periodt!
Maligaya ako hanggang sa matapos ang klase. Nakalimutan ko na lahat ng masasakit na alaala ng nakaraan kanina. Char.
Pagsapit ng uwian ay nilabas ko agad ang lip tint ko. Nagsuklay rin ako at naligo ng So In Love Bench pink spray cologne. Tatayo na ako para umalis nang biglang lumapit sa akin si Isaiah.
"Tara na," sabi niya sabay dampot ng bag ko at isinabit agad niya iyon sa kanyang balikat.
"Huy, akina 'yan!" Sinikap ko iyong agawin sa kanya pero iniiwas niya.
"Bilisan mo na!" Nauna na siyang lumabas sa akin ng room.
"Huy, ulol ka di ako sasabay sa 'yo!"
Hindi niya ako pinakinggan. Dala niya pa rin ang bag ko habang habol-habol ko siya.
"Angkas na," utos niya sa akin pagsakay niya sa motor. Ang bag ko ay inilagay niya sa unahan niya para hindi ko talaga makuha.
Aawayin ko sana si Isaiah nang masilip ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Napabuntong-hininga na lamang ako at saka umangkas na sa likuran ng motor niya. "Ge, tara na nga."
Nakalabas agad kami ng Pinagtipunan dahil napaaga ang uwian namin. Wala pang gaanong estudyante sa labas, wala pa rin iyong inaasahan kong madadatnang nakatayo sa kanto sa may tindahan.
Pagkarating sa Navarro ay tahimik akong bumaba sa motor ni Isaiah. Siya rin naman ay tahimik lang.
Buong byahe namin ay hindi siya nagsasalita. Hindi niya ako inaasar o binibiro. Ginulo niya lang ang buhok ko at binilinan ako na mag-ingat sa eskinita. Pagkaalis ni Isaiah ay matamlay na lumakad na ako pauwi.
Sa kwarto ko ay bumulagta agad ako sa kama nang walang palit-palit ng damit o kahit maghubad lang ng medyas. Nakatulala ako sa kisame ng magbeep ang aking phone na nasa bulsa ko pa. Kinuha ko iyon at tiningnan.
Kumunot ang noo ko nang mabasa ang text ni Nelly.
Nelly:
Guess what!
May pa-guess what, guess what pa malay sabihin na lang ang sasabihin e. Nagtipa ako ng reply.
Me:
Leche. Ano ba iyon? Sabihin mo na, sayang ka sa load.
Wala na akong balak replyan pa siya sa sagot niya ang kaso ay nanlaki ang mga mata ko sa sunod kong nabasa.
Nelly:
Hinarang lang naman ako ni Jordan Moises Herrara sa gate kanina!
Ha? Napabalikwas ako ng bangon. Napatipa agad ako ng reply. Sa sobrang pagmamadali ko, mali-mali pa ang type ko sa mga letra.
Me:
Bdakit sdaw?!.
Nelly:
Hiningi number mo hihi.
Patipa ulit ako ng reply kay Nelly nang magbeep ang phone ko. Hindi galing kay Nelly... kundi sa isang unknown number.
Nanginginig ang mga daliri ko nang iopen ang message.
+63917852987
I need my jacket and shirt, pupunta ako sainyo.
Umawang ang mga labi ko. Napaisip pa ako nang ilang segundo bago nagsink in sa akin ang text. Nag inhale and exhale muna ako ng ilang beses bago nagtipa ako ng reply sa kanya.
Me:
Labahin iyong jacket saka shirt mo, di ko pa napapalabhan.
Totoo naman, hindi pa nalalabhan ang mga iyon. Sa Sabado pa magpapa-laundry si Mommy. Nasira noong isang araw ang automatic washing machine namin.
Nagbeep ang phone ko, nagreply si Jordan.
+63917852987
It's fine.
Me:
E labahin nga. Papalabhan ko muna mamaya tapos dadalhin ko na lang bukas.
+63917852987
Ngayon ko kailangan.
Me:
Wala ka bang ibang magagamit?
+63917852987
Wala.
Napakurap ako. Wala? Pwede ba iyon?
Mayamaya ay nagbeep ulit ang phone ko. Nagtext ulit si Jordan.
+63917852987
Okay, iyong ballpen ko na lang kukunin ko.
Magtitipa pa sana ako ng reply sa kanya nang may kasunod agad ang text niya. Napanganga na lamang ako nang mabasa ko ito.
+63917852987
Nasa jeep na ako. Sa inyo ako dideretso.
Sa nabasa ay napatayo agad ako. Nagmamadaling naghilamos ako, nagtoothbrush pagkatapos ay nagpalit ng damit.
Maiksing jersey shorts at baby tee na kulay grey ang aking isinuot. Itinali ko paitaas ang buhok ko pagkatapos. May balak pa sana akong mag lashes curler nang marinig kong sumigaw si Mommy mula sa labas ng aking kwarto.
"Carlyn, may bisita ka!"
Dinampot ko ang ballpen na nasa bedside table at inilagay sa bulsa ng suot kong maiksing shorts. "Sandali!"
Kandatapilok ako sa pagpunta sa pinto ng kwarto.
Natulala ako ng ilang minuto nang madatnan ko nga sa si Jordan. Nakaupo siya sa aming sofa.
Dahil straight from the school ay naka-uniform pa siya from white polo, white shirt at slacks pants. Nakamedyas na nga lang siya dahil ang black shoes ay iniwan niya sa may pintuan. Kahit anong oras na, ang fresh pa rin. Ganoon talaga yata kapag behave lang at hindi malikot, hindi pinagpapawisan.
Nang makita niya ako ay tumayo siya. Tila saglit siyang naligalig, bagaman sandaling-sandali lang, dahil pagkatapos ay pumormal na ulit ang kanyang mukha.
"'Sabi ko na di ba, labahin iyong mga gamit mo."
Tumaas ang isa sa makakapal niyang kilay. "Pati ballpen ko?"
Umingos ako. "Magkano lang iyong ballpen mo, pumunta ka pa talaga rito." Though inaamin ko na natutuwa ako na makita siya ngayon. Hindi ko kasi siya nakasabay kaninang uwian dahil sad boi si Isaiah.
Hindi sumagot si Jordan. Nakatingin lang siya sa akin, at nang bumaba ang kanyang kulay tansong mga mata sa aking mga hita, na nakalitaw sa maiksi kong shorts ay mabilis niyang ibinaling sa iba ang kanyang paningin.
Nang maupo siya ulit sa sofa ay tinabihan ko siya. "So bakit ka nga talaga nandito?" pang-aasar ko sa kanya.
Sakto naman na lumabas si Mommy mula sa kwarto. "Carlyn, darling." Umaalingasaw ang mamahalin at mabangong perfume ni Mommy sa hangin.
"San ka punta?" sita ko agad kay Mommy nang makitang bihis na bihis ang babae.
Nakalugay ang straight at itim na itim niyang buhok. Isang maiksing color black bodycon dress ang kanyang suot na sakto sa kanyang perpektong pigura, at lalong nagpatingkad sa kanyang makinis at maputing balat. Bronze Tory Burch doll shoes naman ang nasa mga paa niya. May dalang siyang Louis Vuitton monogram handbag sa kaliwang kamay. Wala siyang make up maliban sa lip tint kaya fresh na fresh ang maamong mukha ni Mommy.
"Birthday ng college friend ko, pupunta ako sa kanila."
"Anong oras ka naman niyan uuwi?"
"Hindi ko alam, darling. Kung magugutom ka, order ka na lang, ha?" malambing na sabi niya. Kumikinang ang tiny dot minimalist gold necklace na tanging aksesorya niya sa katawan.
Yumuko si Mommy para ikiss ako sa pisngi. Pagkatapos ay tiningnan niya si Jordan.
"Ikaw muna bahala sa dalaga ko."
"Ingat po," magalang naman na sabi ni Jordan kay Mommy.
"Walang gagawa ng milagro habang wala ako, ha?"
Napahagikhik ako nang makitang namula ang makinis na pisngi ni Jordan.
"Isara niyo ang pinto at baka pasukin kayo. Carlyn, wag basta magpapapasok ng kung sino-sino, ha?" bilin ni Mommy bago siya tuluyang lumabas.
Funny dahil alam ko na hindi type ni Mommy na nakikipag-tropa ako sa mga lalaki, 'tapos ngayon kay Jordan ay tiwala pa siyang iwan kaming dalawa sa bahay na kami lang.
Isinara ko ang pinto nang wala na si Mommy. Naupo ako muli sa tabi ng nakayukong si Jordan. "Narinig mo? Walang magmimilagro habang wala ang mommy ko."
Nagusot ang matangos niyang ilong bagaman hindi siya kumibo.
"So ano? Kukunin mo na ba ballpen mo?" tanong ko sa kanya na may kalakip na pang-aasar. "Ano ba? May gusto ka yata talaga sa akin e."
Huling-huli ko ang pag-alon ng kanyang lalamunan. Kahit din nakatutok sa amin ang electricfan ay may butil ng pawis na tumulo sa gilid ng kanyang makinis na pisngi.
Hinampas ko siya sa balikat. "Gagi wag ka sa akin, may anger issue ako!"
Narinig ako ang pag-tsk niya.
Maliit na ngumiti ang mga labi ko. "Pa-fall ka, alam mo ba iyon? Sige nga, anong gagawin mo kapag na-fall ako sa 'yo? Maligalig akong magkagusto, baka di mo alam."
Kinuha ko mula sa bulsa ng suot kong shorts ang ballpen niya at inabot iyon sa kanya.
"Huy, Jordan..."
Nang lumingon siya sa akin ay bumaba ang kanyang paningin sa ballpen na inaabot ko.
"Uwi na," nanunukso ang tonong sabi ko. "Ito na ballpen mo o."
Kami na lang rito sa bahay namin. Dalawa lang kami sa sala, at alam ko na hindi niya inaasahan na pwede kaming magkasolo. Hindi niya inaasahan ang ganito. And I was just helping him right now, alam ko na natetensyon na siya kaya mas makakabuti sa kanya kung uuwi na siya.
Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong roon ang ballpen. "Bukas iyong jacket mo naman ang daanan mo rito. Tapos sa isang bukas ulit, iyong tshirt mo naman, pagkatapos niyon ay isip ka na lang ulit ng iba pang dahilan..."
Umangat sa akin ang kanyang paningin at nagulat ako dahil bigla na lang akong napaso, dahilan kaya bumaba ang aking mga mata at natuon sa mapupulang mga labi niya.
Napakurap-kurap ako at pilit hinamig ang sarili. Nag-isip ako ng pwedeng sabihin sa kanya.
"Pag di ka pa umalis, sige ka ikikiss kita," banta ko para lang mailang at matakot siya.
Pero hindi siya tuminag.
Sinikap kong ngumisi para mang-asar muli. "Ay, gustong makiss—"
Ang kaso ay hindi ko na natapos ang aking sinasabi nang biglang bitiwan ni Jordan ang ballpen sa sahig at kabigin ako sa aking batok.
Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod niyang ginawa — siniil niya ng mainit na halik ang aking mga labi!
JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz