Chapter One
"EMILY!"
Napalingon ang dalaga sa tumawag sa kanya. Si Arlene, kaklase at kaibigan niya sa unibersidad kung saan siya kumukuha ng Business Administration. Third year na siya. Kaunting tiis na lang ay makakatapos na siya at makakatulong na rin siya sa kanyang ina at dalawang kapatid na nag-aaral din. Nasa second year high school ang sumunod sa kanya na si Albert at first year high school ang bunso nila na si Angela.
"Jusko, hinapo ako kakahanap sa 'yong babae ka!" Hawak-hawak nito ang dibdib at habol habol ang hininga.
"Kailangan ba kasi na tumakbo ka? O, eto uminom ka nga. Baka atakihin ka pa." Inabot niya dito ang bote ng mineral water. Kinuha nito 'yon at uminom. "Galing lang ako sa library. May kinuha lang akong libro na kailangan ko. Ano bang kailangan mo?"
"Whooo! Nauhaw ako doon, ah." Bumuga 'to ng hininga, sabay ibinalik sa kanya ang bottled water na halos nauubos nito. Kabibili lang niya doon. "Sasama ka ba mamaya? Nag-aaya sila pumunta sa birthday party ni Iza mamayang gabi."
"Ah, invited kayo?" tanong niya, sa tonong pagbibiro.
"Aba, oo naman! Lahat nga tayo invited. 'To naman!" sinundan nito iyon ng malakas na tawa. "Alam mo naman 'yon si Iza, gustong-gusto ipakita sa lahat kung gaano kabongga at kayaman ang pamilya."
"Akala ko pili lang ang mga invited sa birthday party niya."
"So, ano na? G ka rin?"
Ngumiti siya, sabay iling. "Hindi, e."
"Ay! Bakit na naman?" dismayadong sabi nito. "'Wag mo sabihing may trabaho ka mamaya? Um-absent ka muna. Minsan-minsan lang naman 'to eh."
Malungkot na ngumiti siya. "Hindi ako pwede ngayon, Arlene, eh. Kailangan unahin ko muna 'to bago party. Alam mo naman, 'di ba? May sakit si Nanay."
"Ano ba 'yan?" nalulungkot din na saad nito. "Sayang, 'di ka makakakita ng mga pogi mamaya. Sigurado, nandun lahat ng gwapo nating schoolmates. Hihi."
Natawa ang dalaga. "Mas lalo akong walang panahon kung lalaki lang hanap ko. Kayo na lang, i-enjoy niyo ang party."
"Sayang talaga. Pagkakataon mo pa 'yon noh para ibandera ang ganda mo. Alam mo bagay na bagay ka talaga sa mga parties na ganun, mga sosyalan ba? Kasi sayang naman 'yang mala-dyosa mong kagandahan kung panay school at trabaho lang ang iniintindi mo. Mag-chill ka rin paminsan-minsan. Gawin mo 'yon habang bata ka pa."
Kung pwede nga lang. Kaso hindi niya pwedeng isipin ang sarili niya sa ngayon. Dapat isipin niya muna kung paano makakaahon sa buhay, kung paano makakapagtapos ng pag-aaral, at kung paano makakatulong sa pamilya niya. Wala sa isip niya ang magpakasaya, ang mag-party-party tulad ng ginagawa ng mga kaedaran niya.
Hindi siya isinilang na mayaman. Hindi siya isinilang para maging madali ang lahat ng bagay para sa kanya.
Nakasalubong nila ni Arlene ang iba niyang kaklase. Kinumbinse rin siya ng mga ito na sumama pero tumanggi siya. Kahit gustuhin niya ay hindi rin siya makakasama. Wala siyang susuutin at tiyak siyang magmumukha lang syang naligaw kapag pumunta siya sa bahay nina Iza.
Kilala niya si Iza Montenegro. Sikat na sikat ito sa buong university nila. Bukod sa maganda ay ubod din ng yaman ang pamilya nito. Kinaiinggitan ito ng babae sa kanila dahil bukod sa nandito na ang lahat-lahat, girlfriend pa ito ng gwapong captain ng college football team nila.
Minsan ay nakikita niya ang mga ito pero hindi niya gaanong napagtutuunan ng pansin. Abala kasi siya sa ibang mas mahahalagang bagay. Kakatwang sa kanyang edad ay hindi siya masyadong nakakapag-enjoy sa mga bagay na ginagawa ng mga kaedaran niya. Ni hindi niya maranasan ang pumarty, manood ng concert, at maki-bonding sa lakad ng mga kaklase niya. Pagkatapos ng klase niya ay diretso agad siya sa bahay. Magpapahinga lang ng kaunti, kakain, at diretso naman siya sa trabaho. Sa isang coffee shop siya nagtrabaho bilang waitress. Ngunit nag-resign na siya doon, mga two weeks na rin.
Tumunog ang cellphone ni Emily. Nakarehistro doon ang pangalan ni Lorie. Tumitig siya doon ng ilang segundo, bago niya nakuhang sagutin.
"Madam," pabirong bati niya dito.
"O, Emily, nasa school ka pa ba?"
"Nandito pa ako sa school, Madam. Anong meron?"
"Wala ka namang gagawin mamaya pagtapos ng schedule mo sa club, 'di ba?"
"W-Wala naman. Bakit po?"
"May nag-request sa 'yo after ng performance mo mamaya. Sa private room ulit. 'Wag kang mag-alala, mayayaman ang mga 'yon. Siguradong malaki ang makukuha mo, depende sa gagawin mo at ipapagawa sa 'yo. Ano, iko-confirm ko na ba 'to sa yo?"
Napalunok si Emily. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ni Lorie nang sabihin nito sa kanya na depende sa ipapagawa sa kanya ang kikitain niya kapag pumayag siya. Ibig sabihin ay pumapayag siyang lumagpas sa simpleng pagsasayaw at paghuhubad sa customer ang gagawin niya. Malaki na naman ang kinikita niya sa pagsasayaw lang sa club. Kahit iyon lang ang gawin niya ay malaki na rin ang maiuuwi niyang pera. Pwedeng hindian niya iyon. Pero alam niya na mahirap hindian lalo na at malaki ang pangangailangan niya.
Saka, ano ba ang mawawala sa kanya? Ginawa na rin naman niya iyon ng ilang beses. Hinayaan niyang gamitin ng mga lalaki ang katawan niya kapalit ng malaking pera. Pera na alam niyang hindi naman napupunta sa wala at bagkus ay nakakatulong pa sa kanyang pamilya.
"Sayang naman, Emily, kung aayawan mo ulit 'to. 'Yong kagabi nga na inayawan mo, big time customers. Ayun, si Berly nagsa-shopping ngayon sa laki ng kinita niya. Sa iyo sana napapunta 'yon kung 'di ka lang nag-back out."
Si Berly ang sumalo sa inayawan niya kagabi. Ang dahilan niya kailangan niyang bantayan si Angela. Bigla-biglang nilagnat kagabi. Nasa camping ang kapatid niyang lalaki kaya wala siyang maasahan. Hindi naman niya pwedeng pagbantayin ang nanay niya. Alam niyang may sakit ito at 'di makakabuti dito kung pag-alalahin pa ito sa kapatid.
"'Wag kayong mag-alala, 'di ako magba-back out."
"O, magaling! So, confirmed na 'to ha? Ikaw rin ang mawawalan," sabi nito. "Gusto ko lang naman na tulungan ka. Alam ko naman na ginagawa mo 'to para sa nanay mo."
Napangiti siya, kasabay ang pag-iinit ang mata. "Salamat talaga, Madam."
"O, sige sige. Basta maghanda ka para mamaya. At galingan mo. Ikaw talaga ang hinahanap nila. Mabentang-mabenta talaga si Lily sa mga customer natin kaya kailangan bonggahan mo."
Alam niya iyon. Wala pa siyang isang buwan na nagtatrabaho sa Eva's Cave bilang si Lily ay gumawa na ng ugong ang pangalan niya. Mula nang gabing tumapak siya sa stage, hindi na siya nakalimutan ng mga lalaking suki ng club. Siya lang lagi ang gustong i-table ng mga ito at inaabangan na sumayaw sa ibabaw ng stage. Ang pag-indak ng katawan niya ay tila paraiso sa mata ng mga ito. Nakaukit sa kanyang isipan kung paano nagliliyab ang katawan niya sa init ng mga matang nanonood sa kanya. Halos mapaso siya sa pagnanasa ng mga lalaking 'yon na siyang nagpapa-alab sa kanya. At nagbibigay inspirasyon para ipagpatuloy niya ang ginagawa ng walang kahihiyan. Walang inihibisyon. Walang limitasyon.
Dahil sa tuwing ginagawa niya iyon, hindi niya iniisip na siya si Emily. Iniisip niya na hindi siya ang babaeng mahinhin at nirerespeto ng mga taong nasa paligid niya. Siya si Lily.
Si Lily na handang hubarin ang mga saplot para sa pera. Si Lily na handang magpaangkin sa sinumang lalaki kapalit ng pera. Si Lily na gagawin ang lahat para sa pamilya niya.
***
"ARE YOU GOING to Iza's party?"
Bumukas ang pinto ni Rage at bumungad doon si Rael, nakababata niyang kapatid. Kuminang ang silver na hikaw nito sa tenga at ngumisi.
"Nope. I'm going with Gaz."
"What?" Nagsalubong ang kilay nito. "But may birthday party ngayong gabi si Iza and you're his boy—Wait, are you two still together?"
Napangisi si Rage. May narinig siyang pag-asa sa boses ni Rael. Obviously, his younger brother has the hots for his girlfriend. Ibinutones niya ang polo at lumapit dito. "Well, yeah, we're still together."
Napansin niyang bahagyang nawala ang ngiti nito. Mas lalo siyang napangisi. "You want her, don't you?"
Nanlaki ang mata nito. "H-Hindi, ah."
"C'mon, bro. I can see it in your eyes. You want her."
Nag-iwas ito ng mata sa kanya at bahagyang namula ang mukha. Matanda lang siya dito ng isang taon, pero kung titingnan, parang magkasing edad lang sila ni Rael. Magkasing tangkad lang din sila at hindi nagkakahuli ang laki ng katawan nila na hinubog ng ehersisyo. Mas napagkakamalan nga sila na magkabarkada ni Rael kesa sa magkapatid.
"Y-Yes, I like her."
"Inamin mo rin."
Namumula pa rin ang mukha nito. "Well. It's not a big deal. Lahat naman yata ng lalaki sa university, eh, may gusto sa girlfriend mo."
Alam niya iyon. Actually, matagal na niyang alam na may gusto ito sa current girlfriend niya. Lagi niya itong nahuhuling nakatitig kay Iza kapag dinadala niya ang dalaga sa bahay nila. At alam niya ang mga tingin na iyon. Tingin iyon ng isang lalaki na may malalim na pagnanasa sa isang babae. Isang makamundong pangangailangan na gustong mapunan.
Ngunit kahit alam na niya, hindi niya kinokompronta ang kapatid. It's not a big deal for him. It's never a big deal for him... to share what's his.
"Okay." He smirked. Inabot niya ang relo sa side table. Ngayong gabi ang birthday party ni Iza. Dapat ay pupunta siya roon, pero nagbago ang isip niya matapos nilang mag-away ni Iza kanina. Maliit na problema lang na pinalaki ng babae. She was like that. A spoiled brat. Maski kahit anong maliit na bagay, nagiging big deal sa babae and he couldn't take it anymore.
"Okay? Iyon lang ba ang sasabihin mo, Kuya?" Parang hindi nito inaasahan ang reaksyon niya. Humakbang ito papasok sa kwarto niya.
Humarap naman siya sa salamin para ayusin ang buhok niya. Like a teenage boy preparing for his first date. Tiningnan niya ang kapatid sa salamin.
"Why? What are you expecting me to say?"
"W-Wala. I'm just—" Parang nalilitong hinilot nito ang noo at pagkatapos ay tumalikod sa kanya. "Okay, just forget it, bro."
"How 'bout you? Are you going to Iza's party?"
Napatigil ito. "Yes. She invited me. Why?"
A smile curved on his seductive lips. "Because you look like someone who is about to get laid tonight."
Napaubo si Rael. Natatawang nilapitan niya ang kapatid. "Matanong ko nga, Rael. Are you still a virgin?"
"What the fuck?!"
"Just answer me, bro. Promise, I'm not going to laugh at you if you're still a virgin." seryosong saad niya.
"Of course, I'm not!" marahas na sagot nito at salubong ang kilay na nakatitig sa kanya, na para bang nakaka-offend ang tanong niya. Natawa siya. Well, the question is really offensive lalo na kung itatanong mo sa isang McIntosh.
Damn, he was fourteen when he lost his virginity to a woman. But he was not proud to say that, lalo na at minor de edad pa siya ng panahong iyon. Kung nalaman lang iyon ng kanyang ina, tiyak na hinabol siya nito ng sinturon at pinutulan ng isang buwang allowance.
"Okay." Tumingin siya sa orasan. He has to go. Hinihintay na siya marahil ni Gaz. Nilagpasan niya ito. Kapagkuwan ay tinapik niya ito sa likod at inilapit ang bibig sa tenga nito. "Don't worry about it, bro. I'm not selfish. I can do sharing."
"W-What?"
"You can have her."
***
"RAGE, bro, magkita na lang tayo sa Monumento Station. Hindi ko madadala ang kotse ko. May sira pa, eh."
"That's okay, Gaz. Madadaanan ko naman 'yan."
"Sige, bro." Pinutol ni Gaz ang tawag at mabilis na inakyat ang hagdan. Mas mabilis kung sasakay siya ng LRT kesa taxi. Mabigat ang traffic ng oras na 'yon at baka maurat pa ang pinsan sa paghihintay sa kanya. Pumila siya para bumili ng ticket. Hindi naman mahaba ang pila. Sa unahan niya ay isang babae. Medyo mahaba ang buhok at matangkad para sa isang normal na Pinay. Maybe, about five-seven?
Hindi niya mapigilang pansinin ang magandang kurba ng katawan nito. Humahakab ang suot nito sa katawan nito at nagiging kapansin-pansin ang pagkakaroon nito ng magandang pang-upo. Sexy.
Hindi pa man ito lumilingon sa kanya ay nakakatiyak na siyang nagmamay-ari na ito ng magandang mukha.
Tumikhim siya. Sinusubukang kunin ang atensyon ng babae sa harap niya. But he failed. Hindi ito lumingon bagkus ay parang may kinuha sa maliit na bag na dala nito. Nakita niyang inilapit nito ang cellphone sa tenga nito.
Someone was calling her. Maybe, a boyfriend?
"Hello? Madam, nandito pa ako sa LRT... Yes, sasakay pa lang."
She has a seductive voice, he noticed. Iyon ang uri ng boses na kayang makapagpaluhod sa kanya sa pagitan ng hita nito, at maging alipin nito sa ibabaw ng kama.
Fuck, Gaz. Stop it.
Palihim niyang sinermunan ang sarili. Ganoon na ba siya katigang para pagnasahan niya ang babae sa harapan niya? Umiling siya sa sarili. Hindi niya masisisi ang sarili. Halos isang buwan na rin mula nang huli siyang nakipag-sex. And that was with his sexy professor.
He groaned. Damn, bakit pa ba niya iyon naalala? Gusto na niya iyong kalimutan. It was an accident. Hindi niya sinasadya na maikama ang kanyang professor na siyang ina ng girlfriend niya ng panahon na 'yon. He was drunk. He wasn't thinking straight. At naroon ang professor niya, pumunta para kausapin sana siya tungkol sa naging away nila ng anak nitong si Gianna. He didn't know what happened.
Natagpuan na lamang niya ang sarili na nakaupo sa couch niya habang si Mrs. De Guzman ay nakaluhod sa harapan niya, her sexy mouth wrapped around his length, sucking him hard.
Ipinikit niya ang mata at parang biglang sumakit ang ulo niya. Magiging ipokrito siya at sinungaling kung sasabihin niya na hindi niya nagustuhan ang nangyari. He did like it. But it was really an accident. It was not his intention to fuck his English instructor and girlfriend's mom. Nakainom siya at 'di makapag-isip ng tuwid kaya nagkamali siya. Kaya sa sobrang guilt niya, nakipaghiwalay siya sa kay Gianna. Hindi niya naamin dito kung ano ang totoong dahilan. Ayaw naman niyang magkaroon ng away sa pagitan nito at ng ina nito.
Siksikan sa loob ng tren ng pumasok siya. Sa ilang beses na sumakay siya ng LRT ay ito lamang ulit ang pagkakataon na siksikan at halos hindi siya makagalaw sa puno ng tao sa loob. Natigilan si Gaz nang mapansin niya kung sino ang nasa harap niya.
Walang iba kundi ang babae na nasa unahan niya kanina! Hindi siya pwede magkamali. Ito ang babaeng 'yon. Same length of hair. Same height. And same dress. Nakatagilid ito sa kanya at bahagyang nakasandal sa lalaking nasa likod nito. He was able to see her face now and he was right.
She is undeniably beautiful.
Stunning. Gorgeous. Breathtaking.
Mauubusan siya ng salita para i-describe kung gaano ito kaganda. She's really beautiful and he can't stop himself from staring at her.
Nakapikit ito at tila may malalim na iniisip. Pero napakaganda pa rin.
Wala siyang maalala na may ganito kagandang babae siya na nakita sa university nila. Parang gusto tuloy niyang tanungin ito ngayon kung saan ito nag-aaral. Dahil sigurado, lilipat agad siya para makita lang ito araw-araw.
Tumigil sa isang station ang tren at dumilat ito ng mata. Mabilis na nag-iwas siya ng mata. Bahagyang lumuwag ang tren nang lumabas ang ibang pasahero ngunit saglit lang 'yon dahil may mga panibagong pumasok sa loob. Umiba ng pwesto ang babae at tumalikod sa kanya. Dahil sa pumasok, bahagyang napasiksik ito sa kanya dahilan upang lumapat ang likuran nito sa harap niya.
He could smell her cologne. Pumapasok ang halimuyak nito sa ilong niya, tila naghahanap ng maaalipin ang amoy nito. Hindi niya mapigilang gumawa ng paraan upang mas lalong mapadikit dito. Gusto niya ang pabango nito. He was becoming addicted to her scent.
Kung hindi lang siya mahahalata, ilalapat niya ang ilong niya sa leeg nito upang langhapin pa ang halimuyak nito. But, fuck, he was six feet tall and it would be obvious if he do that.
He closed his eyes. Ikinakatuwa niya na wala itong nakakapitan dahilan para mabigyan ng pagkakataon na lumapat ang likuran nito sa katawan niya. Naramdaman niya ang init ng katawan nito na tila humahaplos sa kanyang balat. Dumikit pa ang pang-upo nito sa harapan ng pantalon niya at kahit anong pigil niya, naramdaman niya ang pagsisikip niyon. He was hard and he knew she could feel it.
Ngunit sa imbes na lumayo ito o gumawa ng distansya sa pagitan nila, naramdaman niya na parang mas lalo pa nitong idiniin ang sarili sa kanya. Na para bang hinahayaan siyang iparamdam pa dito ang paninigas ng ari niya.
Napadaing siya, mas lalong bumibigat ang pagnanasa sa puson niya. God, he wanted her. He wanted to fuck her right there. He wanted her to feel his steely length pumping inside her. He wanted to come inside her and let her feel his seed.
Parang gusto niyang suntukin ang sarili sa pagiging mapagsamantala sa sitwasyon nila. Goddamn it, it feels good. But this is not right.
THIS IS NOT RIGHT, GAZ.
Para siyang binuhusan ng tubig at buong pagkukusa na inilayo ang sarili sa babae. Hindi tama ang ginawa niya. Malinaw na kawalan iyon ng pagpapakita niya ng respeto sa babae. Tinuruan siya ng kanyang ina na rumespeto sa babae at huwag mambastos.
At nakalimutan niya iyon.
Lihim na pinagalitan niya ang sarili. Naroon pa rin ang pagnanasa sa katawan niya at malapit pa rin sa kanya ang babae, pero pinipigilan niya ang sarili. Hindi tama ang ginawa niya kanina.
Bahagyang lumingon sa kanya ang babae. Sinalubong ng mata nito ang asul na mga mata niya. Ngumiti ito sa kanya. Iyong uri ng ngiti na inosente ngunit parang nag-aanyaya. Nang-aakit.
Napatiim-bagang siya.
Muling tumigil ang tren at bumukas ang pinto. Binawi ng babae ang tingin nito at humakbang palabas ng tren. Parang gusto niya itong habulin. Gusto niya itong kausapin, kunin ang pangalan nito. Ang number. Ang address.
But it was too late. Muling nagsara ang pinto ng tren at umandar ulit 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz